Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 21

562K 31.5K 40.5K
By jonaxx

Kabanata 21

Cat


Itinayo raw ang bagong checkpoint na nabangga ko noong nakaraan dahil natunugan na mayroong movement ang rebelde roon. They were spotted very close to the end of our land, the reason why there is enhanced visibility of the army in the area.

Mabuti na lang at marami kaming security guard. Nang narinig ang putukan, nagsilabasan agad at agad din kaming naisugod sa ospital.

Nasa emergency room ako ngayon, at ginagamot na ang daplis. Mababa lang ang sugat, ayon sa nurse. Kaya iniisip kong umuwi na kaso naroon pa ang iilang mga police.

The Mayor was also alerted. I was a big asset to the whole Negros and the terrorist activity is something that the province is fighting. Katatapos lang ako tanungin ng mga pulis tungkol doon.

"Tama na!" si Soren na iritado na at pinapaalis na sa emergency room ang mga nagtatanong.

"Sir, utos ni Governor, pasensiya na," ang mga pulis.

Umalis sila at nakita ko sa pintuan ang pagpasok ng iilang unipormadong lalaki. The tall one was Alvaro. Gumillid ang mga pulis dahil nasalubong nila. Nahanap agad ni Alvaro ang mga mata ko.

My heart beat wildly kaya imbes na tumingin sa kanya, sa ginagamot na sugat na lang ako tumingin.

"Captain," the Mayor called.

My eyes slowly crept on them. Kaharap na ni Alvaro si Mayor at papasok na rin ang Dad ni Soren na ngayo'y gobernador. Then, it was his grandfather.

"Dad," salubong ni Soren.

"Captain," the governor greeted Alvaro too.

"Puwede ka pong magpahinga rin dito sa ospital, Miss Valiente."

"Ah, uuwi na lang ako," sabi ko.

Nakita kong pumasok na rin si Tita at Tito na agad dumalo sa akin. Lumapit na rin si Mayor kasabay nila at muli, pinasabi sa akin ang totoong nangyari.

"Are you alright?! I nearly had a heart attack after receiving the call!" si Tita.

"Tita, huwag n'yo na lang munang sabihin kay Aria. Kaalis lang nila ni Romulo."

"Iyan pa talaga ang iniisip mo samantalang nag-aalala kami ng Tito mo?!"

"Mayor, how about we increase the visibility around our land. Iyon ikasi talaga ang dulo na ng Altagracia, puwedeng umalis ang mga iyon diretso sa Canlaon," si Tito.

"I'll have this investigated but... yes, Captain Santander thinks that while the investigation is going, we will take precautions and increase police or army visibility area."

"Bakit naman siya pagtatangkaan? Walang kaaway si Yohan!"

"This could either be for Soren Osorio..." sabay tingin ng Mayor sa Governor. "Maraming galit sa kanila at partikular na kalaban ng mga rebelde. O puwede ring kay Miss Valiente dahil sa usap-usapan ang tungkol sa pagtakbo mo bilang Vice Mayor."

"Oh she won't!" giit ni Tita.

Umilihng din ako dahil walang plano. Naging tsismis lang iyon dahil sa shelter at klase klaseng tulong na ibinigay ko sa bayan.

"A Valiente ruling Altagracia is good for the terrorists, but if it was Enrique. You are different so... Well... this could be another angle. Huwag muna tayong magconclude ng kahit ano."

Umiling ako. "Hindi po ba titingnan ang angle na unrelated 'to sa terrorist, Mayor? What if those were just thieves? Riding in tandem?"

"Thieves with a gun, waiting near the gate of your sugarmill, Yohan?" si Alvaro.

Nagtinginan sa likod sina Tita at ang Mayor. Nahati sila at nakita ko siyang mariin ang tingin sa akin. Natahimik ako.

"For now, increase your security. Mas mabuti ring may bodyguard ka. Bakit nga ba wala?" si Mayor.

"I don't find it necessary. Malapit lang ang bahay sa sugarmill."

Tita wailed. "I cannot believe this! Dapat ay paigtingin na natin ang seguridad! At dapat bilisan din ang imbestigasyon!"

Halos hatinggabi na nang nagpaalam ang Mayor. He gave me an escort. Ganoon din ang Gobernador na pilit sinasama si Soren. Soren didn't want to go but I assured him that I'll be fine.

"I'm sorry, Yohan. If this is for me, then baka nadamay ka lang," sising sisi niyang sinabi.

"It's okay, Soren. Pareho tayong natakot dahil kanina."

He shook his head. "I'll call you, I promise. Ihahatid sana kita sa inyo pero kung ako nga ang habol, ayaw ko namang mapahamak ka."

Messages flowed from my inbox. Marami nang nakaalam sa mga taga Altagracia kahit hindi pa man ibinabalita.

"Huwag ka na lang kaya muna pumasok bukas? You can just work from home, Yohan," si Tita.

Tumango ako. Tama naman din siya. "Pupunta na lang po siguro akong shelter bukas."

"Yohan!" she groaned.

Nagulat ako nang nakita si Alvaro sa likod nila. Naroon pa rin pala siya. Tita looked at him. He eyed the bandage on my arm.

"Hindi naman malalim," sambit ko.

Tumango siyal. "I saw the report."

Iniisip ko na pulis naman ang sinabi ni Mayor na magiging escort ko pauwi. Hindi siya, hindi ba? Also, he's a captain. Do you really think his job includes that?

Tama ako. Kasi nang lumabas kami, may dalawang police car doon at iilang pulis na naalerto dahil lumabas na kami. I saw Alvaro watching me before he turned to a car. He went inside a black tinted Ford SUV.

Pumasok naman ako sa SUV namin kasama si Tita at Tito at isang pulis. Nang umalis kami, nauna ang isang police car, sa likod may police car pa, at sa pinaka likod ay si Alvaro.

Panay ang lingon ko sa sasakyan ni Alvaro. Malapit lang ang bahay namin pero iniisip kong sa kampo siya uuwi. O 'di kaya'y may bahay siya sa bayan.

Hindi kailanman nauna si Alvaro kahit mabagal ang takbo namin. At hinatid niya kami hanggang sa gate.

We thanked the policemen. Maghihintay sila sa magiging aksiyon ni Mayor at sinabi sa aking mas mabuting huwag munang lumabas kung kaya. At kung hindi naman maiiwasan, magkaroon ako ng bodyguard.

HIndi yata nag sink in sa akin ang nangyari. Nasa kama na ako at iniisip ko pa rin ang lahat pero hindi ko gaanong maramdaman ang panganib na dala noon.

That was why the next day I woke up early and had thoughts to go to the azucarera. Kaya lang, ayaw ni Tita. Iyon agad ang unang sinabi niya sa akin sa breakfast. Binantaan niya agad ako.

Kaya nasa study na lang muna ako nagtrabaho. Nagdagdag na lang din ako ng security sa bahay at sa azucarera. It was two o'clock in the afternoon when I got so bored.

"Tita, sa shelter lang ako-"

"Hay nako, Yohan! Heto na naman tayo!"

"Saglit lang, Tita. Sa bayan naman iyon kaya mas safe. 'Tsaka may security doon, kadadagdag ko lang. Sa labas may checkpoint naman agad."

"Isama mo si Lino!" si Tita.

I nodded and just alerted our security. Magmomotor lang at co-convoy sa akin para makapunta ako ng shelter.

It was safe. Lalo na dahil dumaan ako sa checkpoint at nang lumiko, tanaw na kaagad ang bayan. I sighed when I went out of the car. Luminga-linga ako sa paligid at nakita naman ang guard namin kaya napanatag agad ako.

The shelter is on Romulo and Aria's building. Sa baba iyon ng building at sa taas ay iilang offices nang pinapaupahan. I am renting the whole first floor for it. Sa likod naman ay ang outdoor shelter na nirerentahan ko lang din sa kanila.

Ayaw ni Aria na magbayad ako kaso hindi naman ako papayag noon. This is business, kahit pa magpinsan kami.

I opened the door. Umingay agad ang chime na nilagay ko. Nang nakita ng iilang trainees na ako ang pumasok, dumalo kaagad sila sa akin.

Sa pagbabalita pa lang sa kanila at sa ilang pagchi-check sa bagong rescue namin, nalibang na ako.

"Tapos po? Dito?" sabay turo sa braso ko.

Tumango ako at nagkibit nang balikat.

"Nakakatakot naman!"

"Tingin mo rebelde 'yon, Miss Yohan?"

"Sabi nila."

"Marami rin kasi talagang rebelde roon, 'di ba?"

Nilagay ko sa isang kulungan ang isang rescue cat namin. May dalawang aso at limang pusa na roon. Si Garfield naman, ang unang rescue cat ko ay nakaupo sa counter table.

May dumating para magpatingin sa alagang aso kaya nagmadali ang iilang trainees at assistant at inuna na muna iyon.

Tiningnan ko ang iilang logs. May mga donation doon at napangiti ako nang nakita ang iilang mayayaman sa Altagracia na malaki agad ang donation para rito.

The door opened and the chime clinked. Matagal bago ako nag-angat ng tingin dahil abala ako sa binabasa. At ang dumating naman, agad na nagpunta sa mga kulungan.

Nasa likod ng isipan ko, baka gustong mag adopt kaya hinayaan ko na lang. Whoever it was, he was squatting now.

Nang tumayo siya, nag-angat ako ng tingin at nakita si Alvaro. Nagkatinginan kami. He's in civilian clothing now but then his body was highlighted more with his clothes.

In an army green t-shirt, dark pants, and black boots, humarap siya sa akin saglit. My eyes widened. Hindi ko na mabalik sa binabasa ko. Tumingin ulit siya sa kulungan, ang pusa naman ngayon.

I suddenly felt something strange in my heart. A nostalgice feeling... for Kuring.

Hindi na namin ito napag-usapan mula noon. Ni hindi ko alam kung nandiyan pa ba siya. O...

Thinking about Kuring's death now is giving me a heartache. Napansin niya ang titig ko. Lumapit siya at lumipat ang mga mata niya sa bandage sa braso ko.

"Kumusta ang sugat mo?" he asked.

"Uh... Ayos lang."

"I know how to dress a wound," he said.

"Ah. Napaayos ko na naman kanina bago ako umalis ng bahay."

Tumango siya. "May... bodyguard ka ba?"

I gasped. "Uhm... May nag convoy sa akin papunta rito."

Tumango ulit siya. "Hindi ka na muna dapat umaalis sa inyo."

Ngumuso ako at binaba ang mga mata sa binasa kanina. Binalik din naman agad sa kanya. "May tiningnan lang ako sa shelter."

Tumango na naman siya. "Wala ka bang puwedeng tawagan na lang dito? Para matingnan ang mga kailangan mo?"

Hindi ako nakasagot.

"I'm sorry. I was just worried." He smiled to assure me about something.

Imbes na mag-isip pa ako, hinaplos niya si Garfield. Bigla ko na namang naalala si Kuring.

"Gusto ko sanang mag-adopt."

"Uh... puwede. Mamili ka!" Ngumiti ako.

He smiled and looked at Garfield. "Eto? Puwede ba?"

Napawi ang ngiti ko dahil akin si Garfield. Dito lang siya sa shop. Ngayon lang siya nandito ulit dahil naroon si Tita sa bahay. Pinapaalaga ko muna sa mga trainees.

"I like this cat. Seems friendly. I'll take him immediately. May papel ba na pipirmahan o ipaprocess?"

Kinagat ko ang labi ko at tinitingnan ang flat na mukha ni Garfield na nakatingin sa akin, nagmamakaawa na huwag siyang ibigay sa estranghero. Do I have the guts to say no?

Alvaro lifted Garfield. Nagpaalaga at yakap naman ito.

"Mukhang okay lang din ako sa kanya." Alvaro said and smiled at me. "What do I need? Requirements?"

"Hmmm. Kasi..." nagtagal ang sinabi ko dahil nahihirapang sabihin sa kanya ang totoo.

"Uwi ka na sa amin? May pusa pa ako roon," kinausap niya na si Garfield.

No, said Garfield. Help me, Mama!

"Uh... kasi... akin si Garfield..." I chuckled awkwardly.

Nagkatinginan kami. Unti-unti siyang lumapit at ibinalik niyang muli si Garfield sa counter.

"Oh... Okay..." then he looked around.

Ngumuso ako at kinuha si Garfield doon para ilayo sa kanya. Napansin niya ang ginawa ko. Nagtaas siya ng kilay. I smiled awkwardly again.

"Gaya ba ng iyo rin si Kuring?"

Natigilan ako. My mouth opened a bit and I shut it after a while. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. My eyes lowered and then back to him again. Ligalig.

Nilingon niya ang isang kulungan na may pusa. He stick out his finger on it and played with the cat.

"Nasa bahay pa siya. Matanda na pero masigla pa rin naman kahit paano," he said.

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Kuring is alive? Years have passed and I have lost all hope that I would see him again! To know that he's alive is a big shock to me!

"He... He's still..."

"Alive? Yes, Yohan. Ang galing kong mag-alaga, 'no?"

I swallowed hard. Nagtagal ang titigan namin. I almost uttered a "I want to see him" line but of course, I know I can't.

"Kung gusto mo dalhin ko siya sa'yo. Definitely not here because I don't want you coming here the next days. Unless you let me convoy you."

"Uh... P-Puwede ba 'yon?"

Tumango siya at nilingon ulit ang isa pang rescue cat. "Puro babae 'tong nandito. Baka gawing girlfriend hni Kuring at iyon pa ang ikamatay niya."

"H-Huh?!" I said so shocked at his words!

He laughed a bit. "Sorry."

"T-Talaga bang buhay pa siya? Ilang taon na ang lumipas!"

"Buhay na buhay, Yohan," aniya at lumapit muli sa counter.

I searched for any lie in his eyes.

"Gusto mo bang bisitahin siya mamaya, pag-uwi? Daanan mo lang?"

That seems... very... very... enticing. I can't say no but I also can't say yes. Naaalala ko ang galit ng Mama niya sa akin.

"O... kung gusto mo, daanan na lang natin at sasama kami sa inyo pauwi. Saglit. Tingin mo?"

"Uhmm..."

That's an even better idea. Napatingin ako sa mga kailangang gawin. But is this really okay? Hindi ko alam. Hindi ko sigurado.

"O... sige. Magpapaalam lang muna ako sa mga trainees."

He chuckled. "Hindi, sige. Kung may gagawin ka pa, maghihintay ako," aniya at naupo sa sofa roon.

He dominated the small two seater sofa. I swallowed hard and my heart pounded like hammer again. I cleared my throat, hindi na alam kung uunahin ba ang mga papel dito, o magpapaalam na ba ako.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko na sa wakas ulit si Kuring kapag sumama ako kay Alvaro!

Nagmadali ako sa mga pagsusulat. I glanced at him and now he's busy with my business card. Nasa lamesa kasi iyon malapit sa inuupuan niya. He took his phone out and copied something from there.

Inangat niya ang tingin niya kaya nahuli niyang nakatingin ako. Tumayo siya at ipinakita ang business card ko.

"Your number?"

"Uh... the company's..."

My heart is now hammering on my ribs.

"Can I get yours?"

Dati pa man, hindi niya kailanman hiningi ang numero ko. Iniisip ko noon, hindi naman aiko importante. O 'di kaya si Aria ang gusto niya. After a while, after hearing his words on heart's day, I realized he probably think I'm gonna text him obsessively.

Crush ko siya, alam niya iyon. Alam ng lahat. Kaya baka iniisip niya manggugulo ako kung may numero ako sa kanya. Or maybe... I wasn't that relevant to him.

To hear him now getting my number, I feel like fainting.

"Are you... sure?"

"May magagalit ba?"

That line Aria warned me about boys. Damn it! He's using it. Kaya ano ang ibig sabihin nito? HIndi ako agad makasagot kaya nagpatuloy siya.

"I saw you were doing some body shots with boys on Aria's wedding. Tingin ko wala ka'ng boyfriend," seryoso niyang sinabi. "Pero kung hindi puwede..."

Bakit kami nag-uusap tungkol sa boyfriend ngayon? Gusto ko pa namang isipin na numero ko para kay Kuring lang at hindi na... iyong mga nilalason ni Aria sa utak ko!

"I was just... drunk."

Nagtaas siya ng kilay. "Yeah. I saw that."

Uminit ang pisngi ko. Sa ilang taon ko sa Silliman at sa ilang exposure sa mga kaibigan at dating boyfriend, natuto na rin akong uminom at mag bar. I was eager to join that lifestyle because I was always eager for attention and to fit in.

Hindi ko alam na aabot ako sa puntong ikakahiya ko iyon. That lifestyle was modern. Altagracia is a small town. It's my home because no matter how much I walk around and party in other places, I come here to be comfortable and at peace.

Hearing this from Alvaro feels like Altagracia, noticing my other life when I am not here. Hindi ko dapat ikinakahiya iyon dahil iyon na ang pagkatao ko pero parang ayaw kong malaman niya... na maraming nagbag0o.

"It's alright. You're single."

Pinigilan ko ang hininga ko. It comforted me that he didn't judge me for partying.

"Nag... gaganoon ka rin ba?" Para mas ma comfort ako.

Umiling siya. "Trabaho na lang ang inalala ko sa mga nakaraang taon. Kung mayroon man, kaunting inuman lang."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit nagui-guilty. I peeked at him and he smiled. I think he noticedb what I was feeling.

"I said it's alright. So you have learned to drink and party, huh?"

Saying yes is embarrassing. Sobrang init na ng pisngi ko. "Oo. Sa college."

Yumuko ako at may kakaibang nararamdaman. Pakiramdam ko nabigo ko siya. Hindi naman, sabi niya. Pero bakit... Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"It's good that you learned that," he said.

"Uhm... Hindi naman ako ganoon lagi. Kapag lasing lang. Lasing ako no'n," I explained.

He chuckled. "Yes, I know. It's alright. As I said, you're single so kissing the boy's neck is alright, Yohan."

Nag-iinit ang mga mata ko nang tingnan siya. His eyes lowered and put the card on my counter.

"So a girl like that... is fine?"

Tumango siya. Naisip ko tuloy ang mga ex niya. His lips then twisted and brows furrowed. Hindi ko alam anong nakita niya sa ekspresyon ko.

"Basta ba kapag may boyfriend na, hindi na gagawin iyon."

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.5M 98.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...