Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 11

484K 27.7K 59.5K
By jonaxx

Kabanata 11

Scent


Lumipas ang isang oras at ganoon pa rin. Si Angelo ang pinagkakaguluhan. Ayos lang naman sa akin dahil iyon na naman din ang in-expect ko. Nakayakap na ako ng isang kinder. Nanay niya ang bumili at sa akin siya pinayakap.

Masaya naman. Nakikisaya ako sa mga lumalapit kay Angelo para yumakap. There was a moment that the girls are in a long line for Angelo. Nagdala ako ng tissue, kahit na hindi ko naman magagamit, at binigyan ko siya.

"Mapapabili ako ng lemonade natin nito," he announced after he hugged those girls.

Wala pang bumibili nang umikot si Angelo para bumili ng lemonade namin.

"Free hugs po!" sabi ng tinderang kaklase, nakaligtaan na si Angelo lang pala ang bumili.

He laughed and looked at me. Uminit ang pisngi ko. I suddently feel useless here. At least Angelo attracts girl-customers.

"Ay sorry! Hindi ko na napansin na ikaw ang bumili!"

"Bawal ba kapag kaklase?"

I got shocked a bit. Honestly, I probably blushed. Tumawa lang naman siya at bumalik sa tabi ko habang umiinom noong lemonade. Hindi na ako nagsalita at pakiramdam ko biro lang naman iyon.

"Hindi ka ba bibili?"

Umiling ako, bahagyang natuwa na normal naman akong kinakausap. "Hindi na. Hindi pa naman ako inuuhaw."

Tumango siya at napabaling sa palapit.

Ganoon na rin ako. Nakita ko na grupo nina Leandro at Levi iyon. Naroon pa sila sa katabi naming puro mga streetfood. Hindi ko na naman iniisip na pupunta pa sila rito. Baka ang street food ang sadya nila.

Nakita ko nga na kumain ng fishball si Levi. Tinawanan pa siya ng tindera.

"Kuya, hindi ka bibili sa siomai?!" biro sa kanya.

"Mahaba ang pila!" sigaw ni Leandro.

Nagtawanan sila. I smiled a bit. Levi's eyes then wandered at our booth. Nang natanaw niya ako, lumapit agad siya. Kung hindi siya tinawag ng tindera, baka dumiretso siya sa akin para kausapin ako.

"Bili na kayo, parang awa n'yo na!" biro ng kaklase ko.

"Magkano?" si Levi na hindi alam saan titingin.

"Mas mura kina Chantal," si Leandro habang tinitingnan ang menu.

Levi was already opening his wallet. "Kuripot mo! Oh libre ko na 'to!"

Namilog ang mga mata ko. Lalo na nang nakitang nagtawag si Levi ng mga kaklaseng lalaki. I panicked. Honestly, I was really bothered.

THey didn't know that there's a free hug! Kaya bibili sila! Pero hindi naman required kaya puwede! Kaya halos tanggalin ko ang karatulang th-in-umbtacks para lang maipakita.

"May free hug kayo sa class muse namin!"

Levi's eyes widened. Napatingin siya sa booth namin na tinuro ng kaklase ko. HIndi pa kami nagkakatinginan ay umiiling na ako.

"Hindi naman kailangan! Bale, bonus lang 'to. Ayos lang!"

"Free hug kay Yohan!" sigaw ni Levi.

"Friendly hug!" sabay tawa ng isa niyang kaibigan na nilibre niya rin.

Sila na lahat, pati si Leandro ang iniilingan ko.

"Hindi naman talaga kailangan. Bale bonus lang 'to!"

Lalo na si Levi dahil palapit na siya ngayon.

"Gusto ko ng bonus!" si Levi at niyakap na ako kahit na panay pa rin ang iling ko."

"Yohan, sige na. Para sa booth natin!" medyo iritadong sinabi ng kaklase ko.

I realized I probably look snob when I said no. Hindi naman kasi iyon ang nasa isipan ko. Ayaw ko lang na parang obligado sila na yakapin ako lalo na't alam ko namang ayaw talaga nila.

I hugged Leandro, then Adriano, George, and many more.

Marami ang nilibre ni Levi at kahit anong sabi ko na hindi na naman iyon kailagan, yumakap pa rin sila. They laughed and I was scared. I felt so embarrassed.

That's when I realized that there was a difference. Hindi pala lahat ng tawa ay nang-aasar sa akin. May tawang natutuwa rin pala kahit paano. May tawang nanunukso sa nakakatuwang paraan. Hindi naman pala lagi'y puro pang-aasar at pamamahiya. O pang iinsulto.

Because the boys flocked, people went to us too. Marami ang naging kuryoso lalo na dahil bumili ulit si Levi.

The crowd from the siomai booth went to us. Naroon na rin ang ibang junior high. Sa ibang hindi ko kilala, iniisip kong nakikiuso na lang. Levi is such a trendsetter that whatever he does, everyone follows.

Tahimik niyang kinalabit si Leandro nang nakita na palapit na sina Chayo sa booth namin. Tumawa si Julius at mukhang bibili na rin. Samantalang si Levi, tinuturo na ang wala nang taong siomai booth.

Bumili si Chayo. Inilahad agad sa kanya si Angelo. She stared for a long awkward while before she said something to my classmate.

"I want the girl. Will that be okay?"

My eyes widened at that. Is she serious?

"Oo naman..."

I hugged Chayo. It was a long hug and when she was done, she went to my neck. Akala ko hahalikan niya ako.

"What's your perfume? I like it."

"Uhm... Eto..." sabay balik ko sa bag ko at kuha noon.

Inamoy niya pa ang perfume ko.

"Subukan mo," hamon ko.

She tried it on her wrist. Matagal din ang pag-aamoy niya. Napansin kong humaba na ang pila at nagpaparinig na ang mga kaklase kong hindi lang siya ang customer.

Nagulat din ako. Dahil mahaba na nga ang pila sa yayakap sa akin. Nagtawag pa ang mga kaklase ko ng mga senior high.

Chayo was busy smelling my scent when I saw Alvaro and his group. They were looking at our booth. Lalo na si Alvaro. Tinuro pa ni Juan ang booth namin.

"Yohan!" sabi sa akin dahil hindi pa rin umaalis si Chayo.

"Bibili ako nito. You should smell mine too. Nasa leeg ko."

I don't want to be disrespectful and she is known to have a bad temper so I did it to please her. Hindi na rin naman ako nagsisi dahil nagustuhan ko rin ang amoy niya.

"I like it! What's that?"

I smelled it again. May iilang nagtiliang highschool.

"Ano 'yon? Halikan?! Hala!"

My face heated.

"It's Chloe. I didn't bring it because it really lasts. I'll come here tomorrow and show you."

Tumango ako at umalis na siya. Mabilis kong niyakap ang nakapilang kaibigan niya at may isang nagreklamo pa na nakakainis si Chayo.

"Ang bagal kasi kaya ang iksi na tuloy ng time sa yakap namin!"

Tumawa ako pero bahagya akong na-touch. I couldn't believe it. Is it really real?

Mas mahaba na ang pila ko9 kay Angelo at mahaba na rin ang pila namin sa booth.

"Akala ko ba Kalansay? Okay naman pala ang katawan mo sa damit na 'to?" si Kervin.

"Bagay talaga 'yan sa mga kalansay!" narinig ko si Aria sa likod na bibili na rin.

She smirked at me and rolled her eyes.

"Pa isa pa," si Kervin sabay yakap ulit sa akin.

May ilang tumukso sa amin.

"Hoy, Kervin! Manyak 'yan, Yohan!"

"Hindi ko minanyak si Yohan, ah! Simpleng hug lang 'yon!"

Medyo natawa ako. Yakap nga lang naman iyon. Wala naman akong naramdamang kung ano. Kaya lang nagbiro pa ito na bibili pa at pumila pa nga siya.

While I was hugging Julius, I caught a glimpse of Alvaro's group from afar. Daniel was eating streetfood. Nakatingin si Alvaro sa banda namin, medyo seryoso. I always see him laughing with his friends but today, he was not in the mood. Ang mga kaibigan niya lang ang tumatawa habang nakatayo sa lilim ng tapat at hindi kalayuang puno.

"Kay Angelo ako yayakap!" si Aria at inirapan ako.

I don't expect her to hug me anyway. And besides, the line to hug me was really long!

Isang grupo ng grade 10 ang pumila sa akin. Maraming nagtilian. I realized they have fans so everyone was jealous. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. It was the closest thing to what I felt on my daydreams.

"Hindi naman kailangan daw yumakap!" iilang babaeng may gusto sa kanila ang nagsigawan.

"Eh pake n'yo, gusto namin!"

"Eh si kalansay lang naman 'yan!"

"Gusto namin si Kalansay, pake n'yo!"

Bahagya akong natawa sa asar ng mga grade ten na nakapila. I was smiling the whole time when I saw Alvaro again from afar. He was watching but I wasn't sure if it was me. Malabo kasi ang mga mata ko.

Naisip ko rin namang baka maraming mas lalong magalit sa akin kaya sinabayan ko na.

"Uh, bale bonus lang naman ito. Hindi naman kailangan..." niyakap na ako ng kausap ko.

Nagtawanan ang mga nasa likod dahil doon. Parang wala silang pakialam sa sinabi ko.

"Ang bango naman!" he announced to everyone the reason why more went to our booth.

Uminit ang pisngi ko. I was so overwhelmed. I wasn't pretty but all I think about is how it actually feels. Alam kong maaaring ngayon lang ito, sa opening lang, at siguro magtatagal hanggang huling araw ng intrams. Kung babalik man sa dati ang lahat, ayos lang sa akin.

My eyes widened while I was hugging another boy. Nakapila na sina Juan sa booth para bumili ng lemonade. At si Alvaro, nasa likod na!

"Hala! Andyan na ang crush niya!"

I think all the heat and color on my face faded because of that. Lalo pa nang nakita kong may ilang lumapit at nang-usisa. May iilang nakikitawang senior high. All eyes were on Alvaro.

Kinabahan ako lalo. Kahit pa patuloy ang yakap ko sa nakapila, hindi na ako mapakali.

"Uyy... Crush niya, pumipila."

Ang naunang mga lalaki na pipila dapat ay hindi na pumila. Mukhang may plano silang pabilisin ang pagyakap ni Alvaro sa akin.

"Namumutla si Kalansay!" someone shouted.

Napatingin si Juan sa akin. Siya ang nauuna sa kanilang grupo. Nanlamig lang ako lalo. May iilan pang hindi na pumila kaya naubos na rin ang pila sa akin. Ganoon din kay Angelo.

Natatawang bumaling si Angelo sa akin. "Ayos ka lang? Namumutla ka ah."

"A-A-Ayos lang ako," sabi ko at kinakalma ang sarili.

Mas lalong umingay. Naghiyawan na. I swear people really flocked and the crowd went wild.

Yumakap ang seryosong si Juan sa akin pero hindi iyon ang tinutukso nila. Si Daniel na nasa likod niya ay tumawa at hindi na pumila at nilingon na si Alvaro.

Alvaro shook his head at Daniel. Naglahad ng kamay si Daniel papunta sa akin na para bang ibinibigay niya ako kay Alvaro.

Alvaro looked at him with piercing eyes. Humilaw ang tawa ni Daniel at sa huli, niyakap na ako saglit at tumigil na sa pag-aasar.

Hindi pa natatanggap ni Alvaro ang lemonade niya pero naghihiyawan na.

"Hoy, Kalansay! May girlfriend 'yong tao! Ngee!"

My lips parted.

"Hala... Uyyy. Aagawin ni Kalansay si crushie!"

Pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kaba. Naghiyawan pa lalo nang natanggap na ni Alvaro ang lemonade niya. At hindi na siya pumunta sa booth ko, umalis na siya roon agad kaya humupa ang hiyawan.

Nawala rin ang mga usisero.

"Sabing may girlfriend, e. Hindi iyon yayakap."

"Baka para sa girlfriend ang binili."

"Kawawa naman si Kalansay."

"Punta na tayo sa horror house."

Nanghina ako at napaupo. Parang doon ko pa lang naramdaman ang pagod.

"Bilhan kita ng lemonade," si Angelo.

Umalis na ang crowd. May ilang pumila pa rin naman pero ang mga nang uusisa, mga babaeng senior high, at iilang junior high na nakitsismis ay nagsialisan.

Inilahad ni Angelo ang lemonade sa akin. I smiled and said thank you.

"Huwag ka muna tumayo," si Angelo.

Nakita kong may bagong pila na naman. Binaba ko na lang muna ang lemonade at sa mabigat na damdamin, nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi ko na nakita si Alvaro buong araw. Hindi na rin naman ako nag expect. Masaya naman ako. Masaya ako sa bagong experience. Masaya ako pauwi.

Umakyat din ako sa hagdan ng masaya.

Pero pagkasarado ko ng pintuan ng kuwarto ko, bumuhos ang mga luha ko.

I let my body fall on my bed and I cried a lot. I cried so much.

I liked Alvaro. I usually don't mind my feelings for him. HIndi ko rin dinidibdib masyado ang kahit ano. D-in-ate niya si Aria, nagkagirlfriend ng marami, at marami pa. Ngayon lang talaga ako umiyak ng ganito dahil sa kanya.

It wasn't his fault. Hindi naman kasi required na yakapin ako. Pinagtitinginan kami. May girlfriend siya. Pero bakit... ang sakit?

Hindi na ako pinilit ng mga kasambahay na bumaba para sa dinner. Matindi ang iyak ko at natatakot akong namumugto ang mga mata ko. Ayaw kong makita iyon ni Aria. I have no time for insensitive remarks right now because it truly hurts.

I cannot believe that I am crying over this. May karatula akong ginawa na hindi naman kailangan ang yakap. Pero noong hindi ako niyakap ni Alvaro, hindi ko matanggap?

Yohan, may girlfriend 'yong tao! Bakit ka mag-eexpect?

Hindi ako nag-expect pero ang sakit!

I couldn't stop crying. I couldn't sleep.

The next day, I decided to just put on my eyeglasses dahil sa namumugtong mga mata. Kinatok ako ni Aria.

"Yohan, make up?!" she offered.

"Hindi na. Nakapag-ayos na ako."

"Naku, baka mukha kang clown diyan. Papahiyain mo ako! Akin na!"

Nagsuot na ako ng isang dress na checkered yellow. I put on perfume and slid it on my bag. Nagsuot na rin ng puting sneakers at kaunting cc cream. Lumabas ako sa kuwarto at nakahilig si Aria roon nagce-cellphone.

"Okay na 'to," sabi ko.

She made a face as if she smelled something unpleasant. Padarag niyang tinanggal ang kaunting cc cream na hindi ko siguro na blend. Then she put on some lip and cheek tint.

"Para hindi ka mukhang multo!" she said.

Buti na lang at hindi niya na inusisa ang mga mata ko. Siguro dahil may salamin naman. Hindi ko tatanggalin ang salamin ko sa araw na iyon. Namumugto pa ang mga mata ko.

It was early in the morning. May customer agad kami ni Angelo pero dahil second day na ng intramurals at marami na ang naglalaro, wala na gaanong tao kagaya kahapon.

Iyon naman talaga ang expected. Lagi'y sa first day lang ang pinaka maraming tao dahil wala pang nagsisimulang mga laro.

It was still the first hour of the day when I saw Alvaro, alone, going to our booth.

Ang mga kaklase kong tindera ay isa-isang napabaling sa banda namin ni Angelo. My heart pounded but I remembered how much I cried last night. Hindi ko na siya gaanong pinansin. I know he'd just buy one and leave.

Kaya naman, halos maghuramentado ang puso ko nang nakita ko siya sa harap ko. He looked at Angelo first. Angelo cleared his throat and then decided to buy himself a lemonade.

Hindi ko alam ano ang sasabihin ko kay Alvaro. I'm not in the mood for a "hi" to him right now. It wasn't his fault but I'm really not in the mood.

"Hi..." he said.

I only smiled a bit and nodded at him. Pinagtitinginan na kaming dalawa at kinabahan ako na kung magtagal siya, magtipon ulit ang mga usisero.

He smiled. "Komportable ka naman?"

"Huh?" My brow was raised.

"Na... maraming niyayakap?"

I slowly nodded. "Ayos lang naman."

"Talaga?" He chuckled nervously. Napakamot sa batok din.

Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. "Oo. Bakit naman hindi?"

Ngumuso siya at unti-unting bumuntonghininga. He licked his lower lips and nodded. "Uh..."

I stared at him. He was busy thinking about what to say.

"I'm sorry yesterday..."

"Okay lang. Hindi ko rin naman in-expect na yayakap ka. May girlfriend ka kasi..."

His eyes widened a fraction. It was as if I said something so surprising. Kinagat niya ang labi niya. He laughed awkwardly again.

"Hindi ako yumakap dahil ayaw ko ng tinutukso ka. Alam kong hindi ka komportable kapag tinutukso tayo, Yohan."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagtagal iyon sa isip ko.

"At wala na kami ng girlfriend ko."

Napabalik ang mga mata ko sa kanya. He chuckled nervously again.

"Uhm..." he tapped his lemonade.

Bago pa siya nagpatuloy, hindi ko namalayang bumili na pala si Alonzo at ngayon nag-aantay na sa yakap ko. Yumakap ako sa kanya saglit. Alvaro looked at us while I was hugging Alonzo.

"Congrats, Yohan. Successful ang booth n'yo."

"Thank you, Lonzo," sabay ngiti ko.

"Alvaro, tara na. May pag-uusapan pa tayo sa game mamaya," si Alonzo at hinila na si Alvaro palayo roon.

Palayo na sila nang bumalik si Angelo sa tabi ko.

"Hindi mo niyakap?" si Angelo.

"Oo nga, Yohan? Hindi mo naman niyakap. Noong bumili rito, amoy na amoy ko ang bango bango ni Alvaro!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko sa booth. My eyes widened and my heart raced. Umiling ako. I never thought of that. Honestly, I never really thought of hugging him!

"Ayaw niya naman... yata..."

"Matagal siya rito. Akala ko... yayakapin mo," si Angelo.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.5M 99.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.