MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 79: LDR

180 8 0
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

*MAKALIPAS ANG ISANG TAON...*

Sobrang dami na ng nangyare simula nung grumaduate kami. Gusto ni mama na tumira kami kasama nila sa malaking mansion pero tumanggi kami. Mas gusto parin kasi namin ng mas tahimik at simple buhay lang. Yung kailangan naming paghirapan lahat ng bagay para mabuhay kami. Im preparation para sa future namin bilang mag asawa diba? Hanggang ngayon kasi, wala parin sa plano namin ang magpakasal kasi kailangan na muna namin mag ipon para sa dream wedding namin ni Kendrix. Since tinanggihan namin ang offer ni mama na tumira sa kanila, nag decide kami ni Kendrix na bilhin nalang yung apartment na tinirahan namin nung nag iintern palang kami,
para hindi na din kami mahirapan sa pag co-commute araw araw. Tsaka mas convenient to kasi walking distance lang papunta sa hospital na pinapasukan ni Kendrix at malapit  din sa art studio ko.

Tinupad naman ni Zoey at Dwayne yung sinabi nila na magpapakasal sila after the graduation. Nakakaloka! Akala ko nagbibiro lang sila pero totohanan na pala.  Imagine? Sinagot palang 15 minutes ago, MAGPAPAKASAL AGAD? KALOKA DIBA? Pero masaya parin naman ako para sakanila kasi finally nahanap na din ni Dwayne yung babaeng magpapatiklop sakanya. Hahaha! Hindi na siya madalas gumimik at gumala with other girls. Nako! Takot niya lang kay Zoey. Ayaw naman niyang maputulan ng HOTDOG eh, kaya he has no choice kundi magbago. Well I must say, sobrang laki na nga ng pinagbago ni Dwayne simula nung nakilala niya si Zoey. Mas naging reponsible siya nung dumating si Zyonn Drake Mendoza, ang first baby nila.

1 year old na siya ngayon. Grabe! Habang lumalaki siya, lalo naman lumalabas ang kapogian ng batang ito. No wonder maganda at pogi yung mommy at daddy niya eh. Wag lang mamana ng bata yung pagiging playboy ng papa niya at ang pagiging maingay ng mama niya. Hahaha! Ang cute niya noh? Infact,  madalas namin siyang hiramin ni Kendrix para may mapaglibangan naman kami. Mas madalas pa nga si baby Zyonn dito saamin kaysa sa mommy at Daddy niya eh. Busy kasi si Zoey at si Dwayne sa itinayo nilang restaurant. Buti nalang nagamit ni Zoey ang lahat ng pinag aralan niya sa H.R.M habang si Dwayne naman, nagamit niya yung galing niya sa pag papatakbo ng negosyo. And now, isa na ang restaurant nila sa pinakasikat at dinadayong restaurant sa buong pilipinas. Im so happy for them. Unti unti na nilang natutupad ang mga pangarap nila.

Si Calyx naman,  after ng ilang heart surgeries niya, naging okay na siya. Infact, CEO na nga siya ng kumpanya nila sa abroad eh.

Sobrang layo na nung narating ni Calyx and im so happy for him.  Simula nung umalis siya dito sa Pilipinas para sa surgery niya, hindi ko pa siya nakikita. Pero madalas naman siyang tumawag at makipag FaceTime kaya kahit papano, nababawasan yung lungkot at pagkamiss ko sakanya. Madalas nga mag selos si Kendrix sa tuwing kausap ko si Calyx eh. Mas madami pa daw akong time makipag kwentuhan at makipag asaran kay Calyx kaysa sakanya. Tinatawanan ko nalang siya tapos nilalambing para hindi mag selos. Hahaha.

Si Kendrix naman, iniwan na muna niya pansamantala yung pag aartista at nag focus muna sa pagiging doctor niya. He is one of the best and so indemand doctor dito sa Pilipinas.

Ang gwapo niya noh? Para saakin siya yung pinaka gwapong doctor na nakita ko. Sobrang laki na nung pinagbago niya mula nung grumaduate kami. Kung dati palagi nasaakin ang lahat ng attention niya, pero ngayon kadalasan mas madami pa yung oras niya sa hospital kaysa kasama ako. Oo  inaamin ko, minsan  nagtatampo na ako pero ano bang magagawa ko? Eto yung pangarap ng mahal ko eh, kaya dapat suportahan ko siya hanggang sa abot ng makakaya ko.

Habang ako naman, wala naman halos pinagbago. Kagaya parin naman ng dati.

Nagtayo ako ng isang foundation na sumusuporta sa mga kabataan na mahilig sa arts and crafts tapos tinituruan ko sila ng libre para maging mas magaling na artist sila someday. Actually, gusto ni lolo na gawin akong CEO ng kumpanya niya around the world pero tinanggihan  ko yung offer niya at mas pinili nalang na mag stay dito sa pilipinas kasama si Kendrix at para ipagpatuloy yung mga advocacy ko. Medyo ang corny pakinggan noh? Pero eto yung gusto ko eh. Kagaya ni Kendrix, gusto kong makatulong sa mga bata na may pangarap. At ngayon, gumagawa ako ng isang novel tungkol sa love story namin ni Kendrix. Sobrang saya ko ngayon kasi unti unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko.

Maya maya pa, sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko, dumating na si Kendrix galing sa trabaho. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Hi Kendrix! Kamusta naman yung araw mo?" tanong ko.

He look at me and he smile.

"As usual, nakakapagod pero okay lang. Biglang nawala yung pagod ko nung nakita kita eh." nakangiting sabi ni Kendrix.

I look at him so wierdly.

"Hay nako ewan ko sayo Kendrix. Maupo ka muna diyan okay? Ipaghahain lang kita ng makakain mo okay?" sabi ko.

Paalis na sana ako ng biglang hinatak ni Kendrix yung kamay ko tapos niyakap ako ng sobrang higpit.

"Athena pwede ba dito ka muna sa tabi ko? Please?"  sabi niya habang nagpapacute.

Hindi nalang ako sumagot at ngumiti nalang sakanya. Hindi ko matanggihan yung charm ng mokong na to. No wonder, artista siya eh. Habang naka yakap ako sakanya, bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Athena..."

I just look at him na parang sobrang nag aalala. Ramdam na ramdam ko kasi sa boses niya yung sobrang lungkot nung tinawag niya yung pangalan ko.

"Bakit malungkot ka Kendrix? Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ko.

He look at me ng may seryosong reaction sa mukha.

"Athena may sasabihin ako sayo." Seryosong sabi niya.
"Ano yun Kendrix?" Nakangiting tanong ko.
"Ako yung napili nila bilang the best doctor of the year ng hospital namin." Sabi niya.

Biglang nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"Talaga? Wow! Congratulations! Sabi ko na eh! Ang galing galing mo talaga Kendrix. You're the best! I love you." Tuwang tuwang sabi ko sabay yakap sakanya.

Pero imbis na sumagot siya, tinitigan niya lang ako ng may blankong reaction sa mukha.

"Bakit parang hindi ka masaya ha? Dapat nga magcelebrate tayo kasi ikaw yung the best doctor of the year." sabi ko.
"Kasi ako yung napili na ipadala sa Canada para maging representative ng hospital namin for training and seminars." sabi ni Kendrix.

Biglang nawala yung mga ngiti sa labi ko nung marinig ko ang sinabi ni Kendrix.

"Hanggang kailan kaba mag ii-stay doon?" tanong ko.

Hinawakan ni Kendrix yung mga kamay ko bago nagsalita.

"Aabutin ng 6 months or more. Hindi ko alam. Dipende kung kailan matapos yung trainings at seminars. But I want to be honest with you Athena, matagal ko nang alam na gusto nila ako ipadala sa Canada para mag training." sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nung narinig ko na malalayo si kendrix saakin. Nasanay na kasi ako na palagi siyang nandito sa tabi ko. Iniimagine ko palang, naiiyak na ako eh. T_______T

"Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito saakin?" tanong ko.
"Kasi pinagiisipan ko na tumanggi sa offer nung hospital na pumunta sa Canada kasi ayoko na malayo ako sayo Athena. Iniisip ko palang nga na malalayo ako sayo ng ilang araw, halos mabaliw na ako kakaisip eh. Yung ilang buwan pa kaya? But I have no choice Athena, alam mo naman na ito yung pangarap ko matagal na diba? So pumayag na ako. Para naman to sa future natin eh." sabi niya.

I just look at him and I smile. Sino ba naman ako para pigilan siya na tuparin yung mga pangarap niya diba?

"Sino ba yung  kasama mo doon?" Tanong ko.
"Si Kylie yung napili nila na sumama saakin sa Canada." sagot niya.

Biglang nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix. Of all the people, bakit yung Kylie na yun pa ang napili ng hospital nila? Hay! >_______<

"Kailan yung alis niyo?" malungkot na tanong ko.
"1 week from Athena. Inaasikaso na ng hospital yung visa at yung tutuluyan namin doon. Kailangan  kasi namin na pumunta doon ng mas maaga para makapag prepare sa mga training at seminars namin. But I promise you, hindi ako gagawa ng kalokohan para saktan ka. Good boy ata to noh! Sayo lang ako Athena. Pangako!" Nakangiting sabi niya.

Hindi nalang ako sumagot at ngumiti nalang. Sa totoo lang hindi ko kayang ngumiti ng marinig ko ang lahat ng sinabi ni Kendrix pero ayoko naman na makita niya na malungkot ako. Baka mag alala pa siya at hindi na siya matuloy sa Canada. Pangarap niya to eh, kaya kailangan ko nalang na suportahan siya sa lahat ng gusto niya. Ganon naman pagmahal mo yung isang tao diba? Lumapit siya saakin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Sorry Kendrix, pero antok na ako eh. Madami kasi akong ginawa sa art studio ko eh. Mauna na ako ah? Good night Kendrix." sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali nalang sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Habang nakahiga ako sa kama ko, hindi ko parin maiwasan na wag malungkot sa tuwing naiisip ko na aalis si Kendrix. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

KENDRIX'S POV

Dalawang araw  bago yung alis ko papunta ng Canada, nagkayayaan ang tropa na uminom at magcelebrate sa success namin lahat sa labas.

"Ang tagal naman nilang dumating. Nasaan na kaya sila?" Tanong ko.
"Ano kaba pare, alam mo naman ang mga babae... Kailangan munang magpaganda bago gumimik. Tsaka natural sakanila yung pagiging mabagal noh! Hindi kapa nasanay." sabi ni Dwayne.

Hindi na ako sumagot at tinitigan nalang si Dwayne. Maya maya pa, dumating na si Zoey at Athena.

"Buti naman nandito na kayo. Bakit ba ang tagal niyong dalawa ha? Saan ba kayo galing?" Tanong ni Dwayne.
"Pinatulog ko muna si baby Zyonn papa bear. Ayaw kasi magpa iwan kay manang eh. Okay, since nandito na kami? Ano pang hinihintay niyo? Mag inuman na tayo!" Sabi ni Zoey.

Hindi na sumagot si Athena at ngumiti nalang. Imbis na maupo siya sa tabi ko, naupo siya sa tabi ni Dwayne.

"Ahm excuse me lang bes ano, baka nakakalimutan mo na asawa ko yang tinabihan mo. Nakakaloka to. Balak mo ba akong agawan ng asawa ha? Dun ka maupo sa tabi ng gwapo mong boyfriend." sabi ni Zoey.

Hindi na sumagot si Athena at naupo nalang sa tabi ko. Oo naka upo nga siya sa tabi ko pero hindi niya ako pinapansin. Kahit nga tignan ng diretcho hindi niya magawa eh. Bakit ba nagkaka ganyan siya? Iniiwasan niya ba ako?

"Ahm Athena..."

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng biglang kinuha ni Athena yung isang bote ng beer tapos nag salita siya.

"LETS CELEBRATE! CHEERS!" sigaw niya sabay angat ng bote ng beer na hawak niya.

Ininom ni Athena yung isang bote ng beer ng isang lagukan. Pero hindi pa siya nakontento, kumuha pa siya ng ilang bote at ininom ulit ng isang lagukan. Hanggang sa nalasing siya. Ano ba kasi yung nangyayare sa babae nato? Bakit ba siya nagkakaganyan ha? Hay! -_______-

Makalipas ang isang oras ng inuman, nag decide na kami umuwi.

"Kendrix mauna na kami ah? Lasing na lasing na si papa bear eh. Good luck ulit sa training mo. wag mo makalimutan yung pasalubong namin ha? Hahaha! Mag iingat kayo sa pag uwi niyo okay? Ingatan mo yang bestfriend ko ha? Kasi kung hindi, lagot ka saakin." Sabi ni Zoey.
"Pangako! Iingatan ko yung bestfriend mo. Magpapakasal pa nga kami eh." Biro  ko.

Hindi na sumagot si Zoey at ngumiti nalang. Nang makaalis na si Dwayne at si Zoey, umalis na din kami. Habang naglalakad kami pauwi, inaalalayan ko si Athena sa paglalakad.

"Ano ba Kendrix! Bitawan mo nga ako! Kaya ko naman maglakad mag isa eh. Si Kylie nalang yung alalayan mo, baka kailangan ka non." sabi niya sabay alis ng kamay ko sa balikat niya.

Ahh.. kaya pala nagkakaganyan siya kasi nagseselos siya kay Kylie. Hay nako! -______-

"Diba nga sabi ko sayo, magkaibigan lang kami ni Kylie at hanggang dun lang yung Athena. Kasi ikaw yung mahal ko eh." sabi ko sabay hawak sa balikat niya.

Pero inalis niya parin yung kamay ko.

"Sabing bitawan mo ako eh. Kaya ko naman mag lakad mag isa eh." sabi niya.

Hindi na ako sumagot at binuhat nalang siya pauwi.

"Ano ba Kendrix! Ibaba mo nga ako! Naiinis ako sayo eh." Sabi niya habang pinapalo ang balikat ko.
"Pwede ba Athena wag na matigas yung ulo mo? Hindi mo nga kaya mag lakad ng diretcho eh." sabi ko.

Hindi na siya sumagot at tinignan nalang ako. Nang makarating kami sa bahay, agad ko siyang dinala sa kwarto niya. Kumuha ako ng basang towel at pinunasan yung buong katawan niya para mahimasmasan na siya. Paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kendrix dito ka muna please? Wag mo akong iwan." Sabi ni Athena.

Bigla akong napangiti ng dahil sa sinabi niya.

"Okay. Kung yan ang gusto mo." Nakangiting sagot ko.

Nahiga ako sa tabi niya at tinitigan lang ang magandang mukha niya.

"Kendrix mahal mo ba talaga ako?" tanong ni Athena.

I look at him and I smile.

"Tinatanong pa ba yan Athena? Syempre mahal na mahal na mahal kita Athena. Kahit pag bali-baliktarin man ang mundo, ikaw at ikaw parin yung pipiliin ko. Bakit mo naitanong?" Sabi  ko.

She just look at me and she smile.

"Wala, gusto ko lang masigurado. Mahal na mahal din kita Kendrix." Nakangiting sagot niya.

Inilapit ko yung mukha ko sakanya at hinalikan ang noo niya papunta  sa tenga niya at pababa sa mga labi niya. Hinubad ko ang damit na suot niya, hanggang  sa dahan dahan kong ibinaba ang strap ng suot niyang bra. Tapos ang sumunod nalang, nangyare na ang mga bagay na dapat mangyare.

*KINABUKASAN...*

Amoy ng adobo  yung gumising saakin. Grabe! Ang bango bango! Nag madali akong bumangon at nagbihis muna. Nang makalabas ako sa pinto, magandang mukha agad ni Athena yung bumungad saakin. Umagang umaga palang pero pakiramdam ko kumpleto na agad yung araw ko. Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likod.

"Good morning Kendrix!" bungad ni Athena.
"Good morning my princess." sabi ko sabay halik sa leeg niya.

Hinawakan niya yung mukha ko at hinimas himas.

"Sorry hindi na kita ginising ah? Mukhang napagod ka ng sobra sa ginawa natin kagabi eh. Hahaha. Nga pala, nagluto ako ng adobo para sayo." sabi ni Athena.
"Thank you Athena. I love you." sabi ko.
"I love you too Kendrix. Hali kana, mag almusal na tayo." Naka ngiting sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Nang matapos na kaming kumain, nanuod naman kami ng horror movie. Sinusulit na namin yung oras namin para magbonding kasi bukas na yung alis ko. Sa kalagitnaan ng panunuod namin, ng biglang nag paalam si Athena.

"Kendrix may kukunin lang ako  okay?" sabi niya.
"Sige Athena. Bilisan mo lang ah?" sagot ko.

Hindi na siya sumagot at nag madali nalang sa pag punta sa kwarto niya. Pero nakalipas na ang 10 minutes, hindi parin bumabalik si Athena. Nasaan na kaya yung babaeng yun? Ano yung kinukuha niya sa kwarto niya? Bakit ang tagal tagal niya naman ata. Out of curiosity, nag madali akong pumunta sa kwarto niya pero wala siya doon. Nasaan kaya yung babaeng yun? Sabi niya may kukunin lang siya sa kwarto niya pero bakit wala siya dito? Pumunta ako sa banyo para tignan kung nandoon siya pero wala din eh. Lastly pumunta ako sa kwarto ko para i-check kung nandoon siya, unexpectedly, naabutan ko siya habang nakaupo sa loob ng maleta ko.

"Athena anong ginagawa mo diyan sa loob ng maleta ko?" Tanong ko.

She look at me habang nakasimangot na parang bata.

"Pwede isama mo nalang ako doon?" Nakasimangot na sabi niya.

I look at her and I smile.

"Sige ba. Kaya lang  masyadong maliit yung maleta ko para sayo, hindi ka kasya eh." sabi ko.

Nang bigla siyang umatungal na parang bata.

"Ahhhhhh....hindi ka pwedeng pumunta doon magisa. Hindi ko alam yung gagawin ko kung wala ka Kendrix. Mababaliw talaga ako sa pagkamiss sayo. Isama mo nalang ako doon please?" sabi niya habang umatungal.

Lumapit ako sakanya at naupo sa harap niya.

"Kahit naman ako eh. Mamimiss kita ng sobra. Pero babalik lang naman ako eh. Hindi naman ako mag ii-stay doon forever. Tsaka mabilis lang lilipas yung 6 months Athena. Pwede naman tayo mag usap sa FaceTime araw araw eh. Para naman sa future natin to Athena. Kaya wag kana malungkot okay?" sabi ko sabay kurot sa pisnge niya.

Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko sa init ng mga yakap ni Athena yung sobrang lungkot na nararamdaman niya. Hindi pa nga ako umaalis namimiss ko na siya eh. Ano pa kaya kung nandoon na ako? Baka mabaliw talaga ako. Hay!

*KINABUKASAN...*

Maaga kaming gumising para magprepare sa flight ko. Habang naglalakad kami papunta kami sa loob ng airport ng biglang nag salita si Athena.

"Kendrix bili tayo ng paburito mong  ice cream dali." sabi ni Athena.

Hindi na ako sumagot at binilhan nalang si Athena ng ice cream. Matapos non, naglakad lakad na ulit kami. Hanggang sa napadaan kami sa  Starbucks.

"Kendrix, bili tayo ng kape dali!" sabi ni Athena.

Bigla akong napahinto sa pag lalakad at tinitigan si Athena.

"Athena, malapit na umalis yung flight ko eh. Oras na para umalis na ako." sabi ko.

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako  habang nakasimagot.

"Alam ko na ginagawa mo ito para pigilan akong umalis. Kahit naman ako eh, ayoko din umalis pero kailangan Athena. Pangarap ko to eh at hindi ko na to papalampasin. Diba nga sabi ko sayo para saatin naman to, para sa future natin. Kaya wag kana malungkot okay? Smile na my princess. Hali ka nga dito. Give me a hug dali." Nakangiting sabi ko.

Pero imbis na lumapit siya sakin, umatras siya papalayo saakin. Hay nako! Gusto pang magpalambing ng princess ko eh.

"I'll come back soon Athena. Hindi naman masyadong matagal yung 6 months diba? Parang ilang tulog lang yun Athena.  Tapos pag gising mo 6 months na pala yung nakalipas. Ganon lang kabilis lumipas yung mga araw. Kaya wag kana malungkot okay?" Sabi ko sabay pisil sa mga pisnge niya.
"Mamimiss kita ng sobra Kendrix." sabi ni Athena.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Pilit kong pinipigilan na wag umiyak. Ayoko kasi na makita ni Athena na mahina ako.

"Mamimiss din kita Athena." Maluha luhang sagot ko.

Hindi man sabihin ni Athena, ramdam na ramdam ko yung sobrang lungkot sa mga yakap niya. Pero she look at me and she smile.

"Wag mo akong isipin okay? Ayos lang ako. Strong ata eto noh! Ako pa? Hahaha. Sige ah, alis na ako. Madami pa kasi akong gagawin sa art studio ko eh. Basta tawagan mo ako pag nandoon kana ah? Mag iingat ka." Nakangiting sabi niya habang nag mamadali sa paglalakad papalayo.

(A/N: PILIT NA PINIGIL NI ATHENA NA WAG UMIYAK NUNG  KAHARAP NIYA SI KENDRIX. KASABAY NG PAGLALAKAD NI ATHENA PAPALAYO, ANG PAGTULO NAMAN NG MGA LUHA SA MGA MATA NIYA DAHIL SA SOBRANG LUNGKOT NA NARARAMDAMAN NIYA.)

Parang pakiramdam ko biglang umurong yung dila ko ng marinig ko yung sinabi ni Athena. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng  luha sa mga mata ko.

ATHENA'S POV

*MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN...*

Dalawang buwan  palang yung nakalipas mula nung umalis si Kendrix papunta sa Canada, sobrang miss ko na siya. Walang araw yung lumilipas ng hindi ako umiiyak. Tanging si mama lang yung kasama ko dito sa bahay. Pilit akong nagpakabusy para makalimutan si Kendrix kahit sandali. Itinuon ko ang lahat ng attention ko sa pag gawa ng mga painting at portrait pero puro mukha ni Kendrix yung ginagawa ko. Nakakaloka! Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasan na mamiss si Kendrix eh. Kahit saan magpunta, mukha parin ni Kendrix yung nakikita ko. Hay! Madalas naman kami mag usap sa FaceTime pero iba parin yung nandito siya sa tabi ko. Yung nararamdaman ko yung mga halik at yakap niya. Maya maya pa habang naka higa ako sa kama ko, nang biglang kumatok si mama sa pinto ng kwarto ko.

*TOK! TOK! TOK!*

"Nak nagluto ako ng paburito mo salted peanut na maraming bawang." sabi ni mama.

Hindi na ako sumagot at bumangon nalang. Nang makalabas ako, bumungad saakin yung sobrang bahong amoy. Pakiramdam ko masusuka ako sa sobrang sangsang nung amoy.

"Ano yang naamoy ko mama? Bakit ang baho baho po?" Sabi ko sabay takip sa ilong ko.

Tinignan ako ni mama ng may blankong reaction sa mukha.

"Ha? Wala naman amoy mabaho eh." sabi ni mama.
"Meron po mama. Ang baho talaga po." sabi ko.

Lumapit ako kay mama na nakaupo sa dinning table.

"Eto po yung mabaho mama." sabi ko sabay turo sa salted peanut na niluto ni mama.

Kinuha ni mama yung salted peanut at inilapit saakin.

"Mabaho? Diba paborito mo ito anak?" Sabi ni mama.

Imbis na sumagot  ako kay mama, tumakbo ako papunta sa lababo at sumuka. Nagmadaling tumakbo papunta si mama saakin at hinimas yung likod ko.

"Okay kalang ba nak? Anong nangyare sayo?" Nag aalalang tanong ni mama.
"Medyo nahihilo lang po ako mama." sagot ko.

Nang biglang nawalan ako ng malay tapos hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyare. Pagdilat ko ng mga mata ko, nakita ko na nasa Hospital na pala ako.

"Mama bakit nandito po ako? Ano po yung nangyare?" Tanong ko.
"Bigla kang nawalan ng malay nak kaya dinala kita dito." sagot ni mama.
"Ano daw po yung sabi ng mga doctor mama?" Tanong ko ulit.

Biglang hinawakan ni mama yung mga kamay ko.

"Nak, you are 2 months pregnant." nakangiting sabi ni mama.

Biglang nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa sinabi ni mama. Kaya pala madalas akong mahilo at magsuka. Tapos akala ko delay lang yung menstruation ko ng dahil sa emotional stress na nararamdaman pero I was wrong, I am 2 months pregnant. Sigurado ako na matutuwa si Kendrix pag nalaman niya ang good news nato.

"Gusto mo ba tawagan ko si Kendrix nak?" tanong ni mama.
"Wag na po mama. Ako nalang po yung magsasabi sakanya. Gusto ko po siyang surpresahin eh." sabi ko.

She look at me and she smile.

"Okay anak. Sige, ikaw bahala." Nakangiting sagot ni mama.

Nang medyo mabuti na yung pakiramdam ko, pinauwi na kami ng doctor. Nung nalaman ko na buntis ako lalo tuloy akong ginanahan na tapusin yung libro na ginagawa ko. Gumagawa kasi ako ng libro tungkol sa love story namin ni Kendrix.

Medyo mahirap pero kinakaya, pangarap ko to eh. Nang makarating kami sa bahay, agad kong tinawagan si Kendrix.

*FACETIME CONVERSATION...*

["Hi Ms. Hello kitty! Bakit napatawag ka ata ng ganito kaaga? May problema ba?"] Bungad ni Kendrix.

I look at him and I smile.

"Nako wala. Na miss lang kita." tanong ko.

["Asus! Gusto mo lang makita yung perfect na face ko eh."] Pagyayabang  niya.

I look at him so wierdly.

"Hay nako! Ewan ko sayo Kendrix! Ibaba ko nalang nga tong tawag na to. Nakakaloka ka! Umandar nanaman yung kapreskuhan mo." sabi ko.

["Nako eto naman hindi mabiro. Alam mo na miss na miss na miss na kita Athena. Gusto ko na ngang umuwi diyan para makasama na kita eh. Kaya lang hindi nila ako pinapayagan umuwi eh."] sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng sobrang lungkot ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"So hindi ka makakarating sa book signing ko?" Nakasimangot na sabi ko.

["Gustong gusto ko pumunta pero hindi pwede eh. Sobrang busy kasi ng schedules ko eh. Im really sorry Athena."] sabi niya.

I look at him and I smile.

"Its okay Kendrix. Naiintindihan ko. Sige ah? I have to go. Magpapahinga na din ako eh. Bye!" Nakangiting sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kendrix at pinatay nalang yung tawag. Oo naka ngiti ako pero deep inside, nalulungkot ako. Kasi hindi makakapunta yung pinaka importanteng tao sa pinaka mahalagang journey ng buhay ko. Pero ano bang magagawa ko? Alam ko naman na ginagawa niya ang lahat ng to para sa pangarap niya eh. At wala naman akong balak na sirain yun.

*BOOK SIGNING DAY...*

Halos kalahating oras na akong naka upo dito pero wala parin dumadating para bumili ng libro ko.  Siguro hindi talaga para saakin yung pagsusulat. Paalis na sana ako ng biglang...

"Excuse me miss, pwede ba ako bumili ng libro?"

Bigla akong napahinto sa paglalakad nung marinig ko yung sinabi nung lalake. Medyo pamilyar yung boses niya saakin. Lumingon ako para tignan kung sino yung nag salita. Biglang nanlaki yung mga mata ko ng makita na si Calyx pala yung nag salita. Kasama niya si Zoey, si Dwayne at baby Zyonn.

"Hi tita mommy!" sabi ni Baby Zyonn sabay yakap saakin.
"Hello baby Zyonn. Thank you for coming ha? You really makes tita mommy so happy." sabi ko.

Binuhat ko si Zyonn at lumapit kay Zoey at Dwayne.

"Salamat sa pag punta ah." sabi ko.
"Ano kaba bes, papalampasin ba namin to? Syempre hindi noh. Alam ko naman matagal mo na tong pangarap eh." sabi ni Zoey.
"Oo nga. Congratulations Athena. Ang galing mo." sabi ni Dwayne.
"Thank you sainyo ah. I really appreciate yung pagpunta niyo." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Zoey na parang ewan.

"Actually dapat kanina pa kami nandito kaya lang sinundo pa kasi namin..."

Hindi na natapos ni Zoey yung sinasabi niya kasi bigla tinakpan ni Dwayne yung bibig niya.

"Ha? Sinundo? Sino?" Pagtataka ko.
"Ako Athena. Ako yung sinundo nila sa airport." sabi ni Calyx.
"Tama! Si Calyx nga yung sinundo namin. Baby Zyonn dito come here muna." sabi ni Zoey.

Kinuha ni Zoey si baby Zyonn saakin. Lumapit ako kay Calyx at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Namiss kita ng sobra Calyx." sabi ko.

He look at me and he smile.

"Namiss din kita Athena." Nakangiting sagot ni Calyx.

Pakiramdam ko biglang bumalik yung lahat ng magagandang alaala namin ni Calyx. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ng biglang sumabat si Zoey.

"Ahm excuse me lang bes noh? Pero can I have a favor?" sabi ni Zoey.
"Oh sige bes ano yun?" Sagot ko.
"Pwede ba na pakikuha nung gatas ni baby Zyonn sa kotse namin? Gutom na kasi yung inaanak mo eh." Sabi niya.

I look at her so weirdly.

"Ha? Bakit ako? Nasaan ba yung asawa mo?" Tanong ko.
"Ah pumunta sa restroom eh." sagot niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Nakakaloka! Kahit kailan talaga panira ng moment yung babaeng yun eh. Wala ba siyang mga kamay at paa? Hay ewan! Kung hindi lang talaga para kay baby Zyonn siguro kanina ko pa natuktukan ang fallopian tube ng babaeng yun. -_______-

Habang nag lalakad ako palabas ng bookstore nang biglang may lumapit saakin na batang lalake at inabutan ako ng bulaklak.

"Wow! Ang cute mo naman. Thank you dito ha? Kanino ba galing to baby boy?" tanong ko.

Pero imbis na sumagot yung bata, tinitigan niya lang ako tapos ngumiti siya. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad palabas ng bookstore. Habang papalapit ako sa pinto ng bookstore, lalong dumadami yung bulaklak na natatanggap ko. Kanino kaya to galing? Out of curiosity, nagmadali akong naglakad palabas ng bookstore. Nang makarating ako sa labas, laking gulat ko ng makakita ako ng isang malaking hello kitty mascot. Nagmadali akong tumakbo papunta doon sa mascot at niyakap ito ng sobrang higpit. Ewan ko ba. Satuwing nakakakita ako ng kahit anong hello Kitty item, nababaliw ako ng bonggang bongga. Habang nakayakap ako doon mascot ng biglang nagsalita ito.

"I love you!"

Biglang akong natigilan nung  marinig ko yung sinabi nung mascot. Sobrang pamilyar kasi ng boses niya eh. Out of curiosity, tinanggal ko yung nakalagay sa ulo nung mascot. Laking gulat ko ng makita na si Kendrix pala yung may suot ng mascot. Parang pakiramdam ko biglang tumigil yung pagikot ng mundo nung makita ko ulit si Kendrix ng personal after 2 months. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Hindi ka ba masaya na makita ulit ako Athena?" Nakangiting tanong niya.

Hindi na ako sumagot at niyakap nalang  ulit siya ng sobrang higpit.

"Wag kana umiyak okay? Nandito na ako oh?" sabi ni Kendrix sabay punas sa mga luha ko.
"Akala ko ba hindi ka pwede umuwi? Paano yung training at seminars mo doon sa Canada?" Tanong ko.

He look at me and he smile.

"Mas uunahin ko pa ba yung seminars at training ko kaysa sayo? Syempre hindi noh. Mas importante ka  kaya para saakin." Nakangiting sagot niya.

But I just look at him so seriously.

"Pero pangarap mo yun eh." sabi ko.
"Oo alam ko pangarap ko yun, pero mas pipiliin ko parin unahin ka kaysa sa mga pangarap ko. Yung pangarap nandiyan lang yan naghihitay na matupad. Pero ikaw Athena, ikaw  yung pangarap ko na natupad na. At hindi ako manghihinayang na mas pinili kita kaysa sa mga pangarap ko. Kasi ito na ata yung pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Mahal kita Athena. Mahal na mahal."  sabi niya.
"Mahal na mahal din kita Kendrix." sagot ko.

Looking at his eyes right now, kitang kita ko yung sincerity niya nung sinabi niya ang mga katagang 'Mahal kita'. Siguro oras na para malaman ni Kendrix yung totoo.

"Kendrix, I have something to tell you." seryosong sabi ko.

Bigla niya akong tinitigan na parang ewan.

"Ano yun Athena? Grabe! Kinakabahan ako ah." Sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"I'm two months pregnant Kendrix. Congratulations magiging daddy kana." Nakangiting sabi ko.

Biglang nanlaki yung mga mata ni Kendrix nung marinig niya yung sinabi ko.

"Talaga? Magiging tatay na ako?" Gulat na tanong niya.

Hindi na ako sumagot at tumango nalang habang nakangiti.

"YES! MAGIGING TATAY NA AKO!!" sigaw ni Mokong.

Biglang nagtinginan ang lahat saamin tapos bigla silang nag hiwayan at palakpakan ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"Hoy Kendrix ano ba! Tumigil ka nga. Nakakahiya oh! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." sabi ko.

Lumingon lingon siya at tinignan ang lahat ng mga tao na nakatingin saamin.

"Eh bakit naman ako mahihiya ha? Im so proud kasi magiging tatay na ako. This is the best gift I've ever had in my whole life. I love you! I love you! I love you." sabi niya.

Lumapit siya saakin tapos ang sumunod nalang WE KISSED! ^_____^

(A/N: DAHIL SA SOBRANG KASIYAHAN NI ATHENA AT NI KENDRIX, HINDI NILA NAPANSIN NA NANUNUOD LANG SI ANGEL SA KANILA.)

ANGEL'S POV

Sulitin mo na Athena ang masasayang araw mo kasi yan na ang huli. Nalalapit  na ang pagtatapos ng love story niyo ni Kendrix. Oras na para bawiin ko ang lahat ng dapat na para saakin. BECAUSE WHAT ANGEL WANTS, ANGEL GETS!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...
451K 11.3K 49
Mia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen w...
12.6K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
14.4K 143 15
ANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN...