Dear Future Boyfriend

By Alesana_Marie

32M 775K 85.5K

Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [C... More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Message #1
Entry #6
Entry #7
Message #2
Message #3
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Entry #11
Message #4
Message #5
Entry #12
Entry #13
Message #6
Entry #14
Message #7
Entry #15
Entry #16
Entry #17
Entry #18
Entry #19
Entry #20
Entry #21
Entry #22
Message #8
Entry #23
Message #9
Entry #24
Message #10
Message #11
Message #12
Entry #25
Entry #26
Message #13
Entry #27
Call #1
Entry #28
Entry #29
Message #14
Entry #30
Message #15
Message #16
Message #17
Message #18
Message #19
Entry #31
Call #2
Message #20
Entry #32
Message #21
Entry #33
Entry #34
Entry #35
Message #22
Message #23
Entry #36
Message #24
Entry #37
Entry #38
Message #25
Entry #39
Entry #40
Entry #41
Entry #42
Entry #43
Entry #44
Entry #45
Message #26
Message #27
Entry #46
Kayleen
Kayleen
Entry #47
Kayleen
Entry #48
Kayleen
Kayleen
Important Note
Entry #49
Entry #50
Entry #51
Entry #52
Entry #53
Entry #54
Message #28
Entry #55
Entry #56
Entry #57
Message #29
Message #30
Entry #58
Entry #59
Message #31
Entry #60
Message #32
Entry #61
Entry #62
Message #33
Entry #63
Message #34
Entry #64
Message #35
Entry #65
Entry #66
Message #36
Message #37
Message #38
Entry #67
Entry #68
Kayleen
Kayleen
Entry 69
Entry #70
Kayleen
Entry #71
Message #39
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Entry #72
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Extra Chapter

Kayleen

199K 5.6K 1.4K
By Alesana_Marie

Kayleen

“Ashleen!” bati ko sa bestfriend ko nang buksan nya ang pinto.

Naririnig ko na ang tugtog ng banda ni Ashton mula sa basement ng bahay.

“Okay na ba ang tyan mo Kayleen?” Niyakap nya ako at hinila sa kamay papasok sa bahay nila. “Bitin ang bonding natin kahapon.”

Naalala ko ang sinabi kong rason kay Ashleen kahapon. Muntik ko nang makalimutan!

“Ay, oo nga.” Nginitian ko sya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong tupperware na may laman na tarts. “Para sa inyo nga pala. Ginawa ko kagabi.”

“Wow! Kayleen ang dami naman nyan.”

“Hehe! Di kasi ako nakatulog masyado kagabi eh.” Nahihiyang pag-amin ko. Kasi yung kapatid mo Ashleen, pinakilig ako masyado kahapon.

Pumunta kami sa kusina at inilipat ng lalagyan ang mga tarts. Inilagay namin iyon sa isang malaking serving tray.

“Kanina pa ba sila nagpa-practice?” tanong ko sa kanya habang nag-lilipat ng tarts. Nagva-vibrate sa sahig ang tunog ng drums at electric guitars.

“Sina Ashton? Oo kanina pa silang tanghali nakakulong sa basement. Kailangan kasi nilang makapasa sa exam ng Music School na papasukan nila.”

“By group ba yung exam?”

“Pwedeng tumugtog by group para magkakasama sila sa classes. Pero kailangan parin tumugtog ng solo para makapasa.”

“Sana makapasa sila.”

“I’m sure Sissy na makakapasa sila. Inalok na nga sila na mag-aral doon ng isang school board member. Ang kailangan nalang nilang gawin ay mapahanga ang iba pang members ng board at pasok na sila.”

“Wow. Ang galing naman nila.”

Bigla nalang napuno ng pride ang dibdib ko. Ang galing nina Ashton! Sigurado malayo ang mararating nila. Nakaramdam ako ng takot kasi baka mawala sya sa akin. Hah! Hindi pa nga kami pero inaangkin ko na sya. Kahit na ano pa man ang mangyari, kailangan ko syang suportahan.

“Tara muna sa kwarto.”

Napatigil ako sa pag-lalagay ng tart. “H-Hindi ba tayo manonood sa kanila?”

“Gusto mong manood?”

“Eh. Oo, gusto ko sana silang mapanood.”

“Hindi ko alam kung pwede tayong manood dun ngayon Sissy eh. Binilinan kasi ako kanina na hwag basta papasok don. Kailangan kasi nilang mag-concentrate sa pag-tugtog.”

“Ah, ganon ba?” Nakaramdam ako ng pagkadismaya.

“Di bale, mamaya kapag tumigil sila tanungin natin kung pwede tayong manood.”

“Hmm.” Tumango ako. Sayang naman.

“Manood muna tayo ng movie sa kwarto ko. May mga binili akong DVDs sa Japan. Kumpleto ko na yung Rurouni Kenshin. Panoorin ulit natin yung last part. Ang gwapo talaga ni Takeru Sato, ang galing nya!”

Iniwan namin sa lamesa ang tarts at tinakpan saka kami umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto nya. Natukso akong silipin ang kwarto ni Ashton na katapat lang ng kwarto ni Ashleen, pero nakasarado iyon. Na-realize ko lang na hindi ko pala masyadong kilala pa si Ashton. Pakiramdam ko na-miss ko ang kalahati ng buhay ko. Ano ba ang ginagawa ko noon na hindi ko nabigyan pansin si Ashton? Naging snob ba ako sa kanya?

Dumiretso si Ashleen sa CD rack nya samantalang ako naman ay umupo sa kama nyang pink na pink. Mas dumami rin ang stuff toys sa kama nya. Siguro nabili nya sa Japan at Hongkong ang mga ‘yon.

“Ashleen nagkita na ba kayo ni Alex?”

“Hmm. Oo, kaninang umaga nandito sya. Pero umalis din sya after lunch kasi may pupuntahan sila ng Mama nya.” Lumapit sya sa DVD player at mayamaya lang ay nag-play na ang movie.

Habang nanunuod kami ng movie ni Ashleen hindi ako mapakali. Palagi akong tumitingin sa pintuan, baka kasi pumasok si Ashton. Alam kaya nyang dumating ako? Pero nang makarating kami sa part kung saan puro action na, hindi ko na maalis ang mga mata ko sa malaking screen ng TV. Ang bilis ng kilos ng mga samurai, hindi ko masundan masyado. Nakakamangha talaga ang mga galaw nila. Siguro ang daming pasa nila bago na-perfect ang mga galaw nila.

Napaatras ako sa kamang inuupuan ko nang makita ko si Shishio. Nakakatakot talaga sya! Napatingin naman ako sa nadaganan ng kamay ko. Kinuha ko ang tablet na natatakluban ng puppy stuff toy ni Ashleen.

“Ashleen sa’yo ‘to?”

Saglit syang lumingon bago muling tinitigan ang TV. “Kay Ashton yan. Pinagawa ko kasi kina Alex. Binigay kanina.”

Nang marinig ko ang pangalan ni Ashton, lumundag ang puso ko. Hawak ko ang tablet nya! Nawala na sa movie ang atensyon ko. Hinawakan ko ang tablet na parang doon nakasalalay ang future ko. Ano kaya ang mga apps sa loob nito? Ano kaya ang games na nilalaro nya rito? May pictures kaya sya rito?

Sobra akong na-excite na buksan.

“Ano’ng sira nito?”

“Yung screen kasi nabasag.”

Pinakatitigan ko ang tablet na hawak ko. Matibay ‘tong brand ah, bakit kaya nabasag? Sinubukan kong i-open kaso may lock.

“Pwede ko ba ‘tong buksan?”

“Hmm? Sure,” sagot nyang hindi lumilingon sa akin.

“Ano’ng password?”

“Letter N.”

Bakit kaya letter N? Ano kaya ang meron sa letter N? May crush kaya sya na letter N ang start ng pangalan? Baka naman Nirvana lang. Masyado akong nag-iisip.

Kinapa ko na ang letter N para ma-unlock. Kaso bago ko pa sya tuluyang mabuksan bigla nalang may humigit ng tablet mula sa mga kamay ko. Nakita ko si Ashton na nakatayo sa harap namin ni Ashleen. Hawak nya ang tablet sa isang kamay at ang strawberry tart na may kagat na sa isa pa nyang kamay.

“Ashton!” nakangiti kong bati sa kanya. Ang cute nya! Naka-blue sya na shirt na may nakakatuwang cartoon character.

May dumaang emosyon sa mukha ni Ashton na hindi ko nasundan. Parang kaba? Kinakabahan siguro sya dahil sakin! Eeeeh!

“Bakit kayo nandito lang sa kwarto?” tanong nya sa akin.

“Sabi kasi ni Trisha hwag muna raw kayong abalahin sa practice,” paliwanag ni Ashleen. Nakatutok parin ang mga mata nya sa labanan nina Kenshin at Shishio.

Umupo si Ashton sa tabi ko at nakinuod. Inubos nya ang tart sa kamay nya. Makalipas ang ilang minuto tumingin sya sa akin.

“G-Gusto mong manood sa practice namin?” tanong nya ulit sa akin.

Tinanong nya ako! Nakangiti akong tumango sa kanya. Nginitian naman nya ako agad. Nag-wala na naman ang puso ko dahil sa nakakanginig nyang ngiti. Hay Ashton, kung alam mo lang ang epekto mo sa akin. Kailan mo ba balak magpakilala bilang Mr Creeper? Sa debut ko ba? Ngayon nalang please!

Tumayo na kaming dalawa mula sa kama.

“San kayo pupuntang dalawa?”

Nakatingin na sa amin si Ashleen. Nagtataka ang mukha nya. Naka-pause ang pinapanood nyang movie.

“Manonood ng practice,” nakangiti kong sagot.

Nagulat si Ashleen sa sagot ko. Tumayo rin sya at in-off muna ang DVD at TV.

“Sama ako,” naka-pout nyang sabi.

Bumaba kaming tatlo ng hagdan. Nakita ko sina Warren sa kusina, kumakain din sila ng strawberry tart na gawa ko.

“Uy! Nandito na pala si Strawberry!”

Nakatingin sa akin ang bandmates ni Ashton na sina Warren, Trisha at Gio. Nasalubong ko ang tingin sa akin ni Trisha. Lumipat ang tingin nya sa katabi kong si Ashton. Nakalimutan ko na may gusto nga pala sya kay Ashton! Kinabahan ako bigla. Ang ganda ni Trisha. Sandali ko palang syang hindi nakikita pero mas gumanda sya ngayon. Iba na ang kulay ng buhok nya, kulay light brown iyon na may pink sa dulo.

“Ako?” turo ko sa sarili ko.

“Oo. Ikaw ang reyna ng strawberries,” biro nya at muling kumagat sa tart. Bagay na syang maging model sa TV, mukha kasing nag-eenjoy sya talaga sa kinakain nya.

Namula ako.  

“Warren,” saway sa kanya ni Ashton.

“Ang dami kasi nyang dinalang strawberries dito sa bahay nyo Ashton.” Nanginig ako nang magsalita si Trisha. Alam nya! Alam nyang gusto ko si Ashton. “May tanim ba silang strawberry sa bahay nila?”

Hindi ko gusto yung tono ng salita ni Trisha. Yung paraan kasi ng pagkakasabi nya, parang nang-iinsulto sya. Wala naman syang masamang sinabi pero iba rin kasi sya makatingin.

“Galing kasi akong baguio kaya nakapag-bake ako ng maraming strawberry tarts at pie.”

“Ganon ba? Sayang naman. Akala ko kasi nagbebenta ka. Magpapagawa pa naman sana ako.”

“May pie?” tanong ni Warren. “Saan yung pie?” umikot sya ng tingin sa kusina.

Si Ashleen ang sumagot sa tanong ni Warren. “Ubos na. Kinain na lahat ni Ashton kagabi.”

Bigla naman akong sumaya sa narinig ko. Parang musika sa tenga ko yung narinig ko mula kay Ashleen kahit na alam ko naman na katulad ko, hindi sya marunong kumanta. Nagustuhan ni Ashton yung binigay kong pie. Gusto kong gumulong ulit sa kama. Ang saya kiligin!

“Tayo na nga bumalik sa practice!” parang galit na sabi ni Trisha. Nauna syang pumunta sa basement.

Nakasunod si Warren na may dalawang tarts na hawak. Halos mapuno na ang buong bibig nya sa pag-subo ng buo sa isang tart. Nag-thumbs up sya sa akin bago nya ako lagpasan. Si Gio na hindi nagsasalita ay may kinakain din na tart. Tumapat sya sa akin at gamit ang malamig na boses ay sinabi nyang; “Gawa ka ulit next time.” Yun na yata ang way nya para sabihin na masarap yon.

Ngumiti ako sa kanya at lumakad na sya pabalik sa basement.

“Wow, nagsalita si Gio. Iba talaga ang powers mo Sissy! Napabilib mo sya!” masayang sabi sa akin ni Ashleen. Nakipag-highfive pa sya sa akin.

Kumuha rin si Ashleen ng tart at pumunta sa basement. Nakasunod kami sa kanya ni Ashton. Napa-igtad pa ako nang maramdaman ko ang palad ni Ashton sa likod ko. Nakaalalay sya sa akin sa pag-baba ng hagdanan. Ang init talaga ng kamay nya. Sana lang hindi nya maramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Sigurado ako, nagwawala na yon sa loob ng katawan ko! Ang sarap sa pakiramdam!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 11 1
Nagsimula lahat sa dyipni. Dun din nagtapos. Parang yung nararamdaman ko para sayo - humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gust...
16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
59.3K 3.6K 15
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
13.3K 1.2K 27
Masayang nagsusulat si Venny sa Wattpad. Everything was going well for her hanggang sa nilamon siya ng inggit at ninais na maging sikat na manunulat...