MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 39: INTERVIEW

123 9 0
By La_Diyosa

KENDRIX'S POV

KINABUKASAN...

Huni ng mga ibon ang gumising saakin. Grabe! Napasarap ata yung tulog ko eh. Pagdilat ko ng mga mata ko, magandang mukha agad ni Athena ang bumungad saakin habang naka yakap siya saakin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Athena. Pero okay lang. Kung ganito naman kaganda yung makikita ko sa umaga walang problema eh. Marami akong gustong sabihin sakanya pero hindi ko magawa eh. Gusto kong pisilin ang mga pisnge niya at halikan yung mga labi niya pero hindi ko magawa eh. Kasi hanggang sana nalang ako. Kasi alam ko naman na si Calyx yung guato ni Athena eh. Kasi si Calyx yung MR. PERFECT GUY habang ako naman si MR. BAD BOY. Hay! Bakit kaya ganon kasaklap yung mundo? Bakit kaya hindi tayo gusto ng taong gusto natin? Hay ewan! Basta as long as makita ko na masaya yung princesa ko, masaya na rin ako.

Nauna na akong bumangon para magluto ng agahan. Nag luto ako ng fried rice, hotdogs at ilog for breakfast. Yun nalang kasi yung nakita ko sa ref eh. Pero its 8:00 AM na, tulog parin yung princesa ko. Bakit? Hinihintay niya ba yung TRUE LOVES KISS KO para magising na siya? Haha! Biro lang. Napuyat kasi siya kagabi ng dahil sa malakas na kulog eh. Pero hindi ko binitawan yung kamay niya hanggang sa nakatulog na siya. Hindi ko kasi kayang makita yung babaeng mahal ko na nahihirapan at natatakot eh.

Maya maya pa, bumangon na yung princesa ko galing sa mahimbing na pagkakatulog.

"Good morning my princess!" bungad ko.

Biglang nanlaki ang mata ni Athena ng dahil sa sinabi ko.

"Ha? Princess?" Tanong niya.

Ano ba yan! Bakit sa dinami dami ng pwede kong sabihin yun pa? Hay! Kainis!

"Oo! Princess. Parang si sleeping beauty ganon." sabi ko.

Tinignan niya ako tapos tumawa siya ng malakas na parang ewan.

"ULOL! Hahaha! Ang aga aga pagtitripan mo nanaman ako? Kaloka to! Pero unfairness, nice joke Kendrix. Hahaha!" Tumatawang sabi niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko ng dahil sa sagot niya. Hay! Ganon ba talaga yung tingin niya saakin? Para sakanya lahat ng sinasabi ko biro lang? Well, that is the sad reality of life.

"Hahaha! Ikaw naman hindi mabiro eh." palusot ko.

She look at me and she smile.

"Nako okay lang yun! Atleast napatawa mo ako diba? Hahaha! Galing mo kasi mag joke eh." sabi niya.

Kahit sa tingin niya joke lang ang lahat, Atleast napatawa ko siya. Yun lang naman ang importante eh. Kahit yun lang masaya na ako dun. Naupo si Athena sa harap ko at at uminom ng gatas.

"Nga pala Athena nag luto ako ng fried rice, itlog at hotdogs. Yun lang kasi yung nakita ko sa ref eh." Sabi ko.

Biglang nabulunan si Athena ng dahil sa sinabi ko.

"Okay ka lang Athena?" Nag aalalang tanong ko.
"HA? HOTDOG?" gulat na tanong ni Athena.
"Oo! Diba favorite mo yung hotdogs?" tanong ko.

Bigla niya akong tinignan ng may blankong reaction sa mukha ng bigla siyang tumawa ng malakas. Hala? Nabaliw na?

"Favorite? Oo naman noh! Ang sarap sarap kaya." sabi niya habang sunod sunod na isinubo yung hotdogs na niluto ko.
"Athena dahan dahan naman. Baka mabulunan ka niyan eh." sabi ko.

But she just look at me and she smile. Kahit ang takaw takaw ng babaeng to pagdating sa hotdogs. Ang cute cute parin niya. Para siyang bata na tuwang tuwa sa hotdogs. Nang bigla niya akong nahuli habang naka titig sakanya.

"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

Kung meron mang isang bagay na hindi ko mapigilan, yun yung titigan ang magandang mukha ni Athena. I really can't help it. Hindi ko mapigilan na titigan siya eh. Ang ganda ganda kasi ng FUTURE WIFE KO eh. I mean ni Athena pala.

"Wala, ang cute mo kasi eh." sabi ko sabay pisil sa ilong ni Athena.
"Ano ba kendrix! Masakit!" sabi ni Athena sabay pisil din sa ilong ko.

NANG BIGLANG...

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY BULATENG BLUE!" gulat na sigaw ni Athena.

NAKAKAINIS NAMAN EH! ISTORBO SA MOMENT! SINO BA YAN HA? Nagmadaling binuksan ni Athena ang pinto nang bigla nanlaki ang mata niya sa gulat.

"CA...CA...CALYX? ANONG GINAGAWA MO DITO?" Gulat na tanong ni Athena.

Eto nanaman si MR. PAEPAL! Ano naman kayang naisipan ng kutong lupa na to at bakit pa siya pumunta dito? Kahit kailan talaga panira to ng moment eh. Kung pwede lang manapak ng tao siguro kanina ko pa nasapak yung epal na to.

"Ah pinakiusapan kasi ako ni tita Alex at tito Kennedy na sunduin kayo dito." sabi ni Calyx.

Tinignan ko siya ng may blankong expression sa mukha.

"Eh bakit pa? Kaya naman namin mag commute pauwi eh." sabi ko.
"But I insist kendrix na sunduin kayo dito. Tsaka gusto ko ding makita si Athena eh. And I want to make sure na makakauwi siya ng safe." sabi niya habang nag papacute.

Biglang ngumiti si Athena parang sobrang kinikilig. Okay naman kami kanina eh. Masaya naman kami kanina bago ka pa dumating. Hay! Napakaepal talaga ng kutong lupa na to. -___-

"Infact, muntik pa nga akong mawala kakahanap ng lugar na to eh pero okay lang. Para kay Athena gagawin ko lahat." banat pa niya.
"Eh bakit hindi kapa nawala ng tuluyan? Much better yun." Bulong ko.

Bigla silang napalingon saakin na may blankong reaksyon.

"May sinasabi ka Kendrix?" Tanong ni Athena.

Napalakas ata yung pagkakasabi ko. Eh ano bang pake ko? Mas okay nga  na wala siya dito para masolo ko yung princesa ko eh. EPAL KASI EH! >___<

"Ah wala. Sabi ko, mabuti nga yung nandito ka para sunduin kami eh. Kasi isa kang malaking EPAL." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Athena.

"I mean, Tara na? Para makauwi na tayo." palusot ko.

Paalis na sana kami ng biglang umandar nanaman ang pagiging epal ni Calyx.

"Ahm Athena, ang cute naman ng teddy bear na to. Parang ikaw." sabi ni Calyx.
"Ano kana ba hindi noh! Bolero ka talaga." sabi ni Athena.
"No Athena, I mean it! Ang cute cute mo kaya." Banat ulit ni Calyx.

No I mean It. Ang cute cute mo kaya. Tsss! Arte arte! Kala mo naman kung sinong gwapo. EPAL NAMAN! -____-

"Anyway, napanalunan mo ba to kahapon?" Tanong ni Calyx.
"Ah hindi. Napanalunan to ni Kendrix tapos ibinigay saakin." sabi ni sabay lingon saakin.

1 POINT FOR KENDRIX, 0 POINT FOR CALYX. HAHAHA!

"Ah ganon ba Athena? Anyway, dito ka nalang maupo sa tabi ko." Sabi ni Calyx sabay bukas ng pinto sa harap ng kotse niya.

Biglang napangiti si Athena ng dahil sa sinabi ni Calyx. Tssss! -____-

"Sige Calyx." nakangiting sagot niya.

Inalalayan siya ni Calyx papasok ng kotse. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. NAKAKAINIS KASI TONG KUTONG LUPANG TO EH!

"Ahm Kendrix? Hindi ka ba sasabay?" tanong ni Athena.

Hindi na ako sumagot at sumakay nalang sa back seat. Well I have no choice! Hindi naman ako papayag na masolo ni Calyx yung princesa ko noh. But look at them, kitang kita ko sa mga mata ni Athena yung sobrang saya habang nakatingin kay Calyx. Imagine? Kagabi ako yung kasama mo, ako yung dumamay sayo, ako yung taong yumakap sayo pero bakit hindi mo makita yung halaga ko? Nandito ako Athena oh. Nag mamahal sayo. Pansinin mo naman ako please? Hindi ko kayang makita na ganon kayo kasaya habang ako naman nasasaktan at nag seselos ng sobra. Ibinaling ko nalang yung attention ko sa iba para hindi na ako masaktan. Pero hindi ko kaya eh. Hay!

Makalipas ang isang oras naka uwi na kami. Nagmadali akong bumaba at pumunta nalang sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na umiiyak na pala ako. Ang sakit kasi eh. Sobrang naiinis ako sarili ko. Kasi kung meron lang akong lakas ng loob para umamin sakanya, siguro matagal ko nang ginawa. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Ang tanga ko kasi eh. Pinipilit ko yung sarili ko sa taong alam kong hinding hindi naman ako magugustuhan. Pero ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan naipapakita ko na sakanya kung gaano ko siya kamahal? Siguro kailangan ko munang umiwas para hindi na ako masaktan pa. Para makita ni Athena yung halaga ko. Kasi sabi nga nila, makikita mo ang tunay na halaga ng isang tao, kung wala na siya. BAHALA NA KUNG ANONG MANGYAYARE SA SUSUNOD. BAHALA NA!

ATHENA'S POV

Nang makarating na kami sa bahay ng agad na bumaba si Kendrix at nag madaling pumasok sa apartment nila. Ano kayang nangyari dun sa mokong na yun? Nag seselos ba siya? Pero imposible naman yun mangyare noh. Hindi ako ang type niya eh. Hm siguro NATATAE lang si mokong kaya ganon. Maya maya pa, pinagbukasan ako ni Calyx ng pinto at inalalayan ako sa paglabas ng kotse niya. NAKAKALOKA! ANG LAKAS MAKA PRINCESA BRO! HAHAHA!

"Ahm salamat sa pag sundo ah. Nako hindi ko talaga alam yung gagawin ko kung wala ka Calyx." sabi ko.

He look at me and he smile sabay pisil sa pinge ko.

"Nako its okay Athena. No worries! Diba nga sabi ko, handa akong gawin ang lahat para sayo." sabi niya habang nakangiti saakin.

JUSKO! Biglang bumilis ang ang tibok ng puso ko ng dahil sa mga ngiti ni Calyx. NAKAKALOKA! Kung meron man talaga perfect guy, si Calyx na yun at wala nang iba. Hehehe!

"Sige Athena, pasok kana para makapag pahinga kana rin. Kasi alam ko na napagod ka sa biyahe eh." sabi ni Calyx.
"Okay Calyx. Sige! Maraming salamat ulit ah?" sagot ko.
"No problem Athena. Anytime! You're always welcome." Nakangiting sagot niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Nag madali akong pumasok at isinara yung pinto ng biglang napasigaw ako sa sobrang kilig.

"AHHHHHHHHHHHHH!" Kinikilig na sigaw ko.

Biglang napatakbo si Maxine sa sala habang may hawak na kawali.

"Nasaan yung magnanakaw ate? Nasaktan kaba?" nag aalalang tanong ni Maxine habang may hawak na kawali.

Bigla akong natawa ng dahil sa itchura ni Maxine na parang ewan. Bigla kong naalala yung reaksyon ni Kendrix ng dahil sa flying ipis. Hahaha.

"Wag kang O.A girl. Walang magnanakaw okay?" Tumatawang sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Maxine ng may blankong reaksyon sa mukha.

"Eh bakit ka ba sumisigaw na parang may mag nanakaw ah? Nag dala pa tuloy ako ng kawali." sabi ni Maxine.
"Napasigaw ako kasi kinikilig ako at tumatawa ako kasi ang O.A mo. Hahahaha!" Tumatawang sabi ko.

Bilang naupo si Maxine sa tabi ko na parang bata na naghihintay ng bedtime stories. Hahaha.

"Eh bakit ka ba kinikilig ate? Kayo na ba ni kuya Kendrix?" tanong niya.

Biglang nanlaki ang mata ng dahil sa tanong ni Maxine.

"Ka...ka..kami ni Kendrix? Hindi ah! Ilang beses ko bang uulitin na magkaibigan lang kami ni Kendrix at hanggang dun lang yun okay?" sabi ko.

Tinignan ako ni Maxine na parang ewan.

"Hanggang doon lang? Eh the way you look kuya Kendrix parang may something eh. Tsaka kahit hindi sabihin ni kuya kendrix kita kita naman na gusto ka niya eh. MANHID KA BA ATE O SADIYANG TANGA KA LANG?" Sabi ni Maxine.

Bigla akong napaisip ng dahil sa sinabi ni Maxine.

"Paano naman mangyayare yun? Eh hindi naman ako yung gusto ni Kendrix eh. Ang gusto nun magaganda at sexy na babae. Tsaka ganon lang ang trato niya saakin kasi magkaibigan kami. Yun lang yun. Hanggang doon lang yun." sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Maxine at umakyat na ako sa kwarto ko. Inilagay ko yung teddy bear sa kama ko at niyakap ko to ng sobrang higpit ng biglang tumunog ito.

"I LOVE YOU!" Sabi nung Teddy bear.

Bigla akong napangiti ng dahil sa narinig ko. From that special day, pinangalanan ko yung teddy bear ng Ken-Ken.

"I love you too Ken-Ken!" Sabi ko sabay yakap ulit sa kanyan. Hehehe!

Habang nakahiga ako ng bigla kong naalala na malapit na pala yung bayaran ng tuition fee. Eh ayoko naman na humingi kina tito Kennedy at tita Alex. Ayoko naman na dumagdag pa sa mga bayarin nilabdito sa bahay. Eh ginusto ko to kaya dapat panindigan ko. Dapat ako yung gagawa ng paraan para maka graduate ako. Agad kong inayus yung resumé ko at nag search sa internet kung saan may available part time job. Hanggang sa may nakita akong part time job sa isang maliit na mall. Medyo may kalayuan ang lugar. Tapos hindi pa ako familiar. Siguro mag papasama nalang ako kay Zoey kasi for sure alam niya tong lugar na to. Eh pinsan nun si DORA eh. Hahaha! Medyo maliit nga lang yung sahod pero pwede na rin to. Kaysa wala diba? Nako sa panahon ngayon, hindi na uso yung aarte arte noh! Tsaka malapit na rin naman yung sembreak eh. Kaya okay lang. Agad akong nag send ng resumé via online. Makalipas ang 10 minutes, nagmessage na yung pinag applyan ko. May interview daw ako mamayang 3:00 PM. Agad kong kinuha yung cellphone ko para itext ai Zoey.

"Bes! Pwede ba na samahan mo ako mamayang 3:00 PM? Mag apply kasi ako ng part time job. Hindi kasi ako familiar sa lugar eh. Okay lang ba bes?" text ko.

Nakalipas na ang 30 minutes pero wala paring reply si Zoey sa text ko. Since maaga pa naman, nahiga muna ako at nag hintay sa reply ni Zoey. Hanggang sa naisipan kong bumaba para kumuha ng maiinom. Pababa palang ako ng may naamoy akong sinigang. Grabe ang bango naman. Bigla tuloy akong nagutom. Pero nang makarating ako sa baba, nakita ko si Kendrix na nag nagluluto habang kausap sina tita Alex.

"Kendrix? Ano yung ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ah ikaw pala Athena. Nagpapaturo kasi ako mag luto ng sinigang kay nanay Alex. Para one day mapagluto din kita ng paburito mong sinigang." nakangiting sagot niya.

Bilang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix. Tama ba ying narinig ko? Gusto niya akong pagluto ng favorite kong sinigang one day? Ano to? Bakit may ganito? Nababaliw na ba siya? Hala? KASHOKOT! T___T

"Ha? Bakit mo naman gagawin yun Kendrix? Eh kaya ko naman ipagluto yung sarili ko eh." sabi ko habang umiinom ng tubig.

Bigla niya akong tinignan tapos ngumiti siya saakin.

"Bakit? Masama ba na pagsilbihan ko yung babaeng gusto ko?" Nakangiting sagot niya.

Bigla kong naibuga yung tubig na iniinom ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"A...A..ANO? AKO? GU...GU..GUSTO MO?" gulat na tanong ko.
"Ay hindi ate. Ako yung gusto ni kuya Kendrix! Kaya nandito siya para ipagluto ka. Malamang ikaw yung tinutukoy. Ano ba yan. ANG GANDA NGA, BOBO NAMAN!" Sabat ni Maxine.

Bigla ko siyang tinignan ng masama ng dahil sa sinabi niya. Nag salita yung PERFECT! KALOKA! -___

"Suntukan nalang oh?" Pang aalok ko.

(A/N: Sinabi yun ni Athena habang sumusuntok sa hangin.)

"Mama susuntukin daw ako ni Ate." sabi ni Maxine.

Tinignan kami ni Tita Alex ng may blankong reaction sa mukha.

"Tumigil nga kayong dalawa kung hindi ako yung susuntok sainyong dalawa!" sabat ni Tita Alex.

Bigla akong tinignan ni Kendrix tapos ngumiti siya saakin.

"Nak, nandito si Kendrix para magpaalam kung pwede ka daw niyang ligawan." sabi ni Tita Alex.
"A...a...ano po yung sabi mo tita Alex?" nauutal utal na tanong ko.
"Sabi ko ikaw yung tanungin niya kasi at the end of the day ikaw at ikaw parin yung magdi-dicision para sa sarili mo. Malaki kana Athena. Alam mo na kung ano yung tama at mali." sagot ni tita Alex.

JUICECOLORED! ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. NAKAKALOKA! -____-

"Athena, unang beses ko palang makita ang mga ngiti mo, pakiramdam ko you are the most perfect girl na kita ko. Halos araw araw, sinusundan at binabantayan kita kahit sa malayo para masigurado ko na safe ka palagi. Siguro nga totoo yung sinasabi nila na kapag nakita mo na ang taong para sayo, biglang magiging SLOW MOTION ang lahat. At naranasan ko yun sayo. Ikaw na nga siguro ang taong para saakin Athena. Kaya simula non, naniwala na ako na YOU ARE THE PERFECT GIRL FOR ME. Kahit hindi kapa marunong mag ayos, kahit mukha kapang manang noon, you always get my attention. Kaya nga gustong gusto kong asarin ka araw araw kasi lalo kang nagiging cute sa tuwing naasar ka. Hindi ko man madalas ipakita sayo pero you are the reason why I always smile. Hindi ko nga alam kung bakit hindi makita ng ibang tao yung tunay na ganda mo eh. But look at you now, you are the most beautiful woman I've ever met. Hindi ko na papalampasin yung moment na to. This is now or never. Athena Salvador, CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix. All this time, inisip ko na hinding hindi ako magugustuhan ni Kendrix but I was wrong. Kendrix loves me. Mahal ako ng taong mahal ko.

"YES KENDRIX! IT'S MY PLEASURE TO BE YOUR GIRLFRIEND." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mata ni Kendrix ng dahil sa sinabi ko. Tapos bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Hanggang sa nagkatitigan kami at dahan dahan naglapit yung mga mukha namin TAPOS ANG SUMUNOD NALANG...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"ATE ATHENA, BAKIT HINAHALIKAN MO YUNG KAMAY KO?" tanong ni Maxine habang may blankong reaction sa mukha.

Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko na hawak ko nga yung maduming kamay ni Maxine. Ano ba yan! Akala ko totoo na. Panaginip lang pala NAKAKALOKA!  -____-

"Ano ba Maxine! Bakit mo naman hinayaan na halikan ko yung kamay mo. Eh ang dumi dumi eh." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Maxine ng may blankong reaksyon sa mukha.

"Eh ikaw kaya yung biglang humablot sa kamay ko." sagot niya.
"Eh saan ka ba galing? Bakit ang dumi dumi ng kamay mo?" Tanong ko.
"Ah inutusan ako ni mama na tanggalin daw yung tae nung aso sa labas tapos inutusan niya akong gisingin ka. Pero ang hirap mong gisingin eh. Kaya tinapik ko yung balikat mo ng bigla mong hinablot yung kamay ko tapos hinalik halikan mo. Sabi mo pa nga 'YES'. Nagulat nga ako eh. Anong ibig sabihin nung yes ate?" sabi ni Maxine.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Maxine. Nagmadali akong tumakbo papunta sa banyo para magtooth brush at magmouth wash. Nakakaloka! Imagine? Hinalikan ko yung kamay niya na may TAE? KADIRI!! EWWWW! >___<

"MAXXXXXXXIIIINE!" Inis na sigaw ko.

Kahit kailan talaga nakakainis yan babaeng yan eh. JUICECOLORED! Nako! Kung pwede lang mangtiris ng tao, siguro matagal ko nang nagawa. NAKAKALOKA! Habang nag sisipilyo ako ng mapansin ko yung oras. 2:00 PM na. Nagmadali akong maligo at mag ayos. Makalipas ang 10 minutes bumaba na ako. Tumakbo ako na parang wala nang bukas papunta sa bus stop. Wala na akong pake kung mahaggard yund beauty ko noh. Basta hindi ako malate sa appointment ko. Makalipas ang 5 minutes, nakarating na ako sa bus stop. Grabe! Nakakapagod ng bonggang bongga ang tumakbo. JUSKO! Buti nalang hindi nagulo yung itchura ko. Hay! Teka? Nasaan na kaya si Zoey? Kinuha ko yung cellphone ko at itinext ulit siya.

"Bes nandito na ako sa bus stop. Nasaan kana ba?" text ko.

2:30 PM

Lumipas na ang 15 minutes pero wala parin si Zoey. Tinawagan ko siya ng makailang ulit pero hindi niya sinasagot yung tawag ko pati sa mga text ko wala rin siyang sagot. Tama nga ako, nakalimutan na niya ako. Siguro busy siya ngayon kasama yung boyfriend niya. Eh ano pa bang aasahan ko? Kaibigan lang ako eh.

Sumakay na ako sa bus papunta doon. Kahit hindi ako familiar sa lugar na yon, bahala na. Magtatanong tanong nalang siguro ako. Ayoko kasi malate sa appointment ko eh. Makalipas ang 30 minutes, nakarating na ako sa susunod na bus stop. Nag umpisa na akong maglakad papunta sa mall na  pag aapplyan ko pero kapansin pansin na walang ibang taong nag lalakad sa daan. Grabe nakakatakot naman dito. Parang pakiramdam ko anytime may lalabas na Zombie dito tapos lalapain ako. CHAROT! HAHAHA. Nakakaloka kasi yung babaeng yun eh. Basta pagdating sa boyfriend niya walang oras saakin. Hay! Ganon ba talaga pag first time magkaroon ng boyfriend? Kaloka ah!  Ayoko naman itext si Calyx at si Kendrix kasi baka maistorbo pa sila. Eh alam ko naman na palaging busy yung dalawang yun. Habang nag mumuni muni ako, biglang may dumaang dalawang naka motor tapos  hinablot ang bag ko.

"Hoy ano ba kuya! Yung bag ko! Bitawan mo yung bag ko! Tulong! Tulungan niyo po ako!" Sigaw ko pero walang nakakarinig saakin. Pilit akong nakipag agawan sa mga snatcher nato hanggang sa nakaladkad ako nung motor at nagkaroon ng mga sugat sa sa iba't ibang parte ng katawan ko. Nakakaloka naman! Siguro nung nagpaulan yung langit ng kamalasan, ako lang yung gising tapos sinalo ko lahat ng kamalasan sa mundo. Hay! T___T

Paano na to ngayon? Paano ako uuwi? Eh nandoon lahat ng pera ko. Buti nalang nakuha ko yung cellphone ko. Pinilit kong maglakad papunta sa pinakamalapit na waiting shed kahit sobrang sakit nung mga sugat ko. Naupo ako sa isang waiting shed at agad kong tinawagan si Zoey para humingi ng tulong. Pero naka off yung cellphone niya. Ayoko naman tawagan si Kendrix kasi awkward noh. Agad kong tinawagan si Calyx pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakailang tawag na ako pero hindi parin sumasagot si Calyx. Pero hindi parin ako tumigil hanggang sa sinagot na niya yung tawag ko.

"Hello Calyx! Finally sinagot mo yung tawag ko.."

["Ah sorry Athena pero wala dito si Calyx. Si Kendrix to.]

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng malaman ko na si kendrix pala yung nakasagot nung tawag ko. Nakakaloka! AWKWARD! -____-

"Pwede bang pakihanap si Calyx para saakin? Kailangan ko siya eh."

["Hindi ko alam kung nasaan siya eh."] Pasigaw na sagot niya.

Galit ba siya? Bakit? Kaloka naman tong mokong na to. KASHOKOT! T__T

"Ganon ba? Ahm.. Pwede ba humingi ng favor Kendrix? Please?"

["Then what is it??"]

"Pwede paki inform nalang si Calyx na nandito ako sa waiting shed malapit sa Roman High School. Nanakawan kasi ako. Wala na akong pera pamasahe pauwi eh. Pwede ba na pakihanap siya para saakin?  Tapos kung pwede papuntahin mo siya dito as soon as possible? Sobrang kailangan ko siya eh. Please.. Hello?? Hello??.."

Hindi ko na narinig ang sagot ni Kendrix kasi nalowbat na yung cellphone ko. Great! Bakit ngayon pa? Nakakaloka! Ang galing talaga ng timing ni tadhana noh? Kung kailan kailangang kailangan mo, saka naman mangyayare ang mga COINCIDENCE! Hay! Kung minamalas ka nga naman. -_____-

Lumipas na ang isang oras pero wala paring dumadating na tulong. Bakit ba kasi napakaliblib ng bwiset na lugar nato? Tapos sumabay pa yung malakas na ulan na to. Nakakainis! Ang galing talaga ng timing ng lahat. Ano ba yung nagawa kong mali para maranasan ko yung ganitong mga bagay? Mabait naman ako ah? Nag sisimba naman ako linggo linggo. Hay! Buhay nga naman. Huhuhu! T___T

Yumuko ako at umiyak nalang. Yun nalang kasi yung magagawa ko eh.

NANG BIGLANG...

"Okay ka lang?..."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 58 81
Sa Pagmamahal,hindi naman porke't mahal mo na siya,makukuha mona!Sadyang minsan may mga taong nakatakda din para sa atin.Hindi mo naman pwedeng ipili...
43.6K 860 22
"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT...
12.6K 712 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
14.4K 143 15
ANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN...