MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 36: HOTDOG

141 10 0
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

*TIK! TOK! TIK! TOK! TIK!*

Tunog ng orasan ang gumising saakin. Unti unti kong minulat ang mga mata ko ng bigla kong naalala yung nakita ko kagabi.

"Kaloka! Si kendrix ba yung nakita ko kagabi? Pero... Imposible naman na si Kendrix yun noh. Tsaka ano naman ang gagawin niya dito ehh nasa kanya na kaya lahat. Magandang bahay, maraming pera at magandang buhay. Siguro na mimiss ko lang talaga si Kendrix kaya kung saan saan ko nakikita ang mukha niya. Hay ano ba kasi Kendrix! Ano bang ginagawa mo saakin? Bakit nag kakaganito ako ng dahil sayo?! Nababaliw na ba ako? Huhuhu!" sabi ko habang kumakamot sa ulo ko.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"AY BUTIKING BLUE!" Bigla akong napatalon sa kama ko ng dahil sa sobrang gulat. Aatakihin ako sa puso sa gulat. Sino naman kaya ang nagtext saakin ng ganito kaaga ha? NAKAKALOKA!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag text saakin. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko na si Kendrix pala ang nagtext saakin.

("Good morning Athena. Kamusta naman ang tulog? Sana naging maganda ang tulog mo. Kain kana ng breakfast ahh? Wag kang magpapalipas ng gutom. Take care and God bless.") Text ni Kendrix.

Bigla akong napangiti ng dahil sa nabasa ko. SHEEEEET! Ang aga aga naman eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. JUICECOLORED! Ano ba Kendrix? Ano bang meron ka? Bakit sa tuwing naalala kita kinikilig ako. Nakakaloka! Teka makapag reply nga.

"Good morning din Kendrix. Oo, okay naman yung tulog ko. Salamat sa pag aalala. God bless din." Reply ko.

Nakalipas na ang limang minuto, hindi na nag reply si Kendrix. Siguro busy na siya ngayon kaya hindi na siya naka pagreply. Bumangon na ako at naglinis muna sa kwarto ko. Habang nag lilinis sa kwarto ng bigla ulit pumasok ulit sa isip ko yung nakita ko kagabi. Ewan ko ba bakit di maalis sa isip ko yung mokong na yun. Lalo tuloy akong na ku-curious ehh. Lumipas na ang isang oras, pero di parin maalis sa isip ko yung lalake ehh. Isa lang ang paraan para magkaalaman na. Im pretty sure naman na hindi si Kendrix yun ehh. Kaya bakit naman ako kakabahan diba?

Nagmadali akong lumabas sa kwarto ko at bumaba na. Nang makarating na ako sa baba ng makasalubong ko si Tita Alex.

"Oh anak? Gising kana pala! Bakit ba parang sobrang nagmamadali ka ata? May pupuntahan ka ba?" tanong ni Tita Alex.
"Ah, wala po Tita Alex. May tatanong lang sana ako kay Calyx." Palusot ko.
"Ahh ganon ba. Bilisan mo lang ahh, para makapag almusal na tayo." sabi ni Tita Alex.

Hay buti nalang nailusot ko kasi kung hindi ewan ko lang. Hahaha!

"Opo Tita Alex. Promise bibilisan ko!" sabi ko.

Palabas na sana ako ng bigla akong tinawag ni Tita Alex.

"Athena! Sabihan mo din si Calyx na dito ba siya mag almusal ha? Madami naman ako niluto ehh." -Tita Alex.

Hindi na ako sumagot at nagmadaling pumunta sa apartment ni Calyx.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Tao po?" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto ng apartment ni Calyx.

Makalipas ang 5 minutes, wala parin sumasagot. Nakakaloka! Tulog pa ata yung Prince Charming ko. Siguro hinihintay niya ang pagdating ko para ibigay ang TRUE LOVES KISS na galing saakin. CHAROT! HAHAHA!

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Calyx? Nandyan ka ba?" sabi ko habang kinakatok ko ang pinto ng apartment ni Calyx.

Pero nakalipas na ulit ang 5 minutes, wala parin sumasagot. Sumandal ako sa pinto ng apartment ni Calyx at nag simulang mag emote.

"Ano ba yan! Nakakainis naman! Wala yung Prince Charming ko. Hay! Bakit ganon?" Bulong ko habang nag wa-walling sa pinto ng apartment ni Calyx.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, BIGLANG BUMUKAS YUNG PINTO.

"AHHHHHHHHHHHHHH!"

Napapikit ako at napasigaw sa gulat. Pero teka? Bakit parang hindi ako nasaktan sa pagkakahulog ko? Ganon na ba katigas yung ulo ko? HUHUHU! T__T

"Okay ka lang Athena? Nasaktan ka ba?"

Ano ba yan! Nabagok na ata ang ulo. Kasi naman naririnig ko yung boses ni Kendrix eh. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko NANG BIGLANG...

"KENDRIX?" Gulat na tanong ko.

Sinalo ako ni Kendrix? At nakahiga ako sa mga braso niya? Ganon ba talaga pag nababagok yung ulo? Nagiimagine? Nako! Ang aga aga naman nag iimagine nanaman ba ako? Oo tama! Imagination ko lang ang lahat ng to eh. Tignan mo ha?

*AUTHOR'S NOTE: PINISIL NI ATHENA YUNG UTONG NI KENDRIX.*

"Ano ba Athena! Nakakakiliti!" Tumatawang sabi ni Kendrix.

OH... EM... GEEE! Hindi nga ako nag iimagine, totoo nga! Nakakaloka! Ano ba yung ginawa ko? Hay! Bigla akong tumayo at nag sorry kay Kendrix nang biglang nanlaki ang mata ko ng dahil  nakita ko siyang naka boxer shorts at topless. Kaloka! Hindi lang pala ako nag iimagine kasi totoo pala na si Kendrix pala talaga ang nakita ko. JUICECOLORED! Bigla akong napalunok ng laway ng dahil sa nakita ko. SHEEEETTT! ANG AGA NAMAN NG PA PANDESAL NI MAYOR AHH. KALOKA. BEKET SEBRENG HET ME KENDRIX? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe! Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na naka tulala na pala ako habang naka titig sa katawan ni Kendrix.

"Athena? Okay ka lang ba?" tanong ni Kendrix.

Hoy Athena! Anong bang ginagawa mo diyan? At bakit nakatulala ka diyan ha? Para ka naman ewan ehh. Ano? Umaandar nanaman ba ang pagiging SEMI MANYAK MO ATHENA? Kaloka ka! -____-

"AHHHHHHHHHHHHHH! ANO BA YAN KENDRIX! BAKIT NAKA BOXERS SHORT KA LANG HA?" sabi ko habang tinatakpan ang mata ko.

Biglang napatingin si Kendrix sa baba at agad na tinakpan yung HOTDOG niya.

"Ehh kasi naman kakagising ko lang eh. Eh... Di ko naman ini-expect na darating ka. Tsaka bakit parang pinagpapawisan ka ata? Okay ka lang ba?" tanong ni Kendrix.

Napalunok ulit ako ng laway ng dahil sa tanong niya.

"A....aa...ahhh ang hot mo kasi ehh" bulong ko.

Bigla akong tinignan ni Kendrix na parang ewan.

"Ha? May sinasabi ka ba Athena?" tanong ni Kendrix.

PAKTAY NA! PAANO NA YAN? SIGE UMISIP KA NGAYON NG PARAAN PARA MAILUSOT MO YAN! KALOKA KA!

"Ako? May sinasabi? Wala ahhh. Sabi ko ang hot ko kasi. Tama yun nga yung sinabi ko. Hehehe."

Bigla akong napakamot sa ulo ko.

"Nga pala nasaan ba si Calyx?" tanong ko.
"Ahh wala. Hindi siya umuwi kagabi eh. Siguro dun siya natulog sa bahay nila. Bakit mo siya hinahanap?
"Ahh, pinapapunta kasi siya ni Tita Alex sa bahay para mag almusal eh." sabi ko.
"Ah ganon ba?? Sorry wala siya ehh. Sige ahh. Pasok na ako." sabi ni Kendrix.

Napatingin ako kay Kendrix at nakita ko na malungkot siya. Grabe. Bakit na nalulungkot ba siya? Nag seselos ba siya? Pero paano naman yun mangyayari, ehhh hindi naman ako yung type niya ehh. Sa dami ng mga babae na naging girlfriend neto, for sure lahat yun magaganda at sexy. Eh ako? Ang panget ko para magustuhan niya noh. Tsaka bakit ba nag a-assume nanaman ako? Ano ba Athena! Masasaktan ka lang sa ginagawa mo ehh. Kakaloka ka naman. Pero hindi ko naman kaya makita na malungkot siya. Eh kahit di nya naman sabihin eh halatang halata na malungkot siya eh.

"Hm... Since wala naman si Calyx, gusto mo ba na doon ka nalang mag almusal sa bahay?" sabi ko.

Napatingin saakin si Kendrix tapos napangiti bigla.

"Talaga?" nakangiting tanong ni Kendrix.
"Oo naman. Kaibigan naman kita diba? Hintayin nalang kita sa bahay." Nakangiting sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kendrix. Umalis nalang ako at umuwi na ako sa bahay. Makalipas ang 5 minutes, dumating na si Kendrix na nakasuot ng T-Shirt at shorts lang. Hindi siya yung typical na artista na bongga yung suot. Tignan mo siya ngayon, napaka simple lang niya. JUICECOLORED! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Kendrix. SHEEEEEETT! Sobrang gwapo ng mokong na to! KALOKA! Grabe ang tulo ng pawis ko dahil kay Kendrix. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulala na pala ako. NANG BIGLANG..

"ATE!" sigaw ni Maxine.
"AY DEMONYONG ATE! ANO BA MAXINE! KALOKA TO!" gulat na sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko.

Bigla akong napatingin kay Maxine ng masama.

"Ehh nakatutula ka kay kuya Kendrix ehh. Konti nalang tutulo na yung laway mo." sabi ni Maxine.

Kaloka talaga tong mokong na to sarap kalbuhin ng kilay ehh. Tsaka ano ka ba naman Athena? Bakit ba pinagnanasaan mo si Kendrix? Ano to? MANYAKIS LANG ANG PEG? JUSMIYO MARIMAR Athena! Tumigil ka nga! Eh anong magagawa ko ehh sobrang hot kasi ehh.  KAKALOKA!

"A..A..AKO? TULALA? HAHAHA! Hindi noh! May iniisip lang ako. Ikaw talaga masyado kang advance magisip noh? Sarap mo talagang sabunutan sa kilay ehh." Inis na sabi ko.
"Tama na yan. Maya maya niyan mag sasakitan nanaman kayo." sabi ni Tito Kennedy.
"Tama ang Tito Kennedy niyo, tsaka di na kayo nahiya sa bisita natin oh." sabi ni Tita Alex.

Bigla akong napatingin kay Kendrix sabay ngiti.

"Ahh okay lang po yun nanay Alex. Kahit ganyan naman po silang dalawa, alam ko naman po na they love each other eh." Nakangiting sabi ni Kendrix.

May point ka naman dun Kendrix kahit papano. Kahit ganyan yan mokong na yan, mahal ko parin yan kasi pinsan ko yan noh. Pero mas mahal parin kita Kendrix. CHAROT! Hahaha!

"Ahh sige nak, maupo kana diyan. Sumabay kana saamin." sabi ni Tita Alex.
"Sige po nanay Alex." sabi ni Kendrix.

Naupo si Kendrix sa tabi ko at nag simula ng kumain. JUICECORED! Kakain na sana ako ng mapansin ko yung nilutong hotdog ni Tita Alex. NAKAKALOKA! Hanggang ngayon talaga hindi parin maalis sa isip ko yung nakita ko kanina. Grabe! Mababaliw na ata ako! Sa kalagitnaan ng pag kain namin ng biglang nagtanong si Tita Alex.

"Kamusta naman yung hotdog? Masarap ba?" tanong ni tita Alex.

"Mas masarap yung hotdog ni Kendrix." bulong ko habang naka tulala.

Bigla silang lahat nagtinginan saakin na para ewan. Habang si Maxine naman nabuga yung kapeng iniinom niya. Ano ba naman Athena? Ano ba yung sinasabi mo ha? Nakakaloka ka naman. Hay! NAKAKAHIYA!

"I mean, masarap yung hotdog na niluto niyo po tita Alex. Grabe nga po oh. Ang sarap sarap talaga!" sabi ko habang sunod sunod ang subo ng hotdog sa bibig ko.
"Buti naman kung ganon ate. Akala ko kasi sabi mo mas masarap yung hotdog ni Kuya Kendrix eh." sabat ni Maxine.

Bigla akong nabulunan ng dahil sa sinabi ni Maxine.

"HA? HOTDOG NI KENDRIX? Bakit ko naman yun sasabihin ha? Nakakaloka ka naman. Ano ba yung tingin mo saakin ha? Pagnanasaan ko si Kendrix? Nako hindi noh!" sinabi ko yun ng walang preno.

Tinignan lang nila ako na parang ewan.

"Tama na yan. Baka kung saan pa yan mapunta eh." Awat ni Tita Alex.
"Pag pasensiyahan mo na yang dalawang yan, ganyan lang talaga sila mag lambingan." sabi ni Tito Kennedy.

Bigla akong tinignan ni Kendrix sabay ngiti saakin.

"Okay lang po yun nanay at tatay. Medyo sanay na po ako." sabi ni Kendrix ng naka ngiti. Hay buti nalang napaka understanding ng future husband ko, I mean ni Kendrix pala. Hehehe.

Nag patuloy nalang kami sa pag kain nang biglang nagkadikit ang mga siko namin ni Kendrix. Bigla ako napatingin sakanya pero agad naman akong yumuko at nagpatuloy sa pagkain. Hay ewan awkward tuloy ako ng dahil sa nakita ko kanina.  Kaloka! Hanggang sa gitna ng katahimikan ng biglang nag tanong si tito Kennedy kay Kendrix.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito Kendrix? May pasok ba kayo ngayon?" Tanong ni Tito Kennedy.
"Ahh wala po tatay Kennedy." sabi ni Kendrix.
"Ahh diyan ka ba natulog sa apartment ni Calyx?" Tanong ni tita Alex.
"Ah hindi po nanay, diyan na po ako nakatira ngayon." sabi ni Kendrix.

Biglang nabuga ni Tito Kennedy ang kape na iniinom niya ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"Ha? Alam ba to ng papa mo Kendrix?" tanong ni Tita Alex.
"Hindi po nanay Alex. Lumayas po ako sa bahay."

WHHHHHHAAAAT? LUMAYAS YUNG PRINCE CHARMING KO? BUT WHY?

"Dapat malaman to ng papa mo. Sigurado ako nag aalala yun sayo." sabi ni Tito Kennedy.
"Nag aalala? Nako. Sigurado po ako na hindi ako hinahanap nun. Baka nga po nag ce-celebrate pa yun eh. Tsaka wala naman po siyang paki alam sa nararamdaman ko eh. Kasi po wala siyang kwentang tatay." sabi ni Kendrix.

Siguro nga ganon kalaki ang problema nila ng Daddy niya. Hay kahit di sabihin ni Kendrix yung nararamdaman niya, kitang kita ko sa mga mata niya yung galit at lungkot.

"Wag kang magsalita ng ganyan. Sigurado ako na may rason ang papa mo kaya ganon tsaka kahit saang angulo mo tignan, tatay mo parin siya. Hindi niya man masabi kung gaano ka niya kamahal pero sigurado ako na mahal na mahal ka ng tatay mo at alam ko na importante ka sakanya "  nakangiting sabi ni Tita Alex.
"Tama ang nanay Alex mo Kendrix. Tatay mo parin si Congressman Lee at kailangan mo siyang irespeto. Tatawagan ko ang daddy mo para masundo ka niya dito okay?" sabi ni Tito Kennedy.

Biglang napatayo si Kendrix sa kinakaupuan niya.

"HALA? NAKU! WAG PO TATAY KENNEDY!" sigaw ni Kendrix.

Bigla kaming natahimik at napatingin kay Kendrix. Bakit ba kasi ayaw ng mokong na to na umuwi sa bahay nila? Kaloka! -___-

"Bakit naman Kendrix? Bigyan mo ako ng magandang rason para di ko sabihin sa papa mo kung nasaan ka ngayon." sabi ni Tito Kennedy.

Huminga ng malalim si Kendrix.

"Kasi ganito po yun tatay, gusto ko muna pong hanapin ang sarili ko. Gusto ko din po makahinga kasi po pakiramdam ko para na akong isang robot na pasusunurin sa lahat ng gusto niya kahit labag naman po sa kagustuhan ko. Nakakasakal na din po kasi tatay eh. Tsaka gusto ko po makapag isip at makalayo sa lahat ng problema. Okay lang po ba yun?" tanong ni Kendrix.

Nagkatinginan sina Tita Alex at Tito Kennedy. Hindi ko man alam kung ano talaga ang pinagdadaanan ni Kendrix ngayon pero ewan ko ba, ramdam na ramdam ko ang hirap na pinagdadaan niya. Bigla ako napatingin ako kay Tito Kennedy at tita Alex. Tumango ako at ngumiti sakanila.

"Ohh sige. Pumapayag na ako. Pero hindi ka titira sa apartment ni Calyx ng ganon ka tagal okay?" sabi ni Tito Kennedy.
"Oo nga Kendrix. Kailangan mo parin umuwi sainyo." sabi namin ni Tita Alex.
"Opo tatay at nanay, pangako po. Maraming maraming  salamat po." sabi ni Kendrix.
"Pero Kendrix, hindi ko mapapangako na pangmatagalan to. Sigurado ako na malalaman at malalaman 'to ng daddy mo. Kilala mo naman siguro ang daddy mo diba?"

Biglang natahimik si Kendrix at hindi na nakasagot sa sinabi ni Tito Kennedy.

"Ahhhhhhh.. Malamig na yung pagkain oh! Tara kain na po tayo." sabi ko.

Napatingin ako kay Kendrix at ngumiti ako. Siguro yun lang ang kaya kong ibigay sa ngayon para gumaan ang nararamdaman niya. Sana sapat na ang mga ngiti na ito para mapasaya ko siya. Hindi ko kasi kayang makita na nalulungkot si Kendrix. Kasi na aapektuhan ako ehh. Nasasaktan din ako sa tuwing nasasaktan siya. Ewan ko ba, ganito siguro ang nararamdaman mo pag mahal mo ang isang tao. Oo mahal ko si Kendrix. MAHAL NA MAHAL.

NANG BIGLANG..

"Ay ano to ate? Mag titinginan nalang ba kayo? Inlove kana siguro kay kuya Kendrix noh?" sabi ni Maxine.

KALOKA TALAGA TONG MOKONG NA 'TO EHH. SOBRANG PANIRA NG MOMENT. SARAP TAHIIN NG BIBIG EHH.

"Ha? Ako inlove kay Kendrix? Di noh! Pag ngumiti ba inlove agad? Kaloka to. Kaibigan ko lang si Kendrix noh. Diba Kendrix?" sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Kendrix.

"Ahhh oo. Tama yung ate Athena mo. Magkaibigan lang kami at hanggang dun lang yun." sabi ni Kendrix.

Nag patuloy nalang kami sa pagkain. Kaloka! Bakit hanggang ngayon nasasaktan parin ako satuwing naririnig ko ang salitang "HANGGANG KAIBIGAN LANG AKO AT HANGGANG DUN LANG YUN." Paulit ulit na pero ang sakit sakit parin eh. Alam ko naman na hanggang dun lang ako pero masakit parin eh. Hay ewan! T___T

Habang kumakain kami nang biglang nagsalita si Kendrix.

"Ahhm Athena, tungkol pala dun sa nakita mo kanina........"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng butil butil. KAKALOKA! Nakalimutan ko na yung tungkol sa malaking HOTDOG na nakita ko kanina. Naalala ko nanaman tuloy. JUICECOLORED! LUPA KAININ MO NA AKO DALI!

"A...a...aah tungkol dun? Ano ba Kendrix wala yun. Okay lang yun."  sabi ko with a fake smile.

Oo nakangiti ako pero alam mo yung ngiting pilit? JUICECOLORED! Di ako pwedeng mahalata ni Kendrix noh.  SOBRANG HOT KASI EHH. KAKALOKA! >_____<

"Ahh okay kung ganon." sabi ni kendrix habang kumakamot sa ulo niya.

Nakakaloka! Hindi ko magawang magawang tignan siya ng diretcho dahil sa sobrang awkward eh. Hay ano ba naman to. Sana naman wag niya muna ako kausapin para di ako ma awkward lalo. NANG BIGLANG...

"Ahm Athena.... Gusto mo ba...." sabi ni Kendrix.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"Ano? Gusto........ Kita??" Tanong ko.

Biglang akong tinignan ni Kendrix ng dahil sa tanong ko.

"Gusto mo ako Athena?" tanong ni Kendrix.

Nakakaloka! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Huhuhu! T___T

"Ha? Hindi ahh. Hindi ikaw ang gusto ko noh. Ano nga yung gusto mong sabihin Kendrix?" sabi ko.

Ano ba Athena! Kakasabi ko lang kanina diba? Wag kang mag assume! Masasaktan ka lang ehh. Diba nga sabi niya hanggang kaibigan ka lang?  So bakit ka nag aassume na magugustuhan ka ni Kendrix? Kaloka ka naman ehh.

"Ahhhhhh.. Gusto sana kitang alukin na pumunta sa amusement park mamayang gabi." sabi ni Kendrix.

Bigla akong nabilaukan ng dahil sa tanong ni Kendrix.

"Okay ka lang ba Athena? Eto tubig oh." sabi ni Kendrix sabay abot ng tubig saakin.

ANO TO? DATE? JUICECOLORED! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko hindi na ako maka hinga sa sobrang bilis. Kalma lang Athena. Kalma!

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

"Okay lang ako Kendrix. Salamat! Teka nga. Ano naman gagawin natin dun sa amusement park?" Tanong ko.
"Ehh ano ba ang ginagawa sa amusement park ate? Edi mamamasyal! Ano ba yan. ANG BOBO NAMAN." Sabat ni Maxine

Tinignan ko siya ng masama.

"Aba'y loko to ahh. Ano suntukan nalang oh! Ano lalaban ka?" sabi ko.
"Mama ohh si ate susuntukin daw ako." Pag susumbong ni Maxine kay Tita Alex.
"Tama na yan at baka mag kasakitan nanaman kayo." Awat ni Tita Alex.

Tinignan ulit ako ni Kendrix habang naka ngiti.

SHHHHHEEEEETTTT! Ano nanaman kaya ang iniisip ng mokong na to tungkol saakin?  Baka isipin niya na sobrang WARFREAK ako. GOSH! WALA NA! FINISH NA! FOR SURE NA TURNOFF LALO SIYA SAAKIN EH. WALA NA TALAGA AKONG PAG ASA. ANO BA YAN! HUHUHU! T__T

"Bakit ganyan ka makatingin Kendrix? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.
"Wala." Sagot ni Kendrix.
"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko ulit.

Hinawakan niya ang buhok ko habang nakatitig saakin.

"Wala lang, ang cute mo kasi Athena." nakangiting sabi niya.

Bilang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa narinig ko. SHEEEETTTT! Yung puso ko. BAKIT MASYADONG KANG PA-FALL? EHH HINDI KA NAMAN HANDA NA SALUHIN AKO PAG NAHULOG NA AKO. ENE BE KESE KENDRIX! KALOKA NAMAN EHH.

"UYYYYY SI ATE, KINILIG!" sigaw ni Maxine.
"Ako? Kinikilig? Di noh!" sagot ko.

Bigla akong tinignan ni Maxine na parang ewan habang naka ngiti ng sobrang lapad. Ano nanaman kaya ang iniisip ng babaeng to? Kaloka!

"Pero alam mo ate, botong boto ako kay kuya Kendrix para sayo." sabi ni Maxine.

Tinignan ko si Kendrix at ngumiti lang siya saakin. JUSKO! PWEDE NA AKONG MAMATAY. Ay di pa pala ako pwedeng mamatay. Mamahalin ko pa nga si Kendrix eh. Baka mamaya niyan totohanin ni Papa God ang sinabi ko. Hehe! Joke lang po Papa God peace po!

"Hindi nga si Kendrix ang gusto ko okay? Kaya pwede ba tumigil ka sa mga imagination mo na yan!" sabi ko.
"Hm maiba ako Athena, about dun sa amusement park? Ano gusto mo ba sumama?" Tanong ni Kendrix.

Tumingin ako kay tito Kennedy at tita Alex. JUICECOLORED! Sabi ng puso ko "SIGE ATHENA, SUMAMA KA!" pero sabi naman ng utak ko "WAG KANG PUMAYAG ATHENA. AASA KA KA LANG ULIT. MASASAKTAN KA LANG." Hay alin ba ang susundin ko? Yung PUSO KO o UTAK KO? Hay! Ano ba yan. T__T

"Sige na anak sumama kana. Malaki ka naman na eh. Alam mo naman na kung ano yung tama at mali diba?" sabi ni Tito Kennedy.
"Oo nga anak, at alam naman namin na hindi ka pababayaan ni Kendrix anak. Okay lang yan." sabi namin ni Tita Alex.

Bigla akong nag karoon ng lakas ng loob ng dahil sa sinabi ni tito Kennedy at tita Alex. NANG BIGLANG...

"Oo nga ate. Isang Kendrix Lee na yan oh? Aarte ka pa ba? Nako naman ate! Hindi na uso yung mga pabebe noh!" sabi ni Maxine.

Nako talaga! Wala man lang naisabing maganda tong mokong na to. Konti nalang talaga. Tatahiin ko na yung bibig neto. KALOKA!

"Ahhhh sige Kendrix. Pumapayag na ako." Nakangiting sabi ko.

Hindi na sumagot si Kendrix at ngumiti nalang saakin. Pero kahit nakangiti siya saakin, kitang kita parin sa mga mata niya ang lungkot. Tama lang siguro na pumayag ako na sumama sakanya sa amusement park. Dapat makaisip ako ng paraan para mapangiti siya. Kasi hindi ako sanay na makita siya na malungkot kasi nalulungkot din ako eh. Hindi ako papayag na matapos ang araw na'to hindi ko siya mapapangiti. PANGAKO YAN. ^___^

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 594 31
Paano kung dahil Sa isang asidenteng pagkakaintindihan ay mawala ang fist kiss mo? Paano kung dahil sa isang halik ay mahanap mo Ang childhood Bestfr...
451K 11.3K 49
Mia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen w...
119K 3.2K 19
hindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may...
12.6K 712 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...