The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

1.2M 66.9K 11.6K

SPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenit... More

Foreword
In the beginning...
Between Dreams and Nightmares
The Stranger
Stalker and Friends
My Hero
Beautiful Stranger
Sweet Stalker
Day of Reckoning
Mayhem
Angels and Demons
Irresistible
A Shade of Blue
Dreamlover
One Sweet Day
Brothers In Arms
Please Forgive Me
Falling Apart
The pain, the loft, the kiss
Hold Me
Safe Haven
In His Arms
First Time
In His Touch
Kiss you all over
A Brewing Storm
Zee's Day
Lose Control
Black Day
Reunion
Operation: Protect General Andrade
First Storm
Second Storm
Doubts
I won't give up
Nothing Compares To You
When Love Is Real
Questions
Burning Passion
Skinny-dipping and Fireflies
Let's break up
The Link
Family
Brother
Fix You
Emptiness
Missing You
All in
Beautiful
Take a chance
Servitude
Bereft
The Surprise Proposal
Love Bites
The Request
Wounded
The Abyss
Assent
The Mother of the Bride
Mischief
The Vow
First night and cravings

Serendipity

31.2K 1.2K 144
By frozen_delights

FIFTEEN years later.

"AYOS ka lang ba?" tanong kay Zenith mula sa kabilang linya.

"Ayos lang ako," tugon niya.

It was Callous. Kausap niya ito sa earpiece na nasa kanyang tenga.

"Nagawa mo nang malinis?"

Niyuko muna ni Zenith ang tagilirang kumikirot bago sumagot sa tanong ng kausap.

"Oo."

"See you at The Devil's Lair," tukoy nito sa club na nagsisilbing lungga nilang magkakaibigan.

"Nah, not tonight. Maybe some other time."

"You don't sound okay. Are you hurt?"

Napabuntong-hininga siya. "Just a graze."

Narinig niya ang malutong na pagmumura sa kabilang linya.

"Where are you? I'll come and pick you up."

"Stay put, Cal. I'm okay. I'll manage." Somehow. Hindi simpleng daplis lamang ang tama niya, at alam niyang alam din iyon ni Callous. Kilala na nito ang ugali niya. Siya ang tipong kahit naghihingalo na ay hindi pa rin hihingi ng saklolo.

"How bad is it?"

"I told you, daplis lang."

"Knowing you."

"Tsk. You're starting to sound like a nagging wife, beastie," may halong panunudyo niyang sabi rito, short for best friend.

"I'm on stand by in case you need me, got that?"

"Copy." Iyon lang at tinapos na niya ang pakikipag-usap dito.

Narinig niya ang sirena ng police mobile sa di-kalayuan. Marahil ay pinaghahanap na ng mga iyon ang gunman na bumaril kay Akihiro Tanaka. Binagtas niya ang madilim na kalye patungo sa kinahihimpilan ng kanyang kotse. Ngunit malayo pa lang ay may narinig na siyang tahol ng mga aso. Mabilis siyang nagkubli. Pagsilip niya ay natanaw niya ang ilang naka-unipormeng pulis na tila may kung sinong hinahanap.

Mahina siyang napamura atsaka lumihis ng direksyon para makaiwas sa mga ito. Binaybay niya ang isang maliit na eskinita hanggang sa marating niya ang gilid ng kalsada. Mag-a-alas diyes na ng gabi, pero dahil lungsod na bahagi iyon marami pa ring tao ang makikita sa kalye. 

Naramdaman niya ang pagkirot ng sugat sa kanyang tagiliran. Ilang inhale-exhale ang marahan niyang pinawalan para pakalmahin ang makatagos-lamang kirot. He wanted to hail a cab so he could leave that place pronto, but no luck. Panay okupado na ang mga taksing nagdaraan sa kanyang harapan. Nagsimulang pumatak ang ulan. Itinaas niya sa ulo ang hood ng suot na jacket.

Isang babae ang patakbong tumawid ng kalsada. Nakasuot ito ng puting uniporme na tingin niya ay sa isang doktor. O nurse? Hindi siya sigurado. May kausap ito sa cellphone at oblivious sa paligid nito. Luminga-linga ito na tila naghahanap ng masisilungan. Unfortunately, there was none.

Ipinagpatuloy ng babae ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya.

"No, I'm okay. Huwag matigas ang ulo, Odilon Reinald Andrade. I'll be home soon, you don't need to pick me up." Pinakinggan nito ang tila pakikipagtalo ng kausap.

Persistent boyfriend, he thought.

"Hindi pa kasi puwede. And you're barely sixteen years old so, you are not allowed to drive yet. Malilintikan ka kay Papa."

She's not talking to her boyfriend. A brother, maybe? Deduction ng utak ni Zenith.

What piqued his curiosity about the woman was beyond him. Probably her voice. Or her hair, or her lithe figure.

"The bus is coming, I gotta go. Of course I know how to commute, dolt. I'm not like you. You are such a baby."

Hindi napigilan ni Zenith ang sarili na pasimpleng titigan ang babae. Kitang-kita niya nang marahang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito at ang paglubog ng dimples sa magkabilang pisngi.

"Oo na po. I love you, too. Huwag ka ng mambola."

Mabilis siyang nagbawi ng tingin nang sa inaakala niya ay mag-aangat ng mukha sa gawi niya ang babae. Eksakto namang tumigil sa tapat nila ang isang aircon bus. Sumakay roon ang babae. Siya ay imboluntaryong sumunod ang mga paa nang lumulan ito. Walang masyadong pasahero. Naupo ang babae sa bandang gitna ng mga bakanteng upuan. Siya naman ay pinili ang upuan sa may likuran nito. Umusad na ng takbo ang bus.

Isinandal niya ang sarili sa upuan at pilit na ibinaling sa ibang bagay ang isipan upang makalimutan ang kirot na iniinda. Kailangan na niyang makauwi para magamot iyon.

"Tangina. Ano na namang pakulo 'to ng mga buwakang ina na  'yan?"

Tinapunan ni Zenith ng tingin ang nagbubusang konduktor. Nakatanaw ito sa unahan ng mga nakatigil na sasakyan. Tila isa-isang tsini-tsek ang mga iyon ng mga nakabantay na pulis sa gilid ng daan. Napaunat siya sa kinauupuan nang maisip kung ano ang nangyayari. May checkpoint.

Hindi na siya nag-isip nang tumayo at kaswal na maupo sa tabi ng babaing nakaupo sa kanyang unahan. Halatang nagulat ito nang mag-angat ng tingin at tumingin sa kanya. Ngunit tila walang anumang kinuha niya ang isang earphone na nakasalpak sa kabilang tenga nito at inilagay iyon sa sariling tenga.

Umawang ang bibig nito para magprotesta. Ngunit bago pa man may makalabas na salita sa bibig nito ay pasimple niyang ipinakita rito ang baril na nakasiksik sa kanyang tagiliran. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito at bumakas ang takot sa magagandang pares ng mata.

"Close your eyes, sweetheart, and everything will be over soon."

Nangatal ang mga labi nito.

"I'm not gonna hurt you," he whispered in her ear. "But try not to draw anyone's attention. Can you do that for me, hm?"

Helpless na marahang gumalaw ang ulo nito.

"Good. Close your eyes and pretend you're sleeping."

Pumikit naman ito. Iniakbay niya ang isang braso rito. Na naging dahilan ng pagpitlag nito. Nakita niya ang mariing pagkuyom ng mga kamay nito sa kandungan. Inabot niya iyon at pinagsalikop ang kanilang mga daliri saka ito marahang kinabig pasandal sa kanya.

"You can squeeze my hand if you're afraid."

Gusto niyang pagsisihan dakong huli ang iminungkahi rito dahil ginawa nga nito iyon. Lihim siyang napangiwi nang halos bumaon ang mga kuko nito sa kanyang knuckles.

~0~

NAGMAMADALING lumabas ng Sacred Heart Hospital si Mariz kung saan nasa ikalawang taon na siya ng kanyang residency. Uwing-uwi na siya dahil halos bente-kuwatro oras na tuloy-tuloy siyang naka-duty. Biglang dagsa kasi ang pasyente at nakabakasyon ang isa roong resident doctor. Missed niya na ang kanyang kama. Ang makulit niyang kapatid ay maya'tmayang inaalam kung uuwi pa raw ba siya. Nagliligalig na naman dahil wala ang kanilang ama. Gustong gumala kasama ng barkada ngunit ayaw itong payagan ng kanilang ina. At kapag humindi ang kanilang ina hindi na ito makakahirit. Kaya ang nangyayari, sa kanya ito nagrereklamo para siya ang kumumbinsi sa kanilang ina na payagan itong lumabas.

Malayo ang pagitan ng edad nilang magkapatid. Disi-sais anyos ito habang siya ay bente-sais. Madalas siyang mapagsabihan ng kanilang ina na masyado niya raw ini-spoil ito. Baka raw mamalayan na lang nila ay bumabarkada na rin ito sa mga kaedaran nitong may bisyo. Isang bagay na tiniyak ng kapatid niyang hinding-hindi mangyayari. Masyado raw nitong mahal ang sarili para sirain sa masamang bisyo. Isa pa ay malaki ang takot nito sa kanilang ama kahit pa nga ni minsan ay hindi pa ito nalapatan ng palo ng heneral nilang tatay. Nirerespeto at mahal daw nito ang kanilang ama kaya hindi ito gagawa ng bagay na puwedeng sumira sa iniingatan nitong pangalan bilang heneral ng hukbong sandatahan ng Pilipinas.

At malakas ang paniniwala niya sa kapatid na hindi nga ito gagawa ng kalokohan. Madalas niyang sabihin dito na siya ang nag-alaga rito simula pagkabata kaya kapag gumawa ito ng kabulastugan ay siya mismo ang kukuha sa sinturon ng kanilang ama para paluin ito. She practically raised him dahil nagkaproblema ang mga magulang nila ng mga panahong dumating ito. Sa batang edad ay natutunan niyang magtimpla ng gatas, magpuyat at magpalit ng diaper.

Nang lumabas siya ng pagamutan ay hindi na niya nakuhang magpalit ng uniform at bitbit ang bag na tumakbo na siya sa abangan ng sasakyan. Nasa casa ang kotse niya at dalawang araw ng ginagawa ang sira. Kaya nangungulit at nag-i-insist ang kapatid niya na ito na lamang ang susundo sa kanya dahil baka raw mahirapan siyang mag-commute.

"Tanga ka pa naman sa direction," ang mapang-asar na sabi nito habang kausap niya sa cellphone.

"Hoy, magdahan-dahan ka sa sinasabi mo. Doctor to, uy."

"Iyon na nga, Ate. Kaya mong mag-memorize ng makakapal na medical journals pero direksyon lang ng lugar na pupuntahan mo naliligaw ka pa."

Kahit gusto niya itong kutusan pag-uwi ay hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi nito dahil totoo naman. Bobo talaga siya sa direksyon. Siya iyong tipo na kahit yata bigyan ng mapa ay maliligaw pa rin.

"Ano, susunduin na kita? Nag-aalala ako sa'yo, eh."

"No, I'm okay. Huwag matigas ang ulo, Odilon Reinald Andrade. I'll be home soon, you don't need to pick me up."

Nakipag-argumento pa rin ito.

"Mahusay na akong mag-drive. Sabi nga ni Kuya Cris puwedeng-puwede na akong kumuha ng student's license. Ayaw niyo lang ni Papa."

"Hindi pa kasi puwede. And you're barely sixteen years old so, you are not allowed to drive yet. Malilintikan ka kay Papa."

Malakas itong nagbuntong-hininga sa kabilang linya. Napangiti siya dahil nai-imagine na niya ang pagkakasimangot nito.

"The bus is coming, I gotta go."

"Do you even know how to commute?"

Muntik na niyang maitirik ang mga mata sa kakulitan nito. "Of course I know how to commute, dolt. I'm not like you. You are such a baby."

Hatid-sundo kasi sila ng driver simula nang tumuntong sila ng paaralan. Nang matuto naman siyang mag-drive ay ibinili siya ng ama ng sarili niyang kotse. Pagtigil ng isang bus sa tapat niya ay lumulan na siya roon. Napansin niyang sumunod ang lalaking kasama niyang tila naghihintay rin ng masasakyan. Bahagya niya lamang nasulyapan ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng hood ng suot nitong jacket. Ngunit kitang-kita niya ang magaganda nitong mga labi. Parang labi ng babae.

Napangiti siya sa kanyang sarili. Hindi pa siya nakakita ng mga labing ganoon kahit pa sa mga kabaro niya. Naghanap siya ng mauupuan. Sa likuran niya ay aware siyang nakasunod ang lalaki.

Hindi naman siguro siya stalker, saloob-loob niya.

Matangkad ito at mukhang maganda rin ang build ng pangangatawan base sa suot nitong hoodie. Sa sulok ng mga mata ay palihim niya itong sinundan ng tingin. Naupo ito sa may likuran niya.

Guwapo, saloob-loob niya. Nakita niya kasing matangos din ang ilong nito.

Sa edad niyang iyon ay nagkaroon na rin naman siya ng nobyo. Twice na. Ngunit pawang hindi nagtagal dahil sa bubwit niyang kapatid at sa katayuan ng kanyang ama na isang mataas na opisyal ng sandatahan. Biro nga ng kaibigan niyang si Graciela, sa higpit magbantay ng kapatid niya baka raw tumanda siyang dalaga. Paano nga daig pa ni Odilon ang tatay nila kung i-monitor ang oras ng uwi niya.

Inilagay niya sa magkabilang tenga ang earphones at pinakinggan ang music ni Sinead O'Connor. Para sa kanya ay timeless ang kanta nitong Nothing Compares To You. Sometimes she put it on a loop. She never gets tired listening to it. It was hauntingly beautiful. Lalo na ang umpisa ng kanta. She was so drawn listening to the music when suddenly someone sat on the vacant seat next to hers. Gulat siyang nag-angat ng tingin. Ngunit mas nagulat siya sa sumunod na ginawa ng estranghero. Kaswal nitong kinuha ang earphone na nakasalpak sa tenga niya at inilagay iyon sa tenga nito. Umawang ang bibig niya para sana pagsabihan ito ngunit pasimple nitong ikiniling ang ulo sa baril na nakasuksok sa beywang nito.

Oh, God, bahagyang namilog ang kanyang mga mata nang tila manlaki ang kanyang ulo sa takot.

"Close your eyes, sweetheart, and everything will be over soon."

Nangatal ang mga labi niya sa takot. Sundalo ang tatay niya ngunit ni patak ng tapang nito sa katawan ay hindi man lang siya nakamana.

"I'm not gonna hurt you," he whispered in her ear. "But try not to draw anyone's attention. Can you do that for me, hmm?"

Tango ang tanging nagawa niyang itugon.

"Good. Close your eyes and pretend you're sleeping."

Tila masunuring paslit na ipinikit niya ang mga mata. Nang akbayan siya nito ay napapitlag siya. Kumuyom ang dalawa niyang kamay upang pigilan iyon sa panginginig. Ngunit inabot iyon ng lalaki at pinagbuhol ang kanilang mga daliri saka siya marahang kinabig pasandal dito.

"You can squeeze my hand if you're afraid."

She did as she was told. Sa kabila ng takot ay may nadama siyang satisfaction nang marinig niya ang paghigit nito ng hininga nang idiin niya ang mga kuko sa balat nito. 

Mayamaya lamang ay naramdaman niyang huminto ang bus.

"Don't open your eyes," narinig niyang bulong ng lalaki sa kanyang tenga. 

Tila kuryenteng mabilis na namaybay sa kanyang balat ang mainit nitong hininga na pumaypay roon.

"Good evening, Sir, Ma'am. Checkpoint lang po," narinig niyang magalang na wika ng isang lalaki. Base on the sound of his voice, isang dipa lamang ang layo nito sa kanila.

Kung sisigaw kaya siya ay maililigtas siya nito sa katabing lalaki?

Isang pangit na senaryo ang mabilis na gumuhit sa imagination ni Mariz. Malamang ay maho-hostage siya nang wala sa oras. At kapag minalas-malas pa, kasama siya ng lalaki na matitigok sa loob ng bus.

Kung bakit naman kasi napakagaling mandaya ng panlabas na hitsura ng tao. Marahil kung mukha itong sanggano ay nagpakalayo-layo na siya ng upo rito. Hindi sana siya natabihan at pasimpleng na-hostage.

Lesson learned, pagpapalubag-loob niya sa sarili.

Hindi naman nagtagal at bumaba na ang nagtse-tsek ng mga pasahero. Gusto itong habulin ni Mariz at sigawan na napaka-inutil nito. Katabi niya lamang ang taong pinaghahanap ng mga ito. Muli ng umusad ang bus. Narinig niyang nagsalita ang konduktor ng kung anu-ano. Ngunit hindi naman niya masyadong maintindihan dahil ang puso niya ay parang niyayanig ng nerbiyos.

"Saan po kayo, boss?" mayamaya ay tanong ng konduktor.

"Sweetheart, saan tayo bababa?" tanong ng lalaki.

Sweetheart? Parang gusto niyang singhalan ang lalaki at tadyakan ng sampu. Kailan pa niya ito binigyan ng pahintulot na tawagin siyang sweetheart?

Nang padaplis na humagod ang isang kamay nito sa ilalim ng dibdib niya ay napapitlag siya. Marahil kung hindi lamang mahigpit na magkabuhol ang mga daliri nila ay lumipad na ang isa niyang kamay at nabigyan ito ng isang pamilyang sampal! Ang walanghiya!

"Naiinip na si Kuyang Konduktor," untag nito sa tahimik niyang pagkatay rito sa kanyang isipan.

"S-sa Palacio Verde Estates," tukoy niya sa isang exclusive village na madadaanan ng bus.

Kaagad na nagbigay ng tiket ang konduktor para sa dalawang pasahero. Binitiwan ng lalaki ang kamay niya nang dumukot siya ng pambayad sa kanyang bag. Kinuha ng lalaki ang pera at ito na ang nag-abot sa konduktor. Matapos silang masuklian ay iniwan na sila ng konduktor at nakipaghuntahan na sa driver.

"So, you live in Palacio Verde Estates, huh?"

"Y-you said you're not gonna hurt me," nauutal na sabi niya.

"Who said I'm gonna hurt you?"

Lumayo siya rito. Akala niya ay hindi pa rin siya nito pawawalan. Ngunit hinayaan siya nito. Direktang tumutok ang mga mata niya sa lalaki. Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito.

"'Til next time, Dra. Mariz Andrade." Tumayo na ang lalaki. "Boss, sa tabi lang."

Nasundan na lang niya ng tingin ang lalaki nang bumaba ito ng bus. At sa buong sandaling lulan siya ng bus pauwi ay daig pa niya ang na-engkanto. Tulala lang halos siya nang makarating sa kanilang bahay. 

What just happened?

-

Zenith happened :) and now you have zi-nat.

frozen_delights


Continue Reading

You'll Also Like

61.3K 1.6K 53
Would you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.
2.6M 59.1K 42
Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang hinihingi niya. Pero tila yata madamot an...
3.7M 77.5K 57
"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marqu...
1.1M 30K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...