Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 14

461K 26.2K 19.9K
By jonaxx

Kabanata 14

Pity


It was their prom night. Buong araw kong iniisip ang paag-eenjoy ni Alvaro doon. Siguro isasayaw niya lahat ng crush niya sa gabing iyon. Iisipin niya na huli na iyon dahil aalis na siya pagkatapos ng graduation.

I sighed. Bakit ba hindi ko magawang ibigay sa kanya ang sulat ko kahit na ganoon din naman ang iniisip ko?

I opened my notebook. I searched on the pages for the letter I wrote. Naalala ko na inipit ko iyon sa notebook ko pero kinabahan ako nang nawala.

Paulit ulit kong tiningnan ang mga pahina. At halos alugin ko na ang notebook para lang mahulog ang sulat kung naroon man pero wala!

My heart pounded thinking that it's lost. Paano kung may ibang makapulot?

"Anong hinahanap mo riyan?" si Aria nang nakitang tinitingnan ko na ang ilalim ng upuan namin sa sasakyan.

Hinalughog ko na ang bag ko. Pumunta na rin ako sa locker room. Wala roon ang sulat. Nagpunta na rin ako kanina sa Kiosk na madalas kong upuan, wala rin doon.

Hindi ako sumagot. Sa huli, hindi ko nahanap sa sasakyan. I was so bothered. Pag-uwi sa bahay, ang kuwarto ko naman ang gustong baliktarin para mahanap iyon.

Where could it be? I don't know.

Nagulo at nalinis ko ang kuwarto buong gabi para hanapin iyon pero wala roon. Binalikan ko pa ang ilang parte na tingin ko'y puwedeng paglagyan, ng dalawa, tatlo, apat na beses... pero wala.

The next morning, I still couldn't stop finding it. Pagkadating sa school, inuna ko ang mga Kiosk. Nagmadali ako patungo sa klase at nasa loob na ako ng classroom ng naisip ang library.

I couldn't even stop and check out the Senior Highs prepared programs and decorations for today dahil sa paghahanap ng letter ko.

"Sayang. Ngayon sana 'yon!" mga kaklase ko.

May programme ang Senior High ngayon dahil wala silang pasok. Para sa buong school naman iyon pero siyempre, dahil may pasok kami, hindi namin mapapanood ang lahat. Tanging ang mga higher levels lang na walang pasok ang makakapunta. Ang buong Senior high ang walang pasok kaya para sa kanila talaga iyon.

Naisip ko ang library. Hindi kaya aksidente kong naiwan doon? O sa mga nahiram kong libro, naipit ko roon?

On our library period in the afternoon, everyone planned to go to the Senior high programme. Nanghihinayang nga ako na hindi makakapunta kaso kailangan ko talagang pumunta sa library para maghanap.

"Magbabasa ako ng poems ko!" nag-uunahan ang mga kaklase kong pumunta.

I was already on the library's entrance when I heard the familiar words.

I stopped. Nagmamadali ang mga estudyante patungo sa daanan kung saan nakatayo ang isang improvised stage ng mga senior high para sa mga programme sa araw na iyon.

At first, I couldn't believe it. I thought it's just a coincidence. After all the words I used weren't unique but then it was all too familiar.

Hindi ko alam kung nabasa ba ang simula o iyong parte lang na iyon ang binasa pero hindi na ako puwedeng magkamali.

"My heart skips a beat everytime I see you. I don't know if it always shows but whenever you smile, it beats wildly. Hindi ako komportable sa lahat ng tao sa paligid ko, pero nang nagbiro ko sa akin..."

These are my words!

"Whenever I hear your name, my heart goes wild. I always suppress it because I know you don't like me. But each day, it grew more and more wild."

"When I saw you with your girlfriend hugging at the library, I envy the warmth you gave her with your hug, Alvaro. At noong dumating ang intrams at may free hug ako sa booth, akala ko talaga mayayakap na kita. I looked forward to it but I was also too shy to initiate. Pakiramdam ko mahihimatay ko."

My jaw dropped. Ang iilang estudyante ay nakatingin na sa akin, para bang alam nila na galing iyon sa akin.

Nagmadali akong pumunta. Masyado na nga lang maraming tao para makita ko pa ang buo. At ang lahat ng nakakakita sa akin, may ngisi na sa labi.

Nagbara na ang mga estudyante sa daanan. Nakikita ko ang iilang grade eleven sa harap na nagkakatuwaan at may binabasang papel. Hindi ko man nakita ng buo, pakiramdam ko alam ko na kung saan napunta ang sulat ko.

I became very dizzy. The laughs I heard from the students weren't the usual teasing laughs. They were full of malice! At ang mga nakakakita sa akin, ay nginingitian akon na para bang may ginawa akong napakasama.

"Uy, baka kaya nagkahiwalay si Alvaro at ang dati niyang girlfriend? Kaya ba milagro at wala na siyang girlfriend ngayon?!"

"Uy si Kalansay! May tinatago ka pa lang landi, ah!"

Then the laughs covered all my rational thoughts.

"It's weird because I want nothing but for you to hold me, but then also I didn't have to guts to do it. Or to tell you. Kaya dito sa sulat ko, sasabihin ko iyon sa'yo."

"Mahal na mahal kita, Alvaro. Love, Yohan Valiente!" the girl on another microphone cheered.

Sa tono pa lang, alam ko nang hindi iyon simpleng pang-aasar iyon. May malisya iyon. Nagtawanan ang lahat at mas lalo akong nanliit.

"Kaya ba walang girlfriend si Alvaro? Ilang buwan na rin 'yon, ah?" the host said maliciously.

"Oo nga! Minsan, nakikita ko nga sila sa parke na may kasamang pusa. Baka hindi natin alam, nalandi na ni Kalansay si Alvaro Santander!"

"Malay natin kaya nagkahiwalay dahil sa paglalandi ni Kalansay Valiente?!"

The then laughed.

"Aww. The message is heartfelt. Yakapin daw sana. Naku, baka higit pa sa yakap ang gusto ng batang 'yon!"

They laughed again. Each time they speak, I feel like I'm shrinking.

"Kaya lumalaki na ang ulo ng batang iyon, eh. Kasi napagtutuonan na ng pansin!"

"O baka naman gusto lang ni Alvaro makaganti sa mga Valiente? Kuhang kuha naman ang loob noong-"

Her voice got cut off. The audience were shrieking. Hindi na ako nakakapanood pero narinig ko ang bulungan sa mga nasa unahan ko.

"Si Alvaro!"

"Hala!"

I heard more static from the microphones. Kaya ang sunod na boses, hindi na nakamikropono. Pero nanahimik ang gulat na mga estudyante kaya kahit paano, naririnig ko iyon.

"Tigilan n'yo na 'yan!"

"It's Yohan's entry, Alvaro. Bakit titigilan? She has some talent in writing, huh?"

"Tigilan n'yo na siya. Hindi ako naniniwala na sa kanya 'yon-"

"Oh? Bakit? Eh, halata naman na gusto ka kaya hindi na kataka taka kung gawin niya itong paraan para maipahayag ang nararamdaman."

"Tigilan n'yo na siya."

There was another static, telling me that Alvaro was getting all the microphones.

"Bakit? Gusto mo siya? Kaya ba wala kang girlfriend na mula last year? Eh hindi ba papalit palit ka naman?"

"So you like her, Alvaro?"

"I don't. Stop it."

"Ang swerte ni Kalansay, pinagtatanggol siya ni Alvaro-"

"Ang sabi ko tigilan n'yo na siya!" his voice thundered.

"Kaya pala madalas ka kina Aria, ha? Akala namin si Aria ang nililigawan mo. Si Kalansay pala," someone from the audience said.

At isa-isa na ring nagsigawan ang iba.

"Beauty and the beast? Si Beast si Kalansay!" sabay tawa.

"Ginagamit pa yata ang pusa para makipaglapit kay Alvaro!"

"Kaya naiirita ako roon, e. May kalandiang tinatago si Kalansay."

"Oo nga. Nangarap pa ng yakap kay Alvaro at nagselos pa sa girlfriend! Sinulot ka yata ni Kalansay Alvaro!"

"I said stop it!" Alvaro's voice thundered past all the other voiced from the audience.

Natahimik sila unti-unti.

"Hindi ko gusto si Yohan, kaya tigilan n'yo na ang pang-aasar n'yo sa kanya."

"Oh? Talaga? Eh, bakit wala kang girlfriend-"

"I have a girlfriend right now. So please stop teasing her."

"Why are you defending her?"

"Can't you see? You're bullying her and it's not right. Kaya tigilan n'yo na siya. Lubayan n'yo na siya."

"So you pity her? Kawawa nga naman pero sige nga. Who's your girlfriend right now? Kung hindi si Kalansay?"

Alvaro mentioned a name of his classmate. Unti-unting nagbulungan ang mga tao. Ang kaninang natatawa sa akin ay nakatingin na sa akin ngayon.

"Kawawa ka naman pala..."

"Iiyak na si Kalansay."

I bowed more and started walking back.

"Kaya tigilan n'yo na si Yohan-"

"So hindi mo talaga siya gusto?"

"Bata pa si Yohan. Hindi siya ang tipo ko. Tigilann n'yo na siya," Alvaro's words lingered on my head.

There was nothing wrong with it.

Tama naman siya. Nakakaawa nga ako at hindi niya naman talaga ako gusto. Hindi niya ako tipo at bata pa ako. Kaya bakit ako nalulungkot? Bakit ako nasasaktan? Totoo naman iyon lahat, ah?

Nobody teased me anymore but I know they were talking behind my back. Wala nang nangharang o kahit tumawag man lang na Kalansay sa akin kahit sa classroom. It had become my nickname but that day it seemed like it didn't exist.

Tahimik ako sa sasakyan, nag-aantay kay Aria.

The door opened. Nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya at napawi ang tawa niya nang pumasok at siguro natanaw akong tahimik na nakaupo.

Unlike most days, she didn't greet me with insults. This is a miracle. She always greet me with insults but today, there was none. Para pa nga'ng naging awkward ang biyahe dahil sa katahimikan niya.

"Hay naku! Tuwang tuwa ako sa marriage booth."

Nilingon niya ako.

"Namasyal ka ba kanina sa heart's day celebration ng Seniors?"

I shook my head.

"Hmm. Must be tiring to be a Grade seven now that the student council is very active."

Hindi ako umiyak pagdating sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o alin ang uunahin ko.

I just felt weak... tired. Of it all.

My letter was exposed to everyone and they all laughed at me. Alam na naman ng lahat ng mga schoolmates ko na gusto ko si Alvaro pero iba pa rin iyong marinig ng lahat ang tunay na nararamdaman ko, na detalyado pa.

Everyone laughed at me. And they pity me. Alvaro pities me, too. Maybe because I am too young, and I hoped for us, and I'm ugly... pero lahat ng iyan hindi na magbabago kaya nakakalungkot nga naman.

I felt numb. The next day, the Heart's day celebration continued. It's the last day. Wala na ni isang bumabaling sa akin para pagtawanan ako. Kung may makakapansin man, iiwasan pa ako o 'di kaya'y pagmamasdan na may awa sa mga mata.

I was embarrassed so I returned to my usual spot the next week. Doon ako naupo sa Kiosk sa likod ng gym, kung saan ko rin unang nahanap si Kuring. Tahimik ako habang naroon at medyo nagambala lang nang lumapit si Chantal para maghugas ng kamay.

My heart pounded when she glanced at me. Hindi na ako tinutukso nino man pero wala ring sadyang bumabaling sa akin kaya kinabahan ako sa tingin niya.

Pagkatapos niyang maghugas ng kamay, lumapit siya sa Kiosk. I looked at her cautiously. She smiled at me.

"Uh... after exam... uhm..." she seemed pretty nervous.

Naghintay ako sa sasabihin niya.

"Baka dalhin ko si Kuring sa inyo, ayos lang ba?"

I blinked twice. I never expected that. At kahit iyong huli naming usapan ni Alvaro, ni hindi ko na rin gaanong in-expect pagkatapos ng nangyari.

He already has a girlfriend. For sure Aria knows what happened. Matutunugan ng mga babaeng iyon ang pagbisita muli ni Alvaro sa amin kung gagawin niya pa ulit. At baka pa magselos na ang girlfriend niya dahil sa sulat kong iyon.

But then, I also know that I have no time to do it anymore. Kahapon lang ay nagyaya si Aria na sa huling araw nang exam, umalis na kami papuntang Bacolod. At kalaunan, tutulak na kami para magbakasyon, hihintayin lang si Tita at Tito.

I also don't know how I feel anymore. Ngayong alam ko na naaawa lang siya sa akin, hindi naman ako galit. Pero ayaw ko lang na kinakaawaan niya. It's probably my small ego talking. It hurt to hear that he doesn't like me. That I wasn't his type. I expected it but I just didn't know that it'll hurt this way. Lalo na kapag galing talaga sa kanya.

Kaya sa ngayon, naiintindihan ko na. Hindi na dapat ako nanggugulo. Dati, ako lang naman ang inaasar. Ngayon, nasasali na siya dahil sa galit ng mga estudyante sa akin. Naintindihan ko kung mairita na siya at sa huli, piliin na lang na lumayo sa akin. I would also be willing to give him space. Nobody wants to be bullied and humiliated.

"Ah. Para ba sa birthday ni Kuring?" ngumiti ako kay Chantal.

Mabilis siyang tumango.

"Wala na kami ni Aria no'n, e. After exam, magbabakasyon kami. Kaya... kayo na lang ang mag celebrate."

"Huh?"

"Ayos lang sa akin. Pusa niya naman 'yon, e." I chuckled. "Subukan kong maghanap din ng pusa sa Bacolod para may sariling pusa na ako. At hindi na naiinggit sa kanya."

Hindi nga ako papayagan ni Tita pero sinabi ko na lang din iyon. Pakiramdam ko isa pa iyon sa kakaawaan nila sa akin.

"Uh. Okay. Uhm... Sigurado ka ba?"

I nodded.

"Subukan kong ipagluto si Kuring. Bibisita kami ni Levi sa kanila. Hindi ka ba makakadaan kahit saglit? Bago kayo umalis?"

Chantal's words were promising but I know better. I know Alvaro doesn't want me to visit his house.

"Hindi, e. Gabi ang alis namin noon. Sa araw mismo ng exam. Kaya... ayos lang Chantal. Salamat."

She nodded. Kalaunan, nagpaalam na siya.

The next days were like a miracle. Nobody teased me about anything. Even Soren who always teased me didn't. Tahimik niya lang akong pinanood habang dumadaan. Hinintay ko ang kahit isang pagbibiro niya dahil sa lahat, alam kong siya lang ang magpapatuloy pero wala.

The girls of Grades ten and eleven didn't say anything to me, too. Sa locker room, wala na ni isang patuyang bumati sa akin. Nakita nila ako pero parang hangin na lang. I held my breath expected for humiliation and I was thankful that it doesn't come anymore these days.

Hindi na kami nagkita ulit ni Alvaro. Hindi na rin naman ako nag-expect. Narinig ko na lang na umalis na siya. Hindi ko na alam kung makikita ko pa ba ulit si Kuring at tatanggapin ko na kung hindi na. Hinanda ko na ang sarili ko roon.

My Grade eight started peacefully. Everyone called me by my name. Ni hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero may respeto na halos lahat ng mga kaklase ko. My seniors were also not interested to humiliate me. It is very new to me. At parang unti-unti ko na ring natanggap ang lahat.

That year was the end of my bullied days. Hindi ko na ulit narinig ang Kalansay, giraffe, at kung ano ano pang tukso sa akin. Somehow, it comforted me. The one thing that I earned from this all was that I don't get bullied anymore.

Is it worth it? I tell you. It is.

Continue Reading

You'll Also Like

65.6K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...