Married to a Mafia Boss

By yonalee07

152K 3.3K 298

Isa lang akong ordinaryong babae na single ang status. Pero nagbago yun ng isang araw malaman kong... Kasal n... More

Married to a Mafia Boss
MTAMB Prologue
Chapter ONE: Aeris in her ordinary life
Chapter TWO: Special Task 101
Chapter THREE: Beginning
Chapter FOUR: Tour Day (part 1)
Chapter FIVE: Tour Day (part 2)
Chapter SIX: Trapped
Chapter SEVEN: The Ring
Chapter EIGHT: Untitled
Chapter NINE : Confessions (Part 1)
Chapter TEN: Confessions (Part 2)
Chapter ELEVEN: Shadows of Past
Chapter TWELVE: The Meeting
Chapter THIRTEEN: Angel Eyes
Chapter FOURTEEN: New Home
Chapter FIFTEEN: Zeze
Chapter SIXTEEN : Welcome Back
Chapter SEVENTEEN : Honeymoon
Chapter EIGHTEEN: Kiss
Chapter NINETEEN: Threat
Chapter TWENTY: Invitation
Chapter TWENTY ONE: Revelations
Chapter TWENTY TWO: My wife
Chapter TWENTY THREE: Is it over?
Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan
Chapter TWENTY SIX: Painful Goodbye

Chapter TWENTY FOUR: Drunk in love?

1.2K 38 8
By yonalee07

I've changed the cover😊. As well as the main characters of the story— Hezekiah and Aeris. Enjoyyy reading!



Chapter TWENTY FOUR: Drunk in love?

Aeris' POV

Bakit ang sakit...

...nang marinig ko...

...ang mga salitang iyon mula sa kanya?

"H-Hindi ako aalis Zeze...

..a-ayaw kitang iwan.."

At biglang may tumulong luha sa aking pisngi. Hindi ko napansin na naiiyak na pala ko kasi natuon ang atensyon ko sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Pero. Kaagad ko rin namang pinunasan iyon.

*sniff*

Sabi ni mama, wag daw akong magiging iyakin kasi hindi magandang tingnan.

*sniff*

Atsaka, baka daw maging uhugin pa ako. Huhu.

"Forget it—" nilingon niya ko sakto namang pag-angat ko rin ng tingin sa kanya kaya siguro medyo may pagkagulat sa mukha niya na kaagad din namang napaltan ng pag-aalala. "–I'm sorry. I'm really sorry. Marami lang akong iniisip. Don't cry." Sa puntong iyon, naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko.

*

*

*

*

*

"Mauna na ko."

Pagkasabi ni Zeze nun, tumalikod na siya at naglakad palabas ng bahay namin. Naiwan naman ako dito sa sala habang nakatingin lang sa kanyang pag-alis.

May problema kaya si Zeze?

Di ko kasi talaga maintindihan ang mga sinabi niya kanina.

Nung nag-sorry siya sa akin, parang gumaan bigla ang pakiramdam ko.

Pero, di ko pa rin maiwasan na mag-alala sa kanya.

Okayy lang kaya si Zeze?

Dapat siguro ipagluto ko siya?

Para, pag-uwi niya mamaya, makakakain siya. Matagal na rin nung huli ko siyang napagluto ng hapunan dahil na rin sa late nga siya umuuwi. Atsaka, madalas din na may dumarating ng delivery ng pagkain dito pag gabi.

***

Kinagabihan, naisipan ko ngang magluto ng Sinigang ala Aeris Santayana hehe. First time kong gagawin to.

Habang naniningin ako ng laman ng ref, dinial ko ang cellphone number ni mama para makapagtanong ako ng gagawin.

"Hello ma?"

[Hello anakk! Kamusta ka na? Pasensya na di ako nakakabisita sayo ha. Kami ng kakambal mo. Hindi ko rin kasi maiwan yung pwesto ko dito sa palengke. Pag uwi naman, pagod na ko. Alam mo naman, tumatanda na ang mama mo. Pero pag nagkaoras kami, pupunta kami dyan. Nakalimutan ko na din tuloy tumawag sayo kagabi.]

"Okay lang po mama. Basta wag niyo pong papabayaan yung kalusugan niyo po a?"

[Oo naman anak. Wag kang mag-alala.]

"Ah ma? Paano po ba magluto ng sinigang?"

[Aba, pagluluto mo ba ang asawa mo? Maganda yan anak. Natutuwa ko kasi nagma-mature ka na. Parang kailan lang, mga bata pa kayoo. Pero ngayon...o siya, ito pala ang mga ingredients. Ready ka na ba?]

"Opo mama"

At binanggit na sakin ni mama ang mga kailangan kong ingredients. Mabuti naman at nandito lahat ng binanggit ni mama.

Ang galing nga e kasi palaging ang daming laman ng ref.

Sino kayang namamalengke? Hehe.

Pagkatapos kong makuha sa ref ng mga ingredient, ini-loudspeaker ko ang cellphone ko at ipinataong ko sa malapit sakin para makinig ko ang mga sinasabi ni mama habang naggagayat at nagluluto ako.

Habang iniintay kong kumulo yung niluluto ko, marami pa kaming pinagkwentuhan ni mama. Mga tungkol sa kanila at yung tungkol din sakin. Kinalaunan, narinig kong dumating na rin si kambal at naging kagulo na kaming tatlo hehehe.

Pakiramdam ko tuloy nandito sila sa tabi ko.

*

*

*

*

*

Humiga ako sa sofa nang mapagod ako sa kakauli. Lakad dito, lakad doon kasi ang gawa ko habang iniintay dumating si Zeze.

Halos kakatapos ko lang din naman magluto. 7:05 pm na pero bakit kaya wala pa si Zeze?

Tinext ko naman siya kaninang hapon at nagreply naman siya na uuwi daw siya ng 7. Sana naman walang nangyaring masama sa kanya.

Nasa ganuong kalagayan pa rin ako nang biglang dumating si Zeze kaya kaagad akong nagbangon para salubungin siya.

"Zeze nakahanda na ang hapunan. Kain na tayo?"

Pagtatanong ko nang bigla kong mapansin na parang may kakaiba sa kanya. Bigla siyang napahawak sa sandalan ng sofa.

"Okay ka lang ba Zeze? Masama ba ang pakiramdam mo?" lumapit pa ako sa kanya at dinama ang noo niya. Ohmyghaddd!

"Mainit ka Zeze!" naamoy ko siya. "At, amoy alak ka? Naglasing ka ba Zeze?"

"I-I just d-drunk a little." sagot ni Zeze habang niluluwagan ang necktie niya.

Halaaaa. Ano ba ang dapat kong gawin?

"Ah Zeze. Humiga ka na lang muna sa kwarto mo. Dadalhan na lang kita ng pagkain." at patakbo akong pumunta sa kusina. Nasa may pagitan na ko ng kusina at sala nang mapalingon ako kay Zeze na humahakbang na paakyat ng hagdan. Muntikan pa itong matumba pero naagapan naman niya nang mapahawak siya sa hawakan ng hagdanan.

Hehe. Tulungan ko pala muna siyang umakyat.

Kaya bumalik ako para maalalayan ko siya. Noong una, nagkatitigan pa kami kaya bahagya akong napaatras.

Pero ilang segundo lang iyon kasi nang muli siyang mahilo ay bumagsak ang noo niya sa ulo ko. Nakapikit siya. Pero ramdam ko sa mukha ko ang paghinga niya. Waaaaaa! Ang puso kooooo!

Kalma Aeris. Kalma.

"I—asdfghjkl—A-Aeris." pabulong iyon kaya di ko talaga naintindihan ang sinabi ni Zeze bukod sa binigkas niya ang pangalan ko.

"I'm sorry." mukhang bigla siyang nagising at sinubukan na umakyat muli ng hagdan.

Kailangan ni Zeze ngayon ang tulong ko.

"Sasamahan na kita sa kwarto mo Zeze." hinawakan ko siya sa braso at inakay paakyat.

*earlier*

Onyx's POV

"Woah, totoo ba ang nakikita ko na nandito sa bar mo si Mr. Hezekiah?" bulong ko kay Nico na nakaprente ang pagkakasandal habang nasa tapat niya si Mr. Hezekiah at kasalukuyang umiinom ng isang shot ng alak.

Sa aming apat, si Nico at Xander lang ang may hiwalay na negosyo. Habang kami naman ni Kyo, sa kumpanya ng mga Sunico at kay Mr. Hezekiah nakatuon ang serbisyo. At kay Nico nga ang bar na ito.

NY Bar. Galing sa pangalan niyang Nicolo Yoelson. Corny di ba? Hahaha!

Malaki ang bar niyang ito at dinarayo ng maraming customers na karamihan ay mga foreigner. May ilan din namang mga Pilipino. Moderno ang interior design na hinaluan ng konting pagka-vintage at mukha talagang pang high class ang bar na ito. Marami pa itong branches sa ibang lugar pero ito ang pinakamalaki kasi ito ang pinakaunang tinayo. Hindi naman ako ganun kadalas pumunta dito. Kagaya nga ng sabi ko noon, di ako mahilig mambabae. Ako yata ang pinakamabait sa amin hahaha!

Si Mr. Hezekiah, madalang din yan dito. Madalas kasi siya sa opisina niya. Alam niyo na. Workaholic. Umiinom siya occasionally at konti lang pero sa nakikita ko ngayon, papunta na siya sa paglalasing. Anong meron? Fishy.

"Kanina pa siya nandito." sagot ni Nico at nagsalin ng alak. Kinuha niya iyon at ininom.

"Alam ko na ang problema niyan. Pag-ibig."

"Wag mo na ngang i-open yan. Mamaya, masikmuraan ka pa dyan ni Mr. Hezekiah kapag narinig ka niyan." tatawa tawang sabi ni Nico sa akin. "Uminom ka na lang." kinuha ni Nico ang bote at iniabot sa akin. Isang shot, isang bote? Walastik!

"Libre ba to?"

"Kapal mo bro! Mukha ka talagang libre!"

Tsk. Tsk. Ililibre din naman niyan ako, dami pang satsat hahaha! Ngumisi lang ako nang nakakaloko sabay tungga sa boteng iniabot niya. Walanjo! Ngayon ko lang napansin na isang lagok na lang pala ang laman noon. Kaya pala lakas makaalok sa akin. Pfft.

Tatawa-tawa naman itong tumayo. "Ikaw na muna bahala kay Mr Hezekiah. Baka dumating na ang girl Friday ko." Tinutukoy niya ay ang kaflirt niyang mestizang anak ng isang businessman. Tuwing Friday niya iyon dine-date kaya girl Friday.

"Oo. Shupi!" Pagtataboy ko sa kanya. Bumaling na ako kay Mr Hezekiah na umiinom na ulit ng isang shot ng alak. Base sa bilang ko sa mga boteng nasa table sa harapan niya, naka-lima na siya.

Hinablot ko ang pang-anim na bote na hawak niya. Magsasalin pa sana siya dun sa basong hawak niya.

"G-give it back to me Onyx!" may iritasyon sa tono ng boses niya.

"Nakakarami ka na Mr. Hezekiah. Akala ko ba ay sabay kayo magdidinner ni Aeris?"

Ano bang nangyayari dito?

Tinitigan niya ako. His eyes were dark. Nakita ko pang humigpit ang pagkakahawak niya sa basong dapat ay sasalinan niya ng alak. Kung nakakapagsalita lang ang basong iyon, sigurado akong iimik iyon ng nasasakal na siya. Hahaha!

Pabagsak niyang inilapag sa lamesa ang baso.

"Asawa mo pa rin naman si Aeris. You should at least treat her like one." sasandal na sana ako pero biglang nahiklat ni Mr. Hezekiah ang kwelyo ng polo shirt na suot ko.

"You!" nag-aapoy na ang mga tingin nito sa akin.
"You don't tell me what to do." mahinang sabi niya pero may galit na nababalot dito.

Mabilis din naman niya akong binitawan. At pasalampak itong naupo. Inayos ko naman ang damit ko at naupo na rin. Sanay na ako sa ganun. Bilang parte ng Mafia, we're supposed to be steel like iron.

"S-She couldn't be my wife." narinig kong sabi niya, nakatingin siya sa baba.

Alam kong may ibang pakahulugan sa sinabing iyon ni Mr. Hezekiah.

"Why? Do you love her? Nahulog ka na ba sa kanya Mr Hezekiah?" I asked boldly. Kung bugbugin man niya ako ngayon dito, walang kaso sa akin. Basta, manggaling lang sa kanya mismo ang kompirmasyon sa hinala ko. Haha!

Bumaling ang tingin ni Mr Hezekiah sa akin. Hindi ko mahulaan ang emosyon sa mukha nito. Hindi ko alam kung bigla na lang ba niya akong uumbagan ng suntok o ano.

"Nahulog ka na ba kay Aeris Santayana? Or should I say, kay Miyara Gie Sunico? Sa long lost cousin mo?"

Tama kayo ng nabasa.

Pero saka niyo na lang alamin ang buong kwento.

Napasandal na lang ako habang pinagmamasdan ang papalayong si Mr. Hezekiah.

Kahit hindi niya sinagot ang tanong ko, alam ko na ngayon ang sagot niya.

After all, puno man ng paghihiganti ang puso niya, he is still a man capable of falling in love.




Third person's POV

Catching his breath, Hezekiah rose up from his bed only to find out that it was just a dream— a bad one. Yes, sanay na siya sa guns and bullets sa totoong buhay, but his dream was different. At para siyang sinaksak sa dibdib dahil alam niyang kahit malaking pagtalikod iyon sa kanyang planong paghihiganti na binuo na niya noon pa, may bahagi sa kanya na parang hindi niya kayang gawin ang kung anumang nasaksihan niya sa kanyang panaginip.

Sa panaginip niya, he was inside an abandoned building and was aiming a gun to someone. Kitang-kita sa kanyang mga mata na desidido niyang wakasan ang buhay na nasa harapan niya ngayon. Nakatalikod ito mula sa kanya. Madilim at tahimik ang paligid. Yabag lang ang maririnig at tanging kaunting liwanag lang mula sa patay sinding bombilya ang nagsisilbing paraan upang makita nang kahit saglit ang paligid.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad hanggang marating niya ang limang metrong layo mula sa kanyang ina-asintang tao. Isang kalabit sa kanyang baril, tiyak na walang kawala iyon sa kanya.

Sa loob ng tatlong segundo, tuluyan na niyang pinakawalan ang balang kanina pang nagkukumahog kumawala sa hawak niyang baril. Bumagsak ang walang kalaban labang nilalang at kaagad kumalat ang dugo nito sa sahig.

Nilapitan pa niya ito at nang makita niya ang mukha nito, umalingawngaw sa kanyang pandinig ang tunog ng baril.

The lifeless body in front of him is no other than..



Aeris.

Napatingin si Hezekiah sa kanyang kamay at parang sariwa pa sa kanyang alaala ang kanyang nakita sa kanyang panaginip. It's as if, he was seeing a real gun on his hand right now.

Napahawak siya sa kanyang noo at sandaling pumikit.


He can't.

Kaya niyang pumatay ng kahit sino,

But, he knew, he couldn't do it to Aeris; not now.

Not now that everything feels different.

Hindi niya alam kung kailan iyon nangyari.

Pero hindi na iyon ang dapat niyang isipin sa ngayon.


Nang ilibot niya ang kanyang paningin sa may bahaging kanan niya, he saw his wife sleeping on the couch near the glass door which leads to the veranda, just a few meters away from his bed. Tumatama sa mukha nito ang kaunting liwanag na nagmumula sa buwan at tumatagos sa glass door, sa bahaging hindi natatakluban ng kulay gray na kurtina.

Mahina itong humihilik. Wala itong kumot dahilan para mamaluktot ito pero kahit nasa ganuong kalagayan, payapa ang mukha nito. Tila anghel itong natutulog.

Sa kabila ng konting pananakit ng ulo, sinubukan ni Hezekiah na bumangon.

Unti-unti siyang lumapit kay Aeris. Dahan-dahan din siyang naupo sa tabi nito at pinagmasdan ito. Bahagyang gumalaw si Aeris pero hindi naman ito nagising dahil na rin siguro sa mahimbing ang pagtulog nito.

Then, memories flooded to him like waves in the ocean. Three months ago, pinakasalan niya ang ang babaeng nasa harapan niya ngayon na ang tanging alam niya lang tungkol dito ay ang ugat na pinagmulan nito. Yet, after seeing her for the first time, something struck him, hindi niya maintindihan pero parang ang nakikita niya ay hindi isang kalaban, kundi isang anghel na kailangan protektahan.

He tried everything to control that nonsense feeling but the more he resists, the more he falls out of his plan.

If things were different, mas madali sanang i-give up na lang ang lahat. Pero, hindi niya makontrol ang kanyang galit at sakit na dala-dala na niya noon pa.

***Flashback**

(18 years ago)

Patuloy sa paghagulhol ang isang batang lalaki habang yakap-yakap ang dalawang katawan na nakahandusay sa sahig at naliligo na sa sarili nilang dugo. "M-m-mommy, d-daddy..."

Iyon ang naabutan niyang senaryo nang bumalik siya sa kanilang bahay matapos lumabas para kunin sa labas ng kanilang bahay ang nilipad na eroplanong papel niya.

Ilang oras na, ngunit walang dumarating na kahit sino para tumulong sa kalunos-lunos nilang kalagayan.

Mga tama ng bala ang kaagad na kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang, maging sa buhay na nasa sinapupunan pa lamang ngunit kaagad ng naalisan ng pagkakataong mabuhay.

"M-mommy, daddyyy.."

***

"Hijo, let's—" hindi na natapos ng tita Ingres ni Hezekiah ang sasabihin nito nang bigla itong tumakbo palayo sa puntod ng kanyang mga magulang. Ngayong araw inilibing ang dalawa. Ang araw na nagpatingkad ng katotohanan sa batang si Hezekiah na wala na ang kanyang mga magulang. At hindi na ito makakabalik kailanman.

"Hezekiah" hahabulin na sana ni Ingres ang bata ngunit nilapitan siya ng asawa nitong si Leandro at hinawakan sa braso. "Hayaan na muna natin ang pamangkin ko. This is not just a simple tragedy for him. Si Marshall na ang mag-iintay sa kanya. Baka kailangan mo na rin magpahinga hon. Para kay Miyara?" ang tinutukoy nito ay ang batang nasa loob ng sinapupunan ng asawa.

"Sina Allen at Vlad ba nasa sasakyan na?" sa halip na tanong nito kay Leandro.

"Oo, pinahanap ko kay Yaya Celeste. They are playing near the car, earlier." sagot ni Leandro.

"Should we really leave Hezekiah? Hindi ako makakampante kapag hindi natin siya kasabay. He's still a kid. He needs our company." puno ng pag-aalala ang mga mata ni Ingres habang sinasabi iyon sa asawa.

"You're right hon. Then, I'll look for him. Mauna ka na muna sa sasakyan."

Tumango si Ingres.

**

Sa may lumang libingan napadpad ang batang si Hezekiah. Katabi iyon ng isang estatwa ng anghel. Naupo siya doon, nag-iyak habang yakap-yakap ang mga tuhod nito.

Ilang segundo lang, naramdaman niya na may papalapit.

"Hezekiah, tama ba?"

Kaagad napalingon ang bata nang marinig ang isang malaking boses. Nabalot siya ng takot nang makita ang isang lalaki na sa tingin ay parang kasing edad lang ng kanyang mga magulang. Nakasuot ito ng itim na pantalon at itim din na mahabang coat. Bahagya itong nakayuko at nakasuot ito ng itim na malapad na sombrero na tumatakip sa halos kalahating bahagi ng mukha nito.

Napaatras ang bata hanggang sa mapasandal na ito ng tuluyan sa libingan. Nanginginig na ito habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking hindi niya kilala.

Patuloy naman sa paglapit ang lalaki. At nang makarating na ito sa kinauupuan ng bata, bahagya itong lumuhod sa tapat ng bata at bumulong.

"Alam ko kung sino ang pumatay sa mga magulang mo." iniangat nito ang kanyang sombrero at hinawakan ang baba ni Hezekiah.

"Ang iyong tito Leandro. Nagtataka ka ba kung bakit huli ng dumating ang tito mo na kung naagapan lang ay hindi sana dinanas iyon ng mga magulang mo? Dahil si Leandro ang nag-utos ng lahat ng iyon. Dati akong empleyado ng Tito mo at narinig ko ang plano niyang pagpatay sa mga magulang mo. Dahil gusto niyang mawala ang pamilya mo. Ang kakumpetensya niya sa lahat ng kanilang kayamanan. Marahil, hindi mo pa ito masyado maintindihan. Pero kailangan mo ngayong malaman na may dalawang mukha ang mga tao." Tumayo na ito.

"Babalik ako Hezekiah. Babalikan kita. Kailangan mong pagbayarin ang pumatay sa mga magulang mo. Matalino kang bata Hezekiah. Wag mong iasa ang batas sa ibang tao. Kaya mo itong ilagay sa mga kamay mo." Muli nitong binaba ang sombrero niya at lumakad palayo.

Naiwan naman na naguguluhan ang batang si Hezekiah. Nakita na niya ang lalaking iyon isang beses. Sa pagkakatanda niya, kaibigan iyon ng mga magulang niya.

"Hezekiah! Nandito ka lang pala!"

Ang taong tinutukoy ng lalaki kanina na pumatay sa mga magulang niya. Ang Tito Leandro niya. Humahangos papalapit sa kanya at mukhang iritado.

**

"Pagnanakaw ang nakikita ng mga pulis na motibo sa pagpatay sa mga magulang mo Hezekiah." sabi ni Leandro. Dalawang linggo na rin mula ng mamatay ang mga magulang ni Hezekiah.

"Hindi yan totoo! Pinatay silaaa! Pinatay mo sila!"

Nagulat si Leandro sa isinigaw ni Hezekiah sa kanya.

"Kanino mo naman narinig yan Hezekiah? Hindi ko magagawa yan sa kapatid ko."

"Pinatay mo sila! Pinatay mo sila!"

"Hindi ako ang pumatay sa kanila— Leandro, wag!" hahampasin sana ni Leandro ang pamangkin pero agad na pumagitna si Ingres. "Bata yan. At pamangkin mo siya!"

"I-I'm sorry hon, ang dami lang talagang problema pati sa kumpanya. Hindi ko sinasadya Hezekiah."

**End of flashback**

Dapat magbayad ang mga taong nagkasala. At hindi kakayanin ni Hezekiah na ibaon na lang sa nakaraan ang karahasang sinapit ng kanyang mga magulang.

'How on earth...

... did I fall for you?'

Hinawi ni Hezekiah ang ilang piraso ng buhok na humaharang sa mukha ni Aeris at inilagay iyon sa likod ng tenga nito.

"I thought that I only wanted to hear one thing, Aeris. If you would just tell me, that you don't want to stay with me, I thought it would be easier to let you go."

**flashback**

"Do you really want to stay? Oo, asawa kita. But, in the first place, I just forced you. Kaya kung aalis ka, hindi kita pipigilan...

...if you wish,

iwan mo na ko."

**end of flashback**

He thought that letting go was the only chance to protect her, specifically from his revenge. Pero, iyon ba talaga ang kailangan ni Aeris? Will shutting her away could save her from everything?

Without a queue, a single tear flow down his right cheek. Sa loob ng maraming taon, ito na lang uli ang unang beses na lumuha siya mula ng mawala ang mga magulang niya.

Muling gumalaw si Aeris kasabay ng pag-imik nito. "Zeze, please, wag mo kong iwan..." sabi ni Aeris ngunit tulog pa rin ito.

For the first time, hindi alam ni Hezekiah ang gagawin pero ang mga sumunod na salita ay tila nagkaroon ng sariling buhay at lumabas sa kanyang bibig.

"I promise. I will protect you no matter what. Kahit pa, ang sarili ko mismo ang kalabanin ko."

He leaned forward. Gently, he kissed Aeris' forehead. A kiss to seal his promise.







**to be continued...

Salamat sa pagbabasa! ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

376K 19.6K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
224K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...