Si Mr.MP ?! (KathNiel)

By geleeerica

13.5K 143 50

"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful" More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Special Chapter:Payphone
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Epilogue

Chapter 29

213 2 1
By geleeerica

HER POV

It's been 2 years already but I haven't moved on since that day. Since the day I left all of the things behind in the Philippines and start a new chapter in my life here.

"Hey! Are you still listening bitch?!" Bela, my bitch best friend here in London that interrupted me from my thoughts.

"Yea." I lied.

"So after I gave him my number...." She continued her story but I'm nowhere listening.

May nagbago naman kahit paano sa itsura, pananamit, lifestyle, even in my language a little but, I'm still that girl with a broken heart.

Akala ko makakalimutan ko na siya lalong-lalo na yung sakit. Ang hirap para talaga kapag nandito ka na. Yung tipong nakangiti ka kapag nakaharap sa ibang tao pero gabi gabi ka namang umiiyak.

Akala ko this place will be my escape from the past pero hindi. Nagkamali na naman ako sa isang akala dahil may naramdaman kong mag-isa ako. Naging busy si Mommy sa work kaya madalas mag-isa lang ako sa apartment namin.

Lalong-lalo na sa school dahil wala akong kakilala miski isa, nagbabakasali lang ako isang araw na may lumapit na Pilipino sakin at dun ko nakilala si Bela at si Cross.

Nung una pahirapan pa kami sa isa't isa kasi minsan kang sila mag-tagalog at sobrang fluent ng English nila na minsan hindi ko talaga maintindihan.

"Hey! Lunch!" Sabay hila sakin ni Cross palayo kay Bela. Narinig ko pang sumigaw si Bela pero tumakbo na kami ng mabilis.

"Haay nako, ilibre mo ko ah? Nailigtas na naman kita sa hampas ng isang Bela Walter." Bulong niya but I just rolled my eyes. If I know, gutom na naman to kaya nag-aya na naman kumain.

Pero tama naman siya, madalas kasi akong lutang at alam nilang dalawa yung storya ko. At kapag napapansin ni Bela yon, nahahampas niya ko at kahit maliit lang siya sobrang lakas naman niya. Sa aming tatlo kasi, siya ang happy-go-lucky girl.

"Ang sasarap nito Ria, thank you-ay salamat pala. Hahaha!" Sabe nito sabay lamon. Natawa naman ako sa pagsasalita niya kasi pinipilit niya na talaga mag-Tagalog kapag kausap ako para rin daw matuto siya kahit paano.

Napatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya kasi ang cute niya eh, lalo na kapag lumalamon. Nakakainggit nga kasi ang payat niya naman pero ang lakas kumain. Unfair!

"What's with that face?!" Asar kong sabi ng makita ko siyang may nakakaasar na ngiti.

"Baka matunaw naman ako sa mga tingin mong yan Ria."

"A-ano?!" At nag-iwas ng tingin.

"Crush mo talaga ako noh? Alam ko naman yon." He said while smirking.

"No way! Bilisan mo na nga kumain." Iwas ko sa topic kasi I feel awkward pa rin kapag inaasar niyang crush ko siya which is true din naman because I admit crush ko talaga siya.

Siguro maliban sa looks niya, masarap siyang kasama, hindi siya nauubusan ng energy kaya nakukuha kong tumawa. Siya ang joker saming tatlo but that's all. A simple crush.

Sa tingin ko kasi, hindi pa ko handang umibig muli. Masyado pang fresh ang sugat at hindi ko pa rin siya totally nakakalimutan. It all takes time.

At siguro na-turn off ako sa mga bisyo niya, dahil laki sa sa ibang bansa more on bar and stuffs sila pero mababait naman kasi hindi ko naman sila magiging kaibigan kung hindi.

"Sus, you can't deny it because you're blinking when you lie." Sabi niya sabay lamon ulit.

"Hindi nga!"

"You blink again."

"Hin-"

"Blink." Putol niya sa sasabihin ko at nakatitig na sakin kay nag-iwas na ko ng tingin.

"Ewan ko sayo! Alis na ko."

Pero pinigilan niya ko sa pagtayo at humawak sa braso ko, "Joke lang! Wait. Hindi ka pa kumakain di ba?" I nodded. Madalas kasi hindi na ko nakakakain sa sobrang stress sa mga bagay-bagay.

"Soooo, here's come the airplane baby. Say aaahhh!" He said playfully kaya natawa ako.

"See? I made you smile. Don't think about the past again. It's all in the past, just a part of your story. Huwag ka na malungkot, mas gusto kong nakikita kang nakangiti. Yung mga ngiti mong nakakabighani." Seryoso niyang sabi habang nakatutok pa rin sakin yung kutsara.

Sinubo ko muna iyon dahil gutom na rin naman na talaga ako at nginuya bago ngumiti.

Nag-aalala na naman tong mokong na to sakin kaya pala inaasar niya naman ako.

"Opo na po. Hindi na po. Ok na? Subuan mo na ulit ako. Gutom na ko."

"Oops, masyado ka namang natuwa sa pagsubo ko sayo. Bumili ka ng iyo." At mabilis na inubos yung pagkain niya.

"Maduga kaa! Ako din naman bumili niyan ah?" Sabay hampas ko sa kamya pero tumawa lang siya.

"Wa ana, nawubos wo na." Sabi niya at pinakita pa sakin yung malinis niya na ngayong plato.

Kaya minsan natatanong ko talaga sa sarili ko kung crush ko ba talaga to eh. Hayst.

"Oh wag na iyak. Binilhan kasi kita ng iyo kaya ayan kumain ka na." Sabay labas niya ng isang styro ng paborito kong carbonara. For sure, nagpaluto na naman to kay Tita Amy, mommy ni Cross.

"Waaaaa!Pakisabi kay Tita, thank you very much!" Tili ko at napayakap sa kanya.

"Yieee! Crush niya talaga ako oh, don't worry crush din naman kita." Sabi niya sabay kindat sakin pero inismiran ko lang siya. Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at bumalik sa pwesto ko ng tahimik.

"Don't use me like your other toys, Cross." Seryoso kong sabi habang nakayuko. I admit na these past few years, naging sensitive ako masyado. But I think it's normal lalo na kung nagdaan ka sa isang painful experience.

"I won't. Just trust me this time ok?" Makahulugang sabi niya at humawak sa kamay ko. And this is when it all started.

Niligawan ako ni Cross simula nung araw na yon and thanks to him, unti-unti ko ring nakalimutan ang nakaraan.

Pero hanggang ngayon nasa getting-to-know-each-other pa rin kami since gusto namin pareho na we stay friends pa rin, yung parang normal lang lahat para less drama.

Yon din naman ang gusto niya dahil alam niyang naghihilom pa ang mga sugat pero alam kong malapit na rin itong maghilom.

Ngayon nandito kami sa bahay ni Bela na piniling mag-birthday sa bahay nila. Naalala ko tuloy yung unang pagkikita namin ni Cross.

**********

Maaga akong nagising para puntahan si Bela sa bahay nila kasi nabalitaan kong kaya siya absent dahil may sakit siya. Si Bela ang una kong nakilala sa school na Pilipino din.

Ginamit ko nalang yung scooter ko kasi sa kabilang village lang naman ang bahay nila.

Palabas na ko ng gate ng village namin nang may biglang tumawid na lalaki na dahilan ng pagpreno ko ng lakas kaya natumba ako kasama yung scooter ko pero buti nalang may safety gears ako.

"A-aray."

"Are you a Filipino?" Yun agad ang sinabi niya matapos akong muntik mamatay sa pagtawid niya. This jerk!

"Oo." Matatay kong sabi.

"Wow. Cool. Nice to meet you." And he held his hand. What the?! Natumba na ko't lahat-lahat pero nakipagkilala lang siya.

Kaya naman sa inis, inirapan ko lang siya at pinilit tumayo. "Well, Mr. Whoever-you-are, it's not nice meeting you."

Nang marealize niya ang ibig kong sabihin, tinulungan niya na rin ako makatayo. Sa wakas!

"Hahahaha! Sorry. I was just amazed to finally met a Filipina." Sabi niya habang nakahawak sakin. Napatitig ako sa mata niya dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Yung mga matang yan, katulad lang din nung kay John.

Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko nun kaya nagmadali akong makaalis. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at tumayo mag-isa kaso na-out balance ako sa sobrang sakit ng paa ko at napahiga ako kasama niya.

Awkward.

"I'm so sorry. Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. At sa pangalawang pagkakataon, natitigan ko na naman ang mga mata niya.

Ngayon ko lang napagtanto na may itsura ang mokong na toh kahit ang laki laki ng mga eyebags niya eh hindi naman yun nakakasira sa kagwapuhan niya.

"Ahm, ye-yes." I said as I blink.

"No, you're not."

"Yes." And I blink again.

"Your eyes says the truth." He said while smirking but I just rolled my eyes.

After some minutes, hindi pa rin kami gumagalaw sa pwesto namin.

"Staring is rude mister."

"But you were staring at me, too."

"No. I'm not!"

"Yes you are! You blink again. Cute." Sabe niya nagpamula sakin. Tinungkod ko yung kamay ko para makatayo at pinagpag yung damit ko. I compose myself then tumayo ng maayos.

"Ahm, I have to go." Paalam ko at humawak na sa manibela ng scooter nang hawakan niya yung braso ko.

"Why?" Sabay lingon ko sa kanya with a weird look.

"Sorry being rude earlier, pero gamutin muna natin yung sugat mo." And that shocked me.

"Nagtatagalog ka?"

"Yea. A little bit." He smiled. A genuine one. Nawala tuloy yung inis ko sa maamo niyang mukha.

I sighed, "Haha wag na ok lang ako."

"Pshh no you're not. Let's go!"At tumalikod sakin na parang gusto niyang i-angkas ako sa likod niya.

"No! I said I'm okay. Now stop-" Natigil ako ng buhatin niya ko na parang sako. "

"HUUYYY ANU BA IBABA MO NGA KO !!! ARGG !! PUT ME DOWN! You jerk!" Tili ko.p habang hinahampas yung likod niya.

"ARAAAAAYYY HUHUHU ANG SAKIT BAKIT  MO NAMAN AKO BINABA??" Bipolar siguro tong lalaking toh kasi kung kanina ang amo nang mukha niya ngayon bumalik na sa pagka-UNGGOY niya.

"You just said earlier na ibaba kita tapos ngayon you're asking me?? I'm just obeying you,p. Ang sakit ng hampas mo sa likod ko eh."

"Ehh kasi naman wag mo kong buhatin"

"Then what do you want me to do?"

"I...I don't know. Maiwan na kita diyan." Akmang lalayo na ko ng hawakan niya na naman ako sa braso ko.

"Wait! Don't be so stubborn. I'm the reason why you're in pain now and I'm the one to blame so I have to take responsibility of that."

"No, it's okay. I'm really ok-WAIT!" Pero dahil stubborn din siya katulad ko. Binuhat niya na ko pero yung pa-bridal style na.

*dug dug

"Just hang in there, or else, ihuhulog kita ulit." Seryosong sabi niya kaya natakot ako. Ang sakit kaya ng pagkakahulog ko kanina.

"Hmp!" I said as I gave up.

I protest when I remembered my scooter but he just said, "Don't worry, I'll just pick it up later."

Natahimik nalang ako at paglagpas ng iilang bahay. Pumasok kami sa isang bahay na sobrang pamilyar.

"Are you related to Bela Walter?" I asked after he pushed the door bell.

"Yes? She's my cousin." Napa-'Oh' nalang ako sa gulat. What a small world after all.

"Coming! Wait!" The girl shouted that I think Bela's voice.

"Wh-at the hell? What happened? Cross? Ria?" Bulalas niya ng makita kaming dalawa ng pinsan niya. So Cross pala ang name niya? Cool.

"Can we come in first?" Hindi niya na hinintay ang sagot ni Bela at pumasok na ito sa loob.

Pagpasok pinakuha niya agad nag first aid kit at ginamot ang mga sugat ko. Naguguluhan man sa nangyayari, I just gave her a smile which he eventually nodded.

Iniwan niya muna kami sa sala habang binalik niya ang first aid kit.

"So you're Cross?" Basag ko sa katahimikan.

Umupo siya sa tabi ko dahil nakaluhod siya kanina habang ginagamot ang sugat ko sa paa. Pinagpag niya yung kamay bago niya nilahad muli ang kamay niya.

"Yes. I'm Cross Kayne. And you are?"

Tinanggap ko naman yon dahil nakabawi na siya sakin at ngumit, "Chandria, Ria for short."

"So, are we okay now? I'm so sorry for what happened earlier." I nodded while smiling at kinuha na yung kamay ko.

"Sorry." He said again for I don't know how many times.

"Kanina mo pa sinasabi yan."

Napahawak siya sa batok niya bago nagsalita at tumingin sakin, "Alam ko." At dun kami natawa. Ang weird kasi pakinggan kapag nagta-Tagalog siya. Hahaha!

"So how do you two met?" Sabi ni Bela kaya natigil kami sa tawanan naming dalawa.

"Hahaha! I think I should leave. You two should talk. I'll go back later. Bye!"

Tumango ako bilang tugon especially when he mouthed 'You're scooter'. Pagkaalis niya, kinuwento ko kay Bela lahat at kinakusta na rin ang kalagayan niya.

Nag-snacks kami pagkabalik ni Cross at nagpatuloy ang kuwentuhan habang nagmo-movie marathon kami.

Hindi ko nalang namalayan na gabi na pala sa sobrang dami ng napagkuwentuhang tatlo kaya nagpaalam na kong uuwi.

"Hatid na kita?"

"Hindi na, I can handle myself."

"No Cross, hatid mo na si Ria." Sigaw ni Bela at tinulak kami palabas hanggang gate nila. What a friend.

"Bye guys! Enjoy! Thank you Ria sa pagdalaw!" Pahabol niyang sigaw bago tuluyang isara ang gate.

"So let's go?" Sabi niya ng nakangisi na parang nanalo sa lotto.

Nagulat nalang ako ng makita ang sccoter ko. Nilagyan niya ko ng helmet at pumuwesto na para makapag-drive. Hindi na ko kumontra dahil alam kong hindi rin naman ako mananalo.

Sumakay kami sa scooter kaso nailang ako kung paano ko hahawak.

"What's wrong?" He asked. Na-sense niya atang naiilang ako sa posisyon namin.

"Nothing." Nagkibit-balikat lang siya at huminga naman ako ng malalim. Pero nung umandar na siya muntik akong ma-out balance kasi hindi ako masyado nakahawak.

"Hey, humawak ka nga ng maayos. Just hold my waist."

"Nakahawak naman ako ah" Naiilang kong sabi.

"No you're not, sige ka bibilisan ko toh" Pagbabanta niya.

"Ito na nga eh." At napa-back hug ako sa kanya ng sobrang higpit dahil sa sobrang takot na totohanin niyang magpatakbo ng mabilis at baka tuluyan na kong mahulog non.

Narinig ko nalang yung mga tawa niya na halatang pinagkakatuwaan niya ko kaya nahampas ko siya.

"Ouch! Don't hurt the driver!"

"Pasimple ka pa! You're enjoying this. You jerk!"

"Yes I am." He said and I smiled.

**********

"Naalala mo yung una nating pagkikita?" He whispered in my ear and I giggled.

"Ako pa ba? Matandain ata to noh."

"Good girl." And he tapped my head.

Natigil kami ng may binatong unan si Bela pero nasalo ni Cross.

"Hey! It's my birthday. Stop that."

"Hahaha! Don't worry cous I still love you but I love Ria the most." He said teasing her kaya nagkulitan na naman sila.

"Hmp! Isusumbong kita kay Kuya James pag-uwi naten sa Pinas!" Natigil ako sa pagtawa miski si Cross sa sinabi ni Bela.

"A-aalis ka?" At nilingon si Cross na nag-iwas agad ng tingin.

I knew it, people do come and go.

"Birthday ni Kuya James so we have to go home. You can come with us Ria." Umiling ako agad pero hinawakan niya yung pisngi ko at tinitigan ako sa mata. He knew that his eyes is my weakness.

I just sighed and nodded. Ilang taon na rin namang nakalipas, at sobrang miss ko na rin ang mga kaibigan ko at sila NayNay.

"Don't worry, I'm always here for you. I will never leave you." Then he kissed my forehead.

Wala naman sigurong masama kung susugal ako ulit di ba?

-
So what do you think guys? Vomments please :* 1 chapter then epilogue na! :) #TeamCrossRia or #TeamJohnChandria

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 188 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
206K 6.3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
1.6K 79 29
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...