Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 27

501K 27.2K 18.2K
By jonaxx

Kabanata 27

Respect


I am still sure about rejecting him. I chanted that on my mind.

Inisip ko ang ginawa niya noon. He didn't know that I was there listening to his answers to those question. Hindi niya rin kasalanan kung totoo nga ang nararamdaman niya noon - na hindi niya ako gusto. I was young, ugly, and a Valiente. Pero ayaw ko nang masaktan. I've struggled through the years, overcoming what happened, and forgetting him. I can't deal with it again.

"Umuwi na kasi si Chantal kaya may mga plano nang ganito," ani Aria sa hapag, pinag-uusapan nila ni Romulo ang mga events na paparating.

Napatingin siya sa akin at nakita ang kuryosidad sa mga mata ko.

"Para 'to sa homecoming."

"Ah. Pero hindi ba, matagal pa 'yon?" tanong ko dahil tinutukoy niya ang mangyayari ngayong weekend na.

Tumango siya.

"Pero gusto kasing mag reunion na rin ang batch namin na kami-kami na lang muna, kasi sa Homecoming, lahat na."

"Mayroon din sa mga players, 'di ba?" si Romulo, naalala ko ang sinabi ni Soren kay Alvaro.

"Oo, meron din. 'Tsaka mapapadalas ang pagkikita ng mga class officers dahil sila ang magpaplano sa ilang reunion at sa homecoming kaya baka nandito sila mamaya..."

I remembered Alvaro saying that he will come to the shelter later and bring Kuring. Hindi ko alam na pupunta pala talaga siya rito mamaya.

I am not sure how I feel about us seen by some of his friends. Hindi ko siya sasagutin, hindi ba? Mas magandang hindi na malaman ng mga kaibigan niya na nanliligaw siya kung ganoon nga ang gagawin ko.

"Pupunta si Alvaro mamayang gabi rito. Kasama ilang kaibigan namin. Para 'to sa basketball players na reunion. Hindi ako kasali pero nakiusap sina Daniel at 'yong manager nila na dito na."

"Ah. Kaya siguro nagsabi siya na dadalhin niya si Kuring," sabi ko para hindi na magtaka si Aria mamaya.

"Oh. Nagkakausap kayo?" she smirked.

I sighed. "Nag-adopt siya sa shelter kahapon ng pusa. Iyon lang."

"Hmm..."

I laughed it all off. "Hindi ko na siya gusto, Aria. Hindi na ako tulad noon."

Hindi na rin naman siya nang-intriga kaya natahimik na ako. Umalis na ako para sa trabaho.

Alvaro was already in the shelter when I arrived later that afternoon. Dala niya na si Kuring at kanina pa yata naghihintay sa upuan.

I smiled formally and took Kuring out of his hold. I held him for a while. Nasa counter na.

"Ah, may dala nga pala akong merienda," si Alvaro.

Napatingin ako sa isang paper bag sa tabi ng counter na hinawakan niya. Nagkatinginan kami. He smiled, a bit proud of his gift.

"Nakapagmerienda na ako sa office."

Dumaan ang pagkadismaya sa mukha niya. "Dalhin n'yo na lang sa inyo mamaya."

I stared at it for a while before I nodded. Sa likod niya, may isang batang may dalang aso. Lumipat na ang mata ko rito.

Mabilis na bumaling si Alvaro roon bago siya tuluyang tumabi. He smiled shyly.

"Dito na lang ako sa sofa muna."

I nodded but I remembered something. "Puwede ka nang mauna. Hindi ba may meeting kayo? Ngayon na 'yon, hindi ba?"

I remember when Aria said that they'll start early. Malapit nang mag alas singko.

"Ayos lang. Hihintayin na lang kita."

"Medyo natagalan ako ngayon kaya baka mamaya pa ako umuwi. Sige na, mauna ka na. Ako na ang bahala kay Kuring."

Ngumuso siya at ilang sandaling nag-isip. Naabala na ako sa batang gustong magpatingin sa kanyang aso.

Sinamahan ko siya kay Chantal at tiningnan ang mga ginagawa nila. Nang natapos ni Chantal iyon, pinagawa ko sa isang trainee ang bill. Babalik na rin sana ako para asikasuhin ang mga bagong donation pero nagtanong pa si Chantal.

"Nariyan si Alvaro sa lobby. Nagkita kayo?"

"Oo."

She nodded and smiled. "Namigay siya kanina ng merienda sa amin. Inilista na rin nila ang donation niya."

My lips parted. Nasabi niya nga kahapon na mag do-donate siya pero hindi ko naman inasahang naroon na nga.

Chantal removed her ponytail. Tapos na ang schedule para sa araw na iyon at uuwi na siguro siya. Naalala ko ang tungkol sa pagtitipon sa bahay. She'd come for sure.

"Pupunta ka mamaya?"

Nilingon niya ako. "Hindi, e. Sa susunod na meeting na lang. May mga importante kasi akong gagawin."

I nodded. "Okay. Tatapusin ko lang muna ang mga donation dito."

She smirked.

Bumalik na ako sa counter. Umalis na ang babae kasama ang aso niya. Nagulat ako na naroon pa si Alvaro sa sofa. Ngayon naroon na sa kandungan niya si Garfield.

Imbes na magsalita, hinayaan ko na lang siya at inuna ang mga kailangang gawin. Lumabas si Chantal at saglit silang nag-usap ni Alvaro.

"Sa susunod na ako pupunta, ah?" si Chantal. "Sasama na lang siguro ako kay Kuya, kung makabalik na sila."

"O sige..." then Alvaro's eyes drifted on me again.

Binalik ko ang mga mata ko sa computer. Nagpaalam na si Chantal pero nanatiili si Alvaro roon. Naglilinis na ang trainees. Tahimik sila. Pakiramdam ko tuloy nakuha na nila kung anong hinihingtay ni Alvaro rito.

By five thirty, I was already done. Nagpapalabas na rin ang staff ng mga aso at pusa para magpakain sa likod. Tapos na itong linisan.

Alvaro helped them. He took them out. Nag-aayos na lang ako ng ilang files. Sumama na si Garfield sa kanila sa likod.

I waited for him to leave and just go to their meeting. Late na siya pero mukhang wala pang senyales na mauuna siya.

It was almost six when I was done with everything. Nilaro ko na lang si Kuring. Kababalik lang ni Alvaro galing sa pagtulong sa likod nang tumayo ako.

His full attention was now on me. Tumayo na rin siya. Kinuha ko ang bag ko at nilahad niya ang kamay para kay Kuring.

"Ako na sa kanya."

He looked at my bag but I was already holding it, too. Iyong merienda na lang ang dinala niya.

He stalked me towards my car. Nilingon ko siya, may halong gulat sa mga mata ko. He noticed it immediately.

"Ah, ilalagay ko lang sa upuan mo ang merienda."

Tiningnan ko ang hawak niya at sa huli, tumango ako.

He set up Kuring's quilt on my front seat. Nilagay niya na rin sa gitna ang merienda na dala niya.

"Thanks," sabi ko.

"You're welcome."

Mabilis naman kaming nakarating at gaya ng pangamba ko, natanaw ko na nga ang hilera ng mg sasakyan ng mga kaibigan nila sa aming bakuran.

I sighed. I smiled when I lifted Kuring. Lumabas na si Alvaro sa naka-park niyang sasakyan at tinulungan ako sa pagkuha ng mga gamit na inilipat niya.

"Ako na nito," aniya para sa merienda na ibinigay niya sa akin kanina.

Iniisip ko ang pagpasok namin. Kinakabahan ako. Aria's friends are not necessarily my friends. Lalo na ang mga babae kaya ayaw ko sanang makita nila na may inaabot sa akin si Alvaro.

Pero siguro naman ayos lang iyon. Dala ko si Kuring at may bag pa ako kaya natural na tulungan niya ako sa dalahin.

Papasok na ako at nakasunod na si Alvaro nang nakita ko ang dami ng mga kaibigan ni Aria. My eyes widened especially when I saw Soren!

"Yohan!" sabay lahad niya ng mga braso.

Nakita kong may iilang pastries sa lamesa nila at may tatlong klaseng ulam pa. I would think it's ours and Aria prepared but it was in a disposable tray.

"Nagdala ako ng dinner para sa inyo."

Aria laughed. "Nakinabang pa kami sa manliligaw mo, Yohan!"

"Oo nga! Suwerte ni Yohan!"

"Siyempre, Valiente. Alangan naman mahirap ang mga manliligaw?"

They laughed. "Bagay kayo, Yohan!"

Kumakain na ang iilan sa kanila. Naestatwa ako.

"Pasok ka, Alvaro," may pumuna sa kanya sa likod ko.


Dumiretso naman si Soren sa akin, sinalubong ako at niyakap.

Humalo na dsi Alvaro sa kanila lalo na't niyaya na siya nina Daniel at Juan.

"Kain na kayo!"

"Ang daming dala ng manliligaw ni Yohan," biro ng isa sa mga babae.

"Alvaro, tapos na duty mo?"

"Kain ka na..."

"Ano 'yang dala mo..."

Soren smirked at me. Nakaakbay pa rin siya sa akin.

"Kain ka na? Peace offering ko sa'yo. Ang dami kong dalang pagkain."

Alvaro was drowned by the crowd. Every one of his friends are excited to see him and talk to him. Hindi na siya halos makasagot sa mga tanong ng bawat isa sa dami ng nangungumusta sa kanya.

He's holding on to the brown paper bag he gave me.

"Ano ba 'yan? Akin na nga..." pang-aasar ng ilan doon.

Tumawa siya at itinabi na lang para hindi na mang-usisa ang lahat.

He glanced at me and noticed that I was watching him. Ibinalik ko ang tingin kay Soren.

"Magbibihis lang ako."

"Okay. Maghihintay kami rito," ani Soren kahit alam kong wala namang pakialam ang mga kaibigan niya sa akin.

Umakyat na ako sa kuwarto kasama si Kuring. Nakaupo ako sa upuan habang tinitingnan itong nakahiga lang sa carpet. Kailangan kong bumaba pero parang ayaw ko.

I mentally noted that I need to talk to Soren now. Hindi ko naman sasagutin si Alvaro pero lalo naman si Soren. I have to be real, I'm not attracted to him on that level. At ang nangyari noong lasing siya ang mas lalong nakapagpa turn off sa akin sa kanya.

Pagkababa ko, wala na sila sa sala. Nasa lamesa sa pool na sila, nag-iinuman at nag memeeting ng medyo seryoso.

Alvaro sat near the door so he saw me immediately. Tumayo siya pero nilagpasan siya ni Soren na nakakita rin yata sa akin.

Palapit na si Soren nang unti-unting naupo si Alvaro.

Binaba ko muna si Kuring at naghugas ng kamay. Lumapit na si Soren sa akin at tinawanan si Kuring.

"Dala mo pa rin pala ang pusa."

"Oo."

"Kumain ka na. Para sa'yo talaga 'yan. Dinamihan ko na para masali na rin ang mga kaibigan," sunod niya sa akin sa lamesa.

Kumuha muna ako ng para kay Kuring. Kumunot ang noo ni Soren sa ginagawa ko.

"Ano 'yan?"

"Para sa pusa."

"Oh? Wala bang catfood 'yan? May dala yata si Alvaro?"

"Huh?" nilingon ko siya.

"Iyong paperbag na dala niya, baka pagkain iyon ng pusa."

My lips parted. That was his gift for me and for Soren to say that, I felt somehow offended!

"Hindi, Soren," medyo iritado kong sinabi.

"Ah hindi ba?" he smiled.

Kumain ako pero sa totoo lang, wala na akong gana. Pabalik balik naman si Soren sa akin, sa meeting nila, tapos sa akin ulit. I really couldn't let this night pass without telling him to stop this.

Tapos na akong kumain nang bumalik si Soren. I was already drinking some water when I faced him.

"Soren, puwede ba tayong mag-usap."

"Oo naman!" masaya niyang sinabi.

I thought of a better place to talk to him. Tapos na si Kuring sa pagkain at hindi na naman siya naglilikot kaya dinala ko siya sa kabila, kung saan ko madalas nilalaro si Kuring noong kuting pa lang ito. Sumunod naman si Soren sa akin.

Umupo siya pero hindi ko alam kung kaya ko bng magrelax at maupo sa sunod na sasabihin ko.

"Soren, tungkol sa panliligaw mo sa akin."

Natahimik siya at nagseryoso. I guess there is just no easy way to say this. I sighed.

"I think you are a good person pero... ayaw ko lang na umasa ka."

"Is this about what happened that night, Yohan? When I kissed you?"

"Well, not only that. I really think I am not attracted to you that way kaya tingin ko, mas mabuting sabihin ko na sa'yo 'to ngayon."

"I thought we still have dates coming? And that we're only laying low because of what happened, Yohan?"

"Iyon din naman ang plano ko. But you see, I feel guilty. Lalo na dahil sa sarili ko, alam ko na hindi kita gusto sa ganoong paraan. Ayaw kong masira ang friendship natin at mapaasa kita dahil lang gusto kitang bigyan ng chance."

"At sino naman ang gusto mo, Yohan? Si Alvaro?"

I groaned. Hindi ko gustong umabot dito ang usapan namin!

"Yohan, Valiente ka. Alvaro may be a Captain now but he's not on your level."

Sa gulat ko, natulala ako kay Soren. Hindi ako makapaniwalang lumabas iyon sa bibig niya.

"Soren, how can you say that?"

"It's true, Yohan."

Laglag pa rin ang panga ko at ilang sandali pang napatitig bago nagpasya sa sasabihin. All the more I want all of this to end. I dislike what he just said. Hindi ko gusto si Alvaro pero hindi ko rin iniisip ang ganoong bagay.

"You're the heiress of your Azucarera. Santander siya, may lupain pero walang pamuhunan. what do you think does that mean, Yohan?"

"Wait a minute, Soren. Please stop," pigil ko dahil magtutuloy-tuloy siya.

Alam ko kung saan iyon patungo. I never thought that the day would ever come that everyone will think that I deserve better. Dati'y sa sobrang pangit ko, hindi na ako binibigyang pansin. Ngayon, sa ibang paraan naman kami baliktad ni Alvaro at hindi ko gusto iyon.

"And he's a playboy! Si Margaux na mismo ang nagsabi na may namamagitan sa kanila, Yohan. Huwag kang papaloko do'n! Malay mo gagamitin ka lang niyan!"

"I don't like your tone, Soren. Do you think I'd choose you then just because you said this?!" iritado kong sinabi.

"Hindi naman sa ganoon, Yohan. Gusto ko lang na protektahan ka."

Umiling ako. "I don't need the protection. And no! Hindi kita binabasted dahil gusto ko si Alvaro. Hindi ko siya gusto, Soren... pero hindi rin kita gusto kaya mas mabuting tigilan na 'to para hindi ka na umasa."

Natahimik siya.

"I'm sorry. I didn't want to say it this way but I was concerned of what you just said about Alvaro. Oo, hindi siguro kami magkasingyaman pero hindi iyon sumagi sa isipan ko. He even probably worked harder than me to get to where he is so I have high respect for people like that."

Napakurapkurap siya sa sinabi ko.

"Ang sabi ni Aria, mukhang gusto ka na niyan. Natatakot lang naman ako para sa'yo, Yohan."

"Thank you but I don't need the protection. I can deal with it myself."

"Sinabi niya rin naman na hindi mo sasagutin pero..."

"Thank you for all the help all these years. I really liike our friendship. Despite our opposing views, I still want us to be friends, Soren. Pero sana makita mo ang ibig kong sabihin at sana huwag kang manira ng ibang tao."

"Do you like him-"

"I said no, Soren! And even if I do, so what? Hindi ito tungkol diyan. Tungkol 'to sa pangmamaliit mo sa kanya."

He sighed. "I'm sorry. Nadala lang ako sa... pagkakabasted siguro," dismayado niyang sinabi.

"I forgive you pero huwag mo na sanang ulitin iyon. Let's just be friends and stop your courtship. I have no plans to make you my boyfriend."

Kumalma rin naman ako at si Soren. We had a fine closure. We decided to remain friends. Hindi naman halata ang pagkabigo sa kanya nang bumalik siya sa mga kaibigan. Hindi nga lang natanggal sa akin ang sama ng loob dahil doon sa sinabi niya.

It was almost eight when they decided to leave. Alvaro looked sleepy. Sumama ako sa paghahatid sa mga kaibigan nila palabas ng pintuan.

Ibinigay iko na kay Alvaro si Kuring. Nakita ko na dala niya ang paperbag sa kanilang kamay. Hindi ko gaanong pinansin iyon sa opisina pero pagtapos ng panlalait ni Soren, bigla akong nakaramdam ng guilt.

He chuckled. Nag-angat ako ng tingin at napansin niya palang nakatingin ako sa hawak niya.

"Ibibigay ko pa ba 'to? Mukhang talong talo ako sa piyestang hininda ng isang karibal ko, ah."

Ngumuso ako. He said it so lightly that I almost forgot Soren's words. Hindi ko tuloy napigilan ang pagngiti ko.

"Binili ko kanina sa cafe. Sana magustuhan mo. May inumin din diyan pero hindi na malamig," aniya at inilahad ang paperbag sa akin.

"Thanks," napapaos kong sinabi at tinanggap na.

I sighed and said goodbye when I heard Aria's exaggerated cough. He chuckled and looked at me playfully. Ni hindi niya alam kung ano ang nasa isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
385K 20.2K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.