Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.8K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 10

264 12 2
By Dream_Secretly

Jealous

Its Georgia's birthday today!

Napag-usapan namin kagabi na kakain na lamang kami ng dinner sa labas since matagal na rin naming hindi nagagawa 'yon dahil sa sobrang busy.

Maaga akong nagising at pinuntahan siya sa kusina para batiin. "Happy birthday!" Ngumiti ako nang naabutan ko siyang nagluluto na ng breakfast. Nilapitan ko naman siya at mahigpit na niyakap. "Thank you for staying with us. Love youuuu.." Paglalambing ko.

"Thank you, too." Ngumiti siya. "Thank you for letting me stay.." Namasa ang mga mata niya. He's being emotional again.

Hinilamos ko ang palad ko sa mukha niya. "Don't cry! Its your day.." Natatawang pang-asar ko sa kaniya.

Natatawang tumango lamang siya at muli akong niyakap. "Want some coffee?" Tanong niya sabay kalas sa pagkakayakap sa 'kin.

Tumango ako at matamis na ngumiti. "Yes please," Lumapit ako sa isang stool at doon naupo.

Nasilip ko na naglilinis si Karen sa Sala. Tiningnan ko naman si Georgia ng ilapag niya ang coffee ko. "So? May inimbitahan ka for lunch?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. "Just a few friends." Sagot niya. Tumango lang ako. Naka-plano na ang araw na 'to para sa kaniya. Sa lunch, maghahanda kami para sa mga bisita niya. Sa dinner naman, sa favorite restaurant niya na lang kami kakain. Sa restaurant ni Jared. May banda kasi sila every night kaya gustong gusto ni Georgia do'n bukod pa sa masasarap na pagkain nila.

"Good morning." Muntik ko nang mabuga ang kape ko nang may umupo sa tabi ko.

Masama ko itong tiningnan. "Huwag ka ngang manggulat!" Inis kong bulyaw sa kaniya.

Malapad lamang siyang ngumiti sa akin. "Okay." Nagkibit balikat lang siya at masayang tiningnan si Georgia. "Happy birthday, Georgia." Malapad ang ngiti niya ng batiin si Georgia. Napairap na lamang ako.

Nakakainis rin 'tong lalaki na 'to! Mula noong nangyaring usapan namin sa fitting room noong runway kumapal na ang mukha. Hindi na siya alangang kausapin o pansinin ako ngayon. Kapag nagagalit naman ako, tinatawanan, nginingitian at pinagkikibit balikat niya na lamang tulad ngayon. Tuluyan na ata siyang nawalan ng hiya sa sarili!

Kinakabahan nga ako na baka may nasabi akong hindi dapat sa kaniya. Inalala ko rin kung sobrang lasing ba akong umuwi noong gabing 'yon para may masabi sa kaniya. Hindi naman ata? Naalala ko pang hinatid ako ni Jarred sa bahay tapos block out na. Wala na akong ibang naalala.

May nasabi kaya ako? Oh, Damn.

"Thank you, Daniel. Ang saya mo ata ngayon?" Sabi ni Georgia.

Malapad namang ngumiti ang loko. Napairap nalang ako sa hangin at uminom ng kape. "Napanaginipan ko kasi kung gaano namin kamahal ni Corraine ang isa't isa." Nabuga ko ang kape sa kaniya. Pwedeng sinadya ko, pwede ring hindi. Bahala siya.

Napapikit siya sa ginawa ko. Natatarantang nag-abot naman ng tissue si Georgia 'tsaka tiningnan ng masama. Nagtaas lamang ako ng kilay at bumaling sa katabi ko.

"Napanaginipan mo rin ba kung gaano ka ka-gago?" Sarkastikong tanong ko.

Pinunasan niya muna ang mukha bago muling humarap sa akin. Malapad siyang ngumisi. "I think, I'm going there..." Ngisi niya. Kapal ng apog!

He's really getting into my nerves. Mukhang nakalimutan niya nang may atraso siya sa 'kin, ah? Ano 'to kalimutan nalang?

"Happy birthday!"

Naunang dumating si Lucio at kendra. Binati ko sila at nakipag-beso na rin. Pinaupo ko sila sa Sala.

"Hello, Miss Brainy!" Bati ni Kendra kay Maxine nang lumapit ito sa amin.

Ngumiti naman ang anak ko. "Hello po.." Lumapit siya sa dalawa para yumakap.

"How are you, baby?" Tanong ni Lucio sa kaniya.

"I'm fine po. Kayo po?" Tanong ni Maxine pabalik.

Hinayaan ko na munang makipag-kulitan sila kay Maxine para mapuntahan si Georgia sa kusina.

"Nandito na si Lucio at Kendra." Imporma ko. Naabutan kong abala na sila ni Daniel sa pag-aayos ng mga pagkaing pinag-tulungan nilang lutuin. Nasa counter table na 'yong iba.

"Si Jared?" Tanong ni Georgia.

"On the way na siguro," Sagot ko. Sinenyasan ko si Karen na ayusin na ang table. Malapit ring mag-alas dose.

Nasa harap lang din ng kusina ang dining table namin. Ginagamit lang namin 'to kapag may mga bisita at hindi kakasya sa mga stool.

Nasilip kong nag-eenjoy ang dalawa sa pakikipag-kwentuhan kay Maxine. Mabuti 'yon para hindi sila mainip.

"Silang tatlo lang ba ang in-invite mo?" Tanong ko kay Georgia.

Kumunot ang noo ko nang mapatingin ako kay Daniel. Namumutla kasi ito at mahigpit ang kapit sa gilid ng counter table.

"Yup." Sagot ni Georgia na abala sa ginagawa. Hindi niya napapansing masama na ata ang pakiramdam ng kasama niya.

Napasuklay ako ng buhok at lumapit sa kaniya. "Are you okay?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya hinawakan ko siya sa braso. Sakto namang na-out of balance siya kaya mabilis ko siyang nasalo.

"Namumutla ka, ah?" Bulalas ko habang nakatitig sa kaniya.

"I-I'm fine..I just n-need to rest.." Mahinang sagot niya.

Naalarma naman si Georgia nang mapansin kami. "Anong nangyari, Daniel?" Alalang tanong niya.

"Napagod ata, Georgia." Sabi ko.

"Naku! Sinabi ko nang ako nalang kasi, eh." Tiningnan niya ang ako. "Ako na ang bahala dito. Ihatid mo na muna sa kwarto niya." Utos niya sa akin.

Tumango na lang ako at hindi na umangal pa. Inalalayan ko nga siya patungo sa kwarto niya. Hindi naman siya kumibo at sumunod lamang sa 'kin.

"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ko nang maihiga ko na siya sa kama. Hinawakan ko siya sa noo at leeg. Hindi naman siya nilalagnat. Nakahinga ako ng maluwag. "Bakit kasi nagpapagod ka pa? Alam mo namang bawal sa'yo, eh." Sermon ko.

Nagmulat siya ng mata at tiningnan ako. "S-Sorry, Asawa ko.." Aba't! Sisinghalan ko sana siya nang muli siyang pumikit. May sakit nga pala. Kapag magaling na siya, lagot siya sa 'kin.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya. Nakagat ko ang ibabang labi habang iniisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon kung saan walang angal akong nandito at inaalagaan siya. Ayokong mawala ang inaalagaan kong galit dahil 'yon nalang ang meron ako upang hindi magising ang damdaming matagal ko nang binaon sa limot.

But, how long? Hanggang kailan mo pa kayang alagaan ang galit mo, Corraine? Kung ngayon pa nga lang lumalambot kana.

Hinawi ko gamit ang kamay ang mga maliliit na pawis na nasa noo niya. "Hanggang kailan ka ba rito, huh? Huwag mo namang tunawin lahat ng galit ko sa'yo. Ang tagal ko kasing inalagaan 'to sa puso ko. Hindi naman pwedeng kapag dumating ka ayos lang ulit ang lahat? That's so unfair." Bulong ko habang nakatitig sa kaniya. Nakatulog na siya sa sobrang pagod.

Naisip ko, paano kaya kung nalaman niyang may namatay kaming anak? Hindi niya alam na kambal ang pinagbu-buntis ko dahil noong nalaman ko, wala na siya sa tabi ko.

The fact nga na iniwan niya ako noon hindi niya matanggap, paano pa kaya 'to? Siguradong mas lalo siyang magagalit sa sarili. Mas lalo niya lang sisisihin ang sarili niya. Mas lalo siyang masasaktan. That's a good revenge, right? After all the pain and suffering, makakabawi rin ako sa kaniya. Pero sasaya naman ba ako?

I sigh.

Iniwan ko muna siya sa kwarto niya para kamustahin sila Georgia. Naabutan ko silang kumakain na at nagku-kwentuhan. Bumaling naman silang lahat sa akin. Nag-tanguan kami ni Jared.

"Uy! Anyare do'n sa poging pinsan ni Georgia?" Tanong sa 'kin ni Lucio.

"He's fine. Nagpapahinga lang," Nakita siguro nila kanina ang paglabas namin sa kusina kaya nagtanong.

"He's sick pala..." Sabat ni Kendra. "Kawawa naman...."

"He's totally fine. Don't worry," I assured them. Mas maayos siya ngayon kesa 'yong mataas ang lagnat niya at dumudugo ang ilong. Palagay ko, mas safe siya ngayon.

Tiningnan ko si Maxine nang kalabitin niya ako. "Momma? Pwede ko po bang puntahan si tito?" Tanong niya. I can't blame her. Matagal niya nang nakakasama si Daniel at naging malapit na ang loob nila sa isa't isa. Minahal niya si Daniel kahit hindi niya alam ang totoo. That made me scared.

"Finish your food first, Maxine." Si Georgia na ang sumagot.

Tumango naman ang anak ko. "Okay, ninang." Masayang sagot niya.

Ako naman ay umupo sa tabi ni Jared. Hindi na siya nagtatampo sa akin. Nakapag-usap na kami and he knows everything. Sa tagal na naming mag-kaibigan, tinuring ko na rin siyang pamilya, isang kapatid na parating nandiyan para sa akin. At gano'n din ako sa kaniya. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko at kilala niya si Daniel.

"I had a talked to him last sunday night. Noong hinatid kita.." Mahinang sambit niya. Tiningnan ko ang mga kasama namin. Mukhang hindi naman nila narinig. "He was angry when he saw me. And very jealous.." Ngisi niya.

Tumikhim ako. Hindi ko ata nagustuhan ang pang-aasar sa tono ng pananalita niya. "Anong pinag-usapan ni'yo?" Tanong ko na lamang. Kumuha nalang ako ng brownies na si Georgia ang nag-bake kanina. Nawalan na ako ng gana.

"Nothing much. He just told me to back off. Sinabi ko na mag-kaibigan lang tayo at kapatid lang ang turing ko sa'yo kaya hindi dapat siya mag-selos sa'ting dalawa. I don't know if he believe me, though." Nagkibit balikat siya sa huling sinabi.

Tiningnan ko siya. "Tapos?" Kumunot ang noo niya. "Ano pang pinag-usapan ni'yo? Ikaw ba ang naghatid sa 'kin sa room ko? Wala na kasi akong maalala pagkatapos mong sabihing nasa bahay na 'ko." Tanong ko. Gusto ko lamang siguraduhing hindi ako nagkalat o hindi nagkaroon ng chance makausap si Daniel nang lasing. I really don't trust my drunk self.

"Why are you curious?"

"Just answer me!" Asik ko.

Mukha naman siyang nagulat sa reaksiyon ko. "W-Well..you passed out so I need to carry you. Gusto ka niya sanang buhatin ka para siya na ang maghatid sa'yo sa kwarto mo kaya lang bigla ata siyang nahilo, dumugo din ang ilong niya kaya ako na ang naghatid sa'yo sa room mo." Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n. "I remember, sinabi mo na may sakit siya. Malala na ba?"

Umiling ako. "I'm not sure." Seryosong sagot ko. Totoo naman. Wala akong alam. Si Georgia lang naman ang nakakaintindi sa mga medical papers ni Daniel, eh.

Napa-tsk siya. "You should know. Kahit galit ka, asawa mo pa rin 'yong tao. Maybe, isa sa mga rason niya kung bakit ka niya iniwan noon ay dahil sa sakit niya." Kinunotan ko lang siya ng noo. "Nabasa ko lang sa isang novel, bitch." Natatawang sagot niya nang makita ang reaksiyon ko.

"Hindi ko alam na marunong ka palang magbasa, Jerk." Irap ko. Hindi naman pang-kwento ang buhay namin. At kung kwento man 'to, baka awayin ko pa ang author dahil sa masaklap na plot ng storya niya! Ang pangit! Ang pangit ng flow ng story!

Naghanda ng pagkain si Georgia sa tray para kay Daniel. As usual, ako na naman ang nautusang magpakain do'n. Kailangan ko din pala siyang painumin ng gamot.

"Ako na ang bahala sa mga bisita." Pagtutulak ni Georgia sa 'kin.

"Fine." Ngumuso ako at iniwan na muna silang nagkakasiyahan sa hapagkainan.

Maraming pagkaing hinanda sila Georgia. Siguradong ipapaubos niya 'yon sa mga bisita dahil ayaw niya sa mga tira-tira. Ayaw niya ring ini-stock ang pagkain dahil araw araw naman siyang nagluluto.

Tinungo ko ang silid ni Daniel. Medyo bukas 'yon kaya tinulak ko lang gamit ang paa ko para makapasok. Sinara ko rin naman agad ng maayos dahil lumalabas ang lamig ng Aircon.

Hindi na ako nagulat ng maabutang nanunuod ng cartoon si Maxine sa Television. Ngumiti ako nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin. Ngumiti naman siya pabalik bago muling bumalik sa pinapanuod.

Gising na rin si Daniel. Nakaupo siya sa kama at nakatingin kay Maxine. Napatingin siya sa akin nang ibaba ko sa harap niya ang tray. May paa ito kaya medyo mataas. Bumuntong hininga ako nang titigan niya lamang ako. "Kumain kana.." Sabi ko. Nilipat ko sa taas ng legs niya tray.

"Thanks.." Medyo matamlay niya pang sagot. Kinuha niya ang kutsara't tinidor 'tsaka na nag-simulang kumain.

Nilingon ko si Maxine. "Baby, marami ka bang kinain?" Tanong ko rito.

"Yes momma." Nakangiting sagot niya habang tutok na tutok sa pinapanood.

Napatango na lang ako. 'Cedie' pala ang pinapanuod niya kaya hindi maistorbo. Bumaling na lang ako kay Daniel. Parang hirap siyang lumunok.

"Gusto mo bang palitan ko nalang?" Tanong ko sa kaniya.

Pinigilan niya ang kamay ko nang akmang kukunin ko na ang tray sa kaniya. Natigilan ako at napatingin sa kamay niyang nakapatong sa taas ng kamay ko. Para naman akong na-kuryente at mabilis 'yong binawi.

"O-Okay lang...medyo nahihilo lang ako.." Sabi niya nang hindi ako kumibo.

Tumango lang ako at tumayo. "Sabihin mo nalang kung tapos kana para makainom ka na ng gamot." Sabi ko 'tsaka tumabi kay Maxine na seryoso at tahimik pa ring nanunuod.

Nararamdaman ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Napahawak naman ako rito at parang hindi ako makahinga ng maayos.

"Momma?" Nagtatakang tiningnan ako ni Maxine. Napansin niya atang naninigas ako sa tabi niya.

Hilaw akong ngumiti. "Manuod ka lang, anak." Ginugulo lang ako ng lintik mong ama. "Ang ganda na ng scene, oh." Sabi ko na lang. Tapos, Inabot ko siya at niyakap.

Napapikit ako. Calm down, heart. Huwag kang maging mahina ngayon, papatayin talaga kita. Tandaan mo lahat ng nangyari noon. Sinaktan ka niya at kung bibigay ka ulit, masasaktan ka lang din.

Naunang umuwi sila Lucio at Kendra dahil may lakad pa daw sila. Kinausap naman ako ni Lucio bago siya umalis. May runway daw next month at nalista na niya ang pangalan ko. Sasabihin niya na lang daw ako kung may mga shoot kami. Nagpa-salamat lamang ako sa kaniya bago sila pinakawalan ni Kendra.

Hindi na rin naman din nagtagal si Jared dahil may restaurant pa siyang aasikasuhin. Mas abala siya kapag dinner time na. Iba na kasi ang set up nila, band night na. Mas maganda kasi may mga iba't ibang ilaw siyang nilalagay.

"See you later," Sabi niya sa 'kin noong ihatid ko siya sa labas. "Sinabi ni Georgia na nagpa-reserved daw kayo sa restaurant ko? Bibigyan ko nalang kayo ng magandang view since ayaw magpa-libre ni Georgia."

Napangiti ako. "Thanks. Discount nalang." Sabi ko sabay tawa.

Natawa rin siya. "Okay. 100% discounted na kayo. Eat all you can pa." Tawa niya. And I know hindi siya nagbibiro.

Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. "30% jerk." Sabi ko. Ayaw ko ring hindi nagba-bayad kapag kumakain kami sa restaurant niya. Business pa rin 'yon kahit alam kong hindi naman siya maghihirap kung ililibre niya nga kami. Pero hindi ko tatanggihan ang discout 'no -evil laugh-

"Fine." Suko niya. "See you later." Aniya atsaka ako hinila para yakapin.

Tinapik ko naman ang likod niya. Ngumiti ako nang siya na rin ang kumalas at lumayo sa'kin. "Ops," Ngumisi siya at tumingin sa likod ko. Doon sa pinto ng bahay na natatakpan lamang ng screendoor. "Galit na naman sa'kin ang Asawa mo."

Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Nakatayo nga doon si Daniel at matalim ang mga matang nakamasid sa'min. Kumunot lang ang noo ko. 'Di ba dapat nagpapanhinga ang isang 'yon?

"Alis na 'ko." Nakangisi pa ring paalam ni Jared.

Tumango lang ako at kumaway sa kaniya nang lumabas siya ng gate. Nasa labas lang ang kotse niya. Tinanguan ko lang siya at hinantay na makaalis bago ako pumasok sa loob.

"Hindi ba dapat nagpapahinga ka muna sa kwarto mo?" Tanong ko sa kaniya nang sundan niya ako. Nagliligpit na si Karen at Georgia.

"What was that?" Iritant tanong niya.

Tumigil ako at tiningnan siya. "Ang alin?" Takang tanong ko.

Mas lalo siyang nainis. "Anong alin? Bakit kung mag-yakapan kayo parang wala ako rito? Pinalampas ko lang 'yong pag-uwi mo ng lasing na lasing no'ng linggo, Corraine! Tapos ito na naman? Sino ba talaga 'yong gago na 'yon sa buhay mo?" Galit niyang tanong.

"Wow!" 'Di makapaniwalang bulalas ko. "Anong karapatan mong gumanyan sa 'kin? Inaano ka ba, huh? O Baka naman nakalimutan mong nakikitira ka lang dito sa bahay ko?" Mariing sabi ko. Lalampasan ko na sana siya nang huliin niya ang braso ko at binalik sa harap niya.

"Asawa mo ako. Baka ikaw ang nakakalimot diyan?"

Matalim ko siyang tinitigan. "Matagal na tayong hiwalay, Daniel. Ikaw ang nakipag-hiwalay 'di po ba? Tapos ngayong babalik-balik ka at aaktong ganito? Tigil tigilan mo nga ako! Para kang asawa ko kung magselos..." Inis kong singhal sa kaniya.

Sinubukan kong bawiin ang braso ko sa kaniya pero mas hinigpitan niya pa lalo ang kapit sa 'kin. Napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang galit na galit.

"Asawa mo 'ko! Ano man ang nangyari noon, asawa mo pa rin ako! Baliktarin mo man ang mundo, kasal ka pa rin sa 'kin! At kung galit ka sa akin, sige, magalit ka lang pero huwag mo akong pag-selosin ng ganito...k-kasi masakit, Corraine!" Singhal niya.

Napangiwi ako at medyo nag-react nang mas humigpit ang kapit niya sa braso ko. Parang doon niya nilalagay lahat ng tensiyon at galit niya nang hindi niya namamalayan.

"A-Ano ba?" Pumiglas ko. "Nasasaktan ako..."

"Ano bang problema ninyo at nagsi-sigawan kayo rito? Hindi na ba ninyo talaga naiisip ang mararamdaman ng anak ni'yo?" Si Georgia ang nagpahinto sa 'ming dalawa. Kung hindi pa siguro siya lumapit sa'min baka hindi pa natauhan si Daniel.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalaya ang braso ko mula sa kaniya. Sinapo ko naman 'yon at napangiwi na lamang dahil namumula na 'yon at medyo mahapdi.

"Ano, Daniel? Magpapadala ka nalang ba diyan sa selos mo? Aba, hindi mo pa nga naaayos ang pamilya mo, inuuna mo pa 'yang galit mo." Umiiling na sermon ni Georgia sa kaniya. "Ikaw naman, Corraine. Preno nga muna sa masasakit na salita. Kaya lumalala ang lahat, eh." Napatango lamang ako. Na-trigger ako, eh.

Huminga ako nang malalim. Napatingin naman sa akin si Daniel pababa sa namumulang braso ko. Nawala ang galit sa mga mata niya kanina at napalitan na lamang ng pag-aalala, guilt at takot. Inirapan ko lang siya at nilampasan silang dalawa ni Georgia. Sila na ngayon ang nag-uusap.

Umupo ako sa isang stool at tiningnan si Karen na napatalon pa sa gulat dahil nahuli ko siyang nakiki-tsismis. Napailing na lamang ako at humingi ng yelo sa kaniya.

"Si Maxine?" Tanong ko kay Karen habang ginagawa niya ang hinihingi mo.

"N-Nakatulog po sa kwarto ni K-Kuya Daniel." Sagot niya. Tumango lang ako at sinubsob ang ulo sa counter table. Napapikit ako at pinakiramdaman ang puso ko. Bigla kasi itong nanlambot noong makita ko ang galit ni Daniel kanina. Parang.....parang na-miss ko.

Really, Corraine? Ano tanga ka na ulit? Lalo akong nainis sa demonyong bulong ng bulong sa akin. Kainis talaga.

"Mabuti na lang hindi kayo narinig ni Maxine." Rinig kong sambit ni Georgia. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil gano'n din naman, papagalitan niya lang din naman ako.

Napaigtad ako nang may maramdamang malamig sa mahapding parte ng braso ko. "Dahan dahan naman," I hissed. Inis lang, Georgia?

"S-Sorry.." Natigilan ako sa narinig na boses.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Aba...seryosong seryoso pa ang mokong sa ginagawang pagdampi ng yelo sa braso ko. Ingat na ingat pa.

Babawiin ko na sana ang braso ko at sisinghalan siya nang tingnan ako ng masama ni Georgia.

"S-Sorry. Nasaktan kita.." Guilty siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Tingnan mo 'to. Para talagang gago, ay hindi gago pala talaga. Pagkatapos akong saktan, parang maamong tuta namang lalapit sa akin at hihingi ng tawad. Akala niya siguro madadala niya ako sa pa-ganiyan ganiyan niya.

Napairap ako. "Sanay na ako basta ikaw.." Sarkastikong sagot ko.

Basta ikaw ang mananakit sa 'kin sanay na sanay na ako. Na-experience ko ba namang iwan niya sa ere? Maliit lang 'tong ginawa niya ngayon kesa sa ginawa niya noon.

"Umayos ka 'yong dalawa diyan. Ayokong mainit ang ulo ni'yo sa dinner natin mamaya." Sabi ni Georgia. "We'll leave before 7.." aniya.

Tumango ako at marahas na binawi ang braso ko sa kaniya. Nagulat naman si Daniel sa ginawa ko.

"Sa kwarto muna ako, Georgia." Tumayo na ako at iniwan sila do'n.

Pinuntahan ko muna si Maxine para kunin. Naabutan ko nga siyang mahimbing na natutulog sa kama ni Daniel. Kaagad ko naman siyang nilapitan at binuhat. Hindi naman siya nagising bagkus ay yumakap pa nga siya sa leeg ko.

Dinala ko siya sa kwarto ko. Gusto ko siyang katabi ngayon. Masama ang loob ko sa tatay niya at siya lang ang makakatanggal no'n.

Niyakap ko ng mahigpit si Maxine bago pumikit sa tabi niya. Hinayaan kong dalhin ako ng kapayapaan naming dalawa sa kadiliman.

Hmm my sweetest scape.

Continue Reading

You'll Also Like

30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
33.4M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...