Just the Girl

By AyoshiFyumi

22.8K 868 200

Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang lang... More

BUOD
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Author's Face Reveal
KABANATA 41
KABANATA 42
Author's Note
KABANATA 43

KABANATA 36

203 15 5
By AyoshiFyumi

KABANATA 36


"Red, saan ka pupunta? Bakit ang layo mo?"

Nakatalikod si Red sa kaniya at hindi siya nito nililingon.

"Red!" tawag niyang muli. Pero nagtataka siya kung bakit hindi siya makagalaw na animo'y may pumipigil sa kaniya.

"Red?! What the hell?! Bakit ka lumalayo? Red!"

Habang tumatagal ay palayo nang palayo sa kaniya si Red. Binuhos na niyang lahat ang lakas niya para makagalaw para mahabol ito pero hindi pa rin siya makaalis sa kinatatayuan niya. Malayo na si Red at halos wala na ito sa paningin niya.

Iyak siya nang iyak habang sumisigaw. Litong-lito siya kung ano ang nangyayari. Bakit ganoon ang ginawa ni Red? Bakit lumayo ito? Isang sigaw pa siguro ang kaylangan niyang gawin para lumingon ito.

"Red—!"

"Red!"

At nagising si Miah na habol ang hininga mula sa masamang panaginip. Napahawak siya sa dibdib at uminom ng tubig na nasa bed side table niya. Ramdam din niya ang matinding pawis sa noo at likod.

She took her phone at agad tinawagan si Red. Isang minuto halos niyang pina-ring ang telepono ni Red nang sa wakas ay sumagot din ito.

"Yes, baby. What happened?" husky ang boses ni Red sa kabilang linya at halatang nanggaling ito sa mahimbing na tulog.

"R-Red..." she's still crying from her bad dream. Narinig niya ang pag panic ni Red sa kabilang linya.

"Miah, what happened?" ramdam niya ang nag aalala nitong tinig sa kabilang linya.

"Red, I had a bad dream..." she sobs.

"Wait me there. I'll be there in 3 minutes."

Gaya ng sinabi nito ay nakarating agad ito sa bahay nila. Naka hoodie jacket ito, magulo ang buhok at magkaibang tsinelas pa ang naisuot. Halatang nagmadali talaga itong makarating sa kanila.

Nang makalapit si Red sa kaniya ay agad siya nitong kinulong sa mga braso nito.

"I'm here now." Sabay halik nito sa noo niya.

"I don't know if I can go back to sleep." She said.

Hinagpos ni Red ang ulo niya. "Do you want me to sleep here? I mean, babantayan kita until na makatulog ka before ako matulog."

She nodded. She needs him right now.

They are both lying in her bed. Hindi naman ito ang unang beses na nagtabi sila ni Red matulog. But knowing that he is beside her ay nawala lahat nang naging takot niya dahil sa masamang panaginip.

She hugged him tightly. "Don't go..." aniya.

Red hugged her back. "I won't." Anito habang hinahagkan ang noo niya.

Now she feels safe. Yakap pala nito ang kaylangan niya para mawala ang takot na naramdaman niya. Unti-unti ay nakaramdam na siya ng antok.

"Sleep well. I love you." Narinig niyang sinabi ni Red bago siya tuluyang nakatulog. Napangiti siya.


"'MA, are you sure?" hanggang ngayon ay nakamaang pa rin ang bibig ni Red nang sabihin ng ina na mag reretiro na ito sa pagtuturo sa Elementary. Ilang taon na nga naman itong guro sa nasabing school.

"Yes, anak. The orphanage needs me more. Malaki ang utang na loob ko doon kaya panahon na ata para bumawi ako. I'm gonna work there full time. But don't worry uuwi naman ako ng madalas dito."

"Ma, parang biglaan naman ata?" he's still confused.

"You're in your fourth year in college. Thesis making niyo na, after that is OJT. Malamang sa Manila ka mag o-OJT then pwede na tayong magkasama roon." Nakangiti ang ina niya nang sabihin iyon. Pero parang hilaw?

Hindi alam ni Red kung anong sasabihin. Are they gonna leave this place for good? Paano itong bahay na ipinundar ng kaniyang ina? Ngayon ay maraming mga tanong ang gumugulo sa isip ni Red.

He's not familiar in Manila though. Bibihira lang naman siya makarating doon kapag kaylangan lang or may gala ang barkada. But he never stayed there for too long. He doesn't know how to live there. Mas gusto niya pa rin dito sa probinsya.

And he still undecided if he's gonna work there after he graduate dahil mas gusto niyang patakbuhin nang full time ang coffee shop para mabayaran na niya iyon ng buo.

Napabuntong hininga siya. Ilang taon na rin halos na sa tuwing bakasyon, or araw na pagkakataon ay palaging nasa Manila ang ina para mag volunteer sa orphanage. May minsan pang ilang buwan itong hindi umuuwi.

But looking at her mother now, malaki ang ibinagsak ng timbang nito.

"Ma, are you on a diet?"

Napahinto sa pag inom ng tubig ang ina. Ngumiti ito at hinagpos ang pisngi niya.

"Nauubos ang energy ko minsan sa mga bata sa orphanage. Hindi ko na kayang sabayan ang kakulitan nila."

He still not convinced.

"Ayaw mo n'on? Sume-sexy ako?" biro pa nito.

He sighed. "You're always beautiful, 'Ma. Nakakaalarma lang na ang laki ng ibinagsak ng timbang ninyo."

"I'm fine, Red." Sabay gulo nito sa buhok niya.

But they're still not done talking about her staying in Manila. He won't mind being left alone in their house pero nabibigla siya sa desisyon ng ina.

"Ma, tell me. Are there things na hindi mo sinasabi sa akin?" he said in a serious tone.

"Red, please. I'm tired right now. We're done talking." Tumayo na sa kinauupuan ang ina. "And my decision is final."

Hindi na nakaimik si Red at hinatid na lamang niya ng tingin ang ina patungo sa sariling silid nito.


"WHERE are we going?"

Si Red ang nagmamaneho ng Volks na sasakyan habang si Miah naman ay confused sa lugar na pupuntahan nila.

"It's a surprise." Ani Red at ngumiti. Lumabas ang biloy nito.

Pinagmasdan ni Miah ang route na tinatahak ni Red. Sa nineteen years niyang nakatira dito sa Candelaria ay never pa siyang nakarating sa lugar na ito. Malayo na ito mismo sa bayan at patungong Tiaong Quezon na. Pero may pinasukan silang papasok na kanto. Maraming bahayan sa bukanan pero nang lumalayo na sila, lampas sa tubuhan at maisan ay bibihira na lamang ang bahayan. Pulos mga palayan ang nakikita nila at puro bukirin. Marami naman siyang nakikitang tao pero ito ang unang beses niyang nakarating sa lugar na ito.

"Where are we?" confused na niyang tanong.

"We are in Buenavista West. There's a school over there." Nguso ni Red sa nilampasan nilang public school.

"Woah. It's huge. Ano'ng school 'yon?"

"It's Bukal Sur National High School. I have a friend na nag aaral doon." Sagot ni Red. Ang dami nitong alam na lugar sa Candelaria na hindi niya alam.

"Bakit mo alam ang school na iyon?"

"Ah, way back in high school. Since ako ang presidente ng student council kaya madalas kami pumunta sa ibang school for other activity lalo na kapag may school academic competition. It's a nice school. Kaya nilang makipagsabayan sa private and I heard one of the students there, beat the LMI in quiz bee four years ago."

"Oh, I see." Wala naman kasi siyang pake sa ganap noong high school. Ewan ba niya kung bakit wala siyang interest sa mga pakulo ng school. Mas gugustuhin pa niyang umuwi ng maaga sa bahay at matulog.

"Gusto ko ang mga bahay dito. Ang gaganda ng disenyo at parang mayayaman." Aniya nang hindi matanggal ang tingin sa bawat dinadaanan nila.

"I'm sure you will love here." Confident na turan ni Red habang banayad na nagda-drive.

Huminto na ang sasakyan sa isang lugar kung saan na malalayo ang distansya ng mga bahay.

"Let's go." Yaya ni Red at hinawakan nito ang kamay niya. Nagsimula na silang mag lakad nang manlaki ang mga mata ni Miah.

"Lake!" sigaw niya. "It's a lake!" hinila na niya si Red palapit sa malawak na sapa. Sinuyod niya ang bawat tabihan niyon na may kabahayan.

"Red! Bakit ngayon mo lang ako dinala rito?!" atungal niya. Manghang-mangha siya sa paligid. She even removed her shoes para ma-feel ang lambot ng magandang damuhan.

"I'm actually planning to bring you here before kaso masyado tayong busy. Since nagka oras tayo so dito kita ide-date ngayon."

Niyakap niya ng mahigpit si Red. "I like here! I love this place!" bumitaw siya ng yakap kay Red at sinamyo ang sariwang hangin.

"Aah! I wanna live here." Aniya sa sobrang pagka-inlove sa lugar.

"Then we will live here." Seryosong turan ng kaniyang nobyo.

Umupo si Red sa damuhan at pinalapit siya nito. "Come sit here." Sumunod siya at umupo sa harap nito. Red hugged her tightly na akala mo ay tatakbuhan niya ito. She smiled. She even leans her head to his shoulder.

"I want us... to make plans for our future."

Napalingon si Miah kay Red. "I like that." Then she smiled.

"And same as you, I want to live here. I also fell in love in this place noong una akong nakarating dito. And ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko." Red closed his eyes at ipinatong niya ang noo niya sa balikat ni Miah habang yakap niya ito.

"I want to live here with you. I want to spend the rest of our lives in this place."

Hinawakan niya ang kamay ni Red. "Ako rin. Ako rin, Red. Then let's finish our studies. Let's get a good job. Bumili tayo ng lupa dito at patayuan ng bahay kahit simple. Let's get married. Let's have kids. Let's create a family. Let's create home..."

Napamaang si Red sa mga sinabi ni Miah. He's about to cry. He nodded and smiled.

"Of course, baby. Let's do that. Let's study hard so we can achieve our goals."

She kissed him passionately. "Stop crying, you cry baby!" she laughed.

"I'm just happy!" humalakhak si Red. "Then, this is a promised."

Pinagsalikop nila ang mga kamay nila. "Yeah. Promised."


"SO may mga for rent dito ng bangka?"

Miah asked while she's munching her sandwich.

Red nods. "After we finish eating, sakay tayo sa bangka." Aniya.

Mukhang na-excite si Miah. "Woah. First time kong makakasakay sa bangka. I'm kinda nervous."

"As long as na hindi ka maglilikot, then we're safe."

Sumimangot si Miah. "Hindi ako malikot."

"Oh yeah? Sa tuwing magkatabi tayo matulog para kang ipo-ipo." He teased.

Inirapan niya si Red. "Ikaw nga grabeng makayakap." Pang balik asar niya.

"Of course. Nakakapag selos naman kasi 'yong hotdog mong unan. Sa big bear ka na lang yumakap every night. You know who's that big bear."

"Yeah, you." Ngumiti si Miah. After niyang managinip ng masama ay tuwing gabi na niyang katabi matulog si Red. Yeah, doon na mismo ito natutulog sa bahay nila. At katabi niya. But she wonders...

Never nilang ginawa ang bagay na iyon. Although they are having an intense kiss, may time din na nagiging malikot ang kamay ng boyfriend niya sa katawan niya, but Red never claimed her.

There's a part of her that she really wants to know why.

Na-share sa kaniya ni Tiffany, since ang huli ay open sa kaniya sa lahat ng bagay, nagkwento ito tungkol sa nobyo nitong si Gino. They are active in love making. Halos mamula ang mukha ni Miah sa mga kwento ni Tiffany, pakiramdam din niya ay ang uminit ang tenga niya.

"Glad that you're still not get pregnant!" Halos gusto niyang batukan ang kaibigan. She wondered kung si Gino ba ay nagkukwento rin kay Red. Of course! Boys will be boys!

"Marunong si Gino. And we always used protection naman." Tumawa pa ang babaeng labanos.

Napa-facepalm siya. "Mag-iingat kayo. I know the both of you ay legal sa pamilya niyo, pero you know..."

"Yeah, Miah. Thanks for your concern. But I think it's really normal sa couple." Biglang natigilan si Tiffany. "So kayo nii Red never..."

Tinakpan niya ang bibig ni Tiffany. Seriously, masisiraan talaga siya ng bait sa babaeng ito.

"Hindi namin napapag-usapan. At tsaka, we shared an intense kiss pero 'di kami pumupunta sa point na iyon. Hindi ko alam sa kaniya." Nagkibit balikat siya.

Napabuntong hininga si Miah nang maalala niya ang usapan nilang iyon ni Tiffany two weeks ago.

"Miah, I never had a chance to dance with you noong JS Prom natin. Hindi ka naman kasi nag attend." May pagtatampo ang tinig nito.

"Kahit na um-attend ako that time, it's impossible na magkakasayaw tayo. We hated each other before." She laughs as she remembers the past.

<Please play the video>

"No, I'm still gonna ask you for a dance. It's up to you if you're gonna reject me or what."

Inisip ni Miah, what if nag attend siya noong JS Prom nila? Then Red asked him for a dance? Maybe she will accept his hand. Gusto niyang makitang nadudurog ang puso ng mga schoolmate niyang mga hitad na babae if ever na binibigyan siya ng atensyon ng isang lalaki.

Red took his phone in his pocket at nag play ng music. Miah's not really familiar with the song but it's nice to hear.

"Shall we?" yaya ni Red sa kaniya.

"We're gonna dance here right now?" natatawa siya. Tutal masarap naman sa paa ang damo at kapwa silang naka paa.

Hinawakan na niya ang kamay ni Red. Inayos nito ang kamay niya sa balikat nito at ipinulupot nito ang mga braso nito sa katawan niya.

And they start to dance.

She's not really a good dancer. Bahala na. Wala naman siyang suot na takong. She just leans her head to his chest. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito. This is her favorite sounds to hear, his heartbeat.

Nakailang kanta ata ang isinayaw nila nang mapatingin sila parehas sa makulimlim na kalangitan.

"Let's go home, mukhang uulan na." ani Red at nagsimula nang ayusin ang mga gamit nilang dala.

Tumango siya. She doesn't want to leave this place yet. Kaso mukang magsusungit ang kalangitan pansamantala.

Nasa byahe na sila nang bumuhos na ang malakas na ulan, kung bakit ba naman tuwing hapon ay madalas umulan sa Candelaria.


THEY are both lying in bed and about to sleep. Pero parang hindi dinadalaw ng antok si Miah dahil ukopado pa rin ang isip niya ang katanungang gumugulo sa isip niya.

"Gusto mo ipagtimpla kita ng gatas?" ani Red at niyakap siya ng mahigpit. Malamig ang kasalukuyang klima dahil sa hindi pagtigil ng ulan. And his hugs are so warm.

Umiling siya at humarap kay Red na nakapikit na. Tinitigan niya ito.

"You don't want to do it with me?" bigla niyang bulalas. Huli na nang marealize niyang kusang lumabas iyon sa bibig niya.

Agad nagmulat si Red at siya kaagad ang nakita nito. He's staring at her na parang ina-analyze nito kung seryoso ba ito sa tanong niya.

"What do you mean?" napakunot ang noo ni Red pero kapagkuwan ay ngumiti ito. "Something bothering you?"

"We've been in this relationship for almost four years. We even sleep together... but we never did that thing..." Aniya at nilubog ang mukha sa unan sa sobrang hiya. She just wanna know his reasons. Bakit nga ba?

Narinig niya ang paghagikhik ni Red.

"Why? 'You wanna do it?" balik tanong nito.

Napu-frustrate na si Miah. "Urgh! Nevermind! I'm gonna sleep!" sabay talukbong ng kumot."

Pero tinanggal iyon ni Red at pumaibabaw ito sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa pisngi niya. May iba pa siyang nararamdaman sa baba. His bulge! Miah never saw Red's manhood pero sure siyang he is big down there.

"Kung alam mo lang kung gaano ako katindi magpigil na hindi ka angkinin. Of course, I wanna do it with you. Only with you." Sabay halik nito sa leeg niya. He's still on the top of her habang hawak na nito ang dalawa niyang kamay. Wala na siyang kawala.

"But... this is not the right time for us even if we want it right now. And if you're not gonna behave, I might claim you tonight."

Saka nito sinakop ang mga labi niya na animo'y uhaw na uhaw.

"I love you so much, Miah." Husky na ang boses nito.

"I love you too." She responded.

"I am willing to wait for the right time. Gusto ko kapag ginawa natin iyon ay sure akong may panganay na agad tayo."

Nanglaki ang mga mat ani Miah. "What the—"

Tumawa si Red.

"Nakakatawa pero seryoso ako sa part na iyon." Anito.

"Kainis ka."

Umalis na ito sa ibabaw niya at niyakap siya habang hinahagkan sa noo.

"Let's sleep, baby. Maaga pa tayo sa school bukas." Anito at pinatay na ang lampshade.

Tahimik na ang isip ni Miah. Alam na niya ang rason nito. And she's willing to wait also, kahit na gusto niyang ma-witness kung gaano ba kalaki ang mayroon si Red.

Minura niya ang sariling isip dahil sa mga bagay na pumapasok sa utak niya.

Gagi ka Miah matulog ka na ikalma mo sarili mo.



Don't forget to vote and comment! <3 Expect my UDs this week basta let me feel na mayroong nagbabasa. Hahahaha! Take care guys!

Continue Reading

You'll Also Like

16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
1.3M 18.9K 56
High school friendship.
10.1M 143K 54
[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang mak...
9.9M 122K 115
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...