Married to a Mafia Boss

De yonalee07

152K 3.3K 298

Isa lang akong ordinaryong babae na single ang status. Pero nagbago yun ng isang araw malaman kong... Kasal n... Mais

Married to a Mafia Boss
MTAMB Prologue
Chapter ONE: Aeris in her ordinary life
Chapter TWO: Special Task 101
Chapter THREE: Beginning
Chapter FOUR: Tour Day (part 1)
Chapter FIVE: Tour Day (part 2)
Chapter SIX: Trapped
Chapter SEVEN: The Ring
Chapter EIGHT: Untitled
Chapter NINE : Confessions (Part 1)
Chapter TEN: Confessions (Part 2)
Chapter ELEVEN: Shadows of Past
Chapter TWELVE: The Meeting
Chapter THIRTEEN: Angel Eyes
Chapter FOURTEEN: New Home
Chapter FIFTEEN: Zeze
Chapter SIXTEEN : Welcome Back
Chapter SEVENTEEN : Honeymoon
Chapter EIGHTEEN: Kiss
Chapter NINETEEN: Threat
Chapter TWENTY: Invitation
Chapter TWENTY TWO: My wife
Chapter TWENTY THREE: Is it over?
Chapter TWENTY FOUR: Drunk in love?
Chapter TWENTY FIVE: Vacation Plan
Chapter TWENTY SIX: Painful Goodbye

Chapter TWENTY ONE: Revelations

1K 32 4
De yonalee07

Chapter TWENTY ONE: Revelations

Aeris' POV

"Are you all excited to witness amazing talents and performances from the seniors?" imik nung babaeng host sa mic. Nakabraid ang mahabang buhok nito. Tapos, nakawhite dress siya na may makikinang na design sa itaas na bahagi habang may parang laces na gold yung ibaba. Hanggang tuhod ang haba nun. Woww! Ang ganda naman niya. Hindi ko maiwasan ang mapahanga sa kanyaaaa.

"Yesss!/ Woohoo!" Nagsigawan ang mga manonood. Nakipalakpak naman ako. ^_^

Naeexcite talaga ko sa Christmas Presentation na toooo. Bukod sa first time ganapin ang gantong event, last year kasi beauty pageant ang pinagkunan ng funds para sa community extension project ng school kung saan nagpafeeding kami ng mga bata at nagbigay ng Christmas gifts, kitang-kita ko rin talaga na nag-effort ang bawat isa kahit pa nga tuloy pa rin naman ang klase.

"Woww partnerrr! I think, everyone is really excited for this year's event!" sabi naman nung lalaking host. Maging siya ay nakapostura din.
Nakatuxedo itong navy blue at may bow tie na checkered red at white. Ang gwapo naman niyaaa.

"So, what are we waiting for?" -girl host

"Woohoo! Gooo Seniors!"

"Yo right partner! But before we continue, let us first hear the angelic voice which represented our school nationally last October!" -boy host

*clap*clap*clap*

"From Grade 10- Einstein, let's give a round of applause to..." -girl host

"Katlyn Desiderio!" -both host

*clap*clap*clap*

*hiyawan*

"Aeris!"

May humawak sa balikat ko. Paglingon ko, nakita ko si Alexa. "Nandito ka lang pala! Magbihis na tayoo!"

Naalala ko naman bigla ang oras. Oo nga palaaa! Pagkatapos nitong intermission, start na ng presentation ng mga seniors, grade 11 and 12. At pang tatlo nga pala kamiii!

"O-Oo."

Sumunod na ko kay Alexa pero bago ako tuluyang umalis ng hall, luminga-linga uli ako.

Kaya kasi ako nagpunta dito para tingnan si Zeze or kung sinuman kina kuya Kyo. Hehe! Para in case na nandito na sila, mababati ko sila.

Kaso mukhang busy talaga silaa. Hindi umuwi si Zeze kagabi. Nagtext lang siya na matulog na daw ako kasi may tinatapos pa siya. Hindi rin naman ako hinatid nina kuya kyo.

Hayyy. Makakarating kaya sila?

"Aeris!" Muling tawag ni Alexa.

"Nandyan naaa, hehe!"

"May hinahanap ka ba?" Tanong niya sakin nang makalapit ako sa kanya. "Oo e, kaso mukhang di sila makakarating. Pero okay lang yun!" Kahit naman siguro di makarating si Zeze, mararamdaman niya pa rin yung performance namin, yung performance ko hehehe. Kasi, mahalaga siya sakin. At sabi ni mama, lahat daw ng mahahalagang tao sa buhay natin, hindi man natin kasama, nandito daw sila, sa puso natin palagi. Hehe!

"Tara na!"

At nagpatuloy na kami sa pagpunta sa pagbibihisan namin.

*** earlier

Scarlett's POV

Grrr! Scarlett what are you doing??!

As of now papunta ako sa lumang locker room para kausapin si Aeris. She texted me a while ago. And because I don't feel like sending her a reply, duhh we're not close para maging text mate!

I just decided to head to this place.

I'm sure tungkol yun sa inuutos ko sa kanya. Ayoko namang pumalpak siya at madawit ang pangalan ko sa kapalpakan niya. Knowing her capability, I doubt na naintindihan niya yung instructions ko! Pfft!

I need to say na rin pala sa kanya ang exact time kung kelan niya isa-sabotage yung props namin so that everything will go according to my plan.

I still have an hour before kami magperform at habang busy magpalit ng costumes ang buong klase, dun ko iuutos kay Aeris na gawin ang plano! Anyway, sa ibang room naman nakalagay ang props namin. Then while she is busy doing her stuff, I will film her act secretly. At yun ang ipakakalat ko sa buong section namin while nagbibihis sila. Since wala naman siyang hawak na ebidensya to prove her innocence, I'm sure walang maniniwala sa kanyang ipinag-utos ko yun. Tingnan na lang natin kung hindi siya masuspend or worst, makick out sa school. Lalo pa at may isang rule na siyang nilabag. Ang magpakasal at a young age. Because, we don't tolerate such kapusukan. At grabee lang ha? May pumatol sa kanya? Kawawa naman yun. Or maybe, ginayuma siya ni Aeris?

Tsk. Tsk. Sinasabi ko na nga ba. Malandi talaga ang babaeng yun! Okay lang sana kung si Macro na lang ang patulan niya kasi feelingero naman ang isang yun at papansin. Pero si Rafael pa??

Yes Rafael and I were over pero hindi ibig sabihin nun, ginigive up ko na siya. I still haven't forgive him sa ginawa niyang pangloloko pero that doesn't mean na hahayaan ko na lang na makitang may mang-flirt sa kanya!

Grrr! Bakit ba ko nag-eexplain sa inyo?! It's not as if parte kayo ng relationship ko!

(A/N: attitude ka teh?)

When I arrived, walang tao sa loob ng locker room. I clenched my fist in anger.

At pag-iintayin pa talaga ko ng babaeng yun?? Hindi siya VIP para intayin no?!

Lalabas na sana ko to just wait outside kasi it's so hot in here nang may biglang kumalabong.

"Sino yann??!" I shouted. I won't act like a stupid, weak girl na takot na takot sa mga ganitong eksena. Tss!

Itinuon ko ang tingin ko sa likod ng isang gray na locker na sira na ang pinto. Ilang saglit lang, nagulantang ako nang lumabas dun si..

Rafael???

What is he doing hereee??

Sinumbong ba ko ni Aeris sa kanyaaaa?? Grrr. That girl!

"Scarlett..."

Unti-unting naglakad papalapit sakin si Rafael. I suddenly remembered the old times. We were nine when we first met sa park. It was summer vacation. Naging magkalaro kami. Pero after nun, we lost contact with each other. Then, nagkita uli kami after seven years nang magtransfer siya dito sa school, at grade 10 na kami nun. We became friends again until ligawan niya ko at sagutin ko siya. And it was perfect. He was my first love and I just thought it would last..

Akala ko lang pala.

Because everything changed, nung makita ko siyang may kayakap sa plaza isang gabi, four months ago.

Simula nun, di ko na siya kinausap. What's there to explain? Malinaw kong nakita ang lahat. Bakit siya magsisinungaling na makikipagmeet siya sa old classmate niyang lalaki when it was really a girl?! Magsisinungaling lang siya kapag pinakinggan ko ang explanation niya.

At kahit pa nga magkaklase kami, I never dared to talk to him. Mukhang gets naman niya yun dahil hindi na rin siya nag-attempt. Tumigil na rin naman sa pang-iintriga ang mga classmate namin dahil wala naman akong balak i-open up yun.

"Bakit ka nandito?! Nagsumbong ba si Aeris sayo?! Anong mga sinabi niyaa?!" I swear! Yari talaga sakin yung Aeris na yun!

"Wag kang magalit kay Aeris." he tried to hold my hand pero nagpumiglas ako. "S-Sorry." bahagya siyang umatras. "Actually, nagpapasalamat nga ako kasi dahil sa kanya, makakapag-explain ako sayo. Ang tagal kong inantay to." ngumiti siya but still, I can see pain and sadness in his eyes. Hmp! Dapat lang sa kanya yun. He deserved it!

"Well sorry. But I'm not talking to you!" lalayasan ko na sana siya kaso pagtalikod ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

At sa mga sandaling iyon..

Parang kusang namuo ang mga luha sa mga mata ko.

And the walls that I've built around my heart, slowly faded away. I don't understand how!

Nagsimula siyang magsalita kahit nakatalikod ako sa kanya and I didn't notice na nakikinig na pala ako,

sa mga sinasabi niya..

"Kanina, kinausap ako ni Aeris at pinapapunta niya ako dito. Hindi niya sinabi ang buong detalye. Ang sinabi lang niya, may gusto daw makipagkaibigan sa akin. Ang description pa nga niya ay medyo mataray daw ang taong gustong makipagkaibigan sakin pero naniniwala siyang mabuti ang kalooban nito. Aalis na sana siya, pero pinilit ko siyang paaminin. Kaya ko nalaman na ikaw ang tatagpuin ko dito. At hindi na ko nagdalawang isip. Pero sabi ni Aeris, hindi mo daw alam. At kinwento niya rin sakin ang mga sinabi mo, sa kondisyon na wag daw akong magagalit sayo. Nakita kong nag-aalala talaga siya—"

"Nag-aalala?! I didn't tell na alalahanin niya ko! Malandi siya! Nagagalit ako sa kanya! Ilang weeks pa lang siya sa section natin pero feeling close na siya sa lahat!" hinarap ko siya. Halata namang medyo nagulat siya pero nakabawi naman agad siya.

"Walang kasalanan si Aeris. Kung ginawa mo yun dahil napapalapit siya sakin, hindi niya kasalanan yun—"

"So it's—" my fault?! Ganun ba yun?! Kasalanan ko na nasaktan ako?!

"It's all my fault! Scarlett!" napayuko siya at narinig ko ang paghikbi niya. "I.. made you like this." He looked at me with eyes full of tears. Naramdaman ko na rin ang pagbagsak ng luha ko. "Kung nagsabi ako ng totoo sayo nun, hindi siguro tayo hahantong sa ganito. Natakot kasi ako na guluhin tayo ni Athena. She was my ex- girlfriend way back grade 8. Pero di rin nagtagal ang relationship namin. At nung lumipat ako, palagi niya kong kinukulit sa chat dahil humihiling siyang makipagbalikan sakin. Pero ikaw na ang mahal ko. At nung araw na nakita mo kami, noon ko lang nalaman na maysakit siya at pupunta na sila sa Canada for her operation. Humiling siya na makipagkita at magpaalam for the last time. Sasabihin ko naman sayo dapat yun kaso huli na. Nakita mo na ko.."

Mali ba talaga na hindi ko siya pinakinggan noon?

Mali ba talaga na nag-conclude agad ako na may lihim silang relasyon dahil nakita ko lang silang magkayakap?

"Pero bakit ka nagsinungaling sa akin?" Maiintindihan ko naman yun e. Hindi naman ako ganun kadamot para di siya payagan.

"Sorry Scarlett...Sorry na inantay ko pa talagang ang isang tulad ni Aeris ang makagawa ng paraan para makausap ka. Actually, nung araw na yun, hindi ko naman alam na si Athena ang nandun. Oo, humiling siya na makausap ko siya pero sa hospital ko siya pupuntahan. But, on the way, may pinabili sakin sa may plaza si Carlos, classmate din namin noon. At dun biglang sumulpot si Athena."

I remembered. That day, nagpasama sakin mag-shopping ang pinsan ko. At nang mapadaan sa may plaza ang sinasakyan kong kotse na minamaneho ng pinsan ko, doon ko nakita ang akala Kong pangloloko sakin ni Rafael.

"S-Sorry Scarlett..please, give me another chance.." hinawakan na niya rin ang isang kamay ko. At nagkatitigan lang kami for about ilang seconds. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Dahil sa pagkakataong ito, alam ko na, na nagkamali din ako. Dahil sa galit, I shut my heart and world. Naging makasarili ako. I became too blind to see the truth. Ang katotohanan na ang lalaki ngayon sa harap ko ay mahal na mahal ako despite the age namin ngayon. 18. Others would think, this could just be a puppy love pero hindi. Kaso, ito ang nakalimutan ko, or let's say na, kinalimutan ko.

"I'm sorryyyy..." di ko na napigilan ang yakapin siya. "I– I should have listened to you when you tried. I should have given you the chance to explain your side. I should have—" goshhh! The hell with my tears! It keeps on falling!

"Ssshh." he whispered as I felt the warmth of his hands on my back. "Pangako, di na ko titigil suyuin ka. Even when we're old."

Magkaharap na kami ngayon. Pinunasan niya ang mga luha ko. At ilang segundo uli kaming walang imikan.

"Tayo na ba ulit?" nakasmirk na tanong niya. Aww. I miss those kind of smile. Scarlett!!

"H-Hindi no!" Tinalikuran ko siya at naghalukipkip. "Ligawan mo muna uli ako!" pagtataray ko.

"Okay. Gagawin ko yun hanggang maging akin ka ulit." bulong niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa may tenga ko. Grrr! I'm playing hard to get pa tapos kung makalapit sakin!

"O hijo hija. Anong ginagawa niyo dito?" tanong nung school janitor namin pagkapasok ng locker room.

"May hinanap lang po. But it seems na wala dito so, alis na ho kami" hinawakan ko ang kamay ni Rafael at dali-dali siyang hinila palabas ng locker room. Nakangiti naman na parang kinikilig yung janitor pagdaan namin sa harap niya. Whatever! Isipin niya ang gusto niyang isipin duhh.

May kailangan akong puntahan. Hindi ako magte-thank you kay Aeris. But, I changed my mind.

Aeris' POV

"AERISSSSS! YOU HAVE TO HEAR THIS!" nagmamadaling sabi sakin ni Shiela pagkapasok niya ng room kung saan kami magbibihis. Hindi ko na natanong kung bakit dahil dali-dali niya kong hinila papunta sa...

Amity hall?

Teka. Bakit? Anong meron? Simula na ba? Pero di pa ko nakakapagpalit! Eto nga, hawak ko pa ang costume ko kasi di ko na nabitawan kanina hehe.

Kasunod na rin namin si Alexa at yung ibang classmates namin.

"Nasa may gilid pa ko ng stage nun kasi iniabot ko yung tubig kay dean tapos biglang nagplay ang isang recorded na boses while nagpeplay ang music. Napansin din yun ni dean at nung iba kaya pinahinaan ang tugtog. Nung narinig ko yung pangalan mo, agad akong pumunta sayo." tuloy tuloy na pag eexplain ni Shiela habang tumatakbo kami.

Pagkarating sa hall, medyo nagkakagulo ang mga tao. Yung iba nakatingin sakin kahit di ko sila kilala. At parang may pinagbubulungan sila. Nginitian ko na lang sila kasi ang pangit naman kung sisimangutan ko sila hehe.

Nasa may gilid ng stage yung dalawang host kanina at nasa may gitna si Dean Sarmiento. Ang Dean namin. At sumisigaw siya.

"Sino ang may pakana nito?"

"OMG! Naririnig mo ba Aeris?" tanong ni Shiela sakin at dun ko lang napansin na may kakaiba pala sa background. Kung kanina, pure music lang. Ngayon, mahina na yung music at ang naririnig ngayon na mas malakas ay parang isang recorded na boses gaya nga ng sabi ni Shiela kanina.

May sinasabi ito at ang malinaw kong naintindihan ay,

"Akala niyo siguro anghel si Aeris Santayana ano? But, she's not. May asawa na siya! At malinaw niyang nilabag ang isang rule sa school natin!"

After nun, nawala na ang recorded na boses at lahat naman ng mga mata ay nakatuon sa akin.

Waaaaaa! Di ko alam ang gagawin.

Dahil alam na ngayon ng lahat ang katotohanan huhu. Paranggg gusto ko na lang maglaho.

Napakapit ako sa damit ko habang hinihiling na sana, bumuka na lang ang lupa at lamunin na ko nitoo. Waaaaaa!

Naramdaman kong hinawakan ako sa balikat nina Shiela at Alexa.

**bulungan**

"May asawa na siya?"

"Kaya nga. Pero ang bata pa niya."

"Baka sugar daddy."

"Pwede ngaa. Haha!"

**

"Quiett! This matter would be fixed between the school administration and the students involved. Hindi kayo dapat nagbubulungan at nagpapalitan ng hilarious comments. You should know na against din yan sa school policy natin!" announced ni Dean. Tumahimik naman ang lahat. Karamihan, ibinaling na ang tingin sa unahan habang may ilan pa rin na patingin-tingin sakin. Huhu. Di ko naman sila masisisi.

"Aeris, nandito lang kami." sabi naman nina Alexa sakin.

"For the meantime, let's continue this event. Lubos din pong humihingi ng paumanhin ang school sa mga ilang panauhin na nandito at sa mga magulang na nakikiisa sa pagdiriwang na to. Kung maaari po sana, ang lahat ng narinig narin dito ay sa atin na po lamang. We will impose proper investigation and I assure everyone na the students' welfare is the one of the primary concern of our administration. Maraming salamat po." dagdag pa ni dean.

Matapos yun, bumaba na si dean sa stage at naglakad. Pagkatapat niya sakin kinausap niya ko. "Ms. Santayana, I suggest na ipagpaliban mo muna ang pakikilahok ngayon. I'm afraid it might create another commotion for you."

Tumango na lang ako.

"May I invite you to my office, Ms. Santayana?"

"O-Opo."

Nagpaalam muna ako kina Alexa. Pagkatapos, sumunod na ako kay dean.

Magagalit kaya sa akin si Zeze?

Continue lendo

Você também vai gostar

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
225K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...