Running Through The Waves (Is...

By _lollybae_

963K 33.8K 6.2K

Status: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is a daughter of a two multi-billionaire business persons, a hei... More

Running Through The Waves
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 1

29.8K 1K 421
By _lollybae_

Kabanata 1:
Scoffed

Todo todo pa rin ang kalabog ng puso ko kahit medyo nakalayo na ako sa lalaki na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa akin. I'm even breathing massively while holding my luggage tightly. Mukhang nawala yata sa isip ko ang totong dahilan kung bakit ako napunta rito.

Dahan dahan akong lumingon muli sa direksiyon noong lalaki at patuloy pa rin siya sa paghila ng mga bangka na kakararing at aalalayan ang mga pasahero. Rinig ko pa ang ilang hagikhikan ng mga babae roon pagkatapos niyang alalayang makababa.

Bigla akong napanguso, trabaho niya ba iyon? Kung ganoon iba't-ibang babae ang inaalalayan at nakakahawak ng kamay niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa pag-iisip ng ideyang iyon. Dapat wala akong pakialam doon dahil iyon ang buhay niya bago pa ako makarating rito. Sino nga ba naman siya para pag tuunan ko ng pansin.

Why the hell I'm even thinking of a stranger for pete's sake!

Hindi ko lang kasi maiwasan lalo na at sa rami rami ng lalaki na nakasalamuha ko, elegante pa at mataas ang posisyon sa lipunan dahil sa talamak na pera ay hindi ko naramdaman ang magreact ng ganito. I can't even feel a bit reaction of my heart every time I saw a man.

Pero iyong lalaking iyon, walang kahit anong palamuti sa katawan at tanging pantalon lang ang suot ay nagawa akong pahirapang huminga at halos atakihin ako dahil sa rahas ng pagtibok ng puso ko.

Sa buong buhay ko madalas na akong nilalapitan ng mga lalaki. Mga guwapo pero iyong sa kanya sobra-sobra, parang hindi siya totoo. The word is not even enough to express how devilishly handsome he is. He's also better than Lyndon.

Nang mabanggit ang pangalan na iyon ay nagbalik na ako sa sarili sa totong dahilan kung bakit narito ako sa Isla Vagues. Kinapa ko sa bulsa ng duffel bag ang binigay sa akin ni Tita na picture ni Nanny Wendy.

May edad na siya noong inaalagaan niya pa ako. I was only 8 years old when she left. Dito sa picture ay mukhang mas lalo siyang tumanda. She looks like in a late 50's or early 60's. Sabi ni Tita ay kilala si Nanny Wendy sa lugar na ito. May address naman na nakalagay sa papel at puwede na akong magtanong para mas mapabilis siyang hanapin.

Maraming tao ang naglalakad sa paligid, mukhang mga residente ng Isla Vagues. Mga normal na damit ang mga suot nila at ang lugar na ito ay probinsiyang probinsiya dahil sa tahimik at simple ng pamumuhay. Napansin ko ang ilang kalalakihan na napapatingin sa akin.

Sanay na ako sa ganoong mga reaksiyon kaya hindi ko na lang pinansin. May matandang lalaki na may dalang mga niyog at mukhang matagal na siyang residente rito kaya maganda sigurong tanungin siya.

Hila hila ko ang maleta at sa balikat ko ang duffel bag ng lumapit ako sa kanya. Mabilis siyang napalingon sa akin at ngumiti ako.

"Manong, do you know this woman?" papakita ko pa sana sa kanya ang picture ng matigil ako sa sinabi niya.

"Naku, hija hindi ako magaling sa ingles. Hindi kita maintindihan." saglit akong natigilan pero ngumiti din ulit.

"Kilala niyo ho ba ang babaeng ito?" tanong ko at pinakita na sa kanya ang picture.

"Sanay ka naman palang mag tagalog. Pinakaba mo pa ako." aniya at bumaba na ang tingin sa larawan.

"Si Wendy ito ah. Kaano-ano mo?"

"Uh... Malapit po siyang kaibigan ng Tita ko, alam niyo po ba kung saan siya nakatira?" napag-usapan namin ni Tita na kailangang itago ko ang totong estado ko sa buhay nang sa gayoon ay maiwasang maghinala ang mga tao.

Pansamantala akong nagtatago ngayon kaya mahirap na kung kakalat sa mga tao na isa akong mayamang babae na tumakbo sa pamilya niya. Mahirap na at baka ang pagtatago kong ito ay hindi maging matagumpay.

"Medyo may kalayuan ang bahay nila. Maglalakad ka lang ng kaunti at may makikita kang pila ng tricycle. Sabihin mo lang na sa Sitio Dulo at kay Aling Wendy at alam na iyon ng driver." paliwanag niya at napatango tango ako.

"Salamat po." malumanay kong saad at tumango naman siya.

"Hindi ka ba nabibigatan sa dala mo, hija?" marahan niyang tanong nakatingin sa maleta ko.

"Hindi naman po, ayos lang." sabi ko kahit may kabigatan nga iyon pero kaya ko pa naman. Malapit na rin naman at makakarating na ako kila Nanny Wendy at makakapagpahinga.

"Salamat po, ulit." paalam ko sa matanda at saka na siya nilagpasan. Magsisimula palang akong maglakad nang may lumapit sa aking mga binata na nakasuot ng manipis na long sleeve at pantalon. Tatlo sila at ang isa ay napapakamot pa sa ulo habang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako kinabahan dahil mukhang wala naman silang mga balak na masama. Mukha pa ngang nahihiya at mag-aalinlangan sila.

"Miss, kailangan mo ng tulong? M-Mukhang mabigat iyang dala mo, tulungan ka na namin." sabi ng nasa gitnang lalaki at namula pa ang pisngi ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Ah, ayos lang naman. Nakakahiya baka may ginagawa pa kayo." marahan kong pagtanggi.

"H-Hindi. Tapos na kami sa trabaho. P-Pauwi na nga kami ng mapansin ka namin." iyong nasa kanang lalaki.

"Hindi ka naman namin puwedeng pabayaan. S-Saan ba ang tungo mo?" ang lalaki sa kaliwa.

"Sa Sitio dulo sana, iyong kay Aling Wendy." sagot ko at mabilis na nagsitanguan sila na parang alam kung saan iyon.

"Ah, iyong kila Kairus ba. Tamang tama at malapit kami roon. Kung gusto mo ihatid ka na namin." iyong nasa gitna ulit at mukha namang mababait sila at mapagkakatiwalaan.

"Kung ayos lang sa inyo at hindi ako nakakaisturbo."

"Naku wala naman kaming gagawin."

"'Wag kang mag-aalala wala lang sa mukha namin pero wala kaming balak na masama."

"Hindi naman po iyan ang iniisip ko." nahihiya kong sabi.

"Oh tara, ihatid ka na namin. Magdidilim na rin at baka mas mahirapan ka pa." ani ng nasa gitna at kinuha na nila mula sa pagkakahawak ko ang mga maleta.

"Ako nga pala si Nestor, ito si Tonyo tapos si Mario." pagpapakilala ni Nestor sa kanilang tatlo at napatango tango ako.

"I'm Kayeziel." marahan kong saad.

"Pang sosyal ang pangalan ah. Unang beses mo bang pumunta rito? Mukhang galing ka pa sa malayo sa rami ng dala mo." bahagya naman akong kinabahan sa tanong ni Tonyo.

"Galing po akong Maynila, pansamantala po muna akong mananatili kila Na--Aling Wendy." napatango tango naman sila.

"Kamag-anak mo ba siya?" si Mario.

"Uh, malapit na kaibigan ng Tita ko."

"Oh? Ang bait bait talaga ni Aling Wendy noh. Bakit ka mananatili sa kanila kung.... puwedeng malaman?" nag-aalinlangan na tanong ni Nestor. Sandali naman akong natigilan.

"K-Kakatapos lang kasi ng eskuwela at bakasyon na kaya rito muna ako." naisip kong palusot.

"Kung ganoon para sa bakasyon kaya ka narito? Naku, hindi ka nagkamali na pumunta! Maraming puwedeng paglibangan dito!" si Tonyo.

"Puwede mo kaming lapitan lagi! Maalam kami sa buong Isla Vagues! Malapit lang ang bahay ko kila Aling Wendy." si Mario at pasimple siyang siniko ni Nestor na simaan niya ng tingin at natawa ako saglit.

Sandali lang ang naging paguusap namin dahil agad kong nakita ang pila ng mga tricycle. Tinulangan nila akong ilagay ang maleta at bag sa loob ng tricyle.

"Kuya, kila Aling Wendy ah. Siguraduhin mong maihahatid mo iyan ng walang galos." may pagbabantang sabi ni Nestor at kita ko namang tumango ang driver na kumunot pa ang noo.

"Girlfriend mo ba yan, Nestor?" tanong ng isang driver na nakapila at kitang kita ko ang biglaang pamumula ni Nestor.

"H-Hindi, tinulungan lang namin." nahihiya niyang sagot at hindi na makatingin sa akin.

"Kuya ihatid mo yan ah. Tandaan mo marami akong kilalang puwedeng tumumba sayo pag nagkataon." si Mario naman at halos mahiya ako sa sinasabi nila dahil ramdam ko ang pag-agaw nila ng atensiyon sa mga tao na napapatingin sa akin.

"Tapos na ba kayo? Puwede na kaming umalis?" mukhang naiinis na ang driver at tumabi naman sila Tonyo.

"Teka, lang po Kuya." pigil ko roon sa driver at bumaling kila Tonyo.

"Paano kayo uuwi?"

"Susunod kami, sasakay din kaming tricycle." saad ni Mario at napatango ako.

"Sige, salamat ulit."

"W-Walang anuman. I-Ingat ka." ang namumulang pisngi nila ang huli kong narinig bago tumahak ang tricycle sa daan pa Sitio Dulo.

Tahimik lang ako na nagmamasid sa tanawin sa labas na puro puno ng niyog at mga maliit na bahay. Wala akong makitang ganitong klaseng tanawin sa Manila kaya hindi ko maiwasang humanga. Kadalasan ay puro gusali at establisyamento lang ang nakikita ko kaya nakakapanibago sa mga mata ang puro punong tanawin at malamig na hangin.

Madilim na ng nakarating kami sa lugar. Tinulungan ako ng driver na ibaba ang gamit ko at nagpresinta siya na ihatid ako hanggang bahay nila Aling Wendy pero pinigilan ko na. Binigay ko ang bayad at umalis na rin naman siya.

Nasa harap ko ang isang simple at medyo may kalumaan na dalawang palapag na bahay. Hindi kalakihan at sakto lang pero may sapat na espasyo para sa tarangkahan. Hinala ko ang maleta at dumangaw sa kahoy na gate.

"Tao po!" pagtawag ko sa atensiyon ng tao sa loob at nakita ko na ang isang batang babae na naglalaro ng bola sa teresa.

Napalingon siya sa akin at kumunot ang noo. Tumitig siya sa akin ng ilang segundo at nanlaki ang mata sabay takbo ng mabilis sa loob ng bahay. Natigilan ako saglit dahil baka natakot sa akin ang bata.

Pero baka tinawag ang mama niya o si Aling Wendy. May ilang halaman sa loob ng tarangkahan at isang mahabang kahoy na lamesa at upuan. May dalawa pang puno ng mangga sa loob kaya mukhang malilim dito kapag ka umaga.

May walis at dust pan rin na nakasalansan sa pader. Isang minuto akong nakatayo roon para maghintay ng marinig ako ng mga yapak na papalapit at malakas na tinig ng bata.

"Lola, totoo ang sinasabi ko! Iyong diwatang k-kinuwento mo kagabi, n-nagpakita sa akin!" nanginginig ang boses ng bata na parang natatakot sa kung saan.

Kumunot ang noo ko.

"Anong sinasabi mo riyan?" nakita ko na ang isang ginang sa pinto na kamukhang kamukha ng picture na hawak ko ni Aling Wendy.

Kasunod niya ang batang babae na dahan dahang lumingon sa gawi ko at nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

"Hindi naman talaga ako iyong nagkalat sa puno kahapon! Bakit ako pinupuntahan ng diwata!" iyak niya at napailing ang ginang at lumingon sa akin.

Natigilan siya saglit pero mabilis ding napasinghap at mabilis na naglakad para buksan ang gate.

"Naku! Ikaw ba yan Kayeziel!" galak at bakas ang kaligayahan sa boses at hindi magkamayaw si Aling Wendy na buksan ang gate at nang magawa niya ay mabilis siyang lumapit. Hinawakan niya pa ang dalawa kong braso at napangiti ako.

"Ako nga po. Magandang gabi." bahagyang nahihiya kong bati dahil matagal na simula nang magkita kami ni Aling Wendy pero pamilyar na pamilyar pa rin sa akin ang tinig at ngiti niya. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Naku mas maganda ka pa kaysa sa inaasahan ko! Ang laki laki mo na! Grabe ang ganda ganda." napangiti naman ako sa sinabi niya habang titig na titig siya sa akin.

"Salamat po." napansin kong dahan dahang lumapit ang batang babae at nagtago sa likod ni Aling Wendy. Titig na titig siya sa akin habang may luha pa ang mga mata.

"Tara pasok ka! Maraming lamok rito sa labas! Tara pasok pasok!" inalalayan niya ako patungo sa loob ng bahay at siya pa ang naghila ng dala kong maleta. Nakatitig pa rin sa akin ang bata hanggang sa maupo ako sa kahoy na upuan at ang bata ay nasa gilid ng cabinet.

"Pasensiya ka na hija. Hindi kita nasundo roon sa daungan ng mga bangka. Inutusan ko lang ang apo ko para roon pero mukhang naging abala sa trabaho o nagkasalisihan kayo. Kaninang tanghali ko pa siya sinabihan para sa pagdating mo. Pasensiya na, masiyado na akong matanda para lumabas pa ng bahay." aniya habang abala sa paglagay ng pagkain sa harap ko.

Isang brownies at orange juice.

"Salamat po, ayos lang naman po. Kaya ko naman po at nahanap ko ang bahay niyo."

"Nakakahiya pa rin. Napagod ka ba sa biyahe mo? Oh siya kumain ka muna at baka gutom ka na. Huwag kang mag-alala nagluluto na ako ng hapunan."

"Ayos lang po, hindi pa naman ako gutom. Baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang apo niya para sa akin."

"Huwag kang mag-aalala roon. Uuwi rin iyon maya maya. Mainipin iyong tao at baka maisip na narito ka na at baka nasa daan na iyon." inikot ko naman ang tingin sa bahay para tignan ang mga disenyo at simpleng palamuti. Napansin naman iyon ni Aling Wendy.

"Pasensiya ka na maliit lang itong bahay." she said and I immediately shook my head. I even raised my two hands.

"Naku, hindi po. Accepting me to stay here is already enough, Aling Wendy. Okay lang po ako."

"Aling Wendy? Lola Wendy na lang. Para namang hindi tayo magkalapit noon." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Sige po, Lola Wendy." sabi ko at napasulyap roon sa batang babae na nasa cabinet pa rin at titig na titig sa akin.

"Ano bang ginagawa mo riyan, Andeng. Tinatakot mo ang bisita." baling ni Lola Wendy sa batang babae at napanguso naman iyon.

"L-Lola tao po ba yan? B-Bakit niyo kinakausap? I-Iyan iyong diwata sa likod, b-baka pinuntahan tayo para kunin ako." natatakot na sabi ng bata at hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Kumunot naman ang noo ni Lola.

"Anong sinasabi mo? Alaga ko 'to si Kayeziel. Galing Maynila at dito muna sa atin titira." mukha namang nagulat ang batang babae at umawang ang labi. Mabilis siyang lumapit sa tabi ni Lola habang nakatitig sa akin.

"Woah! Taga Maynila? Ganiyan ba kagaganda iyong tiga Manila, Lola?" tanong ni Andeng na namamangha.

"Maganda talaga iyang si Kayeziel. Bata pa lang at maganda na. Mukha siyang pinaghalong Lindsay Lohan at Keira Knightly. Iyong dalawang iyon ay sikat at magaganda." malumanay akong ngumiti kay Lola nang tignan niya ako ng may paghanga sa mga mata.

I never been use of praises and compliments. I was bless to inherit my Mom and Dad good genes. Hindi ko naman rin kailanman pinagmalaki ang mukha ko. Masaya ako kahit sakto lang pero binigyan ako ng sobra sobra na hindi ko kailangang ipagmalaki.

Beauty can't define your value in life. It will fade in time but personality last until your last breath.

"Hindi po talaga tayo binisita ng Diwata?" pilit na tanong ni Andeng.

"Hindi nga, ano bang kalokohan iyang bata ka! Kung ano-ano natutunan mo sa kalaro mo." napanguso lang si Andeng at dahan dahang umupo sa tabi ko at tumititig. Nginitian ko lang siya at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi.

"Nasabi na sa akin ng Tita mo ang lahat. Huwag kang mag-aalala at ligtas ka rito. Hinding hindi ka mahahanap noong pamilya mo. Kailangan mo lang magtiis dahil hindi kasing rangya ang buhay rito katulad ng nakasanayan mo hija."

"Huwag niyo po akong intindihan, masasanay rin po ako rito." paninigurado ko sa kanya at ngumiti naman si Lola Wendy.

"Kainin mo na iyang merienda at ipagpapatuloy ko lang iyong niluluto ko at para makakain ka na ng kanin. Ang kwarto mo ay nasa dulong bahagi ng pangalawang palapag. Kung gusto mo ay magpahinga ka muna at ayusin ang gamit mo roon." ani Lola at tumango naman ako.

"Sige po, salamat po." bumalik na rin naman si Lola sa niluluto niya at uminom muna ako ng juice at kumagat sa brownies para magkalaman ang tiyan ko ng kaunti.

Lumingon ako kay Andeng na inosenteng nakatitig sa akin. Mukhang pinag-aaralan pa rin ako kung totoo ba talaga akong tao at diwata.

"Gusto mo?" alok ko ng brownies at dahan dahan siyang tumango. Hindi ko maiwasang mapahagikhik dahil sa ka-cutean niya.

Imabot ko naman sa kanya ang brownies.

"Ate, ano pong sabon at shampoo niyo?" kumunot ang noo ko sa tanong niya pero sinagot rin iyon.

"Bakit parang hindi ko naririnig iyan sa TV? Galing po ba 'yang ibang bansa? Ang mahal po siguro niyan." ngumiti lang ako sa sinabi niya.

"Bakit mo naman natanong?" ako nang malunok ang brownies.

"Para maging ganyan rin kakinis yung balat ko. Kaso kahit siguro gamitin ko iyong gamit niyong sabon malabong maging ganyan ako. Kailangan ko yatang ibuhos ang buong tubig sa Isla Vagues para maging kasing ganda niyo." tumawa naman ako sa sinabi niya.

"You can buy skin care products in the future and you can visit skin clinic to achieve this skin. Maraming paraan para makuha ito."

"Kahit na po, iba na iyong natural katulad ng sa inyo." mukhang interesado talaga siyang maging kamukha ako. Pero dahil masiyado pa siyang bata para sa usapin na iyon ay iniba ko ang usapan at nagtanong na lang sa kanya.

Andeng or Andrea is Lola's grand daughter from her second son. Nalaman ko rin na iniwan pala si Andeng ng Mama niya at ang Papa niya naman ay nasa ibang bansa para magtrabaho at nagpapadala ng pera para pangtustos sa gastos ni Andeng.

Hindi ko maiwasang malungkot pagkatapos marinig ang kuwento niya. She's too young to live alone without her parents guide. Even he have Lola Wendy, it's still different to experience growing up with real parents. Pero mukha namang napalaki ng maayos ni Lola si Andeng dahil mabait naman siya at bibo.

Abala kami sa pag-uusap ni Andeng at umiinom ako ng orange juice ng mahinto siyang magsalita at natigil ako sa pakikinig ng tumunog ang pinto para sa pagbukas noon.

Sa sapatos unang dumapo ang mga mata ko at tumaas ang paningin ko. Doon pa lang nakompirma ko nang lalaki lalo na sa mahaba niyang mga binti. My forehead immediately creased when my eyes landed in his pants who look very familiar. I stopped drinking when I see his white T-shirt and when my eyes landed in the man face my mind went black.

"Kuya Kairus!!"

Mahigpit ang hawak ko sa baso pero lumawag iyon at parang biglang may nabara sa lalamunan ko kaya hindi ko nalunok ng mabuti ang juice at nasamid. Mabilis kong nilapag ang baso sa lamesa na natumba pa at sunod sunod na ubo ang nilabas ko lalo na at matamis pa ang juice.

Agad na lumingon sa akin si Andeng at hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nakapikit ako.

"Ikuha mo siya ng tubig, Andeng." ng marinig ang boses niya ay mas lalo pang lumala ang pag-ubo ko.

"Ate Kayeziel!" nag-aalala niyang saad at nakarinig na lang ako ng pagtakbo. Ilang segundo ang nagdaan at inabutan niya ako ng tubig. Dahan dahan ko iyong ininom at ramdam ko ang paghagod ni Andeng sa likod ko.

"Diyos ko, anong nangyayari?!" rinig ko ang malakas na boses ni Lola Wendy na mukhang nagmamadali na nagtungo rito galing pa sa kusina.

Nagtaas baba pa ang dibdib ko sa paghahabol ng hininga at dahan dahan ding naman akong kumalma.

"Ayos ka lang ba, hija? Ano bang nangyari?" lumapit na sa akin si Lola ngayon at huminga ako ng malalim. Nang maramdaman na kaya ko nang magsalita ay sinagot ko ang tanong niya.

"O-Okay na po, n-nasamid lang po." sabi ko at tumukhim para alisin ang pagkati pa rin ng lalamunan.

"Mukhang nagulat yata kay Kuya si Ate Kayeziel, Lola." mahinang sabi ni Andeng na nasa likod ko at huminto na sa paghagod ngayon. Mabilis namang nag-init ang pisngi ko. Hindi makatingin sa lalaking nasa gilid ko ngayon. Bumaling naman si Lola sa lalaki.

Ito ba iyong sinasabi niyang apo?!

"Oh Kairus narito ka na pala! Bakit hindi mo naihatid rito si Kayeziel sa atin. Hindi mo ba nakikala?" tanong ni Lola at kumunot ang noo ko.

"Ang layo ng mukha niya sa picture na binigay niyo, La." malamig niyang saad at kinuha sa bulsa ang isang litrato. Nahagip iyon ng mata ko at halos mag-init ang pisngi dahil iyon ay litrato ko pa nong 8 years old ako!

Sobrang sama ng mukha ko roon dahil wala ako sa mood at parang tinutuyo. Tandang tanda ko na ayaw kong magpakuha sa camera dahil wala ako sa hulog. Halos itago ko ang mukha dahil salubong ang kilay ko at busangot ang mukha roon.

"Mukhang malayo nga ang mukha niya dito. Pero narito na naman siya, at nakapunta rito ng ligtas."

Kung ganoon hinihintay niya ako ang pagdating ko sa laot kanina! Pero anong ginagawa niyang paghila hila roon! Hindi niya ba iyon trabaho? Pero bakit niya ginagawa?

Mukhang tumulong siguro para makatiyansing doon sa mga babaeng bumaba ng bangka. Nakatopless pa siya at kunyari suplado para hindi malaman ang tunay niyang motibo. May T-Shirt naman pala bakit hindi sinuot kanina! Gusto lang sigurong magpasikat!

Mukhang abalang abala pa siya kanina at siguradong nagsisinungaling na hindi ako nakilala! For sure he forgot about me because he's busy to get notice by those girls! He forgot his task to impress to those girls! Topless topless pang nalalaman.

Oo na may abs siya! Kaya nga naghahagikhikan iyong mga babaeng nakahawak sa kamay niya! Bigla tuloy nagbago ang timpla ko at humigpit ang hawak sa baso ng tubig.

Mukhang mali yata ang pagkakakilala ko sa kanya. Kunyari pang masungit at malamig ang ekspresyon kung sa loob loob niya puro kamundohan ang laman. Siguro madalas siya roon sa laot para tumingin ng mga babaeng naka swim suit lang. Enjoy na enjoy siguro sa tanawin na nakalimutan ang utos sa kanya.

Nangingitngit ang ngipin ko sa galit ng dumaan iyon sa isip ko na hindi ko alam kung dapat bang maramdaman. For pete's sake he's a stranger, Kayeziel! Why do you even let yourself be affected on him?!

Ano ngayon kung nanantsing siya sa mga babae? Ano ngayon kung nagmamanyak siya roon sa laot. Wala dapat akong pakialam kung alalayan niya lahat ng babae roon. Kahit siguro uugod ugod at nangungulubot ay aalalayan niya basta babae!

Pakialam ko ba?

Ang dami niyang kasamang lalaki ron ah? Bakit hindi niya hayaan na mag-aalalay? O gusto niya talagam Baka nasisisyahan siya sa loob loob sa tuwing naririnig ang mga hagikhik nila.

Mabuti na lang at hindi ko iyon ginawa nang ako ang alalayan niya!

"Okay ka lang ba hija? Nagugutom ka na ba? Nagkakasalubong na iyang kilay mo." napasinghap ako sa biglaang tanong ni Lola sa akin. Napabaling iyong Kairus at bigla akong napalunok sa lamig ng tingin niya.

"H-Hindi naman po."

"Tapos na ako sa pagluluto at maghahanda na lang. Tara na, at kumain na tayo!" aya ni Lola pero nagtungo lang iyong Kairus sa hagdan.

"Kairus saan ka pupunta?"

"Maliligo lang." malamig niyang saad. Mukhang normal na niyang tinig iyon.

"Ha? Hindi ka naman mabaho apo. Kumain ka muna."

"Mahirap na po at baka mahusgahan. Lalo na at baka hindi makakain dahil hindi sanay na may kasamang madungis." aniya at napasinghap ako roon.

Napaangat ako ng tingin at nagulat na nakatingin na siya sa akin. Nahigit ko ang hininga ko at parang nanlamig sa kinauupuan.

Hindi ako makatingin sa kanya kanina dahil gulat pa ako!

Lola just sigh and let him. He immediately walk upstairs but my eyes can't escape his scoffed before turning his back and walking away.

Continue Reading

You'll Also Like

819 78 26
SWEETEST FALL SERIES #2 Kung may gusto kang isang tao pero hindi ka niya gusto, gugustuhin mo pa rin ba siya? Paano kung napagtanto mong hindi pala s...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...