Hold Me Close (Azucarera Seri...

Bởi jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... Xem Thêm

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 9

455K 25K 21.9K
Bởi jonaxx

Kabanata 9

Muse


"Anong nginingiti mo riyan, Yohan?" si Aria.

Tatlong beses nang bumalik si Alvaro sa buwan na ito. Sa pangalawang balik niya, kasama niya sina Leandro at Levi. Masaya si Aria at napansin ko ring hindi na gaanong nakikipag close kay Alvaro si Aria.

Iniisip kong dahil loanhg nariyan naman si Leandro at Levi. Kaso sa pangatlong balik ni Alvaro, mag-isa na lang siya, napansin kong ipinagkikibit balikat na lang ni Aria ang mga pagtanggi nitong lumabas.

Naisip ko tuloy kung nasubukan niya na bang mag confess kay Alvaro kaya ganoon? Baka nasabi na ni Alvaro na may iba siyang gusto kaya ngayon, wala na siyang interes. Kahit kanina, hindi na siya gaanong nagpumilit dito.

Magkatabi man sila sa upuan, tahimik naman at may ka-text pa si Aria. Kaya siguro nga, nagkaliwanagan ang dalawa sa huling date nila. Kung sa bagay, kung may ibang gusto si Alvaro, hindi naman niya puwedeng hayaang umasa si Aria.

"Umaasa ka? Akala mo naman papatulan ka noon?!" she said.

Pumait ang ngiti ko. Nangingiti lang naman ako kasi siyempre, masaya ako na bumisita ulit siya... kasama si Kuring. Hindi naman na ako umaasa kay Alvaro. Humahanga ako pero alam ko rin namang walang kung ano sa amin.

"Hindi naman, Aria."

Kinalabit ang aking eyeglass, suminghal siya.

"Hindi raw? Halata sa'yo, 'no! Ang pangit na 'to umaasa pa! E ako nga, ayaw pa no'n!"

Namilog ang mga mata ko at bahagyang natawa. She actually confessed! She rolled her eyes. Akala ko ikakahiya niyang sabihin ang mga ganitong bagay lalo na kapag hindi pinatulan, hindi ko inasahan ito.

"Ikaw pa kaya? Sige ka!"

Sinubukan kong sumimangot kahit natatawa naman sa sinabi niya.

"Papaasahin ka lang no'n, Yohan."

"Hindi naman..."

She smirked when she realized I was kind of affected.

"Aasa ka sa kanya sa dalas niyang balik dito para bisitahin ka kasama ang pusang 'yon! Hanggang sa ma in love ka na sa kanya. Ano sa tingin mo ang gagawin niya kapag umamin ka sa nararamdaman mo?"

"H-Hindi naman ako aamin, Aria!"

Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Aria. Hindi naman iyon totoo pero siguro sa kailaliman ng isipan ko, naisiksik ko iyon doon kaya hindi ko mabalewala.

"Tingnan mo naman ang mga naging girlfriend niya, puro magaganda! Tingin mo talaga pagbibigyan niya ang pangit na katulad mo? At isa pa, nene ka pa. Hindi ikaw ang tipo na gini-girlfriend niya!"

"Hindi naman talaga, Aria. Hindi ko naman din iniisip iyon."

She laughed.

"Paaasahin ka lang no'n. Kahihiyan ka sa mga kaibigan niya kapag naging girlfriend ka. At kung... liligawan ka man no'n, alam naming lahat na lolokohin ka lang din niya!"

I know Alvaro is a known playboy. Pero sa ilang buwan naming pagkikita at pag-uusap, hindi ko makita sa kanya ang sinasabi ni Aria.

His friends always tease me. Siya lang ang hindi nang-aasar at madalas niya pang sinasaway ang mga kaibigan. He always makes me laugh with his jokes.

"He's not like that, Aria! He's good to me."

"Hindi mo man lang ba naisip? Na... bakit kaya? Bakit ang kasing guwapo ni Alvaro, grade twelve na, mabait sa pangit at bata na tulad mo?!"

Hindi ako nagsalita. She smirked and ruffled my hair.

"Well, bahala ka na nga. Hindi naman din ako ang masasaktan at iiyak sa huli. Ikaw naman. Kaya pake ko."

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Aria. But it stayed on my mind for a while.

I just know that Alvaro is a playboy but he was never really mean to me. I don't think he would hurt me or anything. He was always good to me. Sometimes, I think he's the only one who really cared.

I appreciate it. I feel comforted everytime I think about it. Kaya bakit sasabihin ni Aria iyon? I don't want to doubt Alvaro's motives. I don't think he has them. Ano naman ang makukuha niya kung lolokohin niya ako? And how will he betray me as friends?

Hindi ko pa nakikita pero narinig ko na sa mga kaklase ko na mayroon daw bago na girlfriend si Alvaro. Iyon nga yatang transferee iyon. Kahit kuryoso ako, hindi ko magawang makipag-usap sa mga kaklase dahil nahihiya ako.

I just write everything on my notebook.

Alvaro has a new girlfriend now. I'm not really surprised. I'm just thankful that it's not Aria. She's nasty. I hope Alvaro's new girlfriend isn't.

Nasa library ako nang nakita ko sila. Grupo ulit silang pumasok gaya ng madalas kong matanaw. At unang nakita ko sa pagpasok ay sina Daniel kasama ang iilang babaeng kaklase.

Mabilis akong yumuko, nahihiya. Hindi ko pa alam na nakasunod si Alvaro no'n. I just think that I would rather be invisible than be seen by these people. They always make fun of me. Or at least last year. Nitong school year na 'to, wala pa naman kaming encounter na ganoon.

Binaba ko na ang aklat na binabasa dahil nakapasok na at dumaan na ang mga kaklase ni Alvaro nang pumasok siya. Kasabay niya ang girlfriend niya, iyong transferee.

She was holding on to his arm. I saw it very clearly.

Hindi ko alam kung bakit may kaunting sundot sa puso ko nang natanaw ko iyon. May kausap si Alvaro sa tabi niya pero nakahawak ang babae sa braso niya. She was attentive to whatever Alvaro is saying.

The girl is pretty. She looks pleasant with her small chin and short straight hair. She also had thin lips and her nose was narrow. Narinig ko, pinsan pamangkin siya ng isang politiko rito. She's from Silliman, nagtransfer lang dito. I also heard that she was actually from this school. Noong junior high yata nagtransfer lang din sa Silliman.

So maybe, Alvaro knew her then. That's sweet, right? Like a childhood friend turned into lover.

Alvaro is also a childhood friend of mine. Alam ko nga lang na medyo napilitan sila ng mga kapatid niyang pakisamahan ako dahil anak ako ng amo nila. So I don't count.

And also... he wasn't exactly friendly to me back then. Nitong natagpuan ko lang naman talaga si Kuring siya naging mabait ulit sa akin. Hindi rin naman siya masama noon pero hindi lang kami madalas nag-uusap. He was friendly to others but he was a snob to me.

Magtatagal kaya sila? Alvaro seems to like changing his girlfriends. And I don't know how I feel about it... do I want them to last? Or...

Napansin ako ni Alvaro. Naibaba ko na kasi ang librong pinagtaguan. He looked stunned by a few moments. Sumagot sa kausap nang hindi natatanggal ang tingin sa akin. He smiled to me and I smiled back to him.

Kalaunan, pumunta na sila sa kung nasaan ang mga kaibigan. I sighed. Thankfully, hindi puwede ang maingay sa library. Kaya makita man nila ako rito, hindi nila ako aasarin dahil bawal namang mag-ingay.

Naupo si Alvaro. Ganoon din ang girlfriend niya. Nag-usap sila at umalis ang babae. Alvaro took out his books and opened one.

He glanced my way. My heart is instantly on my throat. He grinned. Bumalik na ang girlfriend niya at nag-usap na silang dalawa. Binalik ko na ang mga mata ko sa binabasa at nagpatuloy na lang.

I read five whole pages straight when my eyes went to them again. I saw how the girl hugged Alvaro. Hindi ko na nasundan kung ano ang ginagawa nila pero mukhang may ginawa silang assignment. May mga papel sa harap nila at galing sa pagsusulat. The girl fits perfectly on Alvaro's chest.

I suddenly remember Kuring with the way the girl hugged him. Nakapikit pa ang babae at parang dama dama ang malapad na dibdib ni Alvaro. I suddenly thought of it as a warm place. It must be, huh? Because it seems like the girl was very comforted. May kaunting luha pa sa mga mata ng babae bago niya pinakawalan si Alvaro.

I quietly wonder if... I would ever be held that way.

I closed my eyes and thought of Alvaro's words. I am still too young to think about it.

Pinigilan ko pero nagbabalik na ako ng mga libro, bumisita ulit sa utak ko iyon. Kaya galing doon sa sci-fi na binasa, saglit akong pumunta sa romance. Kaunti lang ang mayroon sa library namin pero mapagti-tiyagaan na rin.

I was busy on the shelves. Magkabila ang chini-check ko nang biglang may pumasok din. May ibinalik si Alvaro sa shelf malapit sa romance. Nagulat siya ng nakita ako roon. I smiled.

"Hi!"

"Hi!" sagot ko, medyo awkward at kumuha na ng isang libro.

"Mag-isa ka lang?"

"Uh. Oo."

Tumango siya at dumulas ang mga mata sa dala kong libro. Uminit ang pisngi ko nang naisip na romance iyon. And the title was a bit telling, that was why it's more embarrassing. Para bumalik ang mga mata niya sa akin, nagsalita ulit ako.

"Kasama mo ang girlfriend mo?"

His lips parted. He swallowed hard and nodded. I smiled. He cleared his throat and chuckled a bit.

"Maganda ba?"

Kinabahan ako bigla. He chuckled again, as if it's a joke.

"Oo," seryoso kong sagot. "Mabait din ba 'yon?"

His lips parted again. This time, he licked it before he nodded. Kumunot na ang noo.

"Mabait din naman, Yohan."

Tumango rin ako at tumingin sa shelf. Kumuha pa ng tatlo pang libro na romance. Bahala na nga.

"Sana maging kayo hanggang sa huli..." sabi ko sabay baling sa kanya.

Kunot ang noo niya pero unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Natawa siya na para bang joke 'yong sinabi ko. Aalis na sana ako. Magpapaalam na sana pero hindi ko alam bakit siya natatawa.

"Huh? Anong nakakatawa?"

Umiling siya pero natatawa pa rin.

Kumunot ang noo ko, iniisip talaga kung bakit siya natatawa. Medyo kinabahan ako at hindi naging komportable.

"Sorry, Yohan," aniya at kinalma ang sarili. Hindi na tumawa. "Hindi pa naman ako nag-iisip na mag-asawa, e. Kaya medyo natawa ako sa sinabi mo."

I remained there, stunned. Is he serious? I was turned off a bit. Alam kong playboy siya pero iba pa rin pala pag nasa harap na at ganito siya.

"Huh?" I was curious.

He smiled. "Ang sabi ko, hindi pa ako nag-iisip na mag-asawa sa ngayon. Gagraduate pa ako at mag P-PMA pa, hindi ba? Kaya..." nagkibit siya ng balikat.

I get what he means but I just couldn't believe it. O baka nakulong lang ako masyado sa iniisip ko sa kanya? Nasobrahan ba ako sa day dream kaya hindi ko na alam kung alin ang totoo na Alvaro at alin ang hindi.

"Ah. Gaya ni Aria."

Sumeryoso siya. He swallowed hard again. If I knew him better, I would say he's nervous. But it was impossible. I probably would never make him nervous.

"Kung sa bagay. Kung ako rin naman magkakaboyfriend kalaunan, hindi ko iisiping mag-aasawa na kami."

Ngumiti ako. Hindi niya naman iyon masuklian. Kaya tumawa na lang ako.

"Pero mukhang malabo iyon. Wala akong manliligaw..."

Kinabahan ako bigla. Lalo na dahil tahimik si Alvaro.

"Mauna na ako. Hihiramin ko lang tong mga libro."

He nodded. I waited for his words but nothing came so I just went on my way.

Umuwi na ako pagkatapos noon at sa weekend, binasa ko ang mga iyon. Alvaro was busy that weekend. Ang sabi niya sa akin noong nakaraan, tutulak sila ng Cebu at sasamahan niya ang mga magulang niya. Mukhang may kung anong programme yata sa school ni Ate Gen. Ang alam ko kumuha siya ng abogasya sa San Carlos.

Hindi na daw dapat ako mag-alala dahil umuwi naman si Kuya Gilbert kaya may mag-aalaga pansamantala kay Kuring. Somehow, thinking about Kuya Gilbert comforted me. Pakiramdam ko mas magaling siyang mag-alaga kaysa kay Alvaro.

I was doodling on my notebook turned diary about it. I put on a review of the romance book that I've read.

Nakakakilig iyon at sobrang dreamy. Gusto ko ring maka experience ng ganoon. Bata pa ako ngayon at hindi tuloy ako makapaghintay na tumanda.

"Kung iyan ang gusto n'yo..." nagsusulat sa blackboard si Alonzo.

Wala ang teacher namin sa araw na iyon at madalas, dahil pinakamatalino sa batch niya, siya ang humahalili rito. Kung emergency lang naman at isang araw na absent lang. Kung ilang linggo'y may substitute namang ibibigay ang eskuwelahan.

Dahil wala ang homeroom teacher at tungkol sa intramurals lang naman ang ididiscuss, pinaubaya na sa kanya iyon.

Hindi ako nakikinig. Kababalik lang ng isipan ko nang biglang may nagsabi.

"Si Yohan, Sir!"

Nagtawanan bigla ang mga kaklase ko. Kinabahan ako. Hindi ako nakinig at hindi kio alam ang nangyayari!

Napalinga-linga ako at natanaw ang lakas ng hagalpak ng mga kaklase ko. Alonzo's brows connected and he looked annoyed. Dahilan kung bakit natahimik ang mga kaklase ko.

"I don't tolerate bullying," he said.

Kinabahan ako lalo. Hindi ko alam kung anong mayroon. Hindi na ako nakinig dahil lagi namang pang magaganda lang madalas ang intramurals. Bukod sa field demo, wala na akong ibang participation doon.

Nagkatinginan kami ni Alonzo. Mukhang alam niyang hindi ako nakikinig dahil kanina pa ako nakatingin sa labas ng bintana.

"Is it true?" he asked me.

What's true?

He really noticed that I didn't listen. Bumaling siya sa mga kaklase kong tahimik at kabado sa ipinakita niyang galit.

"Sino ang muse n'yo rito?"

Napatingin ako sa blackboard. Orange and Lemons, lemonade booth. Free hugs by the class muse.

Unti-unting uminit ang pisngi ko. Ginawang katuwaan ng mga kaklase ko ang gawin akong muse noong election. It was sarcasm of course. I was ugly but they find it funny. Our adviser scolded them. Kaya lang, ako pa rin ang nanalo. Kinausap niya ako pagkatapols ng klase at sinabing ayaw niya sanang mangyari iyon pero para hindi niya magawang baguhin dahil iyon daw ang essence ng democracy!

Now... what?!

"Totoo ba 'yon?" Alonzo asked then he looked at me.

Hindi ako nakasagot. Iniisip na hindi ko pa nakuha, sinabi niya ulit ang gagawin.

"Nakapagdesisyon ang klase n'yo na ang booth na gagawin ay juice booth. Wala pang nakakakuha ng ganito sa ibang klase kaya papayagan ko. Para magpromote ng booth n'yo, nagkasundo kayo na may free hugs galing sa class muse. Sino ang class muse n'yo?"

"Si Josefa Hanabella, Sir," matapang na sinabi ng class president namin.

Nagtagal ang tingin ni Alonzo roon bago ako binalingan.

"Totoo ba 'to, Yohan?"

Unti-unti akong tumayo. Unti-unti ring tumango, walang magagawa kasi iyon talaga ang totoo.

"Sir may list of class officers kami sa likod. Siya po talaga, Sir." sambit ng isa.

"Okay, then. Let's make that the class prince and class muse," si Alonzo sabay sulat ulit sa board.

Nagtaas ako ng kamay. Nagtinginan ang mga kaklase ko, nagulat sa pagtataas ng kamay ko. Matagal bago napansin iyon ni Alonzo.

"Yes, Miss Valiente?"

"Sir, baka po hindi kumita?" nahihiya kong sinabi.

His lips parted. My classmates laughed a bit but they stayed silent when Alonzo eyed them. Kumunot ang noo ni Alonzo, parang nahirapan din siya sa pagdedesisyon. Siguro dahil pangit nga ako at tama naman talaga ang sinabi ko.

"Kikita 'yan, Miss Valiente. Huwag kang mag-alala."

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...
2.5M 99.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.5M 34.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...