Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.1M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40

Wakas

832K 41.8K 109K
By jonaxx

This is the Epilogue of Hold Me Close, Azucarera Series #3, and the end of Azucarera Series. Thank you so much for reading. Hope to see you all again on my next series, and other on going series. For further announcements, please take time to visit my website every now and then. www.jonaxxstories.com

---

Wakas


"Tara na, Alvaro! Sus! Hayaan mo na 'yang batang 'yan!"

"Bilin ni Sir, e," sambit ko pero nag-isip.

May pagkababaero ang Kuya Gilbert ko noong highschool. Kaya naman, maaga rin akong nakuryoso. Malaki ang impluwensiya niya sa akin at kung hindi lang talaga dahil sa mga pangaral nina Mama at Papa, baka nga kinalimutan ko na ang ibang mga importanteng gawain.

"Mamaya na. Susunod na lang ako!" sabi ko kay Daniel nang nakapagdesisyon.

Dahil ako ang bunso, ako rin ang inaasahang magbabantay o makakasalamuha sa anak ng pinakamayamang asyendero sa buong Altagracia, at maaring sa Negros. May isang anak si Enrique Valiente. Babae at mas bata sa akin ng ilang taon. Dahil marami ang galit sa mga Valiente, hindi rin naging madali sa babaeng anak ang makipagkaibigan sa iba.

Ate Gen is also her friend. Pero dahil masyadong malaki ang agwat ng edad nila, hindi gaanong interesado si Yohan Valiente sa kanya.

"Yohan, aalis ako, e..." I said trying my best to make it appear urgent even if it really wasn't.

At wala rin naman talaga akong magandang dahilan. Gusto ko lang manood sa Bailes de Luces. Laging maraming magagandang sumasali roon. Pati ang muse na nananalo, walang tapon. Iyon ang festival na ginagawa sa bayan na ito at inaabangan naman talaga ng lahat.

"Saan ka pupunta?" malungkot niyang sinabi.

"Ah. Mamumulot kami ni Ate ng Gmelina para ibenta," palusot ko.

"Ibenta? Bakit?"

Pansamantala akong natigilan sa tanong na iyon.

Nakakatawa at medyo nakakalungkot. Magkaibang-magkaiba talaga ang estado ng mayayaman at mahihirap sa bayan na ito. Kahit na alibi ko lang naman ang sinabi, pero totoong namumulot ngayon si Ate Gen ng Gmelina. Ganoon din ako minsan para maibenta namin. May iilang bumibili para itanim sa kani kanilang lupain. Mga dayo at mga napapadaan lang. Matagal man tumubo, pero hindi na rin masama kung ibenta ang kahoy na makukuha rito kalaunan.

Yohan Valiente didn't know about that. Lahat ng nakakausap ko, tuwing binabanggit ko iyon, wala ni isang nagtanong kung bakit ibebenta ang prutas ng Gmelina. Alam ng lahat na kikita roon, kaunti man pero hindi na masama. For a Valiente, like Yohan, who grew up rich it's a trivial matter. She didn't know or understand.

"Para magkaroon ng notebook sa pasukan, Yohan," sabay tawa ko. "Sige na, ah. Alis na ako," sambit ko.

"Tutulong ako sa pamumulot ng G-Gmelina!"

I laughed awkwardly at that. Bago ko pa mabago ang isipan niya, nagtawag na siya ng driver at yaya niya at pinaalam na na mamumulot siya ng Gmelina kasama ko.

Wala tuloy akong nagawa. Pagagalitan ako nina Mama at Papa kung tinanggihan ko si Yohan. Lalo na kapag nalaman nila na gusto ko lang naman talaga manood ng Bailes. Kaya nagkunwari na lang ako.

Pinarada ang sasakyan sa kung saan namumulot si Ate Gen at mga kaibigan niya ng Gmelina. Ginawa ko naman kahit na hindi ko naman talaga sadya iyon.

"Oh, ginagawa mo rito? Ang sabi ni Daniel, manonood kayo ng Bailes?" si Ate nang nakita ako at naroon na rin si Yohan, ginagaya ang ginagawa ng mga kaibigan ni Ate.

I sighed boredly and looked at the yong girl Valiente for the answer. Umiling na lang si Ate at nilapitan si Yohan para kausapin.

Bukod sa nahihirapan akong tumanggi kay Yohan, ayaw ko rin minsan sa mga ginagawa niya para sa amin.

"Ano 'to?" tanong ko pagkatapos niyang ibigay ang isang supot.

Isang araw iyon sa huling mga linggo ng bakasyon. Ngumisi siya. Tinanggap ko naman ang supot at sumilip sa loob.

"Mga notebook! Para hindi ka na bumili gamit iyong pera!" masaya niyang sinabi.

I smiled. Alam ko namang magaan sa loob at maganda ang intensiyon niya pero hindi ako gaanong kumportable sa ganoon.

"Hindi mo na dapat pa ako binilihan. Nagtatrabaho naman kami para roon, Yohan."

Napawi ang ngiti niya. Hindi ko nga lang alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya iyon gayong hindi niya rin naman siguro maiintindihan. But I remember that it was one of the few moments that I ahd with her right before her father betrayed my family.

Malaking balita iyon sa buong Altagracia. Laking pasasalamat na lang ni Mama na tinanggap kami ng mga Alcazar sa madilim na panahong iyon.

Nabaldado si Papa dahil sa atake at nakuha ni Enrique Valiente ang aming tubuhan. Parehong nagalit si Kuya Gilbert at Ate Gen pero wala nga namang magagawa ang galit kung mahirap lang kami.

Kahit anong punta sa munisipyo para mag reklamo, sa korte, at tulong sa mga abogado, buong lalawigan yata ang may empluwensiya ng mga Valiente. Iyon ang nag-udyok kay Ate Gen na kumuha ng abogasya pagkatapos mag kolehiyo, at si Kuya Gilbert, pumasok sa PMA, gaya ng nauna niyang plano.

Nagtatrabaho kami nI Ate Gen katuwang ni Mama. At si Papa, naging madilim ang pananaw sa buhay dahil sa kataksilang nangyari.

Ate Gen's anger was only towards Tito Enrique. Kaya lang, kay Mama, sa buong Valiente na dahil na rin siguro sa sinapit ng pamilya. Kaya siguro kahit anong gawin kong maging patas, sa likod ng isipan ko, may kaunting galit ako sa kanila.

Lalong lumayo ang loob ko kay Yohan. Hindi ko rin alam kung naintindihan niya ang nangyari pero nagsimula rin siyang maging tahimik pa lalo at mapag-isa. The whole campus disliked her. And although I was a bit angry with her, I didn't like seeing her getting bullied.

Noong una, umiiwas lang ako para hindi na bumagabag sa akin, pero kalaunan, hindi ko na napigilan.

"Tama na 'yan!" sabi ko nang umalis siya na naiiyak na.

"Oh? Bakit, Alvaro? Pinagtatanggol mo 'yon? Muntik anng 'di maka graduate si Ate Gen dahil do'n ah!"

"Hindi naman siya. Si Tito Enrique naman iyon."

"Kahit na! Anak siya ni Tito Enrique. Hindi ka ba nagagalit? Kami nga, sinisante nang walang dahilan ang mga magulang namin sa azucarera nila, galit na. Ikaw pa kaya na ganoon ang ginawa sa inyo?"

I heard someone chuckle. It's a girl classmate. Nilingon ko siya.

"Malambot ang puso ni Alvaro roon dahil may gusto sa kanya... Sus! Ayaw mo lang magbago ang tingin sa'yo ng bata, e," she said it like it was an insult.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala naman akong pakialam kay Yohan. Tingin ko lang, hindi maganda na sa kanya n'yo isinisisi ang mga ganitong bagay."

"At bakit, Alvaro? Sabihin mo nga? Paano ba namin masisisi kay Enrique Valiente ang mga kagaguhan niya?"

Natahimik ako.

"May gusto nga iyon sa'yo Alvaro. Naririnig ko sa mga classmates noon ang tuksuhan. Kaya mo ba pinagtatanggol?"

"Ang pangit na 'yon. Talaga?!" my girlfriend hooked her arm on mine.

Kadarating niya lang pero mukhang narinig ang pinag-usapan. Nilingon ko siya.

"Tumigil ka, Camille," banta ko.

She looked offended at my words. "Ako pa ang titigil e iyong batang 'yon ang masama?!"

"Ang tatay niya ang masama. Hindi siya. Alam kong galit tayo kay Enrique Valiente pero anong pinagkaiba natin sa taong 'yon kung ibubuhos natin ang galit sa inosente?"

Bumitiw si Camille sa braso ko. Napabaling ako sa kanya at nakita kong humalukipkip siya.

"Sabihin mo nga, Alvaro. Akala ko ba girlfriend mo ako? Bakit mo kinakampihan ang batang iyon."

I sighed. "Ano ang koneksiyon niyan sa relasyon natin?"

"Kung girlfriend mo ako, dapat ako ang kinakampihan mo lagi! I agree to them, Alvaro. So you need to agree, too. I'm your girlfriend and you love me."

Sa totoo lang, nairita ako lalo. Sinali pa sa usapan na iyon si Yohan. Binanggit niya rin ang relasyon namin sa harap ng maraming tao. Para saan? I don't normally do this. I do this in private to my exes but this time, I saw red and I got really pissed. Siguro dahil sa naunang pagtatalo o ewan ko.

"Nagkasundo tayo na may hangganan ang relasyon natin dahil aalis naman ako, hindi ba?"

Camille's eyes widened.

"I can't fall in love, I'll leave and pursue my dreams to join the military, Camille. Huwag mo na ulit babanggitin ang bagay na 'yan." Tatalikod na sana ako dahil sa kaunting kahihiyan.

Narinig kami ng mga kausap ko kanina. I really didn't intend to say that in front of people but she pissed me off.

"Alvaro, ano?!" si Camille na mas nairita pa. "So pinipili mo siya?"

Hindi ako sumagot. Bakit pa kailangan isama si Yohan sa usapan? Kahit naman hindi siya ang binu-bully, ipagtatanggol ko pa rin naman dahil nakikita kong mali iyon.

"E 'di break na tayo!" she cried.

Nilingon ko lang siya. I tried to be nice but my anger got the best of me. I can't wipe the smug look on my face before I raised a hand lazily to wave.

"Sige..." bago ako umalis.

I don't intentionally watch her but for some reason, she always finds a way to be in the right place.

"Huwag na. Bakit pa kailangan 'yan, hindi ba?" I smirked at a new girl who confessed to me on an empty kiosk. Right next to my loud group.

Maganda naman. Pasado na. Ayaw ko na sanang magkaroon ng girlfriend at laro laro na lang pero hindi ko alam kung bakit gusto talaga nila ng label.

"Bakit ba ayaw mo? Be my boyfriend, Alvaro."

Nagtaas ako ng kilay at ngumisi. "Ano ba talagang mayroon sa label?"

"Bakit ba ayaw mo?"

"Ang sabi ko, hindi ako puwedeng magseryoso, hindi ba? Aalis ako at ayaw kong may iiwang luhaan," I said cockily.

Because I know for sure that nobody could keep me from reaching my dreams to the point that I'll stay... and stop pursuing them. Mahirap lang kami at kumakayod si Mama para sa pamilya. Hindi puwedeng dahil lang sa tawag ng laman, tatalikuran ko ang tungkulin at responsibilidad ko bilang anak. At isa pa, gusto ko rin iyon para sa sarili ko.

"Be my boyfriend. I'll change that, Alvaro. Babaguhin ko ang isipan mo. Aayaw ka sa PMA at mas gugustuhin mong manatili rito dahil mamahalin mo ako."

I smirked wider when I realized her curse. This is not the first time I heard that. Sasagot na sana ako na tatanggapin ko ang hamon niya pero napabaling ako sa banda ng grupo dahil may tinatawanan sila.

Nilingon ko iyon at nakita kong dumaan si Yohan. My group is loud and all boys. Minsan, kung ano ano ang tinatawanan nila pero kitang-kita ko ang pamumula ni Yohan sa malayo. Sumusulyap siya sa grupo at nagdadalawang isip na dumaan.

Nang umingay lalo at umatras siya at tumakbo. Umalis nang tuluyan.

Kumunot ang noo ko. It somehow bothered me that my friends aren't talking about her... but she seems sure that they were. Na para bang lagi niyang iniisip na pinagtatawanan siya ng lahat. Na walang ibang ginawang pulutan ang buong school kundi siya.

"Alvaro?"

"Fine. Fine!" wala sa sarili kong sagot.

It's not a good thing. That means somehow, the bullying traumatized her. Doon ko pa lang iyon natanto. Sinusubukan ko rin siyang ipagtanggol pero simula yata ng araw na iyon, lumala pa ang pambubully. Pakiramdam ko tuloy... kasalanan ko.

Somehow, they think that I am on her side. It angered the girls more, thinking that she's good for nothing and yet, earning the sides of many people... including me. Kaya lumala pa ang pang-aaway sa kanya.

Kasalanan ko talaga yata at hindi ko na alam kung ano pa ang maaring gawin para makatulong.

"Kaya pinapaliguan? Kaninong ideya 'yan?" Ngumisi ako sabay tingin sa kanya sa tabi ni Chantal.


She has lost any confidence she has earned as a kid. Ngayon, tahimik na tahimik na siya parang naglalakad sa gitna ng mga bubog. Hindi ko gusto iyon kaya sa maliit na paraan, sinusubukan kong pagaanin ang loob niya.

May pusa siyang inaalagaan sa skul. Kuting pa. Maliit at marumi. Naalala ko iyong mga pusa ni Ate Gen na pinaglalaruan ko. At na ilang beses kong nakalimutang pakainin dahil hindi naman ako maalaga. At ilang beses ko ring napalo ng walis tingting dahil sa pagnanakaw ng ulam.

"Kikidlatan daw ang magliligo ng pusa, ah?" I tried to look at Yohan's reaction.

She only stiffened.

"Kaninong ideya ang pagliligo niyan, kung ganoon?" ulit ko dahil gusto kong sumagot siya.

"Ako? Bakit? Kikidlatan na ba ako?" I heard Chantal and I realized that I was wrong to think that it was Yohan's idea to bathe the poor kitten.

Out of concern, I offered to help raise the kitten. Hindi ko talaga inisip ang responsibilidad noon. Iniisip ko lang na pakakainin at bigyan ng matutulugan, tapos! Wala nang ibang kaartehan pa!

Dear Alvaro,

I read her letter and noticed how good she was with words. Walang panama ang mga senior high na love letter dito. Ngumisi ako at tiningnan ang dingding ng gym.

Naabutan ko siyang nagkukumahog tumakbo sa likod ng gym kanina. Parang tanga. Bakit pa tatakbo? Nahihiya? My smile got wiped off as I realized that maybe she thinks I'd bully her too. That I am no different than the other students who give her names.

Hindi naman siya pangit. Hindi rin maganda o dahil hindi siya ang tipo ko. Maputla, at sa laki ng grado ng salamin, lumalaki rin ang mga mata niya kahit na may pagkachinita. May kaunti rin siyang tigyawat, isang bagay na wala sa dugo naming magkakapatid na Santander.

"Nasaan kaya ang amo mo? Akala ko ba iaabot ka sa akin?" parinig ko baka sakaling magpakita na parang multo.

I smirked. But she didn't show herself so I thought of more things. I noticed she like cats so much. It would bother her if she hears my thoughts about it.

"Araw araw ka bang nililiguan?" sabi ko kahit na alam kong hindi.

Sisipunin ang maliit na kuting. Matataranta si Yohan, panigurado. Pero mukhang matibay ang loob, ah.

"Hmm. At isang beses ka lang ba kakain sa isang araw?"

Magiging kalansay 'tong pusang 'to.

"At gatas lang ang kailangan mo hanggang tumanda, hindi ba?"

Mamamatay pa yata sa LBM.

She appeared. I smirked and question why she's hiding. Natanto kong hindi nga ako nakaligtas sa masamang tingin niya. She's not comfortable with me, not because she likes me, but because she thinks I will bully her.

"Gusto kita, Alvaro. Guwapo ka. Pero huwag mong kalilimutan na ako lang ang puwedeng manakit sa pinsan ko," banta ni Aria sa akin nang napansin na dahil sa pusa naging malapit kami ni Yohan.

"Hindi, Aria."

"Hindi ka nakikipaglapit sa mga babae bilang kaibigan, alam ko. Kaya sa oras na malaman kong pinaglalaruan mo lang siya dahil lang gusto ka niya, hindi kita patatawarin."

Natawa ako at natahimik sa banta ng pinsan niya. She's not very nice to Yohan and she bullies her but I realized now that she cares for her.

"Huwag mo gaanong pahirapan, Aria. If you care for her, tell her your real feelings. Kasi hindi nakakatulong na malupit ka sa kanya."

Nagulat siya sa sinabi ko. Namilog ang mga mata niya.

"Anong paki mo paano ko siya tratuhin? Pamilya ako, Alvaro. Kakilala ka lang!" mariin niyang insulto sa akin.

I smirked. "Hindi man lang kaibigan, ah?"

Hindi na siya sumagot.

Kaya hindi na ako nagtaka na pagkatapos ng event na iyon, matindi na ang galit ni Aria lalo sa akin. Hindi ko alam kung nandoon ba si Yohan. Ang narinig ko, wala dahil may pasok pa sila noon pero hindi pa rin ako mapakali.

Naipit ako. Hindi ko gustong aminin iyon sa harap ng maraming tao pero alam kong kung itatanggi ko naman, gaya ng dati, pag-iinitan lalo si Yohan. Napapansin na ng iba ang pagiging malapit namin dahil sa pusa dahilan ng pagdoble ng mga naiirita sa kanya.

I realized that aside from the people who were hurt by Enrique Valiente, some of her bullies and haters are girls who actually likes me. Hindi ko alam kung dahil sa inggit ba o ano pero inaaway nila si Yohan. Kunwari'y may galit sa mga Valiente pero ang totoo, nairita dahil nalalapit akop sa kanya.

Wala rin kasi akong naging girlfriend halos buong taon dahil huling taon ko na iyon. Iniisip ko aalis na ako kaya hindi na ako tumanggap ng girlfriend. At siguro rin dahil abala na kay Kuring kaya ganoon. Imbes na sinadya kong huwag kunin ang numero niya at idaan kay Aria ang lahat... para naman isipin ng iba na si Aria ang gusto ko... napansin pa rin nila na si Yohan talaga ang sadya ko tuwing bumibisita sa kanila.

"Wala siya no'n. Tinanong ko," iritadong sabi ni Aria sa akin nang tinanong ko siya sa sumunod na araw tungkol doon.

I sighed. Buti na lang.

"Bakit? Guilty ka sa mga sinabi mo? Hindi ba 'yon totoo?"

"T-Totoo naman."

"Ba't ka nagtatanong kung narinig niya o hindi?" nagtaas siya ng kilay.

"Kasi... pakiramdam ko... masasaktan siya."

I announced that I have a girlfriend only to stop the rumors about Yohan. Nagsinungaling ako at siguro paninindigan ko iyon kung kailangan. Para lang matigil na ang pambubully sa kanya.

"Ano naman ngayon? Eh, 'yon naman ang totoo, hindi ba?"

She's got a point but still, I can't stop regretting. The only consolation for it all was the fact that her bullies, after the heart's day, stopped bugging her. At least now that I'm leaving for the PMA, I am sure that she won't be bullied anymore. Dahil sa huling buwan bago natapos ang eskuwela, gumanda ang tungo ng lahat sa kanya dahil sa nangyari.

The training was really hard. It made me abandon many things. At siguro rin dahil seryosong seryoso ako sa pangarap, kaya mas lalong mahirap sa akin, imbes na madali.

"Kuring, 'tong amo mo tindi, ah?" sabi ko habang nakaupo sa labas ng bahay.

Umuuwi ako tuwing may pagkakataon pero mas madalas ako kay Kuya Gilbert sa Zamboanga dahil sa turo niya. Nalaman niya kasi na army ang gusto kong pasukin at mas gusto kong mag field kaysa sa opisina. I find it fulfilling to live for something deep, or maybe I was very idealistic.

"Noong nakaraang uwi ko, may hinawakang tiyan. Abs daw, wala naman. Ang totoong may abs, hindi nagmamalaki!" giit ko dahil mula noong nagtraining, nagkaroon din naman ako noon pero walang sadyang pinakitaan.

Patuloy ang paglalaro ko kay Kuring. Hindi naman nakikinig ang pusang ito. Ang yarn lang yata ang gusto.

"Saka sa mga Valiente ka magmanman, hindi sa mga Alcazar! Lagi ka na lang naliligaw doon. Napakawalang kuwenta mo namang espiya, Kuring..."

Ganoon lagi sa nagdaang taon. At sa huling uwi ko bago ako nadestino bilang special forces, nakita ko ulit siya. She's on her last year of senior high then. I didn't see her the next years after that fateful day in a convenient store. Kaya naman laking gulat ko nang nagkita kami noon.

Nasa milk tea place ako sa bayan, kumakain. Namasyal lang bago ang alis bukas at naroon si Angelo at Yohan, nag-uusap.

Nagtaas ako ng kilay at nagpatuloy sa kinakain. Bumili ako ng sandwich at ginaya ang in-order ni Yohan na inumin kahit mukhang hindi iyon masarap. Hindi niya ako napapansin dahil nakatalikod siya sa akin at masyadong abala kay Angelo... pero nasisiguro kong mapapatingin siya sa banda ko mamaya.

I finished my food first. Maybe because I didn't have anyone to talk to. They have each other so they ate really slow.

Boyfriend niya yata. May pa holding hands na, e.

She really wasn't ugly then. She was just young and people wanted to destroy her confidence. Hindi rin naman siya sobrang ganda. Sakto lang. At ngayon... natuto nang mag-ayos at tumangkad na rin ng kaunti. She matured fast or maybe the years for me was really fast because of my training.

Natanaw kong unti-unti siyang hinalikan ni Angelo. Napapatingin ang ibang mga tao roon sa lamesa nila dahil sa ginagawa ng dalawang mapupusok na magboyfriend. I cleared my throat and at some point, I wanted to go and leave but I also know that it might be my last chance. So I stayed and waited even if I hated what I just saw.

Nagbayad at tumayo ang dalawa. Magkaholding hands at namumungay ang matang umalis, hindi man lang tiningnan kung sino ang naroon sa cafe. I gritted my teeth and raised a brow. This is ridiculous.

Tinapon ko ang tissue sa pinggan at nagbayad na rin sa iritasyon. Iritang irita ako na umalis ako ng gabi, hindi na hinintay magbukas.


Sumabak sa giyera na masama ang loob pero nang nasa gitna na ng labanan at naging delikado, sa isipan ko nawala na ang iritasyon para sa nangyari. I just remembered her face and said sorry... that I got jealous. And that when I get through this alive, I'll come back.

Sa ganoon ako nabuhay. At mas minabuti kong huwag na rin munang umuwi para makapag schooling bukod sa training.

It all paid off. I received a high award and got promoted into a higher rank. At nang nagkaroon ng pagkakataong ma assign sa Negros, tinanggap ko na. It was the least appealing for everyone. Mas gusto ni Mama na siyudad ako ma assign na offer din naman sa akin pero pinili ko ang Negros.

"Alam ko kung bakit ka umuwi," si Mama nang bumisita sa kampo at tiningnan ang kalagayan ko roon.

"Para maglingkod sa probinsiyang kinalakihan, Mama."

"Huwag mo akong bolahin, Alvaro. Nakukuwento ni Gen sa akin ang mga tanong tanong mo."

Ngumisi ako at nilapitan siya para aluin. Minsan niya na akong tinanong sa cellphone at lagi siyang naiirita dahil Valiente nga raw.

"Si Mama, biro lang 'yon!" sabi ko kahit ang totoo nahihirapan din naman ako.

"Biro biro ka diyan, e wala kang girlfriend! Nagtatanong ako sa Kuya mo kung may kahit babae ka man lang, sabi niya wala! Nireto ka niya sa magandang pinsan ng asawa niya, isang date lang daw at wala na! Bilang respeto lang ba 'yon?!"

Tumawa ako. "Mama, uso na ngayon sa mga kaedad ko na hindi nag-aasawa at focus lang sa career-"

"Tigilan mo ako! Kung sana ay hindi ko alam ang mga ginagawa mong pambababae noong highschool ka, maniniwala pa ako!"

Tinawanan ko na lang iyon.

"Magsabi ka ng totoo, Alvaro. Hindi naman ako galit. Matagal na 'yon at nakita kong mabait naman si Yohan kahit paano."

Napawi ang malaking ngisi ko at pinagtakhan ang sinabi ni Mama. Alam ko na naman iyon noon pa at siguro kahit naman may kaunti pa siyang galit dito, makukumbinsi ko rin kalaunan. Hindi naman pareho si Yohan at si Tito Enrique.

"Maganda ang tungo niya sa mga mahihirap sa bayan. Ibang iba sa kurap niyang ama kaya walang problema. Kaya lang naririnig ko papalit palit ng boyfriend."

Nilapag ko ang palad sa balikat ni Mama.

"Huwag kang mag-alala, pag natikman ako no'n. Ako na lang ang hahanapin no'n-"

Humagalpak ako kasi kinurot ako ni Mama sa tagiliran sa gitna pa lang ng sinasabi.

"Gagong bata ka! Itatakwil kita sa oras na malaman kong kung ano ano ang ginagawa mo sa batang 'yon!"

Indeed, she had a lot of exes and suitors. The first time we saw each other again, she's with Soren Osorio. Nabangga nga lang sa checkpoint. Sinusubukan ko pang isipin kung hindi ba siya magaling mag drive o talagang nakita niya ako.

The look on her eyes when she stared at me made my hallow stomach churn. And I immediately noticed how my feelings for her changed a lot. Kung noon, nag-aalala lang akko at gusto ko siyang protektahan. Ngayon, iba na. They are light years away and it made me want to pursue her.

So today, I gave her what she wanted. A military wedding. Yes, that's what she wanted. Ang sabi ko hindi naman kailangan kahit nasa militar ako. Siya ang masusunod sa ano mang gusto niya sa kasal namin.

"I want a military wedding," she said. "In honor of you, my future husband, Alvaro."

At inaamin ko, masaya ako. I am so happy that she appreciates my vocation. Not everyone can accept it but she's nothing but proud and happy for me. Na hanggang sa kasal namin, iyon ang gusto niyang mangyari.

I waited for her in a carpeted aisle, with a saber arch. Their swords up in the air as I waited patiently for her slow walk in the aisle.

Wala na akong isasaya o hihilingin pa. I think that if this is the reward for all my sacrifices, then I must still be in debt of more sacrifices. Kasi sobra sobrang kapalit naman yata ito, na mahalin niya ako paglipas ng maraming taon. Na hindi niya ako kinalimutan, kahit na wala naman ako sa tabi niya, at pinili ko na unahin ang bayan.

She is more than a reward for all of my sacrifices. This is why from this day on, I am willing to sacrifice more... to compensate the blessing that I was given.

And as her husband, I promise that I'd never fail her. At gaya ng dati, kung kailangan kong magsakripisyo para sa kanya, gagawin ko rin. Nang walang pagdadalawang isip at pag-aalinlangan.

Pinagmasdan namin si Kuring sa silid ng mga pusa. Malapit nang maghatinggabi at kaalis lang ng mga huling bisita ko. Malakas uminom ang mga kasama ko kaya nauna nang umakyat si Yohan kanina at naiwan ako sa baba para samahan sila.

I'm on leave for the wedding and our short escapade. Pero sa gabing ito, nasa mansiyon kami. Dito sana ang kanyang Tita at Tito pero dahil kalilipat lang nina Aria sa bagong bahay, sinubukan ng mga itong matulog doon. Kaya kaming dalawa na lang bukod sa mga kasambahay.

"Good night, Kuring," Yohan said.

He is the reason why I got close to her, now the reason for our reconciliation. Nakakatuwang isipin na isang pusa ang dahilan ng lahat at hanggang ngayon, kanina, siya ang naghatid sa wedding ring naming dalawa sa altar.

"Good night, Kuring," I echoed her words and slowly scooped her.

"Alvaro!" she protested and scowled at me but I smirked and looked at her.

"It's our first night, Yohan," sabi ko.

"Oo, alam ko. P-Pero... ibaba mo nga ako!"

Nilapit ko siya sa bahay ni Cheshire at Garfield.

"Isama mo ang ibang anak natin. Baka magselos sila. Good night Cheshire and Garfield..."

She said goodnight, too. Ngumisi ako dahil nalimutan niya ang request na ibaba ko siya dahil sa pagsasabi ng good night. Na distract agad dahil sa pusa. Kaya ngayon, okay lang na nasa bisig ko siya basta may pusang pampa-distract.

But the magic stopped whileI was on the stairs. I am carrying her and she noticed it again because the cats are not in front of her.

"Alvaro, maligo ka muna! Amoy alak ka!" aniya.

Ngumisi ako. Namumula siya habang nagpupumiglas. Nakainom ako pero hindi lasing. Siyempre, ayaw kong wala ako sa sarili sa gabing ito. She's wearing a long night gown and I realized that her words meant... she knows what will happen tonight.

"Maliligo talaga ako, Yohan. Nakaligo ka na ba?"

Though I can smell her nice scent. Alam kong naligo na siya kasi nakapagbihis na rin galing sa wedding gown niya pero tinutukso ko lang. Namula naman siya kaagad.

"O-Oo naman!"

"Sayang. Sabay sana tayo maligo. Sa honeymoon na lang, kung ganoon?" I smirked.

Namilog ang mga mata niya at sinubukang magpakatatag. Ngumisi siya.

"O edi sa honeymoon na!"

Lumapad ang ngisi ko. Nasa loob na kami ng kuwarto. Nilapag ko siya roon. Pinaayos niya pa ito para raw sa amin. Isa sa huling pinagtalunan namin dahil gusto kong bayaran ang pagpapaayos niya. Kaming dalawa ang titira rito, ibig sabihin magkahati na kami simula ngayon. Of course, I let her win. She insisted that the renovation was before the wedding. After the wedding, that's when she agreed that I will pay for the things here.

Of course, I compromised. Kung sa bagay na iyon pa lang hindi ko na kayang pagbigyan siya, paano pa kapag nag-asawa na kami. At natuto rin naman siya na magbigay kaya pumayag na sa kasunduan namin.

Nilapag ko siya sa kama. The lights were dim and I didn't care to turn it all on. Isa-isa akong naghubad ng relo, uniporme, at t-shirt. She was silent but I knew she watched me as I put my things on a rack.

She cleared her throat when I started stripping off my underwear. Nilingon ko siya at nakita kong nakatalikod. Asan na ba 'yong pinagmamalaking playgirl?

I pursed my lips, I have no problem for both, though. I can deal with all her shades.

Pumasok ako sa bathroom at naligo ng maayos. Nagtooth brush na rin dahil amoy alak kahit kaunti lang ang nainom. I went out with just a towel on.

"May bathrobe naman do'n-" hindi na siya nakapagpatuloy dahil dumiretso ako sa kama at sa harap niya.

Umahon siya at sinaway na naman ako. Nasa harap niya na ako at kanina pa nag-iinit tuwing naiisip na kasal na kaming dalawa. Josefa Hanabella Valiente Santander. At hindi na rin Valiente ang mga pusa namin. Garfield Santander, Cheshire Santander, Kuring Santander.

I kissed her. She kissed back. At gaya ng madalas ay natitigilan ako kapag ganoon siya. Gusto ko, o nagugulat ako, hindi ko alam baka pareho.

Namumungay ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Unti-unti kong binaba ang strap ng night gown niya. It revealed more of her skin and just before her boob will get exposed. Nilingon ko ang lamp.

"Lights on," I whispered.

She shook her head. "Lights off for now!"

"Bakit?" I tilted my head and let the back of my finger caress her cheek.

"N-Nakakahiya..."

If the lights are on, for sure she's as red as a tomato. Sa boses niya pa lang na nanginginig, alam ko na.

"Bakit nakakahiya? Hindi ka kailanman naging pangit, Yohan. Kaya gusto kong tingnan ka ng buong-buo. Halikan ka sa lahat ng parte. It's our first night and I want to memorize it all."

"M-Maybe next time..." her voice shook.

I sighed and smiled. "I like your small face, your nose, and your eyes..." Pinalandas ko ang daliri ko sa kanyang mukha. "I'm sure I'll like your body the same."

"Gusto ko rin namang makita ka ng buo, Alvaro. Pero..."

Nag-iwas siya ng tingin. Sa dilim, naramdaman ko ang kaunting natitira sa insekyuridad niya sa katawan. I chuckled. I assure her that we have a lifetime to erase those thoughts on her.

Binaba ko ang kamay ko sa kanyang leeg at pinalandas doon ang mga daliri ko at inakyat ulit ang kanyang pisngi. My thumb stop on her full pouty lips and I realized I didn't mention it.

"I like your lips so much, too."

"They're full..." she informed me as if that was a bad thing.

Nanatili ang hintuturo ko sa baba ng labi niya.

"That's why I love it, Yohan," marahan kong bulong at marahan ding nilandas doon ang daliri.

Unti-unti siyang tumingin sa akin. I smiled to make her comfortable. Bumaba ang mata niya sa kamay ko.

Slowly, she found my thumb and kissed it. As if a thank you for the declaration I just said.

At hindi pa nakuntento, tumagal ang halik niya roon. My eyes widened when I realized that the fire I was trying to tame within myself has now broken my walls and patience. The sight of my wife kissing my thumb made my head spin and my heart wild.

I groaned trying my best to do a prelude, even when all I want to do right now is...

Walang pag-aalinlangan ko siyang dinala sa kandungan ko. She only wanted to hold me, but tonight, I'll do more.

Continue Reading

You'll Also Like

58.8K 3.5K 15
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
166K 5.8K 53
The S's #5 Z
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...