MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 42: AWARDING

124 7 0
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

Habang nasa bus kami pauwi saamin,  nang bigla kong naalala yung nangyare kagabi. Bakit  ganon nalang ang takot ng mokong na to nung tumigil yung elevator? Kahit hindi niya sabihin yung tunay na nararamdaman niya, eh kitang kita ko naman sa mga mata niya yung takot. Pero kahit ganon, pinilit parin niyang pinalakas yung loob ko. Hinawakan ko nalang yung kamay niya para kahit papano, mawala na yung takot na nararamdaman niya hanggang sa nakatulog na siya sa mga balikat ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan yung sarili ko.

"Kendrix, mahal kita." bulong ko habang hinihimas yung buhok niya.

Hindi ko binitawan yung kamay niya hanggang sa hindi ko narin namalayan na nakatulog na din pala ako. Marami na nangyare sa buhay ko simula nung nakilala ko ang mokong na to. Pero kahit minsan hindi niya ako iniwan. Siguro ito naman yung oras para bumawi ako sakanya. Sa lahat ng efforts niya na ginawa niya para saakin. Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa bus stop na babaan namin. Habang naglalakad kami pauwi, biglang nag salita si Kendrix sa gitna ng katahimikan.

"ATHENA?" sabi ni Kendrix.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang tinawag ni Kendrix yung pangalan ko. JUICECOLORED! ANG HOT KASI NUNG BOSES NIYA EH. CHAROT! HAHAHA!

I look at him and I smile. Nakakaloka! Alam niyo yung ngiting pilit? Ganon yung ginawa ko. MY GHAD CASSY! Kinakabahan ako ng bonggang bonggga. Pakiramdam ko may kabayo sa dibdib ko eh. Ano ba talaga kasi yung sasabihin ng mokong na'to? Grabe yung pasuspense ah. Pinagpapawisan na tuloy yung kilikili ko. Huhuhu! T___T

"I LOVE YOU!"

Biglang akong napahinto sa paglalakad at nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Nag iimagine lang ba ako? O talagang sinabi niya yun? NAKAKALOKA! -____-

"A....A...ANO YUNG SABI MO KENDRIX?" gulat na tanong ko.

Hindi agad siya naka sagot at tinitigan lang ako.

"Sabi ko I LOVE YOU.....R SENSE OF HUMOR. Grabe! Ang galing mo kasi palagi mo akong napapatawa eh." Nakangiting sabi niya.

Akala ko naman kung ano yun eh. JUICECOLORED! PINAGPAWISAN AKO DUN NG BONGGANG BONGGA EH. Tsaka diba sabi ko, ayokong umasa na magugustuhan niya ako kasi hindi naman ako ang type niya eh. Masasaktan lang ako pag patuloy pa akong umasa noh. Tama na yung sakit kay na naramdaman ko kay Calyx. Kotang kota na ako eh. Tama na yun.

"Ah ganon ba? Thank you. Hehehe" Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kendrix at pumasok nalanang sa loob.

"Oh? Saan ka ba galing anak? Halos mabaliw na ako kakahanap sayo eh." Bungad ni tita Alex.
"Ah... nag apply po kasi kami ng part time job pambayad ng tuition. Tapos aksidenteng nakulong po kami ni Kendrix sa elevator kahapon. Kaya po hindi kami nakauwi kahapon." sabi ko.
"Hindi mo naman kailangan magtrabaho eh. Nandito kami ng tito Kennedy mo para tulungan ka." sabi ni tita Alex.

Tingnan ko si tita Alex tapos ngumiti ako.

"Nako tita. Wag na po. Eh pinatira niyo na nga po ako ng libre dito sa apartment niyo. Tapos iaaasa ko pa sainyo yung pag aaral ko? Ayoko po ng ganon tita Alex. Ginusto ko to, kaya dapat ako mismo po gagawa ng paraan para makagraduate ako." Nakangiting sagot ko.

Tita Alex look at me and She smile.

"Okay kung ganon nak. Sige! Kung saan ka masaya, suportahan nka namin unconditionally. Hindi ka na namin pipigilan. Alam ko naman na hindi ka gagawa ng bagay na ikakapahamak mo. Payakap nga ako!"

Lumapit ako kay tita Alex at niyakap ako ng sobrang.

"Hay! Grabe! Dalaga na talaga yung anak ko. Basta kung kailangan mo ng tulong wag kang mahihiya mag sabi okay?" sabi ni tita Alex sabay yakap saakin ng mahigpit.
"Opo tita Alex. Pangako." Nakangiting sagot ko.

Ang swerte swerte ko talaga kasi meron akong tita Alex na sobrang bait at mapagmahal. Nawala man ang mama ko, pero man naman akong tita Alex na handa akong suportahan sa lahat ng gusto ko. I am one of the luckiest person on Earth because I have them. Hindi ko alam kung saang kang-kungan ako pupulutin kung wala si tita Alex sa buhay ko.

*****

MAKALIPAS ANG ILANG LINGGO...

Nailipat na ako sa art gallery ng mall. Pero hindi bilang artist kung hindi staff. Nag bebenta kami ng mga paintings at artworks ng ibang artist. Sana one day pwede ko din ipakita sa mundo yung artworks na nagawa ko. Habang naglalakad ako pauwi galing  sa part time job ko, nang makakita ako ng isang babaeng hinuholdap ng mga lalake.

"Ibigay mo saamin yung lahat ng pera at alahas mo kung hindi papatayin ka namin." sabi nung holdaper habang nakatutuk yung kutsilyo dun sa babae.

Kailangan kong gumawa ng paraan para iligtas yung babae. Pero tama ba yung iniisip ko? Gagana ba yun? Bahala na nga.

"WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW..."

(A/N: Gumawa si Athena ng tunog ng wang wang ng pulis gamit yung bibig niya.)

"Pre! Tumakas na tayo may pulis!" sabi nung holdaper sabay tulak doon sa babae habang nag mamadaling umalis.

Buti nalang umipekto yung plano ko. Agad ko namang nilapitan yung babae para tulungan siyang makatayo sa pagkakatumba niya.

"Okay lang po ba kayo? Nasaktan ka po ba?" nag aalalang tanong ko.
"Im fine. Hindi naman ako nasaktan." sagot niya.

Hanggang sa napansin ko yung maliit na sugat niya sa braso.

"Eh nasugatan po kayo sa braso eh. Gusto niyo po ba na dalhin ko kayo sa clinic?" Pag aalalang sabi ko.

Lumingon siya at tinignan niya yung sugat niya.

"Okay lang ako. Maliit lang yan. Eh hindi naman ako mamamatay sa maliit na sugat eh. Wag kang mag alala iha." Nakangiting sagot niya.
"Saglit lang po okay? May kukunin lang po ako." Sabi ko.

Tumakbo ako sa pinaka malapit na convenience store para bumili ng cotton, alcohol at bandaid. Makalipas ang 5 minutes, nakabalik na ako.

"Gamutin po natin yung sugat niyo." humahangos na sabi ko.

Naupo kami sa isang sulok tapos sinumulan ko nang gamutin yung sugat niya. She look at me and she smile.

"Napakabait mo naman iha. Naalala ko tuloy yung anak ko sayo. For sure magkakasundo kayo nun pag nakilala mo siya." nakangiting kwento niya.

Tinignan ko siya tapos ngumiti ako.

"Sige po. Gusto ko po makilala yung anak niyo one day." Nakangiting sagot ko.

Biglang nawala yung mga ngiti sa labi niya ng dahil sa sinabi ko.

"May nasabi po akong mali?" tanong ko.
"Nako wala. Naalala ko lang yung mga anak ko. Tsaka naisip ko lang kung tatanggapin pa ba nila ako ulit. Ang laki kasi ng kasalanan ko sakanila eh. Iniwan ko ng walang paalam. Wala akong kwentang nanay." umiiyak na sabi nung babae.

Looking at her eyes, ramdam na ramdam ko yung hirap at sakit na nararamdaman niya. Siguro sinisisi niya yung sarili niya ng dahil sa lahat ng nanyare sa pamilya nila. Kawawa naman siya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang tinititigan ko siya.

"Wag niyo pong sabihin yun. Wag niyo pong isipin na wala kayong kwentang nanay. Kasi kung wala kayong kwenta nanay, edi sana hindi niyo po dinala yung mga anak niyo ng 9 months diyan sa tiyan niyo. Wala naman nanay ang hindi nagmamahal sa anak nila eh. For sure may magandang rason po kayo kung bakit niyo po yun ginawa. Sigurado po ako na tatanggapin ka po ng mga anak niyo. Kasi walang sino man ang makakapalit sa pagmamahal ng nanay. Kaya po wag niyo po isipin na wala kayong kwenta." seryosong sabi ko.

Bigla siyang napangiti ng dahil sa sinabi ko.

"Thank you ah. You make me feel better. Sana nga. If one day makita ko ang mga anak ko, sana mapatawad pa nila ako." sabi niya.
"Nako! Wag ka pong mawawalan ng pag asa. Sigurado po ako mapapatawad ka po nila." nakangiting sagot ko.
"Sana nga. Anyway, you are?" tanong niya.
"Ako po si Athena, Athena Salvador." nakangiting pagpapakilala ko.

Maya maya pa, may huminto sa harap namin na sobrang garang kotse.

"Ahm nandito na pala yung driver ko. I really have to go Athena. May appointment pa kasi ako. Next time pag nakita tayo, lets hangout together. Bye Athena!" sabi nung babae habang nag mamadaling umalis.

Hay di ko man lang natanong yung pangalan nung babae. Pero infairness. Ang ganda ganda niya. Habang nag lalakad ako pauwi ng bahay ng bigla kong naalala si Calyx. Nakalipas na pala ang ilang linggo ng hindi ko pinapansin si Calyx. Nakablock na din yung cellphone number niya sa phone ko. Eh hindi naman niya kailangan eh. For sure masaya na yun kasama yung girlfriend niya. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa sarili ko kasi nagmahal ako ng taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Yung papahulugin ka lang pero hindi ka naman sasaluhin. Ang tanga ko kasi umasa naman ako. Kahit alam kong hanggang kaibigan lang ako sakanya. Eh ano bang laban ko kay Shawntel? Isang sikat na Model siya habang ako naman ordinaryong babae lang. Walang sino man ang nagkagusto sa ordinaryong babae diba? Ganon talaga eh. Pag di ka maganda, hindi ka din kamahal mahal. Pero matagal ko nang tanggap yun. Hay ewan. -____-

Habang nalalakad ako papasok sa subdivision namin nang biglang may humawak sa balikat ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sobrang gulat.

"KUYA WAG PO! BATA PA PO AKO. WALA PO AKONG PERA. MAHIRAP LANG PO KAMI. WAG NIYO PO AKONG RAPEN AT HOLDAPIN PLEASE? MAY MGA PANGARAP PA PO AKO. PLEASE WAG NIYO PO AKONG PATAYIN." sabi ko habang nakapikit.

NANG BIGLANG...

"Ha? What do you mean Athena?"

Dahan dahan kong binukas ang mga mata ko ako. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa nakita ko.

"ANO BA CALYX! WAG KA NAMANG MANG GUGULAT NG GANON. NAKAKALOKA KA NAMAN EH. PAPATAYIN MO BA AKO GULAT HA?" sigaw ko sabay palo sa balikat niya.
"Sorry naman Athena. Hindi ko naman sinasadya eh. Sobrang seryoso kasi nung mukha mo habang nag lalakad ka eh. Kaya naisipan kong lapitan ka. Pero hindi ko naman alam na ganon yung magiging reaction mo. Sorry Athena." Sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama.

"Pwede ba Calyx layuan mo na ako okay? Please lang. Ayoko na makita pa kita ulit okay?" Sabi ko habang nag mamadaling umalis.
"Pero Athena. Sandali lang." Sabi ni Calyx.

Bigla akong napahinto sa pag lalakad ng dahil sa sinabi niya. I rolled my hands and convert it into fist. Gusto ko man siyang lapitan, yakapin at kausapin pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kasi kung hindi, masasaktan lang ulit ako. Masaya na siya Athena. Masaya na sila ni Shawntel. Wag mo na sila guluhin okay? Kailangan mo nang kalimutan  yung feelings mo para sakanya Athena. Para hindi kana masaktan.

"Pwede ba Calyx! Wag mo na akong kulitin please? Masaya na ako na wala ka. Please lang wag mo na akong sundan." sabi ko.

Tumakbo ako ng sobrang bilis para makalayo kay Calyx. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Hindi ko naman ginusto na iwasan si Calyx eh. Pero ito nalang yung the best way na naiisip ko para makalimutan ko na siya at makalimutan na niya din ako. Oo alam ko masakit, pero.... Bahala na! Okay na to. Someday, I will over come my feelings for him.

Nang makarating ako sa bahay, agad akong pumunta sa kwarto ko. Ayoko ko kasi makita nina tita Alex na umiiyak ako eh. Baka mag alala pa sila. Habang naka higa ako sa kama ko, nang biglang tumawag si Zoey.

["BEEEEEEESSSSSSSS!"] Pasigaw na bungad ni Zoey.

Bigla kong nilayo yung cellphone bsa tenga ko. Ang sakit kasi sa tenga pakinggan yung boses ni Zoey eh. Pakiramdam ko nabasag yung eardrum ko eh. Kaloka! -_____-

"Ano ba bes! Kung makatili ka naman! Bakit may sunog ba? Kaloka to." sabi ko.

["Ay sorry naman bes. Excited lang ako eh. Anyway, bes I have a good news para sayo."]

Biglang nanlaki yung mata ko ng dahil sa sinabi niya.

"Good news? OH...EM.....GEE! Dont tell me buntis ka?" Gulat na tanong ko.

["Ano ka ba bes! Hindi noh! Paano ako mabubuntis? Ehh BAOG yung boyfriend ko."] Seryosong sabi niya.

Bigla akong natawa ng dahil sa sinabi ni Zoey.

"Nakakaloka to. Ano nga yung good news na sinasabi mo?" sabi ko.

["Eto na nga bes. It your time to shine bes! Nandito sa Pilipinas si Ms. Isabella Montenegro."]

"Isabella Montenegro? Sino yun bes?"

["OMG! Hindi mo Kilala si Isabella Montenegro? Nakakaloka ka naman bes. Siya lang naman ang pinakasikat na bag designer sa buong mundo. Siya din ang may ari ng I.M Empire. At ngayon, naghahanap siya ng artist para gumawa ng painting sa new collection ng bags niya. Tapos ying mananalo, makakakuha ng scholarship galing sa company niya.  Alam ko na ikaw yung perfect para sa contest na yun."]

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa balitang sinabi ni Zoey.

"Talaga bes? Tamang tama yun bes. Kailangan kailngan ko yun bes. Sige thank you sa balita ah." sabi ko.

["You're always welcome bes. Ikaw pa? Eh malakas ka saakin noh. Goodluck bes!"]

"Thank you bes."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Zoey at pinatay nalang yung tawag. Agad kong binuksan ang laptop ko at nag send ng artwork ko para makasali sa contest. Sana ito na ang katuparan sa mga pangarap ko. ^___^

****

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO...

*RING... RING.... RING.....*

Tawag sa cellphone ko ang kumuha sa Attention ko.

"AY BULATENG RING!" Bigla kong nabitawan ang cellphone ko ng dahil sa sobrang gulat. Sino ba naman kasi tong tumatawag? Nakakaloka! Agad kong pinulot ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

["Hello? Ito po ba si Ms.
Athena Salvador?"]

"Ako nga po. Sino po sila?"

["Ahm this is Emily Fernandez from I.M Empire. Yung mga artwork mo kasi yung napili Ms. Isabella Montenegro."]

"Isabella Montenegro? Yung sikat na bag designer?" Gulat na tanong ko.

["Yes po. And she want to meet you personally sa awarding mamaya."]

"Okay po. Thank you." Tuwang tuwang sagot ko.

Hindi ko na hintay ang sagot nung Emily. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang.....

"AHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko.

Maya maya pa, biglang nag takbuhan sina tita Alex at Maxine habang may dalang isang baldeng tubig.

"Nasaan ang sunog ate? Nasaan?" humahangos na sabi ni Maxine.

Bigla akong natawa ng dahil sa reaction ni Maxine.

"Ano ba walang sunog noh. Ano bang gagawin mo diyan sa isang balde ng tubig?" tanong ko.
"Ahhh... Maliligo kasi ako ate." Palusot niya.

Tinignan ako ni tita Alex ng may blankong reaction sa mukha.

"Eh bakit ba kasi nag tititili ka diyan ha? Ano bang nangyare sayo?" Tanong ni tita Alex.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Sumali po ako sa contest ng I.M Empire. Tapos yung art work ko po yung napili nila. So magkakaroon na po ng scholarship galing po sakanila." kwento ko.
"Ahh yun lang pala eh. Kala ko naman kung ano." seryosong sabi ni tita Alex.

NANG BIGLANG...

"NANALO KA? AHHHHHHHHHH!" Tuwang tuwang sigaw ni tita Alex.

Lumapit siya saakin tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Ang galing galing talaga ng anak ko. Im so proud of you Athena. Manang mana ka sa mama mo." sabi ni Tita Alex.
"Oo nga ate. Ang galing galing mo." sabi naman ni Maxine.

Bigla akong napangiti ng dahil sa sinabi nila. Hay! Ang swerte swerte ko talaga kasi may pamilya akong kagaya nila.

****

Habang nag hihintay sa pag sisimula ng program, nag ikot ikot muna ako. Grabe! Ang gaganda naman ng mga bags dito. Maraming iba't ibang designs. For sure mahihirapan kang pumili sa dami ng pagpipiliin. Pero sigurado ako na kahit alin yung kunin mo. Hindi kana lugi non noh  sa ganda ba naman ng lahat eh. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung alin yung pipiliin ko eh. Maya maya pa, biglang nag kagulo ang lahat. Bakit may artista ba? Sino ba kasi yang pinagkakaguluhan nila? Eh nandito naman ako ah? CHAROT! HAHAHA!

"Grabe ang ganda ganda niya naman."
"Oo nga. Sana ganyan parin din tayo kaganda pag tumanda tayo."
"She's so perfect! Para akong nakakita ng Anghel na nahulog sa lupa."

Bulungan ng tao habang nag pinagkakaguluhan ng mga tao. Teka? Nandito ba si Liza Soberano? Nakakaloka! Out of curiosity, lumapit ako para makita kung sino ba yang pinagkakaguluhan nila. Pero unfortunately, hindi ko makita yung mukha niya sa dami ng tao tapos sa kislap ng mga flash ng mga photographers at reporter. Lalo tuloy ako na curious. Hinawi ko yung mga tao para makita ko kung sino yung babae. Nang biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa nakita ko. Diba siya yung babaeng tinulungan ko? Bakit ba siya pinagkakaguluhan ng mga tao? Ah baka siya yung special guest ng events na to. Hay nasaan na kaya si Ms. Isabella Montenegro? Hay.

Maya maya pa, nagsimula na yung program. Bakit nag sisimula na sila eh, wala pa nga yung may ari ng I.M Empire eh. Nakakaloka naman. Kinuhan ko NANG BIGLANG...

"Ladies and Gentlemen. Lets all welcome the famous bag designer, owner and the CEO of I.M Empire, MS. ISABELLA MONTENEGRO." -Host.

Bigla kong naibuga yung tubig na iniinom ko ng dahil sa sobrang gulat. So ang ibig sabihin, yung babaeng tinulungan ko ay ang OWNER ng I.M Empire? Nakakaloka! Hindi ako makapaniwala ng dahil sa narinig ko.  JUICECOLORED! MABUBUANG NA SIGURO AKO. T___T

Makalipas ang 20 minutes, natapos na siya mag Speech. Maya maya pa, habang naka upo at nag mumuni muni nang bigla niyang tinawag yung pangalan ko. JUICECOLORED! Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba. Natatakot kasi ako, baka makita ako ng lolo ko sa TV at malaman niya kung nasaan ako. For sure pag nalaman niya, kukunin niya ako dito at as soon as possible ibabalik agad ako sa abroad. Ayoko mangyare yun. Gusto ko pang tuparin yung paangarap ko eh. Hay! Kaya ko ba to? Grabe. Pakiramdam ko umiikot yung sikmura ko at nangangatog na din ang mga tuhod ko ng dahil sa sobrang kaba. Hay bahala na nga. T____T

Tumayo ako at mabilisang kinuha ang award tapos bumama din ako agad. Ayoko dun. Nakakahiya eh. Makalipas ang 45 minutes, natapos na yung event. Paalis na sana ako ng bigla akong tinawag ni Ms. Isabella.

"ATHENA!" Sigaw ni Ms. Isabella.

Lumingon ako tapos ngumiti sakanya.

"Ano po yun?" Nakangiting tanong ko.
"Wala naman. Gusto ko lang magthank you ulit sayo dahil sa pagliligtas mo saakin at i-congratulate ka na din at the same time." sabi niya.
"Thank you din po Ms. Isabella sa scholarship. Dahil po sainyo matutupad ko na po yung nga pangarap ko." Nakangiting sagot ko.

She look at me and she smile.

"Ano ba ang pangarap mo?" tanong niya.
"Ah gusto ko po maging isang sikat na artist oneday. At gusto ko po gumawa ng sarili kong libro someday." sabi ko.

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko tapos ngumiti siya.

"For sure matutupad mo ang mga pangarap mo. Kasi magaling ka at may talent ka. At sigurado din ako na magugustuhan ng lahat ang mga atworks mo because you put love and dedication to all your works." Nakangiting sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.

Napangiti ako ng dahil sa sinabi niya.

"Tinuro po kasi yun ng mga magulang ko na palaging lagyan ng touch of love and dedication ang mga artwork ko para lumabas yung tunay na ganda ng  gawa ko." Nakangiting kwento ko.
"Kung sino man ang mga magulang  mo, sigurado ako na proud sila sayo ngayon. Kasi meron silang mabait, matalino, maganda at talented na anak kagaya mo." sabi niya.

Bigla akong napayakap kay Ms. Isabella ng dahil sa sinabi niya.

"Thank you po Ms.Isabella." Sabi ko sabay yakap sakanya ng sobrang higpit.
"Dont call me Ms. Isabella. You can call me tita." sabi niya.
"Okay po tita. Thank you po." sabi ko.
"Lets go and celebrate! Inom tayo." sabi niya.

Bigla akong napakamot sa ulo ko ng dahil sa sinabi niya.

"Nako, hindi po ako umiinom eh." sabi ko habang kumakamot sa ulo ko.
"Ganon ba? Sige samahan mo nalang ako. Matagal tagal na din kasi nung huling nagcelebrate ako eh. Saan ba dito yung may pinaka masarap na beer?" tanong niya.
"Ah dun po sa bar malapit sa university namin." sagot ko.

Hindi na siya sumagot at ngumiti nalang. Makalipas ang 20 minutes, nakarating na kami sa bar kung saan nag papart time job si Kendrix. Excited na akong makita si mokong. Hehehe! Ilang araw na din kasi ang nakalipas ng hindi ko nakikita si Kendrix eh. Hindi kasi pareho yung schedules namin eh. Kaya halos hindi na kami nag kikita. Yung totoo? Miss ko na siya ng sobra. Sana naman matuwa siya pag nakita niya ako. Hehehe!

"Ahm Athena, punta muna ako sa restroom ah." sabi ni Tita Isabella.

Umalis na si tita Isabella at nag punta na restroom. Maya maya pa, napansin na ako ni Kendrix tapos lumapit siya saakin. JUICECOLORED! Ang hot ni mokong. Papalapit palang siya kitang kita ko na yung gwapong mukha ni mokong. Nakakaloka! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo dito Athena? Iinom ka?" Tanong ni Kendrix.
"Hindi ah! Alam mo naman mabilis ako malasing eh. Sinamahan ko lang yung kaibigan ko." sagot ko.
"Ganon ba? Ano bang order niya?" tanong ni Kendrix.
"Hindi ko alam eh. Tatawagin nalang siguro kita pag oorder na kami." Nakangiting sabi ko.

Hindi na siya sumagot at ngumiti nalang.

"Sige asikasuhin ko muna yung ibang costumers. Bababalik nalang ako." Nakangiting sagot niya.

Umalis na nga si Kendrix para asikasuhin yung ibang costumers. Maya maya pa, bumalik na si tita Isabella.

"Sorry natagalan ako ah. Ang dami kasing tao sa restroom eh." sabi niya.
"Nako okay lang po yun tita. No problem." nakangiting sagot ko.

Maya maya pa, bumalik na si Kendrix para kunin ang order namin nang biglang nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Tita Isabella na parang gulat na gulat.

"Kendrix, Anak. Ang laki laki mo na." sabi ni Tita Isabella.

Bigalang nanlaki ang mata ko ng dahil sa narinig ko.

"Ano yung ginagawa mo dito? Bakit bumalik ka pa?" Tanong ni kendrix ng may blankong reaction sa mukha.
"Anak bumalik ako para sainyo ni Kaycee. Para itama yung mga nagawa kong mali." sabi ni Tita Isabella habang umiiyak.

Hindi na sumagot si Kendrix at tumakbo nalang paalis. Hinabol namin siya pero hindi namin siya naabutan. Wala nang ibang nagawa si Tita Isabella kundi ang umiyak nalang. Kanina habang tinitignan ko si Kendrix, kitang kita ko sa mga mata ang galit at poot ng makita niya si Tita Isabella, ang mom niya. Ganon ba talaga kalala ang galit niya sa mom niya para umabot pa sa ganito? Hay ang gulo naman. Pero hindi ako titigil hanggang sa hindi silang dalawa nakakapag usap. Pero paano? Anong gagawin ko? Hay nako naman. Huhuhu! BAHALA NA SI BATMAN! T___T

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

271K 4.7K 81
An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no secret about himself, but she's someone w...
119K 3.2K 19
hindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
15.2K 940 61
Isang babaeng naniniwala sa fairytale dahil mala prinsesa siya kung ituring pero, habang tumatagal napapatunayan niya na hindi mala cinderella pala a...