Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 11

177 10 2
By Dream_Secretly

I can't

"This way, Ma'am.."
May isang waiter ang lumapit para ituro ang naka-reserve na table para sa amin.

"Thank you," Sabi ko rito pagkatapos niya kaming mahatid sa tamang lamesa namin.

"Welcome, Ma'am." Nakangiting sabi niya bago umalis.

May ibang waiter naman ang lumapit para kunin ang order namin. "Good evening." Bati nito sa table namin.

Binigyan niya kami ng tig-isang Menu. Binaba ko lang sa lamesa ang sa 'kin at hinayaang sila Georgia na lamang ang mag-order. Tahimik naman si Maxine at aliw na nakadungaw sa harapan, kung nasaan ang grupo ng isang banda. Nagsi-set up palang sila kaya wala pa ang mga makukulay na ilaw at medyo maliwanag pa.

Ngumiti ako at inabot ang buhok niya para haplusin. "Gusto mo bang mag-request ng song mamaya?" Malambing kong tanong.

Masaya naman siyang tumango. "Opo momma!"

"Alright, baby..."

Nag-angat ako nang tingin sa taong katabi niya. Kumalabog na naman ang puso ko nang mahuli ko ang mga mata niyang nakatingin din pala sa'min. Para itong manghang mangha na nakatingin sa'min.

"B-Bakit?" Kinunot ko ang noo.

Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Naisip ko lang na andami ko palang namiss..."

Sumimangot ako. "Kasalanan mo." Irap ko sabay ayos ng upo.

Mabilis namang dumating ang mga pagkain namin. Saktong sakto nga dahil lumitaw na ang mga makukulay na ilaw. Medyo madilim na kaya sinindahan na rin ng waiter ang malaking kandila sa gitna ng table namin bago ito umalis.

"I miss this!" Komento ni Georgia.

"Ako rin. Remember the last time we went here? Sobra kang nalasing at nasukahan mo si Jared!" Natawa ako.

Napangiwi naman siya. "Ayoko nang maalala 'yan! Isang buwan niya akong hindi kinibo!"

Humagikhik ako. Akmang bibigyan ko na ng pagkain si Maxine nang maunahan na ako ni Daniel. Napatingin ako sa kaniya. Seryosong seryoso siya sa pag-aasikaso sa bata. Malungkot akong lumingon kay Georgia na nakamasid lang din sa 'min.

Kung iba lang siguro ang sitwasyon ngayon. At kung mababalik lang ang mga nawala sa'kin...baka madali para sa'kin ang tanggapin ka ulit.

Tahimik na lamang akong kumain habang pasulyap-sulyap sa mag-ama na mukhang parehong nag-eenjoy sa pagkain at sa banda. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Maxine. Sa sandaling panahon ay naging malapit na siya kay Daniel, ni hindi niya pa nga alam na ito ang Papa niya. Napabuntong hininga ako at nagbaba ng tingin sa plato. Maximo, iniiwasan ko lang na masaktan ang kambal mo. Ayoko lang na pati siya'y mawala sa'kin. Natatakot lang ako, baby. At nahihirapan din na sa tuwing nakikita ko ang Papa mo, naaalala ko lang na isa siya sa dahilan kung bakit ka nawala sa'kin.

"Excuse me, Ma'am. Wine for the VIP's po." Tiningnan ko ang waiter na lumapit sa table namin. May bitbit itong bote ng wine na nasa loob ng Ice bucket at tatlong wineglass. Meron ding Special avocado shake para kay Maxine. Paborito ito ni Maxine kaya tuwang tuwa ang baby ko nang iabot 'yon sa kaniya.

"Thank you." Ngiti ko sa waiter pagkatapos nitong salinan ang mga wineglass namin.

Tumango lamang ito at ngumiti. Tumutugtog na ang banda sa harap at tumatanggap ng mga song request kaya kahit intimate ang tema ng lugar, hindi pa rin maiwasan ang hiyawan at tawanan ng mga nage-enjoy na customer.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng mga customer. Enjoy na enjoy ang mga ito.

Jared planned all of this. Marami siyang mga pakulong alam kaya nagbo-boom ang business niya. Ilang beses na rin siyang na-feature sa mga magazine dahil sa kakaibang style niya nang management. He deserves all the credit.

"You done, baby?" Tanong ko sa kaniya. Kumuha na rin ako ng tissue para punasan ang gilid ng bibig niya.

"Yes, momma." Magiliw siyang tumango at inabot ang avocado shake niya. Inalalayan ko lang naman siya para hindi matapunan ang damit niya. "Yummy..." komento niya pagkatapos tikman ang shake.

Napangiti ako. "Tito Jared made that for you. You say 'thank you' later, okay?" Sabi ko habang todo alalay sa kaniya.

"Yes momma..." Sagot niya habang abala sa paborito niyang shake.

"Sus...kaya ko rin namang gawin 'yan." Rinig kong ismid ni Daniel.

Kunot noo naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bakit? Kaya mo bang tapatan 'tong shake ni Jared?" Tanong ko kasabay nang hiyawan ng mga tao sa gilid. May mga nagsasayawan na rin sa harap, mostly mga couple.

"Hindi ko lang tatapatan, hihigitan ko pa."

Ngumuso ako at nilapag na sa lamesa ang shake ni Maxine nang matapos na siya. Abala na ang bata at georgia sa panunuod sa harap kaya di nila napapansin ang bulungan namin ni Daniel.

"Kapal ng mukha natin, 'no?" Irap ko nalang at umayos ng upo. Hindi ko na siya pinansin pa at nag-focus na lamang sa banda. Ang laking epal niya, huh?

Nagpalakpakan naman ang lahat pagkatapos ng isang kanta. Marami ang mga request kaya masayang masaya ang buong banda—sigurado kasing malaki ang magiging tip nila.

"Thank you everyone!" Ngisi ng vocalist.

"Yes! One more!" Tili ng ilan.

"Perfect!"

"Rock song naman!"

Napangiti nalang ako at nilingon ang waiter na namataan kong palapit sa'kin. Tumango ako at hinayaan siyang bumulong sa'kin. Maingay na kasi at nagkakatuwaan na ang mga taong tapos na sa pagkain.

"Pinapasabi po ni Sir Jared na kung may gusto kayong ipaluto, magsabi lang daw po kayo." Aniya.

"Wala naman. Bigyan mo nalang kami ng available desert ninyo tonight. And please tell Jared to come here and join us...." Bumaling ang mga mata ko kay Daniel ng bigla itong tumayo. Kumunot ang noo ko habang sinusundan ito ng tingin. Papunta ang loko sa harap. Magre-request din?

"Uhm sige po, ma'am." Hindi ko na napansin ang pagpapaalam ng waiter dahil nakatuon ang buong mga mata ko kay Daniel na mukhang may balak gawin.

"What is he doing, Georgia?" Tanong ko nang makitang nakikipag-usap siya sa banda.

Nagkibit balikat lamang si Georgia. "Don't know." Nilingon niya si Daniel at inantay ang gagawin nito.

"Wow! This is the first time guys! Someone wants to sing a song for his little girl!" Balita ng vocalist.

Nanlaki naman ang mga mata ko at nilingon si Maxine na masayang nakatingin kay Daniel. She even clapped her hands!

"Go, Tito Daniel!" Sigaw ni Maxine. Nagpalakpakan naman ang mga customer nang tumapak na sa platform si Daniel. What is he doing?

Tumikhim muna siya bago hinawakan ang mic. "Good evening everyone...I'll dedicate this song to my little girl...." Hinanap muna ako ng mga mata niya bago lumipat kay Maxine. He smiled sadly. "I want her to know that I love her so much...and that...daddy will always protect her from anything..."

Napalunok ako at nangingilid ang mga luhang nilingon si Maxine na walang kaalam-alam sa nangyayari. Sumisikip ang puso ko para sa kaniya. She deserve to know him but I'm scared.

Bumalik lang ang atensyon ko sa kaniya nang mag-simula na ang intro ng kanta.

Will you live like me, in a world run by desire?
Will you wake from worldly dream and not be tired?
Will you work like me to lift the conversation higher?
Will you be cool like water putting out the fire?
How can you be free from all this sorrow?
Will the ones you love today be gone tomorrow?
And if angels don't have answers to your prayers
Oh, I will be there
Oh I will be there

You will be there? No, Daniel. When I lost our Maximo...you weren't there. And it broke my heart.

And if who you love don't want your love, well then
Do you cut a deal with love and run again?
You see, love contains the meaning of despair
Will you think like me? Will you have your mother's fire?
Maybe the way we are will not be how you're wired

Will we do right by you? Will we you have what you require
To make your days on this Earth not so dire?
Can you choose to lead if no one follows?
And if we fell today, must you tomorrow?
Sanctify your answer not your prayer
Oh, I will be there
Yeah, I will be there
Yeah, I will be there

And even when it all becomes too much
When you're growing old and feeling out of touch
Ooh, listen to this song and just take care
And know that I will be there
Yeah, I will be there

No, I swear that I will
Yeah, I promise I will
Little girl, I'm cryin'

Suminghap ako pagkatapos ng kanta at pa-simpleng nagpunas ng luha kasabay ng palakpakan ng mga nakikinig.

"That was amazing! You guys like it?" 'Yong vocalist.

Naghiyawan naman ang mga tao at muling pumalakpak. They like it. Kahit si Maxine na walang kaalam alam ay natuwa rin sa kanta. Ang alam niya kasi ay may anak si Daniel sa malayong lugar, hindi niya alam na siya 'yon. Napalunok ako at lalong nakaramdam ng guilt. I'm so sorry, anak. My heart ache.

I sighed heavily.

Inabot ko nalang ang wine glass ko at inubos ang laman non. Okay, Daniel. Enough with the shows. Please?

"Momma, let's dance!" Tili ni Maxine 'tsaka bumaba ng upuan niya at pilit akong hinihila. Tumutugtog na ulit ang banda at may mga nagtatayuan na para sumayaw. May mga bata na rin akong nakikita sa harapan na nag-eenjoy. Pwede naman kasi sa kanila ang tugtog.

"Maxine, katatapos mo lang kumain." Ngumiti ako at inayos ang nagulo niyang bangs.

Ngumuso siya. "Please momma....sayaw tayo..." Ungot niya.

Nag-angat ako ng tingin kay Daniel nang umupo siya sa upuan ni Maxine at malamlam na nakatingin sa'min. Inis akong pumikit at muling bumaling sa anak ko. "Baby, pwedeng kayo muna ni Ninang Georgia?" Nilingon ko si Georgia at sinenyasan. Kaagad naman niya akong na-gets kaya mabilis siyang nakalapit sa'min. "Susunod nalang si Momma sa inyo..." Lambing ko sa kaniya.

Mas lalo namang humaba ang nguso niya. "Okay, Momma...." Mahinang tango niya bago nag-angat ng tingin kay Georgia.

Ngumisi lang si Georgia sa kaniya bago ako tinanguan. Assuring me that it's alright. "Let's go, baby! Ituturo ko sa'yo ang mga famous moves ko!"

Nang makalayo na ang dalawa at habang abala ang mga malapit sa table namin, nag-salita ako. "Anong pakulo 'yon, Daniel?" Tanong ko.

He sighed. "Gusto ko lang malaman ng anak ko na nandito ako...na nasa tabi na niya ako..." Aniya.

"Hindi na niya kailangang malaman pa! So please....huwag mong susubukang sabihin sa anak ko na ikaw ang daddy niya. At hindi ka niya kailangan, okay? Ako lang ang kailangan ng anak ko."

"Can't you r-really forgive m—me?" Napakurap ako sa tanong niya.

Suminghap ako at pinigilan ang pangingilid ng mga luha sa mata. "I-I chose not to..." Gumaralgal ang boses ko.

Forgiveness is hard as long as pain is still in my heart.

"Why? Bakit hindi mo ako mapatawad? Ano pa ba ang d-dapat kong gawin?"

"Wala kang dapat gawin, Daniel. Tapos na tayo, period." Mariing sagot ko.

"W–Why are you so heartless, Corraine?!" Asik niya.

Napatalon ako sa gulat at napalinga sa mga katabi naming lamesa. Sumusulyap na ang mga ito sa amin, lalo na 'yong mga mas malapit.

Marahas kong nilingon si Daniel. "Don't make a scene here. Nakakahiya!" Bulong ko sa kaniya.

"Mag-usap tayo kung gano'n!" Asik niya pa. "Ano? Iniisip mo na naman ang lintik na Jared na 'yon?! Ano mo ba siya, Corraine? D–Do you...love him?" Nanginig ang boses niya.

Nilingon ko sila Maxine sa harap. Walang kamalay malay ang anak ko sa nangyayari sa amin, pero si Georgia mukhang napapansin niya nang nag-aaway kami kasi pasulyap sulyap siya sa'min.

Napasinghap ako. Kung magpapatuloy si Daniel, baka talagang makakuha na kami ng atensiyon. Ayokong masira ang gabi ng mga customer ni Jared.

"You know what? Mabuti pa, sa labas na lang muna ako. And you stay here. Talk to yourself!" Sabi ko bago tumayo at dire-diretsong tinungo ang pinto ng Restaurant.

Bahala na siya sa buhay niya. Kausapin niya sarili! At kung pwede humingi na lang siya ng tawad sa hangin! Baka sakaling mapatawad pa siya ng kung sino mang makakarinig.

"Corraine!"

Nasa parking lot na ako at hinahanap ang kotse nang biglang may humigit sa braso ko. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.

"What the hell?!" Singhal ko sa kaniya. "Ano pa bang gusto mo?!" Sigaw ko sa kaniya. Ubos na pasensiya ko. Tutal naman wala nang ibang tao, pwede ko na siyang sigawan!

"I–Ikaw!" Ganting sigaw niya. "Tangna!" Napasabunot siya ng buhok. "Bakit ang tigas tigas ng puso mo? Why can't you forgive me? Baby, why can't you love me again?!" Gumaralgal ang boses niya.

Nag-init ang mga mata ko. "Hindi matigas ang puso ko, Daniel!" Dinuro ko siya sa dibdib. "Ikaw ang matigas ang puso dito. Ang kapal ng mukha mong bumalik sa buhay ko pagkatapos ng lahat?! Ang kapal ng mukha mong kantahan ang anak ko! Ang k–kapal ng mukha mong magpakita pa sa'kin pagkatapos mo akong wasakin! Ang kapal m–mo..." Nanghihina kong binaba ang kamay ko at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "B-Bumalik ka para buoin ulit ako? Bumalik ka para makasama kami ni Maxine? Bumalik ka para bumawi? Bumalik ka kasi gusto mo! B-Bumalik ka—Damn! At ang kapal din ng mukha mong mag-demand sa'kin na patawarin ka! Bakit? T-Tingin mo ba gano'n lang kadali ang lahat?! Tingin mo ba makakalimutan ko lahat ng ginawa mo? Gago ka ba?! Hindi na tayo babalik sa dati! You hear me? Hindi na ako babalik sa'yo! At wala ka nang pamilyang babalikan pa! Magsama kayo ng pamilya mong walang puso at matapobre!"

"C-Corraine, mag-usap naman tayo ng kalmado at maayos. Ayusin naman natin 'to. D–Don't be like this."

"My God, Daniel!" Napahilamos ako ng mukha. "Don't you understand?! Wala nang maaayos pa! Its already ruined! Hindi na natin maaayos ang isang bagay na basag na! We can't fix this! We will never—"

"—Why fcking why?!" Sigaw niya. "Dahil ba sa J–Jared na 'yon?! You love him? Kaya hindi mo 'ko mapatawad kasi mahal mo na siya, 'di ba?! You love him? You fcking love him!"

Hindi makapaniwalang bumuga ako ng hangin. "Wow. Ngayon idadamay mo naman si Jared? This is between us, Daniel! Huwag kang mandamay ng inosenteng tao. And for your information, he's better than you!"

May dumaang sakit at hapdi sa mga mata niya. "H–He's better than me...." Napayuko siya. Akala ko titigil na siya pero mukhang hindi pa siya tapos. Tinitigan niya ako.

"Please, Daniel." Umiling ako at nagpunas ng luha. "Hayaan mo na kami. Umuwi ka na sa inyo. Siguradong miss na miss ka na ng nanay mong walang konsensiya."

"Pwede pa natin 'tong ayusin. M-My mom...she likes you now. Tanggap na nila tayo. They will accept you now and our Maxine. Kung sila lang ang inaalala mo, hindi na kailangan. Wala nang hahadlang sa'tin, Asawa ko." He looks desperate now.

I sighed heavily. "You don't understand, Daniel. At wala na akong pakialam sa pamilya mo." Malaki ang kasalanan nila sa'kin.

"Why?! Make me understand! May iba pa bang rason, Huh? You tell me! Sabihin mo na, so we can fix it!"

"Stop it, Daniel. Ayoko nang makipag-usap sa'yo." Pagod kong sabi.

Akmang tatalikuran ko na siya nang hilain niya ulit ang braso ko. "No! Mag-uusap tayo! You will tell me your reasons! And I will beg for your forgiveness! I—" Natigilan siya ng bawiin ko ang braso ko at malakas siyang tinulak.

"Shut up! Ayaw mo talagang tumigil? You really want to know?!" Tinulak siya sa dibdib. Umuurong lang siya pero hindi niya ako pinipigilan. "Gusto mo pa talagang ipagpilitan 'yang sarili mo?! Sige! Gusto mong patawarin kita? Gusto mong tanggapin ulit kita? Bakit? Kaya mo bang ibalik ang buhay ng anak ko?! Kaya mo bang buhayin ulit ang nanay ko?! K—Kaya mo bang—" Nanghihina akong humakbang palayo sa kaniya. Nagtaas baba ang dibdib ko na para bang nakukulangan ako sa hangin. Nakagat ko ang ibabang labi. "—I lost e-everything." Nanginginig ang boses kong sabi. "I lost my M–Maximo...I lost my mother...And I–I almost lost m–myself..." Hagulhol ko. "Hindi mo maiintindihan ang sakit na n–nararamdaman ko kasi wala ka sa tabi namin. Hindi mo nakita kung paano ako nagmakaawa sa pamilya mo para humingi ng kahit kaunting d-dugo lang! D-Daniel...dugo lang naman ninyo ang kailangan ko para iligtas ang anak ko pero anong ginawa ng pamilya mo? Hindi nila ako tinulungan! I begged! Nagmakaawa ako para isalba ang buhay ng anak ko! Pero, anong ginawa nila? Pinag-damot pa rin nila sa'kin 'yon! Bakit? Huh? Kasalanan ko ba na ikaw ang minahal ko at 'yang tangnang dugo ninyo ang dumadaloy sa ugat ng mga anak ko?! Kinapalan ko na nga ang mukha ko para madugtungan ang buhay ng anak ko...pero 'yang nanay mo? Walang puso! At alam mo ba kung anong mas masakit sa lahat?! Huh? 'Yong ginawa ko naman lahat pero nawala pa rin sa'kin ang anak ko! Kinuha pa rin siya sa'kin kasi walang tumulong ni isa sa inyo. Tangna 'yang dugo ninyo!" Hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko habang mariin at puno ng pighating nakatingin sa kaniya. Dinuro ko siya."I–Ikaw naman–wala ka kasi! I–Iniwan mo kasi k–kami. Siguro kung nandoon k–ka sana...baka k-kasama pa ni Maxine ang kambal niya. At b-baka....baka buhay pa ang nanay ko! Kaso wala ka, eh! Iniwan mo kami!" Sigaw ko. Tinuro ko naman ang sarili ko. "A–Alam mo rin bang kahit sarili ko hindi ko rin mapatawad? Na hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nawala ang anak at nanay ko? I'm so full of hatred and longing. So please....tumigil ka na sa kaka-demand na patawarin kita. Nakaka-insulto."

Hello!
Sana magustuhan ninyo to. Hindi ko na binasa ulit. So kung may di kayo naintindihan, please let me know para alam ko. Thank you! Happy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

481K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.4M 55.9K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
131K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...