Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 08

204 11 1
By Dream_Secretly

Memories

Hindi ko na naabutan ang anak ko. At ang mas nakadagdag ng sakit na nararamdaman ko ay ang makitang hindi lang isa nawala sa akin.

Nanghihina akong napasandal sa pader nang makapasok ako morgue. Niyakap ko ang tuhod at doon ko nilabas lahat. Iyong tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas dumoble pa nang malamang pati ang nanay, iniwan na din ako.

"C-Corraine..." Naramdaman ko ang yakap ni Georgia sa akin. "Ihahanda ko na ang l-lamay nila..." Durog na durog ang boses niya.

Umiling ako. "H-Hindi na kailangan..." Pinilit kong tumayo. Inalalayan naman niya ako at tinulungang makalapit kay nanay. "I-Ililibing natin sila a-agad...sa t-tabi ni...tatay..." Hagulgol ko atsaka niyakap si nanay.

Ang nanay ko na wala namang ginawa kundi ang mahalin ako at ang mga anak ko. Ang nanay ko na hanggang sa huli ng kaniyang buhay, masama pa rin ang loob sa pamilyang matagal niyang pinagsilbihan.

"K-Kung iyan ang gusto mo..." Sang-ayon na lamang ni Georgia.

Hinaplos ko ang mukha ni nanay. "Hindi natin sila mapapatawad 'nay." Iyak ko habang nakatitig sa kaniya.

Nagtagal pa ako ng ilang sandali kay nanay at sinulit ang huling beses na mayayakap ko pa siya. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko nilapitan si Maximo.

"Mom-ma..." Naalala ko ang unang salitang lumabas sa bibig niya. 'Momma' binigkas niya 'yon habang nakatingin sa akin sabay hagikhik nang halikan ko siya sa pisngi.

"B-Baby ko..." Inabot ko siya at mahigpit na niyakap. Magaan lang siya at maliit kaya halos buhatin ko na siya. "K-Kawawa naman ang baby ko..." hagulgol ko.

"C-Corraine..." Inalalayan ako ni Georgia para hindi kami bumagsak ni Maximo. Inilingan ko lang siya. Kailangan ko 'to. Kailangan kong mayakap ang anak ko ng matagal sa huling pagkakataon para hindi ko makalimutan ang pakiramdam na niyayakap siya.

Gusto kong alalahanin ang mga panahong ngumingiti siya sa akin. Iyong mga pag-iyak niya at hihinto lamang kapag binuhat ko siya at niyakap.

Inalala ko rin kung paano sila maglaro ni Maxine ng magkasama. Palagi kong iniisip at naiimagine na siguradong magiging mabuti siyang kapatid. Makulit si Maxine at si Maximo ang parating magpa-pasensiya. Magiging malapit sila sa isa't isa at ipagtatanggol ang bawat isa.

Inalala ko ang mga pangarap ko para sa kanilang dalawa...ngayon wala na lahat. Wala na ang Maximo ko.

Tanging ang oras na lamang na 'to ang nakikita ko. At ang katotohanang wala na siya ang gumigising sa aking mga gunita.

"Mahal na mahal ka ni momma, M-Maximo..." Bulong ko sa kaniya. "P-Patawarin mo si momma, huh? W-Wala akong nagawa p-para sa'yo..." Hikbi ko.

Hindi ko man lang nagawan ng paraan para mailigtas kita. Sana pala pinuntahan ko nalang lahat ng ospital. Sana pala gumawa nalang ako ng ibang paraas kaysa magmakaawa sa pamilya ng tatay mo. Hindi sana nasayang ang oras ko sa presinto.

"C-Corraine...ginawa mo ang lahat..." Pampalubang loob ni Georgia.

Umiling ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa anak ko. "H-Hindi lahat, eh....kasi kung g-ginawa ko ang l-lahat baka....baka b-buhay pa ang anak ko...." Hagulgol ko.

"C-Corraine..." Hindi na lamang nag-salita pa si Georgia. Umiyak na lamang ito at niyakap kami ni Maximo.

"A-Ano pang silbi ng buhay k-ko?" Wala sa sariling tanong ko sa hangin.

Ilang linggo ang lumipas matapos kong ilibing si nanay at maximo sa tabi ni tatay ay mas pinili ko na lamang na magkulang sa kwarto. Wala akong ibang kinausap, kahit si Maxine ay hindi ko namalayang napapabayaan ko na pala.

Nakalimutan ko na may isa pa pala akong anak na kailangan ako. Kung hindi pinaalala sa akin ni Georgia baka tuluyan na nga akong nagpakamatay.

"Corraine naman! Alam kong nahihirapan ka pero isipin mo naman si Maxine! Parati nalang umiiyak 'yong bata kasi hindi mo pinapansin! Baka nakakalimutan mong may isa ka pang anak at mga utang na kapag hindi natin nabayaran, pareho tayong manghihimas ng rehas sa kulungan! Paano nalang si Maxine, huh?!"

Napapikit ako at nagpunas ng luha. Sabay kaming napatingin sa labas ng pintuan nang marinig naming may nabasag kasabay ng pag-iyak ni Maxine.

Mabilis na lumabas si Georgia para tingnan 'yon. Nanginginig na napatayo naman ako sa kama at naglakad palabas. Umusbong ang matinding pag-aalala ko kay Maxine. Tila natauhan na rin ako na may isa pa pala akong anak na kailangan ako. Ang kakambal ni Maximo.

Napatakip ako nang bibig nang makitang dumudugo ang kamay ni Maxine. Hawak 'yon ni Maximo at dahan dahang pinupunasan ng panyo.

"M-Maxine..." Takot na takot akong lumapit sa kanila. May luhang tumulo mula sa mga mata ko nang marinig ang mga daing at hikbi niya.

Tiningnan ako ni Georgia. "Nasagi niya ata ang vase kaya nabasag." Sabi niya sabay abot sa akin ng kamay ni Maxine. Nanginginig ko naman 'yong hinawakan. "Kukunin ko ang first aid kit. Maliit na sugat lang naman, kaya pang agapan." Sabi niya atsaka tumango.

Takot ko siyang tiningnan. "Dalhin kaya natin siya sa ospital? Baka....baka malala k-kasi..." Tarantang sabi ko.

"Corraine! Huminahon ka nga! Lalo lang natatakot ang bata, eh!" Kunot noong sabi niy bago umalis para kunin ang first aid kita.

Sumighap ako at kinalma ang sarili. "M-Masakit ba, baby?" Tanong ko sa kaniya.

Umiyak naman siya lalo at tumango. Napasinghap naman ako at mas lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang matagal ko nang hindi ito ginagawa sa kaniya.

"S-Sorry, Maxine. S-Sorry talaga...." Pinigilan kong humikbi ng malakas kaya tinakpan ko na lamang ang bibig ko gamit ang isang kamay.

How selfish, Corraine? Hindi mo man lang naisip na may naiwan ka pang anak? Nahihirapan din siya at nawalan ng kambal at lola, how could you forget about her?!

Galit na galit ako sa sarili ko. Naaawa din kay Maxine dahil na-realize ko na sobra ko siyang napabayaan.

I promise you, baby. Hindi ka na pababayaan ni momma. Gagawin ko ang lahat para makabangon ako para sa'yo. Hindi ko hahayaang mawala ka rin sa akin.

"Pupunta tayo sa Cebu? Are you sure?" Tanong ni Georgia sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko.

Nabayaran na namin ang mga utang namin dahil tuluyan na niyang binenta ang parlor niya. Ayaw ko man noong una pero wala na rin akong nagawa nang pina-barangay kami ng mga inutangan namin.

Binenta ko rin ang singsing ko at ang ibang alahas na regalo ni Daniel sa akin. Iyong mga gamit niyang naiwan sa akin na hindi ko naman mabe-benta ay tinapon ko na sa basura. Wala nang halaga sa akin ang mga 'yon, tulad ng may-ari.

"Yes. Wala na tayong buhay dito sa Maynila. At wala na ring magandang alaala." Bumuntong hininga ako. "Gusto kong mag-simula tayo ng bagong buhay. At magpakalayo-layo." Sabi ko.

"At sa Cebu mo gusto?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Sinabi mo sa akin na may mga koneksiyon ka do'n. Naisip ko na baka mas magandang mag-simula ng bagong buhay do'n. Malayo rito."

Tumango siya. "Sige. Kung 'yan ang gusto mo." Sang-ayon niya.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Thank you sa lahat, Georgia. Pangako, babawi ako sa'yo." Sabi ko sabay yakap sa kaniya. Niyakap niya lamang ako pabalik at hindi na nag-salita ng kung ano pa.

Sa amin ang lupa at bahay na 'to. Napag-desisyonan namin ni Georgia na gawing bahay bakasyunan na lamang ito para kung sakali mang babalik kami rito para bisitahin ang puntod ni Maximo ay may matitirhan kami. Iniwan lang namin ang mga appliances at ibang gamit namin. Tanging mga damit lang ang dala namin sa pag-alis. Binilin ko naman ang paglilinis ng bahay sa kapitbahay namin na kamag-anak din ni tatay, babayaran ko na lamang ito kapag bumalik-balik kami.

Hindi naging madali ang naging unang taon namin sa Cebu. Nangupahan muna kami at naghanap ng magandang trabaho. May pera pa kami sa bangko, tira iyon sa pinagbayad namin sa mga utang. Wala akong balak galawin 'yon dahil balak kong bumili ng bahay kapag naging stable na ang lagay namin.

Nakahanap ng trabaho si Georgia online. Ako naman sinusubukang mag-apply sa iba't ibang kumpaniya. Walang tumatanggap sa akin dahil hindi ako nakapag-tapos ng kolehiyo. Hanggang second year college lamang ako dahil sa hirap ng buhay. Mabuti na lamang at pinakilala ako ni Georgia sa kaibigan niyang event organizer na si Lucio. Binibigyan niya ako ng mga raket, tulad modeling at runway. Malaking tulong 'yon sa amin kaya pinagbubutihan ko talaga ang trabaho.

Unti unti kaming nakakapag-ipon ni Georgia. Malaki ang kita niya sa trabaho niya online, ako naman ay mas malaki ang kita kapag mas madaming raket. Lumalaki na rin si Maxine.

Sa pagsama ko sa mga Gig ni Lucio. Marami akong nakilala. Isa na doon si Jared. Noong una ay ayaw ko rito dahil mukhang masungit at matapobre. Masyado ding mayabang kung kumilos, pero noong naka-partner ko siya sa isang shoot ay nakagaanan ko ito ng loob. Gago pala siya, 'yon ang narealize ko nang makasama ko na ito at makausap. Kapag siya lang mag-isa, parang galit sa mundo kaya ilang ang mga ka-trabaho namin sa kaniya pero kapag nilapitan ko na jusko! Puro kalokohan ang lumalabas sa bibig.

Dahil din sa kaniya nakilala ko si Sir Anton. Pinakita niya kay Sir ang mga furniture design ko sa sketch book na parati kong dala. Mahilig kasi akong mag-disenyo ng mga ganoon, dahil 'yon ang kinalakihan  kong trabaho ni tatay bago siya kinuhang bodyguard ni Don Havier.

Nagustuhan ni Sir Anton ang mga design ko kaya kinuha niya ako kahit hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral. Mula nang mag-trabaho ako sa kaniya ay naging maganda ang buhay namin, kasabay pa ng matataas na raket ko kay Lucio.

Sa isang taon naming pamamalagi ni Georgia sa Cebu ay nadagdagan ang savings namin at sa wakas ay nakabili kami ng sarili naming bagay.

Nagtuloy tuloy na mula noon ang pagbangon namin.

"Yes sir," Tumatango ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Sir Anton sa kabilang linya.

Aalis daw ito para sa isang conference abroad. Hindi 'yon pwedeng i-cancel kaya nakikiusap siya na ako na ang bahala sa new client at investor namin. Sila sandy 'yon. Gusto ko mang tumanggi ay nilunok ko na lamang ang protesta. Importante ito kay Sir Anton at ito na lamang ang pwede kong gawin sa kaniya para makabayad sa mga ginawa niyang kabutihan sa akin.

"Napasa ko na ang design na gusto nila sa production team. Please assist them, Corraine." Sabi niya pa.

"Sige po sir." Sabi ko.

"Thank you. Please, asikasuhin mo sila ng mabuti. Kung may gusto pa silang ipagawa, gawin mo." Parang hindi ko ata gusto ang huling linya niya, ah.

I sigh. Nevermind. Hindi naman siguro nila ipapagawa sa akin ang hindi parte ng trabaho ko.

"Don't worry, sir." Sabi ko pa.

Nang masabi niya na lahat ng gusto niyang ibilin sa akin ay agad na rin siyang nagpaalam. Ngayon na daw kasi ang flight niya. Isang dalawang ang conference kaya gano'n katagal ako magtitiis.

Pagbaba ko nang cellphone. Bumaling naman ako kay Maxine na kanina pa nakatingin sa akin. Inaantay lang niyang matapos ako.

Huminga ako ng malalim. "Okay. What is it?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

Inabot ko ang buhok niya at inipit 'yon sa likod ng tainga niya. Ngumuso siya. "Bakit kayo nag-aaway ni tito kanina, Momma?" Tanong niya.

Umawang ang labi ko sa tanong niya. Tiningnan ko ang iniwan niyang laruan sa tent. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Nakikinig ka ba sa usapan ng matanda maxine?" Seryosong tanong ko.

Mabilis naman siyang umiling. "No, momma. Narinig lang kitang sumigaw. And then pinalabas po ako ni Ninang Georgia." Paliwanag niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. Hinila ko na lamang siya at niyakap. "Huwag mo nang isipin 'yon. Pang-adults lang 'yon, 'di pwede sa baby..." ngumiti ako ng tumingala siya sa akin.

Nagbaba siya ng tingin habang nakasandig sa akin. "Momma?" Lumiit ang boses niya. Kailangan ko pa siyang silipin para maintindihan ang sasabihin niya. "Kawawa naman po si Tito. Huwag mo na siyang aawayin, momma. 'Di ba dapat lagi tayong good sa family natin?" Sabi niya.

Natigilan ako. Family? Niyakap ko lang siya. Pinatong ko ang pisngi ko sa ulo niya. Family na ba agad ang tingin mo sa kaniya, Maxine? Hindi mo pa nga alam na siya ang papa mo, minamahal mo na siya. Pa'no pa kaya kung....

Napailing ako. No...hindi mo pwedeng malaman dahil baka mas masaktan ka kapag iniwan na naman niya tayo.

Hindi 'yan magtatagal dito, anak. Hindi ko rin hahayaan.

"Ma'am, tama po ba 'to?"

Nilapitan ko si mang dan, siya ang taga-ukit ng mga disenyo sa mga furniture. Magaling ito at walang hindi kayang gayahin.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Approve." Nag-thumbs up ako sa kaniya.

"Salamat naman. Mahirap ang disenyo nito dahil hindi tuloy tuloy." Komento niya.

Tinapik ko siya sa braso. "Pasensiya na po at ganiyan ang ginawa ko." Sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya. "Ang mga ganito kagandang disenyo ay hindi hinihingan ng tawad, Ma'am!" Masayang sambit niya.

Malapad akong ngumiti sa kaniya. Nagpaalam na muna ako sa kaniya para tingnan ang iba. Maraming trabaho ngayon kaya kailangang mag-overtime ng iba. Iyong mga may edad na ay hindi ko pinayagang manatili dahil mas mabuting makapag-pahinga sila. Iyong mga malalakas at mga bata lang ang hinayaan kong mag-overtime.

Maski ako ay kailangang manatili rito. Uuwi lang ako mamaya para sunduin si Maxine at kumain sa bahay tapos ay aalis din ako. Mas mabuti kasi kung naaalalayan ko ang production para kung may tanong sila ay agad kong masasagot.

"Ma'am, mukhang kukulangin tayo sa kahoy." Napatingin ako sa iilang kahoy na maayos ang pagkakatayo sa gilid. Nilapitan ko ito at binilang. 15 pieces na lamang. Kukulangin nga ito para sa mga higit benteng furniture na kailangang tapusin.

"Don't worry," Sinilip ko ang oras sa suot na relong pambisig. "Magpapa-deliver tayo sa supplier natin." Sigurado namang may stock sila ng ganoong kahoy dahil in demand ito. Maganda kasi ang quality at siguradong magtatagal.

"Sige po." Pinagpatuloy na nito ang ginagawa.

Pinuntahan ko naman ang mga nagliliha. "Magandang araw po ma'am." Bati nila sa akin.

Ngumiti ako. "Magandang araw din naman." Tumango ako at hinawakan ang nililiha nila. "Okay na 'to. Sundan ninyo ang ganitong level ng kinis." Sabi ko sa kanila.

"Opo." Tumango naman sila.

Napatingin ako sa malaking gate na nagsisilbing pinto ng lugar. Nandon si Jack at sinesenyasan akong lumapit sa kaniya.

Tinanguan ko lang siya. Nagpaalam muna ako sa mga gumagawa bago ako naglakad palapit sa kaniya. Alam niyang nandito ako ngayong araw hanggang sa susunod na linggo.

Inalis ko ang suot na gloves nang nasa harapan na niya ako. "Bakit Jack?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa taas si Mr. laxamana 'tsaka ang asawa niya. Gusto ka daw makausap." Sabi nito.

"Huh?" Kumunot ang noo ko. Wala  naman akong schedule sa kanila, ah? "Hindi appropriate ang suot ko ngayon, Jack. Nakakahiyang humarap sa kanila." Pinasadahan niya ang t-shirt and fitted pants na suot ko. Naka-heels ako na 4 inches. Hindi ito corporate attire dahil hindi naman pwedeng naka-skirt ako dito. Wala rin naman akong dalang pamalit dahil hindi ko naman alam na may haharapin akong client ngayon. Isa pa'y ayoko muna sana silang makita.

"Okay na 'yan, Miss Corraine." Ngiti niya. "Ikaw kasi ang gustong makausap nila. Hindi ko naman matanggihan dahil importante ang mga 'yon kay Sir Anton." Sabi niya pa.

Napabuntong hininga na lamang ako. Tiningnan ko muna ang mga abalang nagta-trabaho sa loob bago napipilitang tumango sa kaniya.

"Ano bang sadya nila dito?" Tanong ko sa kaniya habang nasa elevator kami paakyat sa presidential office, buong floor na 'yon ang opisina ni Sir Anton.

"Walang sinabi, eh."  Kibit balikat niyang tanong.

Bumakas ang elevator. Tuloy tuloy kaming lumabas doon. Bumungad sa amin ang reception area kung saan may dalawang taong abala ngayong tumatanggap ng mga tawag sa telepono. Ngumiti sila nang makita kami.

"Na saan sila?" Tanong ko habang sinisilip ang oras sa suot na relo.

"Nasa visitor's lounge." Sagot niya. Tumango ako at sumunod sa kaniya nang lumiko siya sa isang pasilyo.

Hindi ako makangiti nang marating namin ang lounge kung nasaan sila. Ito ang nagsisilbing sala ng opisina kung saan malayang pinapaupo ang mga bisita.

Nakita ko si Mr. Laxamana na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa habang nakamasid sa asawa at sa  batang inaalagaan nito. Maliit pa 'yong bata pero nakakapag-lakad na. Higit isang taon na siguro 'to?

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nila. Tiningnan lang ako ni Mr. Laxamana habang nakangiti namang lumapit sa akin si sandy, hawak niya sa isang kamay ang anak niya.

"Hello! Pasensiya ka na kung hindi kami nakapag-sabi." Ngiti niya atsaka sumulyap sa asawa. "Ahmm we heard kasi na nasa inyo si kuya Daniel..."

"Oo, susunduin n'yo na siya?" Malamig kong tanong.

Nagulat naman siya sa tanong ko. "Ah! No!" Awkward siyang natawa. "G-Gusto lang sana namin siyang kamustahin kung maayos ba siya?" Alanganing tanong niya.

Tinitigan ko lamang siya pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa anak niya. Parang may humaplos sa puso ko. Kasing laki niya lang si Maximo nang mawala ito sa akin.

Bumaba ako para maka-level ang anak niya. Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. Parang may humaplos sa puso ko. Ganito rin ka-cute si Maximo noon, maputi rin at kakaiba din ang kulay ng mga mata katulad ng batang nasa harapan ko.

"He's Gabby. One and a half old na siya." Sabi ni Sandy.

Tumango ako. "Ahmm may isa pa akong anak—where is she by the way?"  Tumuwid ako ng pagkakatayo at nilibot na rin ang mga mata sa buong lounge.

"Fudge! Maybe she went to Anton's office." Napatayo si Mr. Laxamana nang ma-realize nitong wala ang anak sa paligid.

"Again, Gabriel?" Namomoblemang binuhat ni Sandy ang anak niyang si Gabby. She look at me, apologetically. "Pasensiya na. Nakalimutan ko na maloko pala ang panganay ko." Sabi niya bago sumunod sa asawa.

Kumunot lamang ang noo ko at sumunod sa kanila. Napatayo naman si Jack sa upuan niya nang makitang papalapit kami.

"Yes, Mr. Laxamana?" Takang tanong nito sabay sulyap sa akin. Nagkibit balikat lamang ako.

"Pwede ba kaming pumasok sa office ni Anton, Miss? Nasa loob kasi ang anak ko." Nahihiyang sambit ni Sandy.

"Po?" Gulat niyang tanong. May kinuha siyang mga susi sa drawer niya. "Pero naka-lock po ang opisina ni Sir at nandito pa po ang susi?" Takang tanong ni Jack pero binitbit pa rin niya ang susi at tinungo ang pinto ng opisina ni Sir Anton.

Sinubukan niyang pinihit ang doorknob pero naka-lock ito. Nagkatinginan lamang kaming dalawa.

"I knew it. She will do this, again." Mariing sambit ni Mr. Laxamana.

"Mana sa'yo, 'di ba?" Sarkastikong sagot ni Sandy.

Bumukas ang pinto. Naunang pumasok ang mag-asawa bago kaming dalawa. Dumiretso ang mga mata namin sa naka-baliktad na swivel chair ni Sir Anton na medyo gumagalaw pa.

"Gabriella kimberly Laxamana." Maawtoridad na bulalas ni Mr. Laxamana.

Umikot naman ang swivel chair ni Sir Anton paharap. Mula doon ay may nakaupong batang babae na may matatamis na ngiti sa mga labi. Para itong nanalo sa isang paligsihan kung ngumisi ng nakakaloko sa amin.

"I told you, daddy! I can open this door on my own!" Proud itong tumingin sa ama. "Mommy teach me how!" Sabi niya pa na tila ba malaking accomplishment ang nagawa niya.

"Gabriella, We don't own this building. Mali ang ginawa mo." Umiiling na sermon ni Sandy. "You have to say sorry."

Napailing ako. Hindi ko maisip kung ano at paano nagawa ng isang batang bumukas ng naka-lock na doorknob. Ang bata bata pa lamang nito pero mukhang marami nang alam.

Sumimangot naman ang bata. "Sorry, mommy." Ngumuso ito at tumingin sa Ama. "Daddy, are you mad?" Maliit ang boses na tanong niya.

Bumuntong hininga naman ang Daddy niya atsaka siya nilapitan at binuhat. "Don't do this again. Magagalit na talaga ako." Seryosong sabi niya. Tumango naman ang bata. "Say sorry to them..." Tukoy niya sa amin.

Tumango naman ang bata atsaka tumingin sa amin. "Sorry po..." Aniya.

Ngumiti lang ako sa kaniya. "Talented po pala ang anak ninyo." Komento ni Jack.

Lumabas na kami kaagad sa opisina ni Sir Anton. Hiyang hiya ang mag-asawa sa ginawa ng anak nila. Naiintindihan naman namin 'yon dahil bata pa naman ito at puro laro pa lang ang alam.

"Corraine," Nahihiyang lumapit sa akin si Sandy. Tipid na lamang akong ngumiti para mawala ang alinlangan niya. "Itatanong ko lang s-sana kung kamusta ba si kuya daniel? Kumakain ba siya ng mabuti at nakakainom ng gamot?" Nakita ko ang matinding pag-aalala niya sa mga mata. Madalas i-kwento noon ni Daniel na close sila ng mga pinsan niya at kaibigan. Wala akong kilala sa mga 'yon maliban kay patrick kaya sa kwento ko lamang sila nakikilala.

Isa siguro si sandy sa malapit sa kaniya. Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. Pinagmasdan ko ang mga anak niya. Nilalaro ni Gabriella si Gabby habang nakaalalay naman ang daddy nila.

I felt the longing and loneliness in my heart. Minsan ko nang pinangarap na makitang naglalaro ulit ng magkasama si Maximo at Maxine. Alam kong malabo nang mangyari 'yon and it hurt so much.

Masakit isipin na 'yong minsan kong pinangarap ay bigla na lamang naglaho. Ang sakit sakit ng nangyari.

"Stop asking." Bumakas ang lungkot sa mga mata niya nang ibalik ko ang tingin sa kaniya. Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. "He's okay.." Malamig kong sagot sabay iwas muli ng tingin.

"Talaga?" Bumalik naman kaagad ang sigla niya. "Mabuti naman.." Tila nakahinga naman siya ng maluwag.

Hindi na lamang ako kumibo. Mukhang hindi naman business ang pinunta nila dito. Gusto lamang nilang malaman kung maayos ba ang lagay ng pinsan nila.

Nasa maayos na lagay naman ito. Bago nga ako umalis sa bahay ay wala na siyang lagnat. Malakas na rin siya at mukhang kaya na ang sarili. Hindi na rin sumumpong ang sakit nito sa ulo kaya wala na din ang pagdu-dugo ng ilong niya.

Hindi na rin nagtagal sila sandy na ikina-salamat ko. Nangamusta lang talaga ito tungkol kay Daniel at nagtanong din ng iilang tanong tungkol sa mga furnitures.

Nairaos ko naman ang mga oras na 'yon dahil nandoon ang mga bata. Binabago nila ang mood ko.

Gusto ko sana silang ipakilala kay Maxine kaya lang baka mas maging komplikado ang mga bagay bagay.

I hate complications.

Continue Reading

You'll Also Like

126K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
131K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...