MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 43: REUNION

102 8 0
By La_Diyosa

KENDRIX'S POV

Habang nagtatrabaho ako, hindi parin maalis sa isip ko si Athena. Hindi ko nga alam kung hindi napapagod yung babaeng to kakatakbo sa utak ko eh. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag wish na sana makita si Athena dito. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko si Athena na nakaupo sa isang table mag isa. Kahit makita ko lang si Athena sa malayo, pakiramdam ko kumpleto na agad ang araw ko. Lumingon siya papunta sa direction ko tapos ngumiti ngumiti siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya na nakangiti. Sa tingin ko, nakatingin ako sa isang anghel na bumaba sa lupa. Ganon siya kaganda para saakin. And for me, she is the most perfect girl I've ever saw in my life. Naisipan kong lumapit para kausapin siya but suddenly, yung mga ngiti ko biglang napalitan ng galit, poot at kalungkutan ng makita ko ang taong pinaka kinasusuklaman ko sa buong mundo. Ang mom ko. I never expect to see her like this way but coincidence happens when your not expecting it to happend. Ang galing ng tadhana tumi-ming noh? Kung kailan akala mo masaya at kontento kana sa buhay mo. Kung kailan masaya kana ng dahil sa isang tao. Pero one day, unexpectedly babalik yung taong hindi mo iniexpect na babalik pa pala.

"Ano yung ginagawa mo dito? Bakit bumalik ka pa?" Tanong ko habang may blankong reaction sa mukha.

She look at me na parang walang nangyare. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala pero hindi ko magawa. I just rolled my hand into a fist. Yun nalang yung nagawa ko.

"Anak bumalik ako para sainyo ni Kaycee. Para itama yung mga nagawa kong mali." sabi ni mom habang umiiyak.

Hindi na ako sumagot at tumakbo nalang papalayo. Parang pakiramdam ko bumalik yung sakit, galit at takot na naramdam ko nung iniwan niya kami. All this time inisip ko na kaya kong makita at harapin ulit si mom, but I was wrong. Hindi ko pala kaya. Madami akong gustong sabihin. Madami akong gustong gawin. Madami akong gustong isumbat sakanya pero hindi ko nagawa. Parang pakiramdam ko umurong yung dila ko nung makita ko si mom. All this years na iniwan niya kami tapos bigla siyang babalik na parang walang nangyare? Hindi ko alam yung gagawin ko. Gusto ko sana siyang yakapin at iparamdam kung gaano ko siya kamahal pero hindi ko pa yun kayang gawin sa ngayon. For now puro sakit at galit lang yung nararamdaman ko para sakanya.

Habang naglakad ako pauwi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay ng pagbuhos ng bawat patak ng ulan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Mabuti na to, para hindi nila makita na umiiyak ako. Siguro alam ng langit kung ano talaga yung sakit na nararamdam ko ngayon.

KINABUKASAN...

Habang nag lalakad papunta sa next class ko ng maisipan ko na wag nalang pumasok. Gusto kong mapag isa. Gusto kong makapag isip. Yung malayo sa gulo ng mundo. Pumunta ako sa treehouse para mag isa muna kahit sandali. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan ang pag lipas ng oras hapon pala. Sa gitna ng pag mumuni muni ko NANG BIGLANG...

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?"
"AY BULATENG GINAGAWA!" gulat na sabi ko. Bigla akong napa hawak sa  dibdib ko ng dahil sa sobrang gulat. Grabe! Nahawa na ata ako sa pagiging magugulatin ni Athena. MEANT TO BE LANG? Hahaha!

Lumingon ako at tingan kung sino yung nagsalita. Laking gulat ko ng makita ko na si Athena pala yung dumating.

"Oh Athena nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Pero hindi siya sumagot at tumawa lang ng tumawa na parang ewan. Nababaliw na ba itong babaeng to?

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Wala. Magugulatin kana din pala? Hahaha!" Tumatawang sabi niya.

Bigla akong napakamot sa ulo ko ng dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba eh. Hindi ako nagkamali, mapapansin niya yun. Hay! Nakakahiya! -____-

"Bakit? May masama ba Athena?" tanong ko sabay kamot sa ulo ko.

She look at me and she smile. Bakit ba ganyan siya makatingin? Wag mo akong tignan ng ganyan Athena lalo akong nahuhulog sayo eh. Hehehe.

"Wala. Ang cute mo kasi nung sinabi mo yun." tumatawang sabi niya sabay pisil sa pisnge ko.

Pakiramdam ko bigla uminit yung mukha ko nung pinisil ni Athena yung pisnge ko. Hay Athena! Bakit ba kasi ganyan ka? Ano ba talaga yung meron? Bakit ganito yung nararamdaman ko sayo? Handa ka bang saluhin ako pag nahulog pa ako lalo? Hay! Ano ba yan. -_____-

"Sabi ko na nga ba eh. Dito lang kita makikita. Bakit nga pala di ka pumasok?" Tanong ni Athena.
"Wala. tinatamad lang ako." sagot ko.

Bigla niya akong tinignan na parang ewan.

"Alam ko na hindi yan ang rason kung bakit hindi ka pumasok. Yung totoo? Tungkol ba to sa pagbalik ng Mommy mo?" Tanong ni Athena.

Hindi ako sumagot sakanya at umiwas nalang ng tingin sakanya. Lumapit saakin tapos naupo siya sa tabi ko.

"Alam mo, kahit hindi mo sabihin yun tunay na nararamdaman mo, kitang kita sa mga mata mo yung lungkot at galit nung makita mo yung mama mo.  Kung ano man yung problema mo, handa akong makinig." nakangiting sabi niya.

Yumuko ako at nag simula ng magkwento.

"Bata palang ako, palagi na yung mom ko yung takbuhan ko. Yung mom ko ang unang naging kaibigan ko. Palagi siyang nandiyan para ipagtanggol ako, pasayahin ako, turuan ako at yakapin ako sa tuwing natatakot ako. Siya yung lagi kong kakampe sa lahat ng bagay. Siya ang una kong girlfriend at bestfriend. Hanggang sa dumating si Kaycee sa buhay namin. At first nagalit pa nga ako eh. Kasi yung iniisip ko non, mahahati na yung attention at pagmamahal ni Mom saaming dalawa. But I was wrong. Sa halip na mag selos at masaktan ako, she taught me how to be a responsible and loving kuya to my one and only sister, Kaycee. Akala ko nga forever na yung ganon eh. Akala ko forever na kaming masaya. Pero yung mga akala na yun ay hanggang akala nalang. Pero biglang nagbago ang lahat ng yun nang iwan kami ni Mom. Parang pakiramdam ko iniwan niya saakin ang lahat ng responsibility kay Kaycee. I tried to find her hanggang sa umabot sa punto na lumayas pa ako para hanapin si mom. But I never see her again. And in the end, bumalik din ako sa bahay para alagaan si Kaycee. Walang araw ang lumilipas na hindi ako umiiyak. Pakiramdam ko pinagiwanan na ako ng mundo. Lahat ng nangyare kahit sa imagination ko hindi ko yun naisip. Pero siguro ganito talaga yung reality ng life eh. Yung iiwan ka din ng taong mahal mo at the end of the story. Kaya from that day forward, I NEVER BELIEVED IN HAPPY ENDINGS. BECAUSE FAIRYTALES ARE JUST FAIRYTALES AND IT WILL NEVER HAPPEND.. IT WILL NEVER BE COME TRUE." Kwento ko.

Habang nag kukwento ako, hindi ko nalang namalayan yung pagtulo ng mga luha ko. She look at me at pinunasan yung mga luha sa mata ko. Hindi talaga ako mahilig magkwento tungkol sa personal life ko, lalo na pagdating sa mom ko. Pero ewan ko ba, siya lang yung babae na nagawang pa kwentuhin ako tungkol sa personal life ko. Hay ewan! -____-

Bigla kaming nagkatitigan ni Athena. Hanggang sa dahan dahan naglapit ang mga mukha namin NANG BIGLANG...

"Tara na Kendrix! Gabi na eh." sabi ni Athena habang nag mamadaling tumayo.
"Ah oo. Tara na." sabi ko.

Ano ba ang ginagawa mo Kendrix! Bakit mo ginawa yun ha? Nakakainis ka naman eh! Baka kung anong isipin ni Athena sayo. Habang nag lalakad kami ni Athena pauwi, hindi kami nagkikibuan. Nakakainis. Ano ba kasi yung ginawa ko? AWKWARD TULOY YUNG FEELS. HAY! DAMN IT! >___<

"Athena, about pala dun sa kanina..."

She look at me and she smile.

"Wala yun. For sure nadala ka lang ng emotions mo. Tara?" Nakangiting sagot niya.
"Tara saan Athena?" tanong ko.

Hindi na siya sumagot tapos hinawakan niya yung kamay ko at hinatak papunta sa kung saan. Laking gulat ko ng dinala ako ni Athena sa Starbucks.

"Ano yung ginagawa natin dito Athena?" tanong ko.

Tinignan niya ako ng may blankong reaction sa mukha.

"Eh ano pang ginagawa sa Starbucks? Edi iinom ng kape. Kaloka to!" sabi niya ng may blankong reaction sa mukha.

Nako kung hindi ko lang gusto ang babaeng to siguro kanina ko pa to nasapak. Hindi! Biro lang hahaha! Hindi ko kayang gawin sa taong mahal ko noh. Hehehe! Habang nasa counter kami para umorder ng biglang nagtanong si Athena.

"What if makita mo yung mom mo dito? Kakausapin mo ba siya?"

Bigla akong natahimik at napa isip sa sinabi ni Athena. Handa na ba ako??

"Ewan ko. Hindi ko alam." sagot ko.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Alam mo Kendrix, lahat ng nangyayare sa mundo may rason. Hindi lang yun nangyayare accidentally, it happens for a reason. Gaya ng ginawa ng mom mo kendrix. For sure there's a good reason kung bakit iniwan niya kayo. Walang masamang nanay sa mundo Kendrix. Lahat ng nanay mahal ang kanilang mga anak. At sigurado ako na ganon din ang mom niyo sainyo. Kung papakinggan mo lang sana yung mga rason at paliwanag niya. Ang tanong handa ka ba?" tanong ni Athena.

Hindi ako naka sagot sa tanong ni Athena at tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung handa na ba ako makausap at patawarin si mom. Maya maya pa, dumating na yung order namin. Naupo kami sa dulong table at nag simula ng uminom ng kape. Sa gitna ng katahimikan ng biglang nag salita si Athena.

"Ahm kendrix, restroom lang ako ah. Balik ako agad." Nakangiting sabi niya.

Umalis na si Athena at pumunta na sa restroom. Pero nakalipas na yung 10 minutes wala parin siya. Nasaan na kaya yung babaeng yun? Bakit ang tagal niya? Madami bang tao sa restroom? Papunta na sana akonsa restroom ng bigla akong nakatanggap ng text galing kay Athena.

"Ahm sorry kendrix ah. May emergency kasi sa bahay. Kaya nauna na akong umuwi. Sorry talaga ah!" Text ni Athena.

Patayo na sana ako para umuwi na din nang biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si mom na nakatayo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng may blankong reaction sa mukha.
"Anak, mag usap tayo." sabi ni mom sabay hawak sa kamay ko.

Hindi ko siya pinansin at naglakad  nalang paalis. Hinabol niya ako habang tinatawag ang pangalan ko  pero hindi ako lumingon at nag patuloy nalang sa paglalakad NANG BIGLANG...

"ARAY!" Sigaw ni mom.

Bigla akong napahinto sa paglalakad sa harap ng playground at napalingon kay mom. Nakita ko siya na nakaupo sa sahig habang hawak ang kaliwang paa niya. Nagmadali akong tumakbo papunta kay mom.

"Mom okay ka lang? Ano masakit sayo?" Pag aalalang tanong ko.
"Natapilok ako anak. Sa tingin ko na sprain yung paa ko." sagot ni mom.
"Kaya mo po bang tumayo? Okay lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong ko.
"Oo anak. Ayos lang ako."

Tinulungan ko siyang tumayo nang biglang...

"ARAY YUNG PAA KO!" Sigaw ulit ni Mom. Napa upo ulit si mom ng dahil sa sobrang sakit.

Habang tinitignan ko siya, kitang kita ko sa mga mata niya yung sakit na nararamdaman niya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng ganyan. Oo alam ko, galit ako sakanya pero kahit ganon mahal ko parin si mom and I still care for her.

"Wag kang mag alala anak. Okay lang ako." sabi ni mom.

Hindi na ako sumagot at binuhat ko nalang siya.

"Anak ibaba mo ako please? Okay lang talaga ako." Sabi ni mom

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng dahil sa sinabi ni mom.

"Pwede ba ma! Wag mong sabihin na okay ka lang kasi alam ko na hindi ka okay. Pwede po ba na wag nang matigas ang ulo mo okay?" sabi ko.

Hindi naka sagot si Mom ng dahil sa sinabi ko.

"Anak pwede ba na dalhin mo ako sa swing?" sabi ni mom.

Hindi na ako sumagot at dinala ko nalang siya sa swing ng playground. Nang makarating kami doon, inalalayan ko siya maupo sa swing habang ako naman, naupo sa tabi niya.

"Anak naalala mo nung bata kapa, madalas tayo dito tapos itong swing na to yung paburito mong puntahan.  Umiiyak kapa nga non satuwing hindi ka nakakasakay sa swing eh." Nakangiting kwento niya.

Nakatingin ako sakanya pero hindi parin maalis sa isip ko yung sakit at galit na nararamdaman ko para sakanya. I dont know why, basta yun ang nararamdaman ko.

"Way back 8 years ago. I was going to your dad's office to surprise him for our anniversary. Pero nang makarating ako doon, ako yung nasurpresa. When I get there, I saw your dad and her secretary while having sex. Lumapit ako sakanila and I confront them. Pero biglang hinatak nung secretary ng dad mo ang buhok ko. Akala ko ipagtatanggol ako ng dad mo pero hindi. Mas kinampihan niya pa yung babaeng yun kaysa saakin. Hanggang sa umabot sa punto na sinaktan ako ng dad mo. Matagal na akong may kutob, matagal na akong nagdududa. Marami narin nakapag sabi saakin na may relasyon ang dad mo at ang secretary niya pero ano? Hindi ako naniwala. Mas pinili ko na magbulag bulagan at magbingi - bingihan sa mga sinasabi nila. Kasi mahal ko yung daddy mo. Hindi ko kayang lumaki kayo ng walang Daddy. Hanggang sa I saw them while having sex. I really dont know what to do. Hindi ko na kayang magbulag bulagan  at mag bingi bingihan sa lahat ng nakikita at naririnig ko. Nag madali akong umuwi para mag empake ng gamit natin. Pero hinarang ako ng dad mo. Sinaktan niya ako ng makailang ulit. Tapos sinabi niya saakin na sa oras na kunin ko kayo, papatayin niya tayo. Hindi ko man gusto iwan kayo pero wala na akong ibang magagawa kundi umalis nalang. Ayoko na pati kayo masaktan ng Daddy niyo. Mahal ko kayo eh. Kahit nagpakalayo layo ako, binabantayan ko kayo kahit sa malayo. Nag hire ako ng private investigator para kahit sa pictures ko lang kayo makita masaya na ako. Nag trabaho ako ng trabaho para matupad ko yung mga pangarap ko. Para ipakita ko sa dad mo na I can live without his help. Para kahit anytime na gusto ko kayong kunin hindi na ako matatakot. Kaya ko na kayong buhayin. Kaya nga nandito ako eh. Gusto kong punan lahat ng pagkukulang ko sainyo. Sana mapatawad niyo pa ako." umiiyak na kwento ni mom.

Nang marinig ko ang lahat ng sinabi ni mama, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ngayon naintindihan ko na kung bakit kami iniwan ni mom. She was just protecting us from dad. All these years, dad makes us believe na iniwan kami ni mom para sa ibang lalake which is not true. Ngayon, narealize ko kung gaano kami kamahal ni mom. Lumapit ako sakanya at pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"Wag kana po umiyak mama. Nandito na po ako oh. Mahal na mahal po kita." umiiyak na sabi ko.

Bigla akong napayakap kay mama. Parang pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata ng mayakap ko ulit si mama. I never imagine this day will happend again.

"I love you mama!" sabi ko.

Hinawakan ni mama ang mukha ko at tinitigan niya lang ako habang nakangiti.

"Mahal na mahal na mahal din kita anak." sabi ni mama sabay halik sa noo ko.

Bigla akong nakaramdam ng sobrang saya ng halikan ni mama yung noo ko. That means alot to me.

"Ang gwapo gwapo ng anak ko oh." Sabi ni mama habang hawak ang mukha ko.
"Syempre po mana ako sainyo eh." sabi ko.

Biglang napangiti si mama ng dahil sa sinabi ko.

"Nako! Bolero ka talaga!" Tumatawang sabi ni mama.
"Ma, may sasabihin po ako sainyo." Seryosong sabi ko.
"Ano yun nak?" tanong ni mom.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Mama, nag layas po ako sa bahay."

Biglang nanlaki ang mata ni mama ng marinig niya yung sinabi ko.

"Ano? Bakit anak? Sinasaktan ka ba ng daddy mo?" Gulat na tanong niya.
"Hindi po mama. Hindi ko na po kasi kayang sumunod sa mga gusto ni Dad. Pilit niya akong ipinakakasal sa anak ng business partner niya kahit ayaw ko naman." sabi ko.
"Edi saan ka ngayon tumutuloy?" Nag aalalang tanong ni mama.
"Sa apartment po ni Calyx malapit sa bahay nila Athena." Nakangiting sabi ko.

Tinignan ako ni mama na parang ewan habang naka ngiti.

"You and Athena are in a relationship?" Nakangiting tanong ni mama.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa tanong ni mama.

"KAMI NI ATHENA? NAKO HINDI PO!" Gulat na sigaw ko.

She just look at me with a poker face.

"Bakit ganyan yung reaction mo? Do you like her?" Tanong ni mama.

Hindi ako nakasagot sakanya at tinititigan ko lang siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa tanong ni mama.

"Silence means yes. So you like her  nga. Hay binata na talaga ang anak ko." Tuwang tuwa na kwento ni mama.

Napangiti nalang ako ng dahil sa sinabi ni mama.

"Gusto mo ba na ilakad kita kay Athena anak?" Nakangiting tanong niya.
"Nako wag na po mama. Hayaan niyo po na ako na mismo yung gumawa ng paraan. At sana po mama, wala po kayong sasabihin kay Athena ha? Okay lang po ba yun mama?" Tanong ko.
"Oo naman nak. Kung saan ka masaya, I'll just support you all the way." Sagot ni mama.

Maya maya pa, dumating na yung driver ni mama para sunduin siya. Inalalayan ko siya sa pagsakay sa kotse niya. Nang masigurado ko na okay na siya, naglakad na ako paalis nang biglang...

"Saan ka pupunta nak? Hali kana. Sumabay kana saakin. Hatid kana namin sainyo." sabi ni mama.

Hindi ako sumagot at ngumiti nalang.
Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa apartment ko.

"Salamat po sa pag hatid ah. Mag iingat po kayo." nakangiting sabi ko.

Paalis na sana ako ng biglang hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Basta nak, kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi okay? Nandito lang si mama palagi." Sabi ni mama.
"Opo mama. Mag iingat po kayo." nakangiting sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at pumunta nalang sa kwarto ko. Hay ang dami daming nangyare sa araw na to pero nagtapos naman sa masaya. Basta hindi ko maexplain kung ano talaga yung nararamdaman ko ngayon eh basta ang alam ko lang, sobrang saya ko.

KINABUKASAN...

Amoy ng adobo at fried rice yung gumising saakin. Ang bango naman. Sino ba yung nagluluto? Nagmadali akong bumangon para tignan kung sino yung nagluluto. Laking gulat ko ng makita ko na si mama pala yung nagluluto kasama si Athena. Totoo ba to? O nananaginip lang ako? Kinusot ko ang mga mata ko ng makailang ulit, hindi nga ako nananaginip. Nandito nga si Athena at si mama nagluluto. Imagine? Seeing the two girls you love the most na nagkakasundo, ITS SO PRICELESS. Ang ganda nilang panuorin pareho. Nagkakasundo ang future wife ko at ang mom ko. Hehehe!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

43.6K 860 22
"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT...
12.6K 710 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
271K 4.7K 81
An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no secret about himself, but she's someone w...
129K 3.2K 26
Magkakasundo ba ang dalawang tao na hindi gusto ang isa't isa lalo na na ikakasal sila? [DONE REVISION AND EDITING.]