The Guy Next Door

By chericakex

11.8K 481 8

[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. G... More

READ
THE GUY NEXT DOOR
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
chericakex

11

173 9 0
By chericakex


"One Caramel Machiatto, please." order ko sa isang coffee shop na malapit sa school. Tinignan ako ng babae at tumango sakin.

Umupo ako sa isang vacant seat na malapit  sa bintana. Inilabas ko ang notebook ko at nagsagot na ng assignments at inayos ang mga lessons na isinusulat ko.

It's been a month simula noong nagkapasok. And it's stressing, wala akong masyadong close dahil may sari-sarili silang squad at ayoko namang makisali sa kanila. I need to answer my own and I need to listen carefully para maintindihan ko ang lessons dahil nakakahiya kapag hindi ako makasagot.

Ang ibang subjects ay madali na lang dahil magaling naman ako sa arts at designs. Kaya nga architecture ang kinuha ko dahil hilig ko ang pagdedesign. I created more than 20 paintings. Naiwan sa mansion namin.

"Your order, Miss." nag angat ako ng tingin at nakita si Syd.

"Thanks, Syd." sabi ko at nginitian siya. Kinindatan lang ako at nagpatuloy na siya sa ginagawa niya.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ko at uminom ng order ko. Napatingin ako sa hawak ko, may nakasulat don.

Always smile.

Napangiti ako at nilingon siya.

"There you go." bigay niya sa order pero sakin nakatingin at kinindatan ako. Napailing ako at nagpatuloy na sa pagsusulat.

Syd is cool. He's a working student, he said. Gwapo pero nagtatrabaho? No, hindi naman sa kapag gwapo ay dapat nag aaral lang at ang panget ay nagtatrabaho. What I mean is, if you see Syd, he looks like a model. Good body, the charms and smiles and also the natural na magulo at bagsak niyang buhok. I find him attractive and charming. Last week ko lang siya nakilala dahil last week ko lang 'to napuntahan.

Feeling ko nga ang iba ay si Syd ang ipinupunta dito, hindi ang coffee shop. Napailing ako. Baka ayun din ang iniisip ng cashier at iba pang staffs sakin. Oh no.

Nang matapos ako ay iniligpit ko na ang mga gamit ko at binitbit ang Caramel Machiatto ko at lumabas na ng coffee shop. It's already 6. Magdidilim na din kaya naghanap na ako ng masasakyan ko.

Dos is busy with school. Ganon naman ang lahat kaya di na ako nag aabala manggulo sa kanila. Maybe I should ask Mommy to buy or rent a car for me.

Pumara ako ng taxi at binigay ang lugar ko. Malaki ang gastos ko kapag nagtataxi. Kaso ayoko naman makipagsiksikan sa jeep lalo na't alas sais na, maraming ibang estudyante ang umuuwi at ang iba ay galing sa trabaho.

Inopen ko ang phone ko at nakitang may text sakin si Dos.

From: Dos

Can't fetch you. I'm kinda busy. I'm sorry, Tres. Bawi ako sa susunod.

Hindi na ako nagreply. Nagtatampo na ako sa kanya pero pinipigilan ko kasi sino nga ba ako? Dahilan niya ay school, pero nakikita ko ang IG stories niya na kasama niya si Lana na kumakain sa labas. And it's okay to me, ayoko lang na nagsisinungaling.

Nagscroll ako sa instagram at nagpalipas ng oras dito, 30 mins ang papunta sa Nyuborn, medjo malayo. Kumunot ang noo ko ng may nagmessage sakin.

@badsaint messaged you.

Naalala ko na! Siya yung nagmessage sakin na 'pretty'.

@badsaint : i miss you

Lalong kumunot ang noo ko. Sino ba 'to? I tried to stalk him pero nakaprivate ang account niya. Kailangan ko siyang i follow para makita ko yun at may approval pa yon, siya lang kasi ang nagfofollow sakin.

@badsaint : i miss you
@beatrixs : who you?
@badsaint : someone you hate i guess?

Sinubukan kong alalanin lahat ng tao na may pangalang Saint o Bad manlang. Sumakit lang ang ulo ko kakaisip kung sino si Saint! Damn it!

@beatrixs : wala naman akong hate na tao, who are you?
@badsaint : secret, i just missed u.

Hindi na ako nagreply. Sabi ni Manong nandito na daw kaya nagbayad na ako sa kanya at pumasok na sa apartment. Umakyat ako sa 3rd floor at pumasok na sa loob.

"Hi, Mommy..." sabi ko at hinalikan sa pisngi. Ganon din ang ginawa ko kay Ken, nag irapan lang kami ni Ella.

"Friday na ah, wala ka bang lakad? Andon sina Hannah sa kabila, kay Clevin. Sleepover daw sila." sabi ni Mommy at makahulugang nakatingin sakin. Napailing lang ako.

"Pasok na ako, My." sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. Naghubad ako at pumasok sa banyo. Pagtapos ko don ay nagsuot ako ng isang itim na shorts at sleeveless night gown. Itinali ko ang basa kong buhok at lumabas na sa sala. Naabutan ko si Mommy na naghahain na kaya tumulong ako.

"Di ko na nakikita si Dos ah, nagkalabuan na ba kayo?" napahagalpak ako sa tanong ni Mommy.

"Mommy, hindi ko ho boyfriend si Dos! Magkaibigan lang po kami at ngayon ay busy siya kaya di mo siya nakikita! Saka may girlfriend yun My! Ano ka ba!" tumatawang sabi ko. Umupo na ako at natatawa pa din.

Akala talaga nila ay boyfriend ko si Dos, jusko! Kaibigan ko lang si Dos at napagtanto ko yun simula noong makita ko  kung anong reaksyon ni Dos at Lana sa isa't isa.

Kumain na kaming apat. Kinakamusta ang mga nangyayari sa school. Si Ella ay madami daw manliligaw! Si Ken naman ay may crush na! Jusko 'tong mga batang 'to!

Ako ang naghugas ng plato. Pagtapos non ay kinuha ko ang phone at umakyat sa rooftop. Tatawagan ko sina Fiya. I missed them.

Ilang ring lang ay sinagot na nila ito agad. Bumungad si Lara na nakamiddle finger. Samantalang si Katey, Fiya, Mylene ay magkakasama sa isang lugar ata. Wala si Nicky, naka off ang camera.

Nagkamustahan kami at nagtawanan.

"Wala ka pa rin bang boyfriend? Si Dos?" usisa ni Katey. Napairap ako.

"Stop shipping me with Dos, may girlfriend yun oy!" natatawang sabi ko, tinaasan ako ng kilay ni Katey.

"Sino? Ikaw?" sabi niya at bumungisngis. I just rolled my eyes.

"We're just friends. Nothing more. Tigilan niyo nga ako sa mga boyfriend thing na yan, I'm not interested." masungit na sabi ko. Tinawanan lang nila ako.

"Find a guy na thoughtful, alam mo ikaw, pahirapan ka makuha. Kailangan ng matinding suyo at ligaw. Kailangan mo ng lalaking ipaglalaban ka. Yung lalaking mag aalala sayo kahit matigas ulo mo. You're stubborn but you're worth it. Always remember that, okay?" seryosong sabi ni Lara. Napangiti ako kahit may luhang namuo sa mata ko.

"Once he find you, he'll never leave. Coz you are the precious gem who had been through hell and still alive." sabi naman ni Mylene. Natuloy na ako sa pagluha. I'm so lucky to have them!

"You're an angel who'd been in hell many times. You deserve someone who will see you like an angel." sabi naman ni Katey at nginitian ako.

Pagtapos namin magasaran ay inend na namin ang tawag. Halos isang oras din kaming magkakausap. I missed them. Mahigpit ang hawak ko sa phone ko at humilig sa railings. Mahangin at hinahangin ang buhok ko.

Huminga ako ng malalim. Napalingon ako dahil may narinig akong mahinang yabag na paakyat dito sa taas.  It's Clevin, topless and just a jersey shorts. Basa ang buhok niya at tumutulo pa yon.

Mukhang hindi niya ako napansin. Busy siya sa phone niya at may hawak na sigarilyo. He looks so hot.

What the hell?!

"Lianna, why did you call me?" nakatalikod siya sakin. I should leave before he see me.

Dahan dahan akong naglakad pero bigla siyang lumingon at matalim ang tingin sakin. Napahinto ako. Anlakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa bigla niyang paglingon.

"Stay there." sabi niya habang nakalayo ang phone sa kanya. Nakatingin lang siya sakin habang nakikipag usap sa phone. At eto ako, nakatayo lang dito.

"Whatever, I don't love you anymore, Lianna. Forget what we had." sabi niya habang matiim na nakatingin sakin. Tagos ang tingin niya sakin, nakakapanindig balahibo.

Pinatay niya ang tawag at humakbang para malapitan ako. Umatras ako. Naalala ko kung pano niya ako sigawan at sabihan ng di niya ako kailangan. Umiling ako at patuloy na umatras.

"One more step away from me and I will kiss you." madiin niyang sabi at pumungay ang kanyang mga mata. Umiling ako at umatras hanggang sa mahawakan ang railings sa likod ko. Shit. Dead end.

Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. He's my new devil, I'm sure of that. Sobra sobra na ang kabog ng dibdib ko at may mga naglalaro na sa tyan ko. What the hell is this?!

Itinulak ko siya ng kinulong niya ako gamit ang dalawang braso niya.

"What the fuck are you doing, Clevin?!" galit na asik ko. He just smirked and lean closer. Holy shit! Itinulak ko uli siya pero di siya natinag at lalo lang lumapit sakin. Hindi ako makapiglas dahil hawak na niya ang braso ko. Galit na ang sistema ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko na maintindihan, parang may kuryente sa mga kamay niyang mainit.

Tumingin ako sa kanya, mapupungay ang mga mata niya. Mapupula ang mga labi at makinis ang mukha. Makapal na kilay na laging nakataas at magkasalubong. Matangos na ilong. He's a perfect masterpiece.

He lean closer. He's looking at my lips then he looked into my eyes. His eyes sparkles. Nanigas ako sa kinakatayuan ko ng bigla niyang idinampi ang kanyang labi sa labi ko. His eyes were closed. Nanlalaki ang mata ko lalo na't gumalaw ang labi niya at bahagyang kinagat ang lower lip ko. Napakapit ako sa dibdib niya para itulak siya pero hinawakan niya ang kamay ko para di manlaban. He moved closer to me, hawak ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko at ang isa ay nakahawak sa likod ko.

"I told you I will kiss you... you're not scared of that huh?" he said when he stopped. Nakahawak lang siya sa likod ko at hindi pa din lumalayo sa mukha ko. Nanlalamig ang mga kamay ko sa galit kay Clevin samantalang nag iinit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Wala akong lakas na suntukin siya sa mukha. I just pushed him pero di pa din siya natitinag.

"What do you want, C-Clevin?" nanginginig kong tanong.

"More of this." then he claimed my lips again. But now, he entered my mouth. I just stand there, not kissing him back. He moved his tongue to wake up my tongue. He smiled when my tongue moved.

"Kiss me back." utos niya. Umiling ako. He stopped. Hinapit niya ang katawan ko sa hubad baro niyang katawan.

"Still stubborn. Ano bang dapat kong gawin sayo para di ka na magmatigas?" tanong niya sakin habang nakayapos ang dalawang bisig niya sa maliit kong bewang.

"Stop this, Clevin. I'm not interested with your games. I give you the kiss like what you wanted. I didn't stop you. Just leave me alone, please." sabi ko at kinalas ang mga bisig niya at mabilis na bumalik sa kwarto namin. Nasa sala sila Mommy at agad akong pumasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at natulala. What the hell is that? Ano bang gusto ni Clevin? Ginulo ko ang buhok ko. Iniiwasan ko si Clevin these past few weeks. Naiinis ako sa kaniya dahil sa pagsigaw niya sakin. Naiinis ako sa kanya kasi pinaramdam niya na kailangan niya ako pero at the end of the day, sasabihin niya na hindi niya ako kailangan. I'm not a toy to play with. I have my feelings.

Napahawak ako sa labi ko. He kissed me. That's my first kiss and I should be very mad, but I can't be mad for I don't know reasons.

And why the hell on Earth, bakit ako hahalikan ni Clevin? Bakit niya gagawin yon? Is that a dare? Utos? Trip niya lang or what? Argh, fuck this.

His lips are soft. He looks like a professional goddamn kisser. Napailing ako. What the hell am I thinking. I'm going insane!

Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Nag iinit ang pisngi ko sa tuwing naaalala kung paano niya kagatin ang labi ko at kung paano laruin ng dila niya ang dila ko. Argh!!

"Argh! Fuck this life, fuck this!" sigaw ko at ginulo ang buhok ko.

What the hell was that Clevin? Ano bang gusto mong mangyari? He said I'm his friend, that he's like Dos, but what the hell is his reason to kiss me? Do his "friends" kiss him? or maybe, he kiss his friends?

Napailing ako. I'm freaking frustrated. Lumabas ako ng kwarto at nakitang pinapatay na ni Mommy ang TV.

"Mommy, manonood po ako." sabi ko at kinuha ang remote.

"Wag kang magpupuyat ng sobra. Lock the doors." sabi niya at pumasok na sa kwarto na.

Naghanap ako ng movie na pwedeng panoodin. Puro romance at horror ang nandoon. Mahilig ako sa thriller na movies at sci-fi with a mix of romance. Napili ko ang Up na movie. Cartoons.

Pumasok ako sa kusina at binuksan ang ref. Kumuha ako ng gatas at cookies at bumalik na sa sala.

Nasa kalagitnaan na ako ng palabas ng biglang may kumatok. Napalingon ako sa pinto.

"Tita Janessa.." it's Clevin. Kinabahan ako sa pagtawag niya. Napatayo ako at nakatingin lang sa pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I managed myself to look calm kahit nag aaway ang sistema ko. Huminga ako ng malalim at lumapit na sa pinto.

"Tulog na si Mommy." sabi ko at binuksan ang pinto. Nakasuot siya ng itim na tshirt na fit na fit sa katawan niya at jersery shorts.

"Oh okay... hihingi sana ako ng malamig na tubig." napataas ang kilay ko.

"May ref ka Clevin, bakit ka hihingi ng malamig na tubig samin?" taas kilay kong anong at humalukipkip. I have no bra but it doesn't matter anymore.

Bawat apartment ay may sari sariling appliances, may ref at washing machines with dryer. Bakit siya hihingi ng malamig na tubig samin?

"Forget it." sabi niya at tumalikod na. Pumasok ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Nagmadali akong lumabas at nakita siyang papasok pa lang sa apartment niya.

"Clevin!" tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at ipinakita ko ang malamig na tubig. Mabilis siyang lumapit at mabilis ko din isinaboy sa kanya ang malamig na tubig. He frozed and shocked. I smirked.

"Malamig ba? Kukuha pa kita kung gusto mo." nakangising sabi ko. Basang basa ang mukha niya pati ang dibdib niya basa na din. Galit ang mga mata niya. So what if you're mad, Clevin? I'm not scared.

"No, thanks." matabang niyang sabi.

"I can give you more cold water, just ask for it and I will pour it in your face, jerk." nakangising sabi ko at tinignan siyang mabilis akong tinalikuran.

I will deal with your trips, Clevin. Just deal with mine, too. For every action, there's a reaction. You kiss me, I pour water to your face. Lintik lang ang walang ganti.

And that night, nawala ang frustrations ko. Napalitan ng saya tuwing naaalala ang mukha ni Clevin na basa, gulat at galit. That's what jerk deserves.

Continue Reading

You'll Also Like

473K 10.4K 46
Nerd na pinaglaruan, niloko, pinaniwalang minahal talaga siya, pero hindi pala. Kaya niya pa kayang sikmurahin ang pesteng ginawa sakanya ng lalakeng...
29K 734 52
Title : STOLEN KISS BY: TaraiShai Genre : General Fiction Status : COMPLETE Teaser Paano kung ang taong nanakaw sa iyo ng First Kiss mo ay ang taong...
556K 7.8K 40
Nagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex...
994K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.