Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 34

540K 29.7K 43.1K
By jonaxx

Kabanata 34

Surreal


The drive was short. Ganoon naman talaga dahil hindi naman kalayuan ang bahay sa school pero sa kauna-unahang pagkakataon, hiniling ko na sana tumagal pa.

"Hindi ko na isasama si Kuring bukas," ani Alvaro.

Tumango ako. "Oo. Huwag na. Uh... Baka aalis na rin sina Tita at Tito next week kaya next week na lang siya... uh..."

Hindi ko maituloy kasi naiisip kong kunin muna si Kuring sa kanila at sa amin muna sila tumira ni Cheshire. Iuuwi ko na rin si Garfield pero...

Nagtaas ng kilay si Alvaro, hinihintay ang dagdag sa sasabihin ko. Nagkatinginan kami. Nasa labas na kami ng bahay, nakapark. Kasunod naman sina Romulo.

"Gusto mong dito muna sila?"

I didn't have the courage to say it loud so I only nodded.

"Pero ibabalik sila sa bahay sa susunod na linggo."

Tumango ako, ayaw pa ring sumagot ng diretso.

"At lagi rin akong bibisita rito."

"Ikaw... ang bahala."

He smirked. "Mami-miss ni Mama sina Kuring kaya hindi puwedeng dito na siya sa inyo mamalagi, Yohan."

Nag-iwas ako ng tingin, may malalim na iniisip pero naunahan niya ang mga bumagabag sa akin.

"Alam nga pala ni Mama na nanliligaw ako sa'yo."

Napabaling ako kay Alvaro. My eyes widened with a hint of my shock.

He smiled. "Huwag kang mag alala, hindi ko alam kung ang tungkol sa pag-uusap n'yo noon pero dati pa man, gusto ka niyang makausap ulit."

"T-Talaga?"

He nodded.

"Hindi ba... ayaw niya sa akin para sa'yo?"

Hindi natanggal ang ngiti niya pero kumunot ang noo niya, para bang nang-aasar.

"My father did so many bad things to the people here. Sa inyo rin kaya naiintindihan ko, Alvaro."

"You corrected your father's mistakes, Yohan. At tingin mo ba talaga, mapipigilan ang pagkakagusto ko sa'yo?"

Natahimik ako. The silence stretched a bit until a knock on his window made us look. Si Aria, iyon, halos tulog na pero kumakatok pa rin. Si Romulo na inaakay siya, nangingiti at umiiling. Binaba ni Alvaro

"Hoy!" si Aria sabay tutok ng dalawang daliri niya sa mga matang pikit at turo naman kay Alvaro. "Ibaba mo na ang pinsan ko, kala mo ah!"

Alvaro laughed and glanced at me. Nagmadali na rin akong lumabas. Narinig ko ang paglabas na rin ni Alvaro sa sasakyan niya.

"Kailangan mo ba ng tulong?" he offered to Romulo.

"Kaya ko na 'to-"

"Pasok na sa bahay, Josefa!" si Aria nang nakita akong lumapit.

Tumawa si Romulo. Nakasimangot naman akong sumunod dahil sa itsura ni Aria, mapapahiya pa yata ako. I glanced at Alvaro and he smiled and nodded to me.

"Huwag kang mag-alala, malapit na kaming bumukod. Wala nang mag-aabang na ate sa'yo dito," si Romulo kay Alvaro.

I waved and just continued walking. That night was dreamy. Sa social media, nakita ko na ang mga masasayang pictures na naipost. May mga videos pang iba at pati na rin iyong pagpasok namin ni Alvaro sa gym.

Uminit ang pisngi ko nang nakitang halos hindi naman din marinig ang sinabi ni Alvaro dahil sa agarang hiyaw ng nagvi-video at mga tao. It was dreamy. Pakiramdam ko tuloy panaginip ang lahat ng iyon at baka bukas, pag gising ko, wala na ang lahat.

I was already in bed, kahit na pagod at nakainom, medyo hindi pa inaantok dahil sa mga iniisip nang mabasa ang messages ni Alvaro kanina pa.

Alvaro:

Nakauwi na ako.

Alvaro:

Good night, Yohan.

Ako:

Good night. Thank you sa paghatid.

Alvaro:

No problem. Good night din.

Nagulat ako dahil kanina pa naman iyong text pero nakapagreply pa rin siya. Iniisip kong hindi pa siya natutulog. Ayaw ko na sanang mag reply para makatulog na siya pero hindi aiko mapakali.

Ako:

Hindi ka pa ba matutulog?

Alvaro:

Hinintay ko ang reply mo. Matutulog na ako ngayon. Ikaw?

I smiled. I feel like the world will end soon. I am just too happy.

Ako:

Ganoon din. Tulog ka na. Good night.

Alvaro:

Good night, too, Yohan. I love you.

I stared at it with awe. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Uminit ng sobra ang pisngi ko at nanghina ang kamay kaya naibaba ko ang cellphone ko. It beeped again for Alvaro's message.

Alvaro:

Please don't be pressured. No need to say it back. I just want to say it before we sleep.

My heart hammered. Mainit ang pisngi ko at kalaunan, nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit. Mainit din ang puso at pakiramdam ko ang sakit kahit masaya naman ako.

I realized then that I've probably loved him, too, somehow. Ilang taon na kaming hindi nagkikita pero parang walang kahirap-hirap akong nahulog sa kanya. He isn't very ideal with his past and what happened between us and yet, my heart wants to take that risk with him.

Sa ilang taon kong pakikipagrelasyon, wala ni isang nakapantay sa nararamdaman ko para sa kanya. Maybe it's because I supressed it so much, and maybe because deep in my heart, I really do love him.

I woke up the next day feeling very dreamy. Pero nagpasya ako na pakalmahin ang sarili dahil doon. I have my own struggle for years and I noticed that whenever I feel too happy, something wrong will happen after. At ayaw kong mangyari iyon lalong lalo na sa amin ni Alvaro.

Tanghali na kami nagkita ulit ni Aria kasi hindi siya nagising ng maaga. Kinakausap ko si Tita at Tito tungkol sa pagbisita ni Alvaro mamaya nang pumasok ang mag-asawa sa hapag.

"Akala ko ba basted mo na?" si Tita pero tumigil agad dahil pumasok si Aria.

"Oh, 'yong dala ni Romulo kanina kinain mo?" si Tita ulit, naiba na ang usapan.

"Opo," si Aria at naupo na sa tabi ng anak at niyakap ito.

"Nag-usap kami ni Yohan. Uuwi na kami ng Daddy mo sa Bacolod. Maayos na naman ang tungkol sa nangyaring insidente. Bumisita na kami kay Mayor at nakipag-usap na rin sa mga awtoridad. Tamang tama at bibisita si Alvaro mamaya."

Aria smirked weakly at me. "Dapat lang. Gagawa gawa ng eksena sa homecoming tapos hindi makaharap dito?"

"Eksena? Anong eksena?" umalerto si Tita at tumingin kaagad sa akin.

I frowned at Aria who started eating now. Nag-aabot pa ng pagkain si Romulo sa kanya at nangingiti rin ito.

"Wala naman po-"

"Wala naman po!" gayang gaya ni Aria ang tono ko. "Nag-announce ng 'mahal kita' sa harap ng maraming tao kay Yohan!"

Nanlaki ang mga mata ni Tita. Natawa naman si Tito.

"Talaga? Ginawa niya 'yon?"

"Akala ko ba basted na, hija?" si Tito.

"Masugid po kaya sinubukan ulit," si Romulo.

"Buti nga at nang makita natin kung totoo na ba talaga 'yan," si Aria at ngumisi ulit sa akin.

Humaba ba ang usapan namin. Excited naman si Tita kaya nagpasabi na agad ng lulutuin sa hapunan.

Hapon nang naligo sa pool si Aria, Romulo, at si Ria. Nanatili naman ako sa kuwarto para magpahinga at magbasa ng iilang posts sa social media tungkol sa nangyari kahapon. Nalibang ako roon. Kalaunan, nag-ayos na ako at inisip na bumaba para ma-check na rin kung nahanda na ba ang utos ni Tita para mamaya.

Unlike the last time, nirequest ni Tita sa sa dining area talaga kakain mamaya kasama ni Alvaro at hindi sa labas. Isang bagay na iniisip kong masyadong seryoso. Our dining area isn't very open for visitors. Lagi'y naglalabas ng lamesa kapag may bisita.

Kagagaling ko lang sa kusina para i-check ang mga ihahanda nang nakita ko ang mag-anak na tuwang-tuwa sa swimming pool. Tinuturuan ni Romulo ang anak na mag swimming at si Aria naman, nang nakita ako, umahon na.

Naupo ako at nanood sa mag-ama. Tinabihan ako ni Aria.

"So you gave him another chance?" she asked.

"Yeah."

Tumango siya. "Ngayon alam na natin na masigasig siya sa panliligaw sa'yo. Kaysa sa hindi mo binasted at sinagot agad."

"At kakakita lang namin ulit. Siguro kailangan na makilala pa siya lalo."

She smirked. "Pero naiisip ko ang mga ex mo noon. Isang buwan mo pa lang na kilala at nanligaw sa'yo, nasagot mo na. Ibig sabihin..."

Nilingon ko siya. She smirked more.

"Seryoso ka rito."

"Seryoso naman at... medyo natatakot."

She chuckled. "Ganoon talaga kapag seryoso, nakakatakot. You must think I don't like him for you but the truth is, Yohan. Gusto ko siya para sa'yo pero gusto ko ring makasigurado. Alam ko na gusto mo siya noon pa at naiisip ko na baka pangunahan ka masyado ng nararamdaman mo."

Tumango ako.

"Alam ko naman ang ginagawa mo."

"We take risks in love. But it should be a calculated one. Hindi puwedeng bulag ka lang na susugal at hindi mo man lang na-check kung may pag-asa ba na manalo."

Honestly, I know it's Aria's point. Nagulat lang ako ngayon na kaya niya palang ipaliwanag iyon.

"We can listen to his words, check his actions, but it's when there are problems and obstacles that really show his true motives."

She sighed.

"Isa pa, baka mamaya may ex siyang may hang up pa? Saan ba siya galing bago na destino rito? Natanong mo na ba?" paninigurado niya.

"Hindi pa pero sabi niya... wala siyang naging girlfriend simula nang pumasok siya sa PMA."

Aria made a face. "Weh? Alvaro Santander, no girlfriend for years?!"

Hindi ko rin alam ano ang sasabihin ko kaya nanatili ang tingin ko sa pinsan.

"Kung sa bagay. PMA-er, matalino, at sa edad niya, kung nagkagirlfriend siya malamang napikot na 'yan!"

Kumunot ang noo ko at natanaw ko ang unti-unting pagngisi niya.

"Pikutin mo na, Yohan."

"H-Huh?" gulantang kong sagot.

"Sige na, tanda na naman siya e! Anakan mo agad-"

"Aria, naririnig kita," si Romulo galing sa pool.

Umiling ako at hindi na maintindihan si Aria. Akala ko ba ang ibig niyang sabihin ay huwag magpadalos dalos tapos ngayon sasabihin niyang pipikutin ko si Alvaro?

Nagtalo na tuloy silang mag-asawa. Pabiro naman pero hindi ko mapanatili ang isipan ko sa usapan nila.

Now that she mentioned that, my face slowly heated once more. Sa pag-iisip ko kagabi hanggang kanina, hindi man lang sumagi sa isipan ko ang mangyayari kapag sinagot ko na si Alvaro!

If I say yes to him, he'll be my boyfriend. We would then be able to hold hands... and also... kiss.

I have kissed my exes before. They were wonderful but kissing Alvaro is out of this world! I'd probably faint on the spot!

"Kung wala siyang girlfriend ng ilang taon, ibig sabihin kamay lang ginagamit niya sa nagdaang taon! Naku, baka gutom na gutom 'yan-"

"Aria!" saway ni Romulo kaya muli na naman silang pabirong nagtalo.

Napapikit ako sa naiisip. Aria's words felt like poison to my brain. I am not innocent alright. I have my share of boyfriends and we have been physical at some point. But thinking about being physical with Alvaro seems so surreal I'd really faint. Iniisip ko pa lang mahihimatay na ako. At ngayong naiisip ko na, pakiramdam ko mahihimatay na ako mamaya kapag nagkita kaming dalawa.

"Ano ka ba?!" si Aria nang nakita siguro ang pulang-pula kong mukha. "Eh hindi ba naghalikan na kayo ng grabe ng mga ex mo, ba't ka nagugulat diyan?!"

Hindi na ako makapagsalita. Nauuna na ang isipan ko.

"Kinakalawang na siguro si Alvaro. Ayaw mo niyan, ikaw na ngayon ang magaling?" si Aria na patuloy ang pandedemonyo.

Pumikit ako ng mariin.

"Though, I doubt it. You haven't tried it so..." makahulugan siyang tumingin.

"Tigilan mo na nga 'yan, Aria. Dinudungisan mo pa ang isipan ni Yohan, e," si Romulo.

"Ano ka ba, normal lang 'yan! Buti na 'yong maisip niya 'yan ngayon para hindi na siya magulat."

"Pakakasalan na 'yan ni Alvaro kaya huwag mo nang gatungan pa ng ganyan," si Romulo sabay tawa.

Namilog lalo ang mga mata ko nang maisip ang pagpapakasal.

"Oh! Hindi ka na bata! Lalo naman siya kaya huwag mo sabihin sa aking pabebe ka pa rin sa mga usaping ganyan? Kaloka ka!" iritado nang sinabi ni Aria sa akin.

"Hindi pa ako magpapakasal!" giit ko pero sobrang init na ng pisngi ko nang naisip iyon. "At hindi naman iyon ang iniisip ni Alvaro. Boyfriend-girlfriend lang!"

"O sige, ayaw mo siyang asawahin ah!" si Aria.

"Boyfriend at girlfriend lang!" agap ko dahil ayaw nang marinig ang mga kabastusan ni Aria.

Hindi tuloy nawala iyon sa isipan ko. Ayaw pa akong samahan ni Aria at Romulo sa pagsalubong kay Alvaro sa pintuan pagkatapos lasunin ang isipan ko. Kaya sobrang awkward ng naramdaman ko nang nakita siyang pumasok.

"Good evening, Yohan," he said.

Palubog na ang araw. Hindi siya nakauniporme at amoy na amoy ko ang sabon, galing ligo.

"Good evening. Uh... pasok ka..." sabi ko at pumikit ng mariin dahil sa mga lasong naibigay ni Aria sa akin.

Naupo siya sa sala. He looked at me, slightly wondering about something. Hindi naman ako mapakali. Mauupo na ako sa malayong upuan sa kanya para hindi na ako makapag isip isip ng kung ano ano.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango lang ako, lalong kinakabahan.

He smiled and showed something on his hand. Ni hindi ko napansin iyon kanina dahil masyado akong balisa.

"Gumawa nga pala si Mama ng maja blanca kasi alam niyang bibisita ako."

Tumayo ako at lumapit para kuhanin iyon.

"S-Salamat," sabi ko, hindi man lang naisip na Mama niya ang gumawa noon. "Ipapaayos ko sa... kasambahay."

Laking ginhawa ko nang narinig si Tita. Bumuntonghininga ako, isang bagay na pinagkunutan ng noo ni Alvaro.

"Alvaro! Hello! Good evening!"

"Good evening po!"

"Uh, ibibigay ko lang po ito sa kasambahay. Dala po ni Alvaro." I was about to leave and make that as an excuse when Tita grabbed it from my hand.

"Ako na, hija. Inaayos na ang lamesa para sa hapunan. Babalik lang ako kapag nakaayos na. Kausapin mo muna ang manliligaw mo."

Alvaro chuckled and looked at me. Wala pa man, mahihimatay na yata talaga ako.

"Dito muna kayo, hijo."

Naupo ulit ako sa malayong upuan. Nilingon ako ni Tita ng dalawang beses bago siya nakapamaywang.

"Hija, ano ka ba?! Ang layo mo sa kanya! Paano kayo mag-uusap! Tabihan mo!"

Para hindi niya na dagdagan pa ang sinabi, nagmadali ako palapit kay Alvaro. Sinundan naman ako ng tingin ni Alvaro dahilan ng pagtindi lalo ng kaba ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo," sagot ko.

"Hmm. Nasabi mo ba sa Tita at Tito mo kung bakit ako bibisita?"

"Uh... alam kasi nila na binasted kita kaya nagtanong kung bakit ka pa bibisita kaya... nasabi ko na nanliligaw ka ulit."

Nagkatinginan kami. Hindi ko talaga matagalan ang tingin niya.

"At hindi ko na naman dala si Kuring kaya siguro naman maiisip na nga nila na aakyat nga ako ng ligaw sa'yo, hindi ba?"

My lips parted to say something but Aria's words were really effective to poison my mind.

"S-Si Kuring nga pala... kumusta?" I said, diverting the topic.

His head fell dramatically. Ngumisi siya at nang nag-angat muli ng tingin ay namumungay ang mga mata. "Sana naging pusa na lang ako."

Namilog ang mga mata ko. He chuckled.

"I'm kidding. Ayos lang siya sa bahay, Yohan. Sila ni Cheshire."

"S-Sorry. E... ikaw? Kumusta ang trabaho?" I said when I realized na nauna ko pa tinanong ang tungkol sa mga pusa.

"Ayos lang din, Yohan. Hindi ako gaanong mapakali kanina kasi kinakabahan ako pagpunta rito."

"Bakit naman?"

He smiled. "Noong una kong punta, hindi naman nila alam na nanliligaw ako. Ngayon, manliligaw na. Baka hindi ako magustuhan ng Tita at Tito mo para sa'yo."

"Uh... gusto ka naman nila."

His eyes widened and his smile remained.

"Talaga?"

"Uh. Oo. Sabi nila."

"Mukhang malapit ang Tita Amanda mo sa ex mo. Ayaw niya ba roon?"

"Hindi naman pinapangunahan ni Tita ang mga... choices ko sa pagboboyfriend."

He nodded. "Mabuti naman. Hmm. Ilan ba ang naging boyfriend mo na?"

I swallowed hard at his question.

"I'm just curious. Ang alam ko kasi naging kayo rin ni Angelo at... iyong sa cafe, dalawa roon ang ex mo, hindi ba? Kaya..." nakita kong namula siya. "Pero hindi mo naman kailangang sagutin kung ayaw mo. Naisip ko lang, Yohan."

"Uh... Six, Alvaro."

Ngumuso siya at tumango. "Sana panghuli na ako..."

Bago ko pa makumpleto ang reaksiyon ko, naririnig ko na si Romulo at Aria.

"Hoy, Alvaro!"

"Kumusta, Alvaro?"

Continue Reading

You'll Also Like

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
68.1K 52 41
R18
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
182K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...