Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 28

471K 26.5K 31.9K
By jonaxx

Kabanata 28

Hurt


Ginising ako ng kaliwat kanan na tawag. Una ay si Bobby na nangungumusta. Wala naman sanang problema kung hindi ko lang naiisip na gusto ulit nitong makipagbalikan, e.

Gusto ko sanang isipin na pagkakaibigan ang gusto niya pero talagang napapansin ko ang kuryusidad nito at ang pangungulit.

"Bobby, napag-usapan na natin ito."

"Bibisita lang naman ako, kasi mapapadaan nga, Yohan."

I groaned inwardly.

"Nakapagpaalam na ako kay Tita at Tito. Pumayag naman sila."

Halos napabalikwas ako sa pag-ahon dahil sa narinig. Si Tita at Tito na naman?

"Bobby..."

"Bibisita lang naman, Yohan. Sige na. Perhaps a dinner? Please? Minsan lang akong madaan diyan kaya sasamantalahin ko na sana ang pagkakataon. At mag bibigay lang ng pasalubong, Yohan."

Hindi ako nagsalita, namomroblema na kay Bobby.

"O kung gusto mo, kahit idaan ko na lang sa inyo?"

"Hindi na, sige. Sige, magkita tayo sa cafe," sambit ko dahil hindi ko naman gustong bumisita siya rito sa bahay.

That would only give him the wrong message. Pagkatapos kong maligo, si Noel naman ang tumawag.

"May party sa pinsan ko. Daan ako diyan ngayong Sabado, ah?"

"Oo. Sige..." sabi ko. "Nagpaalam ka na ba kay Aria?"

"Kailangan ba kay Aria magpaalam, Yohan?"

Dati pa man, gusto na ni Noel si Aria. Si Aria lang ang nakakapagsabi sa akin kung kailan ito bibisita. Nakapagtataka na ngayon ay ganito siya.

Nanliit ang mga mata ko, may sumagi sa isipan pero ayaw ko lang na mag assume. I sighed.

"Ako na lang ang magsasabi."

Natawa si Noel. "O sige. Ikaw ang bahala."

At habang kumakain naman ng breakfast, ang ex kong si Johnny naman ang nagyayaya.

"Tatlong araw na ako rito sa La Carlota, may inasikaso lang kaso. Bibisita ako diyan mamaya, puwede ba tayong magkita?"

I already have Bobby to attend to. Kinagat ko ang labi ko.

"I'm really sorry, John. May gagawin na kasi ako mamaya kaya hindi ako puwede. Sorry."

He chuckled. "Okay lang. Walang problema. Next time?"

"Okay, next time, sure."

I am not sure if I meant that, though. Pero kung pagkakaibigan lang ang sadya ni Johnny, wala namang problema.

I went on with my usual day at work. May natanggap ding ilang email galing sa pinsan na buong araw ko yatang inisip at nireply-an. It's about his leadership problem on their business and he needed advice so pinagtuonan ko iyon ng pansin.

Itinawag na rin ni Tita sa akin ang problema ng mga Aldeguer at pakiramdam ko ako ang sasalo niyon sa ngayon. Iyon ang pinagkaabalahan ko.

Hindi na tuloy ako nakapasok sa shelter. Lalo na dahil alas tres pa lang, nagsasabi na si Bobby na malapit na siya. Nagkasundo kami na alas singko na magkita sa cafe pero mukhang mapapaaga pa yata ako roon!

Alas kuwatro nga nang naroon na si Bobby kaya naman tumulak na rin ako roon. Lalo na nang tinawagan niya pa ako habang nagmamaneho na ako palabas ng azucarera.

"Look who's here?"

"H-Huh?"

"Ano, mang to-two time ka?"

"Ano, Bobby?!" iritado kong sinabi.

"Bakit nandito si Johnny?"

I have many things to say. I bit my lip to stop myself from doing it over the phone.

"Mag-usap tayo pagdating ko diyan."

Pinaharurot ko na ang sasakyan papunta sa cafe, hindi na mapakali. What the heck is wrong with these boys?

Hindi ko tuloy alam paano nagawa ni Aria iyon noong nang hindi nagkakapatayan ang mga naging boyfriend niya? O si Alvaro sa mga girlfriends niya?

"Yohan!" si Johnny pa ang unang nakakita sa akin pagpasok ko sa cafe.

I didn't know where to look. Napatingin ako kay Johnny pero pagkapasok ko, wala sa sarili akong napatingin sa counter at naagaw agad ang pansin ko ng naka BDA na bumibili. Nilingon ako noon at si Alvaro iyon!

Johnny went to me and gave me a hug. He chuckled at my shocked expression but it was not for him.

"Kanina pa ako tinitingnan niyang ex mo. Kayo ba ang magkikita rito?" si Johnny.

Bobby pulled his shoulders and I was immediately between the two men!

"Bobby, ano ba?"

"Dumidiskarte pa ito, e!" si Bobby.

"Hindi, Bobby! Tama na nga 'yan!"

"Hindi, pare. Magkaibigan lang kami ni Yohan. May girlfriend na ako. Binati ko lang," mayabang na sinabi ni Johnny.

Kumalma si Bobby. Tumango siya at tumingin sa akin pero hindi na talaga ako mapakali. Alvaro is watching us while he's paying for something he bought on the counter.

I even heard the manager laugh and tease him.

"Ang dami namang kadete ng commander mo."

Uminit ang pisngi ko. I pretended that I didn't hear that. O inisip na hindi para sa akin iyon.

Bumalik na si Johnny sa lamesa niya at tumungo na rin kami ni Bobby sa lamesa namin. I glanced at Alvaro's way and I noticed his paper bag.

Diretso ang tingin nito at diretso rin ang lakad paalis ng cafe. Sinundan ko siya bahagya ng tingin pagkalabas at nakita kong pumasok na siya sa sasakyan niya.

"Pasensiya na. Irita lang talaga ako sa ex mong 'yan," ani Bobby.

I know I have to talk to him but my eyes were busy watching Alvaro's car go. Umalis na nga siya.

"Yohan?" si Bobby.

I sighed and faced him this time.

"Bobby, huwag ka namang ganyan. Hindi na tayo at kung may mamagitan man sa amin ni Johnny, wala ka na do'n."

"Why is he given a chance then, and not me, Yohan?"

Now I truly regret some of my life decisions, specifically concerning boys.

"I am not giving Johnny a chance. Narinig mo ang sinabi niya? May girlfriend na siya. And if I did, why are you asking that? It's my choice, not yours. Wala kang pakialam kung siya ang bibigyan ko at hindi ikaw."

Kunot noo niya akong tiningnan.

"You know what, we already cleared things up. We can be friends but if you continue to be like this to me, I don't think we should be!"

"Alright, alright! I'm sorry, okay? Alam mo namang mainitin ang ulo ko at niyakap ka pa niya."

"Hindi sapat na rason 'yan."

"Matagal na tayong wala pero alam mo naman ang nararamdaman ko para sa'yo, 'di ba? Kaya bigyan mo nalang ako ng panahon na makalimot."

I hate that he could even get my sympathy at this point. Gusto ko na rin sanang umalis at hayaan siya pero dahil sa sinabi niya, parang nagi-guilty ako.

"I promise, I won't do it again. Maghahanap na rin ako ng ibang babae para matigilan ka na," ngumisi siya.

"Mabuti pa nga," I encouraged.

He tried to tolerate Johnny around. Gumaan na rin naman si Bobby pagkatapos noon pero hindi ko mapigilan ang pagtingin sa cellphone ko. Other than Noel's message, there was none.

Nakababa na ang order namin nang bumati ulit ang manager ng cafe na siyang umagaw sa atensiyon ko.

"Magandang gabi, Captain!" pabiro nitong sinabi kaya napalingon ako sa likod.

It was Alvaro. He chose a seat for two on the corner. Nilapitan agad siya ng manager at binigyan ng menu.

Hindi na siya naka uniporme at bagong ligo na. Nagkatinginan kami.

"Dito ka maghahapunan?"

Binalik ko ang tingin kay Bobby.

"Oo, ate Soling."

"Kaya pala bumalik!" sabay tawa ng manager.

Nagpatuloy ang usapan namin ni Bobby. Lalo na dahil bumili pa siya ng desserts at kape dahil tutulak daw siya pa Bacolod ngayon. I let him buy us that because I think it's polite to join him. Aalis na rin naman siya.

Tumayo si Johnny at mukhang mauuna pang umalis sa aming dalawa.

I looked at Bobby warningly. He sighed and nodded. Tumayo ako at kinausap saglit si Johnny. Natagalan kami ng kaunti dahil sa kuwentuhan kaya iritado ulit si Bobby nang bumalik ako sa lamesa.

"I already told you, Bobby."

"Wala naman akong sinabi, Yohan," aniya at galing sa baba ay inangat niya ang isang paper bag.

Ngumuso ako nang nakita ang tatak nitong Louis Vuitton.

"Pasalubong ko sa'yo."

"Bobby, hindi ka na dapat pa nag-abala. Ibigay mo na lang ito sa ide-date mo."

"Are you kidding me? You seriously want me to give that to my next girlfriend, instead?"

"Hindi ko naman kasi kailangan 'to."

"Kung may susunod na akong girlfriend, Yohan. Hindi ko bibigyan ng bagay na para dapat sa'yo. That would be unfair!"

I slowly smiled when I realized what he meant. Ayaw ko naman talaga sanang tanggapin pero tama siya. At gusto kong suportahan siya roon.

I admit it. Overall, we had a good time.

"Ah may order ka pa nga pala," Bobby realized.

Natagalan kami sa pag-uusap dahil na kuwento ko ang tungkol sa nangyaring insidente sa azucarera. I took that opportunity to buy some desserts para bukas sa shelter.

"Hindi, sige. Malayo pa ang biyahe mo. Ihatid na kita sa labas. Balikan ko na lang ang order ko tapos uuwi na ako. Malapit lang ang amin dito," sabi ko.

He agreed. I let him pay for us.

Naroon pa si Alvaro. I noticed he's now drinking black coffee too. Nagkatinginan kami. I don't know how to react so I just continued with my interaction with Bobby.

"Salamat dito, Bobby," sabi ko nang nakalabas na kami at nasa gilid na ako ng sasakyan ko.

Tumigil pa siya. Hindi pa pumasok sa sasakyan niya at saglit pa kaming nag-usap bago siya tuluyang umikot.

I watched his car go, the paperbag is on my hand. Inisip kong ilalagay ko na lang muna 'to sa sasakyan nang natanaw ko si Alvaro sa tabi naman ng sasakyan niya sa harap.

My heart suddenly pounded. His eyes drifted on my paper bag before he spoke.

"Hi... Going home?"

I suddenly felt a little guilty.

"Ah. Babalik pa ako sa loob. May order pa ako."

I clicked my car keys and put the paper bag inside. Tumunog din ang sasakyan ni Alvaro at may kinuha siya sa loob.

Pagsarado ko ng pinto, may dala na siyang brown paper bag na inilahad sa akin. He smiled without the teeth.

"Bumili ako ng snacks ninyo para sa shelter kanina. Galing pang trabaho, kaya nakalimutan kong itext ka."

Inilahad niya ang paperbag sa akin. I smiled and my heart suddenly felt heavy.

"Hinatid ko na lang ang para sa staff mo tapos dinala ko pabalik dito ito."

"Salamat." Tinanggap ko ng walang pag-aalinlangan ang bigay niya.

He chuckled. I watched him nervously. My heart hammering on my chest.

"Dami kong karibal, ah?" he said it very lightly and smiling.

"Ah, hindi ko manliligaw si Bobby. Ex ko siya."

Nagulat siya. His lips pursed.

"Nakikipagbalikan?"

"Uh, we agreed to be just friends."

"At 'yong isa?" he sounded teasing but it was too dark to see his eyes.

I swallowed hard.

"Ah, may girlfriend na 'yon."

"But... you like him?"

Umiling ako. "He's also my ex."

He nodded like he knew it. Ngumuso ako.

"Mukhng gusto ka pa."

"May girlfriend na naman siya."

Tumango siya. Nagtaas ako ng kilay.

"Bakit? Kapag ikaw ba may girlfriend, babalikan mo pa ang ex mo?"

He chuckled and shook his head. "Hindi, Yohan."

Naisip ko bigla ang sinabi ni Soren tungkol sa kanila ni Margaux. Pinabulaanan niya na ito pero hindi ko napigilan.

"Ikaw nga, mukhang may kung ano sa inyo ni Margaux, pero nanliligaw ka sa akin."

His jaw dropped. Nakabawi rin naman agad. He licked his lips and shook his head, seryoso na bigla ngayon.

"Wala, Yohan. Ni hindi ko alam na madalas siya sa bahay noong nakaraang linggo dahil sa kampo ako naglalagi. At nitong umuwi ako para kay Kuring at sa bagong pusa..."

I dropped my eyes, slightly noticing his explanation.

"Sinabi ko na kina Mama na may offer kang tutulong sa pagsisimula ng farming namin."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "May ibibigay lang akong libro, Alvaro."

"Oo, pero hindi na naman kailangan na makipag-usap sila kay Margaux."

He then smiled and chuckled.

"Mahirap na, akalain pa ng nililigawan ko na may gusto akong iba."

I almost choked on my own saliva. I cleared my throat to distract myself.

"Wala akong ibang nililigawan, Yohan. Ikaw lang."

"Okay," I tried hard to sound cold.

I don't need this crazy hammering heart right now. Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya, maamong maamo ang mukha.

"Alam kong mahirap paniwalaan, ayaw ko rin namang magpabango sa'yo, pero lalong ayaw kong mali ang isipin mo."

Suminghap ako, hindi na alam anong sasabihin sa kanya. I am not sure now if this is his playboy soul talking or this is true.

"K-Kukunin ko lang ang order ko sa loob," palusot ko.

"Samahan na kita."

Tatanggihan ko sana pero nahihirapan na akong magsalita kaya hinayaan ko na. Malapad agad ang ngisi ng manager nang nakita kaming magkasunod na pumasok.

Tinanggap ko na ang order ko. Ginawa kong snack kaninang umaga ang macaroons na order ni Alvaro sa akin kahapon. At iyong egg pie na ibinigay niya ngayon, baka ganoon din ang gawin ko bukas. At itong binili ko... para sa staff ko na nga lang.

Lumabas na kami. Tahimik dahil kinakabahan talaga ako.

"Uh... may gagawin ka ba sa weekend?"

Nilingon ko siya. "Wala naman."

He smiled again. "Can we date, then? Kahit dinner lang?"

Ngumuso siya, pinipigilan yata ang ngiti.

"Wala muna si Kuring. Ako lang muna."

I feel like I'm slowly melting. Isinaksak ko sa isipan ko ang gustong sabihin sa kanya at nagpasyang pagbibigyan siya... at iyon ay para lang sabihin na sa kanya ang totoo.

Pero bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang mahihimatay ako ngayon tuwing naiisip ko iyon?

"Okay. Saturday. Uh... hindi ba may meeting o reunion ulit kayo niyan? Iyong sa mga del Real?"

"Hapon naman 'yon."

Natigilan ako dahil inisip na... hindi ba siya gagabihin no'n?

"Hindi ba kayo... mag-iinuman?"

"Hindi, ayos lang. Maiintindihan naman nila iyon. Sa gabi sana... uh... tayong dalawa."

"Okay. Sa Bistro..." I said.

"Okay..."

"Sigurado ka bang hindi mo is-schedule sa ibang araw?"

"Busy kami bukas, e. At... kailan ka ba puwede?"

"Okay ako sa Sabado pero ikaw ang inaalala ko."

He chuckled. "Ako dapat ang mag adjust sa schedule mo, Yohan. Ako ang nanliligaw at naghahabol kaya... kung puwede ka sa Sabado, kahit hindi na ako pumunta sa meeting."

I want to say something but I feel like the words got stuck on my throat.

To know what I'm going to say to him that day suddenly makes me feel so guilty. Tama kaya iyon? Pero kung patatagalin ko pa, at dadami pa ang dates namin, nag-aaksaya lang siya ng panahon. Mas lalo namang masama iyon.

He chuckled nervously. "Hindi ko na paabutin ng next week ang first date natin. Ang bibilis ng iba... baka... maunahan."

Sinimangutan ko siya. "Wala naman 'yon, Alvaro. Sige, sa Sabado. Pumunta ka pa rin sa meeting n'yo at kapag nagbago ang isip mo, i-text mo na lang ako."

Tumango siya. "At... mamaya rin kapag nakauwi ka na. Puwedeng i-text din kita?"

I gritted my teeth. Naningkit ang mga mata ko habang naririnig ang mga diskarte niya.

"Huwag ka na lang magreply kung busy ka. Okay lang naman..." he flashed another smile.

I suddenly felt hurt seeing his smile. I know what I'm going to do on Saturday but I am gonna do it politely.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
2.5M 98.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.