Today is the Day

By Dreamerearth

7.1K 364 38

"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: Au... More

N O T E
TITD00
TITD01
TITD02
TITD03
TITD04
TITD05
TITD06
TITD07
TITD08
TITD09
TITD10
TITD11
TITD12
TITD13
TITD14
TITD16
TITD17
TITD18
TITD19
TITD20
TITD21
TITD22
TITD23
TITD24
TITD25
TITD26
TITD27
TITD28
TITD29
TITD30
TITD31
TITD32
TITD33
TITD34
TITD35
TITD36
TITD37
TITD38
TITD39
TITD40
TITD41
TITD42
TITD43
TITD44
TITD45
TITD46
TITD47
TITD48
TITD49
TITD50
TITD51
TITD52
TITD53
TITD54
TITD55
TITD56
Wakas

TITD15

63 5 0
By Dreamerearth

NAKASIMANGOT KONG itinukod ang kamay ko sa armrest habang pinapanood kong magligpit ng gamit. I couldn't believe myself that I passed the short quiz earlier. Sariling sikap kong inintindi at pinakinggang mabuti ang discussion kanina. Nakatutuwa lang sa puso dahil kaya ko rin palang pumasa kahit sa minor subject.

Sumunod ako kay Jazz nang tumayo siya, lumabas sa classroom. Mabuti na lang at hindi sa pinakamataas na palapag ang classroom namin para sa last subject.  Paniguradong hihingalin ako sa pagbaba sa hagdan. Kung sa elevator naman kami sasakay ay punô dahil sa mga estudyanteng ayaw magpagod.

“Susunduin ka ni Chrysler o sasabay—”

“I'll drive her home,” sabat niyang ikinalingon ko sa aming likuran. Nakatayo siya roon, nakasandal sa kaniyang motorsiklo nang nakahalukipkip.

“I get going now,” paalam ni Jazz, tinapik ang balikat ko sabay ngiti.

I bit my lower lip from how handsome he is in front of me. I haven't seen him for how many days. His undercut hairstyle and the way of his dark eyes looked at me, it made me swallow my lump. The way he dressed is stylish and has formality. He is wearing black jeans and a collared shirt; paired with white sneakers.

“You are with him in the entire day?” tanong niya habang ang mga mata ay na kay Jazz, na naglalakad palayo.

Sumingkit ang mga mata kong tumango. “Oo, magkaklase kasi kami.”

Umayos ako ng tayo pagkatapos kong mapansin ang pag-igting ng panga niya at ilipat sa akin ang paningin.

“Wala ka na bang gagawin?” tanong ko dahil baka may gagawin ulit siya, hindi ko makasasama nang matagal.

Umiling siya. Inabot niya ang kamay ko't hinila palapit sa kaniya, kaya medyo napasubsob ako sa dibdib niya.

Ngumiti akong ipinulupot ang braso sa baywang niya at iginapang ko paitaas ang kamay ko. Hinagod ko ang likod niya. Dinadama ko ang init ng yakap niya.

“Maihahatid mo na ba ako o baka mamaya may lakad ka na naman bigla,” natatawang sambit ko.

Nadala na ako sa senaryong ganito. Hindi pa kami nakaalis ng university ay may mambubulabog sa kaniya kaya palaging nagmamadali siyang ihatid ako at hindi ko pa siya nakauusap nang maayos. Sa ganoong sernaryo ay parang hindi ko siya boyfriend, kundi naging driver ko siya para lang ihatid ako pauwi.

Inilayo niya nang kaunti ang katawan niya at bahagyang iyinuko ang ulo para makita niya nang buo ang mukha ko. Tumingala naman ako sa kaniya.

Matamis ang ngiti niyang hinaplos ang buhok ko. “Wala. Nangako akong ihahatid kita ngayon.”

Humalik siya sa aking noo dahilan para mapangiti ako nang abot-langit dahil ramdam ko ang init ng pagdampi ng labi niya sa noo ko. Pagkadilat ko ay humiwalay siya sa aming yakap.

Iminuwestra niya ang motorsiklong nakaparada sa likod niya. Tinapik pa ang upuan. “Hop in.”

Pagkaangkas ko matapos niyang isuot ang helmet sa aking ulo ay umangkas din siya at pinaandar ang motor.

“Would you like to go somewhere before we head to your home?” pasigaw niyang tanong, na sapat lang para marinig ko nang malinaw pagkalabas namin ng university.

“Yes, I want!” masigla kong sagot para marinig din niya nang malinaw.

Nakita ko ang pag-angat ng ulo niya, senyales na tumango ito. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniyang baywang nang bumilis ang pagpapaandar niya sa minamanehong ducati. Isinandal ko ang ulo sa likod niya. Ngayon lang ulit ako nakasakay sa kaniyang motor.

Umahon ako sa pagkakasandal ng aking ulo sa kaniyang likod nang bumagal ang pag-andar. Nag-angat ako ng ulo. Pinagmasdan ang paligid. Napakaraming nakahilerang restaurant at bakeshop sa lansangang ito.

Tinanggal ko ang helmet ko pagkababa niya. Bumuntot agad ako sa kaniya pagkapasok nito sa loob ng jollibee.

May nahanap agad akong bakante. Kinalabit ko siya at itinuro ang nakita. Tumango lang siya sa akin, isinenyas na pumunta na ako roon habang tumitingin siya ng puwede naming makain.

Tinapik ko ang balikat niya. Ipinilig nito ang ulo paharap sa akin, tiningnan akong nakalabi. Ngumiti ako bago magsalita. “Jolly spaghetti, coke float, sundae, and french fries for me.”

Umupo ako sa bakante. Inilagay ko ang backpack bag ko sa upuang katapat ko para walang umupo at hindi kunin ang upuan lalo na at punô na.

Hinanap ng mata ko ang pigura ni Chrysler. Hindi naman ako nagtagal sa paghanap dahil nakita ko siyang nakahalukipkip, nakatayo nang matuwid. Hindi rin maiwasan ng mga babaeng nasa likuran niya ang tingalain siya dahil hanggang dibdib lang niya ang mga itong gaya ko. Mahina akong pumalakpak nang umusad ang pila, malapit na siya sa counter. Tatlong tao pa at siya na ang susunod.

Hindi nagtagal ay dumating din siya. Ako na ang nagpresintang kunin ang mga pagkain sa tray at isa-isang inilapag sa mesa.

Sinimulan ko ang pagkain sa spaghetti. Inihalo ko nang mabuti ang sauce. Amoy pa lang ay natatakam na ako. Nagwawala na ang bulate ko.

Ngumiti ako sa kaniya bago sumubo. Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa mesa.

Nagpapalitan kami ng ngiti kada subo namin. Isinawsaw ko ang french fries sa sundae. Tumigil ako sa pagsubo dahil biglang naramdaman ko ang vibration ng cellphone niya. Tiningnan ko ang caller ID ng nasa phone screen niya.

Imbes na tumimgin ako sa kaniya ay ngumiti ako nang matipid sabay subo ng spaghetti.

“Excuse me,” mahinang sambit niya at narinig ko ang pag-urong ng upuan niya maging ang pagmartsa nito palayo.

Matapang akong nag-angat ng ulo, hindi mawala ang matipid kong pagngiti. Nakita ko siya sa labas, nakangiti at panay ang pagtango niya habang kausap si LJ.

Iniisip kong normal lang ang kasiyahan niya, pero iba ang ipinaparating ng isip ko.

Mabilis akong nagbaba ng tingin nang makitang pumasok siya. Bumalik siya sa pag-upo sa tapat ko. Hinihintay kong ilapag niyang muli ang cellphone niya sa mesa, pero ibinalik niya ito sa bulsa.

“Puwede ka ng umalis kung gusto mo,” nakangiti kong sambit habang hindi nakatingin sa mga mata niya. Pero lingid sa kaalaman niya—sa loob-loob ko ay hindi ako masayang paalisin siya at hindi ko gugustuhing paalisin siya agad.

“Tumatawag si LJ at natatakot siyang mag-isa sa bahay,” sambit niyang nahimigan ko siyang nag-aalala sa kalagayan ng matalik niyang kaibigan doon.

Mapait akong ngumiti sa kaniya at alam kong napapansin niyang hindi ako natutuwa dahil sa titig ng mga mata niya ay nanunuri.

“Puwede ka namang bumawi ulit next time.” Iminuwestra ko ang kamay ko kasabay ng pagtango kong tanggap ko kunwaring paalisin siya.

He let out a harsh breath as he raked his fingers through his hair. “Let's just finish this,” he murmured.

Gusto ko pa sanang tagalan para makasama siya, pero nagmamadali siya at kitang-kita ko sa ekspresyon niya kung gaano siya nag-aalala sa kaibigan niya.

Binalot kami ng katahimikang dalawa at hinayaan ko lang matahimik kami habang inuubos ang pagkain. Gugustuhin kong ubusin muna ito bago ako magbitiw ng mga salita. Ayaw kong masayang ang pagkaing paborito ko.

“Hindi mo ba puwedeng tawagan si Kuya Pele para samahan siya doon sandali?” pagbabago ng isip kong tanong sa kaniya habang padampi-dampi kong ipinupunas ang tissue sa labi ko.

Mabagal siyang umiling. “Ayaw niyang nauutusan iyon.”

Inabot ko ang coke float pagkatapos kong balutin ng tissue. Kinagat ko ang straw sa sinabi niya. “Hindi mo ba puwedeng kausapin si LJ na maghintay siya sandali?”

“She needs me there,” sagot niyang inilingan ako. Kahit hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya ay ramdam kong sa tono pa lang ng boses niya ay nag-aalala siya.

Wala namang magnanakaw sa kanila at bakit siya ganito mag-alala? Hindi ko tuloy alam kung makakampante akong wala silang espesyal na ugnayang dalawa. Hindi ko maiwasang magduda.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. “Hindi mo na ako ihahatid?” Kinamot ko ang noo ko.

“Of course, I'll drive you home first before going home.”

“Okay. Sa bahay ko na lang ito kakainin,” sambit ko sabay turo sa natirang french fries. Inilagay ko sa pocket ng backpack bag ko pagkatapos kong ilagay sa supot.

Isinukbit ko ang bag sa kanang balikat ko 'tsaka tumayo.

“Kainin na natin dito,” pigil niya. Hinawakan ang palapulsuhan ko pero tiningnan ko siya at inilingan.

Gusto ko ng umuwi. Hindi rin magiging maganda ang pagtatapos nito kung ipipilit pa naming tapusin ang pagkain dito dahil nakasisiguro akong anumang oras ay tatawag ulit si LJ sa kaniya.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko pagkatayo niya. Mabilis akong nagmartsa, nangunguna sa kaniya samantalang malalaki ang hakbang niyang tinatawid ang aming agwat para makasabay pa rin niya ako.

Nang maubos ko ang coke float ay itinapon ko ito sa nakitang trash bin. Walang imik kong isinuot ang helmet. Naramdaman ko pang humawak siya sa baywang ko, kinuha niya ang bag kong hindi naman na akong nagmatigas pang hindi ibigay sa kaniya. Inilalayan niya akong umangkas pagkatapos sumunod siya. Nakasukbit ang bag ko sa harapan niya at bago niya paandarin ang motor ay nagsalita siya, “Let’s have a date tomorrow since it is Saturday. You have no Saturday classes, right?”

Tumango ako bilang sagot. Tiyak kong nakita niya iyon dahil nakasulyap siya sa salamin. Kung hindi matutuloy bukas, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko sa kaniya.

**

Hindi ako pinatulog kagabi dahil kinakabahan ako sa mga pumapasok sa isip ko. Natatakot akong magkatotoo ang mga nasa isipan kong maghihiwalay raw kami. Hindi ako handa sa ganoon. Kung maaari nga ay ayaw kong umabot kami sa ganoon, kaya kahit marami akong pagdududa ay hindi ko sinasabi o ipinapahalata sa kaniyang lahat.

Bumaling ang tingin ko sa kaniya. Nakasandal nang prente ang likod sa sofa. Kanina ko pa siya tinatapunan ng tingin, pero parang wala siyang napapansin. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga para kunin ang atensyon niya.

Gusto kong iwasan ang pag-iisip nang kung ano-ano, pero pinag-iisip niya ako ng hindi maganda ngayon sa kaniya. Kaya ba gusto niyang dumito na lang kami sa bahay, at hindi na lumabas dahil para makapag-text siya kay LJ? Sinabi niyang manonood kami ng pelikula, escape room pero wala sa pinapanood ang buong atensyon niya.

Bumusangot ako habang tinitingnan siya. Busy siya sa cellphone niya. Tipa nang tipa ng reply niya at parang walang kasama. Malawak ang ngiti niya dahilan para mainggit ako sa kaibigan niya.

Pasimple akong lumapit sa kaniya saka ko inihilig ang ulo sa balikat niya. Naramdaman ko pa ang kamay niyang itinulak nang marahan ang ulo ko, kaya nag-angat ako ng tingin at umupo nang maayos.

Pilit akong humikab. “Inaantok na ako,” pukaw ko ng atensyon niya pero tinanguan lang niya ako.

Ismid ko siyang tinitigan. “Hindi ka na manonood?” tanong ko baka sakaling sagutin niya.

Natampal ko ang noo ko dahil hindi ko matukoy kung pagtango ang ginawa niya dahil umangat nang kaunti ang ulo niya.

“Papatayin ko na?” tanong ko pa at pagtango ang natanggap ko mula sa kaniya.

Kinamot ko ang noo kong nagpakawala nang malalim na hininga at isang matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya, na nakangiti nang malawak sa harap ng cellphone niya.

“Movie marathon ba ito o. . .” Hindi ko itinuloy ang sinasabi ko.

Ipinikit ko ang mga mata kong isinalita ang nasa isip, “Si LJ ba ka-text mo?”

Pagdilat ko ay naabutan ko siyang tumango-tango at napahagikgik.

Lumabi akong masama masyado ang tingin. “Mahal mo ba ako?”

He nodded and he held his finger up to his lips. I bitterly smiled as my eyes get blurry.

“Gusto mo ba si LJ?”

Sa pagkakataong ito kahit wala sa akin ang atensyon niya ay kinurot ang puso ko sa nakuha kong pagtango-tango niya. Batid kong hindi niya naririnig ang mga tanong ko, pero ang mga pagtango niya, nakasasakit sa damdamin.

“Talaga?” natatawa kong sambit habang sinasabayan ko ng pag-iling. Pinahid ko ang namunuong luha sa mga mata.

Gaya ng inaasahan ko ay pagtango muli ang natanggap ko. I put my hands behind my head while watching him attentively. Until my eyes get sore, I fished out my cellphone and I pressed the message icon to text Jazz too.

To: Jazz

May ginagawa ka ba?

Pambubulabog ko sa kaniya. Baka busy siya pero alam kong magre-reply iyon.

From: Jazz

Hindi naman.

Matipid akong umukit ng ngiti. Mabagal ang daliri kong hinanap ang mga letrang bubuo sa isasagot ko sa kaniya.

To: Jazz

Puwede mo ba akong sunduin dito sa bahay at ipasyal?

I sent. My eyes are shutting down and I let my eyes closed for a while and I immediately open it as I felt the vibration in my chest.

From: Jazz

I thought you're with him. Hindi ka na naman ba niya sinipot?

Napaawang ang bibig ko nang masagi niya ang braso ko dahil muntik ko ng mabitiwan ang cellphone ko, kaya nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya nang nakakunot-noo.

“You are inviting him to go out while I am here. . . with you?”

“Nakangiti ka nang malapad sa kausap mo habang nandito rin ako sa tabi mo?”

He tugged at his shirt collar. “She's bored to death and I told her to don't disturb me but she keeps texting me.”

Mapakla akong nagpakawala nang mahinang pagtawa. “Pero sa akin bawal makipag-text sa iba habang may kausap ka rin?” usisa ko pero ipinaramdam ko sa tonong hindi ako natutuwa.

He's unfair.  Gusto niyang iwasan ko si Jazz at hindi niya rin gawin iyon kay LJ, kahit na hindi ko siya pinagbawalang gaya niya. And now, he's acting like a jealous boyfriend to me?

Kung tatanungin niya akong isang araw kung bakit nagbago ako, siya ang dahilan.

He disheveled his hair and let out a harsh breath. Para siyang stress na stress kausap ako ngayon kahit na nakikipag-usap naman ako sa kaniya nang maayos. Pinapaalala ko lang ang mga ginagawa niya sa akin noong nakaraang araw.

“That's not the point, love. Nagpapasundo ka sa kaniya para pumasyal kayong dalawa at ano ang tingin mo sa akin dito? Hindi ka kayang ipasyal?” hindi makapaniwala ang himig niya sa pagtatanong.

Kinamot ko ang ulo ko at kunwaring ngumiwi. I apologetically looked at him. “Hindi ko naisip iyon. Busy ka kasi,” I mumbled.

“Love, hindi ako busy. Kinakausap naman kita at nandito lang ako sa tabi mong nakikinig,” umiiling niyang paliwanag bilang pagdepensa sa sarili niya.

Namulagat ang mga mata kong natutop ang bibig. “Naririnig mo mga sinasabi ko?” I asked, playing dumb.

“Yes.”

Mapakla akong tumawa dahilan para kumunot ang noo niya. Halos magbanggaan ang dalawang kilay niya da labis na pagtataka.

Tumigil ako sa pagtawa. Tiningnan siya nang seryoso. “Kung nakikinig ka sa akin, ano iyong mga tanong ko?”

Lumapit ako't umikot nang bahagya. Walang paalam akong humiga sa kandungan niya 'tsaka tumingala sa kaniya. Minata ko siya, hinihintay ang isasagot niya pero wala anong natanggap.

“See, you are too focused on your cellphone. Sending text messages to her,” nakaduro kong saad na sinabayan ko pa ng pag-iling.

Yumuko siya. Malamlam ang mata niyang tumingin sa mga mata ko. “I apologize,” maikiling niyang sagot.

Naningkit ang mga mata kong sinuri siya. “Bakit parang nagbabago ka na, love?” walang alinlangan kong usisa.

“Me?” nakaduro niyang tanong at nakataas pa ang dalawang kilay.

“I am not, love,” iiling-iling niyang depensa.

Mas lalong naningkit ang mga mata ko at ngumuso. “Siguro napagkakamalan ko lang na nagbabago ka na, pero parang kasi, e,” rason ko dahil nahahalata ko.

“You are just paranoid. I am still your Chrysler, your boyfriend over a year.” He tucked a lock of hair behind my ear.

“Don't break my heart, please?” malambing kong pakiusap.

“I won't, love. I won't break your heart. I mean it.” Itinaas pa ang palad para ipakitang nangangako talaga siya.

“I want you to be my happy ending,” I said without hesitation.

Gusto kong siya ang una at huli kong pag-ibig kung maaari—kung hahayaan kami ni tadhana para sa isa't isa.

“You and I will have a happy ending.” Maginoo niyang hinaplos-haplos ang buhok ko dahilan para ngumiti ako nang matamis.

Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pag-vibrate ng phone niya. Tiningnan ko siya at ibinaba niya ang cellphone. Ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko.

Itinaas ko ang kamay ko at pinindot ang labi niya. He slightly opened his mouth and gently bit my forefinger that it made me chuckle. Next week will be his birthday but looks like he doesn't remember that next week will be special for him.

Sa akin lang siya at sana ay ganoon din ang naiisip niya para sa akin, na para sa kaniya lang din ako.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 32.6K 47
Infatuation: Sofia and Chad Story [COMPLETED] Reflection: Jade and Ryan Story [COMPLETED]
72.4K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
4.3M 56.4K 35
Being noticed by Lawrence is Abigail's lifelong dream. But when chance turns her dream into reality, she realizes that being with him isn't how she p...
Mine Again By JTSOTIC

General Fiction

3.8M 2.5K 2
Kathryn Delos Santos has amnesia. She forgot all the important things that she got even his fiance that she used to love. Because of an accident, eve...