The Guy Next Door

By chericakex

11.8K 481 8

[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. G... More

READ
THE GUY NEXT DOOR
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
chericakex

33

137 9 0
By chericakex


"Sure ka ba talaga na ikaw na ang magdadala niyan?" tanong ko kay Isagani.

"Oo naman. I have my car. Wag ka na mamroblema jan." tumatawang sabi ni Isagani.

"Kinakabahan lang ako. Sana mataas ang mukha nating grade dito." sabi ko habang tinitignan ang gawa namin. Maganda naman, pero hindi ko pa kasi nakikita ang gawa ng iba kaya hindi ako mapalagay.

"Prof. Martinez will probably give us high grades dahil maganda naman ang gawa natin. Pinaghirapan." sabi niya.

Napatango naman ako. Tama, lahat ng pinaghihirapan ay may magandang kahihinatnan.

Nagpaalam na ako kay Isagani. Nauna na si Clevin sa tapat ng elevator.

"Let's have a date?" biglang aya ni Clevin.

"Eh yung suot ko tshirt lang at shorts." reklamo ko sa kanya.

Nakasuot lang ako loose black tshirt at highwaisted denim shorts na pinarisan ko ng white shoes. Ayon yung suot ko tas mamaya kung saan saan na naman niya ako dalihin.

"Magmomall lang naman tayo." sabi niya. "Ayos naman ang suot mo ah." dagdag niya pa pagtapos niya ako sulyapan.

"Okay, basta sa mall lang ha! Walang fancy restaurants ah!" sabi ko sa kanya. Tumango siya at pinagbuksan ako ng pintuan.

Nagsuot ako ng seatbelt at umayos ng upo.

"May suot ka namang cyclings, di ba?" he asked while creasing his forehead.

"Meron." sagot ko sa kanya.

"Good." tugon niya at nagsimula nang magmaneho.

Tahimik lang ang byahe namin. Mabilis din kaming nakarating sa mall.

"I forgot to buy you a gift. Ngayon lahat ng gusto mo, eh bibilihin ko." sabi niya sakin. Loko talaga 'to! Purket madaming pera, grabe!

"Eh pano kapag ikaw lang gusto ko?" taas kilay kong tanong sa kanya. He chuckles and raised a brow.

"You don't have to buy me, you can have me for free." nakangising sabi niya sakin.

"Wala naman akong gustong bagay eh." sabi ko sa kanya. Wala naman talaga akong gusto na materyal eh.

"Edi ako na lang ang mamimili nang ibibili ko sayo." sabi niya sakin at hinila na papasok.

Nagpatianod na lang ako sa kanya. Huminto siya sa tapat ng isang boutique shop.

"I will buy you dresses." sabi niya sakin at hinila na ako sa loob. Magaganda ang dress pero hindi ko gaanong kagusto ang iba.

"Good afternoon Sir, what can I do for you?" tanong ng saleslady na halos magtwinkle twinkle little star ang mata dahil sa pagkakatitig kay Clevin.

"My girl's style is kinda tight and short dresses. Meron ba kayong ganon?" tumingin sakin ang babae, mula ulo hanggang paa. Tinignan ko din siya mula ulo mukhang sakong ng paa.

"This way po, Sir and Ma'am." walang sigla niyang sabi at dinala kami sa mga dress na swak na swak sa panlasa ko.

"Go, pick everything you want." sabi niya sakin, itinuro niya ang isang white sleeveless fitted dress na may nakaprint na 'angel ' sa pinaka gitnang bahagi ng dibdib.

"Sukatin mo, I want to see you wearing that dress." sabi niya, tinutukoy ang dress na pinili niya.

Nilapitan ko ang dress. Maganda ang tela, stretchable yon kaya alam kong magkakasya sakin. Tinignan ko ang price tag, parang gusto ko na yayain si Clevin palabas!

"Php 3,499 para sa isang dress?" bulong ko sa sarili ko. Nakita kong lumapit sakin si Clevin. May bitbit siyang isang baby blue fitted stringed tube dress.

"I want this for you also." sabi niya sakin at ibinigay ang dress. Tinignan ko ang presyo at nakitang Php 2,399 naman!

"Ang mamahal, Clevin." sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin.

"Ano naman kung mahal? Mahal naman kita eh. You deserve expensive things because you are expensive and I love you." sabi niya sakin.

"Wag na 'to." sabi ko, I'm referring to the Angel White Dress. Nagulat ako ng hablutin sakin ni Clevin ang dalawang dress at ibinigay sa saleslady.

"This way po, Sir." sabi ng saleslady at iginaya si Clevin sa cashier.

Kinurot ko siya sa tagiliran at sinamaan ng tingin.

"What? I'm just buying gifts." painosenteng sabi niya at kinuha ang wallet sa bulsa niya.

"Php 5, 898, Sir." sabi nunh cashier. Halos hatakin ko na si Clevin. Para sa dalawang dress, Php 5, 898 na? Omygod!

Nakita kong nag abot si Clevin ng anim na tig isang libo. Putangina? May cash pa siya niyan?

"Keep the change." sabi pa niya at kinuha na ang dalawang paper bag. Putangina ng boyfriend ko, ang galante! Halos mapaface palm ako ng humarap siya sakin ng nakangiti.

"Tara na, uwi na tayo." sabi ko sa kanya paglabas. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi pa ako tapos bilihan ka ng mga gusto ko para sayo." sabi niya sakin, hinawakan na niya ako papunta sa hindi ko alam.

"Ayos na yang regalo mo. Sobrang mamahal." sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita. Nagulat ako ng hatakin niya ako sa isa pang boutique na mukhang puro croptops at halter tops naman. Jusko!

"Wag na tayo jan. Kumain na lang tayo." sabi ko sa kanya para hindi na siya pumasok sa boutique pero hindi siya nag paawat!

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa loob. Nakita ko siyang kumuha ng longsleeve na croptop na white na may design na Mickey Mouse, kumuha din siya ng maroon na croptop hoodie, at isang mustard yellow na fitted croptop. Hindi na siya nagtanong sakin, dumiretso siya kaagad siya sa cashier at nagbayad. Lumapit ako sa kanya at nakitang mahigit dalawang libo ang binayaran. Grabe!

"Clevin, tama na." pagmamakaawa ko sa kanya noong nakalabas na kami. Lima na ang hawak niyang paperbag.

Grabe magsayang ng pera!

"Gusto ko bilihan ka ng sweatpants at jogging pants. Pati bagong sapatos." sabi niya sakin. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Oorder na lang ako online ng ireregalo kong sapatos." sabi niya sakin.

"Ayoko, may sapatos pa ako." sabi ko sa kanya. Pumaywang ako sa harap niya.

"Anlaki na nang ginagastos mo sakin, Clevin. Una, kwintas, flowers, mga pagkain ko, ngayon mga damit. Balak mo ba akong pag aralin na lang?" tumatawang sabi ko sa kanya.

"Let me spoil you, baby. Hayaan mo na, wala naman akong pinaggagastusan na iba. Kaya ikaw na lang paggagastusan ko." sabi niya sakin at hinila ako sa isang shop. Ewan ko kung ano na naman ang trip niya dito.

Nakita kong panlalaki ang damit kaya nakahinga ako ng maluwang. Nakakita ako ng polo na alam kong babagay kay Clevin. Longsleeve white polo, hindi ko pa nakikita na nakasuot siya ng ganito.

Nako, mas lalo siyang gugwapo kapag nakasuot ng ganito. Baka maubusan ako ng hangin kapag nakita ko siyang ganon. Damn!

Nakita kong kumuha siya ng dalawang sweatpants na small ata ang size. Para sakin na naman?! Jusko naman! Ayaw paawat.

"Clevin, mag paawat ka naman." tumatawang sabi ko sa kanya. Pustahan, lagpas sampong libo na ang nagastos niya sakin. Jusko, eh yung regalo ko nga sa kanya eh wala pang dalawang libo! Parang kailangan ko pa mag ipon ng matindi!

At sa wakas, natapos din siya sa pagbili ng kung ano ano. Umupo kami sa loob ng isang kainan. Dito siya pumasok kaya dito ako sumunod.

"Magkano na nagastos mo kakabili?" tanong ko sa kanya.

"Php 12,000? Ewan, di ko naman binibilang. Don't worry too much, hindi naman mauubos ang pera ko." sabi niya at tumawa.

"Grabe, wag ka ng umulit sa ganon ah! Sasakalin talaga kita. Ipunin mo lang yung pera mo para may magamit ka sa future." sabi ko sa kanya at tumingin sa menu.

Napataas ang kilay ko sa nakikita ko. Lahat ng pagkain, parang baon ko na ng isang linggo! Jusko!

"Mag fast food na lang tayo, Clevin." sabi ko sa kanya at inilapag ang menu sa mesa.

"Ayoko, crowded masyado." maarteng sabi naman niya. Wow! Sobrang arte!

"Edi doon na lang tayo sa apartment mo." sabi ko sa kanya. Hindi ko kayang umorder ng pagkain na katiting pero grabe ang presyo!

"Magdedate nga tayo di ba?" inis at malakas na sabi niya. Nagulat ako sa inakto niya.

"Kanina ka pa reklamo ng reklamo kasi mahal ganto ganyan, eh ako naman ang bibili kaya ayos lang. At ikaw ang bibilihan ko kaya ayos na ayos lang talaga. Umorder ka na, wag mo na ako inisin, Eilly." sabi niya at tumingin na sa menu. Inirapan ko siya at sumandal na lang sa upuan.

Natahimik na lang ako at pinili ang sa tingin ko ay ayos naman. Tahimik lang din siya sa tapat ko.

Nagrereklamo ako dahil hindi ako sanay sa mga presyo ng binili niya. Naka 12k siya sa mga damit ko lang, eh baon ko na ata yon ng anim na buwan! Saka ang ibang damit ko ay sa ukay lang galing. Bihira lang ako bumili ng branded at mamahalin. Hindi din ako palahingi kay Mommy kasi siya na ang nagbabayad ng tuition ko at nagbibigay ng baon. Kaya nag iipon lang talaga ako, tas etong rich kid kong boyfriend ay todo ang bili nang bili. My poor and saver ass can't relate!

Pero tulad nga ng sabi niya, iispoil niya ako. Pero di ko akalain na ganto kaspoiled!

"Sorry sa pagtataas ng boses. Naiinis lang ako kasi parang ayaw mo dito, eh ang usapan ay date natin." mahinang sabi niya. Naka poker face lang siya sa tapat ko.

"Sorry kasi ininis kita. Pero thank you sa lahat ng binili mo, sobrang appreciated, baby." sabi ko at nginitian, nakita ko kung paano sumibol ang malawak na ngiti niya.

"Isang pagsabi mo lang ng salitang 'baby', nakakawala kaagad ng galit." sabi niya sakin at umiling. "Alam na alam mo talaga ang gagawin mo kapag nawala na ako sa mood." dagdag niya pa. Tumawa ako.

"I love you, baby." sabi ko at nginisihan siya.

"Don't do that again!" sabi niya sakin. Lalo akong ngumisi.

"I don't know what you're talking about, baby." diniinan ko ang pagbigkas ng baby. Lalong namula ang tenga niya.

"Eilly!" saway niya sakin at halos takpan ang mga tenga. Masama na ang tingin niya sakin pero tinawanan ko lang siya.

Yung boyfriend mong minsan mo lang tawaging 'baby', tas kapag tinawag mo siya ng 'baby' daig pa ang babae kung magblush at mamula! Oh poor, Clevin. Walang laban.

"Stop teasing me, Eilly." seryosong sabi niya sakin.

"I'm not teasing you, baby!" painosenteng sabi ko sa kanya. Umiling na lang siya at tumayo.

"I'll just go to the restroom." sabi niya at tumalikod na. Di ko napigilan ang pagbungisngis. Sinundan ko siya nang tingin at humahagikhik.

Dumating na ang order namin, kaya pinilit kong tumigil sa pagtawa. Baka isiping nababaliw ako at tumatawa ako mag isa.

Nagulat ako ng ilagay lahat ng pagkain sa mesa. Isa lang ang order ko pero anim na klase ang dumating na pagkain. Lahat ay mukhang masarap.

Tinignan ko ang iniwang bill, Php 4,300 ang pagkain namin. Sa anim na putahe pa lang ay naka 3,700 na, tapos may dessert pang inorder si Clevin kaya naging 4,300 lahat.

Napapaypay ako sa sarili ko. Grabe, itatae ko lang din naman lahat ng 'to mamaya, tas yung presyo ginto! Sana ginto ang tae ko para sulit!

Dumating si Clevin at tinignan ang bill. Agad siyang nag ipit don at ibinigay sa dumadaan na waiter. Daming cash! Sana all!

"Let's eat." sabi niya sakin at nilagyan na ako ng pagkain sa plato. Binuksan niya din ang champagne at nilagyan ang baso ko.

Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Nagsasabihan kung ano paboritong pagkain ganon. Nagkukwento siya ng tungkol sa buhay niya noong bata siya. Tawa ako ng tawa sa mga kwento niyang puro kabalastugan.

"Kung ako teacher mo, hampas ko pa sayo yung binigay mong rosas." sabi ko sa kanya at tumawa. Noong highschool daw siya ay sinubukan niyang ligawan ang teacher niya sa Science pero tumanggi daw kasi buntis na. Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Lahat ng teacher ko ay mabait sakin, kaya lagi ko silang binibigyan ng bulaklak at chocolates. Wala kasi akong magawa sa buhay ko noon kaya pinagtitripan ko ang mga teachers ko." sabi niya pa. Kung ako teacher ni Clevin, siguro tanggal na lisensya ko kasi papatulan ko si Clevin. That's not a great thought though..

Nagkwento lang siya nang nagkwento tungkol sa sarili niya. Tawa ako ng tawa, napakatarantado ni Clevin!

"Muntikan na ako makick out non, ikaw ba naman mag siga sa likod ng school at sumigaw ng may sunog." sabi niya at tumawa. Humagalpak ako sa pagtawa.

"Napakagago mo." sabi ko at uminom ng champagne.

"Oo, gago talaga ako. Si Isagani ang taga ligtas ko noon kasi siya yung School President." sabi niya pa.

"Magkaibigan kayo ni Isagani?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at nagpunas ng bibig.

"Tropa namin yon nina Dos noong highschool, kaso nagstop siya sa pag aaral dahil sa pagkamatay ni Idrizi. Tas naging mailap na siya samin." pagkwento niya.

Napatango ako at nagpatuloy sa pagkain. Tuloy tuloy lang ang pagkwento niya sakin. Napunta kami kung saan saan at kung kani kanino.

"Party girl na talaga si Lana simula noon pa. Pero may mga tinatago yan, parang ikaw lang din." sabi niya at kumain ng dessert.

"Paanong tinatago?" tanong ko, hindi ko alam na may tinatago pala si Lana. Si Heldigar lang ang alam ko.

"Namolestiya at ilang beses na yan naharass si Lana." napabitaw ako sa sinabi niya. Nangyari 'yon kay Lana?!

"Paanong namolestiya?" di makapaniwalang tanong ko.

"She's intoxicated and someone took advantage of her. Kissed and touched her body. She came home almost naked and wala sa sarili. That's why lumipad papuntang Canada. Pero same old party girl pa din naman hanggang ngayon. But atleast now, Dos is with her." sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Lana was molested and harassed. That was awful. While Heldigar was being harassed and molested by his own father. This is so dejecting! What the actual fuck..

"Nahanap ba ang gumawa non?" tanong ko sa kanya. Umiling si Clevin.

"Wala pang nahahanap. Itinigil na din naman ang paghahanap dahil ayaw na din ni Lana ituloy yung demanda. Ayon ang alam ko." sabi niya at nagkibit balikat.

Inilihis na ni Clevin ang usapan namin. Iniwas na niya yon at nagbagsak ng panibagong topic. Pero di mawala sa isip ko ang nangyari kay Lana. That was depressing and melancholic. She's so brave and tough.

Nagulat ako ng pisilin ni Clevin ang ilong ko. Napatingin ako sa kanya.

"Saan tayo pupunta? Kanina pa kita kinakausap, tas tulala ka lang pala." sabi niya sakin. Sinilip ko ang relo niyang mamahalin at nakitang alas sais na ng gabi.

"Uwi na tayo, masakit na ang binti ko." sabi ko sa kanya. Totoo namang masakit na ang binti ko, kaninang umaga pa ako naglalakad at tinapos pa namin ang project namin ni Isagani.

"Wait. I want to buy those for you." sabi niya at itinuro ang isang shop na may mga iconic socks.

Natawa na lang ako ng hatakin niya ako papunta don.

Bakit sabi sa mga nababasa ko, yung mga boyfriend ay ayaw samahan ang girlfriends nila sa mall dahil matagal daw mamili? Bakit samin parang baliktad ata?

"Who's your favorite Avenger Hero?" tanong niya sakin.

"Iron Man." sagot ko at naglibot ng tingin. Puro medjas na may mga icon at designs ang nandito. Ang cool at ang cucute.

Si Clevin ang kausap ng saleslady, umupo ako sa sofa at inantay siyang matapos sa pakikipag usap.

"What animal do you like?" tanong niya uli sakin. Humikab ako at sumagot.

"Frog." sagot ko sa kanya. Di siya makapaniwalang tumingin sakin.

"Seriously?" di makapaniwalang tanong niya.

"Yes, seriously. And also Elephants." sabi ko. Tumango siya at nakita ko na naman ang paglabas niya ng mahiwagang wallet niya na di nauubusan ng laman.

"Let's go na, Madam." sabi niya sakin at kinuha ang mga paperbag. Kinuha ko ang iba doon para magbitbit. Hindi ko alam kung pang ilang paperbag na 'to. Ang alam ko bumili din siya ng iconic socks niya.

Pagkadating namin sa kotse niya at inilagay namin lahat ng paperbags sa backseat.

"Daan tayo sa Starbucks para may pasalubong kila Tita Janessa." sabi niya at nagsimula na magmaneho.

Napangiti ako dahil naalala niya pa sina Mommy. Kaya botong boto sa kanya ang nanay ko eh!

Nakaramdam ako ng pagod kaya pumikit ako. Sa sobrang sakit ng binti ko ay nakaidlip ako.

Nagising ako dahil may kumatok sa bintana ng kotse, ako lang ang tao sa loob. Nakahinto ang kotse sa parking ng Starbucks.

Napatingin ako sa bintana at nakitang may dalawang batang musmos at madumi. May hawak silang sampaguita at mukhang namamalimos. Binuksan ko ang bintana at kinausap sila.

"Ate, bili na po kayo ng sampgauita, sampo isa lang po. Pangkain lang." sabi nung batang lalaki na mukhang nasa 9 years old pa lang. May hawak siyang batang babae na mukhang 2 years old naman. Nakakaawa naman. Nasaan na ba ang mga magulang neto? Bakit hinahayaan lang nila sa lansangan ang anak nila?

"Magkano yan lahat?" tanong ko at kinuha ang wallet ko.

"50 pesos po, Ate." sabi nung bata. Napangiti ako dahil gumagamit pa din sila ng "po" at "opo" kahit hirap sila sa buhay.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya at naglabas ng one hundred sa wallet.

"Ako po si Agustin at eto naman si Agatha, kapatid ko po." sabi niya at ngumiti, ngumiti din sakin si Agatha. Kahit madumi sila ay magaganda at maliliwanag ang ngiti.

"Hi, baby Agatha." sabi ko. Halos ilabas ko na ang ulo ko para makita siya ng buo. Tumawa naman si Agatha sa pagtawag ko sa kanya.

"Oh eto, 100 pesos. Ipambili mo ng pagkain niyo ni Agatha ah. Mag iingat kayo sa daan, madami ang kaskasero, wag tawid nang tawid ah. Sa susunod, babalik ako dito at bibigyan ko kayo ng madaming pagkain." sabi ko sa kanila at ngumiti.

"Maraming salamat po, Ate. Hulog po kayo ng Diyos. Wala na din po kasing panggatas si Agatha, kaming dalawa na lang po kasi ang buhay. Iniwan na po kami ng mama at papa ko. Maraming salamat po talaga. Sana po lahat ng tao ay tulad mo." nakangiting sabi ni Agustin. I'm mesmerized by his smile. Kahit mahirap ang buhay nila ay nakangiti pa din sila ng maliwanag. Naglabas pa ako ng isa pang 100 pesos at ibinigay sa kanila.

"Oh eto pa, pasensya na ah, wala pa kasi akong trabaho kaya ayan lang ang maibibigay ko sa inyo." malungkot na sabi ko sa kanila.

"Malaking tulong na po ito, sa simpleng pagbukas pa lang po ninyo ng bintana ay alam kong may mabuti kayong puso. Yung iba po kasi ay minumura kami at dinuduraan. Kaya maraming salamat po kasi kahit musmos at madungis kami ay hindi niyo kami tinuring na maduming hayop." halos maluha ako sa sinabi niya.

This kid deserves the world. They deserve the world. Kahit pinagkaitan sila ng maranya at maayos na buhay, alam nila kung paano magpasalamat at umunawa.

"Babalikan ko kayo dito. Antayin niyo ako ah? I'm Ate Eilly. Babalik ako dito at tutulungan ko kayo." sabi ko at ngumiti.

"Maraming salamat po, Ate Eilly. Pagpalain po sana kayo ng Diyos. Mauna na po kami, baka po umulan, hahanap pa po kami ng sisilungan. Salamat po uli!" masayang sabi ni Agustin.

"Alamat..pwoh!" maliit na boses na sabi ni Agatha. Napakacute!

Kumaway ako sa kanila at kumaway din sila sakin at naglakad na papaalis. Binuhat ni Agustin si Agatha para mas mabilis ang lakad. Isinarado ko ang bintana at sumandal.

I hope God will take good care of them like what he did to me. They deserve the world. They were inoccent and pure. They know how to say thank you and they are thankful for a simple gesture, sa simpleng pagbukas ng bintana ay nagpasalamat na sila.

Habang ang iba, meron na sila lahat ng bagay ay hindi pa din makuntento. While other kids like Agustin and Agatha, they were contented on their daily life. They are thankful and contented.

"Napatagal ba ako?" napakurap ako dahil sa nagsalita. Napalingon ako at nakita si Clevin.

"I don't know?" sabi ko naman. Inilagay niya ang mga binili niya sa back seat.

Nagsimula na uli siya magmaneho. Nakatingin lang ako sa bintana, nagbabaka sakali na makita ang magkapatid.

"May hinahanap ka?" tanong sakin ni Clevin. Tumango ako.

"Yep, yung magkapatid na binigyan ko ng 200 hundred pesos." sabi ko sa kanya.

"You've should call me, sana binilihan ko din ng pagkain." sabi niya sakin.

"I was fascinated by them. I promised them that I will help and find them soon." sabi ko sa kanya.

"You're really an angel." nakangiting sabi sakin ni Clevin.


Continue Reading

You'll Also Like

93K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
11.3K 303 35
Si boy: MAYAMAN Si girl: MAHIRAP kabaliktaran pati mga ugali nila. But.....do opposites really attract?
57.3K 978 45
Kung kaya ng lalake Kaya din nameng mga babae. Kung panliligaw lang naman ang pag-uusapan 'di kita uurungan. Kapag nagustuhan kita Ihanda mo sarili m...