KNIGHTS I-2: Demon's Destruct...

Por oaxygenknight

1.7M 54.6K 4.7K

Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue

Chapter 11

26K 845 7
Por oaxygenknight

Arrow Perez

"Sinubukan ko namang tawagan si mom, but her phone is off."

Napatampal sa noo sila Sabrina dahil sa sinabi ko.

"Paano na 'yan?" tanong nila.

"Baka may business meeting sila ngayon, hindi ko kasi nasabi sa kanila na uuwi ako ngayong gabi," sagot ko.

"You can't go home by yourself, Arrow. Hindi naman kita maisasabay kasi private plane ang gagamitin ko papuntang probinsya," frustrated na sabi ni Saiko.

"Yeah, me too, diretsyo din ako sa gathering later with my relatives," kibit-balikat na turan ni Sabrina.

"Magkaiba tayo ng place, Arrow, e," sabi ni Miyuki.

"Ano ba kayo, ayos lang 'yon." Tumatangong sabi ko.

They smiled sadly. "Mag-iingat ka pauwi, ha? Wala ka ba talagang relatives or someone like family driver?" tanong ni Miyuki.

"'M'eron naman, pero syempre kasama nila daddy 'yon sa meeting. Paiba-iba kasi sila ng location lalo na at maraming client ngayon," sagot ko.

"Just take care of yourself, mauna na kami, ha? Umuwi ka agad, Arrow, umuwi agad," puno ng authority na sabi ni Saiko.

"Kapag may nag-amok sa 'yo, gamitin mo yung binigay kong pepper spray, okay?" maarteng turan naman ni Sabrina, tumango ako sa kaniya.

"Sipain mo sa bayag." Sabay-sabay kaming napatawa sa sinabi ni Miyuki.

"Yes po, mga sir. Ingat po kayo," ngumiti ako nang matamis sa kanila.

Nginitian naman nila ako pabalik at hinalikan sa pisngi.

"Bye, see you on Monday." Nagpaalam na rin sila sa akin kaya kumaway na lang ako habang papalayo sila.

Nang mawala na sila ng tuluyan sa paningin ko ay napabuntong hininga na lang ako.

Nakakatakot naman umuwi lalo na at gabi na ngayon.

"Arrow, ija?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni tita Kathleen.

"Tita," masaya kong sambit 'saka siya niyakap.

Niyakap naman niya ako pabalik at hinaplos ang pisngi ko.

"How's your stay here, angel?" sweet na tanong niya.

"Ayos naman po, may mga bago po akong kaibigan and they are really great," ani ko.

"That's good to hear, Arrow. Mababait naman ang ibang estyudante dito, you don't have to worry that much. Umiwas ka na lang kapag may gulo dahil malalaking tao ang nagkakabanggaan dito." Tumango ako sa payo niya.

"Opo, tita. 'Yan din po yung sinabi sa akin ng mga kaibigan ko," I said.

She chuckled sweetly bago haplusin ang buhok ko.

"By the way, why are you here? Pauwi ka na ba?" she asked.

"Opo,"

"Sumabay ka na sa akin, baka mapaano ka pa diyan sa labas. Come." Bahagya niya akong hinila papunta sa kulay puting sasakyan.

Inalalayan niya akong makasakay bago pumasok sa sasakyan.

"Salamat po tita," I thanked her.

"You are always welcome my sweetheart." She's so sweet, I like tita Kathleen talaga.

Matapos ang halos kalahating oras ay nakarating na kami sa mansyon.

"Salamat po sa paghatid, tita. Gusto n'yo po bang pumasok?" magalang kong tanong nang makababa na kami sa sasakyan.

"No, it's okay, ija. Kailangan ko na ring umuwi, take care, okay?" I nodded repeatedly.

Hinintay ko muna na tuluyang makasakay si tita sa sasakyan niya at makaalis bago pumasok sa loob.

"Oh, ma'am Arrow," bati sa akin ni nanay Puring.

Ngumiti ako nang malapad 'saka siya niyakap. "Na-miss ko po kayo, nanay,"

"Naku, ang sweet sweet talaga ng batang 'to. Nasa meeting ngayon ang mommy at daddy mo, hindi ko naman sinabi na uuwi ka," nag-aalalang sabi niya.

"Okay lang po, nay, hinatid naman po ako ni tita Kathleen," tugon ko.

"O siya, sige, kumain ka na at nagluto ako ng paborito mo. Magbihis ka muna, anak, ha." Tumango ako sa sinabi ni nanay bago umakyat sa kwarto ko.

Saglit muna akong naligo bago nagbihis. Kulay pink na pajama ang sinuot ko dahil diretsyo na rin naman ako sa pagtulog kapag katapos kong kumain.

Nang matapos ay bumaba na ako sa dining at nakita ang mga maids namin na naghahanda ng pagkain.

"Hello po, sabay na po kayo sa akin," nakangiting aya ko sa kanila.

"Good evening po ma'am," sabay-sabay nilang bati.

"Good evening din, sabay na po kayo,"

"Naku ma'am, tapos na po kami." Nalungkot naman ako sa sinabi nila.

Mag-isa na lang ako kumain dahil tapos na rin naman sila.

Nagprisinta ako na ako na lang ang magliligpit pero tumanggi sila. Wala na akong nagawa nang agawin nila ang mga gamit sa kamay ko.

"Sila na po ang gagawa niyan, ma'am," ani ni nanay Puring sa likod ko.

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya. "Matulog na po kayo nay, gabi na po,"

"Ikaw rin anak, bawal kang magpuyat, 'yon ang bilin ng mommy at daddy mo." Natawa ako nang bahagya.

Sila mommy at daddy talaga, ginagawa akong bata.

"Tatawagan ko pa po sila mommy, e. Na-miss ko na po sila," sagot ko.

"O siya, sige, matulog ka na rin pagkatapos ha?" Tumango-tango ako.

"Opo, nay. Pahinga na rin po kayo, good night po." Hinalikan ko muna si nanay sa pisngi at niyakap nang mahigpit.

Pagkatapos ay dumiretsyo ako sa labas para tawagan sila mommy.

"Ay kuya, lalabas pa po ako, babalik din po ako agad." Mabilis kong pinigilan ang guard dahil ikakandado na nito ang gate.

"Ay sige po, ma'am." Ngumiti ako sa kaniya bago lumabas ng gate.

Pumunta muna ako sa park na malapit lang sa bahay.

Mga ilang hakbang lang din naman ito, tanaw ko pa rin ang bahay kaya safe naman.

Ako lang ang tao rito pero bukas pa naman ang mga ilaw. Umupo ako sa isang swing 'saka sinubukang tawagan sila mommy.

Nakailang ring pa bago tuluyang sumagot ang mommy ko.

"Anak?" Bungad agad ni mommy sa linya.

"Hi mom, kakauwi ko lang po galing University," I sweetly replied.

"Oh, my angel, nasabi na sa akin ng tita Kathleen mo. Buti na lang at hinatid ka niya. We're sorry, anak," malungkot na sabi ni mom.

"No mommy, it's fine. Kaya ko na rin po ang sarili ko. But I miss you and dad, so much," sabi ko

"Oh, my angel is so sweet. Your dad wants to talk to you." Narinig kong bumulong si mommy bago malipat ang linya kay daddy.

"Hi my angel." Napahagikhik ako nanv marinig ang boses ni dad.

"Hello daddy, I miss you po!" masayang bati ko rito.

"Ang sweet naman ng baby ko, kamusta ang University?"

"Okay lang po, masaya naman," I replied.

"Okay, good to hear that. Pauwi na kami anak, I'm gonna hang up," sabi ni daddy.

"Opo, ingat po sa pag-uwi."

Pagkababa nila ng tawag ay nagpasya ba akong umalis.

Pero hindi pa ako nakakahakbang nang may marinig akong ingay sa tagong parte ng park.

What was that?

Continuar a ler

Também vai Gostar

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...