MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

Od La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... Viac

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 62: SHELLS

92 5 1
Od La_Diyosa

KENDRIX'S POV

Habang nasa biyahe kami, hindi ko mapigilan na titigan ang magandang mukha ni Athena. Sobrang ganda parin niya kahit natutulog siya. Para saakin, she is the most perfect woman I've ever met in my life. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na ihiga si Athena sa balikat ko para kahit papano, hindi naman sumakit yung leeg ng princesa ko. Hindi ko mapigilan ngumiti sa sobrang saya.

"Bakit parang ang saya mo ata Kendrix? Ayos ka lang ba?" tanong ni Angel.
"Ah wala lang. Masaya lang ako." Nakanging sagot ko.

Bigla akong tinignan ni Angel habang naka ngiti.

"Ah alam ko na kung bakit ganyan yung ngiti mo. Dahil ba yan saakin? Ano ka ba Kendrix! Wag mo naman ipahalata na sobra kang kinikilig habang katabi mo ako. Nahihiya ako eh. Pero okay lang, as long as masaya ka, masaya na rin ako." sabi niya sabay patong ng ulo niya sa balikat ko.

Hindi na ako sumagot at tinitigan nalang siya. Kung pwede ko lang sanang sabihin na masaya ako dahil kay Athena siguro kanina ko pa ginawa. Makalipas ang 3 oras ng biyahe, nakarating na kami sa camping site namin. Nauna na silang bumaba at kami nalang ni Athena yung naiwan sa loob ng kotse. Dahan dahan kong tinapik yung balikat ni Athena para gisingin siya.

"Athena. Gising na. Nandito na tayo oh." sabi ko habang tinatapik yung balikat ni Athena.

Habang ginigising ko siya, hindi ko mapigilan na mapangiti. Dahan dahan  dinilat ni Athena ang mga mata niya at nagmadaling bumangon.

"Sorry Kendrix. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa balikat mo. Sorry talaga." sabi niya.

Tinitigan ko lang siya tapos napangiti ako. Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan eh. Hehehe!

"Nako wala yun. Okay lang." nakangiting sabi ko.

Hindi na siya sumagot at ngumiti nalang tapos nagkatitigan kami. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya. She is so beautiful. Her eyes is so perfect. NANG BIGLANG...

"ANO BES? MAG TITITIGAN NALANG BA KAYO DIYAN HA?" sabat ni Zoey.

Dahil sa sobrang gulat, nagmadali kami ni Athena na bumaba ng kotse. Kitang kita ko sa mga mata ni Athena yung sobrang saya habang tinitignan ang magandang tanawin ng dagat. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulala na pala ako habang tinititigan siya.

"Ang ganda naman dito!" sabi ni Athena.
"Oo nga. Sobrang ganda!" sabi ko habang nakatingin sakanya.

Bigla siyang lumingon at ngumiti saakin. Agad akong umiwas ng tingin at nag kunware na nakatingin sa dagat. Nang biglang hinawakan ni Athena yung kamay ko at hinatak papunta sa dalampasigan.

"Tara na Kendrix! Tulungan mo akong ayusin yung tent namin." sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Makalipas ang 30 minutes, natapos na kami mag set up ng mga tent. Naupo si Athena sa isang sulok at kumuha ng mga litrato. Kahit nasa malayo ako, kitang kita ko yung ganda ng babaeng mahal ko eh. Lalapit na sana ako sakanya ng bigla siyang hinatak ni Zoey papunta sa dagat at nag tampisaw na parang bata.

"Oh? Ano pang hinihintay mo diyan Kendrix? Tara na!" sabi ni Calyx sabay takbo papunta sa dagat.

I just look at him ng may blankong reaction sa mukha. Kahit kailan talaga epal tong mokong na to eh. Tumakbo na din ako papunta sa dagat at nagtampisaw narin. Looking at Athena right now makes me feel happy. Makita ko lang na masaya yung babaeng mahal ko, masaya na rin ako eh. Maya maya pa, umahon na yung iba para magprepare ng makakain namin. Yung iba naman nag habulan sa dalampasigan, yung iba nahiga sa buhagin at yung iba nagtatampisaw parin sa dagat.

Hanggang sa nakita ko si Athena na nakaupo sa isang sulok habang nakatitig kay Calyx na nakikipag habulan sa mga babae. Kitang kita ko sa mga mata niya yung sobrang lungkot habang nakatitig kay Calyx. Lumapit ako sakanya at kinausap siya.

"Okay ka lang ba Athena?" tanong ko.

She look at me and she smile.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Nakangiting sabi niya.

Pero kahit nakangiti siya kitang kita ko sa mga mata niya yung sobrang pag seselos.

"Athena nag seselos ka ba sa mga babaeng kasama ni Calyx?" tanong ko.
"Ako? Nag seselos? Hindi noh! Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman siya boyfriend eh." sabi niya.
"Pero si Calyx yung gusto mo diba? So sapat na rason na yun para magselos ka." Sabi ko.

Bigla niya akong tinignan na parang ewan.

"Kahit na gusto ko siya, wala parin akong karapatan para mag selos. Tsaka matagal ko nang kinalimutan yung feeling ko para sakanya. Para saakin, kaibigan nalang yung turing ko sakanya. Kasi meron na akong ibang gusto eh." Nakangiting sabi niya.

Bigla akong napangiti ng dahil sa sinabi niya. Kahit papano nabawasan na yung karibal ko sa puso ni Athena.
Hehehehe.

"Tara?" sabi ni Athena.
"Ha? Tara saan?" tanong ko.
"Basta! Sumama ka nalang okay?" sabi niya.

Biglang hinawakan ni Athena yung kamay ko tapos hinatak ako papunta sa dalampasigan.

"Ano ba yung gagawin natin dito sa dalampasigan Athena?" tanong ko.
"Tulungan mo akong maghanap ng magagandang shells. Dali!" sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Maya maya pa, pinulot ni Athena yung maliit na shell at ipinakita saakin.

"Tignan mo to oh, ang cute!" sabi niya.
"Oo nga! Parang ikaw Athena." sabi ko.

Bigla niya akong tinignan ng dahil sa sinabi ko. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na hinawi ko yung buhok niya papunta sa likod ng tenga niya. Tapos nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa ginawa ko. NANG BIGLANG...

"Bes tumatawag si tita Alex sa phone mo." sigaw ni Zoey.

Biglang napalingon si Athena kay Zoey.

"Ahm maiwan muna kita kendrix, sagutin ko lang yung tawag ni tita Alex." sabi niya habang nag mamadaling umalis.

Hindi na ako sumagot at nag patuloy nalang sa pag hahanap ng magagandang shells para kay Athena. Hanggang sa nakakita ako ng isang magandang shell.

For sure matutuwa siya pag nakita niya to. Kukunin ko na sana yung shell pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasabay kami ni Calyx na kunin yung shell. Bigla kaming nag katitigan ng dahil sa nangyari. Pero hindi parin ako magpapatalo. Kinuha ko yung shell at umalis nalang.

*KINAGABIHAN...*

Pagkatapos ng bonfire at pagkain ng barbeque, nagdecide na ang lahat na bumalik na sakanya kanya nilang tent at magkapagpahinga na. Habang ako naman sa kasamaang palad, si Calyx yung kasama ko sa isang tent. Eh wala akong choice eh. Ayoko naman matulog sa labas ng tent. Baka kunin pa ako ng mga multo diyan eh. Teka nga lang? Speaking of that mokong, nasaan kaya si Calyx? Teka nga! Bakit ko ba hinahanap yung mokong na yun? Eh ano bang pake ko sakanya diba?

Sa kalagitnaan ng gabi habang nag papahinga na yung lahat, gising na gising parin ako. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok eh kaya nagdecide ako na magpa antok muna sa labas. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Athena na nakaupo sa harap ng bonfire.

"Oh Athena? Bakit gising ka pa? Late na ah." sabi ko.

She look at me and she smile.

"Ah hindi pa ako inaantok eh. Ikaw ba? Bakit gising kapa?" tanong niya.
"Ganon din eh. Hindi pa ako dinadalaw ng antok eh. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Wala lang. Tinitignan ko lang yung mga bituin. Tsaka ini-enjoy ko lang yung dagat. Last time na pumunta ako sa dagat, bata pa ako eh. Nung buhay pa yung mama at papa ko. Wala naman kasing time si lolo para samahan ako eh." sabi niya.
"Ganon ba? Edi ako nalang yung sasama sayo." nakangiting sabi ko.

Lumingon siya saakin tapos ngumiti siya.

"Salamat Kendrix!" Nakangiting sabi niya.
"Ha? Salamat saan Athena?" Tanong ko.
"Salamat kasi palagi kang nandiyan para saakin eh. Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya. Hindi ko na nga alam kung paano ako makakabawi sayo eh sa dami ng naitulong mo saakin." sabi niya.
"Nako! Wala yun! Wag mo na isipin yun. Diba nga sabi ko, ngumiti ka lang, okay na yun." sabi ko.

Looking at her eyes now parang pakiramdam ko its about time para umamin na ako. Pero kailangan ko ng isang sign kung tama ba yung gagawin ko. Kapag nakakita ako ng shooting star, aamin na ako kay Athena. Kasabay ng pag bigay ko nung shell sakanya, sasabihin ko na din kung gaano ko siya kamahal. Tumingala ako at tumingin sa langit. Naghihintay sa pag daan ng shooting star. NANG BIGLANG...

"KENDRIX SHOOTING STAR OH! MAGWISH KA DALI!" sigaw ni Athena sabay pikit ng mga mata niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Athena. Tama ba yung narinig ko? May dumaan na shooting star? So ibig sabihin non, ito na yung sign na hinihintay ko. Aamin na ako kay Athena.

"Kendrix ano yung wish mo?" Nakangiting tanong ni Athena.

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Nang makita ko na nakangiti siya saakin. Eto na to! Eto na talaga to! THIS IS NOW OR NEVER.

"Wala Athena. Kasi na tupad na yung wish ko. Ahm saglit lang Athena ha? May kukunin lang ako sa tent ko." Nakangiting sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Athena at nag madali pumunta sa tent ko. Teka? Saan ko ba nailagay yung shell na yun? Bwiset! Bakit ngayon pa yun nawala. Kainis! Hinalughog ko yung buong tent at finally nahanap ko din yung shell. Sobrang excited na ako na para umamin kay Athena. Nagmadali akong maglakad pabalik sa kay Athena. Pero sa hindi inaasahang pag kakataon...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NAKITA KO SI ATHENA AT SI CALYX NA MAGKAYAKAP. Kitang kita ko sa mga mata ni Athena yung sobrang saya. Hindi ko kaya na makita silang masaya habang ako naman nasasaktan na ng sobra. Tumakbo ako papalayo para hindi nila makita na umiiyak ako. Nagtago ako sa likod ng mga puno habang umiiyak. Nang biglang dumating si Angel.

"Bakit ka nandito Angel?" tanong ko.
"Nakita kasi kitang tumatakbo papalayo kaya naisipan ko na sundan ka. Wait are you crying ba?" tanong ni Angel.
"Hindi. Okay lang ako." sabi ko.

Lumapit siya saakin tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"I know that you're not okay. Kahit hindi mo sabihin, ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman mo. Kendrix kung ako nalang sana yung minahal mo, edi sana hindi ka nasasaktan ng ganito. Kendrix mahal na mahal kita." sabi ni Angel.
"Pero Angel...."

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang bigla akong HINALIKAN NI ANGEL. O______o

Itutuloy...

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

12K 97 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
14.4K 143 15
ANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN...
182K 3.5K 84
[COMPLETED] 20 long years had passed, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tahimik at masayang buhay ni Leila ay nagimbal at nagulo. Nawala an...
My Mystery Girl Od loveSHM

Tínedžerská beletria

271K 4.7K 81
An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no secret about himself, but she's someone w...