MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

נכתב על ידי La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... עוד

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 58: PANTY

97 6 0
נכתב על ידי La_Diyosa

ATHENA'S POV

*EARLIER*

Habang naglilinis ng katawan si Kendrix sa banyo, naupo muna ako sa sofa ng makita yung mga nilabhan kong panty at bra ko na naka sampay sa labas ng veranda. Nagmadali akong  tumakbo para kunin yun. Nang bigla kong naalala yung panty ko na nakababad sa isang maliit na palangana sa banyo. PAKTAY! NANDOON PA NAMAN SI MOKONG. BAKA KUNG ANO YUNG ISIPIN NIYA SAAKIN. NAKAKAHIYA! T______T

Pero naka lipas na yung 45 minutes, hindi parin lumalabas si Kendrix sa banyo. Nakakaloka! Baka kung ano na ang ginagawa niya sa panty ko. Hala! Katukin ko na ba? Ano kaya kung pasukin ko na sa loob? Nako! Hindi pwede! Baka isipin niya binobosohan ko siya. Tsaka ano ako? Manyakis? Hindi noh! Kaloka! -_______-

Inilapit ko yung tenga ko sa pinto ng banyo ng biglang bumukas yung pinto ng banyo. At sa hindi inaasahang pag kakataon...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NATUMBA AKO SA DIBDIB NI MOKONG. NAKAKALOKA! Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa nangyare. JUICECOLORED! Rinig na rinig ko yung lakas ng tibok ng puso niya. Parang may kabayo na tumatakbo sa sobrang lakas.

"A.....A....ATHENA! ANO YUNG GINAGAWA MO? BI....BI...BINOBOSOHAN MO BA AKO?" gulat na tanong niya.

Nagmadali akong tumayo at tinignan siya na parang ewan. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na nakatapis lang siya. Nakakaloka! Bigla akong napalunok ng laway nung makita ko yung katawan niya. Gabi na pero may pa-pandesal pa si mayor. Teka nga! Hoy ano ba Athena! Tumigil ka nga! Nakalimutan mo na ba? Dalagang Pilipina ka okay? -______-

"I....I....IKAW? BOBOSOHAN KO? EXCUSE ME! HINDI NOH!" Sigaw ko.

Nagmadali akong pumasok sa banyo at agad ko tinignan yung panty ko sa palangana pero bakit wala? Nasaan yung panty ko? Eh nandito lang naman yun ah. Bakit mawawala? HINDI KAYA KINUHA NG MOKONG NA YUN YUNG PANTY KO? PERO BAKIT? OH MY GOSH! DON'T TELL ME.... BAKLA SI KENDRIX? O_____o

Nagmadali akong pumunta sa harap ng pinto niya. Kakatok na sana ako sa pinto niya ng marinig ko na may kausap siya sa phone. Mas pinili ko nalang na wag ng kumatok at pumunta nalang sa kwarto ko. Habang naka higa ako sa kama ko, biglang sumakit yung puson ko. Nakakaloka! Bakit ngayon pa? Ano ba yan. T______T

Maya maya pa, nakatanggap ako ng tawag galing kay tita Alex sa messenger.

*FACETIME CONVERSATION*

["Oh nak? Kamusta naman yung apartment na nilipatan? Maganda ba?"] bungad ni tita Alex.

"Opo tita maganda po." nakasimangot na sagot ko.

["Oh? Maganda naman pala eh. So bakit ganyan yung mukha mo?" Ayos ka lang ba?"] tanong ni tita Alex.

"Medyo masakit po kasi yung puson ko kaya ganon." sagot ko.

Bigla akong tinignan ni tita Alex na parang ewan.

["Ganon? Uminom kana ba ng gamot?"] tanong ni Tita Alex.

"Hindi pa po eh. Bibili palang po ako mamaya. May malapit naman na pharmacy dito eh." Nakasimangot na sabi ko.

["Yung totoo nak? Ano pa ba yung ibang pinoproblema mo? Sabihin mo saakin."]

Hay! Kilalang kilala nga ako ni tita Alex. Alam na alam niya everytime na may problema ako.

"Eh kasi naman po tita, about po sa housemate ko."

["Oh? Anong mali sa housemate mo? Bakit? Inaway kaba? Sinaktan ka? Ano? Sabihin mo saakin!"] sabi ni tita Alex.

Nakakaloka! Ang O.A naman ng reaction ni tita Alex. Inaway agad? Hindi ba pwedeng NINAKAW MUNA YUNG PANTY KO? -______-

"Nako hindi po tita Alex. Hindi niya po ako inaway." sabi ko.

["Eh ano ba kasi yung problema mo sa roommate mo?"] tanong ni tita Alex.

"Eh kasi yung roommate ko po kasi ay  hindi babae. Si kendrix po yung housemate ko." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mata ni tita Alex ng dahil sa sinabi ko.

["Ano? Paano nangyare yun ha? Eh sabi nung kaibigan ko Dale daw yung pangalan ng roommate mo, so I assume na babae siya. Paano nangyare yun?"] gulat na tanong ni tita Alex.

"Ewan ko po. Hindi ko din alam. Wala din akong idea na Kendrix Dale Lee pala yung pangalan niya. Nakakaloka! Ano po yung gagawin ko tita Alex? Siguro maghahanap nalang po ako ng bagong apartment yung malapit sa work place ko." sabi ko.

["Ha? Seryoso ka ba nak? Wag kana umalis diyan. Sigurado ako na  mahihirapan ka lang sa paghahanap ng malilipatang bahay. For sure sa dami ng nagiintern ngayon, punuan ang lahat ng apartment malapit diyan."] sabi ni Tita Alex.

"Pero tita, si Kendrix po yung eh. For sure palagi lang po kami mag aaway nun." sabi ko.

["Edi makisama ka nak. Alam ko na  kaya mo yun. Diba nga sabi mo lahat gagawin mo para sa mga pangarap mo? Tsaka may tiwala naman ako sainyo eh. Malaki kana din eh. Alam mo na yung tama sa mali."] sabi ni tita Alex.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Alam mo yung ngiting pilit? JUICECOLORED! BAHALA NA NGA! NAKAKALOKA! -_____-

Maya maya pa, sa gitna pag uusap namin ni tita Alex ng biglang mag kumatok sa pinto ng kwarto ko.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

["Oh nak may kumatok ata sa pinto mo. Sige na. Pagbuksan mo na yan. Baka importante yan. Bukas nalang tayo mag usap."] sabi ni tita Alex sabay baba ng tawag.

Bumagon na ako sa higaan ko at pinagbuksan ng pinto si Kendrix.

"Baket? Ano bang problema mo ha?" sabi ko habang naka hawak sa puson ko.

He look at me so wierdly.

"Wala lang. Napano ka? Ano yung masakit sayo?" Tanong niya.
"Ah wala. Masakit lang yung puson ko."  sagot ko.

Bakit ba kasi ganyan siya makatingin? Ano bang problema ng mokong na to?

"Saglit lang Athena okay? Babalik agad ako." sabi niya habang nag mamadaling umalis.

Ha? Saan naman kaya pupunta ang mokong na yun? Ang wierd niya ah. Ganon ba yung epekto pag nag nakaw ka ng panty ng iba? Kaloka! BAKLANG TO! -______-

Pero nakalipas na ang 30 minutes, hindi parin bumabalik si Kendrix. Saan kaya siya nag punta? Eh kanina pa yun umalis ah. Baka napagtripan na siya ng mga adik diyan sa labas. Hay ano ba yan! Nag aalala nanaman tuloy ako. Naupo ako sa sofa at hinintay ang pagdating niya. Hindi ako mapakali eh. Nasaan na kaya yun? Maya maya pa, dumating na siya.

"Oh Athena? Ano yung ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya.
"Hinintay ko kasi yung pag balik mo. Nag aalala kasi ako sayo eh. Akala ko nga kung mapano kana eh. Saan ka ba kasi galing ha?" tanong ko.

Pero imbis na sagutin niya ako, ngumiti lang siya at tinitigan ako na parang ewan. Bakit ba ganyan siya makatingin? Ano bang problema neto?

"Ah wala. Bumili lang ako ng gamot at sanitary napkin para sayo." sabi niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko? BUMILI SIYA NG SANITARY NAPKIN PARA SAAKIN? SERYOSO BA TO? O_____o

Kumuha siya ng tubig at gamot tapos  ibinigay saakin.

"Eto gamot oh, para mawala na yang sakit ng puson mo." sabi niya sabay abot ng gamot at tubig saakin.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng dahil sa effort na ginagawa niya para saakin. ANO TO? HUSBAND DUTIES? CHAROT! HAHAHA! AARTE PA BA AKO? ISANG KENDRIX LEE NA YAN OH. GRABE! ANG POGI NAMAN NG DOCTOR KO. HEHEHE!

Ininom ko nalang yung gamot at bumalik na sa kwarto ko.

"Athena kung may kailangan ka tawagin mo lang ako okay?" sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Makalipas na ang 15 minutes ng pag inom ko ng gamot, hindi parin nawala yung sakit ng puson ko. JUICECOLORED! NAKAKALOKA! Pakiramdam ko pinipilipit ang sikmura ko tapos parang gusto ko na umiyak sa sobrang sakit eh. Huhuhu! T_____T

Maya maya pa, pumasok si Kendrix sa kwarto ko para i-check ako.

"Athena kamusta na yung pakiramdam mo? Okay kana ba?" Tanong niya.
"Hindi Kendrix. Masakit parin eh." sagot ko.

Lumapit siya saakin tapos naupo siya sa kama ko.

"Dumapa ka Athena. May gagawin ako sayo." Sabi niya habang may blankong reaction sa mukha.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya. Agad kong kinuha yung kumot ko at itinakip sa katawan ko. JUICECOLORED! ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO. HINDI NA AKO MAKAHINGA SA SOBRANG BILIS NG TIBOK. NAKAKALOKA! T______T

"ANONG GAGAWIN MO SAAKIN HA? GAGAHASAIN MO AKO? PAG SASAMANTALAHAN MO YUNG KATAWAN KO? SIGE! SUBUKAN MONG GAWIN YUN SISIGAW TALAGA AKO DITO!" sigaw ko.

Bigla niya akong tinignan na parang ewan ng dahil sa sinabi ko.

"Ha? Gagahasain agad? Hindi ba pwede imamasahe ko lang yung lower back mo para mawala na yung sakit at para makatulog ka na din. Diba nga? How many time do I have to tell you na nirerespeto ko ang lahat ng mga babae. Lalo na ikaw. Grabe yung respeto ko sayo Athena. Ginagawa ko to kasi you are so special para saakin." seryosong sabi niya.

Bigla akong natahimik ng marinig ko ang sinabi ni Kendrix. Nakakaloka ka naman kasi Athena. Masyado kang judgemental eh. Hindi na ako sumagot at dumapa nalang. Habang minamasahe ni Kendrix yung lower back ko, medyo nawala na yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

Itutuloy...

המשך קריאה

You'll Also Like

5.7K 58 81
Sa Pagmamahal,hindi naman porke't mahal mo na siya,makukuha mona!Sadyang minsan may mga taong nakatakda din para sa atin.Hindi mo naman pwedeng ipili...
12.7K 716 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
14.4K 143 15
ANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN...
5.8K 259 12
MISSION: Find Mr. Right (Completed)