Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 07

195 10 0
By Dream_Secretly

Beg

Hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho. Sinabi ko na lamang kay Sir Anton na dito na lamang ako magta-trabaho sa bahay. Buong magdamag akong gising! Namamaga ang mga mata ko at masakit ang ulo sa puyat kaya paniguradong hindi rin ako makakapag-trabaho ng maayos.

Thank goodness, mabait si Sir Anton at naiintindihan niya. Hindi rin naman kasi ako kailangang nasa opisina palagi. Design ko lang naman kasi ang kailangan doon at kahit sa email ko nalang ibigay pero gusto ko rin kasing magtrabaho kasama ang ibang tao.

"Hindi ko na siya nabalikan kagabi kasi nakatulog ako sa tabi ni Maxine. Mabuti nalang at nandiyan ka." Sabi ni Georgia habang nilalabag ang kape ko.

Napairap ako. "Yeah, at nagtampo si Jared dahil hindi ko siya sinipot kagabi." Sarkastikong sagot ko sabay higop sa kape.

"He'll understand, for sure." Aniya.

Hindi na lamang ako kumibo. Yeah right.

"Kamusta na pala siya? Hindi pa ba bumaba ang lagnat niya?" Tanong niya makalipas ng ilang minuto.

"Bumaba naman pero nanghihina pa rin siya. Ilang beses na sumakit ang ulo niya kagabi tapos dumudugo pa ang ilong niya. Are you really sure na normal lang 'yon?" Kuryosong tanong ko. Nakailang pain reliever na rin siya. Ayoko na nga sanang bigyan dahil hindi rin naman nakakabuti ang ganoong gamot kaya lang hindi ko naman matiis na namimilipit siya sa sakit.

"Normal lang 'yon, Corraine." Sabi niya sabay baba ng tray sa harapan ko. Nilagyan niya 'yon ng bowl na may lugaw at baso ng tubig. Dinagdagan niya pa ng kape, in case daw na gustong uminom ni Daniel. "Sige na, pakainin mo na 'yong pasyente mo." Seryosong utos niya.

Napasimangot ako. "Ikaw nalang kaya?" Buntong hininga ko. Mabuti na lang at nakapag-shower na ako at nakapag-bihis. Mukhang balak akong gawing nurse ni Georgia ngayong araw. Dapat yata pumasok nalang ako?

Napairap siya. "Magluluto pa ako at aasikasuhin si Maxine. Kaya mo na 'yan.."

Napahilamos na lamang ako ng mukha at wala nang nagawa kundi ang kunin ang tray. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na 'to?! Unang una, hindi ko ginustong tumira siya rito! At pangalawa hindi ko pinangarap na maging nurse niya, 'no!

Bakit kasi nagkaroon pa ako ng konsensiya at awa? At bakit hindi pa 'to binabalikan dito gayong may sakit naman pala! Hindi ako naniniwalang hahayaan ni Donya Esmeralda at ni Don Havier ang anak nila rito dahil lang sa may emergency sila! Dati rati kulang nalang putulin nila ang mga paa ni Daniel hindi lang makalapit sa akin. Tapos ngayon parang pinabayaan na talaga nila dito!

Napapikit ako sa sobrang inis. Kulang nalang ipukpok ko ang ulo sa pader lalo na nang maalala ko kung paano ako umaktong parang ulirang asawa buong magdamag sa kaniya. Isa kang malaking tanga at gaga, Corraine!

Tapos dumagdag pa ngayong umaga? Ala-singko na nang makalabas ako sa kwarto niya para makapag-shower at makapag-bihis. Akala ko pagkatapos non pwede na akong magpahinga at kutusan ang sarili buong araw pero ang bruhang Georgia mukhang gustong gustong i-torture ako!

Naabutan kong hindi masyadong nakasara ang pinto ng kwarto niya. Kumunot ang noo ko at inalala kung hindi ko ba 'yon nasara ng maayos kanina? Haist! Sumakit lang lalo ang ulo ko.

Tinulak ko na lamang 'yon gamit ang paa ko at dire-diretsong pumasok. Agad na lumipad ang mga mata ko sa kaniya.

What the....

Muntik ko nang mabitawan ang tray sa gulat nang makitang hindi siya nag-iisa. Gising na ang loko at prenteng naka-sandal sa headboard ng kama niya habang matamang pinagmamasdan si Maxine! Sa sobrang gulat ko ay hindi pa ako agad nakapag-react. Nahimasmasan lang ako nang marinig ang tawa ni Maxine sa gitna ng pagku-kwento niya.

"Maxine!" Mabilis akong lumapit sa kanila. Binaba ko muna ang tray sa bedside table bago nakapamaywang na hinarap ang anak ko. "What are you doing here? Tulog ka pa dapat, ah." Tanong ko sa kaniya. Naka-pajama pa siya at mukhang kanina pa gising.

"Good morning, momma." Napakurap ako sa ngiti at masayang bati niya. "Kinu-kwentuhan ko lang po si tito kasi sick siya. 'Di ba momma kapag sick ka kinu-kwentuhan lang kita tapos gagaling ka na agad?" Inosente siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Napasulyap ako kay Daniel na namumula ang mga matang pinagmamasdan kaming dalawa. Nakagat ko ang ibabang labi. "Come here, baby." Binuhat ko si Maxine. "Hindi ka pwede dito kasi may sakit siya. Puntahan mo na lang muna si Ninang Georgia sa kitchen, okay?" Malambing kong sambit sa kaniya atsaka siya binaba malapit sa pintuan.

Ngumuso siya. "Okay, momma." Napipilitang tango niya. Pinanood ko na muna siyang lumabas bago ko sinarado ang pinto.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago bumalik kay Daniel na ngayon ay bumalik na sa pagkakahiga. Tulala itong nakatitig sa kisame at may iilang luha sa mga mata.

"May sinabi ka ba sa kaniya?" Malamig kong tanong.

Umiling siya. "Wala." Sagot niya kasabay ng pagsinghot niya. "Kanina..habang pinagmamasdan ko siya. Nakikita kita sa kaniya," Tiningnan niya ako. "Masayahin siya katulad mo. Marami ding kwento na hindi nakakasawang pakinggan. Tapos iyong mga ngiti niya at iyong pagniningning ng mga mata niya, nakuha niya lahat 'yon sa 'yo.." Mapait siyang ngumiti. "She reminds me of you...of us.."

Nag-iwas ako ng tingin. "Bakit sinasabi mo 'yan sa'kin?"

"Kasi..." Nanginig ang boses niya. "B-Baka...may pagkakataon pa akong makasama kayong dalawa." Suminghap siya. "Hanggat may o-oras pa.." Halos pabulong na niyang sambit.

Parang may tumarak na punyal sa puso ko. Kapag iniisip ko kung anong ibig niyang sabihin ay tila natatakpan lahat ng galit ko. Is he dying? Pinilit kong alisin 'yon sa utak ko. Ayokong pangunahan na naman ng nararamdaman ko ang lahat....dahil noong ginawa ko 'yon, I almost lost everything. No, already lost everything hanggang sa si Maxine nalang ang natira sa akin.

Pinilit kong sipain lahat ng maaaring magpalambot sa akin. Kung pwede nga pati siya sipain ko na rin palabas dito.

Marahas ulit akong nagpakawala ng hangin bago ginawa ang talagang sadya ko rito. "Nagluto si Georgia ng lugaw para sa 'yo. Nagtimpla na rin siya kape kung sakaling gusto mo." Pinalamig ko ang boses para depensahan ang sarili sa nagbabadyang pag-atras ng galit na matagal ko nang inaalagaan sa loob ng limang taon.

Umupo ako sa kama niya at inabot ang bowl ng lugaw. Hindi ko pa siya magawang tingnan kaya inabala ko na muna ang sarili ko sa kunwaring paghahalo ng lugaw. Para akong napapaso at tinutusok ng mga titig niya.

Hindi mo dapat nararamdaman 'to, Corraine! Galit ka dapat! Galit ka dapat sa kaniya!

"Corraine," Nagitla ako nang maramdaman ko ang init ng palad niya sa kamay ko. Hindi ko napigilang mapatingin sa kaniya. "H-Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" Tanong niya. Hindi ako kumibo. "S-Sobrang sakit ba ng ginawa ko noon para k-kamuhian mo ako ngayon?" Nabasag ang boses niya.

Nangilid ang mga luha ko. Matalim ko siyang tinitigan. "Mukhang magaling ka na." Mariing bigkas ko at padabog na binaba ang bowl ng lugaw sa tabi niya. "Kaya mo naman na sigurong kumain mag-isa, right?" Tumayo na ako. Nagbaba taas ang dibdib ko sa umuusbong na galit. Bakit kailangan niya pa kasing mag-salita?! "Alam mo? Pagod na ako, eh! At hirap na hirap na akong gumising araw araw dahil alam kong kailangan na naman kitang harapin! At bakit kasi nandito ka pa ha? Umalis ka na rito dahil hindi ka na namin kailangan ni Maxine!" Sigaw ko sa kaniya.

Sana noon ka pa lumapit sa akin. Noong mga panahong kailangan na kailangan kita! Hindi ngayong sagad na sa buto ang galit ko sa'yo!

Napabangon siya at nakangiwing sinapo ang ulo bago ako tiningnan. "Why are you so damn heartless, Corraine!" Sigaw niya pabalik na ikinagulat ko. Nag-init lalo ang ulo ko sa kaniya.

Hindi makapaniwalang tinuro ko ang sarili ko. "Heartless? Ako? Ako pa talaga..." Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtulo ng mga peste kong luha. "Sino ba sa atin ang nang-iwan, huh? Sino ba ang tumalikod sa responsibilidad?! Ako ba?! Huh! Ako ba! Damn you!" Dinuro ko siya. "Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan dahil hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko! Hindi mo alam kung ano ang mga nawala sa akin dahil sa'yo at sa pamilya mo! At lalong hindi mo alam kung paano ako bumangon ulit! Wala kang alam! Wala kang alam dahil iniwan mo kami!" Napaupo ako at napahikbi sa sobrang bigat na nararamdaman. Sino siya para pagsalitaan ako na para bang kasalanan ko ang lahat? Sino ba siya para saktan ako ng paulit ulit!

"C-Corraine..." Nag-angat ako ng tingin nang makitang nasa harapan ko na siya. Inabot niya ako at niyakap. "S-Sorry....patawarin mo na a-ako..." Pagmamakaawa niya na lalong bumasag sa puso ko.

Napapikit ako at umiyak sa mga bisig niya. Sa ginagawa niya, mas lalong bumabalik ang lahat sa akin. Mas lalo kong nararamdaman ang matinding galit ko sa kaniya.

Beg, Dela Cruz! Beg harder! Baka sakaling mapatawad pa kita....

Three years ago...

"D-Doctor, gawin mo po ang lahat para mabuhay ang anak ko." Halos magmakaawa ako sa doctor na tumitingin sa anak ko. "Please po...nagmamakaawa ako sa inyo..." Hagulgol ko.

"Misis, sinabi ko na po sa inyo. Malala na ang sakit ng anak ninyo at kailangan na niyang salinan ng dugo. Hindi po pang-karaniwan ang blood type ng anak ninyo kaya wala kaming ganoong stock. I suggest, lumipat na lamang po kayo sa mas magandang ospital." Sabi nito na siyang ikinanlumo ko nang husto. Nasa public hospital kami ngayon dahil hindi ko kaya ang private hospital. Baon na baon na kami sa utang at hindi ko alam kung saan pa ako pwedeng manghiram ng pera.

Sinubukan kong kontakin si Daniel para humingi ng tulong kaya lang ay hindi ko na ito ma-kontak. Dalawang taon na mula nang iwan niya kami, at hindi pa siya nagpaparamdam mula noon. Gusto kong isipin na baka nakalimutan na nga niya talaga kami pero kailangan siya ng anak niya! Kahit bumalik lang sana siya para sa mga anak niya!

"Corraine!" Napatingin ako kay Georgia nang humahangos itong lumapit sa akin. "May pera na tayo! Pwede na tayong lumipat sa private hospital!" Balita niya sabay pakita sa puting sobreng dala. Tinitigan ko ito at nabalot ng pag-asa nang makitang makapal-kapal 'yon.

Naiyak ako. "T-Talaga? Salamat naman..." Humikbi ako sa saya, lungkot at takot na nararamdaman. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yon, lalo na't nakikita ko na nahihirapan ang mahal kong anak.

Lumapit si Georgia at niyakap ako. "M-Magiging maayos din ang lahat..." Nabasag na rin ang boses niya. Mabuti na lang talaga at hindi kami pinababayaan ni Georgia kahit hindi kami magkadugo. Dalawang taon palang namin siyang kilala pero andami  na niyang naitulong sa amin.

Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao.  Kanina pa kasi ako iyak ng iyak at halos magwala na rin sa ospital. Nag-aagaw buhay ang anak ko! Para akong nababaliw kakaisip kung paano ko siya maliligtas. Naging manhid na rin ako at nawalan na ng kahihiyan dahil sa dami ko nang nilapitan. Halos lahat na nahingan ko na ng tulong hanggang sa umabot na sa puntong wala nang gustong magpahiram sa akin ng pera.

Mabuti na lang talaga at mabait pa rin ang Diyos sa amin. Binayaran na namin ni Georgia ang bill namin sa loob ng isang linggo at nagpatulong na rin kami sa ospital kung paano malilipat ng ligtas ang anak ko sa private hospital. Nasa ICU siya ngayon at kritikal na ang kalagayan. Kailangan niya nang masalinan ng dugo at tanging si Daniel lamang ang makakatulong sa kaniya. O di kaya ay maghahanap nalang ako ng kamag-anak niya na may ganoong blood type? Sa sobrang desperasyong nararamdaman ko, baka kahit yata kanino lalapit ako para humingi ng tulong.

"Saan ka ba kumuha ng pera, Georgia." Naluluha na ring tanong ni Nanay nang ibalita naming pwede nang ilipat si Maximo sa private hospital. Labis labis din ang pasasalamat niya sa kaibigan ko.

"Sinangla ko po muna ang parlor ko sa kakilalang bombay." Sagot niya na para bang hindi 'yon importante sa kaniya. Sinong niloko mo Georgia? Yon ang buhay mo!

Naiyak si nanay at nanlulumong napaupo. Hindi siya makapaniwalang aabot sa ganoon ang sakripisyo ni Georgia para sa amin. Napaka-importante ng parlor na 'yon sa kaniya! Hindi pa namin siya nakikilala ay masaya niyang pinapalago ang negosyo na 'yon. Ngayon wala na...

Nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap. Wala man akong nakitang pagsisisi sa kaniya, alam kong nalulungkot din siya. "B-Bat mo ginawa 'yon....para mo nang tinapon ang b-buhay mo!" Hikbi ko.

Ngumiti lang siya at gumanti sa yakap ko. Maya-maya lang rin ay narinig ko na rin ang mga hikbi niya sa balikat ko. "P-Pamilya ko ang buhay ko...mas importante kayo.." Iyak rin niya.

Napahagulgol na lamang ako. Sana matapos na 'to! Ayoko nang nakikitang nahihirapan ang anak ko at ang mga taong nasa paligid ko.

Pagdating namin sa private ospital, akala ko magiging maayos na ang lahat. Kilala ang ospital na 'to pero shit wala sila nang kailangan ng anak ko! Muntik na akong magwala roon at sigawan ang mga nurse!

Wala daw silang ganoong blood type dahil hindi daw iyon pangkaraniwan! Damn! They suggested na baka pwedeng tatay daw ng anak ko ang magbigay o di kaya ay isa sa pamilya nito na ganoon ang type ng dugo. Bullshit! Nababaliw na naman ako sa kakaisip ng dapat gawin.

Wala din pa lang kwenta 'tong ospital na 'to.

"Anak, ano nang gagawin na'tin?" Iyak ni nanay habang nakatingin sa maliit na katawan ng anak ko. Ilang araw na siyang stress at umiiyak. Gusto ko sana siyang umuwi muna at magpahinga kaya lang ayaw niyang iwan si Maximo.

Napatakip na lamang ako ng bibig para pigilin ang mga hikbi. Pinagmasdan ko ang mga tubo at makinang nakadikit sa mura niyang katawan. Diyos ko! Napaka-bata niya pa po para mahirapan ng ganito! Bakit siya pa? Ako nalang po!

"Gagawa ako ng paraan, 'nay." Determinadong sambit ko. Gagawin ko lahat para sa anak ko kahit na magmakaawa pa ako o kumain ng buhangin.

Hinawakan ko ang maliit na kamay niya at dinala 'yon sa labi ko. "Maximo.." Nanginginig ang mga labi ko. "K-Kapit ka lang, huh? H-Huwag mong iiwan si momma.." Hikbi ko. Please baby...dinggin mo si momma. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa'kin.

Iniwan ko muna si Maximo kay nanay samantalang inaalagaan naman ni Georgia ngayon si Maxine. Marami nang sakripisyo si Georgia para mabuhay ang anak ko, ngayon ako naman.

Naka-banned na ako sa subdivision kung saan nakatayo ang family mansion ni Daniel. Nandoon ang mga magulang niya sigurado ako at baka nandoon din siya.

Bago ang guard at saktong may kausap ito sa cellphone kaya nakalusot ako. Mabilis akong tumakbo para kung mapansin man niya ay mahihirapan na siyang habulin ako. Luckily, hindi niya ako nakita.

Tahimik ang buong subdivision. Parang walang tao sa mga naglalakihang bahay. Medyo malayo ang mansiyon sa guard house kaya hinihingal ako nang makarating ako sa harap ng malaking gate.

May CCTV sa labas kaya alam kong nakikita nila ako sa loob. Alam kong hindi nila ako pagbubuksan kapag ginamit ko ang doorbell, kaya kumuha ako ng malalaking bato sa gilid at binato 'yon sa gate nila.

"Daniel! Lumabas ka diyan! Alam kong nandiyan ka!" Sigaw ko at tuloy pa rin sa pagbato. "Lumabas ka diyan! Daniel!" Tuloy tuloy lang ako sa pagbato hanggang sa tuluyan nang bumukas ang gate at mula roon ay lumabas si Donya Esmeralda kasama ang mga bodyguards niya.

"Anong ginagawa mo dito?! Wala ka bang kahihiyan sa katawan?!" Sigaw nito.

Hindi ako natinag sa kaniya. "Asan si Daniel! Gusto ko siyang makausap!" Sigaw ko. Akmang lalapit ako sa kaniya nang pigilan ako ng ilang bodyguards niya.

Nang-uuyam niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Wala siya rito. Anong kailangan mo sa kaniya? Pera? Magkano ba?" Balewalang tanong niya.

Nagngitngit ako sa galit. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. "Hindi ko kailangan ng pera! Kailangan ko si Daniel!" Kailangan ko ang dugo niya para mailigtas ang anak ko. "Nasa ospital ang anak namin! Kailangan siya ng anak niya!" Nanubig na naman ang mga mata ko. Naninikip ang dibdib habang nakatingin sa kaniya. "P-Please po...kahit ngayon lang..k-kailangan po namin siya.." Pagmamakaawa ko pera nanatiling matigas ang expression ng mukha niya.

Tuluyan nang naglaho ang imahe ng mabait na donya na hinahangaan ko noong bata pa ako. Naging matigas na ang dating malambot nitong puso. Nagbago na talaga siya.

"Umalis ka na dito! Wala akong pakialam sa inyo! Ang kapal ng mukha mong bumalik dito matapos mong akitin ang anak ko!" Nanlilisik ang mga mata nito. "Ayaw niya na sa'yo kaya tumigil ka na! Lubayan na ninyo kami!" Sigaw niya.

Umiling ako at lumuhod sa harapan niya. "Please..po..." Hikbi ko. "T-Tulungan ninyo ang anak k-ko...kahit kaunting dugo lang ni D-Daniel..." Pinagkuskos ko ang dalawang palad habang nakatingala sa kaniya. "D-Dugo lang po n-niya ang kailangan ng anak ko...k-kahit 'yon lang po...nagmamakaawa ako sa inyo..." Sinubukan kong hawakan ang dulo ng dress niya pero malakas lamang niya akong tinulak.

Nahalikan ko ang sementong parte ng bahay nila. Kumuyom ang mga kamao ko sa sobrang awa sa sarili at sa anak kong nakaratay ngayon sa ospital.

"Umalis ka dito at huwag na huwag ka nang babalik!" Inangat niya ako gamit ang paghila niya sa buhok ko. Pinakita niya sa akin ang perang papel sa kamay niya at ginamit 'yon para sampalin ako. "Hindi na ako magpapaloko sa mga pobreng katulad mo! Huwag ka nang mangarap pa dahil hinding hindi na babalik sa'yo ang anak ko at wala kang makukuhang pera mula sa amin! Kaya umalis kana!" Singhal niya.

Umiling ako at muling lumuhod sa harapan niya. "D-Donya...hindi ko kailangan ng pera ninyo...k-kahit dugo lang po...p-pleaseee..mamamatay ang a-anak ko..." Hindi pwedeng mawala si Maximo sa amin....hindi ako papayag.

"Ma'am, pasensiya na po. Hindi ko po nabantayang may nakapasok pala rito." Tumingin ako sa dalawang guard na dumating. Nanlalaki ang mga mata ko nang masama nila akong tinapunan ng tingin.

"Mga inutil! Trespassing ang babaeng 'to! Ikulong n'yo para magtanda!" Nahintakutan ako sa sinabi ng Donya.

Nagmamakaawa ang mga matang tiningnan ko 'to. "N-Nasa ospital po ang a-anak...maawa po k-kayo..." Muli akong bumalik sa pagmamakaawa sa kaniya. Umiling iling ako sa harapan niya.

"Ano pang hinihintay n'yo? Dalhin na ninyo 'yan sa presinto!"

"D-Donya!" Hilam na sa luha akong tumingin sa kaniya. Lumapit sa akin ang dalawang guard atsaka ako hinawakan sa magkabilang braso. Nagpumiglas ako. "B-Bitawan n'yo ako!" Nilingon ko ang nakatalikod nang Donya. "Mamamatay po ang anak ko! P-Please tulungan n'yo siya..." Napahagulgol na lamang ako.

Please...bakit ang tigas tigas ng puso n'yo? Dugo lang naman ang kailangan ko...bakit hindi pa ninyo mabigay?

"C-Corraine..." Napatingin ako kay Georgia nang puntahan niya ako sa presinto.

Napatayo ako at tiningnan siya. "Georgia! Si Maximo? Kamusta siya?" Naluluhang tanong ko.

Tumulo ang mga luha niya sa tanong ko. "H-Hindi ka pa daw pwedeng p-piyansahan...kailangan d-daw kasi 24 hours ka muna dito...u-utos daw ni D-Donya esmeralda..." Inabot niya ang kamay ko na mahigpit na nakakapit sa rehas. "Pero huwag k-kang mag-alala...kilala ko 'yong head d-dito..makikiusap ako sa kaniya..." Hikbi niya.

Nagpunas ako ng luha at ilang beses na umiling. "Okay lang kahit magtagal ako dito....iyong p-perang ipa-piyansa m-mo sa 'kin...ibayad m-mo nalang sa ospital..." Putol putol kong kong sinabi dahil sa sobrang pag-iyak.

"C-Corraine...kasi..." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tinitigan ko lamang siya at hinintay ang ilan niya pang sasabihin. Lumakas lamang ang hikbi niya dahilan para bumangon ang kaba sa dibdib ko.

Nanginig lalo ang labi ko. "O-Okay lang naman ang a-anak ko 'di ba?" Takot na takot kong tanong. Tila yata tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

"S-Si...maximo..." Hagulgol niya. Bigla siyang napaluhod na ikinatulala ko nang ilang segundo bago ako pabagsak na lumuhod sa harapan niya. Hinanap ko ang mga mata niya pero iniwas niya lamang 'yon sa akin. Nanikip lalo ang dibdib ko.

Hinila ko ang damit niya sa sobrang frustration na nararamdaman. Lumuluha man ay hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko.

"G-Georgia!" Nanginginig kong sigaw. "A-Anong nangyari sa a-anak ko?! M-Mag-salita ka naman!"

Napatakip siya ng mukha at nagpakawala nang malalakas na hikbi.

Pagkatapos ay luhaan siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"W-Wala na siya..." Hagulgol niya. "W-Wala na si Maximo..."


To be continue.....

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
323K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...