PERFECT IN BAD [COMPLETED ON...

By Imaryhs

197K 6.2K 937

Nagmahal ako at minahal. Pero hindi siya ang tipo ng lalaking gugustuhin mong makasama palagi dahil sa ugali... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04 -Coincidence Or Scheme?
Chapter 05- Palpak Na Confession Ni Jea
Chapter 06- Unexpected Hero
Chapter 07 -May Good Side Pala Ang Demonyo
Chapter 09 -Seriously, May Sakit Siya?!
Chapter 10- Pink Dress
Chapter 11 part 1 -May Boyfriend na ako!
Chapter 11 part 2 -Confession Ng Lasing
Chapter 12 -Ang Love Letter ni Jea
Chapter 13 -Zean Vs Mattew
Chapter 14 -Team Manager ako ng Devil Monster!
Chapter 15 -First kiss ni Jea kay Zean
Chapter 16 -Shocking Revelation
Chapter 17 -Ha? Ano Daw?!
Chapter 18 -May Something Na!
Chapter 19part 1- The Prince Trio Concert
Chapter 19.2 -Sleep together
Chapter 20 -Where the hell are you?
Chapter 21 -Confused
Charpter 22 -Three Little Bear
Chapter 23.1- Hello Scarleth
Chapter 23.2
Chapter 24
Chapter 25.1
Special Chapter - Ang galit ni Scarleth
Chapter 25.2
Chapter 25.3
Chapter 25.4
Chapter 25.5
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40.1
Chapter 40.2
Chapter 40.3
Chapter 41.1
Chapter 41.2
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 *Final Wave*
Imaryhs Thank you Note
Note ni Imaryhs
Missing

Chapter 08- Palihim na pag-aalala ni Zean kay Jea

4K 147 20
By Imaryhs

Chapter 08- Palihim Na Pag-aalala Ni Zean Kay Jea

“Hi girls!”

I know that voice. Tumigil ako sa pag-gupit ng color paper at tinignan siya. Mukha akong tanga sa lapad ng ngiti ko. Naka-varsity jacket siya. Nakangiti siya sa‘kin. Grabe ang amo talaga ng mukha niya. Kinikilig na naman ako. May dala siyang tatlong C2 and sandwich.

“Hi Mattew!” Nakangiting sabi ni Dorine at kumaway pa kay Mattew.

“Hello.”

“Jea si Mattew.” Siniko ako ni Queency sa tagiliran.

Oo nakikita ko, nakatayo siya hindi mo na ako kailangan sikohin. Hindi ako bulag. Asar ‘tong si Queency. Baka isipin ni Mattew tuwang tuwa ako kasi nandito siya. Pero oo tuwang tuwa ako super!

Tumabi siya sa‘kin. Um-aalingawngaw ang bango ng pabango niya. Ang sarap yakapin.

“Gusto niyo?” Tanong niya sa dalawa tumago sila tapos inabot ni mattew ang C2 and sandwich. He looked at me, “Here. Baka nagugutom ka na.”

Hindi busog na ako nakita na kita! Nakapa-thoughful naman niya.

“Salamat.” Inabot ko ang C2 at sandwich.

“Ohmy.. Jea may kailangan pala kaming gawin mauna na kami.” Tumayo si Queency.

“Ingatan mo ang kaibigan namin ah?” Tinapik ni Dorine sa balikat si Mattew. Nag-nod lang si Mattew tapos nagtakbuhan silang dalawa palabas ng gymnasuim.

Ehh! Alam ko ang style na ‘yan mga bestfriend, mababait din pala kayo. Marunong kayo um-exit kung kailan kailangan. Very good. Masusulo ko si my loves. Kinikilig ang kaluluwa ko.

“Sorry weird ng mga kaibigan ko.”

“No, they‘re funny.” He smile.

“Ah talaga? Parang clown ganon?”

“Medyo haha! Project mo?”

“Hindi kay Zean ‘to, pinagawa niya.” Sabi ko habang kinakagat ang sandwich.

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang nainis na parang nalungkot. Totoo ba ‘tong nakikita ko? Nagseselos ba siya? Ayokong mag-assume pero sa expression ng mukha niya parang sinasabi niyang “Jea nagseselos ako!”

Mattew, may lihim ka bang pagtingin sa‘kin? Sabihin mo na sasagutin kaagad kita. Ora mismo maglalandi na ako.

“Hey, okay ka lang?” Worried kong tanong.

“Yeah, okay lang ako. Sorry..” Napakamot siya sa ulo, “Hmm, Jesha mag-ingat ka kay Zean. He‘s too harsh. Hindi ka dapat sumasama sa kanya. Narinig mo na ba ang tungkol sa kanya?”

Ano daw? Oo.. Medyo harsh si Zean pero hindi siya ‘yung tipong mananakit kahit nag-attempt siyang tadyakan at sampalin ako alam ko hindi niya itutuloy yun. May good side siya. Teka? Nagagalit ba siya kasi kasama ko si Zean. Nagseselos nga siya? Kainis talaga siya! Hindi ko maintindihan ang ugali niya.

“Mattew?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko wala akong masabi.

“Gusto mo papa Mattew nalang ang itawag mo sa‘kin?” He messed my hair while chukling.

Papa Mattew talaga ang tinatawag ko sa‘yo hindi mo lang alam.

I laugh, “Ay, ang weird.”

“Haha! Uhmm, Sige Mattew papa na lang.”

“Haha! Mas lalong weird iyon. Mattew papa? Haha parang macho papa ang dating hehe!”

Tawa kami nang tawa. Wala namang special kaming pinag-usapan nag-kwento lang siya tungkol sa bagay bagay tapos tinutulungan niya ako mag-gupit ng mga ididikit ko sa scrapbook. Ang saya saya ko kasi kasama ko siya. Walang pag-sidlan ang puso ko.

Minsan nahahawakan niya ang kamay ko. Halimbawa, Pareho namin kukunin ang glue sabay kaming napapahawak sa glue kaya counted sa hold hands ‘yun for me. Nakaramdam ako ng kuryente kapag nagkakalapit ang mga kamay namin. Napakalandi ko.

Solong solo ko siya kailangan magtapat na ako. Walang tao walang distorbo the best spot para mag-confess ng feelings. Kinakabahan ako. Pasaway na heart ang lakas ng tibok. Na-f-feel ko na naman ang init na dumadaloy sa katawan ko. Pinagpapawisan ako.

Kaya ko ‘to!

Huminga ako ng malalim.

“Mattew?”

Ito na, sisimulan ko na. Please sana walang Zean na um-epal.

Humarap siya sa side ko, “Why? Shit! Bakit ang pula ng mukha mo may sakit ka ba?”

“Mattew ang totoo niyan gu—”

“Kamusta? Tapos na ba ang project na pinapagawa ko sa‘yo?” Sabi ng lalaking nagsalita sa likod ko.

Tell me i‘m dreaming! Hindi sa kanya ang boses na ‘yun! Sabihin niyo please!

Lumingon ako. Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Si Zean. Nakatayo siya while crossing his arm and wearing his most stupid idiot devilish smirked. Bakit ba lagi nalang? Why? wasak na ang chance ko magka-love life ko! Nakakainis! Bakit dumadating siya sa panahong nagpapacute ako?

Bumagsak ang panga ko.

“Kaya pala ang tagal matapos ng project ko dahil inuuna mo pa ang pakikipaglandian diyan sa lalaking ‘yan.” Bulong niya.

WHAT?!! OMG! SANA HINDI IYON NARINIG NI MATTEW, NAKAKAHIYA!!

Napatingin ako kay Mattew at mukhang wala naman siyang narinig sa sinabi ng demonyong ‘to.

“Diba tinetext kita kanina.” Tumayo ako.

Tenext eh wala nga akong number niya pch.

“Wala akong natanggap!”

Bobo! Malamang wala kang matatanggap kasi hindi naman kita tenext utak nga!

“Eh nagtext nga ako.” Pinandilatan ko siya ng mata.

As in dilat na dilat. Ang manhid niya. Hindi ba siya marunong makiramdam. Kasama ko si Mattew dapat umalis na siya.

“Wala sabi akong natanggap!” He shouted before he poke my head. Magsisimula na ang war.

“Aw! Tanga! Malamang wala kang natanggap kasi wala po akong number sa‘yo kamahalan at kung meron man hindi ko i-s-save dahil hindi tumatanggap ang cellphone ko ng demonyo kagaya mo! hmmp!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis.

“Tss! Ikaw ang tanga! ikaw mismo ang nagsabi na wala akong number sa‘yo eh ba‘t mo ko i-itext, saka tingin mo bibigyan kita ng number ko? Feeling mo!”

“Dapat lang, sikip ka sa contacts ko kung sakali saka hindi mo ba alam ang word na common sense? Palibhasa kasi walang laman ‘yang Zombie brain mo!”

“Shit! Patawa, makapagsalita akala mo meron siya nu‘n. Unang tingin ko palang sa‘yo wala kang utak!”

Pinapainit niya ang dugo ko.

“Ah ganon? Gusto mo ipakain ko ‘tong project mo?”

“Gusto mo ipakal—HMMM!!!” Nataranta ako.

Tinakpan ko ang bibig niya baka kung ano pa masabi niya nasa likod ko lang si Mattew.

Mattew ikaw lang talaga ang gusto ko sana ‘wag kang magseselos huh?

Tinignan ko siya and i saw him smiling. Bakit ka nakangiti? Diba dapat mainis ka or what? Gaya nu‘ng kanina. Guni-guni ko lang ba ‘yun? Bakit naman magseselos si Mattew hindi niya naman ako girlfriend.

Ang sakit. Siguro nga hindi niya ako magugustuhan. Friend lang ang turing niya sa akin hanggang doon lang.

“Para kayong cute na aso‘t pusa kung mag-away.” Tumayo siya.

Aalis kana? Wag muna please.

“HMMM—HMMM-MMM!” Ano daw? Diniinan ko pa lalo ang pagtakip sa bibig niya. Tumahimik ka.

“Ehh?”

“Sige Jea, may next class pa ako. Bye see you around.”

The next moves hindi ko in-expect he gently pinch my nose. I blush. Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hanggang sa hindi ko na siya makita.

Pinisil niya ang ilong ko? Baka oily ang ilong ko tapos pinisil niya yuck kakahiya. Cheneck ko ang nose ko. Napa-sigh ako buti at hindi. Ayaw ko na, tumatambling ang puso ko sa sobrang kilig!

“Yuck. Ang baho ng kamay mo PWEH!” He scoffed while wiping his lips. Ang arte niya.

“Mabaho ka din!”

“What did you just say?”

“Wala! Patawad sa bingi!” Kinuha ko ang bagpack ko at sinukbit sa balikat ko, “Thanks for ruined my crushlife Devil Monster. Ang Epal mo Poochy, isa kang malaking E-P-A-L!”

“Close ba kayo ni Mattew? Iwasan mo ang makipag-usap sa kanya baka isipin ng mga tao may relasyon kayo.”

Ang soft ng boses niya while saying that. Ang itsura niya biglang naging maamong aso na ewan. Sa tuno ng pananalita niya parang ayaw niyang kasama ko si Mattew. Why? Selos din siya? patawa ako. Okay nga ‘yun eh mapagkakamalan nilang mag-jowa kami ni papa Mattew. Ako na siguro ang may pinakamahabang buhok sa balat ng lupa.

“Baka tayo ang pagkakamalan na may relasyon lagi kang nakabuntot sakin.” Pang-aasar ko.

“I am not a fuckin dog!”

“Yes you are!”

“No i‘m not!”

“Yes you are!”

“No i‘m not!”

“Psh. Aalis na ako! Wala kang kwenta kausap. Nasasayang lang ang oras ko sa‘yo.” Niligpit ko muna ang mga kalat ko bago tumalikod.

“Nagsalita ang may kwenta kausap.” He muttered.

Dalawang araw na ang lumipas. Heto ako ngayon nagpapaka-dalubhasa sa pag-papaganda ng scarpbook ng Devil.

Pagod na pagod na ako. Kakayamot! Kakainis! Kakaasar! Kakabanas! Bwiset ka Zean!!! Letcheng project na ‘to ang tagal matapos. Gutom na ako hindi pa ako nakakain wala kasi si mama may out of town sila ni Tito. Nakakapagtampo nga eh, si mama parang wala nang time sa‘kin palaging si tito ang inuuna. CHOS! Drama lang po.

Mayamaya biglang nag-ring ang cell phone ko. Speaking of.

“Hello ma, mabuti at naisipan niyong tawagan ang anak mo. kailan ka ba uuwi?” Pairap kong tanong

“Anak, baka sa next friday pa ako makakauwi. Nasa drawer ko ang ATM mo. Binabalik ko na sa‘yo pero wag kang gastos nang gastos. Wag bumili nang hindi kailangan, OK?”

Nagnining ang mata ko sa sinabi ni mama, “Sige po, kahit two weeks pa kayo, bye ma enjoy.” I smile.

“Teka m—” I hung up the phone.

Tumakbo agad ako sa kwarto ni mama at kinuha ang ATM ko. Hinalik-halikan at niyakap yakap ito.

Yahoo!! Binalik na ni mama ang ATM ko. YES!

Binawi niya kasi ito last month hindi daw ako marunong tumipid. Asus si mama eh, si papa ang naglalagay ng pera doon saka sabi ni papa bumili daw ako kung ano ang gusto ko. At walang makakapigil sa akin.

Mabibili ko ‘yung damit na nakita ko sa mall nu‘ng kasama ko si Zean. Ang cute kasi, feeling ko talaga bagay sa‘kin ‘yun for sure kapag sinuot ko ‘yon magmumukha akong dyosa.

Napatigil ako nang may kumatok sa pinto.

Huh? Sino ‘yon? May bista ako sa ganitong oras? Past 11pm na. Wait? Baka magnanakaw or mamatay tao. Nilooban ako?! Pulis kailangan kong tumawag ng pulis! Mama umuwi na kayo!

Sa sobrang takot ko kinuha ko ang kutsilyo sa kusina at pinakiramdaman ang pinto. Palakas nang palakas ang pagkatok sa pinto.

Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko tapos naginginig pa ang tuhod ko. Sana tinawagan ko sina Queency at Dorine na dito sila matulog. Sana may kasama ako ngayon.

“FUCK! JEA OPEN THIS DAMN DOOR!” Mas lumakas pa ang pagkatok kulang nalang siraiin sa lakas ng katok.

Kilala ako ng magnanakaw? Sikat ba ako?

Sinampal ko ang sarili ko.

Tanga! binitawan ko ang kutsilyo. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang pamilyar na boses niya kaya binuksan ko ang pinto. When i open the door, I think i drop my jaw.

“Hoy, anong ginagawa mo dito? Bakit may pasa ka sa mukha?” I blink twice.

Nakita ko ang magulong buhok at takot na takot na mukha ni Zean. May pasa ito sa gilid ng labi at noo. Parang sumali siya sa marathon dahil hapong hapo ito at kinakapos sa paghinga. Pero kahit ganon ang gwapo pa rin niya mas nakadadag ‘yung pasa sa kagwapuhan niya.

“It‘s nothing. Thank god you‘re okay.” He said, his voice was quite shaking.

Huh?

“Ha? Sinasabi mo?” I agape.

He ignore me instead he came closer to me. He looked directly in my eyes. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mata niya. Bakit Zean?

umaki ang mata ko. Biglang isubsub niya ang ulo niya sa balikat ko.

“OY, Matutumba tayo!” Natatarangtang sabi ko at sabay kaming natumba.

Anak ng tokwa!! Ang bigat niya. hindi ko man lang siya magawang itulak.

Napaupo kami sa sahig tapos nakabaon pa rin ang ulo niya sa balikat ko. ‘Yung isang legs niya natanday sa paa ko. Basta nakadagan siya sa‘kin. Ano‘ng nangyari sa kanya?

“Teka, nasaan ba cellphone ko tatawag ako sa 911!” Natarantang kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko ng humilik siya ng malakas.

“HOY, natutulog ka ba?” Ginalaw galaw ko ang ulo niya na nakatapatong sa balikat ko. Pero humihilik lang siya, “Anak ng tokwa! Ano ‘to? Mukha ba akong unan sa‘yo Zean Calvin? HOY, Wala ka bang matutulugan??! HOY!!”

Langya. Pumunta dito tapos kung ano anong sinasabi iyon pala matutulog lang sa balikat ko mukha ba akong tulugan?

Nilingon ko ang natutulog na si Zean. Ibang iba ang itsura niya kapag natutulog para siyang maamong baby naka-pout pa ang lips.

NO! Bakit na-te-tempt akong halikan ang lips ni Zean? HINDI! Napaka kissable ng lips niya. Malambot kaya ‘to kapag hinalikan? ERASE! ERASE! ERASE!

Tumayo ako. Kinuha ko ang isang kamay niya. Nilagay ko ito sa balikat ko at pinilit siyang buhatin patayo.

Piggy ride back. Ilang plato ba ang kinakain neto. Sobrang bigat niya.

Dahan dahan ko siyang hiniga sa kwarto ko. Ang buto ko nabali ata. Ang likod at ang balakang ko, masakit. Daig ko pa ang nagpenetensya sa lalaking ‘to.

Kinuha ko ang medecine kit sa drawer ko at ginamot ang pasa niya. Bakit parang namumutla siya? May sakit kaya siya?

Hinipo ko ang noo niya.

Shit! Ang init niya.

Tatawagan ko ba ang parents niya para ma-inform sila na nandito ang anak nila sa bahay ko. Bakit kaya siya may pasa nakipagaway naman ‘to sa mga gago diyan sa kanto. napaka-basagulero niya talaga.

Nabigla ako nang dumilat siya at aakmang tatayo. Tinulak ko siya sa noo dahilan, para mapahiga ulit siya sa kama.

“Ay mahiga ka lang diyan ang init init mo.” kumuha ako ng gamot sa kwarto ni mama. Kumuha din ako ng tubig sa ref saka bumalik sa kwarto.

Nakatingin lang siya sa‘kin nang maka-upo ako sa gilid ng kama. Medyo naiilang tuloy ako sa tingin niya.

Don‘t look at me like that, please.

Tapos pinilit ko siyang painomin ng gamot.

“Bakit ka pumunta dito? bakit ka ba may mga pasa sa mukha? Nakipag-away ka ba, huh? Ikaw lang siguro mag-isang nakipagrambulan kaya ka nagkasugat.” Nag-aalalang tanong ko.

“Shit! I came here to check if you‘re okay. Kasalanan mo kung bakit may pasa ako ngayon.” Pairap niyang sabi tapos tumingin sa ibang dereksyon ng kwarto.

What? Huh? Huh? Huh? Pa‘no ko naging kasalanan? Ano‘ng ginawa ko?

Napataas ako ng kilay, “At bakit ako ang may kasalanan? Inaano ba kita?”

“The hell yes! This is all your fault. Kung hindi ka sana umeepal sa buhay ko ngayon hindi ako magkakaganito! Bakit sinabi ko bang inaano mo ko? Wala naman, diba? Tss..”

“Ewan ko sa‘yo! Wag mong sasabihin sa‘kin na kasalanan ko kung hindi naman pala kita inaano!”

“Urgh, shit!” Napahawak siya sa sintido. Tinakpan niya ang mata niya gamit ang kamay niya. “Kasi akala ko inano ka nila.”

“Huh? Sinong nila? Bakit nila ako aanohin?”

Tae. Parang ang bastos ng “inaano” na salita. Salamat at medyo malayo ang kapitbahay namin baka kung ano ang isipin nila. Sa panahon ngayon marami ng green minded. Am i right?

“You sure you‘re okay?” he asked.

“I‘m fine. What‘s wrong with you Mr. Harris?”

“Just don‘t get caught. Don‘t make me feel stupid, understand?!”

“Don‘t get caught saan? At anong i feel you stupid? Baliw ka ba?!” mataray kong sabi.

May mental issues ata ang taong ito. Kung ano ano ang mga sinasabi.

“Mga gagong ‘yun humanda kayo sa‘kin! You all bastard fuck!” He scolded.

“I don‘t get where you coming from. Ang mabuti mong gawin ay matulog bukas magpa-ospital ka baka may something na diyan sa utak mo na mahirap i-explain ng ordinaryong nilalang.” Tumayo ako.

“I don‘t want. Beside i am not crazy like you.” Tumalukbong siya ng kumot at tumalikod ng higa. He's so childish.

“Kung ayaw mo, ‘di wag mo! Walang pumipilit sa‘yo! Correction hindi ako baliw!” Padabog kong sinira ang pinto ng kwarto.

Kinabukasan. Isang magandang Umaga sa mga magaganda at gwapong nilalang. May pasok pala ngayon kaso inaantok pa ako.

I yawned.

Anong oras na ba?

Kinapa ko ang alarm clock. Nanlaki ang mata ko.

7:30 am na? Nako lagot ma-l-late na ako. Pero, Okay lang sa second subject na lang ako papasok since inaatake ako ng katamaran ko.

Saktong paglabas ko sa kwarto ni mama lumabas din si Zean sa kwarto ko. His face was so peaceful ganito ba ang itsura niya kapag gumigising sa umaga? GWAPO pa din. Kung palaging ito ang makikita mo sa pag-gising sa umaga for sure hindi kana mag-aalmusal. He‘s so HOT. Hindi magulo ang buhok niya parang fresh pa siya sa salitang fresh tapos nakakaakit pa ang aura ng face niya.

“Alam ko naman baliwala sa‘yo kung magpapa-cool ako kaya aakto ako ng natural.” He said and yawned.

What natural? He combed his hair using his hands while pouting his lips. What a sight! Ito ba ang natural sa kanya? Natural lang ang pagiging cool and hot niya. OMG! Why i‘m saying this?

“Shit! Hey, what happened to your hair? Looks like a seaweeds.”

Nakasanayan ko kasi tuwing umaga na hindi ako sumusuklay kaya magulong magulo ang buhok ko gaya ng buhaghag na walis tambo. In short, bad hair day.

Uminit bigla ang mukha ko.

“100% ng mga babae ganito ang buhok kapag nagigising kaya ‘wag kang umaktong gulat na gulat dyan.” Mataray kong sabi.

“Ang normal na babae sumusuklay pagkagising sa umaga!” Masungit niyang sabi.

“So, sinasabi mong abnormal ako?”

“Yes! Because you don‘t know how to combed your hair!”

Suklayan mo ko kung gusto mo.

“Pakaialam mo ba? Kanya kanyang trip ‘to, tol!”

“You‘re gonna scared the living shit out of you.”

Inirapan ko siya at hindi pinansin. Dumiretso ako sa kusina para magluto. Naramdaman kong umupo siya at nakatingin sa‘kin. Ewan ko, na-f-feel ko lang naman. Masyado ba akong asumera?

Pagkatapos ko magluto nilapag ko ‘yung plato sa mesa at umupo. Then nagsimula ng lumamon.

“Pagkain ba ng aso ‘to?" Diring diri niyang sabi.

Para siyang abnormal na tinitignan ang niluto ko. Gusto niyong malaman kung ano? Okay, scarmble egg with dinurog na sardinas masarap try niyo. Favorite ko nga eh.

“He.he.he Aso ka naman talaga eh!” I fake smile.

“WHAT?!” He bellowed.

“Kapag natikman mo ‘yan for sure hahanap hapin mo.” Sabi ko at nag-continue kumain.

Nakita ko sumubo siya. Mayamaya sunod-sunod na ang pagsubo niya ng niluto ko. Sabi sa‘yo eh masarap yan try and tested ko na iyan.

“Okay ka na ba?”

“Yeah. Thanks..” He bit his lips like his embarass while saying that.

Tsh. Is this true? He say thank you? A word thank you? Overwhelm.

“Welcome.” I said, shyly.

“Yung bahay niyo, nilooban ba ng magnanakaw kagabe at may hinahanap na mahalagang bagay? Ang gulo gulo.” Sabi niya habang nagpalinga linga ng tingin.

“Hindi magnanakaw ang may gawa niyan.” Umiling ako.

Pati kabastosan ko nakita niya kakainis! Hindi ko nailigpit kagabe ang kalat ko sa paggawa ng scrapbook. Mga nakakalat na unan at mga hindi ko pa natutuping damit tapos ang mga sitsiryang kinain ko.

“Then who?” He look at me in disgust, “You?”

Jolly cow! Don‘t gave me that look Zean. Gusto ko dumaosdos at tumago sa ilalim ng mesa sa kahihiyan!

“Don‘t give me that creepy look. Akala mo kung sino ka. Bakit hindi ka ba nagkakaroon ng kalat sa bahay niyo? For your information, magresearch ka para madadagdagan ang utak mong walang laman kundi puro rambol. Listen,100% ng mga babae makalat din paminsan minsan i‘m sure alam nila Park Shin Hye, IU, at Suzy ‘yun. At ang mga kapwa ko babae.” taas noo kong sabi.

“Ang daldal mo. Dumamay ka pa ng ibang tao. Ang sabihin mo 100% burara ka lang talaga!”

“Makalat lang hindi burara!” Sumubo ako sabay inirapan siya.

“Burara at makalat walang pinagkaiba.”

“Gusto mo mamatay?”

“Do you have a guts to kill me Poochy?” He smirked.

“Iniipon ko pa ang guts na ‘yan.” Tumayo ako, “Pagkatapos mong kumain umalis ka na. Hindi ko na kayang tumagal ka pa ng isang minuto sa loob ng bahay ko. May lahi ka sigurong halimaw ‘no? Every time na malapit ka sa akin napapahamak ako kaya sana please lang, lumayo ka okay? Ako na ang bahalang maghugas ng pinggan.”

Tinalikuran ko siya at umakyat ako sa kwarto para maligo. After 15 minutes nagbihis at nag-ayos ako bago bumaba ng hagdan.

Nasaan na siya? Umalis na kaya? Ang tahimik ng bahay. Wala na siya sa loob malamang umalis na siya. Mabuti naman.

Paglabas ko ng gate muntik na ako himatayin sa kaba nang makitang nakasandal siya sa pader.

“UWAAAH! TINOLANG PALAKA!” Sigaw ko sa sobrang gulat. “Oh, ba‘t nandito ka pa? Ang sabi ko umalis ka na diba?!” Naiinis kong sabi.

“May hinihintay ako!” Sabi niya.

Sino ang kapwa niya asong demonyo?

“Asus, kunwari pa. Ang sabihin mo hinihintay mo talaga ako dahil gusto mo ko.” Pang-aasar ko.

Suddenly his face become crimson.

“Kapal ng mukha mo.” He poke my forehead.

“Ouch! ‘Wag mo sabing pitikin ang noo ko!” I glare at him.

“Nasaktan ka? Ang tigas nga ng noo mo eh.” He smile evily.

“Ewan ko sa‘yo, maghanap ka ng kausap mo..” Hinagis ko ang scrap book niya, “Oh, tapos na salamat ah.”

Tapos naglakad ako palayo.

Tae, ang sakit ng noo ko. Grabe ang lakas niya pumitik.

Naramdaman ko ang pagsunod niya. Mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Bakit sunod siya nang sunod sa‘kin?

Huminto ako at hinarap siya tapos bigla niyang kinakalikot ang ginawa kong scrapbook.

“Tss.. Nag-effort ako para pagandahin ‘yang project mo dahil sinabi mo. Ang nakakainis sa lahat hindi ka marunong mag-thank you. Hindi porket blinack mail mo ko hindi ka na magpapasalamat sa taong nagpuyat at nagtyaga para magmukhang desente ‘yang project mo. Para saan ba ‘yan?” I snorted.

Tinignan niya ako, “Yung letter mo tinapon ko na. Tungkol doon sa tanong mo kung para saan ito, wala ka nang pakialam, okay?”

“Huh?”

“I said, i throw your stupid letter.” Nayayamot niyang sabi.

“Oo. Nadinig ko hindi ako bingi.” I rolled my eyes, “Pero bakit mo tinapon sana ibinalik mo na lang sa‘kin.”

“Because it‘s stupid.” He said coldly.

After saying that he walk in front of me.

Ano‘ng problema niya? Bigla bigla na lang mag-w-walk out dapat ako ang unang nag-walk out hindi siya. Sinabi ba niyang stupid ang letter ko? bakit? Dahil ba masyadong OA ang pag-amin ko? o madrama? o baka hindi nakakakilig or baka hindi kapani-paniwala?

“Zean?” Tawag ko. Hindi niya ako pinansin dire-diretso siya sa pag-lakad. Hinabol ko siya.

“Poochy? Hoy!!”

Still hindi siya huminto. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. Sige kapag ‘di ka huminto masisira ‘tong damit mo.

“Ano ba, huminto ka nga!” Hinigit ko ng malakas ang damit niya. Himinto siya. ‘yung mata niya parang nag-aapoy sa galit. Scary.

“BAKIT BA?!!” Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang expression ng mukha niya sobrang nakakatakot.

“Shit! What?” ‘Yung boses niya biglang naging soft para bang humihingi siya ng sorry dahil sa pagsigaw niya.

“Paano naging stupid ang letter ko Panget ba ang pagkasulat ko? Hindi ba nakakakilig? Hindi ba nakaka-antig ang confession ko? Tingin mo hindi okay?” Sunod sunod kong pagtatanong.

“Argh! Fuck! Don‘t asked me freak! Shit.” He walk away. He keep cursing.

Okay? WHAT THE HECK IS HIS PROBLEM? Nagtatanong lang ako tatawagin akong freak.

“HOY?! MAY AMATS KA BA? ILANG TONICO ANG INOM MO, HUH? HUMIHINGI LANG NG ADVICE EH!!” I yelled.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga taong nagdadaan. Hindi talaga siya tumitigil sa paglakad.

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 65.4K 48
Highest top reach in Teen Fiction #2 In Short story #1 Seriously?! What an extra ordinary love story.
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
650K 12.2K 72
Highest rank #11 in Humor Category Ang ating bidang babae na nagngangalan Fern Jade Tricco ay tunay na nagmamahal kay Light na isang gwapong actor. L...
33.5K 968 62
Paano kung malaman ni Kyra... na ang kinikilala niyang KUYA ay hindi niya pala tunay na kapatid? At papaano naman kung may tutol sa pagmamahalan nila...