Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 51: CONNECTED

101K 2.5K 546
By altheadelarama

Chapter Fifty One: CONNECTED

CALEB POV

It’s been a week…

A week and still, I don’t know what to do. This is the first time that na parang hindi gumana ang utak ko at walang pumapasok na kahit ano. Maybe it’s the result of the pain na nararamdaman ko sa kabila ng mga nangyari.

At sa kabila ng lahat ng yun, sa isang lugar ako lagi dinadala ng mga paa ko.

Napaangat ako ng tingin kay Akagi, nasa hospital ang ibang member ng Death Monarch dahil kay Ophiuchus at sya lang ang naiiwan dito para magbantay.

Tumango sya at itinuro yung kwarto kung saan sya naandoon. Dahan-dahan akong pumasok sa pintuan ng kwarto nya. Nakahiga sya sa kama habang nakabalot ng kumot.

“Lyra”

Lumapit ako at nahiga sa tabi nya, nakatalukbong parin sya at hindi nagsasalita although nararamdaman ko na gising sya.

“Umiiyak ka ba?”

“Masakit puson ko…”

Napangiti ako sa sinabi nya at bumaling ng tingin sa kanya, kahit ba naman sa ganito ng kalapit na posisyon, may isang kumot parin na humaharang sa amin.

 “Lyra”

“Wag ka nga, di tayo bati, galit ako sayo…”

Alam kong galit ka sa akin, pero sinabi ko na noon sa sarili ko na tatanggapin ko lahat ng galit mo. Alam naman natin pareho na mas galit ka sa sarili mo at dahil dun, parang gusto ko na din magalit sa sarili ko.

Yumakap ako sa kanya.

Ineexpect ko na sisipain nya ako o itutulak pahulog sa kama o di kaya magwawala sya pero nanatili lang sya sa posisyon nya. Hindi sya gumalaw at hinayaan lang ako na yakapin sya.

“If you don’t want, you can push me away…” pero hindi nya ako itinulak.

Parang ang layo-layo na nya sa akin hindi katulad noon kaya naman mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

“I’m sorry…” at saka ako sumubsob sa likod nito.

“Bakit kasi hindi na lang ikaw? Kung ikaw sana, hindi ako masasaktan ng ganito…”

She’s hurt like never before, kung ganun nagusap na sila ni Jireh. Napatawa ako sa sarili ko.

Kung pwede nga lang na ako na lang…

“Kahit ngayon lang isipin mo na ako sya para mawala ang sakit. Isipin mo na ako si Jireh…”

“I can’t…” saka sya pumihit at tinanggal ang pagkakatalukbong nya.

Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko, sobrang lapit na nararamdaman ko ang hangin mula sa bibig nya. Kahit sa paningin ko ang lambot ng labi ni Lyra at ang lamlam ng mga mata nito.

“dahil kahit anong gawin ko, Jireh is Jireh and you is you…”

Ngumiti sya sa akin at saka bumangon at naupo sa kama nya habang ako ay nananatili na nakahiga. Ang haba na ulit ng buhok nya, kahit na magulo ito hindi ko mapigilan ang sarili ko na hawakan ang laylayan ng buhok nya.

“Ang hirap maging matalino noh…”  saglit syang tumigil at huminga ng malalim.

“naproprocess at naiintindihan agad ng utak mo lahat ng mga pangyayari. Minsan tuloy iniisip ko sana naging slow na lang akong tao para kahit siguro yung sakit, slow din at hindi katulad nito…”

Hinawakan ko ang buhok nya at saka ito hinila dahilan para mapahiga sya ulit. Hinawakan nya ang buhok nya at saka ako tiningnan ng masama.

“Masakit yun ha!”

“It’s okay, hindi ganun kadali ang mag move on, alam ko yun dahil expert ako dun…”

Sinusubukan nyang ngumiti pero hindi parin nakawala sa paningin ko ang maliliit na butil ng luha na gustong lumabas ng mata nya. She’s trying to be strong at yun ang problema sa kanya.

Kailangan pa na may isang tao na lagging magsasabi sa kanya na natural lang ang masaktan at umiyak. Na okay lang ipakita sa iba na hindi ka ganun kalakas katulad ng inaakala nila.

“How come that you end up loving me so much despite that I don’t love you back?”

Maybe that is because I had you once Lyra… selfish mang tingnan pero ngayong wala na talaga kayong dalawa, babawiin kita sa kahit anong paraan.

THIRD PERSON POV

Agad na pumasok si Isly sa loob ng Head Mistress office ng ipataawag ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sya sa office nito at nakakuha ng atensyon ng Head Mistress.

“Have a seat…”

Naupo si Isly sa harapan ng Head Mistress at inilibot nito ang paningin nya sa buong lugar. Matatanaw ang halos kabuuan ng Wimbledon sa office nito mula sa glass wall na nasa likod ng Head Mistress.

“Mr. Resurreccion…”

“Isly…” ngumiti ito saka nagpatuloy. “Feeling ko ang tanda ko na kapag tinatawag ako na Mister…”

“Ok then Isly…”

Tiningnan ni Eloisa ang estudyante sa harapan nya. Sa totoo lang hindi nya alam kung papaano maguumpisa o ano ang sasabihin nito. Pinatawag nya ito para gumawa ng written explanation tungkol sa nangyari kay Kyle Benedict pero masyado ng matagal ang bagay na yun.

May kutob din sya na isang Apostle ang nasa harapan nya.

“Let me be honest with you. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin sayo o kung papaano mag-uumpisa…”

“Mabuti naman po, kasi pinagiisipan ko din kung anong isasagot ko…”

Nagulat si Eloisa sa sinabi nito. Based sa sinabi ni Isly, nakakaisip na ito ng mga bagay na posibleng itanong nya dito at the same time, nagiisip na din ito ng pwedeng isagot nya kung sakali man na magtanong ito.

Alam nya na matalino si Isly pero hindi nya in-expect na ganito ito kabilis mag-isip.

“You know, isa ka sa pride ng school na ito. After Prime and Lyra you are one next in line at ayoko sana na nasasangkot ka sa kung ano-anong gulo…”

Napayuko si Isly at napangiti. Prime graduated as the class valedictoria nung nakaraang taon. Kung hindi lang siguro biglang nawala si Lyra possible na ito ang maging candidate.

Imposible naman na makapasok si Caleb sa honorable. Kahit sabihin na matalino ito, hindi sya interesado sa mga activities o karangalan sa school, kung iisipin pumapasok lang ito para magpalipas ng oras.

Nagangat ng mukha si Isly at tumingin ulit sa Head Mistress. Seryoso ito sa sinabi nya pero kahit ganun, hindi makuhang kabahan ni Isly, dahil siguro may mga bagay pa na mas higit dito na nagpapagulo sa isip nya.

“Between the two of us, you know the most that it is impossible…” saglit syang tumigil at seryosong tumingin kay Eloisa.

“You knew that I am an Apostle, right?”

“Isly…”

Agad na pinutol ni Eloisa ang sasabihin ni Isly. Alam nya ang tunngkol sa mga Apostles, ang tungkol sa gang war at iba pa na may kaugnayan dito.

“Although being an elite school, tumatanggap kayo ng mga gangsters at Apostle sa Wimbledon. I wonder what the reason is…”

Alam ni Eloisa kung ano ang consequences sa ginagawa nya. Kung tutuusin, delekado para sa ibang estudyante kapag nalaman nila kung anong meron sa likod ng Wimbledon.

Mula sa mga kilalang pamilya ang mga nag-aaral sa Wimbledon kaya naman ng magkaroon ng pagsabog dito noong isang taon dahil kay Sagittarius o Ryo, aaminin nya na kahit sya, hindi nya alam kung papaano lulusutan ito.

If it wasn’t because of the Helena Gang, baka wala na ang Wimbledon ngayon. Pinagtakpan lang nila ang totoong nangyari sa incident na yun.

“But that is not the issue, right?”

Umayos ng pagkakaupo si Isly, alam nya na mas magiging magulo na ngayon ang lahat lalo na ang nagpaparamdam na si Ophiuchus sa kanila. Somehow, kaya na nyang kontrolin ang galaw ni Enzo at Kyle but not the thirteenth Apostle.

“Don’t worry, hindi ako si Ryo, hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ng pangalan ng Wimbledon”

HOSPITAL

HELEN POV

Nagpalipat ako ng kwarto para mas makapagpahinga pero ang tatlong ito, talagang bumuntot sa akin.

Ano  bang kasalanan ang nagawa ko at minamalas ako ng ganito?

“Give me  yang remote!”

“I am watching watching pa eh”

“Me is nagbabayad ng kuryente…”

Shit! Channel lang ang pinag-aawayan ng tatlong ito, bakit hindi na lang sila kumuha ng dalawa pang TV? Isa pa, nahahawa na si Chocola at Charla sa ka-conyohan ni Cly at sumasakit na ang tenga ko sa naririnig ko sa kanila.

“Give it to me or I will sapak you”

“No! Ako una mag-wawatch…”

“No!”

Utang na loob, hindi na ba nage-exist sa mundo ang salitang tahimik? Kailangan bang ipabasag ko pa ang eardrum ko para lang manahimik sila?

“Wow galing, buo na ulit ang powerpuff girls…”

“Lyra”

Napalingon kaming lahat, hindi ko napansin na pumasok pala sya sa  loob ng kwarto namin. Kung ganun nalaman na pala nya ang nangyari sa amin ni Cly.

Powerpuff… bigla ko tuloy naalala si Cygnaea.

“Pumunta ako dito para malaman kung buhay pa kayo, mukhang ayaw kang tanggapin ni Kamatayan ah…”

Pumasok na sa loob ng kwarto si Lyra at dumiretsyo sa gawi ko na nakahiga parin sa kama, habang yung tatlo ay naandoon sa sala at nag-aagawan nga sa remote.

“Whatever, you just miss me…”

Umirap si Cly at saka naupo sa couch. This two, kahit naman noon pa sa Wimbledon hindi na sila magkasundo but I know they share a good bond na sila lang ang nakakaintinding dalawa.

“Wala kasi akong mabully kapag wala ka”

Lyra smirk bago lumapit sa kanya at hinawakan sa mukha at hinarap sa kanya.

“Patingin nga” saka nito pinisil pisil ang mga sugat nito sa katawan.

Brutal talaga.

“Ouch! It’s sakit sakit ha! You bad demon evil Lucifer satan whatever alien”

Ok, lahat na ng synonyms ng masama, sabihin mo na Cly dahil kulang payan sa description ni Lyra.

Sya na yata ang pinakamayabang at pinakademonyong tao na nakilala ko na gustong gusto ng maraming tao. Kung baga sa iba, sya yung kasalanan na gustong gustong ginagawa ng lahat.

“Ngano?”

“Duh, I’m not rinig you, I’m deaf deaf deaf…” saka sumubsob si Cly sa isang maliit na unan sa tabi nya.

“Arte mo”

Bumaling sa akin si Lyra at tinitigan ako. Based sa expression nya, alam mo na alam na nya ang nangyari at kahit papaano, may pag-aalala akong nakikita sa kanya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Ang hirap balikan ng mga pangyayaring iyun. Para syang isang bangungot at hanggang ngayon, hindi parin kami nagigising. How we are defeated at kung papaano kinuha ni Ophiuchus ang mascara ng Gemini Twins.

“The Mask of Gemini…”

“I know…”

Seryoso lang si Lyra habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung anong plano ni Ophiuchus at kinukuha nya ang mascara ng mga Apostles but if it is the case…

Gusto nyang mawala lahat ng Apostles sa mundo.

The mask and tattoo represents the power of an Apostle, ito din ang sinusunod ng mga underlings nila, without this… a gangster is just a gangster.

Totally nothing…

“Lahat naman ata alam mo…”

Napairap si Lyra ng magsalita si Chocola, agad namang tinakapan ni Charla ang bibig nito para manahimik na.

Tsk, si Bloody Maria ang kaharap nya, hindi ba nya alam yun?

“Hindi din…”

Nagulat kaming lahat ng sumagot si Lyra. Ine-expect ko na babarahin nya o susugurin si Chocola at alam kong yun din ang ineexpect nung tatlo.

“Wow, the highly and the great Bloody Maria, umaming may kahinaan din sya?”

“Problema mo?” napasimangot naman ito sa sinabi ko.

“Masyado kasing mataas ang tingin mo sa sarili mo na kung makapagbuhat ka ng bangko akala mo hangin lang yung binubuhat mo” si Charla.

“Hindi ko hinihingi ang opinion mo”

Nakasimangot na umiwas ng tingin si Lyra sa amin. Alam ko na may pinagdadaanan din sya but knowing her, sosolohin nya lang ulit yun. Bumaling naman ako kay Cly na pasimpleng nakatingin kay Lyra at nakangiti.

“Dyan na nga kayo, masyadong mahal ang oras ko para aksayahin sa inyo”

LYRA POV

Yung Sistah dapat ang dadalawin ko kaso naisip ko nab aka naandoon si Sungit at makita ko. Paalis n asana ako ng makita ko yung pangalan nung kambal at knowing their situation, alam ko na si Ophiuchus ang may gawa nun.

Iniisa isa nya ang mga Apostles at kinukuha ang mascara nila, if that is the case, apat na mascara na ang hawak nya.

Ophiuchus, Gemini, Sagittarius at Taurus at isa lang din ang ibig sabihin nun, hawak na nya ang mga underlings nito.

Kapag nagpatuloy ito, it will be Apostle vs. the underworld.

Nice, para lang akong naglalaro ng video games at sa dulo ay game over ang makikita mo. Everything now is being connected in a more complicated ways.

Paliko na ako sa may parking lot ng matigilan ako.

Oh God, hindi naman tayo close pero kung mantrip ka ang lakas din eh noh? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad at ganun din ang ginawa nya.

“What’s that?”

Sabay kaming napalingon ng bahagya kaming lumapas sa isat isa. Bakas sa mukha ang sobrang galit sa mata nya pero kahit ganun, wala syanng ginagawa.

“What?”

Ngumiti ako sa kanya. I already said it’s over, gaya nga ng sinabi ni Caleb, hindi ganun kadaling magmove on pero hindi ibig sabihin nun hindi ko makokontrol ang sarili ko pagdating sa kanya.

“Para mo akong sinaksak sa likod. Matapos ng nangyari saka mo sasabihin sa akin na ikaw si Bloody Maria?”

“You already knew na ako talaga si Bloody Maria, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo”

“Because I still believe in you! Na sa lahat ng tao ikaw ang pinili ko!”

“I told you it’s over!”

Saglit kaming tumigil at bumawi ng hininga sa magkasunod naming sigawan sa isat isa. Para kaming mga bata na ayaw magpatalo at kapag nagsalita sya ay magsasalita din ako.

Tumalikod na ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Ayoko ng magsalita pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan at hilahin pabalik sa kanya.

Iniharang ko ang kamay ko at sinanggi ito pero yung isang kamay naman nya ang pinanghawak nya sa kwelyo ko at saka ako isinandal sa pader.

"You killed Liam…" he said between his teeth.

Alam ko na hanggang ngayon pinipigilan parin nya ang sarili nya na saktan ako. Hindi parin talaga sya nagbabago.

“I killed him. I killed your little brother Jireh. Now, we only have two options here, you will kill me or I will kill you. Choose.”

Mas mabuti na tapusin na naming ngayona ng lahat dito, wala akong pakeelam kung hospital pa ito, mas ok nga yun eh, diretsyo sa embalsamador pagkatapos.

Tinitigan ko sya sa mga mata nya. Nandun parin ang galit nya at hindi nawawala ito pero yung pagkakakapit nya sa damit ko, sa akin, unti-unting lumuluwag. Unti-unti nya akong binibitawan.

Bigla sya lumapit sa akin at sumubsob ang mukha sa balikat ko.

“You could have just lie…”

Nabigla ako sa sinabi nya. Gusto nya akong magsinungaling at bawiin lahat ng sinabi ko. Sa ginagawa nya, ams lalo lang nagiging komplikado ang lahat.

It would be better kung magalit ka na lang sa akin Jireh, kung kamuhian mo ako. Don’t say anything na magpaparamdam sa akin na tanggap mo ako, na pinapatawad mo ako sa kabila ng lahat ng ginawa ko.

“Ayoko ng magsinungaling sayo… just accept the truth and move on…”

CEMETERY

JIREH POV

Move on…

Nasa harapan ko lang sya, the one who killed Liam pero bakit wala akong magawa? Hindi ko maigalaw ang paa ko papalapit sa kanya? Hindi ko sya magawang saktan.

She could have denied it. Mas ok pa kung mabulag ako sa kasinungaling para hindi ko nararamdaman ang ganito sakit. Mas mabuti pa kung hindi na lang nya sinabi.

I know na sa umpisa na sya talaga si Bloody Maria, pero iba parin talaga kapag sa kanya na nanggaling at sinabi nya yun after what happened.

Bahagya akong yumuko at nilinis ang lapida ni Liam. Every time na nababanggit o naiisip ko sya, ang itsura nya bago sya mamatay ang nakikita ko. Sariwa parin sa utak ko kung papano sya pinatay ni Virgo.

Bakit sya pa? Sa dinami dami ng tao bakit si Liam pa ang namatay kung pwede naman ako? Mas may silbi pa sya at pakinabang kesa sa akin. Hindi kami aabot sa ganito kung ako na lang sana ang namatay at hindi sya.

“Liam…”

Kung pwede ko lang hukayin ang libingan mo ngayon at buhayin ka para malaman ang totoo. Kung bakit ka ba talaga namatay, baka sakaling sa isang banda matanggap ko na sya si Bloody Maria at kalimutan na lang ang lahat.

I want to know the truth on what happened that day at isang tao lang ang alam kong makakasagot ng lahat ng ito.

It’s him.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 6.1K 64
Ikalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta a...
10.2M 199K 67
Death, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul...
257K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
It Started At 7:45 By Azul

Historical Fiction

226K 10.1K 48
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito n...