Just the Girl

By AyoshiFyumi

22.8K 868 200

Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang lang... More

BUOD
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Author's Face Reveal
KABANATA 41
KABANATA 42
Author's Note
KABANATA 43

KABANATA 2

889 35 1
By AyoshiFyumi

KABANATA 2

Nang mga sumunod na araw ay bihira na niya makita si Miah Serano. Malawak ang buong school. Magkasalubong man sila kung saan ay hindi pa rin nagbabago ito. Pakiramdam niya ay lumalampas lang siya sa paningin nito.

Nainis siya sa sarili niya. Bakit ba siya nadidismaya kung hindi siya pinapansin ng babaeng 'yon? Kaya inabala na lang niya ang sarili niya sa ibang bagay.

Papunta siya ng male’s room para i-check kung malinis ba ang banyo. Sino-survey nila iyon kung may improvements ba ang cleanliness ng buong campus. Pero bago pa siya nakarating doon may naulinigan siya ng boses ng isang babae. Galit iyon at parang namumukhaan pa niya ang boses ng isang lalaki. Mukhang nagtatalo at nagkakagulo na kaya nagmadali siya.

Sa gulat niya nakita niyang sinapak ng nakatalikod na babae si Ian! Si Ian Jeanres ay kaibigan niyang matalik noong bata pa lang siya. Isa ito sa matatalik niyang kaibigan pero taga ibang bayan ito. Pero ngayong taon lang ito lumipat sa eskwelahang ito at kasalukuyan nang dito nakatira sa bayang ito.

Agad siyang tumakbo. Bakit may sumapak na babae sa kaibigan niya? Girlfriend ba niya ito? Balita niya kasi na may pinopormahan daw ito sabi ng ilan nilang kaibigan kapag napapadaan siya sa Bro Code Bar. Pero ang sabi-sabi ng mga ito na weirdo daw 'yong babaeng iyon. Well, mukha namang weirdo itong umaaway sa kaibigan niya.

“Damn! Bakit mo ako sinapak? Naiinis na ako, Miah, ah! Kung hindi ka lang babae—”

Miah?! Tama ba iyong narinig niya? Si Miah iyon? Eh, bakit mahaba ang buhok nito at kakaiba ang kulay? Ang pagkakaalam niya na hindi kahabaan ang buhok nito at bahagyan kulot ang baba.

“On, ano? Papatulan mo ako? Sige, suntukan tayo dito, oh!”

May iba pa silang pinag-usapan na hindi na niya maintindihan. Bakit nag aaway ang dalawang ito? Nalilito talaga siya sa nangyayari.

Nang mapansin niyang a-ambang suntukin ulit ang kaibigan niyang si Ian ay pumasok na siya sa eksena para pigilan ito.

“Hey!” hinawakan niya ang braso ng babae na naka-arko na para sumapak sa mukha ng kaibigan niya.

Nanlaki ang mata niya nang lumingon ito sa kanya. “Ikaw?!” sabay pa nilang sigaw ni Miah. Si Miah nga ito!

“Ano’ng ginagawa mo dito?!” asik nito sa kanya.

“Ano’ng ginagawa mo kay Ian?” tanong din niya dito at sabay na naman silang nagsalita.

“Red…” tawag sa kanya ni Ian. Mukha naman sasabog na sa galit ang hitsura ni Miah.

Lumingon siya kay Ian. “Pare, just go. Ako nang bahala sa babaeng nagwawalang ito.”

“'You sure, Pare? Tigre 'yan.” Biro ni Ian sa kanya.

“Ako nang bahalang dumisiplina sa babaeng ito. Just go. I’ll report her at the office.”

“You will report me?!” nanlalaking matang tanong ni Miah sa kanya. Lalong rumehistro sa mukha nito ang galit sa kanya.

“Pare, don’t. Wala naman siyang ginagawang masama. We’re just talking something—”

Pinutol niya ang sinasabi ni Ian. “No, Pare. I saw the whole happened. She punched you at hindi tama iyon. Kaylangan siyang i-report sa disciplinary office—”

“No. No. I deserved it. It’s my fault that’s why she punched me.” Putol rin ni Ian sa sinasabi niya.

Bumuntong hininga siya. Sabagay. Hindi nga naman niya alam kung ano ang puno’t dulo ng buong nangyari. Okay, hindi ko na niya dadalhin pa sa disciplinary office si Miah. Kakausapin na lamang niya ito sa student council office.

Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Okay, dadalhin ko na lang siya office.”

“Office? Saang office?” nagtatakang tanong sa kanya ni Miah.

“Student council office.” Sagot niya.

“Ano namang gagawin natin d’on?!” sigaw sa kanya ni Miah.

Nainis na siya sa pagtatanong nito kaya hinila na niya ito patungong office. Malapit lang naman.

“Pare, ikaw na ang bahala sa kanya. May kaylangan pa akong gawin.” Nauna nang umalis sa kanila si Ian.

“You freaking beast! Let go of my hand!” sigaw nito sa kanya.

“No!” matigas niyang tutol. Gusto niyang maturuan ng leksyon ang babaeng ito. Namumuro na ito sa kanya. At sa iba pang estudyante. Kaylangan niyang paamuhin ang tigreng ito hanggat maaga pa.

Hila-hila niya ito ng halos mapahiyaw siya sa sakit ng apakan nito ang paa niya. Malakas ang pagkaka-apak nito mismo kaya nabitawan niya ito.

“Y-you! Fuck dammit!” mura niya sa sakit. Halos mapilay siya at hinawakan niya ang paa niyang may sapatos. Kahit na nakasapatos siya ay nanuot ang sakit.

Tumakbo ito ng kumawala ang kamay niya sa braso nito.

“Buti nga sa 'yo! Pwe!” binelatan pa siya nito bago makalayo. Sinundan niya ng masamang tingin si Miah.

“You’re witch! May araw ka rin sa akin! We’re not done, Miah. We’re not…”

Banta niya ng tuluyan ng mawala ito sa paningin niya.

At nang gabi iyon nalaman niya kung ano ang buong nangyari dahil ikinuwento sa kanya ni Ian nang magkita sila sa Bro Code Bar. Sa sorpresa niya, ang babaeng pinopormahan pala ni Ian na si Michalea o Mikay na weirdo ay kapatid pala ni Miah. Kaya pala ganoon kagalit si Miah kay Ian ng oras na iyon.

Hindi niya akalain na iyon pala ang pinopormahan ng kaibigan niya.

Hindi niya napansin na magkapatid pala sina Miah at Michaela. Akala niya coincidence lang na magkaparehas ang last name ng mga ito. 'Yon pala, magkapatid nga. Hindi naman kasi talaga mahahalatang magkapatid sila dahil malaki ang pagkakaiba ni Miah at Michaela. Si Michaela ay masyadong aloof sa tao. Madalas niya itong nakikita sa walang taong lugar at nag-iisa lang dati. Palagi itong nakatungo kapag nakikita niya. Mabait itong tingnan pero nababalitaan niyang isa itong paboritong i-bully ng ilang estudyante sa school. At bilang student council vice-president, isa siya sa nagtatanggol dito ngunit hindi ata iyon lingid sa kaalaman ni Michaela. Ayos lang naman iyon sa kanya.

At si Miah naman, alam na alam na niya ang ugali nito. Pero napagtagpi niya na may hawig nga it okay Michaela. Pero itong si Miah ay marunong mag ayos sa sarili ulike Michaela. Lutaw ang ganda nito hindi gaya sa kapatid. Makikita mo rin na mataas ang self-confidence nito. Minsan na niyang tinitigan ito at masasabi niyang mala-anghel ang mukha nito. Maamo iyon. Kaso hindi nag re-refelect dahil lagi nang mataray ang hitsura nito.

Napailing siya. “Maganda sana, ang taray nga lang.” at dinalaw na siya ng antok ng gabing iyon.

Lumipas ang mga araw at dumating din ang kanilang graduation day. Natutuwa lang siya kay Ian dahil sa wakas nagkaroon din ito ng first ever girlfriend na alam niyang seseryosohin nito. Mukhang in-love na in-love ang mokong. Pinakilala na rin nito sa buong tropa ang girlfriend nitong si Michaela Serano na kung tawagin nito ay Mikay.

Pero hindi niya naiwasang malungkot nang pagmasdan niyang pasakay na sa loob ng sasakyan ang babaeng tinatangi niya simula first year high school pa lang siya. Si Daniella Atienza. Crush na niya ito simula noong first year pa lang siya. Palagi niya itong kaklase at ni-minsan ay hindi man lang sila naging close. Pag minsan nakakausap niya ito pero hindi ganoon kahaba. Tungkol lang sa school projects ang napapagusapan nila. Matalino ito. Matalino rin naman siya. Ang kaso, sa daming babaeng naghahangad sa kanya ay ito ang gusto niyang maghangad sa kanya. Kung ano-ano nang pagpapa-pogi ang ginawa niya pero hindi man lang ito tinatalban. Nagkaroon ito ng ka-relasyon sa klase nila pero hindi niya pinakita na naapektuhan siya. Nagpaka-busy na lamang siya sa pag-aaral.

Madalas niya itong ninanakawan ng tingin. At hindi naman siya nahuhuli nito dahil never itong tumingin sa gawi niya. Ito lang ang babaeng nagustuhan niya. Ang balak niya ay bago mag graduation ay magtapat dito. Pero pinanghinaan siya ng loob. May boyfriend pa kasi ito. Pero nitong nakaraang lingo ay nabalitaan niyang hiwalay na si Daniella at si Carlo. Bigla siyang nabuhayan ng loob.

Ngayon, iniisip niya kung saan kaya ito mag aaral ng kolehiyo? Baka pumunta itong Manila. Kung ganoon man ay hindi na sila magkikita nito. Napapikit siya sa frustration. Tiningnan niya ang medalyang nakasabit sa leeg niya. Ang Nanay niya ang nag sabit niyon sa kanya sa stage kanina. Tatlong medal ang nakamit niya. Siya ang nag First Honorable mention sa batch nila. Kung hindi lang sana siya sumasali sa club at kung hindi rin siya vice-president malamang nab aka nag Valedictorian siya o Salutatorian. Pero masaya na siya sa pagiging First Honor.

Ang isang medalya naman ay loyalty award sa pagiging student council niya. Ang kulay silver na medal naman ay pagiging isa niyang Athlete of the Year dahil isa siyang basketball varsity player.

Tuluyan nang umalis ang sinasakyan ni Daniella. Sunod niyang pinagmasdan ang papaalis na rin na pamilya nina Miah. Umuwi pala ng London ang mga magulang nila para umattend ng kanilang graduation. Kasama ito ng pamilya ni Ian. Ang balita niya magkasama ang family lunch nina Ian at Michaela. Ang galing naman. Legal na legal na ang kanilang relasyon. Usal niya sa sarili. Masaya siya para sa kaibigan niya.

“I’m very proud of you, 'nak.” Sabi ng Nanay niya na bahagya pang hinaplos ang pisngi niya. Masayang-masaya ang mukha nito na nakatingin sa kanya.

“Thanks, 'Nay. Para sa 'yo 'to, eh.” Ngumiti ang Nanay niya.

Ang Nanay niya ang nagsisilbi niyang lakas. Ito ang naging inspirasyon niya sa buong buhay niya. Mahal na mahal niya ito kahit na hindi nito natugunan ang mga material na pangangailangan niya noon. But he understands it. Hindi naman ito nagkulang sa pagmamahal sa kanya. Pagmamahal na sapat na kahit wala siyang nakagisnang ama.

Ayaw na niyang banggitin pa ang tungkol sa kanyang ama sa harap ng ina niya. Alam niyang malulungkot na naman ito. At ngayong araw ng graduation nila, dapat maging masaya sila kahit sila lamang dalawa.

Niyaya niya ang kanyang ina sa isang restaurant at doon kumain. Nabigla siya nang i-abot nito ang isang graduation gift. Nakabalot pa iyon sa isang graduation gift wrap.

“'Nay?” masaya niyang tinanggap iyon. “Nag-abala pa po kayo?”

“Ssh. Graduation gift ko sa 'yo.”

“Thanks, 'Nay. I love you.” Malambing niyang sabi at sinimulan nang buksan ang regalo. Lumawak ang ngiti niya nang makita ang isang branded na hoodie jacket na kulay pula.

“Luma na kasi ang mga jacket mo kaya ibinili kita ng bago. Nagustuhan mo ba?” masayang tanong sa kanya ng kanyang ina.

“Super, 'Nay! Ang ganda nito. Thank you po talaga.” Hindi niya maitago ang saya sa mukha niya.

“Napapansin ko rin na palaging umuulan tuwing hapon. Para makaiwas ka na rin sa sakit.”

Napatawa siya. “'Nay, hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Don’t worry.”

“Alam ko naman. Gusto ko lang makasigurado.” Sinubuan niya ng ice cream ang ina niya. “'Nga pala, 'Nak. Saan mo ba gusto mag college? Okay lang naman sa akin kahit saan. Okay lang sa akin na mag Maynila—”

“'Nay, ayoko po sa Maynila. Hindi po ako d’on mag-aaral. Wala kayong makakasama dito. Sa EU na lang po ako mag a-aral at nag inquire na po ako roon. Naka schedule na po ako for entrance exam.”

Wala silang kamag-anak dito sa bayan ng Candelaria kung saan sila nakatira. Ang alam niya ay taga ibang probinsya ang kanyang ina. Pero dito na siya lumaki sa probinsyang ito. Lumaki kasama ang kanyang ina lamang. Ni-hindi niya kilala kung sino ang ama niya kahit na nabanggit iyon ng kanyang ina at naikwento na sa kanya ang buong nangyari dahilan kung paano siya nabuo at naging tao. Masalimuot ang pinag-daanan ng kanyang ina at gusto na lamang nila ibaon iyon sa limot.

“Sigurado ka ba, 'nak?”

Tumango siya. “Opo, 'nay. Dito na lang ako mag-aaral. Parehas lang naman ang turo, eh. At tsaka, maganda po ang Manuel S. Enverga University. Marami pong courses d’on at maganda ang facility. May scholarship program din po sila at iyon ang target ko. Kahit sana half scholar ako okay na sakin. Malaking tulong na po iyon.”

Hinawakan ng ina niya ang kamay niya. “Alam ko namang magaling ka. Kaya mo 'yan. Magiging scholar ka.” Ngumiti siya. “Ano nga palang course ang gusto mong kuhanin? May napili ka na ba?”

Sa totoo lang ay may napili na siya at iyon talaga ang gusto niyang kuhaning kurso. Gusto niyang mag take ng Business Administration. Gusto niyang lumawak ang kaalaman niya sa business. Pati na rin sa Marketing. Hindi alam ng kanyang ina na may pinapatayo siyang maliit na coffee shop. Hanggang ngayon ay hindi pa tapos dahil palagi iyon napo-postpone. Minsan kasi hindi kinakaya ng budget ang gamot ng sakit ng kanyang ina.

“I’m planning to take Business Ad, 'Nay.”

“Aba, magandang kurso iyon at in-demand. Sige lang anak. Galingan mo, ha?”

Gagalingan niya talaga dahil hindi lamang para sa kanya ang pagiging positibo niya sa buhay. Para iyon sa kanyang ina. Gusto na niyang maging maganda at maginhawa ang buhay nito. Ayaw na niya itong nakikitang malungkot dahil sa naging nakaraan nito. At gusto na rin niyang gumaling ang sakit nito.

He will do anything to his mother. Marami na siyang naging sakripisyo. Marami na siyang napasukang iba’t-ibang trabaho para magkasya ang budget ng gamot ng ina niya. Ayaw niya itong nakikitang nahihirapan. Ito ang lakas niya. Mahal na mahal niya ito at ito na lamang ang tanging natitira sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
1.3M 18.9K 56
High school friendship.
10.1M 143K 54
[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang mak...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...