I'm in Love with a DOTA Playe...

By blue_maiden

30.4M 685K 97.9K

Adapted by TV5's Wattpad Presents Starring Mark Neumann and Shaira Mae Dela Cruz. Dota Player? Sus walang ina... More

Intro
Prologue
Chapter 1: Bakulaw ka!
Chapter 2: Ano daw?
Chapter 3: Date o Dota?
Chapter 4: First kiss
Chapter 5: Sorry na
Chapter 6: Ouch!
Cahpter 7: Speechless
Chapter 8: my confession
Chapter 9: i'll wait
Chapter 10: date again
Chapter 11 (part1): inlove na ba ko?
Chapter 11 (part2) : inlove na ba ko?
Chapter 12: can i call you mine?
Chapter 13: meet the brothers
Chapter 14: hello daddy!
Chapter 15: nalilito
Chapter 16: new friends
Chapter 17: welcome home
Chapter 18: kiss under the rain
Chapter 19: basta DOTA PLAYER, sweet lover.
Chapter 20: selos ka?
Chapter 21: bati na kami
Chapter 22: date or disaster?
Chapter 23: ang hirap pala
Chapter 24: protective?
Chapter 25: new love team?
Chapter 26: problema na naman.
Chapter 27: Friendzone?
Chapter 28: DOTA TOURNAMENT
Chapter 29: Happy Monthsarry?
Chapter 30: One more chance
Chapter 31: Hello PARADISE!
Chapter 33: Say you'll never go
Chapter 34: Spin the bottle
Chapter 35: Mineski ang Boyfriend ko.
Chapter 36: Reminiscing
Chapter 37: Sunset
Chapter 38: Walang tatalo sa pasko ng pinas
Chapter 39: STAR
Chapter 40: Pangako
Chapter 41: Family :)
Chapter 42: The comeback
Chapter 43: LQ kami.
Chapter 44: My kryptonite
Chapter 45: mansanas
Chapter 46: JS prom
Chapter 47: Patay kang bata ka!
Chapter 48: Tapos na ba?
Chapter 49: Cool off
Chapter 50: Take time to realize
Chapter 51: Always and forever [Last Chapter]
Epilogue
I'm in Love with a DOTA Player on TV's Wattpad Presents

Chapter 32: Is it over?

535K 10.5K 1.8K
By blue_maiden

Chapter 32:  
Is it over?

--

KEVIN POV

Lintek naman inutusan pa ko ni miggy, hindi tuloy ako makaka kain ng lunch. Loko talaga yun! kung hindi ko lang siya kaibigan baka nabatukan ko na siya matagal na. Bibilisan ko na nga lang yung pag punta dun, para maka balik ako agad.

"kevin?"

Kahit nakatalikod ako sakanya, alam na alam ko kung sino siya. Kahit kelan hindi ko pwedeng makalimutan yung maganda niyang boses, parang anghel na nag sasalita.

"maureen? papunta ka na ba sa baba?"

"oo, ikaw? gusto mo sabay na tayo.." kung pwede lang sana.

"ah may inuutos kasi sakin si miggy eh, sige mauna ka na dun."

"how about your lunch? baka magutom ka?" teka? nag aalala ba siya sakin? Matagal na kaming nag uusap ulit ni maureen, parang dati pero sobrang malaki na yung pinag kaiba, kinakausap niya ko bilang kaibigan na lang. Minsan nga parang isa lang ako sa mga kaibigan niya. I mean parang hindi naging kami, parang hindi ako importante sakanya. Im just a friend.

"okey lang yun, mamaya na lang ako kakain. Sige i have to go.." as much as i want to talk to her, mas mabuti ng umiwas na ko. Tanggap ko na, na hindi na maiibalik yung dati. Hindi na magiging kami ulit. Kaya nga as much as possible lagi ko siyang iniiwasan, gusto ko na din kasi mag move on, pero habang nakikita ko siya, hindi ko magawa. "bye." tumalikod na ko sakanya tska nag lakad papunta sa may hagdan.

"wait!" lumapit siya sakin tska niya inabot yung sandwich. "you should eat, baka mag kasakit ka. Ginawa ko yan." She smiled at me. "take care." bumababa na siya, naiwan naman akong tulala dito.

"thank you.. maureen." para akong tangang nag sasalita mag isa. Hays ang lakas talaga ng epekto ni maureen sakin. Mabuti pa pumunta na ko dun sa may light house.

**

"Miggy! Pag naka akyat ako dyan patay ka sakin!" rinig na rinig namin ni miggy yung sigaw ni tin. Halatang pagod na siya sa pag akyat niya dito, hingal na hingal eh, five minutes na kaming nag hihintay dito ah.

"haha! ang lampa talaga nun! palibhasa payatot eh!" tawa ng tawa to si miggy, pero halata namang kinakabahan siya.

"haha! lagot ka dre pag naka akyat yun."

"HAHA! oo nga baka maging halimaw na naman yun, oh ano? ok na ba itsura ko?"

"okey na okey na. Muka ka ng tao!" tumawa ako tska inayos ko yung damit ni tin na isusuot niya mamaya.

"g@go! mas mukha akong tao sayo! HAHA!" nawala yung tawa niya nung makita namin si tin.

"MIGGY RIVERA!!!" natigilan si tin ng makita niya si miggy na naka tuxedo, napatingin din siya sakin. "anong meron? at bakit andito si kevin?" napadaan yung mga mata niya sa wedding dress na naka sabit sa dingding, nilapitan niya agad yung damit tska niya kinuha. "para saan to?" naka ngiti siya, parang alam na niya yung gagawin namin.

"para sayo yan pudge.. dali suot mo na, may rest room dun"

"ha? bakit? mag papakasal tayo? wala pa kong eighteen!" tumawa si miggy ng malakas, pinipigilan ko din yung tawa ko, Akala ba niya totoong magpapakasal na sila ngayon? haha. Tinignan tuloy siya ng masama ni tin.

"pudge, kasal kasalan lang to, Dont worry, ikakasal din tayo sa simbahan wag kang excited! dali na suot mo na yan!" nagtataka pa din si tin sa mga nangyayare kaya lumapit na si miggy tapos tinulak niya si tin papuntang comfort room. Eh siya naman ata yung excited eh! haha, "whew! kinabahan ako dun akala ko aatake na naman yang PMS niya eh.."

"haha easy ka lang pre.."

mga 3 minutes lang lumabas na din si tin suot yung white wedding dress. Ang ganda niya, natulala nga kaming dalawa ni miggy.

"oh bakit? panget ba?" kanina pa kasi kami naka tingin kay tin, biglang natauhan si miggy. Nialapitan niya si tin.

"you're so beautiful.." nag smile lang si tin tska nag blush.

"ten ten tenen.. ten ten tenen.." kanta ko sa kanilang dalawa. "ehem yung mag papakasal dyan, nag hihintay yung pari dito."

"kevin! i can't believe pumayag ka sa plano na to ni miggy? pero bagay naman sayo maging pare. Haha!" aba loko to si tin ah, inasar pa ko. "haha! sige na nga game na, yung isa dito eh, excited ata akong pakasalan!"

"HAHA!! wushu ikaw din eh!"

"ehem.." umayos na silang dalawa."andito tayong tatlo para saksihan ang pag iisang dibdib ni Mr. Rivera at Ms. Arrevalo.." nakaharap silang dalawa sakin, nakikita ko nag pipigil tumawa si miggy at tin kasi napaka pormal ng mga sinasabi ko, pero kaylangan mag mukha akong pari eh. Haha sila naman may gusto neto! nautusan lang ako nuh.

"ikaw Miggy, tinatanggap mo ba si Cristin bilang asawa mo?" hinawakan ni miggy yung dalawang kamay ni tin.

"Kahit minsan hindi ko maintindihan tong babae na nasa harap ko.. kahit lagi niya kong inaaway.. kahit ang ingay niya.. kahit flat chested siya.. kahit payat siya.." ngumiti si miggy kay tin. "Siya yung nag iisang babae na minahal ko ng ganito, siya lang yung nag iisang babae na nakakapag pa ngiti sakin kahit badtrip ako, siya lang yung babaeng kahit saktan ako ng paulit ulit, minamahal ko pa din.. Siya lang yung babae na mamahalin ko hanggang mamatay ako.. Mahal na mahal kita pudge.. Happy monthsarry at Oo tinatanggap ko si Cristin bilang asawa ko." Sinuot ni miggy yung singsing kay tin. Damang dama ko yung pag mahahal ni miggy kay tin sa bawat mga linya na sinabi niya, totoo lahat yun dahil sa tagal naming mag ka kilala, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya at ganyan ka seryoso sa isang babae.

"ikaw naman cristin, tinatanggap mo ba si miggy, bilang asawa mo?"

"Minsan naiisip ko, worth it ba ko para kay miggy? kasi si miggy yung lalaking perfect, perfect boyfriend.. Siya yung lalaking mapang asar pero alam mong may lambing at pinapa ngiti ka lang.. Siya yung lalaking gagawin lahat para lang sa taong mahal niya.." napahinto si tin sa sinasabi niya, umiiyak na siya. Pinahid naman agad ni miggy yung mga luha ni cristin. "Miggy.. ikaw yung unang lalaki na minahal ko, at sana ikaw na yung huling lalaki na mamahalin ko.. Mahal na mahal din kita, higit pa sa buhay ko. Miggy hindi ko na kayang makita yung buhay ko na wala ka.. Happy monthsarry pudge." umiyak na naman siya.. "Kahit na.. hindi to totoo, ilalagay ko to sa puso ko, Oo naman tatanggapin kita bilang asawa ko.. Ngayon at pag dumating na yung panahon na mag papakasal na talaga tayo sa simabahan.." Sinuot ni tin yung singsing tska siya niyakap ni miggy si tin.

"By the power blessed in me .. You are now, Mr. and Mrs. Rivera.. Miggy you may now kiss your bride.."

It was the perfect moment when miggy kiss cristin. Naiingit ako sa relasyong meron sila.. Hindi perfect yung relationship nila, they fight, they argue with things.. pero hindi nila kayang tiisin ang isat isa. Hindi nila kaya na wala yung isat isa kahit isang araw lang. They just simply love each other so much. Masaya ako para sa kanilang dalawa.. Sana mahanap ko din yung ganyang relasyon..

**

After ng kasal kasalan nila miggy at tin sa may light house nag picture picture muna kami buti na lang dala ko yung DSLR ko, ang gaganda ng mga kuha ko. Bumalik na din agad kami sa hotel na tinutuluyan namin, Nakasuot pa din ng wedding dress si tin, haha mukhang nag enjoy siya sa dress, sabi ni miggy kay ate mary daw yung dress na yun, yung older sister niya at yung ring, binili nila ni apple nung nasa manila pa kami.

Pag balik namin dun wala na sila sa hotel, naiwan si alyssa at dante sa lobby at sabi niya nasa beach na daw silang lahat. Pumunta naman kami sa beach nila miggy. Pag dating namin dun nag swiswimming na sila ace at sarah, nakita ko naman agad si maureen na may kausap na lalaki, at mukhang nag aaway sila, sa pag aalala ko nilapitan ko agad sila,

"bitawan mo ko! nasasaktan ako!" sabi ni maureen sa lalaki pero ayaw pa din niyang bitawan! Aba loko to ah!

"pare bitawan mo siya!" hinawakan ko yung braso siya, malaking tao din siya pero tingin ko kayang kaya ko siya.

"wag kang maki alam dito pare!!" sa galit ko sinuntok ko siya ng malakas, pati kamay ko dumugo. Ang tigas ng mukha niya ah. Pag kasuntok ko sinuntok niya din ako, ang lakas ng pagkasuntok niya kaya napahiga ako, nung susuntukin niya ulit ako sinipa ko siya kaya napahiga din siya. Tinatry ko bumangon para masuntok ko ulit siya kahit masakit yung tyan ko sa suntok niya, nung naka bangon ako sinuntok ko ulit siya..

"kevin stop it!" sigaw si maureen. Tumigil ako kaya nasuntok ulit ako ng lalaki na to. Napahiga ako ulit ako and this time, nahihilo na ko. Nakita kong lumapit sila miggy samin,

"oi pare g@go ka ah! sino nag sabi sayong suntukin mo si kevin?!" sinuntok niya yung lalaki, pinigilan naman agad ni tin si miggy na galit na galit.

"miggy tama na!"

Nilapitan ako ni apple, "kevin ok ka lang? oh my gosh dumudugo yung pisngi mo!" nag papanic na siya.Tumayo ako, tinulungan ako ni apple. Nakita ko tinulungan ni maureen yung lalaki, anong problema niya? bakit niya tinutulungan yun? eh ngayon lang naman niya yun nakilala?! hindi ba niya nakikita na mas nasaktan ako tska kaya ko lang naman ginawa to para sakanya eh.

"Maureen lumayo ka dyan sa lalaki na yan!"

"kevin! he's my Boyfriend!" Para akong binaril sa puso sa sinabi ni maureen. Ang sakit eh tagus tagusan dre. Yung taong mahal mo may boyfriend na. Hindi na ko nakapag salita. Hindi ko alam pero bumagsak na lang ako at nawalan ng malay..

**

(Play niyo yung song sa may gilid --> I love you goodbye by nina. mas maganda ^^)

Nagising ako sa boses ni apple.. "kevin?" parang umiiyak siya.. "kevin okey ka na ba?" umiiyak nga siya, hinawakan ko yung mga mukha niya, inalis ko yung mga luha na pumapatak sa mga mata niya.

"apple wag ka ngang umiyak.."

"sorry hehe wala to.. gusto mo ba ng tubig? teka ikukuha kita.." tumayo siya upuan niya pero pinigilan ko siya. "bakit?"

"dito ka lang.." bumalik siya sa upuan. "apple nakita mo ba yung boyfriend ni maureen?" umiling lang siya. "tingin mo ba mas gwapo siya sakin? mas lamang ba siya kesa sakin?" umiwas lang siya ng tingin sakin. Ibig sabihin ba nun Oo? "ano kayang meron yung lalaki na yun na wala ako?" nararamdaman ko na tumutulo na yung mga luha ko habang nakahiga ako dito. "mahal na mahal ko naman si maureen eh.. bakit ganun.." nakita ko na namang umiyak si apple, pareho na kaming umiiyak ngayon. Hindi ko alam kung bakit umiiyak si apple, naawa ba siya sakin? pero hindi kaylangan ng awa.

"kevin.. tama na.."

Hindi ko pinansin yung mga sinasabi ni apple.. Ang nasa isip ko lang ngayon kung gaano ka sakit yung nakita at nalaman ko.. may boyfriend na siya agad, bakit ako? hindi pa nga ko nakaka move on eh. Akala ko kapag kinarir ko yung pag dodota ko makakalimutan ko na siya, pero hindi. Tama nga sila kahit kelan hindi mapapalitan ng dota yung babae sa puso mo. "Ano bang dapat kong gawin para balikan niya ko?" pinikit ko yung mga mata ko.. ang sakit eh.

"kevin, alam ko nasasaktan ka pero itigil mo na.."

"ang ano apple?"

"Yung nararamdaman mo kay maureen.. kevin nag papakatanga ka lang sakanya eh.."

"apple mahal ko si mauren.." tumayo ako sa pag kakahiga ko, medyo masakit pa din yung mukha ko dahil sa suntok ng lintek na boyfriend ni maureen, kapag nakita ko siya sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa aso. "wala akong paki alam kung mag paka tanga pa ko sakanya.." tumahimik siya. Tumayo siya.. "san ka pupunta?" tumingin siya sakin.

"hindi ko kayang makita kang ganyan kevin.."

"makitang ano?"

"yung nag papaka tanga ka sa walang kwentang babae.." nung narinig ko yung salitang walang kwenta, biglang uminit yung ulo ko. Alam ba ni apple yung sinasabi niya? si maureen walang kwenta? Hindi walang kwentang babae si maureen, oo sinaktan niya ko pero wala naman siyang kasalanan, alam kong hindi niya yun ginusto. Tumayo sa kama, hinarap ko si apple. Alam ko sa sarili ko na galit ako, lalo na sa sinabi ni apple.

"ulitin mo nga yung sinabi mo?"

"walang kwenta si maureen."

"Wala kang karapatang sabiban si maureen ng ganyan apple! bawiin mo yung sinabi mo!!" sa puntong yun galit na talaga ako at sinisigawan ko na siya.

"totoo naman eh? hindi ko yun babawiin.." siguro dala ng galit ko, muntik ko ng masampal si apple buti na lang napigilan ko yung sarili ko. "ano bakit hindi mo ituloy? Sige sampalin mo ko kung yan yung ikagagaan ng loob mo! pero hinding hindi ko babawiin yung sinabi ko.."

"apple lumabas ka na lang baka kung ano pang masabi at magawa ko sayo."

"hindi kevin! kaylangan mong marinig lahat ng to..kaylangan mong matauhan na nag papaka tanga ka lang sa wala kevin.." tumalikod ako sa kanya. Ayoko ng marinig yung mga sasabihin niya. "Hindi ka na niya mahal kevin!! hindi mo ba nakikita may boyfriend na siya?! mag move on ka na! tingin mo ba babalik ba siya sayo? tingin mo kapag iniyakan mo siya magiging kayo ulit? tingin mo ba nag aalala siya sayo? eh nung mawalan ka nga ng malay wala siyang paki.. tingin mo.." pinutol ko siya sa pag sasalita niya.

"TAMA NA!" wala na kong paki sa mga sasabihin ko. Galit ako, galit ako kay apple, pero mas galit ako sa sarili ko. "ano bang alam mo apple?" hinarap ko ulit siya. "ANONG BANG PAKI ALAM MO?! BUHAY KO TO! BAKIT BA ANG PAKI ALAMERA MO? ANO BA KITA APPLE HA?!" sa galit ko i clenched my fist. parang gusto kong manuntok ng kung sino.

Umiyak siya.. alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko pero wala akong paki alam..

"sorry kevin.. sorry kasi pinapaki alamanan kita, nag aalala lang ako sayo, sorry ah. Sorry kung ganito ako sayo, Sino nga ba naman ako sa buhay mo? wala naman di ba?" umiiyak pa din siya pero pinunasan niya yun. "alam mo pareho lang naman tayo eh.. ikaw nag papaka tanga kay maureen, ako nag papaka tanga sayo! ang tanga tanga ko eh alam mo ba yun? Sorry din kung minahal kita kevin, Oo mahal kita, mahal na mahal. Wag ka mag alala.. hindi mauulit pa, at simula ngayon, hindi na ko mag papaka tanga.. simula ngayon kakalimutan na kita.." Umalis siya.. kitang kita ko sa mga mata niya yung sakit na nararamdaman ko din ngayon.. Ngayon lang pumasok sa isip ko yung mga sinabi apple..

MAHAL NIYA KO? pero bakit hindi niya sinabi? Sasabihin? Ang tanga ko! paano niya nga naman masasabi sakin kung puro si maureen yung bukang bibig ko. Im so stupid! ang sasakit ng mga sinabi ko.. Ano bang ginawa ko? pareho na ngayong nawala sakin yung dalawang babae na importante sakin.. Sa maureen yung unang babae na minahal ko tapos ngayon si apple, yung best friend ko. Yung taong laging andyan para sakin..

Sa inis at galit ko sinuntok ko yung pader.. Hindi ko maramdaman yung sakit sa mga kamay ko kahit na nakikita kong umaagos yung dugo sa mga kamay ko. Siguro mas masakit yung nararamdaman ko sa puso ko ngayon kaya yung sakit ng katawan ko hindi ko maramdaman..

Limang oras na kong tulala.. Hindi makapaniwala sa lahat ng nagyayari.. Ang hirap intindihin ng mga pangyayari eh.. Hays! sana panaginip lang to, tsk inabot na ko ng gabi dito.

"Kevin?"

"dre.. may problema ba?"

"Hindi ko alam kung anong tamang sasabihin pero.. dre kaylangan mo na sigurong mag move on?"

"sana nga ganun kadali miggy.. gustong gusto ko na din siyang kalimutan dre."

"Basta andito lang ako dre.." pinatong niya yung mga kamay niya sa balikat ko. "alam kong mahirap pero kaya mo yan.." ngumiti lang ako kay miggy. Alam ko naman na lagi siyang andyan para sakin.

"salamat dre.."

"Nga pala alam mo ba nung nawalan ka ng malay sobrang alalang alala si apple sayo, binantayan ka nga niya dito eh, alam mo ba kung san siya pumunta? kanina pa kasi namin siya hinahanap eh? gabi na wala pa siya." bigla kong naisip yung mga nasabi ko kay apple kanina. Nag alala tuloy ako bigla, kasalanan ko to eh, kung ano anong masasakit yung sinabi ko sakanya. Paano kung pumunta siya sa malayong lugar? tapos hindi siya makabalik? Ang daming pumapasok sa utak ko.

"Dre kasi may nasabi ako sakanyang hindi tama, umalis siya kanina pa.. Tinawagan niyo ba yung number niya?"

"Nakapatay yung cellphone niya eh."

"teka hahanapin ko siya.."

"kevin okey ka na ba?"

"oo okey na ko.." sa totoo lang masakit pa din yung mukha pati kamay ko pero kaylangan kong hanapin si apple, hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.

"sasamahan ka namin sa pag hahanap.."

"sige pre salamat.."

Nag bihis agad ako tska ako lumabas ng hotel, pumunta ako sa tabing dagat para hanapin siya..

"apple!!" kada hakbang ko ng paa ko nararamdaman ko yung sakit ng suntok sakin nung boyfriend ni maureen. Malilintikan talaga sakin yun. "asan ka na ba?" pinikit ko na lang yung mga mata ko..

"kevin!"

"tin? nakita niyo na ba siya?"

"oo andun siya sa may bar, kasama si ryan, umiinom."

Kinabahan ako sa sinabi niya na umiinom si apple, hindi naman umiinum yung babaeng yon eh. Baliw ba sya? ano na bang pumasok sa isip niya?!

pumunta agad kami nila tin sa bar, nakita ko nga si apple sa may dance floor, kasama niya si ryan. Bakit si ryan? hindi ba niya alam na chickboy yan si ryan? sikat si ryan kasi mineski na siya kaya malamang madaming babae yung umaaligid sakanya, hindi ba naisip yun ni apple? pero teka bakit ba ganto yung iniisip ko kay ryan, tropa ko siya. Tska bakit pa parang nagagalit ako na nakikita ko si apple at ryan na magkasama? ano bang problema sakin? Nag alala lang ba talaga ako kay apple? hays. Pumunta ako sa dance floor para kunin si apple, "apple tara na!" hinila ko siya papunta sa gilid.

"kevin ano ba! bitiwan mo nga ako!"

"ano bang ginagawa mo? hindi ka naman umiinom eh, tama na!"

"bitawan mo ko kevin! nasasaktan ako!"

"dre bitawan mo na si apple, nasasaktan na siya." lumapit samin si ryan.

"ryan wag kang maki alam! tska anong klase ka? hinahayaan mong uminom ng alak si apple?!"

"dre, hindi naman siya lasing eh, konti lang yung ininom niya!"

"kung iminom man ako ng marami, ano bang paki alam mo kevin?! wala naman di ba? kaya pwede ba hayaan mo na ako, ryan tara na nga.." hinila niya si ryan palayo, pero bago siya makaalis hinila ko yung mga braso niya. 

"apple pwede ba tayong mag usap?" tinignan ko si ryan. "ng tayong dalawa lang?" habang sinasabi ko yun naka tingin pa din ako kay ryan.

"apple maiwan ko muna kayo ni kevin.." buti naman nakuha ko siya sa tingin.

"anong sasabihin mo?!" halatang naka inom siya kasi namumula na siya. Ano ba kasing problema niya? alam ko masasakit yung mga nasabi ko, pero kaya nga gusto ko siyang kausapin kasi gusto kong humingi ng sorry sakanya.

"pwede ba tayo dun sa may tabing dagat? para tahimik.." nag nod lang siya sakin. Tapos nag lakad na kami sa may tabing dagat. Gabi na kaya wala ng tao sa may bandang dulo ng beach. Umupo lang kami dun, nung una tahimik lang kaming pareho.. hindi ko kasi alam kung saan ako mag sisimula? hindi ko din kayang mag salita, nahihiya ako kay apple sa mga sinabi ko.

"apple..." hindi siya nag salita, naka tingin pa din siya sa may dagat. "im sorry.." tumingin siya sakin tska bumalik ulit yung tingin niya harap. "apple, hindi ko sinasadya na sabihin yun, nadala lang ako.. im sorry, please apple." nakatingin lang ako sa kanya, nag hihintay ng isasagot niya.

"kevin.. let's just forget each other.." hindi ko alam kung anong isasagot sa sinabi niya, for that moment, blanko yung isip ko. Seryoso ba siya? hindi ba niya ko pwedeng bigyan ulit ng second chance? akala ko ba mag best friend kami? tumayo siya.. "Mag panggap na lang tayong hindi magkakilala next time we see each other.. sige." lumakad na siya palayo sakin.

"apple! alam ko mali ako sa mga sinabi ko, pero parang ang babaw naman kung dahil lang dun, tatapusin mo na yung pagiging mag kaibigan natin. Kaya nga ako nandito para humingi ng sorry at ng second chance.." tumigil siya pero hindi pa rin siya humarap sakin.

"hindi mo talaga naiintindihan yung sitwasyon nuh?" kumunot yung ulo sa mga sinabi niya, anong sitwasyon?

"ano ba yun? sabihin mo.." humarap siya sakin na may mga luhang tumutulo sa maganda niyang mukha na nasisinagan ng ilaw galing sa bwan..

"kevin mahal kita.. mahal kita higit pa sa isang kaibigan, sa isang best friend.." tumayo ako tska ako lumapit sakanya. Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung anong sasabihin, hindi ako alam kung anong gagawin ko sa confession sakin ni apple >:(

"wag ka mag alala, lahat ng sinabi mo, wala yun sakin.. alam ko naman mali ako eh, hindi ko dapat sinabi yun kay maureen eh.. tska wala naman talaga akong karapatan, sino ba ko sayo?"

Niyakap ko si apple, "apple importante ka sakin, best friend kita.." tska siya umiyak ng malakas, hinarap ko siya sakin, pinahid ko yung mga luha niya. "please apple, wag mo naman akong iwan.." sa oras na yun, dumodoble yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko..

"yun nga kevin eh, hanggang kaibigan na lang ako.." inalis niya yung mga kamay ko sa mukha niya. "na realize ko na, kahit anong gawin ko, si maureen pa din yung mahal mo.. akala ko kapag mag pa ka tanga ako sayo, na kapag nag paka martir ko, isang araw mamahalin mo din ako, ng higit pa sa isang kaibigan.. mamahalin mo din ako katulad ng pag mamahal mo kay maureen, pero mali pala ako.." tumalikod ulit siya sakin.. "kevin kung importante nga talaga ako sayo.. please layuan mo na ako.. gusto ko na makalimot eh, gusto na kita kalimutan.. Sana ganun ka din kay maureen.. bye kevin.." pinag masdan ko lang yung likod ni apple na unti unti ng lumalayo sakin...

Umupo ako, naka tingin sa dagat..

Yung babaeng laging andyan para sakin. Yung babaeng laging nakikinig sa mga problema ko, yung nagiging sandalan ko kada may problema ako. Yung babaeng kapag kasama ko, lumalabas yung totoong ako, tawanan kulitan, kapag kasama ko siya masaya ako.. Yung nag iisang babae na nakaka intindi sakin.. yung babaeng tinanggap ako kung ano ako.. yung babaeng aawayin ako kapag inuna ko yung dota kesa sa pag kain namin ng ice cream sa park kada uwian.. yung babaeng iniaaway ako ng walang dahilan kapag PMS siya.. ang tanga tanga ko.. bakit ngayon ko lang narealize? kung kelan huli na yung lahat.. kung kelan iniwan na niya ako.. kung kelan wala na siya... humiga ako pinag masdan yung mga bituin.

"miggy.. tama ka nga.."

**

TIN POV

Ano kayang nagyari dun sa dalawa? tsk. Bakit kasi hindi makita ni kevin na mahal siya ni apple, manhid ba siya? hays. Pareho ko silang kaibigan, kaya wala akong kinakampihan sakanila.

Asan na ba si miggy? Habang hinahanap ko si miggy, Nanlaki yung mga mata nung makita ko na wala na sa leeg ko yung necklace ko, dun nakasabit yung singsing na binigay sakin ni miggy nung nasa EK kami, sa mama niya yun. HALA!!! asan na yun T___T

"wag na wag mong iwawala yan ah! sign yan ng love natin sa isa't isa.. meron din ako couple ring kasi yan eh.. kapag nawala mo yan! magagalit ako sayo.. ibig sabihin hindi mo pinapahalagahan yung pagmamahal ko.."

Naalala ko yung mga sinabi ni miggy sakin, HUHU patay ako T__T asan na ba kasi yun? Mahanap nga...

*after 5 mins.* Jusme! kanina pa ko nag hahanap dito sa may bar pero wala? baka naman sa may lobby? tama tama. Dun ko na lang hahanapin.

Kung mamalasin ka nga naman wala din siya sa lobby.. HUHU! asan na yun! lagot ako kay miggy kapag nawala ko yun, amp! naiiyak na ako! pumunta na lang ako sa kwarto ko, baka naman kasi naiwan ko lang siya dun.

Pag pasok ko sa kwarto ko, walang tao.. Asan kaya si alyssa? May litrato sa may kama, ano kaya to? Papalapit pa lang ako sa picture, bumilis agad yung tibok ng puso ko sa nakita ko, pero paano? sino kumuha neto? natataranta na ko.. Nakita ba to ni alyssa? sino ba nakakakita neto?

May nakasulat sa likod:

Alam kong nag tatanong ka kung sino ako, Kung gusto mong malaman kung sino ako, pumunta ka sa may may tabing dagat na malapit sa hotel.

PS. dalhin mo to, at pumunta ka mag isa.

Napaupo ako sa kama, sino kaya siya? Hindi naman siguro si alyssa, nag usap na kami kanina at okey na kami, sumasakit yung ulo ko!! AMP ano ba yan!!! kahit kinakabahan ako pumunta pa din ako sa sinabi niyang lugar.

Gabi na.. Matingkad yung ilaw na galing sa mga bituin, may lalaking nakatalikod nakaharap sa dagat.. Matangkad siya, malaki yung katawan, at kahit nakatalikod alam kong magandang lalaki siya. Sino kaya siya?

"Sino ka?" kinakabahan akong makita kung sino siya.. Humarap siya sakin.. "IKAW?!" hindi ko maintindihan kung bakit siya... nalaglag sa mga kamay ko yung picture na hawak ko..

"tin.."

"ikaw yung gumawa neto? pero bakit?" lumapit ako sakanya para makita na si dante nga talaga yung nasa harap ko. Hindi ko maintindihan, bakit niya ako kaylangan siraan kay miggy, na tropa niya.

"tin? dante?" nagulat ako ng marinig ko si miggy na nasa likod namin.. Sobrang kinabahan ako nung pinulot niya yung litratong nahulog ko.. MIGGY!!! wag! hindi mo naiintindihan.. nung makita niya yung litrato, nakita ko agad sa mukha niya yung galit. Sa galit niya, nilukot niya yung picture.

"Kelan pa tin?!" lumapit ako sakanya.. hinawakan ko siya,

"miggy let me explain!"

"EXPLAIN?! KITANG KITA KO NAMAN NAG HAHALIKAN KAYO NI DANTE DITO SA PICTURE! ANO PANG IEEXPLAIN MO?! TIN KELAN NIYO PA KO GINAG@GO!?"

"miggy please, mali ka ng iniisip.." ramdam kong umiinit yung mukha kom unti unti ng tumutulo yung luha sa mga mata ko.

"KAYA BA GANUN KA NA LANG KUNG MAGALIT SAKIN NG WALANG DAHILAN?" inalis niya yung mga kamay ko. "TIN NAMAN, SA LAHAT NG TAO BAKIT SI DANTE PA? BAKIT TROPA KO PA?!" tinignan niya ko, yung tingin na parang pinandidirihan niya ko. "MAGSAMA KAYO!" umalis siya, gusto ko siya sundan pero mabilis siyang nawala..

"Masaya ka na ba dante? masaya ka na ba sa ginawa mo? nasira mo na kami!" umiyak ako ng umiyak.. hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari...

Miggy.... :(

- End of Chapter 31 -

--

What you think? :P

Salamat po ng madami sa lahat ng nag cocomment at nag lilike sa story na to. Nakakataba talaga ng puso, Hindi ko akalain na may magbabasa neto, haha drama much? parang yung chapter lang na itech. Mabilis yung update ko kasi natuwa talaga ako sa mga comments niyo :DD

Medyo magiging busy ako next week kasi mag aapply ako ng work! huhu sana matanggap. Wish me luck guys. Hehe! pero mag susulat pa din ako kapag may time!

Sa may twitter, tweet tweet tayo, @tinabellss. Yun lang! Salamat ulit!! ciao !~

Continue Reading

You'll Also Like

35.7K 1.5K 11
Summer ang best time para kay Legs, pero biglang magkakaroon ng problema ang paborito niyang panahon ng mapasali sila ng mga kaibigan niya sa Summer...
699K 20.6K 8
Whenever I am with him, I feel safe. I never thought that he's the one who's going to bring me in danger.
10.1M 346K 33
TIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not only her eyes but also her heart. If we are...
2.2M 73.8K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...