Love Me Fearless

By megannetine

484 32 0

Sa pag-ibig dalawa lang 'yan; masaya ka o nasasaktan ka. Hindi pwedeng isa lang dahil sa bawat sayang idudulo... More

Love Me Fearless
Prologue.
one.
two.
three.
four.
five.
s e v e n.
e i g h t.
n i n e.
t e n.
e l e v e n.
t w e l v e.
t h i r t e e n.
f o u r t e e n.
f i f t e e n.
s i x t e e n.
s e v e n t e e n.
e i g h t e e n
n i n e t e e n.

s i x.

9 1 0
By megannetine

Nasa business and finance office ako ng university para i-process ang last transaction ko before the graduation. I usually do this online but due to some conflict ay kinailangan ko pang personal na pumunta rito. Ang hassle pero hindi bale, last na 'to dahil in two weeks I will be graduating at excited na ako!

Mas naging abala ako ngayon dahil sa nalalapit na graduation at sa pag-aapply ng work. Naging madalang na rin ang pagkikita namin ni Eron ngayon dahil maliban sa pagiging abala ko, abala rin siya sa trabaho. Dagdag pa na kaka-promote niya lang as a manager.

Right after I settled down sa table ko, agad kong inumpisahan ang mga kailangan kong matapos in the company. After that, sinimulan ko ang paggawa sa thesis. Konti na lang ang kulang at pwede ko na ipasa mamaya.

Gosh! Sana ma-approve for defense. Ayokong ma delay sa graduation.

"Coffee!" I looked at the cup of coffee in front of me before looking up to Josh.

I sighed. "We already talked about this right?"

Sa nagdaang linggo, Josh admitted his crush on me and tried to woo me but, I immediately turned him down and told him that I am engaged. Naintindihan niya naman yun but he still continues to treat me special. I am not comfortable with it so, I asked him to stop!

"Chill! I also gave Nat and Ria. Hindi nga lang kasing espesyal ng sayo." He laughed.

Inirapan ko siya dahil sa biro at natatawang kinuha ang kape at ininuman. Pinagpatuloy ko ang ginagawa habang siya naman ay bumalik sa inuupuan.

Natapos at naipasa ko ang mga pinagawa pati ang thesis ko bago mag-lunch. Dahil last day na namin ngayon at posibleng huling pagsasama rin namin ay napagdesisyunan naming sabay-sabay mag lunch.

Nagkasundo kami na kumain sa Samgyupsalamat. Pinili namin ang pwesto na talagang natatamaan ng aircon dahil na rin sa mainit na panahon sa Pinas. Pumwesto ako sa open side habang napapagitnaan namin ni Ria na nasa dulo si Nat na siyang katabi ko. Katapat naman ang dalawang lalaki na sila Alex and Josh. Niyaya namin sila Sir Mico and Ma'am Chrys pero masyado silang busy dahil end of the month na ng Marso.

"Uy, let's take a selfie. Eto na last lunch natin together!" Emosyonal at excited na mungkahi ni Nat.

Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya pero nang subukang kong kumuha medyo nahirapan ako dahil malapad ang lamesang nakapagitan sa amin kaya kahit may kahabaan ang braso ko hindi pa rin naging sapat para masali ang dalawa lalaki.

"Ako na." Suhestiyon ni Alex kaya binigay ko sa kanya ang phone."

"1...2...3... Samgyup!"

Nakailang kuha kami ng selfie bago nakuntento. Sakto naman na dumating ang mga pagkain.

"Anong plano niyo after ng REC?" Pagtatanong ni Alex habang kumukuha ng pagkain.

Busy ako sa pagkain kaya hindi ako nakasagot agad. "Edi, maghahanap na ng totoong trabaho pero pinag-iisipan ko ring magtayo na ng sarili kong business." Sagot ni Ria.

"Ako naman susubukan kong mag-apply sa Saunders Corp, same department. Familiar na rin kasi kaya sa tingin ko mas madali sa akin ang magtrabaho kung sakaling matanggap. Then, mag-iipon para makapagpatayo ng sariling business. 'Yun din naman ang dahilan bakit ako sumali sa REC." Si Josh.

"Magandang options nga 'yan. Eh, ikaw Sandy? Saan ka after?" Pagbaling ni Nat sa akin.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko siya sinagot. "Tatapusin ko muna ang graduation then, susubukan kong mag-apply sa 10 big companies sa Pinas, including TSC and RLI. Susubukan ko rin ang maliliit na kompanya in case na hindi ako matanggap sa kahit ni isa sa sampu."

"Akala ko magpapakasal ka na after graduation?" Si Josh.

"Invited ba kami? Haha." Pabirong sabat ni Alex.

"Ah, actually plano ko sana i-move na muna ang kasal. Para kasing mas convenient if pareho kaming financially stable before mag settle down talaga. Wala naman na problem sa expenses for the wedding since it's not going to be that grand pero pwede naman itabi since hindi pa nauumpisahan ang plano."

"Sabagay. Pero invite mo kami ah! Kahit reception na lang haha. Joke!" Biro ni Ria. Tiwanan naman namin siya dahil sa naging turan.

Hindi ko pa nasasabi kay Eron ang tungkol doon. Sa naging huling pag-uusap namin tungkol sa kasal ay halata sa kanya ang excitement kaya hindi rin talaga ako sigurado kung paano ko i-b-bring up sa kanya ang topic.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay. Marami rin kaming nakain lalo na sila Alex at Josh kaya't nang matapos ay hindi muna kami kaagad umalis at nagpalipas muna ng ilang minuto. Tinawag naman ni Alex ang waiter at sinenyas dito ang bill.

"Gala naman tayo mamaya after sa closing party! Kahit KTV lang then kaonting inuman." Suhestiyon ni Josh na himas-himas na ngayon ang tiyan dahil sa kabusugan.

"KTV? Huwag! Hindi ako singer, kayo lang mag-eenjoy!" Reklamo ni Ria.

Inasar naman siya ni Alex, "Sus, pa-humble! Baka nahihiya ka lang pero ang totoo singer ka pala talaga. Ano ka ba, kami lang 'to!"

Ngumuso naman si Ria sa narinig, "Tse! Wala akong dalang payong 'no! Kaya huwag kayo ano diyan kung ayaw niyong umuwi mamaya nang baha!"

"Club na lang! Guy hunting!" Si Nat na umakto pa na parang kinikilig.

"Ew!" Sabay na reklamo ng dalawang lalaki sa huling narinig. Nagtawanan naman kami dahil sa naging reaksyon nila na diring-diri.

Pagkatapos ng maikling pagtatalo, napagkasunduan na lang namin na mag club.

Pagsapit ng 5:30 pm ay pumunta na kaming lahat sa lobby para sa simpleng closing party and para na rin i-celebrate ang success ng first REC. Nagkaroon lang ng maikling speech ang Chairman pati na rin sila Sir Mico and Ma'am Chrys na naging head facilitator ng aktibidad. Sinabayan din ng simpleng salo-salo para sa lahat.

Simple pero catering!

Busog na kami pare-pareho kaya tamang tama lang plano namin mag club. Pumunta lang kami sa pinakamalapit na club at nag-order ng drinks. Tinext ko lang si Eron kung nasaan kami at nagsabi lang siya na susunduin ako after. Sobrang ingay sa loob at medyo maaamoy mo ang pinaghalong alak at sigarilyo. Makikita mo sa gitna ang mga nagsasayawan habang may ibang naglalaplapan sa gitna ng dance floor.

"Cheers!"

Sabay-sabay naming ininom ang kanyang-kanyang shot. Nag-order sila Ria at Alex ng Martini, Margarita, Black Label, at Bacardi.  Hindi ako mahilig uminom kaya nasisiguro kong mababa lang ang alcohol tolerance ko.

Noong una, nagkukwentuhan lang kami pero nang naparami na ang mga nainom namin nagkayayaan nang sumayaw. Nagpaalam muna ako saglit para mag-cr. Halos mapatalon ako sa gulat ng pagbukas ko ng isang cubicle ay mag nag-me-make out kaya agad-agad ko ring sinara.

Pagbalik ko sa pwesto namin, wala na sila Alex at tanging si Josh lang ang nando'n. Pero nagdalawang-isip ako kung uupo ba ako dahil nakita may katabi na siyang babae na kulang na lang magpalapa sa kanya. Laking gulat ko nang bigla na lang maghalikan ang dalawa. Tatalikod na sana ako nang may humahatak na sa akin papuntang dance floor.

"Let's dance na!" Excited na sigaw ni Nat. Tumatalon talon pa 'to pa minsan minsan. Pero sa tuwing napapalitan ng masenswal na tugtog, ay gumigiling na ito. At dahil nakainom rin ako, nakisali na ako sa kanila.

Masayang nagsasayaw lang ako nang may maramdaman akong gumigiling sa likod ko kaya sinubukan kong lumayo noong una. Pero sa halip na tumigil ang lalaki sa likuran ko ay mas inilapit pa nito ang sarili.

Ugh! Why are there men who can't take an obvious no for an answer?

"Want to come with me, sexy?" Senswal na bulong ng lalaki. Dahil sobrang lakas ng tugtog sa club, halos halikan na ng lalaki yung tainga ko para lang marinig ko yun. Hindi na akong nag-abalang tignan siya. Sa halip ay itinaas ko ang left hand ko kung saan nakasuot ang engagement ring.

Take that as an answer, dude!

Naramdaman ko pa itong humawak sa bewang ko at handa na sana akong alisin iyon pero bigla na lang bumitaw ang mga iyon. Hindi na ako nag-abalang tignan kung anong nangyari at pinagpatuloy lang ang pagsasayaw.

Nakita kong may mga kanya-kanyang kasayawan na sila Ria and Nat. Dalawang lalaki pa ang kasayawan ni Nat na mukhang wala naman siyang pakielam do'n at patuloy lang na nakikipagsayawan. Ang lakas na nga talaga ata ng tama ng alak sa sistema ko dahil nadadala ako sa musika.

Tuloy lang ako sa paggewang sa kabila ng init dahil sa dami ng tao at pawis. Maya-maya naramdaman ko nanamang may maiinit na kamay ang humawak sa bewang ko at idinikit ang katawan sa aking likod. Gusto kong magreklamo pero nadadala ako sa init ng katawan dala ng lalaking sa likod.

Kahit nahihilo, pinilit ko ang sarili na umikot at harapin ang lalaki. Muntikan pa ako matumba pero agaran akong sinalo ng estranghero.

What the f*ck! Tama nga ang hinala ko, gwapo ang estrangherong nakikipagsayaw sa akin.

Nakayakap lang ang mga braso ne'to sa aking baywang kaya't napahawak ako sa kanyang matipunong dibdib. Tinitigan ko ito sa mga asul nitong mata. Sobrang tangos ng ilong at mapula-pula ang labi na pakiramdam ko ay kay sarap halikan dahilan sa mukha itong malambot.

"Be careful, babe!" Nakangising bulong ng estranghero na inilapit pa ang mukha sa akin na halos magdikit na ang aming mga ilong.

Amoy ko ang alak mula sa bibig niya pero hindi ko iyon pinansin. "Stop staring! You might end up being fucked in my bed tonight babe." Senswal nitong bulong.

Halos hindi ko maintindihan ang mga nangyayari dahil sa pagkahilo. Pero namumukhaan ko ang estrangherong 'to ngunit di ko maisip kung sino. At anong sabi niya? I'll end up being fucked in his bed? What does he mean by that? Pinaprocess ko pa lang ang sinabi niya pero nakita kong mas inilalapit niya mukha at akmang hahalikan ako.

Agad naman akong natauhan doon at mabilis siyang itinulak at kumawala mula sa pagkakayakap niya.

"What the fuck!?" Singhal ko sa kanya. "What the hell are you doing?" Walang nakakapansin sa amin dahil halos lahat ay busy sa pagsasayaw at sa sobrang lakas ng tugtog ay hindi rin ako mapapansin kahit pa sumigaw ako.

Itinaas nito ang dalawang kamay at balewalang nagsalita, "Chill! I'm not going to rape you or whatever, miss."

"You're about to kiss me!"

"You were staring at my lips so I thought..." The guy just shrugged as if it was nothing.

"You thought what? You thought I want to be kissed? By you? Staring at your lips is not a consent. Asshole!"

Tinalikuran ko siya at iniwan roon na nakaawang ang labi. Bahala siya! Kapal ng mukha niya! Akala ba niya porket gwapo siya lahat na ng babae makukuha niya! May pa- You might end up being fucked in my bed. Ew! Yuck! Baka may sakit pa iyon. Nasa mukha pa naman din niya yung tira lang nang tira ng kahit sino, kahit saan, at kahit kailan.

Kahit nahihilo ay pinilit kong maglakad pabalik sa pwesto namin. Buti na lang at wala na si Josh do'n at baka nasa kung saan na yun nakikipag-anuhan.

Nang maka-upo ako sa pwesto namin ipinahinga ka muna ang saglit ang ulo ko dahil nahihilo na talaga ako. Para rin akong masusuka pero pinipigilan ko dahil ayokong magsuka rito at hindi ko na rin kayang maglakad para pumunta ng cr.

Nahagip ng mga mata ko ang lalaki kanina pero inirapan ko lang ito at hindi na pinansin. Humingi ako ng tubig sa waiter na dumaan sa pwesto namin. Maya-maya bumalik na ito dala ang isang baso ng tubig. Tinungga ko ito agad, hoping na mababawasan ang kalasingan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagtipa ng text kay Eron. Halos humiga na ako sa couch dahil sa pagkahilo kaya pumikit na lang muna ako. Sure akong hangover ang mapapala ko bukas.

Idinilat ko lamang ang mga mata para basahin ang bagong dating text kahit na nahihilo.

"I'm here outside. Where are you?" -Eron

"I'm going home." Paalam ko sa kawalan.

Pinilit kong tumayo at maglakad pero nakita ko na kaagad si Eron sa may entrance. Kumaway ako sa kanya at nang makita ako ay agad niya ako pinuntahan. Nakapagpalit na siya ng damit dahil naka maong na lang ito at sweater.

"Hi hon!" Niyapos ko ang braso sa leeg niya at hinayaan ang katawan na magpabigat.

Agad niya naman akong inalalayan papunta sa sasakyan. "You're wasted. Come on, I'll bring you home."


Agad na lumipas ang mga araw at ngayon ay graduation ko na. Halos dalawang oras ang itinakbo ng program dahil sa dami ng graduates mula sa iba't ibang department. Sampu nga lang kami sa masters.

Kabilaan ang mga nagpi-picture, mga magkakaibigan at madalas magpapamilya. Agad naman akong niyakap ng mga parents ko at ng nakababatang kapatid na lalaki.

"Congrats, Nak! Proud kami sayo ng mommy mo." Emosyonal na sabi ni papa habang yakap ako.

"Huwag mo pansinin yang papa mo at nag-d-drama. Congrats, anak!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni mama.

"Congrats, ate! Yayaman ka na." Pabiro ko namang binatukan ang kapatid dahil sa biro nito.

Lumapit naman kaagad si Eron at hinalikan ako sa pisngi bago niyakap. "Congrats, Hon! I'm very proud of you!"

"Thank you!"

Nagkaroon lang ng kaonting salo-salo sa isang restaurant kasama ang iba naming kamag-anak, kaibigan, at pamilya ni Josh.

"Soon-to-be-bayaw, kasalanan na ang sunod!" Biro ng Daddy ni Eron sa Papa ko na nagpatigil naman sa akin. Napatingin naman ako kay Eron na nakangiting nakikinig sa mga ama habang hawak ang kamay ko.

Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol sa kasal. Hindi ko pa nasasabi kay Eron ang tungkol sa plano kong pag-m-move sa kasal namin. Takot din kasi ako sa magiging reaksyon niya kung sakali.

"Uhm, Eron..." Pabulong kong tawag sa kanya. Tinignan naman niya ako nang may pagtatanong. "Can we talk?"

Lumayo kami sa mga bisita at pinili na mag-usap sa corner. "May problema ba?" May pag-aalalang tanong niya.

"Wala naman. May sasabihin lang sana ako pero sana hindi mo mamasamain."

"What is it?"

Hinawakan ko ang kamay niya at bumuntong hininga at nagpatuloy. "Pwede ba natin i-move yung pagpapakasal kahit one year lang?"

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Sa takot sa posibleng maging reaksyon pa kung papatagalin ko ay agad ko na dinugtungan.

"Don't worry. We're okay and it's not about us or dahil may problema tayo. It's just that...I feel like it's better if we will be financially stable first before settling down? I mean, yes, may budget na tayo for wedding and all, but what about the afters? I don't have a job or a career pa and I know tumaas na ang sweldo mo ngayon pero kasi hindi ba't mas better kung stable tayo before...you know, settling down?" Nakakunot ang noo ito na tila ba nag-iisip habang nakayuko.

He sighed. "Okay, I understand. Fine, after a year we'll get married. But, let's start planning within this year. Okay?"

Tinanguan ko lang siya at niyakap.

Bumalik na muna ako sa bahay habang wala pa akong trabaho kaya't naiwan si Emily sa apartment. Nasa kwarto ako ngayon para ayusin ang curriculum vitae ko na plano kong ipasa sa 10 big companies sa bansa. Then, I am also planning na mag-apply sa mas maliit na kompany. Just in case walang mag call back.

Just after three days, I'm scheduled for an interview for two companies. Dapat talaga na sa anim ang schedule ko for an interview today. Pero hindi madadala sa oras kaya I have to reschedule ang iba. I prioritized the interview for the two biggest company today. And Saunders Corp and Royal Luxe Inc.

I just wore a simple corporate attire in black and white color pattern. I don't want to overdress for my first interviews kaya I tried to be as simple yet, elegant as possible kaya pinili ko ang neutral colors.

"We'll call you back later." Honestly, hindi ko alam if I should hope for that dahil sa pagkakaalam ko if they told you that then, expect for nothing. Madalas kasing hindi na talaga tumatawag.

I still hope though.

After my interview in The Saunders Corp. in the morning, naglunch lang muna ako then, nag toothbrush bago dumiretso sa Royal Luxe Inc. for my interview. Nakakaramdam na ako ng pagod dahil sa byahe pa lang talagang swak na. May kalayuan din kasi ang dalawang kompanya kahit pa sabihin sister company lang naman 'to.

"Ms. Sandy Amiegail L. Fernandez!" Pagkarinig ko sa pangalan ko ay agad akong tumayo at lumapit. Iginiya lang ako kasama ang iba pang kasabay ko. Bali lima bawat tawag.

Akala ko noong una, panel group interview dahil lima ang tinatawag bawat tawag. Pero yun pala, paghihintayin lang iba habang unang papapasukin sa pinakaloob ang sasabak. Dahil ako ang unang tinawag ay ako ang unang pumasok. Ginagapang na ako ng kaba pero sinubukan ko pa ring kumalma.

"Introduce yourself, please." Mahinahon na sabi ng interviewee. Na-mental block pa ako ng ilang segundo dahil medyo na-intimidate ako sa babae. Nakasalamin ito at may may mataray na awra. Hindi pa nakatulong yung eyeliner wings niya at red lipstick.

Despite the nervousness I'm feeling, I tried to keep my composure and be confident. I can't miss this opportunity!

"Good morning, ma'am! I am Sandy Amiegail L. Fernandez. I reside in Quezon City with my family. But, back when I was studying I stayed in an apartment in Manila with a close friend. Regarding to my educational qualifications, I got my degree in Bachelor of Science in Accountancy in Ateneo De Manila University but done my masters in De La Salle University. During my masters, I participated in the Rookie Entrepreneurship Camp Program of The Sanders Incorporation." Tuloy-tuloy kong pagpapakilala.

Marami pang itinanong ang babae at sinasagot ko lang din ito sa makakaya. Sobrang strict ng atmosphere sa loob kaya nang makalabas ay doon lang din ako nakahinga ng maluwag.

Katulad lang din sa unang interview ay sinabihan lang din nila ako na tatawagan. I sighed. I will just hope and pray for it pero di na ako mag-eexpect. Mukha naman kasing hindi ako matatawagan. Sa dami ng applicants, imposibleng walang mas magaling sa akin. Pa-swertihan na lang talaga. Bahala na nga!

Dumaan lang ako sa cr saglit para mag-retouch at naisipan nang umalis. Ano naman kasing gagawin ko pa rito diba?

Naglalakad ako sa elevator nang maisipan ang cellphone para i-text si Eron. Kaya hinalungkat ko ito sa bag habang naglalakad nang may makabungguan ako.

Tinignan ko ito para humingi ng pasensya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

"It's okay. Be careful while walking baka kung saan ka mahulog." Pabirong tugon ng lalaki. Gwapo ito at may pagka-singkit. Napansin kong tatlo sila at purong naka tuxedo. Malamang isa ito sa mga empleyado rito sa kompanya. Hindi na ako nag-abalang tignan pa ang dalawa at nginitian na lamang ang nakabungguan at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang mahanap ko ang cellphone ay agad ako nag tipa ng mensahe para kay Eron at umuwi. Pag-uwi ko pa lang ng bahay ay nagbihis na ako kaagad at humiga para matulog kaya lang biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa nag-notify.

Kinuha ko ito sa bedside table para basahin. Nung una akala ko ay text galing kay Eron o sa kakilala pero gano'n na lamang ang excitement ko nang makita na e-mail iyon mula sa RLI. Excited na may kasamang kaba ko ito binuksan at binasa.

Gano'n na lamang ang katuwaan ko nang makita ang congratulations doon na sinasabing tanggap ako sa kompaya. Sa sobrang tuwa tinawagan ko kaagad si Eron para ibalita iyon!

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 98.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...