Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 05

249 10 0
By Dream_Secretly

Hate

Bumagal ang paglalakad ko patungo sa kusina nang makitang hindi lamang si georgia ang naroon. Napatingin ako sa wristwatch ko. Bakit nandito pa 'to? Hindi pa ba 'to uuwi?

Lumingon siya sakin at dahan dahang binaba ang hawak niyang tasa. "G-Goodmorning, Corraine." Balisang bati niya.

Nagtaas lamang ako ng kilay. Mabuti naman at hindi na asawa tawag sa akin nito. Kung nagkataon baka kaladkarin ko siya palabas ng bahay ko.

"Morning." Malamig kong bati kay georgia na kasalukuyang ginagawa ang sandwich ko. Tiningnan ko ang mga pagkain sa counter table. "Doon mo na pakainin si Maxine sa kwarto niya hanggat hindi pa umaalis 'yang bisita."

"Tumawag na ang mama niya. Maya maya lang ay susunduin na 'yan." Aniya.

Napatango ako. "Buti naman." Kinuha ko ang inabot niyang tasa ng kape. "Thank you."

Tumikhim si Daniel. Hindi ko siya nilingon. "Hmm hindi ka ba muna kakain? Nasabi nga pala sa 'kin ni g-georgia na hindi ako kilala ni Maxine...ahm don't worry wala akong sasabihin sa kaniya.."

Napatingin ako kay georgia. "Naturuan ko na 'yan. Kapag may ginawang hindi maganda ako mismo ang magpapalayas." Bulong niya sa akin.

Hindi ko na pinansin si Daniel. Ayoko siyang kausapin, ni tingnan ay ayokong gawin. Hindi ko masikmurang makita ang pagmumukha niya.

Hindi ko na inubos ang kape ko. "Alis na ako, georgia." Kinuha ko ang sandwich na gawa niya. "Ikaw na ang bahala kay Maxine." Kinuha ko ang bag na pinatong ko lang sa taas ng counter table.

"Ingat sa pagmamaneho." Sabi ni georgia.

Tumango lang ako at dire-diretsong umalis. Hindi ko na pinansin si Daniel na mukhang may gusto pang sabihin.

Sana lang ay umalis na ito bago pa magising si Maxine. Ayokong makita at makilala siya ng anak ko. Wala na rin naman siyang karapatan.

Naabutan ko si karen na nagdidilig ng mga halaman sa maliit naming garden. Kaagad nitong iniwan ang ginagawa para pagbuksan ako ng gate.

Nilagay ko naman ang bag ko sa likod. "Karen, ikaw na ang bahala kay Maxine. Iyong gamot niya siguraduhin mong maiinom niya sa tamang oras." Walang sawang paalala ko sa kaniya.

"Opo ate.." Tugon niya.

Tinanguan ko na lamang siya at sumakay na sa kotse. Mabigat ang loob kong nagmaneho paalis.

Ayokong iwan kasi sana si Maxine doon ngayon kaya lang kailangan ako sa opisina. May meeting kami ni sir anton sa possible client and investor namin.

Nag-email siya sa akin kagabi at pinaalam na kailangan niya ako ngayon. Hindi niya na sinabi ang iba pang detalye pero base sa excitement at saya sa boses niya ay mukhang makukuha na namin ang matagal na naming goal na pag-angat. Kung pagbibigyan kami ng pagkakataon ay hindi lamang sa buong Cebu makikilala ang kumpaniya at ang mga gawa namin kundi pati na rin sa mundo.

Malapit na ako sa opisina nang mag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jack. Kaagad ko itong sinagot at ni-loudspeaker.

"Good morning, Miss corraine." Bati nito sa kabilang linya.

"Good morning, Jack. Bakit ka napatawag? Malapit na ako sa office." Sabi ko habang naka-focus sa daan. Mabuti na lang at hindi masyadong ma-traffic kapag ganito kaaga.

"Huwag ka na daw tumuloy sa opisina. Dumiretso ka na daw sa restaurant. Maaga daw kasi ang meeting ninyo ngayon ni Sir anton with the client." Sabi niya. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko atsaka sa likod. Nang makitang wala namang kotseng malapit sa akin, kaagad akong nag-u turn pagkatapos kong mag-signal light.

"Okay, Jack. Thank you." Sabi ko. Alam ko na ang details ng lugar na pagmi-mitingan namin. Doon 'yon sa paboritong seafood restaurant ni Sir anton. Sikat iyon at kilalang kilala ko ang may-ari kaya hindi na rin masama kung mauna ako doon.

"Thank you din, Miss Corraine. Ingat po." Magaling na sabi ni Jack bago nagpaalam sa kabilang linya.

Napailing nalang ako. Naisip ko naman na hindi na bagay sa akin na 'Miss Corraine' na tawag dahil nga may anak na ako. Pero ang katwiran nila, hindi naman daw kasi ako mukhang may anak at hindi pa naman ako lumalampas sa kalendaryo kaya pwede pa. Minsan tuloy napagkakamalan akong dalaga dahil halos lahat ganoon ang tawag sa akin.

Kaagad akong nakadating sa restaurant. Mabilis akong nag-park at inabot muna ang bag sa likod bago ako bumaba.

Sarado pa ang restaurant at tanging mga staff lang ang nakikita ko. Kilala nila ako kaya agad akong nakapasok.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Good morning po." Sabay nilang bati. Maayos na ang mga table at handa na silang magbukas.

Mamaya pang 8am magbubukas ang restaurant kaya meron pa silang mga 15 minutes para mag-ready na rin. Ako naman ay isang oras pang mag-aantay kay Sir anton. Hindi naman 'yon problema dahil pwede akong tumambay dito kahit gaano pa katagal.

"Saan ang boss niyong pangit?" Pabirong tanong ko.

Natawa ang nasa cashier at ilang nakarinig. "Nasa kitchen, Miss Corraine." Sagot nong isa. Nginuso pa ang nakasaradong pinto ng kusina nila.

Ngumisi lang ako at tumango. Walang katok katok akong pumasok sa loob ng kusina. Sabay sabay na lumingon sa akin ang mga kitchen staff maliban sa amo nilang kunware masungit.

Binati ko rin ang mga masisipag niyang kitchen staff. Binaba ko muna ang bag ko sa gilid kung saan hindi makakasagabal sa kanila atsaka ako kumuha ng apron at hairnet sa lalagyan. Nagtali na rin muna ako ng buhok dahil baka may makatakas at mapunta sa pagkain. Isa ito sa mahigpit niyang rules dito sa kitchen. Mini-maintain kasi ang linis at presentableng putahe nila. Sumusunod ako sa mga rules niya dahil seryoso talaga siya pagdating sa mga ganitong bagay. Kapag sumuway ako ay malilintikan talaga ako kay Jared.

Oo si Jared ang may-ari nito. Pampalipas oras niya lang ang modeling pero ubod na talaga ito ng yaman, medyo gago nga lang. medyo lang naman.

"Hello, Jerk.." Halos pabulong kong bati sa kaniya. Baka kasi marinig ng staff niya at ma-tsismis pa akong inaapi ang mabait at gwapo kunong boss nila. Eww!

"What are you doing here, bitch?" Aniya habang abala sa paghihiwa ng kung anong Isda. Eksperto nitong tinatanggal ang mga tinik ng hindi nadudurog ang isda. "Nagpa-reserve si Anton pero mamaya pa 'yon. Bakit ang aga mo?" Tanong niya.

Napairap ako. "Pinauna niya ako dito, eh. Paki mo ba? Jerk ka talaga kahit kailan."

Tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. "Bitch ka pa rin naman kaya patas lang tayo." Aniya.

Kinibot-kibot ko lang ang labi ko na parang ginagaya siya. Nasabi ko sa inyo na Gago 'to? At sa sobrang gago niya hindi ko na alam kung paano ko siya naging kaibigan.

"By the way, georgia text me last night." Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Abala pa rin siya sa ginagawa. "Nasa bahay mo daw ang asawa mo? Are you okay?" Seryosong tanong niya.

Ang baklang 'yon talaga! "Hindi ko na siya asawa." Asik ko. "And of course, I'm fine! Nakapag-move on na ako, remember?" Really, Corraine?

"You move on but still sound bitter? I don't think so." Pamimilit niya.

Ang sarap talagang sakalin ng lalaking 'to. Hindi nauubusan ng sasabihin, eh. Nag-cross arm nalang ako at ngumuso. Ayokong makipagtalo sa kaniya. Hindi ako mananalo.

At ayoko ring tuluyang masira ang araw ko.

20 minutes bago ang miting, dumating si Sir anton at si Jack. Sabay kaming lumapit ni Jared sa kanila. Bago siya dumating ay tine-testing namin ang mga bago niyang wine. Special offer ito dito para sa mga mayayamang mahilig sa wine. In fairness, masarap lahat ng natikman ko. Approve sa akin kaya pinasama na 'yon agad sa menu.

"Good morning, Sir!" Masiglang bati ko sa kaniya at naupo sa tapat niya. Tamad namang umupo si Jared sa tabi ko.

Mas matanda lang ng dalawang taon si Sir anton sa amin ni Jared. Malapit silang magkaibigan na ikinagulat ko noong una. Magkaiba kasi sila ng personality kaya hindi ko alam kung paano sila nagkakaintindihan. Isa pa'y magkasalungat sila ng paniniwala kaya nagulat ako at hindi pa sila nagtatalo o nagpapatayan.

Si sir anton kasi iyong tipong kapag kakausapin mo dapat seryoso. Hindi pwede ng joke. Silang dalawa lang ni Jared ang nagkakaintindihan minsan sa mga sinasabi nila. Si Jared naman maloko 'to. Madalas umaaktong seryoso pero madaling kainin ng kalokohan kaya wala rin. Wala nang pag-asa.

Minsan nga iniisip ko kung hindi ba napipikon si sir sa kaibigan? Naisip ko na baka nasanay na rin si Sir tulad ko. Malakas kasi din kung makapag-moody 'tong si Jared. Nakakatakot lalo na kung hindi mo siya lubos na kilala.

"Good morning, Sir." Bati ko sa kaniya.

Tinanguan niya ako. "Good morning." Aniya sabay baling kay Jared. "How's the business?" Seryosong tanong ni Sir sa kaniya.

"Still kicking, Bro." Ngisi niya atsaka sinenyasan ang isang waiter to serve us some wine. "By the way, I heard you need investors? Gusto ko ring mag-invest."

"Sure. We'll talk about it." Kinuha ni Sir Anton ang wine glass niya at tinikman ang laman non. "This is good." Puri niya sa inumin. Lumapad naman ang ngiti ni Jared.

"Sir, malapit na daw po sila." Sabat ni Jack sa usapan.

Tumango si Sir anton. Tiningnan niya ako. "Show them your best designs. Malaking opportunity ito kapag nagustuhan nila ang kumpanya natin." Sabi niya sa akin.

"Yes sir," Sagot ko.

Bumaling ako kay Jared nang tumayo na ito. "Maiwan ko na muna kayo. Good luck." Nginisian niya ako. Irap lang ang sinagot ko sa kaniya.

Nise-serve na ang mga pagkain nang dumating ang mga ka-miting namin. Mag-asawa daw ito sabi ni Jack na mula sa mayamang angkan. Malaki daw ang magiging tulong ng mga ito para umangat amg kumpanya.

Tumayo kami para batiin sila. "Good morning." Sabay naming bati.

Tumango lamang ang lalaki habang malapad naman ang ngiti ng asawa niya. "Good morning!" Masiglang bati niya pabalik. Lumipad ang mga mata niya sa akin. Malapad siyang ngumiti at naglahad ng kamay sa akin. "Hello! You are Corraine, right? I am so happy to finally meet you! I'm sandy!" Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya at magaang nakipag-handshake dito. "And this is my husband, Ark." Sinulyapan niya ang lalaking katabi.

Tumango ito sa akin at bahagyang ngumiti. Binulungan niya ang asawa at nag-urong ng upuan para sa rito. Nang maka-upo na si Sandy, umupo na rin siya sa tabi nito.

"I heard so much about you, Corraine!" Kumunot lang ang noo ko. Bakit parang kilala na niya ako samantalang ngayon lang naman kami nagkakilala?

"Talaga po?" Sumulyap ako kay Sir na naging abala na sa pakikipag-usap sa asawa ni Sandy. "Na-kwento na po ako ni Sir Anton sa inyo?" Tanong ko.

Ngumisi siya. "Not him. Si kuya patrick! Minsan si kuya Daniel kapag may naaalala siya tungkol sa 'yo, sinasabi niya sa amin." Tuloy tuloy niyang kwento. Hindi ko na halos masabayan ang mga ibang sinasabi niya.

Napasinghap na lamang ako. Kilala niya si Patrick at Daniel? Paano.....

"Babe..." Bumaling sa kaniya ang asawa niya at may binulong dahilan para manlaki ang mga mata niya.

"Sorry," She look guilty. "Dapat pala dahan dahan lang."

Tumikhim si Sir Anton. "You know her, Mr. laxamana?" Napapikit ako sa tanong ni Sir.

Laxamana? Really? Hanggang dito talaga....

"Yes. Asawa siya ng pinsan ko." Diretsong sagot nong lalaki.

"Oh, I didn't know." Nilingon ako si Sir Anton. "Corraine, is it true?" Tanong niya.

Napalunok ako. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang folder sa tabi ko. "C-Can we just proceed to the business, Sir? I'm not comfortable." Sabi ko nalang.

Saglit niya muna akong tinitigan na para bang pinag-aaralan ako bago siya seryosong tumango. Laking pasasalamat ko at hindi na 'yon naungkat pa.

Madaldal si Sandy. Marami akong nalaman sa kaniya. Tulad nalang ng marami na siyang nalalaman tungkol sa akin. Pinilit kong balewalain ang kakaibang nararamdaman ko dahil ayokong ma-dissapoint si Sir Anton. Marami na siyang natulong sa akin, itong pagtitiis ko na huwag sumabog ay ang tanging magagawa ko para sa kaniya. Kailangan niya ang investment ng mag-asawang 'to.

Pinakita ko kay sandy ang mga furniture design na pwede nilang i-apply sa condong binili nila dito sa Cebu. Hindi ko alam kung totoong nagustuhan niya ang mga pinakita ko O baka parte ito ng plano nila. Tiyak akong may motibo sila sa pagpunta rito sa Cebu, pagbili ng condo at paglapit sa kumpaniya ni Sir Anton. Tiyak na may plano sila.

At Kung ano man ang balak nila, sisiguraduhin ko na hindi nila ako mapapasakay.

Nagpaalam ako sa kanila para mag-CR. Pumipili na rin lang kasi si Sandy ng gusto niyang disenyo. Si Sir Anton naman ay siguradong may investor na. Tiyak na papasok sa kumpaniya ang mga Laxamana para guluhin ako.

"Damn." I hissed. Matalim kong tinitigan ang reflection ko sa salamin. Kailangan kong tatagan ang loob ko lalo na ngayong siguradong hanggang  sa opisina ay mahahabol ako ng impyerno.

Hindi ito palalampasin ni Sir Anton. Kailangan niya ang oppotunity na 'to para makilala at umangat ang kumpaniya niya. Hindi ko siya dapat biguin.

Bumukas ang pinto. Nilingon ko ang babaeng pumasok mula sa salamin. Nakangiti ito sa akin at diretsong nagtungo sa isang faucet.

Naghugas siya ng kamay. Nagbaba naman ako ng tingin para hindi magsalubong ang mga mata namin sa salamin.

"Ang daming kwento sa akin ni Kuya Daniel tungkol sa 'yo. Hindi pa kasi tayo nagkikita kaya curious ako. Pati si patty, iyong bestfriend ko. Gusto ka rin niyang makilala—" Natigilan siya ng tumalikod ako at kumuha ng tissue sa gilid. "—sorry. Nabigla ba kita?" Alanganin niyang tanong.

Napabuntong hininga ako. Hindi ako dapat maging malupit sa kaniya. Sa nakikita ko ay mabuti siyang tao, pero dahil Laxamana siya at kamag-anak niya si Daniel....kailangan ko pa rin siyang iwasan.

"Anong plano ninyo?" Malamig kong tanong.

"A-Ano?" Litong tanong niya. Narinig ko ang pagpatay niya sa faucet.

Hinarap ko siya. "Bakit kayo bumili ng Condo dito sa Cebu? Bakit sa dinami-rami ng kumpaniya, sa amin pa kayo lumapit? Bakit? Inutusan ba kayo ni Daniel para gawin 'to?"

"Corraine," Nabalisa siya. "Desisyon namin ang pagpunta rito. We are just dying to meet you. Gusto ko ring makita ang babaeng hindi makalimutan ni Kuya Daniel. Atsaka gusto rin naming makilala ang anak ninyo. Maxine right—"

Suminghap ako at pinutol ang anumang sasabihin niya. "—Don't." Mariing bigkas ko na ikinagulat niya. "Don't mention her name. Ayokong may makilala ang anak ko ni isa sa pamilya ninyo. Ni ayoko na rin sanang magkaroon ng kahit anong koneksiyon sa inyo! Pero dahil nandito kayo ngayon, sige palalampasin ko 'to. But please, sana ito na ang huli." Nilapit ko sa kaniya ang tissue bago ko siya iniwang gulat na gulat doon.

Sa labas ay nagulat ako nang makitang nag-aabang ang asawa niya. Walang emosyon ang mga mata nito at nanatiling nakasandal sa pader.

Huminga ako ng malalim at akmang lalampasan na lamang sana siya ng bigla siyang mag-salita.

"She knows nothing. Huwag mo siyang idadamay sa galit mo dahil sa gusto ka lamang niyang makilala." Malamig na sambit nito.

Hindi ko siya nilingon. Kumuyom ang mga kamao ko. "Then do me a favor, stay away from us, Laxamana. I hate everything about your family." Kung ayaw niyang saktan ang damdamin ng asawa niya, dapat ay lumayo na sila ngayon palang. Hanggat kaya ko pang makitungo ng makatao sa kanila.

I can be evil. Kung para sa katahimikan namin ng anak ko, gagawin ko ang lahat.

"Sir Anton, pwede na po ba akong mauna. Hindi po kasi maayos ang pakiramdam ko." Paalam ko kay boss.

Nakakaintindi naman itong tumango. "I'll just email you, Corraine. Thank you for the help." Anito.

Tumango na lamang ako at nagpaalam na rin maging kay Jack. Iniwan ko ang mga sample designs ko sa kanila at tanging bag na lamang ang dinala.

Mabilis akong umalis doon bago pa man bumalik ang mag-asawa. Nang nasa labas na ako ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. This is too much. Hindi ko na kakayanin kung may susunod pang batch ng pamilya ni Daniel ang susulpot sa harapan ko at gagamiting excuse ang yaman nila para guluhin ang pilit kong pinapatahimik na buhay.

Sana huli na 'to.

Mabilis na akong sumakay sa kotse ko at umalis doon. Nag-text si Jared pero hindi ko na nireplayan dahil alam niya naman ang sagot ko sa tanong na 'Are you okay?'

Nakakabilib din 'yong lalaking 'yon. Agad niya kasing nase-sense kung may problema ako. Mabilis ang radar niya at parang laging handang magtanong kung ayos lang ba ako.

Umuwi muna ako ng bahay dahil maaga pa naman bago ko sunduin si Maxine. Siguro ngayon nasa school na siya. 10:38 am na rin at maaga sila parati ni Karen sa school. May school bus sila every morning kaya panatag naman kahit papaano ang loob ko na ligtas silang makakarating sa school.

Bukas ang gate ng bahay nang dumating ako. Dire-diretso naman akong pumasok doon at mabilis na kinuha ang bag pagkatapos kong mag-park sa garahe.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto nang nasa tapat na ako. Matalim ko itong tinapunan ng tingin ng makilala ko kung sino.

"Why are you still here, Dela Cruz?!" Singhal ko rito. Tinulak ko siya at diretsong pumasok sa loob.

Balisa siyang sumunod sa akin. "M-May emergency kasi sila mama kaya hindi nila ako masusundo ngayon." Paliwanag niya.

Pabagsak kong binitawan ang bag ko sa sofa. "Wala akong pakialam!" Marahas ko siyang hinarap. "I don't care kung may emergency man sila! Ang gusto ko umalis kana ngayon rito sa bahay ko at huwag na huwag ka ng babalik!"

Napalunok siya. "H-Hindi ko kasi alam ang pauwi, Corraine. Wala akong maalala..." Napayuko siya at pilit iniiwasan ang matalim kong tingin.

Nanginig ang mga ngipin ko sa sobrang galit na nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya. "Damn you." May ilang patak na tumakas sa mga mata ko. Kaagad ko itong pinunasan. Kumuha ako ng isang throw pillow at pinalo iyon sa kaniya. "Walanghiya ka! Wala ka nang ginawa kundi gawing impyerno ang buhay ko! Kinuha mo na sa akin lahat! Ano pa bang gusto mong kunin,huh?! Gusto mo bang pati ako mamatay na rin para tumigil ka na?! Gago ka! Isa kang malaking tinik sa lalamunan ko! Bakit bumalik ka pa? Sana nabulok ka nalang sa puder ng mga magulang mong mas maitim pa ang budhi sa demonyo! Magsama-sama kayo sa impyerno at tigilan na ninyo kami! Damn!" Hindi siya gumagalaw o umiiwas man lang kaya tuloy tuloy lang ako sa paghampas sa kaniya. Tinatanggap niya lang mga hampas ko sa kaniya.

Nakayuko lang siya at hindi natitinag sa kinatatayuan kahit palakas na ng palakas ang mga hampas ko. Akala niya siguro mababawasan ang galit ko sa kaniya kung hahayaan niya akong gawin 'to.

"Corraine!Anong ginagawa mo?!" Pumagitna si georgia sa amin at inawat ako.

Doon lamang ako natauhan at nakaramdam ng pagod. Marahas niyang inagaw ang hawak kong unan at padabog itong tinapon. "Nababaliw ka na ba?! May sakit 'yong tao!" Bulyaw niya.

"G-Georgia!" Nanginig ang mga labi ko. Doon ko lamang napansin na umiiyak na pala ako. "Bakit mo ba kinakampihan 'yan?! Alam mo kung anong ginawa niya sa akin! Dapat ako kinakampihan mo!" Asik ko sa kaniya. Mabilis akong nagpunas ng luha.

"Tama na, Corraine!" Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko. "Kapag hindi ka tumigil! Hindi ka na rin nalalayo sa kaniya! At sa ginagawa mo ngayon lalo mo lamang pinapalala ang sakit niya!"

"Anong gusto mo gawin ko?! Alagaan siya at umaktong parang maayos lang ang lahat? Ganon ba?!"

"Corraine!" Mariing sambit niya. "Ang gusto ko tratuhin mo siyang tao!  Naiintidihan mo ba ako? At ayokong may mamatay na naman sa harapan ko dahil sa pesteng brain tumor na 'yan! So please, calm down!" Natigilan ako sa sakit na nakikita ko sa mga mata niya. Ito iyong tipo ng sakit na nakikita ko lamang kapag araw ng kamatayan ng Mama at mas gusto niyang nagkukulong sa kwarto niya.

Nanghina ako. Now, I understand. Hindi ito tungkol sa pagtatanggol niya kay Daniel. Tungkol ito sa Mama niya at ang guilt na matagal na niyang nararamdaman dahil sa pagkamatay nito.

"Sa kwarto lang ako...." Wala na akong nagawa kundi ang iwan sila doon.

Sinubukan akong tawagin ni georgia pero hindi ko na siya nilingon pa. Kailangan kong mag-isip isip. I understand now. This is not all about me.

Naalala ko ang mga araw na gustong gusto nang sumuko ni georgia. Iyong mga araw na sinusubukan niyang magpakamatay na lamang para matapos na ang lahat.

Bakit ko ba kinalimutan ang mga araw na 'yon? At mas nag-focus na lamang ako sa sariling nararamdaman? How selfish, Corraine?

Tinulungan kong bumangon si georgia pero mukhang ako rin naman ang papatay dito sa huli.

Napapikit ako ng maalala ang mga sakripisyo nito para sa amin ni Maxine. Iyong mga pag-aalaga niya sa amin at mga tulong kahit maski sarili niya ay hindi niya kayang alagaan.

Iyong mga panahon na lugmok na lugmok ako at siya lang ang nandiyan para damayan ako kahit may sarili siyang laban. Naalala ko ang mga araw na sinusubukan niyang labanan ang sakit at guilt na nararamdaman para lang masiguradong may makakain kami ni Maxine.

How could you forget everything, Corraine? How selfish, huh?

Continue Reading

You'll Also Like

125K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
480K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
43.1K 359 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
7.9M 201K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...