Zombie Outbreak: Rise of the...

By Nixzelle_03

8.9K 439 86

Science and Technology is at their peak at our generation. Using this, we create innovations and different us... More

PROLOGUE
ZOROTU 1
ZOROTU 2
ZOROTU 3
ZOROTU 4
ZOROTU 5
ZOROTU 6
ZOROTU 7
ZOROTU 8
ZOROTU 9
ZOROTU 10
ZOROTU 11
ZOROTU 12
ZOROTU 13
ZOROTU 15
ZOROTU 16
ZOROTU 17
ZOROTU 18
ZOROTU 19
ZOROTU 20
ZOROTU 21
READ BEFORE PROCEEDING
ZOROTU 22
ZOROTU 23
ZOROTU 24
ZOROTU 25
PART II: Special Chapter
ZOROTU 26
ZOROTU 27
ZOROTU 28
ZOROTU 29
ZOROTU 30
ZOROTU 31
ZOROTU 32
ZOROTU 33
SPECIAL
ZOROTU 34

ZOROTU 14

134 13 0
By Nixzelle_03

CHAPTER 14:
11th day of the Outbreak: Aftermath


3rd Person's POV

It's been 3 days since they last went out. Tatlong araw na silang nakakulong sa Hotel at pinanghihinaan ng loob. Nag-uumpisa na naman silang matakot. Wala nang gustong lumabas sa kanila dahil baka pa mapahamak sila.

Each and everyone is getting paranoid and ptotective. Lalo na si Hera na ayaw nang malagasan pa ang kanilang grupo. She's very terrified especially because it seems like they're getting picked off one by one.

Nagmumukmok sila at nagluluksa sa pagkawala na naman ng iba nilang kasama. Three days ago, they lost Tyler and Theo... Madami ang nagulat sa nangyari. Umuwi nga sila na may nakuhang magandang impormasyon, may napahamak naman sa kanila bilang kapalit.

"Guys.. Cheer up." Cyan said.

Napailing si Erin sa pinaggagawa ng mga kasama niya. "I don't understand them. That's already expected. Normal na may mamatay talaga sa amin. Don't expect that everyone will survive because that's impossible. This is reality. Dapat hindi na sila ma-attach masyado kasi masasaktan lang sila." isip isip pa ni Erin.

Unlike the others, mas maayos ito at hindi apektado sa pangyayari. Although Cyan, Marco, Chum and Agatha was also hurt, they're trying to still be happy and not be affected.

Hunter sighed. "Hey, stop sulking. Its not yet the end." naiinis niyang saway sa mga ito. Naiintindihan niya ang pagdadalamhati at pagluluksa nila nung nakaraang araw pero hindi na yun maaari pang magpatuloy. Paano nalang ang sarili nilang buhay? Magpapaka-duwag na lang ba sila?

They really won't have any future if they don't do something for themselves.

"Hayaan nalang muna natin sila." Mahinang bulong ni Marco kay Hunter. May pagka-insensitive pa naman ang lalaki. Mamaya kung ano na naman ang masabi nito sa mga kasama na mas lalong ikasasama ng loob nila.

Listening to them, Isabella's heart sank. Isa siya sa huling mga nakasama nina Tyler. Palagi siyang binabangungot dahil sa nangyayari. Nababagabag siya lagi sa dami ng dapat niyang ipaliwanag sa mga kasama. Natatakot siya sa maaaring mangyari.

Unlike the first week, their mood seems to worsen. Buti noon kahit natatakot sila ay nagagawa pa nilang magbiruan, magtawanan at mag-asaran. They became gloomy and the whole floor became silent except for some mumbles and whispers.

"Gusto ko ng umuwi." mahinang bulong bulong ni Mira. Most of the time, people see her as someone responsible and mature but deep inside, she's just trying to stand up for herself. Something she's used on doing, pretending everything's under control and calm even if everything's falling apart.

"Hoy! Tama na yan! Mamaya mahipan ka ng hangin!" pambubulabog ni Cyan kay Mira.

Muntik ng mapasigaw ang kawawang babae sa sobrang pagkagulat. Sapo niya pa ang dibdib niya kung nasaan banda ang puso niya.

Nakasimangot na hinarap ni Mira si Cyan na tatawa-tawa lang sa epic niyang reaksiyon. "Grabe ka! Alam mo bang muntik na akong ma-heart attack!" sigaw niya pa sa babae.

"Oa naman nito. Oy! For your information, wala kang sakit sa puso noh!" Cyan retaliated back to Mira. Dahil sa ingay nila ay nakisama na rin ang ibang girls na kasama nila sa kwarto.

"Ano na naman ba yang pinag-uusapan niyo?" kuryosong tanong pa ni Chantal. She excitedly jumped to the bed they're in and cuddled them. Nainggit naman si Jasmine at nagtatakbo rin papunta sa kanila at parang nasa swimming pool na tumalon sa kama na animoy nag-cacanon ball. Buti nalang malambot yung kama at may kalakihan naman.

"Paganyan-ganyan ka, mamaya bumukas yung sugat mo sa hita!" saway din ni Isabella sa kaniya.

"Nah.. I'm all healed up don't worry." ngising sagot lang ng babae at tumabi rin sa kanila. Sa kalayuang higaan naman ay tahimik lang sina Agatha at Gianna na palaging masungit.

"Halina kayo dito! Kunwari pa kayo diyan eh." nangingiting tawag ni Iris sa kanila at magkasabay silang naupo ni Stella sa kama ni Mira kung saan magkakasama sila. Umiling lang si Agatha habang umirap si Gianna sa kanila.

"Kunwari pa kayo! Sige na! Bilis.... or... kung ayaw niyo talaga.. Pwede naman kaming lumipat sa kama niyo." pilyang saad ni Jasmine na ikinangiwi ng dalawa. Sila na mismo ang lumapit sa kina Cyan. Ayaw nilang magulo ang kama nila.

"Oh? Ano na? Tinawag niyo kami, so anong gagawin natin ngayon?" naiinis na tanong ni Gianna.

Jasmine just shrugged and laid down on Iris' lap. Komportable namang nakasandal si Isabella sa headboard ng kama habang parehong niyayakap ni Chantal at Cyan si Mira habang nakaupo sa gitna ng kama si Stella.

"Magtititigan na lang ba tayo dito?" naiilang na tanong ni Agatha sa mga kasama. Nag-aalangan pa siyang umupo kasi baka siya naman ang yakapin nina Cyan. Mahirap na.

"You're such a tsundere! Loosen up sometimes." pang-aasar pa ni Chantal. Umupo nalang si Gianna sa kama at padapang humiga naman si Agatha na mukhang nabuburo na.

Halos lahat sila nag-freeze nang bumukas ang pinto at ilinuwa nun si Chloe na nagtatakang nakatingin sa kanila na parang nawiwirduhan.

"Umm kung wala kayong ginagawa pumunta kayo sa sala.. Kakausapin daw tayo nina Hera." nahihiyang ulat ng babae at dali-daling isinara ang pinto at umalis agad.

Masayang bumangon si Jasmine. "Finally!" sigaw pa niya na parang matagal ng naghihintay.

"Ewan ko sa inyo! Tara na nga!" sabi nalang ni Gianna at nauna ng umalis.


_____________________



Sa malaking sala, gaya noon ay magkakasama silang lahat at nakapwesto sa mga sofa at kahit sa lapag ay may mga nakaupo. Sa harap naman ng lahat at nakaupo din sina Hunter, Hera, Blaze at Chum na siyang parang mga leader nila.

"Ano ng mangyayari sa atin ngayon?" nag-aalalang tanong ni Stella.

Halos lahat ng mga kasama niya ay naghihintay lang sa mga sasabihin nina Hera. May pakiramdam silang malaki ang magiging impact ng mga susunod na mangyayari kaya naman ay naghahanda nalang sila kahit walang kasiguraduhan.

"Quit sulking everyone. Get your shit together. Those things that we had experienced? It's just the start. We will get through much worse cases so be prepared. Mentally, Physically and emotionally." nauubusan ng pasensiyang saad ni Hunter. Gusto niyang pagsabihan ang mga kasama ngunit pinabayaan niya muna sila bilang respeto, but now, he can't handle it anymore.

"He's right. Especially now that we have hope. The news is late but we will tell you now." Hera said. She straightened her back.

(The news that she will tell everyone is something that they gathered when they went to the police station. While Isabella, Tyler and Theo are being chased by zombies, Hera and the others are busy doing some things. Check chapter 8 if you forget what happened. This is the continuation.)

"Is it good or bad news?" kinakabahang tanong pa ni Flame sa kaibigan. Nanatili kasi itong tahimik pagkauwi nila noon eh.

Chum smiled at them reassuringly. "Both but dont worry.. I'm sure we can do something about the bad news." sabi nalang niya. Tinikom nila lahat ang kanilang bibig at hinintay ang sasabihin ni Hera. The anticipation is killing them.

"Listen, this is no time to sulk. Hindi dapat tayo panghinaan ng loob kahit pa mabawasan tayo. Remember, this is survival. It's kill or be killed. Kung hindi ang mga nyetang zombies ang papatay sa atin ay ang mismong mga bagay na tayo rin lang ang may kagagawan. Kaya please lang. Umayos kayo. Aalis na tayo sa hotel na toh." giit ni Hunter sa mga kasama. Halos lahat naman ay napatango o di kaya'y nagyuko ng ulo dahil nagi-guilty sila sapagkat may katotohanan ang sinabi ng lalaki at sapul sila.

"Get your head in the game guys. Focus." mariing saad pa ni Stone na madilim ang anyong nakasandal sa sofang kinauupuan ng mga babae.

Everyone sighed and went silent.

Maya-maya pa ay nagsitanguan na sila at kaniya kaniyang hinga ng malalim o tapik saka kurot sa mga sarili nila.

"Okay na kayo? Let's start." lahat sila ay umayos na ng upo at nag-focus na sa mga taong nakatayo sa kanilang harapan. Hera snapped her fingers to the boys direction. Chum along with Atlas and Enzo stood and walked to somewhere.

"Everyone knew what our purpose in that Police Station and it's to gather information. We found an interesting little communication piece like a broadcasting station. Parang receiver at sender siya actually with different things for techie geeks." panimula ni Hera. Doon bumalik sina Chum, Atlas at Enzo na may buhat na malaking white board at inilagay sa tabi ng tv sa harap nila. Tinanguan ni Hera si Chum as a sign na ituloy nito ang pagkukwento. "Since ako lang ang talagang mahilig sa mga techie ay kinalikot ko yun. It's my time to shine! Then after hours, viola! Biglang gumana at umilaw yung mga technology. Sinubukan namin yung parang Broadcasting station at biglang nag-static. Akala talaga namin wala pero biglang may nagrereport na boses ang umalingawngaw." saad pa ni Chum. Hindi lang kasi basta driver siya.. Mahilig at magaling din sa mga computers and technology kaya naman ay isa siya sa isinama ni Hera.

"So anong sabi noong nagsasalita?" sabat agad ni Erin na hindi makapaghintay.. Pinandilatan siya ng mata ni Chum na parang binabalaan siya.

"Wait lang naman! Atat lang? Atat? Hintayin mo kasi matapos yung kuwento ko." Chum. Erin just rolled her eyes and raised her eyebrows. Para bang nagsasalita ang kilay ng babae sa paraan ng pagkakataas nito.

"Shh mamaya na yan! Ituloy niyo na yung kuwento. Pa-suspense pa eh!"

Lumapit si Hera sa tabi ng lalaki at hinampas ito sa braso saka sinamaan ng tingin. Parang batang napagalitan naman si Chum. "Okay, so yun nga. Biglang may boses. Napag-alaman ko na live station pala iyon ng pulis at ang mas nakakamangha ay connected iyon in different departments and stations din! Sabi pa ng lalaki sa station ay 'Mic test... Check one two three... Hello? Anyone.??? May buhay pa bang nakikinig sa akin? This is from  the main base, Main Batallion Force... Sa lahat ng mga buhay diyan, pumunta kayo sa pinaka-malapit naming Evacuation place... Ang naririnig niyo ngayon ay ang mga controller na galing sa base ng Davao City, Philippines! Attention, everyone please evacuate on our safest Evacuation area where some of our Soldiers are guarding... We have three base.. Davao City in Mindanao, Aklan, and in Cordilliera. I repeat, hide and go to the nearest Evacuation Area. Hindi na ligtas ang buong bansa natin! Make sure not get bitten or scratch. Sana may nakakarinig pa sa aking buhay!' ang sabi pa nung lalaki. Magsasalita sana kami pero hindi gumana yung mga mic sa station natin! Parang nakamute kaya wala kaming magawa kundi makinig lang." Malungkot na kwento ni Chum sa mga nangyari.

Nag-isip naman ang lahat at nanahimik. Maya maya ay nagsalita rin si Jasmine. "Kung ganun ay ang magiging plano natin sa ngayon ay ang pag-evacuate sa isang safe na lugar, tama ba?" tanong pa niya.

Tumango naman si Blaze. "Yes but we need to choose where to go in the three Base mentioned earlier. Parehong malalayo lahat at masyado ring delikado." saad pa ng lalaki.

"Then why dont we go to Cordilliera? Mas malapit iyon kung ikukumpara sa ibang base. We are around in maybe Quezon City dahil sa kakabiyahe natin. Siguro pwede tayong abutin ng mga dalawa hanggang tatlong araw na biyahe kapag papunta sa Cordilliera depende kung gaano tayo kabilis magmaneho at kung gaano tayo kadalas hihinto... Mas malapit saka puro bundok din doon eh. Tiyak na mas safe tayo sa zombies kasi wala masyadong tao at kokonti pa ang population." paglalahad ni Cyan sa mga ideya niya.

"We have the bad news and good news. Bad news first. Talagang malalayo ang bawat base and there is no guarantee na ligtas tayong lahat na makakarating doon. Maaring mabawasan tayo or worst, baka maubos tayo lahat bago pa man makarating sa base na iyon. We may have some foods but mauubos din yun kalaunan. How about our weapons? Yes, may mga bago tayong nakuha doon sa police station pero always remember... Mas marami ang bilang ng zombies ngayon kaysa sa bilang ng mga buhay. Saka wala din tayong kasiguraduhan na kapag nakarating tayo sa mga base na yun ay talagang makakapasok tayo. This is a very dangerous path. Malaki ang chance na maubos lahat ng supplies natin. Not just that, we have a competition here too." Hunter said grimly. Nagtaka naman ang iba.

"Competition? What do you mean?" Ephraim asked puzzled.

Mira worriedly stood and walked in front. "Hindi naman lihim sa inyo na ang grupo namin nina Hunter ang team look out noon saka naghahanap din kami ng mga bagong survivors. Lets just say na may mga nakita kaming mga buhay." she said.

Nagulat naman ang iba kasi hindi nila alam yun saka wala namang nakwento sina Hunter noon. "Kung ganoon naman pala na may iba pang survivors, bakit hindi niyo sila tinulungan?" Iris said. Naiinis ang babae kasi nasa hotel lang naman siya kasama ang group nila na team Hq main, nag-aabang ng mga report tapos malalaman niya na hindi nila sinabi ang nakita? Syempre talagang maiinis siya.

"They are not like us. It seems like they are blinded with fear and the desperation to survive. Sa nakikita namin na paraan ng pakikipaglaban nila, mukhang lahat ay handa nila gawin kahit pagtatraydor at pagsasakripisyo pa sa iba. You see, we have some competition. Since day 1, we already expected this but still we are shocked. Hindi namin inakala na ganito pala kalala ang competition na magaganap." Stone said. Isa si stone noon na kasama sa team look out.

"Masyado silang delikado kasama. Its like they're half sane only. Para bang nababaliw na sila sa takot at wala silang ibang maisip kundi iligtas lang yung sarili nila." dagdag pa ni Uriel. Naalala kasi nila ang mga pagmumukha at expression ng mga nakita nila noon.

"We can't have any companion who is selfish. It will be our downfall. Do you hear me? Mapapahamak tayo sa kanila kaya hindi namin sila pinuntahan at pinagmasdan lang. Ang mga nakita namin na mga survivor ay puro selfish saka madadamot at traydor. Nag-aagawan sila ng mga supplies. They are ready to kill even their own friends just to survive. Kapag sinama natin sila, sa tingin niyo anong mangyayari? Babagsak ang grupo natin at tayo mismo ang malalagay sa panganib. If they can't compromise then they cant join us. We dont need the likes of them." Hunter. Tumango naman si Hera.

"Kailangan natin silang iwasan. We need to make sure not to cross paths with them. Lalo pa at mukhang gusto pa ata nila tayong nakawan ng mga armas. People who is driven by Desperation and fear is up to no good. Kaya tayo na mismo ang iiwas. Do not trust anyone aside from the people in our group. We are one here. Hindi tayo pwedeng magiba ng mga nasa labas. Once they enter us, we will be damaged and we can't be fixed. Iba ang epekto ng mga mangyayari kapag nasira tayo mismo galing sa loob ng grupo. Kailangan natin mag-ingat. I don't care if you call me heartless. Yes, maybe I am. But is it wrong to protect us? We've been through to alot of pain already. Kung haharang sila sa daan natin ako mismo ang babangga sa kanila. Hindi ako magdadalawang isip na tapusin lahat ng magtatangka ng masama sa atin." madilim na sabi ni Hera. Almost all of them gulped.

Nag-aalala namang tinignan ni Chloe ang kaibigan. Our loss... All of the pain is affecting her and breaking her... isip isip pa niya.

"Shh... Calm down girl. Take a chill pill!" pabirong kinurot pa ni Chum ang braso ng babae. Tumango nalang si Hera at umupo sa kabiserang malapit na upuan. Hinayaan niya na ang mga lalaki ang mag salita.

"Bad news is more competition of food, weapons and other needs. Ubusan at unahan ang nangyayari ngayon na siyang isa sa malaki nating problema. Also nandiyan din ang panganib na lagi nating susuungin. Good thing we have the good news which is the Safe place. So yeah. Ang gagawin nalang natin ngayon ay idiscuss ang magiging plano papunta sa Cordilliera base." mas kalmadong paliwanag ni Blaze. At least hindi siya hot-headed ngayon diba? Si Hera kasi ang bulkan ngayon na malapit na pumutok eh. So kailangan niya muna kumalma guys.

Dahil sa mga kwento nila ay nagsihigaan na ang iba para mag relax at may nagsimula ng mag-share ng mga ideas nila sa plano. They checked the map and the gps for guidance. Mga emergency plan, back up plan, escape plan. Lahat pinag-isipan talaga nila ng mabuti.

Nahahapong pumikit si Hera. She's worn out on the inside. Pakiramdam niya ay habang tumatagal parang malapit na siyang mawala sa katinuan.

Nag-aalala naman iyong napansin ng mga kaibigan niya. Chloe walked to Blaze and Hunter. Nagpaalam siyang magpupunta lang sila ng mga kaibigan niya sa rooftop para magpahangin. Sinulyapan pa ni Blaze si Hera nang mapansin na patingin tingin dito ang mga kaibigan niya. The boys nodded. Naiintindihan nila ang gusto nina Chloe. Hera needed a break. She needs to unwind and relax.

Pumayag naman sina Chum at sinabihang mag iingat. They will take over and try to formulate a plan while Chloe and her friends will talk to Hera.

___________________

Chloe's POV

Magkakasama kaming naglalakad papunta sa rooftop. Nag-hagdan nalang kami kasi hindi umaakyat ang elevator hanggang rooftop. It stops on the Penthouse.

Pahirapan pa nga kami sa pagpilit kay Hera na magpahangin sa rooftop eh. She keeps on insisting that we need to think for a plan which is para sa Cordilliera journey. Buti nalang nakumbinsi namin siya na sina Hunter nalang ang bahala mag-isip at i-aapprove niya nalang kung magugustuhan niya ba ang mangyayaring plano.

She needs to rest. Like relax and unwind. Though it's kinda hard and impossible because we are in the middle of an Outbreak but at least magbonding man lang kami at mag usap. That will be enough. Nakakapag-alala kasi ang kondisyon niya. Even Sapphire suggested it.

Kaya eto kami ngayon lahat kompleto. Me, Sapphire, Flame and Karen. Kahit si Erin nandito rin. Oh well... Simula kasi nang mapag-alaman nila na magkakambal sila ay hindi na sila naghiwalay pa. Kung saan ang isa ay lagi na sila magkasama na parang magkabuntot.

Pagdating namin sa rooftop ay inilapag namin ang dala naming mga pagkain at kumot saka unan. Why you may ask? Magpi-picnic kami. Hihi.

Hapon na kaya. Syempre bonding nga diba? So kailangan namin magrelax especially Hera. Kaya naman ay lilibangin namin siya. Mag-aalas dos pa lang naman ng hapon pero wala na si Haring araw. Talagang palagi nalang na makulimlim ang langit. Siguro nalulungkot din ang mga kalikasan at galaxy sa nangyayari sa earth noh? Buti nalang makulimlim, at least hindi mainit ang panahon. Saka fresh sa feeling lalo pa at malakas ang hangin dito sa rooftop.

"Hmm pasalamat kayo masarap ang hangin dito." irap na bulong ni Hera na rinig naman namin. Sus kunwari pa toh! I'm sure she's very stressed. This is a good place to relax.

"So... Aren't you gonna tell us anything?" naghihintay na wika ni Flame. Jusko naman.

Napangiwi ako nang hinila ni Sapphire yung buhok niya. Buti nalang at mukhang hindi naman masyadong malakas. "Ikaw talaga! Take it easy." walang emosyong bulong lang ni Sapphire, enough for us to hear.

Erin rolled her eyes. She also rolled on the blankets. Nagulo tuloy. Hay, mga pasaway... Dapat si Hera yung focus namin eh pero minsan ay hindi talaga namin mapigilan kapag tinamaan kami ng katopakan at umariba na ang kakulitan namin. Gaya nalang ngayon. Di ko alam kung makukunsumi ba ako sa mga pinaggagawa nila eh.

"Shh! Behave muna tayo! Si Hera daw ang focus natin. Wag ka malikot at nagugulo mo yung blanket. Mamaya matapon ang pagkain natin." Saway pa ni Karen sa kakambal niya. She even lightly slapped Erin's butt lalo pa at nakadapa siya. Sus, lakas makasaway. Pati nga siya eh, look at that. Si Karen palihim na kumakain at sumusubo ng pagkain namin. Ano ba yan.

Nakarinig kami lahat ng pagtikhim. Automatic na napatingin kami sa pinanggalingan nun, which is from Hera na nakaupo at nakasandal sa barandilya. "Whatever guys.. Just tell me what you wanna say or ask. Im all ears." she said calmly. Nakapikit pa siya na parang dinadama yung hangin na linilipad ang buhok niya gaya namin.

I smiled. Tinabihan ko siya ng upo. Then sa kabilang side niya naman ay si Sapphire tapos umupo rin sa tabi ko si Flame. In front of us, Karen and Erin is sitting in an indian seat position while looking at us.

"Hey, hera. We're always here so don't wallow in pain." Sapphire said gently. Dahil sa sinabi niya ay tumulo ang pinipigilang luha ni Hera. I smiled and hugged her. Umiyak siya ng umiyak sa mga bisig ko at nandoon sa harap namin si Karen na pinupunasan ang bawat luha niya. Even Sapphire was smiling warmly as she rubbed Hera's back gently.

"Iiyak mo lang lahat ng sakit... Pag tapos ka ng magpanggap sa harap nila ay nandito lang kami na pwede mong labasan ng lahat. You don't need to be strong bes." mahinang saad ko.

I felt her nodded. Hinayaan muna namin siyang umiyak. Not long after that, her cries died down. Hanggang sa mahihinang hikbi nalang ang narinig namin. Umahon siya sa pagkakayap ko tapos hinarap kami. Namumula pa yung ilong at mata niya.

Inabutan lang siya ni Erin ng tubig tapos tahimik na pinagmasdan kami. She's as awkward as ever, now that she's close with us.

"Fine.. Sorry." sagot niya. Nakita ko pang sumimangot si Flame at kinurot ang bewang ni Hera. "You should be." giit niya pa.

"Don't think that just because we're not saying anything, means that we don't know. So stop that bullshit strong leadery facade of yours. It's starting to piss me off. Walang masama sa kagustuhan mong gabayan, tulungan at protektahan lahat pero ang ikaw mismo ang sumasalo sa lahat? Yun na ang masama. Oo, iniisip mo kami pero nag-aalala rin kami sayo. Don't just go come running to save our asses." gigil na pangangaral ni Flame. Napatango nalang din ako kasabay ng iba pa. No matter how we sugar coat it, yun talaga ang labas.

"Sorry." guilty niya nalang na sagot.

Nangalumbaba naman si Erin at sumubo ng popcorn. "You keep on saying sorry. Yes you mean it but I'm sure you'll do it again for us." Parang balewang saad lang ni Erin kay Hera.

My best friend shook her head guiltily. Naku, ang babaitang ito mukhang uulit pa ata.

"You know bessie, it's not bad to lean on us. The more you hold it in, when it comes out, it will burst like a bomb. Parang bag or box lang yan eh. Lahat tinatago mo, pero what happens when you fill all the space? Pano kapag napuno na? The box will come to a point where it can't take any more. Sasabog iyon at kakawala lahat ng tinago mo. Ikaw? Gusto mo ba yun? Because it's like that in your case. Handa ka ba sa lahat ng  maibubunyag na tinago mo? In your case, it wont just reveal anything. You will come to a point where you'll be insane. Right now, I can tell you're only half sane." I told her knowingly.

Alam ko lahat. Tatahimik tahimik lang ako pero hindi ibig sabihin nun na mangmang ako. Batid ko siya. Sila. Magkakaibigan kami. Kaya alam ko.

One day, I can already see what will happen if she continues being like this. She will cross a line where there will be no turning back. And once that happens, there will be no helping her. Wala kaming magagawa. Dadating siya sa puntong lahat ng kung ano siya, kung sino siya at kung ano man ang meron siya, lahat yun mawawala. Unti unti siyang lalamunin ng galit at sakit. I can tell she's breaking. She's almost at her limit. She's getting insane because of all the pain.

Losing Ayesha, our classmates, then Jade and Xiara. It's taking a toll on her. It's breaking her into pieces. Sa ngayon, gagawin ko lahat para sagipin ang bawat bubog na siyang nabasag niyang pagkatao kahit pa sa bawat pulot ko ay masasaktan ako.

Tinignan ko sina Karen. They nodded and smiled at me. See? Kahit masaktan ako, ayos lang. Kasi hindi ako nag-iisa. Kasama ko sila sa lahat.

Hera sighed. "Fine... Ikaw na ang tama. Kaya nga lang ay masakit talaga eh. How can I move on like you? Paano? Because every day that passes, it's killing me." parang pinagsakluban siya ng langit.

"Stop it na okay? Nahihirapan din sila." Erin said in her duh-tone again. "Parang ikaw di nagaalala." sabat naman ni Karen. Ang dalawang ito talaga.

"Don't be like that. Magiging ayos lang lahat. We still have hope. Nandito kami okay? At kahit wala kami magiging okay ka pa rin. So  cheer up. Nakakatakot ka kapag napuno." mahabang litanya ni Sapphire. We just ignored the twins. Bahala muna sila diyan. Aagawan pa nila ng moment si Hera eh.

"Yeah di na talaga mauulit. Sorry na, ako pa yung naging pabigat."

We all sighed. Finally, things worked out. Eto kasi yung mahirap minsan sa matatalino eh. Hindi sila marunong makinig. Also, Hera is a bit different especially with her abnormal genius brain. Like what was mentioned from the previous chapter, sometimes may masamang epekto ang sobrang katalinuhan. Hera's genuis level is creating an abnormality in her health. Naapektuhan siya inside. So, yeah. Nabasa niyo ba yung "King of Jerks" na story din sa wattpad? Rigid is a genius and namention dun ang bahagyang kakaiba sa kaniya na hawig kay Hera.

"Tama na yang drama... Baka mabored na yung nagbabasa nito kung meron man.. Oops! Sorry ate Nix! Hihi wag ka masaktan puh-lease!" Karen said. Sus pati si Nixzelle napagdiskitahan na naman ng kakulitan nila. Kita niyo namang halos nanahimik na siya sa buong chapter eh.

(Nix: Ang sama mo talaga Karen! Eh kung unahin na kaya kita sa story ko?)

(Erin: Subukan mo lang. Baka talagang wala na magbasa sa story mo.)

(Nix: Whatever Justin Bieber! Ikaw karen ah! Too late! Sinabi mo pa eh nasaktan na ako! Ano pang silbi nung sinabi mo? Eh kung saksakin kaya kita tapos sabihin kong wag ka mamatay? Che!!!! Ang sasama niyo! Mga mapanaket!)

Hay.. Ayan na nga ba ang sabi ko eh. Si karen kasi. Ang bilis pa naman matrigger ni Author. Sensitive kasi siya masyado. Especially kasi lagi siyang tinatamaan ng writer's block tapos wala pang nagbabasa sa story niya. Wala tuloy siyang inspiration kaya ayan at nawalan na siya ng gana magsulat ng slight daw.

"Tumigil na kayo at kumain. This is a bonding after all so enough the dramas." saway sa amin ni Sapphire.

Okay over na.. Tama siya. Masyadong dramatic na ang chapter na ito. Oh well, pag bigyan niyo kami kasi ang susunod dito ay puro takbuhan at action na.

Sinulit talaga namin yung buong araw na pagbo-bonding. Kumain kami tapos nagkuwentuhan. Parang nag- walk down on memory lane lang naman kami sa pagre-reminisce ng past. Inaasar pa namin sina Karen at Erin sa mga away nila noon. Kung paanong nakipag-basag bungo si Flame nang mapaaway kami. Yung nakilahok si Hera sa mga contest tapos nandun kami at nagchecheer saka nag iingay na kinakahiya niya. Si Sapphire na palaging tahimik tapos bigla nalang nawawala.

Binalikan namin lahat. I'm glad too because all of us started to relax and be at ease. Grabe hindi namin namalayan yung oras. Kanina mga 2 palang pero ngayon hindi man lang namin napansin na 5pm na pala. Nag enjoy kasi kami eh.

"Hay ano ba yan. Next time gusto ko star gazing naman tayo!" sabi pa ni Karen. Sumang-ayon din si Erin na tatango tango pa. Halatang nabitin din sila sa bonding namin.

"Oo na next time star gazing. Eh kayo? Anong request?" ngiti nalang ni Hera. Good. She seemed rejuvenated and relaxed now. Hindi gaya kanina na parang pasan niya ang buong mundo.

"Ako! Gusto kong mag-camping! Dapat mag bonfire tayo! Tapos kakain ng maraming marshmallows saka s'mores!" excited na sigaw ni Flame. "I want to chill in a private resort and relax in a big hot jacuzzi... I also want grilled foods." si Sapphire naman ito. Nakataas pa ang kamay niya at marahang nagsalita.

"Ok susubukan natin yang gawin. Eh ikaw? Anong gusto mo?" tanong pa sa akin ni Hera. I just smiled knowingly and she chuckled. Alam niya na yun hehe.

Nagtanguan nalang din sina Karen na naintindihan ang pahiwatig ko sa aking ngiti. "Yeah ikaw na. Tara na nga at bumalik sa penthouse. Baka hinahanap na nila tayu eh." aya samin ni Erin. Nagligpit na kami ng blankets at yung mga pinagkainan namin.

Patapos na kami nang magsisigaw si Flame habang tinuturo ang.. uhm.. kalangitan?

Syempre nagtataka naming sinundan yung tinuturo niya. I felt my forehead knotted. "What's wrong with a balloon?" i asked quizzically. May balloon kasi na lumulutang palapit sa amin. Specifically, ay halos nasa taas na siya nakatapat sa buong hotel namin.

"Di mo ba nakikita? May sulat na nakakabit sa balloon! Look!" Nagtatalon pa si Karen. Pinasingkit ko naman yung mata ko.

Tama nga siya. May nakakabit na sulat na balot ng cellophane para hindi ata mabasa. May drawing na mukha pa yung balloon nun! Bakit may ganyan dito?

"Quickly, barilin mo dali!" sabi ni Erin kay Sapphire na siyang may dalang baril. Napabuntong hininga naman ako. Bakit nga ba kasi may balloon dito? Ayan tuloy. They keep on fussing about it. Ano ba yan. Ang weird huh.

Kinasa ni Sapphire ang handgun na hawak niya at umasinta. Akmang kakalabitin na niya yung gantilyo nang pigilan ko siya.

"You're using a normal handgun. Wala yang silencer." I pointed out. Napangiwi naman sila nang marealize ang sinabi ko. Syempre kapag binaril nila yung balloon ay may tunog na tiyak na makakaagaw ng atensiyon sa mga kalapit naming zombies. Tiyak na walang nakapansin sa kanila nun kasi lahat sila, kahit si Sapphire, ay excited din sa balloon.

Seriously... Ano bang meron sa balloon na yun at pinagkakaguluhan nila? Di bale, sa susunod na punta ko ng mall ay bibili ako ng mga balloons para sa kanila.

"Edi pano natin makukuha yung letter?" nakasimangot na tanong ni Erin.

Pinabayaan ko nalang sila at kinuha yung bow and quiver ko. Naglingunan sila tapos nagkislapan pa mga mata nila.

Like this oh....

ヾ(*’O’*)/

I stood straight. I get one arrow on my quiver and took aim. After estimating the move of the balloon, I let go of the arrow and bullseye!

Tumama exactly sa balloon na pumutok lang at nahulog. Nagtatakbo naman sina Karen, Erin at Flame para kunin yun. Naku, ang mga yun talaga. Bakit ba sobrang interesado sila sa letter na yun? What's so special about it anyway?

Binitbit ko na yung mga gamit na dinala namin at nagsimulang bumaba para umuwi sa penthouse. Nagsisunuran naman sila sa akin. I can even hear them talking about the letter that was wrapped in a cellophane and how hard it is to tear it without tearing the letter too.

Maya-maya pa ay nanahimik na sila. Siguro binabasa nila yung letter.

"Oh em gii!!!! Basahin niyo dali! Grabe! May nahanap tayong survivor! And its not far from us! Tara lets tell the others! Pwedeng pwede natin silang daanan sa school na tinutuluyan nila!" saad pa ni Flame.

Syempre na-curious din ako. I peeked at the letter. Doon nanglaki ang mata ko. In that school, there are at least 5 girls waiting for some help to come! Says... It came from Eurydice is it?

Hmm....

Nauna na sakin sina Karen at nagmamadaling pinuntahan ang mga kasama namin para siguro ibalita yung mga magiging bago naming kasama na survivor.

Hay, bahala na si batman....




======================
Nixzelle's Note:

Okay sorry... I know this story and this chapter is so lame... Talagang super slow ang update lalo pa at halos wala akong maisip na isulat. I'm so empty right now. Wala akong maisulat kahit pa may plot na ako at alam ko yung mga susunod na mangyayari.

Idagdag pa na talagang nade-depress ako and I feel so down... Kaya ayan, ganyan tuloy ka-drama yung chapter na toh... Sorry talaga...

Sana may nagbabasa...



(End of Chapter 14)

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 268K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
254K 7.2K 43
A girl who lost her memories with her sleeping blood. Started: 09/02/18 Finished: 10/20/18
521K 19.9K 109
In one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the wo...
6.2K 591 43
"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an un...