All Boys School's Princess

By Yiqiutian

3.8K 113 17

All boys' school. More

All Boys School's Princess
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 7

7 1 0
By Yiqiutian

Chapter 7

JM's POV

So, yun, after nilang magtawan ay natulog nalang po kami. Bali yung dorm room nila kuya, talbog pa ang simpleng bahay. Dalawa yung rooms, si Kuya Ren at Alex sa room ni Kuya Ren tapos kami naman ni kuya ko sa room niya. May couch din sa loob ng room ni kuya kaya ayun, dun nalang daw siya matutulog ayaw niya naman daw na di ako maging comfortable sa pagtulog ko. Ang bait talaga noh? Hahahaha. Pero, seryoso, si Kuya kanina? Parang di lang siya. As in, parang The Other Side ba. Hahahaha.

Marami pala akong hindi alam kahit sa sarili kong kuya. Alam kong mabait siya, napakacaring, napaka-understanding, napakalambing pero di ko pa nakikita si kuya na super makulit tapos kanina parang naiinis na siya tapos parang magagalit na pero si Kuya Ren, di umaawat sa pagjo-joke. Hahahahaha. Ang kulit lang eh.

"Jeeeem, tulog ka na?" Biglang nagsalita si kuya. Haha. Akala ko nakatulog na to. Mapagtripan nga.

"Opo. Tulog na." sabi ko sa boses na parang nakatulog na talaga. Hahaha.

"Loko ka 'incess. Hahaha." Incess kasi tawag niya sa akin minsan. Ako daw kasi yung younger princess niya tapos minsan, binabad-trip ko yan. Basta sinasabi niya na ako daw yung younger princess niya, tinatawag ko siyang elder princess. Kaya ayun, sinasabi niya na di daw princess, dapat daw prince. Pero, siyempre, bata pa ako nun. Hahahaha.

"Nasira beauty sleep ko kuya. Tulog naaa. Ta mo yang orasan oh. May bukas pa at may klase pa bukas." kasi naman eh. Napasarap usapan namin tapos yun nagdecide nalang sila kuya Ren na dito na muna kami magpapalipas ng gabi tapos bukas na daw namin hanapin yung dorm rooms namin ni Alex. Tutulong nalang din daw sila. Kaya ayun, dito nalang muna kami and since bago lang din kami ni Alex, makukuha lang namin yung school uniform namin sa locker namin.

"Okay lang ba talaga sa'yo Jem na magpanggap ka? I mean, di parang naha-harass mo sarili mo niyan?" concern could be traced on my brother's voice. Kahit na kasi alam niya na nabu-bully ako sa old schools ko, may expectation pa rin siya na someday talagang matatanggap ako, but, unfortunately that never happened.

"Okay lang to kuya. Atleast, kasama kita tapos may kaibigan na rin ako, si Kuya Ren tapos si Alex." pero, di pa talaga officially friends ni kuya Ren pero sa mga napag-usapan namin kanina, maco-consider ko na rin naman siya diba? Kasi para sa akin, that conversation earlier is a friendly talk and I badly need someone like kuya Ren din eh. Yung nakaka-intindi sa mga feelings ng iba, yung nagco-consider muna sa ibang tao bago gawin ang isang bagay.

"Oh nga naman. Kahit na gustuhin ko man na matanggap ka sa mixed society pero naman kung palagi ka lang maapi dun, mas p-prefer akong dito ka na lang sa tabi ni Kuya para mabantayan kita, maalagan at mapagtanggol. Tapos, tama. Andyan na rin si Ren at si Alex, mga tunay mong kaibigan. By the way, paano pala kayo nagkakilala ni Alex? Ang alam ko kasi sa'yo, di ka masyadong nagsasalita o nakikipag-usap lalo na sa di mo kakilala pero, nalaman ko lang na may kaibigan ka na? Type mo ata yun eh!" kita mo tong kuyang to. Mang-iinis yan, klaro na.

"Di kuya. Siya yung lumapit sa akin nung umupo na ako sa seat ko sa room namin. Bigla siyang lumapit tapos nagpakilala tapos yun na, friends na kami. Kinuwentuhan niya ako kung gaano ka karespetado dito sa Cifford tapos lahat-lahat na. Hahahahaha. Wala ka kuya! Buking kaaa! Ang sama mo ah! Di mo ako shini-share-ran niyang mga yan." kasiiiii. Nakakapagtampo ho yun! Pero, onti lang, as in onti, yun bang parang ATOM lang sa kaliit, swear! Di ko yata kayang magalit ng sobra sa kuya ko eh.

"Ahh...ehhh.. Diba nga, di ako nakakauwi sa atin, lagi nalang tayong nagtatawagan simula nung pumasok na ako dito, this summer nga lang ako nakauwi ng medyo may katagalan sa atin kasi magfo-fourth year na ako at busy na rin sa mga agency na gustong kumuha sa akin. Alam mo na, parang show business dito imbis na maging skwelahan kaya yun. Tapos, di rin pwede umuwi palagi baka kung ano ang mangyari, maraming hostage-taking ang nangyayari na ang mga hino-hostage ay mga students ng Clifford, mahirap na, mabuti nang sigurado na safe palagi. Tight ang security ng campus kaya di madaling mapasok ng mga kung anu-anong gangs. Safe kami lahat dito." kaya naman pala. Mabuti na nga lang din at dito nalang para sigurado, hhmmm. Tama.

"Eh, pero, kuya? Si DK?" -tanong ko sa kanya.

Biglang tumahimik yung room.

Na-feel ko rin naman na ayaw niyang pag-usapan kaya di ko siya pipilitin.

"Sige kuya. Kung ayaw mong pag-usapan yan, wag na lang. Matulog na tayo at may pasok pa bukas. Goodnight kuya. :) " rinirespeto ko naman si kuya eh. Kahit malapit kami niyan, alam ko pa rin limitations ko. Di naman pwedeng laging alam ko ang lahat ng nangyayari sa buhay niya.

"Thanks sis. Thank you for understanding. Masakit pa rin kasi para sa akin yun eh. But, I'll tell you, at the right time. Goodnight." yun nalang sinabi niya. I understand kuya naman eh. Siguro nga, DK is important para sa kanya. Nasira lang ng "insecurity". Haynako, buhay nga naman oh. Tsk.

Yun lang ang pinag-usapan namin and we retired for the night.

***

Kina-umagahan, ramdam kong pina-pat na ako ng kuya ko para gumising. Sorry naman po, ang tagal naman kasi namin natulog kagabi. Kaya, antok pa ako! To the max.

"Princess, gising na uy! Mahuli ka pa sa classes mo ngayon. Bahala ka. Rinig ko kay Alex na terror daw yung unang prof niyo ngayong araw. Bahala ka. Ikaw din. Baka patakbuhin kang nonstop sa football field! Malawak yun! O baka, palanguyin ka dun sa swimming pool ng paulit-ulit, o baka----"

"Waaaaah! Kuya eeeh. Wag ka nga manakot! Grabe ka naman kuyaaa! Oh, eto na. Eto na! Kumikilos naaaa!" sabi ko kay kuya. Si kuya naman, tawa lang ng tawa. Grabe tong kuya kong to. Makuliiiiiit!

"Yung susuotin mo, andyan na. Nakita ko subjects mo for today kaya yan lang kinuha ko. Kung magpapalit ka na ng uniform, andun sa locker mo. Tingnan mo lang sa form mo ha? Tapos kung magpapalit ng damit, sinasabi ko sa'yo, maghanap ka talagang CR, dapat wala kang kasama, ha?" Napapatango lang ako habang nakaupo pa sa kama. Antok pa ko eh. Kaya naman lumapit si kuya at inipit ang mukha ko sa mga palad niya. Tumawa naman siya ng tumawa kaya hinawi ko yung kamay niya at tiningnan siya ng masama. Tumatawa pa rin siya hanggang sa makalabas siya ng kwarto niya.

Pumasok na ako sa bathroom para maligo tapos nagbihis na rin ako. Si kuya, andun, naghahanda na ng breakfast. Ang saya lang. Puyat ako, halos di nga ako maka-move on habang naliligo eh. Kelangan pa akong sigawan ni kuya para mabuhay ulit diwa ko. Nakakaantok kasi eeeh. Kasalanan ko bang napuyat ako? Oo nga naman, kasalanan ko nga. Tsss. Tanga na nga, kinakausap pa ang sarili, banas!

Pagkalabas ko ng room ni kuya, nakita ko si kuya at si kuya Ren na naghahanda na sa hapag kainan. Sosyal noh? Bahay lang ang peg nitong dorm room ng seniors. Sosyal. :3 si Alex naman, kakalabas pa sa room ni Kuya Ren, halos sabay lang kami pero ako handang-handa na, siya naman, yung necktie, kung saan-saan pa ang binabagtas tapos yung buhok, gulo-gulo. Lalaki talaga. Haaays.

"Oh, upo na kayo at ng makakain." sabi ni Kuya Ren. Umagang-umaga, nakaka-inlove na eh. Gwapong-gwapo, gentleman na gentleman! HAHAHAHA.

"Salamat kuya Ren. Kayo rin, kain na rin kayo. Sabay na tayo lahat." paga-aaya ko sa kanila. Mabuti nang sabay-sabay kumain para mas masaya.

"Wag na. Una na kayo. 8:30 pa naman pasok namin eh wala pa daw kasi kaming teacher sa first subject ngayon, wala pa silang napili para mag qualify sa standards ng school. Hahaha. Hanep eh." sabi niya. Grabe tong standards ng school na to! Mataas pa sa pride ko!

"Ah." yun na lang nasabi ko at sinunggaban ko na rin yung breakfast ko.

Tapos, mayamaya pa, narinig kong sabi ni Kuya Ren kay Alex na...

"Oy, Alex, hinay-hinay lang! Mabulunan ka niyan eh. Naku. Gutom tong batang to. Hahaha." tapos tinignan ko si Alex, parang batang may mangunguha ng pagkain kapag di niya uubusin agad. Hahahaha. Kakaawa na tuloy niya tingnan.

"Eh *chomp* gutom *chomp* ako kuya. *chomp* super!" Alex na nabubulunan habang nagsasalita. Hahahaha.

"Obvious naman siguro dre?" Baliw kuya ko. Mambara ba daw?

"Kaya nga *chomp* kuya JR eh. *chomp* tapos yung *chomp* yung subject *chomp* pa namin ngayon. *chomp* first subject *chomp* ay PE. *chomp* leshe lang. Banas naman. *chomp* *chomp* *chomp* "

"Sabi sa'yo JM eh. PE. Sige ka! Papatakbuhin ka nun sa field!" kainis tong si kuya. Nanakot pa rin.

"Ako ba talaga ang male-late o si Alex? Tingnan niyo nga oh, di pa maayos yung mukha. Di siya presentable oh."

Tumawa lang sila sa pagmumukha ni Alex. Matapos naming makakain, nagpaalam lang kami para pumasok na sa first class namin.

Hinahabol pa naming ang hininga namin ng may pumasok na babaeng sa loob ng gym. Napasipol pa yung iba dahil siguro sa ganda nito. Ito ba ang magiging instructor namin? Kinakapos pa ako sa hininga ko. Wala man lang break time.

"Name's Ava Hughes. First thing to do is pair up and do warm ups. You're not new to this so just do it and do 5 laps on the field." Pagkatapos nitong sabihin ang instructions nito for today, nagtungo ito sa doors papuntang field. Sumunod naman ang mga kaklase namin at yung iba ay nakahanap na ng mga partners.

"Tayo na partners, ah? Wala akong ibang kakilala eh?" Sinusundot pa ni Alex ang tagiliran ko. Sapakin ko kaya 'to? Ang sakit manundot eh. Tumango na lang ako, as if naman may choice ako. Pareho lang naman kaming walang ibang kilala dito.

Natanaw ko na naman ulit yung lalaki sa may bintana kahapon. Tahimik lang siya habang kasama niya yung ibang lalaki. Bale, apat silang magkakaibigan, or ewan, assumption ko lang naman. Napatingin siya sa gawi ko kaya nagulat ako pero mas ikinagulat ko kung gaano kabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Ano nangyari dun? Ganun ba talaga ako kapangit? Luh siya.

----------

Nang matapos namin lahat ang 5 laps, pinagpahinga na din kami ni Miss Ava. May 20 minutes pa bago ang susunod na class. Tumungo na ako sa locker area para kunin ang uniform ko. Alam ko na naman ang locker number ko. Nang matanaw ko na ang locker area, nakita ko na nandun din yung misteryosong lalaki na iniwasan ako ng tingin kanina. Baka inirapan ako ng isang 'to kanina? Ah, ewan. Walang pakeng pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko. Hindi pa nga ako umaabot sa locker ko, nagmamadali itong isinara ang locker nito at naglakad paalis. Napahawak naman ako sa t-shirt ko saka inamoy. Mabaho ba pawis ko? Luh, di naman eh!

"Hoy! Para kang tanga diyan, JM! Hahahaha!" Nanggulat pa talaga ang mokong. Nang lingunin ko siya, masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya.

"Amoy pawis ba ako?" sabi ko dito at saka inilapit yung t-shirt ko sa kanya. Napapa-atras naman siya na para bang diring-diri sa ginagawa ko.

"H-ha? Ah, eh, y-yuck! W-wag k-ka nga lumapit, JM. A-ano ka ba??" Napasimangot ako. Baka nga amoy pawis talaga ako. Pati siya lumalayo eh.

"Ewan ko sa'yo, Clifford." Yun lang ang sinabi ko at umalis na papuntang shower room para makapagpalit. Nakakahiya naman sa kanilang lahat at amoy pawis ako.

----------

Alex's POV

Asdfghjxzxcsh! Ba't ba?! Iba talaga kutob ko kay JM kaya naman ganun na lang reaction ko nung nilapit niya sarili niya para amuyin ko daw. Kinikilabutan ako sa sarili ko. Hindi naman talaga siya amoy pawis pero naiilang ako kapag malapit siya sa akin. Ganito lang naman ako kapag babae kaharap ko, eh hindi naman siya babae. Paano ba 'to?! Di ko maexplain! Kailangan ko atang dictionary.

Nasa classroom na kami at nakaupo lang din ako sa upuan ko. Medyo may kalayuan ito mula sa seat ni JM, andun kasi siya sa dulo, second to the last seat on the corner of the room na malapit sa window. Nakatingin lang ito sa labas habang sinusuportahan ang mukha gamit ang ikinuyom nitong kamay. Magandang bata sana ito kung naging babae lang. Ang pungay ng mata tapos ang kinis, mapupulang labi, at matinkad mong ngiti. Ay, tanga. Napapakanta lang. Nababaliw na siguro ako. Napapailing na nilibot ko ang aking paningin sa iba pa naming kaklase. Nagsisitakbuhan na ito pabalik sa kani-kanilang upuan. Andyan na siguro ang instructor namin. Nang inaayos ko na ang pag-upo ko at ipukol ang sarili sa harapan, hindi nakatakas sa paningin ko ang lalaking nakaupo sa likod ni JM at naka-rest yung ulo nito sa kamay na pinag-de-kwatro sa arm chair at sobrang titig na titig kay JM. Langya, nakakabakla ba talaga si JM? Ay ewan.

--------------------

I'll start updating to finish the story. Nakakasakit sa puso pag may mga stories na di matapos-tapos. :(

Continue Reading

You'll Also Like

163K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
39.1K 1.7K 23
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
563K 14.8K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
3.5K 188 42
"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya da...