Dear Future Boyfriend

By Alesana_Marie

32M 775K 85.5K

Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [C... More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Message #1
Entry #6
Entry #7
Message #2
Message #3
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Entry #11
Message #4
Message #5
Entry #12
Entry #13
Message #6
Entry #14
Message #7
Entry #15
Entry #16
Entry #17
Entry #18
Entry #19
Entry #20
Entry #21
Entry #22
Message #8
Entry #23
Message #9
Entry #24
Message #10
Message #11
Message #12
Entry #25
Entry #26
Message #13
Entry #27
Call #1
Entry #28
Entry #29
Message #14
Entry #30
Message #15
Message #16
Message #17
Message #18
Message #19
Entry #31
Call #2
Message #20
Entry #32
Message #21
Entry #33
Entry #34
Entry #35
Message #22
Message #23
Entry #36
Message #24
Entry #37
Entry #38
Message #25
Entry #39
Entry #40
Entry #41
Entry #42
Entry #43
Entry #44
Entry #45
Message #26
Message #27
Entry #46
Kayleen
Kayleen
Entry #47
Kayleen
Entry #48
Kayleen
Kayleen
Important Note
Entry #49
Entry #50
Entry #51
Entry #52
Entry #53
Entry #54
Message #28
Entry #55
Entry #56
Entry #57
Message #29
Message #30
Entry #58
Entry #59
Message #31
Entry #60
Message #32
Entry #61
Entry #62
Message #33
Entry #63
Message #34
Entry #64
Message #35
Entry #65
Entry #66
Message #36
Message #37
Message #38
Entry #67
Entry #68
Kayleen
Entry 69
Kayleen
Entry #70
Kayleen
Entry #71
Message #39
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Entry #72
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Kayleen
Extra Chapter

Kayleen

203K 6K 3.3K
By Alesana_Marie

Kayleen

“Tulog pa si Ashton.” Nakabalik na si Ashleen sa kwarto. 

Pinilit kong ngumiti. Pakiramdam ko talaga dinudurog yung puso ko. Feeling ko, ang kapal ng mukha ko para mag-assume! Nahihiya ako sa mga naisip ko! Sobrang nakakahiya! Gusto kong umiyak at mag-tago nalang sa bahay forever. Ayoko na ulit magpakita pa ng mukha kay Ashton!

“Sissy, okay ka lang? Parang namumutla ka na.”

“Uuwi na ako Ashleen.” Ngumiti ako ng pilit. “Medyo sumakit kasi ang tyan ko. Ang dami ko yatang kinain na pie kanina.” Tumawa ako nang mapakla.

Nagmamadali akong tumayo.

“Wait lang Kay!” Inabot nya sa akin ang box ng pasalubong nya sakin. “Don’t forget this. Gusto mo ba ipahatid kita sa driver?”

Umiling ako. “Hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin. Tsaka sa layo ng byahe nyo, sure ako na medyo pagod pa ang driver nyo. Ayoko naman mang-istorbo pa.”

Mahina akong hinampas ni Ashleen sa braso. “Ano ka ba? Hindi ka istorbo. Sure ka ba na kaya mong umuwi mag-isa? Medyo mabigat pa naman to. Sasabihin ko sana kay Ashton na ihatid ka, kaso nakatulog eh.”

“Kaya ko mag-isa. Hwag mo na syang gisingin. Kaya ko naman.”

Lumabas kaming dalawang ng kwarto nya at hinatid nya ako hanggang sa may gate ng bahay nila.

“Itext mo ako kapag naka-uwi ka na, okay?”

“Oo naman. Sige, bye Ashleen.” Ngumiti ako sa kanya bago ako nagmamadaling lumakad palayo.

Nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko. Hindi sya si Mr Creeper. Hindi sya yon. Ang tanga ko! Bakit ba ako umasa? Lumakas ang iyak ko at nanginginig na ako dahil sa pag-hikbi ko. Nang makalabas ako ng phase three, umupo ako sa sidewalk at ibinaba ang box na dala ko. Doon na ako tuluyang umiyak nang umiyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin na kung sino man. Ang sakit pala mag-assume tapos mali ka! Maling mali ka ng inakala!

Akala ko talaga si Ashton yon. Akala ko talaga sya yon! Ang tanga ko talaga! Bakit ko ba naisip yon?! Coincidence nga lang ang lahat. Bakit ba kasi?!

Komo ba parehas na nakatanggap ng texts si Ashton noong oras na nagtext ako, inakala ko na kaagad na sya yon? Diba nga sabi ko non, coincidence lang yon lahat! Kasi nga imposible.

Bakit naman nya ako magugustuhan? Mas matanda nga ako sa kanya eh. Tsaka... ano pa ba? Hindi naman kami magka-level!

Mas napaiyak ako nang marealize ko na ang layo pala ng agwat namin sa isat-isa.

“WAAAAAHHH!” napapadyak pa ako sa semento.

“Kayleen!”

May boses ng lalaki akong narinig na tumawag sa akin. Nanlalabo ang mga mata na tumingin ako sa kaliwa ko. Nakita ko si Ashton na tumatakbo papunta sa akin. Bakit sya nandito?! Mas lumakas pa ang iyak ko nang makita ko sya. Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Mukha na yata akong batang nagwawala dahil naagawan ng lollipop.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong nya. Lumuhod pa sya sa harap ko para magka-pantay kami. “Sinong umaway sayo? May nanakit ba sayo? Nadapa ka ba? Saan masakit?”

Pinalo ko ang kamay nya na hahawak sana sakin.

“Lumayo ka! Ayokong makita ka!” iyak ko. Umiyak ako nang umiyak sa harap nya. Hindi na ako mahihiya sa kanya. Wala naman syang gusto sakin eh. Wala na yung effort ko na magbihis at magpaganda sa kanya. Naalala ko na naman. Akala ko talaga may gusto sya sakin.

“Bakit? Ano’ng kasalanan ko?”

“Basta!” sigaw ko sa kanya habang umiiyak. “Lumayo ka sakin! Layoooo!” Tinulak ko pa sya pero para syang bato sa tigas. Di ko sya magawang palayuin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay kaya hinigit ko yon mula sa kanya. “Hwag mo kong hawakan! Ayoko sayo! Lumayo ka!”

Hirap na akong makakita dahil sa sobrang labo na ng mga mata ko. Panay rin ang hikbi ko. Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Ang hirap na huminga sa sobrang iyak ko. Pero kahit nahihirapan ako hindi ko naman magawang tumigil.

“Ano bang nagawa ko? Sabihin mo kasi sa’kin.”

Hindi ko sya pinansin. Pinunasan ko ang luha ko at humihikbing inabot ang kahon at tumayo na. Uuwi na ako.

“Kayleen, saan ka pupunta?” Sinundan nya ako sa paglalakad. “Sorry na kung ano man yung nagawa ko sayo. Hwag ka nang umiyak.”

“B-Bakit ka ba kasi n-nandito?” humihikbing tanong ko sa kanya. “D-Diba natutulog ka?”

“Nag-alarm clock ako. Hwag ka nang umiyak.” Kinuha nya ang dala kong kahon. “Ihahatid na kita pauwi.”

“Ayoko! Kaya ko mag-isa! Umuwi ka na nga sa inyo!” Kinuha ko pabalik ang kahon. Hinigpitan nya ang hawak don kaya nainis ako. “Akina sabi eh!”

“Hindi ko ‘to ibibigay sayo. Ihahatid kita sa bahay nyo,” matigas nyang sabi.

Pinunasan ko ang mga mata ko na nararamdaman kong namamaga na. Sigurado magtatanong sina Mommy kung bakit namumula ang mga mata ko.

“Naiinis na ako sayo Ashton! Umuwi ka na nga sa inyo!”

“Ihahatid kita!”

“Ikaw. Hwag mo nga akong pagtaasan ng boses! Mas matanda ako sa’yo!”

“Sorry. Hindi ko parin ibabalik sa’yo to.”

“Makinig ka dapat sa nakakatanda sayo! Ibalik mo na yang kahon sakin at umuwi ka na!”

Sa gulat ko, ibinigay nga nya sakin ang kahon. Nakagat ko ang ibabang labi ko kasi gusto kong sumimangot. Bakit nya ibinigay?

“Happy now?” mukhang naiinis na tanong nya.

“Oo!”

“Sasabihin mo na ba sakin kung bakit ka umiiyak?”

Naalala ko na umiiyak nga pala ako kanina. Naalala ko na naman kung bakit. Nag-init na naman ang mga mata ko at naramdaman kong papabalik na naman ang hikbi ko. Maiiyak na naman ako.

“Wala ka na don! Umuwi ka na! Ayaw kitang makita!” Nilagpasan ko sya sa paglalakad. Sunud-sunod na naman ang tulo ng luha ko. Ang sakit sakit sa puso. Parang kinukurot. Assumera lang pala ako. Hindi ko kayaaaaa!

“Kayleen!” tawag nya sakin pero di ko sya nilingon. “Kayleen!”

Napa-ubo ako sa kakaiyak ko. Muntik pa akong madapa sa kakalakad ko. May bato pala sa daan na hindi ko nakita dahil sa labo ng mata ko. Sino ba ang nag-lagay ng bato sa daan ko?! Mas lalo akong naiyak. Ang malas ng araw ko. Ang sakit umasa!

Naramdaman ko nalang na may humawak sa magkabilang pisngi ko.

“Tahan na.”

Gusto kong alisin ang mga kamay nya pero mabibitawan ko ang kahon na hawak ko.

“Diba s-sabi ko sayo umuwi ka na?”

“Paano ako uuwi? Di kita maiwan nang ganito.”

“Ikaw na bata ka—”

Nabigla ako nang mabilis nya akong hinalikan sa labi.

“B-Bakit mo ginawa na naman yon?!”

“Ayaw mo kasing tumigil sa pag-iyak. Yan tumigil ka na.”

“Hoy Ashton! Hindi mo ako pwedeng basta nalang halikan dahil lang sa gusto mo!” Naiinis ako sa kanya pero may fluffy feeling sa loob ko. Gumaan bigla yung pakiramdam ko. Pero naiinis ako kasi umaasa na naman ako. Hindi naman sya si Mr Creeper!

“Ihahatid kita.” Para syang nag-papaamo ng mabagsik na hayop sa tono ng boses nya.

“Ayoko nga sabi! Ang tigas naman ng ulo mo!”

“Kapag hindi ka pumayag, hahalikan ulit kita,” banta nya.

“A-Ano?!” tumawa ako. “Subukan mo lang, isusumbong kita sa Ate—” at sinubukan nya nga. Mabilis na naman nya akong ginawaran ng halik sa labi. Muntik ko nang mabitawan ang kahon na hawak ko. “Tigilan mo nga ang paghalik sa akin!”

“Kung sasabihin mo sakin kung bakit ka umiiyak.” Ni walang bakas ng hiya sa mukha nya nang sabihin nya yon. Diretso ang mukha nya at seryoso akong tinitignan.

“Wala ka na ron! Umuwi ka na!” Naglakad na ako pero hinarangan nya ako. “Umalis ka nga sa daraanan ko Ashton!”

“Bakit bigla kang nagagalit sakin? Sabihin mo kung ano ang nagawa ko dahil wala akong maisip na dahilan.”

“K-Kasi hinalikan mo ko!”

“Bakit? Ayaw mo ba ng halik ko?”

“Gusto!” Shiz! Hala! Halaaaa! Bakit ko sinabi yon?! Nakakahiya!

“Kung ganon bakit ka galit sakin?” Hindi man lang sya nagulat?!

“E-Ewan ko sayo! Hindi kita bati! Umalis ka sa daan ko! Uuwi na ako!” Nakadaan na ako at naramdaman kong sumunod naman sya sa akin sa paglalakad. Makulit talaga na bata ‘to. Umaasa tuloy ako lalo.

“Galit ka ba sakin talaga?”

“Hindi!”

“Bakit tayo hindi bati?”

“Gusto ko lang!”

“Gaano katagal mo ko hindi bati?”

“Basta!”

Deja vu? Teka... parang pamilyar ‘tong usapan namin. Napatigil ako sa pag-lalakad. Parang ganito yung usapan namin ni Mr Creeper. Napatingin ako kay Ashton. Nakalagay ang dalawang nyang kamay sa suot nyang jacket. Nakatingin sya sa stars ngayon.

Tumigil ako sa paglalakad at lumapit sa kanya. Tumingin naman sya sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang bitbit kong kahon. Nakakangalay eh. Kinuha naman nya kaagad ‘yon. Pinunasan ko ang basa kong pisngi.

“Bati na tayo?” nakangiti nyang tanong.

Tumango ako. Sabay na kaming naglakad papunta sa bahay ko.

“Ashton, ilan ang gamit mong cellphone?” hindi tumitingin sa kanya na tanong ko.

“Isa lang.”

“Ahh.” Kung ganon, paano yon? “Isa lang din ba ang gamit mong number?”

“I have two.” Naramdaman kong tumitig sya sa akin. Di ko sya magawang tignan.

“Ahh.” Tumango-tango ako. Pinipigilan ko yung ngiti ko sa labi. Gusto kong mag-tatalon ulit sa tuwa. Mamaya nalang ulit siguro ako tatalon sa kama ko. Eh di sya nga si Mr Creeper?! Pareho sila kung magsalita! Eeeeeh!

Ang bilis, nakarating na kaagad kami sa tapat ng bahay. Nabitin ako. Di bale punta nalang ako ulit sa kanila bukas!

“T-Thank you sa pag-hatid.” Kinuha ko sa kanya ang kahon na dala nya.

“Welcome.”

“Ah. Sige good night.” Tumalikod na ako sa kanya at binuksan ang gate.

“Good night.”

Nilingon ko sya at nakita ang likod nya.

“Ashton!”

Mabilis syang lumingon.

“Nag-dala ako ng strawberry pie sa inyo kanina. Tikman mo ha?”

Ngumiti sya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtalon ng puso ko sa saya. Ang gwapo nya. At mahal ko sya. At ang perfect nya masyado.

“I wouldn’t miss it for the world.”

Ngumiti ako nang malapad at hinawakan na ang gate para buksan.

“Kayleen!”

Mabilis ko syang nilingon.

Itinuro nya ang labi nya. “Bagay sa’yo.” Nakangiti syang kumaway sa akin at tuluyan nang umalis.

Eeeeeeeeeeh! Kinikilig ako! Mr Creeper ko!

***Author’s Note

Samsung Galaxy Note 4 Duos PHP38,000

Hindi lahat ng dual sim ay mura. Hahaha! May nabasa kasi ako. XD

Update ko ‘to para sa MONDAY. Pero wala kasi ako bukas kaya inilagay ko na. LOL

Talk Backers MEET UP Dec 13, 11am, Mall Of Asia

Para sa ibang details please tweet @TBYDfans

Or ask Maggie Dela Vega nalang sa Facebook

https://www.facebook.com/maggielicious00?fref=nf

XOXO

Alesana Marie

Continue Reading

You'll Also Like

3M 55.4K 26
(COMPLETED) I don't believe in DESTINY... I really don't... but along came this girl.
2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
913K 44.9K 29
When lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never expects his life to change forever. Yet...