Kidnapper's Affection

By Anfrelsis

24K 1.1K 350

Angel Devera was the most influential and known artist of today's century. She can hit the highest notes in j... More

A/N
Prologue
Capítulo 1
Capítulo 2
Capítulo 3
Capítulo 4
Capítulo 5
Capítulo 6
Capítulo 7
Capítulo 8
Capítulo 9
Capítulo 10
Capítulo 11
Capítulo 12
Capítulo 13
Capítulo 14
Capítulo 15
Capítulo 16
Capítulo 18
Capítulo 19
Capítulo 20
Capítulo 21
Capítulo 22
Capítulo 23
Capítulo 24
Capítulo 25
Capítulo 26
Capítulo 27
Capítulo 28
Capítulo 29
Capítulo 30
Capítulo 31
Capítulo 32
Capítulo 33
Capítulo 34
Capítulo 35
Capítulo 36
Capítulo 37
Capítulo 38
Capítulo 39
Capítulo 40
Capítulo 41
Capítulo 42
Capítulo 43
Capítulo 44
Capítulo 45
Capítulo 46
Capítulo 47
Capítulo 48
Capítulo 49
Capítulo 50
Epilogue
--

Capítulo 17

360 20 5
By Anfrelsis

Sweet


"Bakit hindi ka ngumingiti? Aren't you happy Angel?" Sasha asked while raising a brow at me. Kumunot ang noo nila Anica at Hirah. Nahihilo ako ngayon at nasusuka. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Baka dahil sa jet lag? Nico's gaze is distracting me!

"I-I'm happy for you..." I said softly, almost a whisper. Kinurot ko ang sarili ko para mapigilan ang pa ngangatog ng aking mga tuhod. Nico is still starring at me. His eyes were as hard as a metamorphic rock. Harder than a diamond. 

"Enjoy lang kayo guys! Come on Nico! I'll introduce you to some of my friends!" Sasha said and turn her back on us. Naka sunod lang sa likod niya si Nico. Nico is like Sasha's accessory. Nico turn's his head again at our table. He smirked at me. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. What the hell was that? Am I hallucinating again? Did he really smirked at me?

Stockholm's syndrome

No! It can't be. Hindi pwedeng tumibok ang puso ko sa kaniya dahil matagal nang naputol ang aming ugnayan. Hindi ako pwedeng tumira sa aming nakaraan. Kailangan ko ng tanggapin na naputol na ang aming pag mamahalan. Hindi ba ako namamalikmata? Si Nico ba talaga ang lalaki na iyon?

My heart is damn skipping a beat. Pakiramdam ko ay sumali ako sa isang marathon!

"Angel, okay ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali girl?" Anica asked. I smiled at her. Saka ko nalang sasabihin sa kanila ang totoo. Sa ngayon ay gusto ko ng umuwi at mag pahinga. 

"Masama ang pakiramdam ko... Uuwi na ako ah? Tawag nalang ako sa inyo mamaya." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Kumunot ang noo ko ng tumayo na rin sila.

"Uuwi na rin kami. Wala naman kaming gagawin dito, tsaka wala namang gwapo, si Nico lang ang nakita naming gwapo. Puro matatanda naman ang mga tao dito, kainis!" linya ni Hirah at inayos ang strap ng dress niya dahil nasisikipin ata ang malaman niyang dibdib. Sana all!

"Nico..." I whispered to myself while I am sitting alone at the back seat of my car. Wala akong paki alam kung makita ng driver ko na umiiyak ako. Heavenly tears are escaping from my eyes. My heart is so broken right now. I did not expect to see Nico in that place. Akala ko ay pinahirapan ito ni Daddy. 

How did it happened? Hanggang ngayon ay misteryoso pa rin sa akin kung ano ang nangyari kay Nico matapos kaming dakipin ng mga pulis. How did he became Sasha's boyfriend? Who is his parents? Bakit parang kilalang kilala siya kanina sa event? I want to know everything about him! What is happening to me! Why do I even care?

I opened my phone and dialed Rianne's number. I know her too well. Alam kong maasahan ko siya sa mga oras na ganito. Sa mga oras na naguguluhan at nasasaktan ako. 

"Hello? Rianne?" I said in between my sobbing. Pinupunasan ko na ng tissue ang aking mukha. Buti nalang at water proof ang aking make up. Atlis maganda pa rin ako, kahit na umiiyak.

"Nakita mo na siya?" She asked softly. Nanlaki ang mga mata ko at tumango bilang pag sang ayon kahit hindi naman niya makikita. How did she know!? Oh my god! 

"Boyfriend siya ni Sasha..." I said and starts to sob again. Rinig ko ang malungkot na pag hinga ni Rianne.

"Focus ka nalang muna sa career mo okay? Huwag mo na siyang intindihan dahil matagal na kayong tapos. Matagal na kayong nag hiwalay. Uuwi na rin ako ng Pilipinas para makumpleto na tayong apat." 

Lumigaya ang puso ko sa huling linya ni Rianne. Sa wakas at makukumpleto na kaming apat. 

"Pero mamsh, Ang gwapo niya no? Sobra!" Kinikilig na linya ni Rianne. Umiling nalang ako at ngumiti. 

A pang of pain hit my heart when Nico's cold eyes rushes in my mind. 

I decided to tell the other two girls the truth about Nico when I got home in my condo. Wala namang masama kung malalaman rin nila diba? Katanungan pa rin sa isip ko kung paano ito nalaman ni Rianne. Kahit noon pa man ay kilala na ito ni Rianne. Sinabi niyang gwapo ito noon. Paano niya kaya nalalaman? I will definitely ask her one of this days.

"Guys, maniwala man kayo o hindi, Nico is the one who kidnapped me 4 years ago." I messaged in our own group chat. Agad-agad na nag seen ang tatlo.

"Oh my god! Are you serious? Kaya pala parehas ng name!" Anica.

"Legit ba be? O baka jet lag lang yan." Hirah. Inirapan ko siya kahit hindi niya naman nakikita. Sending a virtual irap to you Hirah! Nag seen lang si Rianne. Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang mag reply.

"It's true. Si Papa ang humawag ng kaso niya dati. Nakita ko lang sa mga files ni Papa yung picture ni Nico noon." Rianne. Laglag ang panga ko sa sinabi niya. So all this time alam niya pala ang nangyayari kay Nico? Oh my god!

"Edi alam mo ang buong nangyari sa kaso ni Nico? Omg! Kinikilig pa rin ako tuwing naalala ko yung kwento ni Angel, kung paano sila nag sex sa cabin!" Hirah.

"Gaga hindi kami nag sex! Yuck! Ibang kwento ata iyang napakinggan mo! " I replied. I can feel my cheeks heating at the thought. Nico will never take advantage of me. 

"HAHAHAHAHA" Anica.

"Noooo :( Nico's files is so confidential. Ito ang nag iisang case na pinaka iningatan ni Papa." Rianne replied. 

Akala ko pa naman masasagot na ang mga tanong ko tungkol kay Nico. I suddenly want to know his life! I want to stalk him! Is that a bad thing?

"Sino ang parents niya be?" Hirah asked Rianne. I waited for Rianne's reply. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang typing siya. Alam niya kaya?

"Nico's father is the retired senator. Nicolas Guerrero. Si Nico na ang namamahala sa transportation company nito, after graduating his bachelor's degree sa PMA. He graduated with flying colors. Binalita pa ng ito sa T.V." My eyes widened in shock! Nakita ko si Sir. Nicolas kanina sa event! Daddy niya pala ito? PMA? Philippine Military Academy? Sundalo pala si Nico?

"Gosh! Ang hot lalo ni Nico lalo na't sundalo pala siya!" Hirah replied. 

"Bakit ka niya kinidnapped kung sobrang yaman naman pala niya?" Anica replied. Ayan din ang katanungan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya ako kinidnapped. Kaya naman pala, sumisigaw siya ng karangyaan noon pa man. Kaya pala ang kinis ng balat niya, maganda manamit at marunong mag spanish. Anak pala siya ng senado.

Bakit niya ako kinidnapped kung ganoon?

Nakatulugan ko na ang pag iisip sa mga tanong ko kay Nico. Alam kong kailangan ko ng kalimutan ang nangyari sa amin ni Nico dahil apat na taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako pinapatahimik ng mga katanungan sa utak ko. 

Kinabukasan ay dumiretso ako sa aking studio. Ayoko ng mag pahinga pa dahil baka mabaliw ako dahil sa mga tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. Baka masira na utak ko. Jusme. 

Nag voice lesson lang ako, to warm up my vocals. Hindi rin naman ako tumigil sa pag kanta kahit na nung nasa Espaniya ako pero kailangan ko pa rin daw mag take sabi ni Ma'am Stacey.

"I miss you darling! Masaya ako because you decided to comeback na here!" Sabi ni Ma'am Stacey at niyakap ako ng mahigpit. I hugged her too. I miss her warm embrace! 

"Welcome back po, Angel..." Nahihiyang tugon ni Ira, na siya pa ring P.A. ko. Nahihiya niyang nilagay sa likod ng kaniyang tenga ang takas na buhok niya. Her hair is short. Hanggang balikat niya lang ito. 

Nag-simula na akong mag record ng mga kakantahin ko. Warm up lang ang mga ito para mahanda ang vocals ko para sa aking bagong album. Kailangan ko daw pag handaan dahil matagal daw akong nawala.

Mabilis akong natapos sa pag ensayo ng aking boses. Nag liligpit na ako ng mga gamit ko ng marinig ang usapan ng aking Manager at ng aking P.A.

"Grabe no? Sasha's boyfriend is so gwapo! Kung bata lang ako, ako sana ang love ni Nico ngayon!" kinikilig na linya ni Ma'am Stacey. Hanggang dito ba naman ay si Nico pa rin? I glanced at them. Maging si Ira ay kilig na kilig. Namumukha na siyang asadong siopao. 

"Ikaw ba Angel? Do you have a boyfriend na?" Ma'am Stacey asked. Meron po. Naka live in ko nga po ng tatlong buwan at si Nico po iyon! Gusto ko sanang sabihin sa kaniya kaso inilingan ko nalang siya. 

"Sayang naman at wala pa. Naunahan ka na ng pinsan mo," umiling nalang ako bilang sagot sa kaniya at nag simula ng mag ayos. Si Ira ang nag bitbit ng bag ko habang palabas kami. Tumigil si Ma'am Stacey at may kinuhang papel sa kaniyang bag at ibinigay sa akin.  

"Siya nga pala Angel, this is a contract, kindly read this now. Kinukuha ka bilang 'new face' ng clothing line nila. Signature mo nalang ang need nila para makapag start ka na." Ma'am Stacey smiled. Kumunot ang noo ko at tinignan ang dulo ng papel kung saan ako pipirma. 

Hindi ko na ito binasa at pinirmahan ko nalang ang dulo. I'm too tired to read the whole paper. 

Mabilis lang ang aking byahe pauwi sa aking condo dito sa Manila. Noon pa man ay dito na talaga ako nakatira kahit bata pa ako. Ever since my mom died, I was left alone in this condo because I don't like Dad's new wife. Bata pa naman ako noon kaya hindi ko pa masiyadong maunawaan.

Nag vibrate ang phone ko at nag notify sa akin ang mga pictures na sinend ni Sasha. Apat na larawan ito. Nag taka ako kung ano ang mga ito. Wala naman kaming picture nung birthday ng Daddy niya ah?

I opened her message and my eyes fell from its sockets. 

"Angel, look oh! He is so sweet." Sasha chatted.

Thousands of sharp pain struck my heart while looking at the photos that she had sent me. The photos were the usual 'couple goals' pictures. Naiingit ako dahil malaya silang nakakalabas ni Nico. Samantalang noon ay hindi kami pwedeng lumagpas ng gubat dahil baka may makakita sa amin.

Life is so unfair. 

The last picture that she sent me tears my heart the most. She was standing while holding a gun. Nico is back hugging her while helping her with her aim. I can still remember how good it was to be back hugged by Nico. 

Huminga ako ng malalim at nag reply nalang.

"Mamatay na kayong dalawa." 

Joke lang. Kung pwede lang eh, bakit hindi diba? I don't want to show her that I envy her relationship with Nico. Hindi dapat ako maging bitter. 

"Ingat kayo lagi."  Ako na ba ang pinaka plastic na tao sa buong mundo? A tear escape from my eyes. 

--

Anfrelsis


Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 375 33
In this world full of cruelty, rages, judgement and power, people with disability are already different from people who doesn't have disability. What...
229K 7.2K 85
It's all about a girl who have a big size body and take revenge.
192K 4.5K 50
[Werewolf Series #2] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's i...
97.2K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...