From Ash to Flame

Par SunsetsAndDawns

461 47 6

- A story of finding happiness, purpose, love, and all the good things in life - Flame Salazar, a twenty-four... Plus

00
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue

01

31 4 2
Par SunsetsAndDawns

Having the life that everyone has been dreaming of is both an honor and a curse. Being an influencer requires a lot of adjustments. The way you live often goes with what the world tells you and sometimes, it hinders you to be you.

I am happy, hindi ko na 'yon ipagkakaila. Lahat naman ng tao, may kanya-kanyang definition ng happiness. Mine doesn't lie in money or fame, it is found in someone's eyes. Ashley, my twin sister, became the reason why I wanted to be like this. Ginusto kong maging model para sa kanya and of course, sa sarili ko rin. When our parents died, ako na ang tumayong magulang sa aming dalawa.

We are of the same age but I can feel her softness. Alam kong hindi siya gano'n katapang para harapin lahat ng problemang pwedeng ibato ng mundo. It's not like I'm degrading her, I just don't want something or someone to hurt the only family I have right now.

Today's Saturday and we decided to have a celebration for her promotion. Kung ako ay model, siya naman ay writer. Marami ang humahanga sa galing sa pagsusulat. Even I, walang masabi kun'di "Ang galing mo!" every time na binabasa ko ang mga sulat niya. She works for a publishing company. Hindi naman 'yon gano'n kalaki at hindi rin gano'n kataas ang sweldo niya but I can feel that she's happy with what she is doing.

"Hey, Ashley. Gising na. Aba ano? Hihilata ka riyan maghapon? Sleeping beauty ka girl?" biro ko sabay alis ng kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Ate, five minutes." Aba! Akalain mo 'to. Siya ang nagsabing maaga kaming gigising tapos siya itong ayaw bumangon.

"Babangon o bubuhusan ng malamig na tubig?" puno ng pagbabantang tanong ko.

"Ate naman e," singhal nito.

"Hoy bruha. 'Wag mo akong matawag-tawag na Ate. Magka-age lang kaya tayo, haler?"

"You look so mature so you're my Ate. Ito na, babangon na PO ako ATE FLAME," sagot nito. At talagang diniinan pa ang pagsabi ng 'po' at 'Ate Flame' ha? Kaloka!

"Wash your face na and mumog din. Eww, kadiri," biro ko. Rinig ko naman ang tawa niya hanggang sa makapasok siya sa C.R. I folded her blanket and organized her things. Gano'n ba 'pag writer, magulo na ang utak, magulo pa ang mga gamit?

I went out of her room and waited in the dining area. This is our everyday routine, I wake up early and cook tapos siya naman ang maghuhugas ng mga pinggan. Being with her for twenty-four years brings me smile. Kami na lang kasi ang magkasama, our parents died when we were nineteen kaya todo alaga ako sa kanya kahit pa ang edad nito'y hindi nalalayo sa'kin. Ano ka ba Flame, malamang. Kambal kayo e, I told myself.

"And why is my Ate Flame smiling?" Ayan na naman siya sa pa-Ate Ate niya.

"Hay nako Ash. 'Pag hindi ka tumigil, kakaltukan kita sa ngala-ngala."

Rinig ko ang tawa niyang napakalakas. Hindi ko nga alam kung ba't ang ingay nito sa harap ko pero kapag sa iba, super tahimik naman. If I am the outgoing one, she's my opposite. She prefers to stay inside the house rather than going out and shopping. Kaya nga basta may okasyon ay nasa bahay lang kami.

"Sorry na. Kay aga aga kasi, ang init ng ulo mo," sagot niya sabay subo ng pritong hotdog na niluto ko. "Ano ba 'yan, kailan ka ba matututong magluto? Kapag wala na ako?"

"Ah talaga ba? E kung gumising ka sana nang maaga e 'di masarap ang almusal mo, senyora." Napairap ako at humalukipkip. We're always teasing each other. I don't know why but it makes my mornings complete.

"Sige na. Eat. Sasamahan mo akong maggrocery ngayon." As expected, gulat siyang lumingon sa akin saka kumunot ang noo. "What? You expect me to buy these things by myself?" 'di makapaniwalang tanong ko sabay pakita ng list na sinulat niya kagabi.

"You have lots of admirers. Ba't 'di ka magpatulong sa kanila? Come on, Flame. Pakinabangan natin ang ganda mo," sagot nito habang tumatawa.

"At anong wari mo sa akin, binibini? Isang dalagang gagamitin ang angking ganda upang makapang-akit at makapanlamang ng kapwa?" Napairap ako sa ere. She really loves teasing me and I hate it when she wins.

"Hahaha, sige. But promise me you won't force me to wear your clothes. Ang revealing kaya."

Gano'n kasi dati. Nagpasama ako sa kanya sa isang interview tapos I asked her to wear one of my crop tops. Hindi naman revealing 'yong makita ang pusod 'no. Wala pa ngang two inches ng tiyan niya ang visible sa tao.

"Fine. Wear whatever you want. Basta samahan mo ako ha?" sagot ko na ginantihan niya lang ng isang mapanuyang ngiti. Oo na, Abo, panalo ka na.

I took a bath first dahil nga maghuhugas pa siya. Matagal din kasi akong kumilos kaya ako lagi ang nauuna. Ang dami ko raw kasing 'ritual' na ginagawa bago lumabas ng bahay. When will she ever understand that it's a part of being a woman? I mean, I am beautiful, why not maintain, 'di ba?

Ilang sandali ang lumipas at tapos na siyang mag-ayos. She's wearing a white printed blouse paired with a black denim jeans and snickers. Nakalugay ang kanyang buhok at ang tanging alahas na suot niya'y ang kwintas na bigay ko noong birthday namin.

"Wala na bang ibibilis 'yan?" tanong niya habang sinusuklay ang basang buhok.

"Lipstick na lang, last na. You want?"

"Eww. Saka wala namang lasa 'yan. Didikit lang sa bottle kapag uminom ako. Huwag 'yan, masyadong mapula. 'Yong isa ang gamitin mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. The way I protect her, ganoon din siya sa'kin. She's like a protective dad and a strict mom. Ayaw niyang masyadong makapal ang make-up ko. Hindi naman daw ako clown. Dzuh, sa ganda ko ba namang 'to?

Natapos akong mag-ayos at tiningnan ang sarili sa salamin. Printed blouse, the not-so-revealing and not-so-closed type ang suot ko. I also wore a denim skirt paired with white shoes. After clipping my hair, nauna na akong maglakad palabas at inistart ang kotse. This car is ours, share kami ng pinambili. Last year, October 28, no'ng binili namin 'to for our birthday.

It took us thirty minutes to arrive at the mall. Nagpark muna ako at sabay kaming naglakad.

"Pips are looking. I'm so stunning," bulong ko sa kanya.

"Baka hindi lang sila sanay na may kasama kang pangit, Flame." Kahit gaano niya subukang itago ang lungkot sa boses niya'y ramdam ko pa rin 'yon.

"Shunga. We're twins kaya. I'm pretty, so are you."

"Pretty? Ako? Pretty ba 'yong ang daming pimples, mataba, malapad ang noo, at nakasalamin kasi malabo ang mata?"

Her words stopped me from walking. Wala sa sariling tiningnan ko siya at pinagmasdan. Sure I have a sexier body pero hindi siya mataba. Her forehead suits her eyebrows na manipis ngunit bagay niya naman. Her glasses are there because she's hardworking enough, na sa kakatutok sa papel o 'di kaya'y sa laptop ay lumabo ang kanyang paningin. And her pimples? They're there because it's natural.

"Maganda ka. Listen to me. Don't mind what others are telling you. Sa'kin ka lang makinig, okay? Isang 'pangit ako' ka pa riyan, aahitin ko kilay mo nang magtanda ka," wika ko saka tumawa. Nakitawa na rin siya.

Ganito lang kami mag-usap. Hindi man madalas magka-serious talk at laging nag-aasaran, alam at ramdam namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

Kumuha ako ng push cart habang siya naman ang nakahawak sa listahan ng bibilhin. Nauna kaming pumunta sa pasta and cereals. Favorite kasi niya ang spaghetti at 'yon din ang lagi niyang niluluto. Mine is salad, madali lang kasing gawin. Lutuin lang ang macaroni, tapos halo-halo ng milk and fruits tapos charan! Gano'n lang.

If I am a queen on the stage, my twin's a queen in the kitchen. Lagi siyang nagluluto ng kung ano-ano. One time, she cooked adobo and told me na nag-experiment daw siya but it tasted like heaven. Niloloko ata ako ng Abo na 'to e. Galing niyang magluto. Galing ko namang kumain. Ain't that a cute match? Uhuh!

"Ash, salad? Kahit half lang, please?" Nag-puppy eyes pa ako para lang pumayag siya. Ayaw kasi no'n kapag masyadong marami ang handa, e kami lang namang dalawa sa bahay.

"Half, it is," wika nito bago kumuha ng ingredients.

Habang tulak-tulak ko ang cart ay biglang nagbeep ang cellphone ko. Carl, my gay friend, texted me.

Flame girl! Someone's looking for you. Free ka ba ng 11:00 am today? Dito lang din sa office.

I glanced at Ash before typing a reply: If that won't take long, I am.

Nagreply siya ng thumbs up kaya tinago ko na ang cellphone ko. Marami pa kaming binili ni Ash at agad ding nagtungo sa cashier para magbayad.

"Ash, daan tayong office. May kakausapin lang," sabi ko habang tulak-tulak ang cart ng pinamili namin.

"But..." I knew it. Ayaw niyang makita siya roon. Kahit ilang ulit kong sabihing huwag siyang mahiya o maintimidate, gano'n pa rin ang nararamdaman niya sa tuwing tinatawag ko siya ro'n. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nga puro feelingera ang mga nando'n.

"Yes, yes, I know. If ayaw mong lumabas, kahit sa kotse ka na lang. Saglit lang naman 'yon." Tumango siya at tinulungan akong ilagay ang mga dala namin sa kotse.

I drove for almost twenty minutes bago makarating sa office. Sabado ngayon at wala kaming work pero hindi ko alam kung bakit marami pa ring tao. I went out of the car and walked my way to the office.

"Flameeee!!!" Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ni Carl. "Nako ha, girl. Ayusin mo 'to," sabi niya bago itulak ang pinto at pumasok kasunod ko.

I saw a man sitting on the chair. Sa ayos nito ay halatang professional at mayaman. He stood and offered his hand for a handshake. Tinanggap ko naman iyon bago umupo.

"So Flameyyy..." Fley-mi, ganyan ako tawagin ng bruhang si Carl sa tuwing nagpapacute ito sa mga bisita. "This is Steel Valencia, the CEO of Valencia Fragrances. He's here for a talk."

"Steel? As in bakal?" pabiro kong tanong at lumingon sa lalaking kaharap.

"Flame? As in apoy?" sagot naman nito pabalik at ngumisi.

Bago pa magkaroon ng away sa pagitan namin ay pumagitna na si Carl. "Yes. Steel and Flame. At 'yon nga. Their company wants you to be their model."

Ilang beses akong kumurap bago tumango. Really? Hindi pa naman ako gano'n kasikat para kunin ng isang malaking kompanya pero salamat na rin. Baka ito na ang aking "This is it. It's time to shine" episode.

"Uhh... thank you, Mr. Valencia," I said, now with a more formal tone.

Tumango lang ito bago iabot sa akin ang ilang papeles na siya namang pinirmahan ko. Hmp, gwapo ka sana kung hindi ka nakakainis at masungit. After signing, nagpaalam na ako at dali-daling bumalik sa sasakyan.

"Ampangit ng mukha mo. Ba't ganyan?" inosenteng tanong ni Ash.

"Good news from an evil messenger. Kinuha akong model. Okay na sana e, gwapo sana kung hindi arogante." Iyon lang ang tanging nasagot ko.

"Finally found your match," sagot ng kambal ko.

Habang nagmamaneho ay hindi maalis sa isipan ko ang ngisi ng lalaking 'yon. Unang pagkikita pa lang, nakakainis na. Akala ko hanggang doon lang ang hangganan ng inis ko, akala ko lang pala dahil ang mga sumunod na araw ay naging mas challenging. He's really getting on my nerves and he seems to like it. Kainis!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...