Boss Series 1: Playboy Boss

بواسطة drklife

4.4K 183 2

Sa mundong marami ang gustong maranasang magmahal at mahalin, makakakilala si Aki ng isang lalaking hindi niy... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Anniversary
Chapter 19 -Anniversary Pt. 2
FOR IMAGERY PURPOSES
Chapter 20 -Anniversary Last Part
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 2

156 7 0
بواسطة drklife

"Teka! Teka! Bakit tayo umalis dun? Di pa tapos yung party! Wala pa kong sahod!" sambit ni Aki

Dinala siya ni Rendell sa isang convenience store para makalayo na din sa paningin ni Stephen

"Ah kasi baka magkita ulit kayo ng kapatid ko"

"Eh ano naman? Alam mo ang sarap patulan ng kapatid mo! Napaka babaero! Aish!"

Napangiti na lamang si Rendell sa nakita nyang reaksiyon ni Aki, halos sampung taon na rin ang nakalipas mula noong huling kita nila. Wala pa din itong pinagbago, maganda at parang hindi galing sa mahirap na pamilya ang kaibigan niya

"You know, you look like a princess tonight" sambit niya sa dalaga

"Ah..... Ano ba sinasabi mo? Kanina mo pa sinabi yan baka maniwala ako"

Inayos ni Aki ang kaniyang upo at hindi mapakali sa kaniyang upuan, pinagtitinginan na rin sila ng mga tao dahil sa kanilang suot

"Hindi ba nakakahiya to? Tingnan mo suot natin oh. Pinagtitinginan na tayo"

Lumingon lingon si Rendell sa paligid niya at nakatingin nga sa kanila ang mga tao. Nakalimutan niyang anak siya ng isang kilalang tao

"Ganun ba? Tara na may pupuntahan tayo"

Tumayo na ito at hinawakan ang kamay ni Aki

"Sa....saan tayo pupunta?"

Hindi na niya ito sinagot at hinila nalang ito palabas ng convenience store at sumakay na sila sa kaniyang sasakyan

**

"Bro, okay ka lang?" tanong ni Carl ng makabalik ako

"What's with that face?" sambit naman ni John

Wala ako sa mood >_< that girl really gets on my nerves! Sumusulpot nalang bigla! This is the third time na umepal siya sa diskarte ko

"Can I see the list of the invited people here John?"

"For what?"

"I just need to check on something"

"Yes you can, punta ka lang sa entrance"

Pumunta na ako kaagad sa entrance, I don't know the reason why I am doing this but one thing for sure I want to know that girl's name. She's dead when I find her name

"Can I see the list?" sambit ko sa body guard na nagbabantay

Inabot naman niya kaagad sa akin ang listahan. Almost all of them are familiar to me, wala ding strange name ako na nakita. Maybe that girl tresspassed? Is she a girlfriend of someone? Nagpatuloy lang ako sa paghahanap at dinouble chech ko na rin ang list pero wala talaga

"Sino nagbantay dito kanina?" tanong ko

"Ah si Miss Betty, yung party organizer. Nandun siya sa may dulong table katabi ng mga pagkain. Sir"

Pumasok na ulit ako, hinanap yung table na sinabi ng guard. I saw a girl, she's not familiar to me kaya lumapit ako sa kaniya

"Excuse me Miss, Ikaw ba si Betty?"

"Omyy! Stephen? Stephen Miller? Oo ako nga si Betty"

Napangisi naman ako ng bahagya, malalaman ko din pangalan ng babaeng yun. Lagot talaga sakin yun!

"Ahmm, may kasama ka bang ibang babae? I mean she's wearing a wedge heels"

"Si Aki? Si Aki ba hinahanap mo?"

"Aki ba name niya? I saw her a while ago, she dropped her shoe"

"Ayy ganun ba, di na nga siya bumalik eh. Sabi niya pupunta lang siya ng banyo kaso kanina pa pero di na bumalik"

Malas naman! Paano ako makakapaghiganti sa babaeng yun? What the f*ck!

"Pero kung need mo talagang ibigay sa kaniya yan, dala naman niya yung phone niya ibibigay ko nalang sayo number niya" sambit niya

I like this girl! She's good, hindi katulad nung kasama niya. Iniabot ko yung phone ko sa kaniya para itype niya yung number nung babaeng hinahanap ko. This time, I will never let it slide. No girls can resist to my charm.

"Thank you pretty" sambit ko at kumindat pa ako

Bumalik ako sa table namin para magpaalam na aalis na. Pumasok na ako sa kotse ko at sinubukan kong tawagan ang number na binigay nung babaeng nakausap ko

*ring
*ring
*ring

"Hello? Sino to?"

I finally hear that girl's voice! Muling uminit ang dugo ko ng marinig ang boses niya

"Hello sino kaba? Pano mo nakuha number ko?"

"Don't you know me? I'm the guy you met earlier"

"Huh? Siraulo ka ba? Prank call ba to?"

Tangina? Nakalimutan na niya agad kung sino ako? Aish! Hindi ako papayag na may babaeng hindi nakakakilala sakin

"Sino yan Aki?" magsasalita na sana ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon

"Hindi ko nga alam eh. Hoy sino ka ba?" sambit ng babaeng ito

Binaba ko na ang phone ko at minaneho ang sasakyan ko. I track down the numbers location at nasa mall ang may ari ng phone number

**

"Wow ang ganda naman dito" manghang mangha ako sa nakikita ko ngayon. Maraming branded na damit at magagandang sapatos

"I haven't seen you for 10 years. I didn't bought you a gift kaya babawi ako sayo" sambit ni Rendell

Ramdam ko na uminit bahagya yung pisngi ko. Tangina naman bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko

"Should you pick one? Tingnan natin kung babagay sayo"

Kumuha siya ng isang damit, tinignan ko muna yung price tag. Php 1,500, seryoso? Isang damit lang to tapos ganito yung presyo? Mas gusto ko pang sa ukay-ukay bumili

"Nako, kasi ano Rendell masyadong mahal to. Okay na ako sa suot ko, tsinelas nalang siguro wag na to"

"Uuwi kang ganyan damit mo? Naka dress ka, sleeveless dress madilim na sa labas maraming loko-loko sa daan. Di kakayanin ng konsensya ko na bastusin ka ng mga lalaki. You're my friend, you're just like my little sister"

Eh? Kikiligin na sana ako kaso 'Little Sister'? Ako? Parang kapatid lang sa kaniya? Takte naman. Kinuha ko na ang damit na hawak niya, kumuha din siya ng pantalon. Sinukat ko ito at lumabas na

"I suits you well, I'll buy it for you. Nakonsensya ako nung huli nating kita dahil wala akong nairegalo sayo"

Lalabas na sana kami ng biglang may isang lalaki ang iniluwa ng pintuan ng store na pinagbilhan namin

"Stephen?" sambit ni Rendell

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang pagmumukha ng bwisit na lalaking to! Nag iinit talaga kalamnan ko sa kaniya!

"Why are you here?" tanong sa kaniya ni Rendell

"I'm looking for her"

Bigla niya akong tinuro, medyo napaatras naman ako sa pagkakaturo niya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba

"Why? Is she owe you something?"

"Yes, I need to talk to her"

Nakapikit na ngayon ang mata ko, humihiling ako na sana hindi pumayag si Rendell sa gusto ng lalaking ito

"Sure, you can talk to her"

Nanghina naman ako ng marinig iyon. Hindi yun yung inaasahan ko eh, kainis naman! Hinila ako ni Stephen palabas ng store, may mga taong nakatingin sa amin. Ang ibang babae ay kinikilig sa kaniya, pinindot niya yung number sa elevator 5th floor o mas kilalang rooftop ng mall na ito. Pumasok naman kami at hindi niya pa din binibitawan yung kamay ko, medyo masakit kasi mahigpit pagkakahawak niya. Pag bukas ng elevator ay agad niya akong tinulak

"Aray! Bakit mo ginawa yun? Ano ba ginawa ko sayo?" sambit ko

"Ano ginawa mo sakin? Lagi kang Sumusulpot! Lagi kang nag lelecture! Hindi ka naman teacher! You are nobody! You don't need to interrupt my business!"

"Yan ba hinihimutok ng butchi mo? Kasi tama ako? Walang mali sa sinabi ko!! Totoo yun lahat! Sinong matinong lalaki ang magpapaiyak ng dalawang babae sa isang araw lang? Ano palagay mo sa mga babae? Laruan? Barbie doll?"

Para siyang bata! Hindi niya matanggap n kasalanan naman niya talaga kung bakit ko nasabi yun sa kaniya. Hindi laruan ang mga babae na kapag sawa kana iiwan mo nalang kung saan-saan

"You're dead" sambit niya

Iniwan na niya ako sa rooftop, medyo nanghina naman ang kaliwa kong tuhod dahil nagkagasgas nung tinulak niya ako. Nagpahinga muna ako saglit, lumanghap ng hangin. Bumukas yung elevator at nakita ko si Rendell na may dalang box ng sapatos

"Hindi dapat ako pumayag na mag usap kayo" sambit nito

"Okay lang ako"

Lumubod siya at tinanggal ang laman ng shoe box, rubber shoes ito na kulay white

"Hindi ko alam kung tama tong size ng paa mo. Pero sana magkasya"

Isinuot niya ito sa akin, medyo maluwag ng kaunti yung sapatos. 37 lang naman size ng paa ko mukhang size 38 tong nabili niya

"Okay ba? Sakto ba? Hindi ba masikip?"

"Medyo maluwag lang. Pero okay na to, atleast hindi na ako mag susuot ng isang wedge heels lang"

Napangit naman ito at hinaplos yung ulo ko. Gawain na niya ito simula noong bata pa kami. Umupo na rin siya sa isang wooden bench na kinauupuan ko

"Tagal kong nawala, nalimutan ko na may tao pang nakakaintindi sakin. Sorry ngayon lang ako bumalik"

Bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko. Feeling ko sasabog ito anytime, sa totoo lang sa tagal na nawala ni Rendell wala akong ibang lalaking naging kaibigan. May mga nagtangkang manligaw sa akin pero hindi nila napatibok ang puso ko na nangyayari ngayon.

"Sus, wala ka naman dapat ipaghingi ng paumanhin. Mas nakabuti naman sayo yung pag alis mo"

May reason naman kasi siya kung bakit nag stay siya ng napaka tagal sa ibang bansa.

"I have one favor, Aki" sambit niya

"Ano yun?"

"Please, sana pumayag ka dito. Alam kong mahirap na desisyon to"

Ngayon palang kinakabahan na ako, hindi pa man niya sinasabi ay nagtataasan na ang mga balahibo ko

"Stephen, he didn't live with our dad for almost 20 years. His 22 now, 2 years palang siyang nasa pamilya namin. I don't know how to deal with him, pang apat na beses palang naming nagkikita. We didn't speak that much" litanya niya

So? Ano naman paki ko? Nabasa ko noon na kaya tinago si Stephen dahil baka ma shock ang ibang tao pag nalaman nilang nanganak ulit si Madam Elizabeth, nung ipinanganak kasi si Rendell nagka deperensya sa puso ang mommy nya

"Ano gagawin ko? Awayin ko ba siya? Hampasin? Hagisan ng sapatos?"

Bastos na kung bastos pero ito talaga gusto kong gawin sa mokong na yun

"No, I want you to be his secretary"

Teka!! Tama ba ako ng narinig? Secretary? Ako?

"Nalaman ko na wala kang trabaho ngayon, maraming kumpanya tumatawag sayo pero hindi mo sila pinapansin. Please Aki, ikaw lang nakikita kong makakatulong sakin"

Hindi ko alam kung papayag ako o hindi, okay lang sana kung secretary niya pero sa kapatid niya? Baka mag rumble lang kami ng sapakan nun

"Hindi ba pwedeng iba nalang? Kasi nakita mo naman na di kami okay ng kapatid mo" sambit ko

"I know, but the way you talked to him it's amazing! Ikaw lang nakagawa sa kaniya nun. Pinapamanmanan ko siya nung nasa ibang bansa pa ako. Ang daming babaeng nagkakagusto sa kaniya. I want to know him more, I want to be his brother but to do that I need to know all about him. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi ikaw Aki, Please be my brother's secretary"

--
Facebook Account: Drake Blakeson Dreyfus
Facebook Page: Drkife

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

55.7K 820 44
The Drunk women who had a one night stand with the CEO at nag bunga ang isang gabing iyon, after 6 years ay hindi nya inaasahang magiging boss nya an...
1.9K 282 30
She's a freelance writer. At katulad ng mga bida sa mga storya sa pocket books na ginagawa niya ay, malambing siya, maharot, at maganda syempre. Ku...
196K 3.8K 30
Wag pleaseeeee, saway ni ara sa lalaking ekstranghero na panay ang halik at yakap sakanya. kahit sa lasing na diwa alam ni ara na pwede siyang mapaha...