Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 3

528K 24.9K 21.7K
By jonaxx

Kabanata 3

Believe


Dear Alvaro,

First of all, I would like to thank you for taking this responsibility. Hindi biro ang pag-aalaga ng kuting. Pasensiya na kasi hindi ko siya maalagaan sa amin. Sana naghanap na lang ako ng ibang puwedeng mag-alaga rito. Don't get me wrong, I'm happy that you volunteered but I just think that it will only be a burden to you. I hope he won't be a burden, though. I hope he grows up easy.

I would like to meet him if there is a chance and if it is also convenient to you. Like what you said, I will just wait if Aria says so. I hope your family won't mind if you bring him in your house. That's all. Thank you again.

Yohan

Naisip ko bigla ang pamilya niya dahil sa sinulat ko. Si Alvaro ang bunso sa tatlong magkapatid. All of them used to work in our azucarera. Sa pagkakaalala ko, malaki na ang posisyon ni Tito Carmelo. Nasa accounting naman si Tita Ana. Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Alvaro ay tumutulong na noon sa azucarera samantalang siya, bata pa, madalas lang bumisita at nag-aantay ng utos.

That was how I met him... and his family. They were good people. I remember Ate Gen telling Alvaro to find Gmelina fruits so they can sell it. Sumasama ako minsan at tumutulong na gawin iyon. Ibinibenta nila noon dahil marami namang bumibili para itanim sa mga bakuran at minsan, ginagawang farm. Ang mga hindi naibebenta ay ibinabalik naman nila at itinatanim sa sariling bakuran dahil malawak naman ang kanilang lupain.

I remember having to get a full two-month vacation some years ago the reason why I lost contact with their family. Nagbinata na si Alvaro, si Kuya Gilbert, pumasok sa PMA, si Ate Gen naman abala sa pag-aaral - balita'y maraming offer na scholarship sa Cebu dahil matalino.

Bukod pa sa busy na ang pamilya nila, lumipat din ang mga magulang ni Alvaro sa mga Alcazar. Kaya ngayon, doon na rin si Alvaro nagtatrabaho.

I have completely lost contact with his family. And maybe, like other childhood friends, you will completely lose contact with them because you are all growing up. Iyon na lang ang isiniksik ko sa utak ko lalo na't hindi na rin naman sila binabanggit ni Dad.

Pagkatapos ng exam ko sa hapon, dumiretso na ako sa kuting. Nilinisan ko siya at pinakain. Nilapag ko na ang sulat sa isang stationery na nilagyan ko ng pabango sa box.

It's three in the afternoon. I still have time to pet and enjoy the kitten while waiting for Alvaro. Ang plano ko'y aalis na kapag malapit na ang alas kuwatro para hindi na kami magpang-abot pa.

Nag enjoy ako sa paghahaplos at pakikipaglaro sa kuting. Lumusog na siya ng kaunti at nakikipaglaro na kahit paano. Madalas ang tingin ko sa relo ko para hindi magkamali. It's 3:30pm. Inayos ko ang eye glasses ko at inangat ang kuting para yakapin. I was enjoying the hug when I heard someone call.

"Alvaro! Mamaya?"

Matinding pagkakataranta ang naramdaman ko. Natanaw ko na nilingon nio Alvaro ang tumawag at palapit na nga siya roon!

Mabilis kong binaba ang kuting sa box at agad na tinakbo ang distansiya ng lababo at ang likod ng gym para makapagtago! Hindi ko inalintana ang talahib doon at iilang mga sirang armchair na doon na lang nilagay.

Hinabol ko ang hininga ko at dumikit sa dingding na may vandals para lang makapagtago. I heard his footsteps but it stopped. Hinawakan ko ang puso kong tumatalon pa rin sa kaba. Narinig ko ang ngiyaw ng kuting at inisip na maghihintay lang ako doon hanggang sa umalis siya.

Nagtagal. Naririnig ko pa ang ngiyaw ng kuting kaya hindi pa rin ako gumalaw. My heart is now beating steadily but it was still loud.

"Nasaan ang amo mo? Ang akala ko ba iaabot ka niya sa akin?" Alvaro uttered.

My eyes widened. Napatakip din ako sa bibig ko na para bang maririnig niya pati ang paghinga ko.

He chuckled while the cat is meowing.

Maghintay ka lang ng kaunti, Yohan. Aalis din siya, hindi ba? It's still 3:40pm. What if he'll wait until 4pm so he could meet with me? Are you kidding? Alvaro won't wait for me!

"Maghihintay ba tayo dito?" he said and chuckled again while the kitten is meowing.

Kinagat ko ang labi ko at kumunot ang noo. Hindi naman siguro siya maghihintay, 'di ba?

"Kumain ka na ba?" hindi ko alam kung may kausap ba siyang iba ang kuting pa rin iyon.

Tanging ang ngiyaw lang ng kuting ang sumagot. May kasama ba siya? Walang ibang sumagot kaya baka nga ang kuting ang kausap niya.

"Araw araw ka bang nililiguan?"

Napakurap-kurap ako at naisip na sobra naman yata iyon. Hindi ko alam kung may mga nag-aalaga bang araw-araw na nililiguan ang kuting pero kung ako ang mag-aalaga, hindi.

I suddenly regret writing that letter without any information about these things!

"Hmm. At isang beses ka lang ba kakain sa isang araw?"

My lips parted and thought of what he just said! Isang beses! Puwede pero marami siguro dapat ang ipakain? At dahil kuting pa, baka kailangang tatlong beses siya sa isang araw pakainin!

I imagined Kuring becoming more malnourished in his care!

"At gatas lang ang kailangan mo hanggang tumanda, hindi ba?"

Pumikit ako ng mariin at naiisip na hindi magtatanggal ang buhay ng kuting sa puder niya!

Slowly... very slowly, I let my eyes take a peak at them. Hoping against hope that he's talking to someone else, not the kitten. Kahit pa alam kong malabo iyon at talagang ang kuting ang kinakausap niya!

I saw him holding the kitten in his arms and his eyes lifted. Nagkatinginan kami saglit at sa kaba ko'y nagawa ko pang magtago ulit kahit pa alam kong nakita niya na ako!

Pumikit ako ng mariin at sa huli bumuntonghininga.

"Ba't ka nagtatago?" he asked.

Kasabay noon ang pagpapakita ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya kasi nabuking niya pa ang pagtatago ko!

"Uhm..." I smiled awkwardly. "W-Wala lang. Akala ko kasi kukunin mo na kaagad."

His lips pursed and continued petting the cat. "Kukunin ko nga agad. Pero ang sabi mo rin iaabot mo."

But then I thought... he didn't like me doing that. Imbes na sabihin iyon, lumapit ako para matingnan ang box. Iniisip ko ang sulat at kukunin ko iyon bago niya pa makita.

Ginawa ko lang naman talaga iyong sulat dahil iniisip ko hindi na ako makakapagpasalamat pa dahil hindi naman magpapakita. Ngayong nagkita na kami, puwede na akong simpleng magpasalamat. Ayaw ko nang basahin niya pa iyon.

Hindi ko alam kung nakita ko ba ng buo na wala na roon ang sulat o masyadong mabilis ang galaw niya't nilagay niya agad ang kuting sa box, pero wala na akong nakita. Naroon na rin ang tuwalya niya.

"Hindi mo na dapat ibinalik pa 'to," aniya sabay baling sa akin. Hinahawakan niya na ang box ngayon na sinisilip ko pa para sa sulat.

"Ah, hindi ko kasi nagamit at nalabhan ko kaya iniisip ko puwede pang ibalik. Sayang gamitin dahil puti at maganda pa naman."

He smirked a bit and looked at the kitten. Puwedeng magpasalamat na at umalis na pero naisip ko ang mga sinabi niya kanina.

"Uh, hindi naman kailangang araw-araw maligo ang mga pusa," sabi ko kaya napabaling siya sa akin.

There is something about his eyes that makes me nervous. Nasisiguro kong hindi lang ako ang nakakaramdam noon. Lagi, kapag nakatingin siya sa akin, pakiramdam ko ako lang ang tinitingnan at iniisip niya. Buong-buo at wala nang iba. Kaya naman tuwing tumitingin siya, kinakabahan ako. Naco-conscious ako.

He chuckled again. "Okay."

Nagtagal ang tingin niya sa akin. Hinihilot ang mga daliri, inisip ko kung ano pa 'yong mga sinabi niya kanina.

"At baka kailanganin mo siyang pakainin ng tatlong beses sa isang araw. Lalo na ngayon dahil, kuting pa at payat."

He nodded with a smile on his lips. "Okay."

"At... kapag medyo tumanda na ng kaunti, puwede siyang kumain ng cat food or puwede ring kanin at ulam n'yo... lang."

"Got it."

I smiled and nodded because I am now relieved. Hindi niya pala alam paano mag-alaga ng pusa.

"Kung may tanong ka pa tungkol sa pag-aalaga ng pusa, uh, puwede na ring kay Aria na lang."

"May alam naman ako ng kaunti. May mga pusa naman si Ate noon."

Marunong? Eh sinabi niya araw-araw niya paliliguan ang kawawang kuting.

"Talaga? Uhm. Okay."

He smirked. "Huwag kang mag-alala. Sa summer, magsasabi ako kay Aria para ma-check mo kung naalagaan ko ba ng maayos ang kuting."

I smiled. "O sige. Uh..." Nag-isip ako kung paano ulit kami magkikita gayong ayaw niya yata akong bumisita sa kanila.

"Magkita na lang tayo minsan at dadalhin ko ang kuting."

"Hindi ba nagtatrabaho ka tuwing summer sa mga Alcazar?"

Tumango siya. "Ihahatid ko sa pagkikitaan natin at iiwan ko na lang kapag may trabaho ako. Kukunin ko pagkatapos. At kung wala naman, magkita na lang tayo."

Uminit ang pisngi ko, lumilipad ang isip sa mga sinabi niya.

"Nabanggit ko naman kay Aria at nasabi niya na puwede ko rin namang dalhin ang kuting sa inyo. Basta iuuwi ko lang at mukhang hindi raw puwede roon."

My eyes widened. Simula nang nag-aral si Aria rito sa Altagracia, madalas bumisita ang mga kaibigan niya sa bahay. Kung hindi man para mag practice sa iilang play at mga sayaw, nagkakatuwaan at nagsi-swimming sila. Mas madalas iyon kapag summer. Minsan bukod sa classmates niya, sumasama pa ang ilan pang kaibigan niya tulad nina Soren Osorio, Chantal Castanier, at ang grupo nito. Hindi nga lang ako lumalabas tuwing nariyan sila dahil madalas akong kulitin ni Soren.

One time last year, Alvaro went here with their friends. Pati sina Levi, Anais, Leandro, Adriano, at George. Hindi na rin ako bumaba noon dahil nahihiya ako kay Alvaro.

"Talaga? Uhm... sige, magtatanong din ako kay Aria. Uh... hindi mo naman talaga kailangang gawin ito. Kapag may time ka lang. Uh... kampante naman ako na maaalaagaan ni Ate Gen ang kuting since may experience na pala siya sa pag-aalaga... ng pusa."

Hindi ko maidiretso ang sinasabi ko kasi pagkabanggit ko kay Ate Gen, kumunot ang noo niya at may multo ng ngiti sa labi.

"Ako ang mag-aalaga nito, Yohan. Hindi si Ate at nasa Cebu siya."

I swallowed hard.

"But you can contact her, right? If you don't know what to do or if you have questions?"

His head tilted. "Wala ka bang tiwala na maaalagaan ko ng maayos ang kuting na ito?"

Well, after hearing his ignorance in taking care of the kitten, I am not sure. I like you Alvaro but I think you don't know how to take care of the kitten.

"Kapag nagkaproblema ako, sa'yo ko na itatanong. At isa pa, marunong naman ako mag-alaga kaya wala kang dapat ipag-alala."

Kinagat ko ang labi ko. I want to agree but I really couldn't. He chuckled. Then his eyes turned into playful slits.

"You don't believe me?" He asked slightly chuckling.

My heart flew on my throat. Hindi ko alam kung bakit lalo akong kinabahan kahit na nagpapatawa naman yata siya.

"Alvaro?!" may tumawag sa kanya.

He quickly glanced behind him. Natanaw ko na lalaking kaibigan niya iyon at palapit sa amin. Nawala nga lang sa paningin ko nang bahagyang tumabi si Alvaro. He blocked my sight of his friend. Bumaling siya kaagad sa akin.

"Aalis na ako. Huwag ka nang mag-alala kay... Kuring. Ako na ang bahala."

I nodded, lips still apart.

He smiled and nodded too before he turned away. Sinalubong niya ang kaibigan at hindi na nakita pa kung sino man ang kausap ni Alvaro. The friend was just curious of the box Alvaro is holding.

The box!

Napakurap-kurap ako at naisip ang sulat! Hindi ko nakuha! But then anyway I didn't thank him! Nagkaroon na nga ako ng pagkakataon para magpasalamat sa personal, hindi ko pa ginawa! Kaya siguro naman ayos lang iyong letter ko, hindi ba? Pampasalamat ko na lang iyon sa kanya?!

Hindi natanggal sa isip ko ang sulat kahit pa noong pauwi na. Kung sana ikinuha ko kaagad iyon sa box! Pati na rin ang mumunting pag-uusap namin. He kept on smiling and smirking playfully while we talk. Somehow, I forgot about my insecurities and my negative thoughts througout our conversation.

"Ano 'tong sabi ni Alvaro na may kuting daw kayong inaalagaan?!" si Aria nang pumasok sa sasakyan.

"Ah. Iyong kuting kasi na nakita ko-"

"Naku, Yohan! Pinapahirapan mo pa ang tao! Mukha namang ayaw niya sa mga hayop tapos nakikisuyo ka pa ng ganoon?"

"Huh? Hindi naman. Siya kasi 'yong may gusto na alagaan-"

"Edi siyempre kasi mabait siya. At ikaw naman ginagamit mo ang kabaitan niya para pumayag!"

"Hindi naman, Aria. Maghahanap sana ako ng ibang mag-aalaga."

"Ewan ko sa'yo, nakakahiya ka talaga. Pumayag na ako na madala niya minsan sa atin kapag pupunta sila nina Juan, Daniel, at iba pang grupo nila." Aria smirked. "Hindi na rin masama. At least may dahilan kung bakit madalas sila sa atin."

Natahimik ako at napatingin kay Aria. Aria is pretty and bold. Some of her exes were then her crush. She confesses to them. Dahil maganda siya, siguro may gusto na rin ang lalaki kaya agad niyang nagiging boyfriend. Pero kung gaano man kabilis niyang magconfess, ganoon din siya kabilis magpalit ng boyfriend at crush.

Maybe when you are pretty, it's always easier. You can confidently say what you feel without being laughed at or judged. People even find you confident and more attractive because you know and get what you want. Kaso... kung hindi ka maganda, puro kantiyaw at tawanan ang aanihin mo. Kahit pa sinisikap mong hindi ka mapansin ng kahit na sino.

"At ikaw," her eyes narrowed. "Alam kong may gusto ka kay Alvaro kaya mo siguro siya nilalandi, ano?"

"Huh? Hindi naman, Aria."

She rolled her eyes. "Wala kang pag-asa sa kanya, Yohan. Bukod sa bata ka pa, tingnan mo nga 'yang sarili mo."

Kinalabit niya ang pisngi ko dahilan kung bakit bahagyang nahawi ang eyeglass ko. Inayos ko iyon.

"Kaya kapag bumisita sila, kunin mo ang pusa mo at maglaro na lang kayo sa likod ng bahay. Huwag kang palaboy doon at pagtatawanan ka lang nila."

"Iyon naman talaga ang plano ko kapag nandoon sila."

She smirked more. "Hindi ka rin naman papatulan ni Alvaro, e. Playboy 'yon at maraming naghahabol. Kaya papalit palit ng girlfriend, puro magaganda. At ikaw, grade six ka lang. Pangit pa. Kaya huwag ka masyadong nagpapangarap ng ganyan."

Yumuko ako, hindi nagugustuhan ang narinig. "Hindi naman talaga."

"Eh, ba't mo pinaalaga ng pusa mo?!" patuya niyang tanong. "Diskarte mo rin, eh, no?"

I gritted my teeth. Yes, I may like Alvaro but I certainly didn't tell him to take care of the kitten. He volunteered alright. If I have only known I would hear Aria's words, ipinilit ko na sanang maghanap ng ibang mag-aalaga sa kuting.

Umiling si Aria at bumaling sa labas. "Nasa loob din ang kulo mo, eh."

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
389K 20.5K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...
189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?