Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 18

149 4 1
By Dream_Secretly


"MAXINE!"

Natawa ako nang salubungin kami ni Rhea sa labas palang ng bahay. Halos ito na nga ang magbukas ng pinto kung hindi lang ni-lock ng driver. Hindi pa kasi maayos ang pag-park nito sa garahe. Strikto ang koya ninyo.

"Marami palang nagbago rito, Asawa ko?" Tanong ni Daniel.

Tumango ako. "Habang nasa Cebu kami ay unti unti kong napaayos ang bahay. Wala naman akong binago, in-improve ko lang." Nginitian ko siya. "Welcome home, Daniel." Sabi ko.

"Welcome home to us, Momma, Daddy!" Masayang bulalas ni Maxine.

Namula naman ang mga mata niya at ngumiti. "Thank you..." Muntik na ring nabasag ang boses niya nang titigan niya kami. "F–Finally...I'm home.."

Inabot ko ang kamay niya at mahigpit 'yong hinawakan. "You made it, Daniel. You came back. I'm so proud of you." Sabi ko.

"Kahit anong mangyayari...babalik at babalik talaga ako sa inyo." He breathed.

"I know."

"Mahadera ka talaga Rhea!" Napatingin kami kay Georgia nang hilain ito ni Rhea palabas ng kotse. Excited na excited talaga ang isang 'yon.

"Si Rhea talaga...." Ngumisi ako at binuksan na ang pinto bago lumabas. Kaagad naman niya akong napansin. "Corraine!" Tili niya at mabilis na iniwan si Georgia na naiiling na lamang. "Grabe! Ang tagal nang bakasyon mo!" Aniya.

Natawa ako. "Hindi talaga halatang namiss mo kami, ano?" Biro ko.

Umirap siya. "Buti nga umuwi na kayo, eh! Kung hindi? Nako! Baka ako pa mismo ang kakaladkad sa inyo pabalik rito."

"Hindi ka pa rin nagbabago, Rhea." Komento ko bago inabot ang kamay ni Maxine. Inalalayan ko itong bumaba. "Say Hi to Tita Rhea, 'nak." Sabi ko.

Malapad naman siyang ngumiti at nag-angat ng tingin kay Rhea. "Hello, Tita Rhea. How are you po?" Malambing niyang tanong.

"Maxine..." Umupo siya para makapantay ang pamangkin. "Ang laki laki mo na. Naaalala mo pa ba ako, baby? Ako 'yong nagbabantay sa inyo ni Maximo noon. Siguro hindi na...matagal na rin kasi atsaka ang bata ni'yo pa noon." Ngumiti siya at niyakap si Maxine. "Sayang wala na ang kakambal mo. Sana 'yong demonyong pamilya nalang ng Dad—"

"—Rhea!" Gulat kong awat sa kaniya. Tinakpan ko ang tainga ni Maxine gamit ang mga kamay ko at bahagyang nilayo sa kaniya. Hindi ko nagustuhan ang mga sinasabi niya sa bata! "Baka nakakalimutan mong bata lang si Maxine at inosente. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganiyan sa harapan niya." Mariing sabi ko.

"What? Sinasabi ko lang naman ang totoo. Maganda nga na ngayon pa lang mulat na siya sa mga ganiyang bagay." Katwiran niya.

Umiling ako. "Ayokong lumaki ang anak ko na may galit at poot sa mga kadugo niya."

"Kadugo? Wow! May nangyari ba sa Cebu at tila nakakalimutan mo na ang mga nangyari noon?" Sarkastikang sabi niya sabay baling kay Georgia. "Anong nangyari rito sa bestfriend mo? Ba't bigla atang lumambot? Don't tell me nagka-amnesia siya? Para kasing nakakalimutan niya ang kasalanan ng  mga taong sinasabi niyang kadugo ni Maxine."

"Stop it, Rhea." Pinanlakihan siya ng mata ni Georgia.

"What? I'm just curious. Para kasing may nagbago kay Corraine." Binalik niya ang mga mata sa'kin. "Bakit nga ulit kayo bumalik rito?" Biglang tanong niya.

Napalunok ako. Hindi ko pa sinasabi sa kanila ang tungkol kay Daniel. "Rhea, tumigil ka nga! Hindi ba't ito rin naman ang gusto mo? Ang umuwi kami? Ano inaarte mo diyan?" Inis nang sabi ni Georgia.

"Ito nga ang gusto ko pero alam ko namang hindi 'yon ang dahilan kung bakit kayo umuwi. May rason 'di ba?"

"Sa loob na lang natin pag-usapan—" Natigilan ako.

"—dahil sa'kin." Sabay kaming lumingon kay Daniel nang lumabas ito ng kotse. Hindi na ata siya nakatiis.

"Ikaw?!" Gulat na singhal ni Rhea. "Anong ginagawa niya rito, Corraine?!" Hindi makapaniwalang tanong niya pa.

"Calm down." I sighed. "Georgia, mauna na muna kayo ni Maxine sa loob." Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanilang lahat ng sabay para isang bagsakan nalang pero na-corner na ako ni Rhea. Wala na akong choice kung hindi ang unahin siya.

Mabilis namang kinuha ni Georgia si Maxine na mukhang naiintindihan na ang nangyayari. Hindi kasi ito tumutol o kumibo, basta na lamang siyang sumama sa ninang niya.

"Corraine, ano 'to?! Anong ginagawa niyan rito? Bakit magkasama kayo?" Mariing tanong niya.

"We're fixing our marriage, Rhea. Nagkaayos na kami at umaasa ako na matatanggap ninyo itong desisyon ko."

Hindi makapaniwalang umiling siya. "Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya at nang pamilya niya? Corrain naman! How could you!"

"Please understand, Rhea. May rason ako kung bakit mas pinili kong magpatawad at gusto kong maintindihan ni'yo rin ang rason ko."

"I can't believe this...."

Naglakad palapit si Daniel at tumabi sa'kin. "I'm sorry, Rhea. I can explain...if you just let me..."

Matigas siyang umiling. "Not now." Malamig niyang sagot 'tsaka ako tiningnan. "Nasa loob sila mama at papa. Hindi pa nila alam na nandito siya...pero wala naman kayong dapat alalahanin. Mukha namang wala silang galit sa asawa mo."

"Rhea, please..." Sinubukan ko siyang lapitan pero lumalayo siya. "Mag-usap muna tayo. Gusto kong maintindihan mo ang desisyon ko. Just listen to me." Pakiusap ko sa kaniya.

Matigas siyang umiling. "I said, not now, Corraine." Mariing sagot niya. "Sarado pa ang isip ko para sa kung ano mang paliwanag mo! Ang mabuti pa mauna na kayo sa loob. Kanina pa nag-aantay sila mama."

Makikiusap pa sana ako nang hawakan ni Daniel ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Huwag na muna natin siyang pilitin." He smiled at me. Nilingon niya naman si Rhea. "I'm really sorry, Rhea. Kasalanan ko lahat at sana huwag kang magalit sa asawa ko. Wala siyang kasalanan. Tinanggap niya lang ulit ako dahil—"

"—dahil marupok ang pinsan ko at sinamantala mo naman." Sarkastikang sabat niya. "You know what Daniel? Kung 'yang si Corraine nadadala mo sa mga drama mo pwes ako hindi!"

"Rhea!" Asik ko. "Huwag ka namang ganiyan!"

"Why? Wala ba akong karapatang magalit ng ganito, Corraine? Nawala lahat ng dapat ay meron na ako nang dahil sa pagiging makasarili niya! Kung hindi dahil sa pamilya nila baka mas magandang buhay ang naibigay ko kela mama at baka hindi na kailangang mag-abroad ni Kuya! Sinira niya ang buhay ko! Sinira ng pamilya niya! Intindihin mo naman ang nararamdaman ko! Nawalan ka rin naman 'di ba? C–Corraine....nakalimutan mo na ba lahat ng nangyari? Bakit ang dali dali lang sa'yong patawarin siya?"

"Mahal ko siya." Seryosong sagot ko. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit si Rhea. Nalugi ang restaurant nila noon dahil sa Mama ni Daniel at hanggang ngayon ay may binabayaran pa rin silang utang. Hindi siya natuloy sa pagdo-doktor niya dahil sa dami ng bayarin at kailangan pang mag-ofw ng Kuya niya na si Kuya Rommel para lang makabayad sila unti unti. Nasira ang pangarap nilang buhay dahil sa pinili namin ni Daniel ang isa't isa noon.

Na-guilty ako sa nangyari sa kanila kaya nga nang makaluwag luwag kami sa Cebu ay binalak kong tumulong sa pagbabayad ng utang nila kaya lang ay ayaw nilang tanggapin. Gusto nilang ilaan ko ang mga kinita ko sa future ni Maxine. Kaya naman raw nila kahit alam ko namang nahihirapan sila.

Nangilid ang mga luha niya. "Lintik na pagmamahal 'yan." Inis siyang napahilamos ng mukha. "Ang dami nating pinagdaanang hirap....kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit tinanggap mo pa 'yan! Reyna ka na ba ng karupukan ngayon?!"

Nakagat ko ang ibabang labi. "Kung pakikinggan mo 'ko...baka maintindihan mo rin." Maiintindihan mo rin ako. Mahirap magpatawad pero ginawa ko pa rin para sa mag-ama ko. At para palayain na rin ang sarili ko sa masakit na nakaraan.

"I–Intindihin mo muna ang n–nararamdaman ko!" Hikbi niya. "Sobrang sama ng loob ko sa'yo ngayon. Sa g-ginawa mong pagdadala sa kaniya rito, para mo na rin a-akong tinalikuran. K–Kinalimutan mo nalang ng basta basta ang lahat!"

Umiling ako at hindi na ring napigilang maluha. "S–Sorry talaga..." Hikbi ko. "Please—"

"—Rhea? Corraine?" Pare-parehas kaming natigilan nang lumabas si Tiya Emily, ang mama niya. Mabilis kaming nagpunas ng luha. "Ano pa bang ginagawa ninyo rito sa labas? Kanina pa kami nag-aantay." Kinabahan ako nang mas lumapit pa ito sa 'min. "Pumasok na kayo—Daniel?" Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita niya na ang katabi ko. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya lalo na't galit na galit pa si Rhea. "Iho, ikaw ba 'yan?"

"Kamusta po kayo?" Bati ni Daniel sa kaniya.

"Iho, nagbalik ka na ba talaga?" Nagulat ako nang ngumiti siya at niyakap si Daniel. Hindi siya galit? "Sobra akong nag-alala sa'yo. Masaya akong nandito ka na ulit at kasama pa ang mag-ina mo...." Binalingan niya rin ako at niyakap. "Corraine, sobrang saya ko na talaga nang ibalita ni Rhea na uuwi na kayo. Dito naman kasi kayo talaga dapat...kasama kami."

Humikbi ako at yumakap sa kaniya pabalik. Sobrang namiss ko 'yong ganitong yakap sa'kin. Parang yakap na rin ni Nanay. "Sorry p-po kung umalis k-kami....magulo po k-kasi noon...S-Sorry po talaga..."

"Shhhh..." Hinagod niya ang likod ko. "Naiintindihan ko. Ang mahalaga ngayon ay nandito ka na kasama si Daniel at Maxine. Masaya na ako, Corraine."

Humikbi lang ako. Hindi ako makapaniwala na magaan ang naging pagtanggap niya sa'min, lalo na kay Daniel. Nagulat ako na hindi na siya galit o mukhang hindi naman talaga siya nagalit sa ginawa ni Daniel noon. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.

"Kami na ang bahala sa page-enroll ni Maxine sa malapit na eskwelahan. Kilala ko ang prinsipal roon." Sabi ni Tita habang kumakain kami. Umalis na ang ilang kapitbahay namin kasama si Aling Isme pagkatapos kaming i-welcome. Kumain na raw kasi ang mga ito bago kami dumating kaya kami kami nalang nila Tita ang nasa hapag.

Nahihiya akong tumingin sa kaniya. "Nakakahiya naman po sa inyo. Baka mapagod pa kayo."

"Hay nako kang bata ka. Para namang iba ako sa inyo. Hayaan mo na akong tulungan ka kay Maxine. Atsaka kasama ko naman si Georgia." Nilingon ko ang bakla na ngumisi lang at tumango.

"Hayaan mo na ang Tita mo, Corraine. Pagtuunan mo na lamang ng pansin ang schedule ng chemo ni Daniel para mapabilis ang paggaling niya." Sang-ayon naman ni Tito. Nasabi na namin sa kanila ang tunay na kalagayan ni Daniel. Mabilis naman nila itong natanggap at naintindihan pwera lang kay Rhea na mukhang galit pa rin. Siguro dapat ko pa siyang bigyan ng time para makapag-isip.

"May point sila. Kami na ang bahala sa inaanak ko." Tugon ni Georgia.

Bumuntong hininga ako at nilingon si Daniel. "Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya at akmang sasagot nang sumabat si Rhea. "Bakit mo pa siya tinatanong? Hindi naman importante ang opinyon niya, Corraine."

Malapit nang mag-init ang ulo ko sa kaniya. "Siya ang Daddy ni Maxine, Rhea. May karapatan siya sa pagde-desisyon sa mga bagay bagay na tungkol sa anak NAMIN." May riing sagot ko.

Umirap siya. "Bakit? May naitulong ba 'yan sa pagpapalaki mo sa anak NINYO? Ano bang naiambag niyan kay Maxine?" Mataray na sabi niya.

Bumuntong hininga ako at nilingon si Georgia nang hindi na ito nakapag-pigil. "Sperm, Rhea! Sperm!" Irap niya. "Tigilan mo na nga 'yang kaartehan mo. Kaloka ka!"

"Georgia, may bata." Pigil ko sa kaniya. Nilingon ko naman ulit si Rhea. "Tama na, please?" Pakiusap ko sa kaniya.

Umirap lang siya ulit. "Sana nga nag-iinarte na lang ako. Hindi ko kasi talaga masikmura 'tong nangyayari ngayon. Kung nandito lang si Kuya, siguradong hindi rin siya sang-ayon—"

"—Rhea!" Pigil ni Tito sa kaniya. "Kung nandito ang kuya mo, maiintindihan niya ang desisyon ni Corraine!"

Hinawakan ni Tita ang kamay ni Tito para pakalmahin. "Rico..." Nagkatinginan kami ni Daniel.

"Wala talagang nakakaintindi sa'kin dito, 'no?" Padabog na tumayo si Rhea. Nangingilid ang mga luhang tiningnan niya kami.

"Anak, kumalma ka muna." Pakiusap ni Tita sa kaniya.

"Hindi ako kakalma hanggat nandito ang puno't dulo ng lahat nang paghihirap natin!" Sigaw niya.

"Tumigil ka na, Rhea!" Si Tito.

Kinabahan ako at nilingon si Maxine. Nakadikit na ito kay Daniel dahil mas malapit ang Daddy niya sa kaniya.

"Fine. Aalis na ako. Mukha namang hindi na importante ang nararamdaman ko sa inyo." Sabi niya bago nagpunas ng luha.

Napatayo ako at akmang magsasalita pa nang tumalikod na siya at umalis. I sighed heavily. Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo.

"Ako na ang humihingi ng pasensiya sa inasal ng anak ko." Malungkot na sabi ni Tita.

"Naiintindihan ko po. May kasalanan po ako kaya naging gano'n siya. I am just hoping that one day she will forgive me." Sagot ni Daniel.

"Maiintindihan rin niya kayo." Nangingilid ang mga luhang sagot ni Tita.

Sabay naman kaming bumaling kay Tito nang malakas at mabigat itong bumuntong hininga. "She lost her dreams. Mula nang nalugi ang restaurant namin at nabaon kami sa utang dahil sa kagagawan ng pamilya mo–naging mapagtanim na siya ng galit. Hindi naman namin siya pinalaking gano'n. Alam ninyo na malawak ang pag-unawa niya noon pa man...pero nagbago siya. Binago siya ng galit." Saad ni Tito. Nilingon niya kami. "Gustong gusto niyang maging doktor pero dahil sa nangyari sa negosyo namin, hindi na siya kailanman nangarap na maging gano'n. Parang nawalan na rin siya ng ganang mangarap. At bilang ama niya, masakit 'yon." Nanginig ang boses niya. "Kaya sana intindihin ninyo ang anak ko. Nahihirapan lang siya at nasasaktan."

Lumunok ako at hindi na namalayang umiiyak na pala habang nakikinig kay Tito. Totoo ang sinabi niya, hindi naman talaga mapagtanim ng galit si Rhea. Madali siyang magpatawad noon. Nagbago lang talaga siya mula nang mawala sa kanila ang lahat. At naiintindihan ko 'yon.

Mahirap isuko ang pangarap na matagal mo nang pinaghahandaan tapos hindi naman pala matutupad sa huli. Masyado akong nag-focus sa sarili kong problema noon at hindi ko man lang sila naisip nang umalis ako. Naging makasarili ako noon kaya siguro ito nangyayari ngayon.

"Momma?" Nasa likod niya ako habang sinusuklayan ang buhok niya. Naka-ready na kami parehong matulog. Nasa banyo naman si Daniel at nagbibihis.

"Yes, baby?" Sagot ko.

"Galit po ba si Tita Rhea?" Mahinang tanong niya.

Saglit naman akong natigilan. Akala ko hindi na siya magtatanong. "Nasasaktan lang si Tita pero hindi siya galit, okay?"

"Bakit po siya nasasaktan, Momma?"

I sighed. Binaba ko na ang suklay at pinaharap siya sa'kin. "Sorry kung kailangan mong makita ang nangyari kanina. Hindi mo dapat napakinggan o napapanood ang mga gano'ng klase ng pagtatalo dahil bata ka pa. Kalimutan mo na ang nangyari, okay?  Gusto ko mang ipaliwanag sa'yo ay hindi mo rin naman maiintindihan kaya hayaan mo na kaming mga adults ang mag-usap. Naiintindihan mo ba si Momma, anak?" Mahinahong sabi ko sa kaniya.

"I understand, Momma." Tumango siya. "Next time po pipikit na lang ako at magtatakip ng tainga para hindi ka na rin mag-worry sa'kin."

Malapad akong ngumiti at inabot ang pisngi niya para haplusin. "Ang bait talaga ng baby ko. Payakap nga," Niyakap ko siya at hinaplos ang buhok. "Mahal na mahal ka ni Momma, Maxine." Sabi ko sabay halik sa tuktok ng ulo niya.

"Mahal rin kita, Momma." Sagot niya.

Mas lalong lumawag ang ngiti ko. Mahigpit ko siyang niyakap.

Maximo, alam ko binabantayan mo kami diyan kasama ang lolo at lola mo. Bantayan mo parati ang kambal mo dahil alam kong nahihirapan na rin siya. Iparamdam mo sa kaniya na kahit wala ka sa tabi namin ay pwede ka pa rin niyang kausapin at takbuhan. Bigyan mo rin ng lakas ang  Daddy mo para kayanin niya ang chemo at matalo niya ang sakit niya. Ikaw na ang bahala sa'min, anak. Nawa'y hindi kami maiwan ulit ng kambal mo. Huwag mo munang kunin ang Daddy mo. Saamin na muna siya. Mahal na mahal kita, Maximo ko. Yakapin mo nalang si Momma kapag malungkot ako, huh? Patatagin mo ang loob ko, anak.

Continue Reading

You'll Also Like

130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
43.9K 374 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
39.8M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.