Crazy In Love With You [BOYXB...

By LIAM_SKETCHY

7.2K 719 54

Naranasan nang magmahal ni James noon. Ngunit, hindi naging maganda ang buhay pag-ibig niya kay Pau. Na ngayo... More

PROLOGUE
Chapter 1: James
Chapter 2: James
Chapter 3: James
Chapter 4: James
Chapter 5: Jonathan
Chapter 6: Jonathan
Chapter 7: Jonathan
Chapter 8: Jonathan
Chapter 8.1: James
Chapter 9: Jonathan
Chapter 10: James
Chapter 10.1: Jonathan
Chapter 11: James
Chapter 12: Jonathan
Chapter 13: Avin
Chapter 14: Avin
Chapter 15: Jonathan
Chapter 16: James
Chapter 17: Jonathan
Chapter 18: Jonathan
Chapter 19.1: James
Chapter 19.2: Jonathan
Chapter 20: James
Chapter 21: Jonathan
Chapter 22: James
Chapter 23: James
Chapter 24: James
Chapter 25: Pau
Chapter 26: James
Chapter 27: Jonathan
Chapter 28: James
Chapter 29: James
Chapter 30: James
Chapter 31: France
Chapter 32: Jonathan
Chapter 33: James
Chapter 34: Pau
Chapter 35: James
Epilogue: The Final Chapter
Acknowledgement
Your Suggestions MATTERS

Chapter 36: James

103 6 2
By LIAM_SKETCHY

Sa loob ng maigsing oras at panahon. Sobrang rami ang nangyari sa akin. Ganun rin kila Jonathan, France at Pau, ganun na rin sa mga kaibigan namin. Sa loob ng ilang buwan na magkakasama kami, sobrang nakilala ko na sila. Sobrang minahal ko na sila bilang bagong parte na nang pagkatao at buhay ko.

Isa sila sa napakaraming dahilan kung bakit lalo naging makulay ang buhay ko—kung bakit lalo itong naging makabuluhan. Lalo na si Jonathan, isa siya sa pinakamagandang nangyari sa akin ngayong taon. Hindi ko aakalain na muli akong magmamahal. Muling titibok ang puso ko sa taong minsa’y kinainisan ko.

Habang pinagmamasdan ko sina Pau at France na nagkukuwentuhan. Hindi ko maiwasan ang mangiti sa aking nakikita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging masaya sa likod ng nangyari sa kanilang dalawa. Bukod pa roon, masaya rin ako para sa kanila dahip tuluyan na nilang napatawad ang bawat isa. Parehas na rin nilang nakamtam ang kalayaan na matagal na nilang hinihingi sa kanilang pamilya.

Masaya rin ako, dahil natuto ang mga magulang nila na ituting silang anak. Naroon ako mismong nung araw at oras na kung saan, humingi ang kanilang mga magulang ng kapatawaran sa lahat ng kanilang nagawa. Hindi ko akalain na—sa bigat ng nagawang kasalanan ng magulang nila, nagawa pa rin nilang magpatawad at muling tanggapin ang mga iyon sa buhay nila.

Sabagay, mahalaga pa rin ang pamilya sa bawat aspeto ng buhay. Wala rin namang ibang magpapatawaran kundi ang magkakapamilya rin. Masaya ako para sa kanilang dalawa na muli nilang bubuuin ang pamilyang nasira dahil sa mataas na interes. Natutuwa ako na muli kong nakita ang ngiti sa labi nina France at Pau.

“James—” Dinig kong pagtawag sa akin ni Pau.

Dahil sa ginawang pagtawag sa akin ni Pau, napukaw nito ang aking pag-iisip. Napatingin ako sa kaniya at nagbigay ng isang tingin na nagtatanong. Sumenyas naman ito sa akin na tumabi ako sa kaniyang hospital bed. Napatingin naman ako kay Jonathan at tulad ng aking inaasahan, tanging pagtango na lamang ang kaniyang nai-sagot sa akin.

Ngunit, gagawa pa lamang ako ng isang hakbang ng marinig kong magsalita si Jonathan. “Pau, hindi mo na maaagaw pa si James. Dahil nakatali na siya sa puso ko. Huwag kang magtangka na agawin ang taong mahal ko, kung ayaw mong manatili diyan sa kinahihigaan mo ngayon.”

Napatawa na lamang ako sa naging pagbibiro ni Jonathan kay Pau. Simula nung araw na nangyari ang malagim na pangyayari sa buhay nina Pau at France. Jonathan asked me to talked Pau. At first, wala akong ideya kung ano ang bagay na gusto niyang sabihin kay Pau. That time, doon na pala sinabi ni Jonathan kay Pau na magkarelasyon na kami.

Ikinuwento sa akin iyon ni Jonathan nung gabing pauwi na kaming dalawa. Sinabi niya kay Pau na pagmamay-ari niya na raw ako. Sinabi niya rin kay Pau at nangako siya rito na hinding-hindi niya raw ako sasaktan at paluluhain. Sa mga sinabing iyon ni Jonathan, halos matunaw na ang puso ko. Dahil ramdam na ramdam ko ang kaniyang sensiridad sa bawat salitang binibitawan niya sa akin.

Ikinuwento rin ni Jonathan sa sakin ang naging reaksyon ni Pau. Ang buong akala ko ay against siya sa relasyon na mayroon ako kay Jonathan. Pero, nagkamali ako. Natuwa siya dahil nakakita na raw ako ng isang taong magmamahal sa akin ng totoo at tapat. Dagdag pa niya, na masaya raw siya sa aming dalawa ni Jonathan.

“Masaya ako para sainyong dalawa ni Jonathan. Nahihina man na sabihin ko ito sa ‘yo, pero, sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa kong mali. Sorry, James kung hindi kita napanindigan. Siguro, kaya nangyari ang lahat ng ito, ay dahil may taong tulad ni Jonathan ang mas hihigit pa sa akin sa pagmamahal sa ‘yo.” Pagsasalita ni Pau ng makaupo na ako  sa kaniyang tabi.

“Pau, past is past. Hindi naman ibig sabihin na nangyari ‘yon ay hindi ka naging sapat sa akin. Minahal kita at totoo ako sa nararamdaman ko para sa ‘yo noon. Kaya ‘wag mo nang abalahin pa ang sarili mo sa paghingi ng tawad sa akin. Quota na ako, e. Ngayon, ang isipin mo ay ang magpagaling ka.” Saad ko rito.

Napayuko naman si Pau nang matapos akong magsalita. Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng lungkot sa kaniya. Para bang may kulang na hindi ko alam kung ano o sino. Wala akong magagawa kung hanggang doon na lamang ang pagmamahal ko sa kaniya.

“James, sorry rin sa lahat ng nagawa ko sa ‘yo, noon. Hindi ko naman ginusto lahat ng ginawa ko sa ‘yo from the past. Sana ay mapatawad mo rin ako. At tama ka, kailangan ako ng taonf mahal ko na nasa tabi ko.” Pagsingir ni France sa usapan namin ni Pau.

Napangiti naman ako sa kaniya. At habang pinagmamasdan ko silang dalawa ni Xian. Hindi ko maiwasan na makita ang sarili ko sa kanila kasama ang taong mahal ko na si Jonathan. They’re both sweet to each other. Tulad ng nakikita ko sa kanilang dalawa, ramdam ko na napakasuwerte ni France kay Xian.

Nakatagpo siya ng isang taong magmamahal sa kaniya ng totoo at lubos. Tulad ko, sinubok rin ang kanilang katatagan sa pag-ibig. Pero, ang malaking kaibahan nga lang. Ang pag-ibig ni France at Xian, ay napagtagumpayan nila. Masaya ako para sa kanilang dalawa. At ganun rin ako sa aking kaibigan na si Jess.

I’m so really happy seeing my dearest friend with his boyfriend named Christian. Hindi ko rin akalain na silang dalawa pala ay may relasyon na itinatago. But, as Jess friend, I have to give my whole support to them as he supports me. Masaya ako dahil mayroon akong Jess sa buhay ko—na masasabi kong tunay at totoong kaibigan. Na puwede kong matakbuhan sa lahat ng oras.

“James—” Biglang pagtawag sa akin ni Pau. Napalingon naman ako rito. Hinihintay ang kaniyang sasabihin.

“Salamat sa lahat. Salamat kahit nasaktan kita nariyan ka pa rin para tulungan ako. Thank you so much for helping me a lot.” Habang sinasabi niya iyon, bigla ko na lamang nakita ang mga luhang tumulo sa mga mata ni Pau.

Napatayo ako at inakap siya ng mahigpit, na naging dahilan para mapasigaw si Jonathan sa kaniyang nakita. Hindi ko iyon pinansin bagkus, itinuon ko ang aking sarili kay Pau. Naiintindihan ko ko siya. Ramdam ko ang sakit at pagsisisi sa mga luhang patulot sa pag-agos sa kaniyang mga mata.

“Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala ka lamang.” Pagpapalakas ko ng loob kay Pau.

Napabalik na lamang ako sa reyalidad ng may naramdaman akong masakit na bagay ang tumama sa aking ulo. Napahawak naman ako sa parteng iyon. At tinignan ko ang bagay na tumama sa akin ulo. Nang hawak ko na ito, isang ipit na boses ang aking narinig na nagpipigil ng kaniyang pagtawa.

“Kung alam ko lang na baliw ka, hindi na sana kita pinayagan na matulog rito sa kuwarto ko ngayong gabi.” Pagpaparinig ko sa lalaking kasama ko ngayon.

Napataas naman ako ng kilay, dahil naang matapos kong sabihin iyon ay biglang nawala ang ipit na boses. Naramdaman ko na lamang na may lalaking biglang yumakap sa aking likuran.

“Ikaw kasi, e? Panay salita ko rito kanina pa. Hindi ka naman pala nakikinig. Tulala ka lang—hindi ko alam kung sino ba ‘yang iniisip mo.” Base sa tono ng pananalita niya, mababakas roon ang selos.

Napangiti na lamang ako kay Jonathan. Na animo’y batang nagsusumbong sa akin dahil nararamdaman ko ang nguso niya na humahaba.

“Masaya lang ako kahit sobrang rami ang nangyari nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko alam na malalampasan pala nating lahat ang mga pagsubok na ibinigay sa atin.” Seryoso kong pagsasalita rito.

Inalis ko ang dalawang braso na nakapulupot sa aking bewang. Bakas sa mukha ni Jonathan ang pagtataka. Bago pa man ito makapagsalita, agad ko itong binigyan ng isang halik at ibinalik ko rin ang mga braso niyang nakapulot sa aking katawan.

“Hindi ka pa rin ba makapaniwala na mahal mo na ako?” Napatawa ako ng malakas ng bigla niya itong sabihin sa akin.

“Ako? ‘di ba ikaw ang may gusto sa akin?” Natatawa kong pagsasalita rito.

“Anong ako? Ikaw ‘yon. Nakita pa nga kita sa ulanan nun, sumisigaw ka. Sumisigaw ka na sana ikaw na lang.” Dahil sa aking narinig, nakurot ko si Jonathan sa kabiyang bewang. Na siya namang naging dahilan para mamilipit ito sa sakit.

“Excuse me, hindi ako ang unang nagkagusto sa ‘yo.” Pagsasalita ko.

Tatalikod na sana ako nang wala akong salitang narinig mula sa kaniya. Kaya naman, nilapitan ko ito. Pero hindi ako makapaniwala sa kaniyang ginawa. Nang makalapit ako sa kaniya ay bigla na lamang niya akong binuhat at walang ingat na inilapag sa aking kama.

“Jonathan!? Ano ba ‘tong ginagawa mo?” Gulat na pagsasalita ko rito.

Nagulat ako sa kaniyang ginawa nang bigla na lamang niyang ipinasok ang isang kamay niya sa loob ng aking shirt, habang hawak ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko na nakalagay sa itaas ng ulo ko.

Aaminin ko, mas malakas talaga sa akin si Jonathan. Hindi ko magawang makagalaw sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking mga kamay. Hindi ko rin maigalaw ang aking mga binti—dahil nakapatong siya sa aking dalawang hita.

Nanayo ang aking balahibo sa buo kong katawan ng pabulong itong nagsalita malapit sa aking taenga, “Should we try to have fun tonight? I think, this is the best time for fun—for us, to be as one?”

Halos manlaki ang aking mga mata sa mga salitang narinig ko mula sa kaniya. God. Ito na ba ‘yung delubyo na kinatatakutan ko? Pero, hindi pa ako handa na mapasok ng alaga niya? Hindi pa ako handang masaktan at maramdaman ang kaniyang pagkalalaki sa aking kaibuturan.

Nang walang salita siyang narinig mula sa akin. Naramdaman kong bumaba ito ng kaunti upang magpantay ang aming mga mukha. Hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon ng mukha nya ngayon, dahil mas pinili ko na lamang na ipikit ang aking mga mata. Kaysa sa makita ang mukha niyang nakangiti ng pilyo.

“Let me go, Jonathan. Hindi pa ko han—” Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng siilin ako nito ng halik.

Ang halik na ginagawa sa akin ngayon ni Jonathan—ay halik na para bang puno ito ng pananabik. Ramdam ko rin sa kaniyang halik ang nag-uumpisang sumiklab ng apoy sa loob ng kaniyang katawan. Pero, mas nagulat ako ng may matigas na laman akong naramdaman sa bandang gitna na lalong nagpatindi sa init na aking nararamdaman. Ngunit, bago pa ako madala ng init ng apoy at tuluyang madarang.

Hindi ko man gustuhin ito, pero walang awa kong kinagat ang ibabang labi ni Jonathan, dahilan upang mapabitaw ito sa kaniyang paghalik sa akin. Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon upang bawiin sa kaniya ang dalawang kamay ko na hawak-hawak niya kanina.

“Pervert! Bastos ka! Bastos ka! Bastos ka!” Sunod-sunod ko siyang hinampas ng unan na nasa tabi ko. Wala itong nagawa kundi ang salagin lahat ng hampas na ibinibigay ko sa kaniya ngayon. Nang magsawa na ako sa aking ginagawa, kusa akong tumigil sa paghampas ko ng unan sa kaniya.

“Sorry.” Rinig kong pagsasalita ni Jonathan. Napatingin naman ako sa kaniya na nakayuko ngayon sa aking harapan at nakaluhod.

“Oy! Akala ko ba biruan lang ‘yon?“ Natatakot ako sa kaniya. Hindi dahil sa kaya niya akong saktan. Kundi dahil sa nasaktan ko talaga siya sa mga hampas na nagawa ko sa kaniya.

“Ang sakit lang kasi, e—” Nakita ko naman na hinawakan niya ang kaniyang labi matapos niyang magsalita.

Dahil sa nakiya ko. Nakaramdam ako ng awa at konsensya sa aking nagawa sa kaniya. Hindi ko naman alam na gagawin niya ang bagay na iyon. Kung sa paghampas ko lamang ng unan sa kaniya, alam kong bale wala iyon. Pero, hindi ko alam na nasaktan ko pala talaga siya ginawa kong pagkagat sa kaniyang labi.

“Sorry na. Ikaw kasi, e. Ang pervert mo. Sorry na.” Agad ko itong nilapitan at inakap ko ito ng mahigpit.

Naramdaman kong ngumisi ito ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Ayokong nakikitang nasasaktan si Jonathan miski sa maliit na bagay. Ayoko rin na nakikita siyang lumuluha na ako ang dahilan. Ayokong saktan ang taong mahal na mahal ko.

Bumitaw na ako sa pagyakap ko sa kaniya at inaya ko na ito na mahiga na lamang kaming dalawa bago pa may mangyaring hindi inaasahan. Makalipas ang ilang minuto, kapwa na kami nakahiga sa aking kama—magkatabi at nakaunan ako sa braso ni Jonathan.

Pinili kong matulog na kasama si Jonathan ngayon gabi, patay ang ilaw at tanging mga kuliglig lamang ang maririnig. Habang nakatingin ako sa kisame ng kuwarto, pinakikiramdaman ko si Jonathan kung ito ba ay gising pa o tulog na.

“Jonathan—” Mahina ngunit sapat na iyon upang marinig ni Jonathan ang pagtawag ko sa kaniya.

“Bakit, James?” Taning nito pabalik sa akin.

“Wala naman. Gusto ko lang sabihin na sobrang saya ko dahil nakilala kita. Hindi ko alam na tayong dalawa pala ang para sa isa’t-isa. Ang irony lang, no? Nagkabanggaan lang tayo noon. Tapos ngayon, magkatabi na rito sa higaan ko.” Tumagilid naman ito sa kaniyang pagkakahiga, dahilan upang alisin ko ang aking ulo na nakaunan sa kaniyang braso.

“Yeah. Hindi ko rin akalain na—tayo pala talaga sa huli ang nakatadhana para sa isa’t-isa. James, I just want you to know that—no matter what happen or how hard our situation will be, you always have me. Hindi ako mawawala sa ‘yo. Pangako.” Hindi ko maiwasan ang mapaluha saa mga sinabing iyon ni Jonathan.

I can’t help it but to hugged him so tight. Sa buong buhay ko, ngayon ko lamang ito naranasan. ‘Yung bang may isang taong alam mong mahalaga ka para sa kaniya. ‘Yung isang taong ipaparamdam sa ‘yo na hindi ka nag-iisa. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Jonathan.

“Jonathan, kahit marami akong kulang. Kahit hindi ko maibibigay ang mga pangangailangan mo. Handa akong mahalin ka sa abot ng aking makakaya. Mamahalin kita hanggang sa dulo ng buhay at hininga ko.” Napayakap ako kay Jonathan habang nagsasalita ako sa kaniya.

Maingat niya namang hinahaplos ang aking likurang bahagi upang pakalmahin ako. Sobrang suwerte ko sa taong kayakap ko ngayon. Siguro hindi magliliwanag ang mundo ko, kung hindi ko natagpuan at nakabangga si Jonathan nung unang araw ng School Year.

“Mahal na mahal kita.” Saad ko rito habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.

“Mahal na mahal rin kita, James.” Inalis ni Jonathan ang aking ulo sa kaniyang balikat at maingat nitong hinaplos ang aking mukha.

Napapikit na lamang ako sa ginawang pagpunas niya sa aking mga luha. Matapos iyon, naramdaman ko na lamang ang unti-unting paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. At sa gabin iyon, ang gabi naming dalawa ay napuno ng pagmamahalan. Pinagsaluhan namin ang buong magdamag ng isang matamis na halik at buong pusong kaming sumumpa sa isa’t-isa.

- W A K A S -

Continue Reading

You'll Also Like

207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
274K 2.7K 6
Bata pa lang ay ulila na si Mikko. Pagkatapos mabuntis ang ina ay iniwan ito ng kanyang amang Koreano. Siyam na taon ay namatay naman sa aksidente an...
923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...