Does True Love Exist?

By JoooyLee

7.5K 381 258

Mahal mo siya. Ang tanong mahal ka ba? More

Does True Love Exist?
Chapter 1: New Chapter
Chapter 2: IKAW!/IKAW!
Chapter 3: The enemies
Chapter 4: Gusto kitang makilala
Chapter 5: Mystery and Cute
Chapter 6: Meet and Greet
Chapter 7: My Worst Distraction
Chapter 8: Si Honeybee at si Honeyboo
Chapter 9: Team LeXy
Chapter 10: SI LEXA NAWAWALA?!
Chapter 11: I badly missed you
Chapter 12: Nevermind...
Chapter 13: Unpredictable hug
Chapter 14: Stay with me
Chapter 15: I love you
Chapter 16: Meningococcal
Chapter 17: Blake
Chapter 19: Ubebe
Chapter 20: Two Hotties
Chapter 21: Pogi Problems
Chapter 22: Oo na!
Chapter 23: Click!
Chapter 24: April Fools
Chapter 25: Court is on session
Chapter 26: I need a girl

Chapter 18: Knight in Shining Armour

191 10 3
By JoooyLee

(A/N:  Hey! Hey! You! You! Can you be my girlfriend. Hahaha kidding! Kumanta ba daw. So ayun hi sa mga nagbabasa nito, kung mayroon man :D lovelove ko kayo hihi. May bago po akong gagawin na story, another kabaliwan ni author. Aguy! Support niyo po siya guys :) Salamat ♥♥♥ Ang title niya is "Love at First Flight". O sige yun lang ^_^ Enjoy reading )

Lexa's POV

Jusme! Kabilis naman ng araw. Ilang linggo na mula ng mangyari 'yung kahindik-hindik na pangyayari na iyon sa akin. Iyon na yata ang pinaka-worst sa lahat ng worst. Nahuli na namin kung sino ang gumawa no'n sa akin. Ang peste kong ex! Mas lalo niya lang pinatunayan na hindi siya karapat-dapat balikan. At hindi siya karapat-dapat mahalin. Abnormal ba siya? Tsk! Hindi naman na namin siya kinasuhan dahil ang sabi din sa amin eh menor de edad pa daw ito. Saka hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa akin at kay Xy noon eh.

Pinagtalunan pa nga namin ni Trish ang bagay na iyon dahil sabi niya baka daw ulitin niya ulit iyon. At baka mapahamak na naman daw ako. Pero napilit ko siya na 'wag ng kasuhan si Mav. Ewan ko ba, wala rin namang maitutulong kung sakaling kasuhan ko pa siya eh.

Dahil ilang linggo na nga ang nakalipas mula ng mangyari iyon, ay syempre madami din ang nangyari at nagbago. Alam niyo ba na nagkakamabutihan na ang bestfriend ko na si Trish at ang bestfriend ni Xy na si Matthew? Kulang na lang eh langgamin sila dahil sa ka-sweetan. Ewan ko ba, noong nasa hospital naman kami parang aso't pusa kung magbangayan ang dalawa. Ngayon naman todo sa katamisan. Bagay naman sila eh, hindi ba?

Noong una nga nagulat ako kasi nakita ko na lang si Matthew na may hawak-hawak na tatlong rosas na fresh na fresh pa. Habang naglalakad kami ni Trish bigla ba naman humarang sa dadaanan namin kaya ayun at naging agaw atensyon kami sa nakararami. Isang sikat na basketball player na may hawak na roses at isang campus crush ba naman ang magkaharap eh. Feeling ko nga that time third wheel ako sa kanila kasi nasa gitna pa talaga nila ako.

Hinayaan ko na lang sila na maging sweet sa isa't isa. Minsan nga nakakaramdam ako ng inggit eh. Paano ba naman tuwing kasama ko sila nuknukan ng sweet. Hindi pa sila niyan ha? Kaya minsan tuwing lunch break mag-isa lang ako eh dahil ayaw ko silang makita na sweet sa isa't isa. Grr! Mamatay pa ako sa inggit eh, mahirap na.

Isa pa, alam niyo ba kung bakit palagi akong mag-isa? Bukod sa wala si Trish dahil kasama niya palagi si Matthew, si Xy naman na palaging nangungulit sa akin ayun bigla na lang hindi nagpaparamdam.

Hindi ako nalulungkot.

Hindi talaga.

Sabi ng hindi ako nalulungkot eh.

Nami-miss ko na yung pangungulit niya.

Hindi ko naman kasi sinasadya na sabihin sa kanya iyon eh.

Flashback

"Lexa! Lexa!" si Xy yan na ubod ng kulit kanina pa ako kinukulit

"Ano?" walang gana kong sagot

"Bakit ang sungit mo?" sabay pout niya na parang batang inagawan ng candy

"Bakit masama?!" medyo napalakas ang pagkakasabi ko, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao

"Hindi.. Uy hindi ba bawal ka pa diyan sabi ng doktor?" halata mo ang pagiging concern sa boses niya

"Tss. Ilang araw na iyon Xy saka magaling na ako oh. HIndi mo ba nakikita? Bulag ka ba?" pagtataray ko

"Eh kahit na." may halong tampo naman ngayon sa boses niya

Hindi ko nga alam kung bakit ipinagbawal iyon sa akin ng doktor eh. Akmang iinom na ulit ako ng isang glass ng coke ng bigla namang agawin ni Xy yung baso. Natapon tuloy sa suot kong uniform. Argh!

"Ano ba Xy?! Ano ba problema mo? Kung gusto mo uminom sabihin mo na lang hindi iyong aagawin mo itong iniinom ko, tignan mo natapunan tuloy ako!" napatayo ako dahil sa nadulot na basa sa uniform ko at naiinis ako dahil bukod sa may dalaw ako ngayon, ewan ko ganito ako kapag mayroon eh, you know red day, eh badtrip ang araw ko sa hindi ko malamang dahilan.

"S-sorry" paghingi niya ng paumanhin

"Tss! Ano ba kita, ha? Hindi naman kita boyfriend di ba?" bigla naman akong nabato sa kinatatayuan ko, nag-sink in bigla sa akin ang mga sinabi ko. Oo nga pala, kami pa din pala ni Xy sa mata ng nakararami. Hindi nila alam na it was all just a play para iwasan ako ng lintek kong ex! Pati sila Trish at Matthew napasinghap ng sabihin ko ang mga salitang iyon sa harapan niya.

Hinihintay ko ang sagot niya pero wala. Wala siyang imik nung sabihin ko iyon. Ngumiti lang siya ng mapakla. Ewan ko ba, na-guilty tuloy ako bigla. Para ko na din kasing inapakan ang pagkatao niya. Alam ko masyado akong naging masama dahil sa inasal ko. Nakita kong nangilid ang luha sa mga mata ni Xy pero parang pinipigilan niya iyon na kumawala.

Nagpaalam siya na mag-ccr muna saka naglakad palayo.

Susundan ko dapat siya pero sinabihan ako nila Matthew at Trish na 'wag na daw muna. Hayaan ko na daw muna siyang mapag-isa.

Hinintay namin siya na bumalik, pero wala. Walang Xy ang bumalik sa canteen. Ilang oras na din kaming naghihintay sa pagbalik niya. Late na nga kami sa next subject namin eh. Minabuti na lang namin na pumanhik na sa classroom namin.

I felt guilty.

I blame myself because I act so stupid.

End of flashback

Palagi ko naman siyang nakikita sa school, kasi nga classmates kami. Lahat nga sila nagulat kasi hindi ako kinukulit ni Xy at hindi ko na din siya katabi simula ng mangyari iyon. Sira ka din pala Lexa eh, sinong siraulo ang tatabi sa taong nakasakit sa kanila?

Nandito ako ngayon sa may school garden. Yep, may garden dito sa loob ng campus namin. Hindi ko alam na may ganito pala eh, super ganda. Alam mo yung feeling na parang nasa heaven? Ganoon kasarap 'yung feeling dito sa may garden. Super peaceful. Walang stress. At ang ganda pa ng mga tanawin.

Madaming mga bulaklak ang nakatanim. May malaking puno pa nga na nakatayo eh. Tapos may swing. Ang cute!

Tahimik akong nakahiga sa may damuhan ng biglang may bolang tumama sa ulo ko. Ang sakit no'n ah! Sino ba nagbato no'n?

Napabangon ako dahil sa magkahalong inis at sakit dahil sa pagkakatama sa ulo ko.

"S-sorry miss! Hindi ko---" napatigil siya sa pagsasalita kahit ako nawala ang mga salitang nabuo sa utak ko na isisigaw sa bumato sa akin.

"So-sorry ulit." para akong tinutusok ng sampung karayom ng sunud-sunod

Paalis na sana siya ng hawakan ko siya sa wrist niya.

"Teka lang.. Xy" sambit ko

"A-ano may practice pa kasi k-kami" utal niyang sagot, ramdam ko naman na iniiwasan niya lang ako eh. Wala naman kasi silang dapat pagpractice-an dahil wala naman silang laban. At isa pa, dala-dala niya ang bag niya for sure pauwi na siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" pagtatanong ko pero hindi niya pa din ako nililingon

Nilapitan ko na siya. Hinarap ko siya. Hindi ko alam pero nangangatog ako dahil nandito siya mismo sa harapan ko.

Go Lexa. Kaya mo 'yan!

"Please?" dagdag ko pa habang nakatitig sa mga mata niya. Una siyang nag-iwas ng tingin, sabi ko na nga eh iniiwasan niya ako

"A-ano ba ang dapat nating pag-usapan? Di ba hindi mo naman ako boyfriend? Nakalimutan mo na?" medyo nanlambot naman ako dahil sa sinabi niya, oo tama siya. Hindi ko nga siya boyfriend. Walang kami.

Naghahanap ng mga salita ang isip ko. Bubuka 'yung bibig ko pero sinasara ko din agad dahil hindi ko alam kung anong dapat na sabihin. Hanggang sa napayuko na lang ako. Naramdaman kong naiiyak na ako. Pero mas lalo akong yumuko para hindi niya makita na maiiyak na ako.

Binitawan ko na din ang wrist niya. Naramdaman ko na lang na naglalakad na siya palayo sa akin. Bakit ganoon? Ang sakit. Mabo-broken hearted na naman ba ako? Wala pa ngang kami eh.

Napaupo ako at humuihikbi na. Wala nang tao kaya walang makakakita sa akin kahit na magwala pa ako dito.

Bakit nga ba ako nasasaktan?

Ni wala ngang assurance 'yung feelings niya sa akin eh. Naalala ko tuloy nung sinabihan niya ako ng "i love you" sa hospital.

Lalo akong naiyak. Pag-iyak ko na lang halos ang maririnig dahil sobrang tahimik ng paligid.

May narinig naman ako na yabag ng paa. Kaya tumigil ako sa pag-iyak. Baka kasi si Xy iyon. Kaya I compose myself. Pinunasan ko ang mga traydor kong luha na patuloy sa pagpatak.

"Mas okay kung ilalabas mo lang lahat ng iyan." boses ng isang lalaki pero alam kong hindi siya 'yon. Nalungkot naman ako dahil mali ako ng akala. Akala ko siya. Mali pala. Ang daming namamatay sa maling akala. 

"I'm a good listener." dagdag niya pa

Tumabi siya sa akin. Doon ko lang siya nakilala. Si Blake pala. Bakit kaya nandito pa 'to? Saka kanina pa ba siya dito?

Napasandal na lang ako sa kanya dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ewan ko ba, mahal ko na yata ang mahangin na John Xyrus Chua na iyon eh. Putspa namang kupido bakit ako pa ang pinana mo? Ang dami naman iba diyan ah?

Hindi ako nagkuwento sa kanya sa halip umiyak lang ako ng umiyak. Para siyang knight in shining armour. To the rescue sa akin simula noong umpisa pa lang.

Hinahagod niya lang ang likod ko para patahanin ako. Hanggang sa unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Unti-unti na akong nakakatulog.

Wala ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Xy na iniwan ako mag-isa.

Si Xy na pinaiyak ako.

Si Xy na sobrang manhid.

Si Xy na saksakan ng gwapo.

Si Xy na mahilig mang-asar.

Si Xy na hinahabol ng madaming babae.

Si Xy na sobrang kulit.

Si Xy na super caring.

Si Xy na pa-fall.

Si Xy na nabihag ang puso ko.

Si Xy na minahal ko na.

At si John Xyrus Chua na mahal na mahal ko na.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
374K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.