From Ash to Flame

By SunsetsAndDawns

461 47 6

- A story of finding happiness, purpose, love, and all the good things in life - Flame Salazar, a twenty-four... More

00
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue

02

15 2 2
By SunsetsAndDawns

Trigger Warning !!!

Hanggang sa dumating kami sa bahay ay wala pa rin akong imik. Panay rin ang sulyap ni Ash sa akin habang nagdadrive ako. Bihira lang kasi akong matahimik, saka lang kapag wala sa mood o nasaktan.

"Are you alright?" tanong niya nang mailapag namin ang mga pinamili sa table. Binigyan din niya ako ng tubig para kumalma.

"Nakakainis kasi siya. Sino ba 'yon? Uh! Ang feelingero 'di naman gwapo."

Narinig kong tumawa si Ash habang isa-isang iniaayos ang mga gagamitin niya sa pagluluto. "Talaga bang hindi pogi o baka naiinis ka lang? Ano ba? PMS ka Sis?"

"Baka nga. Ay ewan."

"Oh," sabi niya sabay abot ng carrots. "Make yourself busy. Tulungan mo ako rito."

Mabuti pa nga kaysa sa kung sino-sinong alien ang naiisip ko. Tumayo ako at sinamahan siya sa kusina. This is all I can do to help – prepare the ingredients. Hindi naman kasi ako marunong sa ganoon. Fry and boil lang ang kaya ko, the rest wala na. Kumain kami ng lunch at ako na ang naghugas pagkatapos.

"Tulog ka muna. Ako na rito. Irelax mo puso este utak mo." Kunot-noo ko siyang tiningnan. Isa pa 'to e. Agad naman siyang nag-peace sign bago ngumiti.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Our rooms are separate since kami lang namang dalawa ang narito sa bahay. Dati kasi noong meron pa sina Mommy, iisa ang kwarto namin ni Ash. But when they passed away, we decided na maghiwalay na lang for privacy at para na rin maluwang ang space ng gamit.

Nagising ako nang marinig si Ash na tumatawag sa pangalan ko. I glanced on my wall clock and saw that it's already four in the afternoon. I got up from bed and walked to the kitchen. Malayo pa lang ay amoy ko na ang sauce ng spaghetti. Nagutom tuloy ako bigla.

"Linisan mo na 'yang table. Malapit na 'to," sabi niya. Sinunod ko 'yon saka itinabi ang ilang gamit. Pinunasan ko rin ang table at naglabas ng forks and plates. This is what I love about her, masyado siyang malinis pagdating sa pagkain. Hindi siya gano'n kaorganized sa gamit but wheb it comes to food, kailangan malinis at maayos lahat. Ni ayaw niyang may nakikita siyang dumi sa mesa and it's her rule na after eating, hugasan na 'yong mga pinagkainan within ten minutes. Kasi kapag tumagal daw ay nakakainis. Ewan ko riyan, pareho kaming naiinis sa mga bagay-bagay.

Tinulungan ko siyang maghain. Siya sa spaghetti at ako naman sa salad. Inilabas ko rin ang cake na binili namin kanina. "Congratulations twinny! You're the best writer and sister ever!" sambit ko saka siya nginitian.

"Grabe ka. E ako lang naman ang kapatid mo, 'wag ka nga. Pero thank you na rin for always pushing me to do things lalo na 'pag nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko."

"Eh ikaw lang naman 'tong ganyan e. Nasobrahan nga raw ako sa confidence kaya shineshare ko sa'yo. Sige na, let's eat. No more drama, eww. Ang beauty ko, ayokong umiyak," sabi ko bago kumuha ng salad.

Gano'n lang kami lagi kapag masaya. If one of us makes something good or may achievement, nagcecelebrate kami together. Malungkot kasi wala kaming kasama pero masaya rin kasi it drew us closer. And I know that wherever our parents are, proud sila sa amin.

Naging normal lang ang mga sumunod na araw. Madalas akong wala sa bahay because of modeling. We also started filming for the commercial of Valencia Fragrances. We already settled an agreement. Akala ko nga'y for posters lang pero nang sabihing may commercial ay umoo na rin ako.

If I was busy, Ash was busier. Sa tuwing umuuwi ako, nakasarado ang pinto ng kwarto niya. I often hear her cry especially at night. Gusto ko nga sana siyang tanungin pero baka masira ang focus niya. Dati kasi, she was laughing so hard that I even thought of her as crazy pero nilinaw naman niyang tungkol lang 'yon sa kwentong ginagawa niya.

I can't understand her sometimes. Minsan masaya, 'yon bang sobrang ingay niya at nanyayakap. Minsan naman, nakakulong lang siya sa kwarto niya at saka lang lalabas kung pupuntang banyo o kakain. We're grown-ups now and I understand if we need to live our lives separately. I respect her privacy at ganoon din naman siya sa'kin.

"Good morning Ate," bati niya nang maabutan niya akong kumakain ng agahan.

"You eat before going to work," utos ko. Sa sobrang abala kasi niya ay lagi siyang nag-i-skip ng meal.

"Sa coffee shop na ate, dadaan naman ako ro'n bago pumasok."

Hinayaan ko na lang siya. She was in a hurry and she even forgot to kiss my cheek. Uh! 'Tong babaeng 'to jusko. Baka mamaya may jowa na 'tong bruhang 'to, nako ha.

I finished eating and went straight to Valencia Fragrances. Around Quezon City ang location ng building nila kaya ginamit ko na ang kotse. Ito ang kaibahan namin ni Ash, nasanay siyang magcommute while I hate doing it. Mas gusto kong magdrive kaysa makipagsiksikan sa mataong jeep o MRT.

"Good morning Ma'am. Appointment for?" bungad sa akin ng Clerk.

"Mr. Steel Valencia. Is he here?" I answered.

Rinig ko ang mga bulungan ng ibang empleyado. Their company is big and has many employees. Malinis din ang bawat sulok nito at halatang professional ang mga narito, well, not for some.

"Sino ba 'yan at hinahanap si Sir? Babae niya ba?" Napataas ang isang kilay ko sa narinig ngunit hindi ko sila nilingon.

"Hindi ko alam. Wala namang girlfriend si Sir, okay lang naman siguro 'yan tsaka papasa naman siya sa taste ni Sir Steel e." Yes girl, I know I'm pretty but have you asked me kung papasa sa taste ko ang boss niyo?

"Tsaka tingnan mo. Parang model, ang kinis, ang sexy, ang ganda ng tindig. Papasa na 'tong kabit sa mga teleserye e."

Unti-unti akong lumingon sa kanilang dalawa. Kanina pa ako nagtitimpi sa isang 'to ha. Ini-stress ang beauty ko.

"Uhm hi, I'm Flame Salazar. Kinuha akong model for this company. All I knew was it produces perfumes, I never thought na may mabaho pa rin pala rito."

Napanganga ang empleyadong kanina ay malakas ang loob na laitin ako. I don't usually do this, 'yong pansinin sila. But when it comes to attacking me personally, nag-iiba talaga ang mood ko.

"Oh hi there, Mr. CEO," bati ko sa boss nila. "You make perfumes pero bakit parang may mabaho pa rin, like, someone's breath?" sabi ko saka sinulyapan ang babaeng empleyado.

Kumunot ang noo ni Steel bago sumagot ng, "Uhuh, so we better go to my office to get rid of the trash."

Napa-Ohhh na lang ako sa nangyari. Yumuko naman ang empleyado at nahihiyang naglakad palayo. Yes, Ate girl, leave.

"Why are you so early? Are you really that excited to see me?" Kita mo 'to, masama na ang araw ko'y nakuha pang magfeeling pogi.

I clicked my tongue. "Your name suits you, Bakal. Parehong makapal," sagot ko.

"And yours too. You look hot, Apoy." Bago pa ako makasagot ay dumating na ang secretary niya kasama ang photographer. We talked for a while before we started the photoshoot.

Naging gano'n ang routine ko buong linggo. Hindi kasi kayang iisa or dadalawang araw ang pagshoot since different types of perfumes naman ang imomodel ko. Isa pang rason kaya natagalan kami ay ang pambubwisit ng lalaking ito. Feeling gwapo 'di ko naman gusto. Myghad!

One week has passed since I last saw my twin at talagang miss na miss ko na ang bruhang 'yon. Today's Friday at alam kong maaga ang uwi niya. Half day lang siya tuwing Biyernes kaya dali-dali akong umuwi. I also bought two fried chicken meals from a fast-food chain.

The house looked normal and the lights were off when I entered. It's already six in the evening and I'm sure that she's in her room again, writing. Inilapag ko nang dahan-dahan ang pagkaing binili ko saka tahimik na pinihit ang doorknob ng kwarto ni Ash.

The scene that greeted me was a nightmare. It seemed like a tornado passed through her room that made her things fall and scatter. The papers, pens, and folders were on the floor. White crumpled papers were all over the room but that didn't hinder me to see my twin, lying lifelessly on the cold white floor while holding a cutter.

I rushed to her side and placed my fingers on her wrist. Shocks! It can't be happening. Tinawagan ko si Carl habang nanginginig ang aking mga kamay.

"Please... please help me. My sister... Please." I heard him asked what's wrong pero wala na akong naisagot pa. Umiyak na lang ako nang umiyak hanggang sa madala namin si Ash sa morgue.

Carl stayed with me throughout the week. No one knew what happened, it's just me and him. I didn't want anyone to disrespect my twin's death. Sigurado akong kapag lumabas ang balita'y maraming dadalaw, not that I didn't want them to know, pero dahil kilala ko si Ashley, ayaw no'n ang nagiging sentro ng atensyon.

Almost two weeks na ang nakalipas simula no'ng mailibing si Ash at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na pumasok sa kwarto niya. Wala na ang mga bakas ng dugo, malinis na, ngunit sariwa pa rin sa mga alaala ko ang itsura ng kwartong ito no'n.

I walked to her table and saw a notebook. It looked like a normal one but when I opened it and flipped the pages, I found out the reason why Ashley decided to take her own life and everything was written on the notebook, on her diary.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...