Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.2M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 33

610K 31.4K 30.6K
By jonaxx

Kabanata 33

Want


The crowd cheered. It feels like everything paused because everyone heard it!

Sobrang init ng pisngi ko at habang naglalakad pabalikk sa upuan, para na akong lumulutang. Ang iilang sumalubong sa akin ay puro nakangiti at maraming mga tanong. Sa dami ng tanong, ni isa wala rin akonhg sinagot.

It only settled down when the host asked them to. Pero kahit ang host ay nahirapang pakalmahin ang sarili galing sa tilian at tawanan.

Kahit nakaupo na ako, para pa rin akong nakalutang. At kahit nakaupo na ang iba, may iilan pa ring bumabaling sa akin at ngumingiti.

"Sagutin mo na! Nasa tamang edad na kayo pareho."

"Huwag n'yong i-pressure! Hayaan n'yo na nga 'yan!"

Mabuti na lang at hindi na naman ako inusisa nina Angelo. Pero napansin ko ang madalas niyang tingin sa akin, siguro pinipigilan na lang ding magtanong.

Habang nagpapatuloy ang patapos nang programme, nagsisimula na ang inuman. Hindi naman ako tumanggi sa lamesa namin pero ayaw kong maglasing kaya dahan-dahan lang ang pag-inom ko.

The programme soon ended. The popular groups and fun batches went in front and danced. Madilim na ang gym at kaunting neon at strobe lights ang naghari.

We took pictures. Ang iba naman, umuwi na, siguro dahil may kani-kanila nang pamilya. Pero mas marami ang nanatili siguro dahil ginawa nila itong pagkakataon para magliwaliw.

Napalayo na ako sa batch ko dahil sa ilang nangumusta at kumuha ng pictures. Nang nasa iilang higher batch na ako, nilapitan ako ni Aria. Pinilit niya ako na pumunta sa grupo niya para makisalamuha.

I realized she didn't stay with her batch, though. Iilang naging bully ko roon ay nasa lamesa pa rin ng batch niya, tahimik at pasulyap sulyap sa amin. Aria is with the basketball group. Marami sila roon at halos kilala ko rin dahil madalas silang pumunta sa bahay noon para magswimming. At siyempre, naroon din si Alvaro.

Malayo pa lang kami, nag-iingay na sila at halatang si Alvaro ang inaasar. My heart hammered. I am very embarrassed and tensed but it was a very different kind. Para bang kahit nahihiya ako at kinakabahan, gusto ko pa rin.

Alvaro probably said something because everyone then continued with another topic. Nang lumapit kami, may mga makahulugang ngiti sa mga labi ng mga naroon pero wala ni isang humiyaw at nang-asar kay Alvaro.

Tumayo si Alvaro. Muntik nang may humiyaw pero isang kurot galing sa katabi ay tumigil din. He pulled a chair and put it near Aria. Para yata sa akin. Nagkatinginan kami.

I am very aware that all the other people on the table were watching our every move. Kaya kaunti na lang at hihiyaw na sila dahil sa pagbibigay ni Alvaro ng upuan sa akin.

"Oh, upuan, Yohan," si Aria na may ngising-aso sa mukha habang itinuturo ang bigay ni Alvaro.

The people sitting near Aria suddenly moved their chairs further. Hindi nang-aasar at naghihiyawan pero isa-isang nagtayuan dala ang silya nila. Si Juan pa mismo ang nagdala ng silya ni Alvaro sa tabi ng silya ko dahilan ng unti-unting pagkapukaw ng hiyawan.

My face heated. Alvaro laughed at his friends but he tried to stop the teasing. Natahimik din naman pero halatang napipilitan ang lahat. Others had to cough and look away to stop themselves. Ang iba't pinagkukurot ng mga asawa nila para lang matigil. Nilingon ako ni Alvaro.

"Pasensiya na..." he said when everyone was quiet.

Iyon pa ang naging dahilan ng muling pag-usbong ng hiyawan. Aria interrupted and asked someone to take a picture of the group. Kaya napilitan ulit sila na manahimik. Naupo na ako sa upuang ibinigay ni Alvaro kanina. Nilingon ko siya at itinuro ang upuan niya.

"Ayos lang ba na umupo ako rito?" he asked and the people once again had to cheer.

Hindi ko namalayan na nangingiti na rin ako sa mga asar sa amin. "Ayos lang."

Naupo siya. They took pictures of the group, kasama na ako. At nang natapos ang pictures, muli nang nag-usap usap ang lahat at hindi na gaanong pinansin na magkatabi na kami ni Alvaro.

"Iinom ka ba, Yohan?"

"Ayos lang," sagot ko.

They put a shot in front of me. Nakita ko namang uminom si Alvaro kanina pero hindi kasing lakas ng ibang umiinom na ng shot, may beer pa sa lamesa. Nagkatinginan kami. May pagtataka sa mga mata niya dahil sa tingin ko.

"Hindi ka iinom?"

"Kaunti lang, Yohan. May trabaho pa ako bukas."

I laughed a bit and nodded. Oo nga pala.

I tried to drink my shot. Ilan na rin ang nainom ko kaya hindi na muna ako gaanong iinom sa susunod.

Nakinig ako sa kuwentuhan. Ganoon din si Alvaro pero hindi gaya kong tahimik lang, madalas siyang tinatanong at nakikisali naman sa usapan. Umiinom naman si Aria ng marami samantalang inilalayo na ni Romulo ang ilan sa kanya at sinasabihan na napaparami na. Nakita ko rin na tumatanggi na si Romulo at idineklara na lasing na ang asawa kaya siya ang magmamaneho pauwi.

"So... hindi ka magtatagal ngayon?" I asked and looked at Alvaro.

The corners of his lips stretched. "Sasabay ako sa inyo, Yohan."

"Pero baka mamaya pa kami at may trabaho ka pa bukas."

It's already ten and I can imagine him waking up early tomorrow for work. Iba ang mundong ginagalawan namin pero alam ko na ganoon iyon sa parte niya.

"Minsan lang naman."

I nodded. He pursed his lips and tilted his head.

"Bakit? Gusto mo bang umuwi na ako?"

"Ah, hindi naman. Iniisip ko lang ang trabaho mo bukas."

"Ayos pa ako. 'Tsaka ang mga pusa natin, pinakain na 'yon ni Mama kaya pag-uwi sa bahay. Maliligo at matutulog na lang."

"Oh. Sa bahay n'yo ka pala umuuwi ngayon?"

"Madalas sa kampo pero minsan sa bahay. Hindi pa kasi tapos ang pinapagawa namin sa bayan."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Naalala ko na may inaayos nga rin pala siya roon.

"Naisip kong doon na muna tumira kapag natapos na para makabukod sana sa bahay. Ayaw ni Mama dahil wala na silang kasama sa bahay at umuuwi rin naman ako sa Kampo minsan pero maganda na rin na may sarili akong lugar."

I can't stop thinking about the cats. "Paano ang mga pusa?"

Nagtaas siya ng kilay. "Kung lilipat na ako, dadalhin ko sila."

Umiling ako kasi naiisip ko ang ipinapatayong building nila. Sure it's big and but if he stays in it, nasisiguro kong sa pinakamataas na palapag iyon. Paano maglalaro ang mga pusa?

"Kaso sa huling palapag ka? Hindi makakalabas ang mga pusa ng basta-basta."

Napaisip siya sa sinabi ko. He twisted his lips and nodded in agreement.

Sumimangot ako. He didn't think it through? Though I know he just wants to have his own place but...

"Dadalhin ko na lang sila sa bahay pabalik minsan para makagala. O... ayaw mo bang isama ko sila doon?" there was a hint of teasing in his tone.

"At iiwan mo sila sa bahay n'yo?"

Ngumuso ulit siya at nagtagal ang tingin sa akin, parang naninimbang.

"Kunin ko na lang pareho si Kuring at Cheshire at doon na lang sila sa amin o kahit sa shelter."

"Are you stealing my cats, Yohan?" he smirked.

"Ang sabi mo pusa natin sila?"

Ngumisi pa lalo sila. "O sige, minsan sa akin sila. Minsan sa'yo."

Maganda naman ang offer niya kaya nagkibit ako ng balikat.

"O sige..." naisipan kong ibalik na rin si Garfield sa bahay.

Nagtagal lang sina Tito at Tita dahil sa insidente sa akin sa azucarera. It was proven now that the target was Soren. At nahuli na rin ang tandem kaya uunahin na nina Tita at Tito ang negosyo nila sa Bacolod.

"Then I still get to visit them, right? Kung nasa iyo sila?"

"Oo."

"At kapag nasa akin, ganoon din?"

I nodded again.

"Gagawin ko pala ang lahat nito para lang sagutin mo ako, kung ganoon? Baka hindi mo na ibalik ang mga pusa ko kung basted ulit." He chuckled.

Kinunot ko ang noo ko pero halos manginig ang kilay ko, hindi ko mapigilan ang ngiti. He smiled when he saw me trying hard to stifle a smile.

"Hindi naman ako ganoon. Ibabalik ko sa'yo..." I defended. "Baka ikaw?"

He raised a brow. "Noong basted ako, pinabisita ko naman si Kuring, ah?"

"Para naman 'yon sa deworming niya..." May naalala pa ako.

"But at least, I let him visit you, right?"

"You planned to go to La Carlota, Alvaro," may tono ng akusasyon sa boses ko.

His lips parted and he laughed. Ngayon, buong katawan niya na ang nakabaling sa akin. Hindi na siya makausap ng mga kaibigan niya dahil nasa akin ang buong atensiyon niya.

"S'yempre, baka ayaw mong bumisita ang dating manliligaw mo sa shelter mo?"

Sumimangot ako nang may ibang naalala pa pero uminom na lang ako imbes na sabihin ang ibang bagay. He watched me intently while he was smirking. He licked his lips.

"Bakit? Ayos lang ba sa'yo na bumisita ang dating manliligaw mo noon?"

"For the cat."

He sighed and almost rolled his eyes at me. "Wala talaga akong kalaban laban sa mga pusa."

"Huh?"

"So an old suitor can visit you for the cat?"

"Wala namang kasalanan ang pusa..." paliwanag ko.

Nanliit ang mga mata niya. "May dating boyfriend o dating kaibigan ka ba na binigyan ng pusa, Yohan?"

"Wala naman."

His lips curled again for a smile.

"Ikaw lang."

He looked away and glanced at his friends. Iba na ang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya ngayon. Ibinalik niya sa akin ang tingin.

"Buti na lang pala. At ngayon naman, manliligaw na ulit ako. I'd be more welcome, right?"

I don't know what's the difference but I still nodded.

He sighed heavily. Nagkatinginan kami at ngumiti ulit siya.

"Thanks for the second chance, Yohan. I'll do my best this time."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Nangingiti ako pero pinilit ko talagang magseryoso.

Hindi ako makapaniwala. For years, I put him on a pedestal. I always think he's out of my league. Hindi ko inakala na dadating ang panahon na ganito. This is like the contents of my daydreams but even better. At nahihiya man ako na halos lahat ang pumupuna sa amin, hindi ko pa rin mapigilan ang pagkatuwa.

This is very different. I can't believe it's also real.

"Bakit? Marunong ka bang manligaw?"

Kumunot ang noo niya. "Natututunan naman 'yan."

Palusot. Alam ko namang totoo talaga ang sinabi ni Aria na hindi siya nanliligaw. Kaya alam ko ring wala siyang alam kundi ang mga basic na gawain ng manliligaw, nagbibigay ng bulaklak at ng pagkain. Well, I wouldn't ask for more but...

"Bakit? May problema ba sa panliligaw ko sa'yo noong nakaraan? Kaya ba basted ako?"

Hindi ako sumagot.

"Ano, Yohan? Para hindi na maulit." Seryoso siya.

"Wala naman..." I trailed off.

We looked at each other again. He raised a brow to ask the same question.

"Pero hindi pa ako sigurado kung sasagutin na ba kita sa pagkakataong ito."

"I guess that's normal. Pero... bakit? May problema ba?"

"I heard you say to your ex last time... na kung babastedin ka, taken ka pa rin dahil hindi naman mawawala ang pagkagusto mo sa akin agad-agad."

Namilog ang mga mata niya at unti-unti muling ngumisi. I frowned because I feel like he finds it amusing.

"Tinanong ka kanina kung single ka, yes agad ang sagot mo? Single ka pala agad?" may kaunting pait sa tono ko.

He chuckled. Namungay din ang mga mata niya at may ibang nakahalata na sa sariling mundo naming dalawa.

"Marami ang nakikinig, Yohan. At hindi ko naman alam na marami ang ibabatong tanong sa akin kanina. I thought it will end on that simple question. If I said I was taken, hahaba pa ang usapan at alam kong mahihiya ka lang."

Hindi ako nagsalita. Bumagsak lang ang tingin ko, nakaangat ang isang kilay.

He tried to catch my vision but I refused to look at him.

"I'm sorry. Even if I said yes to that, I was really taken. Determinado rin naman akong manligaw ulit sa'yo."

Hindi pa rin ako nagsalita. He slightly leaned closer.

"I didn't know you were particular with that. I'll take note of that, Yohan."

"Pero..." I sighed when I realized something. "Hindi ka na nga naman nanliligaw noon kaya okay lang na single ang sinagot mo."

"Iyon lang naman ang sinagot ko para madali at hindi na sana tanungin pa."

Hindi na ako nagsalita.

"Ngayong nalaman ko na iniisip mo 'to, mas nagustuhan pa yata kita lalo. I never thought I'd like you territorial."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. He looked really amused.

"I'm not!" iritado kong sinabi.

He chuckled. "Oh! Sorry."

Nanatili ang mariing titig ko sa kanya.

"Pero wala namang masama do'n. Ayos lang sa akin-"

"Hindi ako ganoon, Alvaro," giit ko, kabado dahil baka nga mamaya tama siya.

Hindi naman ako nagselos o naging... mapang-angkin sa kanya kahit kailan, ah!

"Paano ako? Kung seloso ba ako, hindi mo ako magugustuhan?"

I was confused at first. I already like him. The question shouldn't be that way. Dapat ay magugustuhan ko pa rin ba siya kung seloso siya. Uminit ang pisngi ko, laking pasasalamat ko na madilim.

"Hindi naman." Mas lalong uminit ang pisngi ko nang naisip na magiging seloso siya sa relasyon namin.

Hindi naman yata siya ganoon pero kaunting selos niya lang pakiramdam ko mahihimatay ako.

"Hindi naman din ako seloso pero... may minsan lang na hindi maiiwasan."

I nodded. He licked his lips.

"Yohan, excuse me..." si Romulo na hinahawakan na si Aria ngayon. "Uuwi na kami ni Aria dahil lasing na siya. Kung gusto mo pa rito, puwedeng dito ka pa..."

Napatingin si Romulo sa tabi ko. Inayos ko kaagad ang bag ko dahil sigurado akong sasabay na ako sa mag-asawa. Pero tumayo na rin si Alvaro.

"Uuwi na rin ako. Hindi naman ako puwedeng magtagal."

Tumango si Romulo kay Alvaro.

"Ako na lang ang maghahatid sa'yo, Yohan. Kung ayos lang sa'yo?"

My eyes darted at him with shock. Ayos lang naman sa akin pero naghuhuramentado ang puso ko. Hindi ko alam kung kaba ba ang nararamdaman o excitement o magkahalo na.

"Ano, Yohan?" si Romulo.

I answered without looking away from Alvaro. "Sige, Romulo. Sasabay na ako kay Alvaro."

Kahit na siya naman ang nagyaya, bakas pa rin ang gulat sa mga mata niya sa pagpayag ko. Everyone cheered again, this time they were drunk. Kahit anong saway ni Alvaro hindi na sila matigil pa.

"Hoy, Alvaro! Punta ka sa bahay bukas bago umuwi sina Mommy at Daddy sa Bacolod!" nagawa pang sumingit ni Aria kahit na lasing na lasing na siya.

Alvaro looked at me and smiled. His friends were already celebrating like I already said yes to him.

"Papupuntahin mo ba ako sa inyo bukas?"

Hindi ko naman talaga iniisip iyon pero hindi rin naman masama na pumunta siya habang nariyan pa sina Tita at Tito. At lasing din si Aria kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya.

"I'll just text you tomorrow. At hindi ba may trabaho ka?"

"Puwede akong bumisita pagkatapos ng trabaho. Kung papayag ka, Yohan."

I smiled and nodded but I already know what I really want.

Continue Reading

You'll Also Like

195K 10.5K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
867K 29.8K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.4M 156K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
122K 5.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...