MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY

121 10 0
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

Habang nakasakay kami sa bus, hindi parin maalis sa isip ko yung pasa ni Kendrix. Imposible naman na nauntog lang siya sa pinto tapos ganon kalaki ang pasa? Saan kaya yun galing? Hay ewan! Nag aalala tuloy ako sa mokong na to. Hay ano ba yan! Kaloka naman!

Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa school. Feeling ko super awkward kami ng dahil lang nagkatitigan kami ni Kendrix kanina. JUICECOLORED! Di maalis sa utak ko ang mukha ng mokong na to. Sheeeeet! Ampoge kase ehh. Halos gusto ko na ngang kurutin ang mukha niya sa sobrang pogi niya ehh. Kaso baka mahalata niya na gusto ko siya  kaya yun, inalok ko nalang siya na umalis nalang. Wala na akong ibang maisip ehh. Maya maya pa...

"Ahm sige Kendrix, pasok na ako ahh. May class pa kasi ako eh." Sabi ko.
"Ahh sige Athena. Ingat ka."
"Oo naman Kendrix. Ikaw din mag iingat ka." sabi ko.
"Sige mamaya nalang ulit. See you around Athena." Sabi ni Kendrix sabay kaway saakin.

Tingnan ko lang si Kendrix at hindi na ako sumagot. Ngumiti nalang ako at umalis na. Habang nag lalakad sa hallway ng makasalubong ko si Angel  kasama yung mga bagong tropa niya.

"Oh? Look who's here girls. Here comes the ITCHY HIGAD." Tumatawang sabi ni Angel.
"Ha? Anong ibig sabihin mo Angel?" sabi ko.
"Alam ko na alam mo kung ano ang sinasabi ko Athena. Kaya please lang, wag kang mag maang maangan na hindi mo alam ang sinasabi ko  pwede?" sabi ni Angel.
"Ha? Hindi ko maintindihan Angel. Ano ba talaga ang kailangan mo saakin?" sabi ko.
"Okay, I'll explain to you everything para maintindihan mo. Kase I know naman na maliit ang utak mo para maintindihan ang lahat ng sinasabi ko. You know naman na I like Kendrix right? Pero para kang HIGAD na punong puno ng KALANDIAN sa katawan. And how many times do I have to tell you na akin lang si Kendrix. At ako lang ang bagay sakanya. So pwede ba na layuan mo ang boyfriend ko?" sabi ni Angel sabay irap.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa narinig ko.

"Ano? Boyfriend mo? Eh sa pag kaka alala ko, wala naman nabanggit saakin si Kendrix na boyfriend mo siya. At sa pag kaka alala ko pa, wala ka naman karapatan na pag bawalan ako na lumapit sakanya. Hindi ko kasalanan na si Kendrix mismo ang lumalapit saakin at hindi ako. Kaya wala akong magagawa dun. Kung boyfriend mo siya, bakit hindi mo sakanya sabihin ang problema mo? Para maayos niyo yung problema niyo. Hindi yung sasabihin mo saakin yung mga problema niyo. Ang dami ko nang problema kaya pwede ba wag ka nang dumagdag? Tsaka kung gusto mo talaga si Kendrix, siya yung puntahan mo wag ako. And please lang? Tigilan mo na ako! Sawang sawa na ako sa pang aapi mo saakin eh." Sabi ko.

Tumalikod na ako at nag lakad na paalis nang biglang hinatak ni Angel  ang braso ko.

"How dare you to say that! Hindi pa tayo tapos magusap Athena." sabi ni Angel habang hawak niya ang braso ko ng sobrang higpit.
"Ano ba Angel! Bitawan mo nga ako." sabi ko.
"No! Hindi kita bibitawan hanggang sa hindi ka nag tatanda. Akin lang si Kendrix. Akin lang siya maliwanag?" Sigaw ni Angel.

Tinignan ko lang si Angel ng may blankong expression sa mukha sabay tanggal sa kamay niya sa braso ko.

"As I've said, kung gusto mo si Kendrix, sakanya mo sabihin wag saakin. Siguro alam mo naman na kung saan siya makikita diba? Puntahan mo at mag usap kayo." sabi ko.
"How dare you!" sabi ni Samantha.

Lumapit saakin si Angel at sasampalin ako pero bago mangyari yun, nahawakan ko ang kamay niya.

"Hindi na ako papayag na saktan at api-apihin mo pa ako Angel. Hindi mo hawak ang buhay ko. Wala ka na din pakialam kung sino ang mga taong gusto kong lapitan at kausapin. At higit sa lahat, wala ka din karapatan para saktan ako. Kaya pwede ba Angel  tama na! Sumusobra kana!" sabi ko.

Hindi nakasagot si Angel at tinignan niya lang ako. Maya maya pa ng biglang dumating si Zoey.

"HOY BABAENG LABANOS! ANO NANAMAN ANG GINAWA MO SA BESTFRIEND KO HA?" sigaw ni Zoey.

Tinignan ni Angel ng masama si Zoey.

"Eh ano bang pake mo? At pwede ba? Sana marunong kang gumalang at ibagay ang sarili niyo sa tamang lugar kasi as far as I can remember, ang mga basura ay nababagay din sa kapwa nila basura." sabi ni Angel.

Bigla nagtawanan ang mga tropa ni Angel ng dahil sa sinabi niya.

"Ikaw? Igagalang namin? Teka nga lang, sino ka ba? Eh masahol pa nga yang ugali mo sa nabubulok na basura eh. Tsaka kung hindi naman dahil sa lolo mo hindi ka naman magiging sikat at kakatakutan ng lahat eh. Hindi ikaw ang reyna dito. At hinding hindi ka magiging reyna ng eskwelahan na to. Pare pareho tayong tao, dapat pantay pantay ang trato mo sa lahat. Ano? Tara suntukan nalang oh?" sabi ni Zoey.

Biglang nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa sinabi ni Zoey at bigla siyang napaatras sa kinakatayuan niya.  Habang ako naman biglang natawa ng dahil sa narinig ko. Hay grabe! Ang tapang talaga ng bestfriend ko. Hahaha!

"Oh my gosh! Who give you the permission to treat me like that? Gusto mo ba na pa expelled ko kayo dito sa school na to ahh?" sabi ni Angel.

Biglang natahimik si Zoey ng dahil sa sinabi ni Angel.

"Tama na yan bes, wag nalang natin siyang patulan." Awat ko.
"Bakit naduduwag ka ba Athena?" Tumatawang sabi ni Angel.
"Naduduwag? Hindi ako naduduwag Angel. Hindi lang talaga kami  pumapatol sa taong hindi marunong ng salitang RESPETO. Tsaka sayang naman yung pinag aral namin kung papatol kami sa isang NON SENSE NA TAONG KAGAYA MO. Sige ah, mauna na kami." sabi ko.

Hindi na namin hinintay ang sagot ni Angel at nag lakad na papaalis

"Tandaan mo to Athena. Hindi pa tayo tapos!" Pagbabanta ni Angel.

Hindi na ako sumagot at naglakad nalang paalis. Nang makalayo na kami   ng biglang nagtanong si Zoey.

"Paano kung seryosohin talaga ni Angel yung banta niya na ipapa-expelled tayo? Paano yan?" Nag aalalang tanong ni Angel.

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan si Zoey habang nakangiti.

"Wag kang mag alala bes, kahit ano naman gawin niya, tayo parin naman ang papanigan ng batas kasi tayo ang nasa tama tsaka wala naman tayong ginagawang mali ehh." sabi ko.
"Tama ka bes. Hm sige mauna na ako ha? Baka malate na kasi ako sa next class ko ehh. Bye Athena." Sabi ni Zoey.
"Sige bes, ingat ka." sabi ko.

Umalis na nga si Zoey at pumunta nalang kami sa kanya kanya naming mga klase. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na lumipas na pala ang mga oras. Hapon na pala. Yes finally! Uwian na! Makakapanuod pa ako ng kdrama sa bahay. Nagmadali akonh naglakad palabas ng school ng bigla kong naalala si Kendrix.

"Nasaan kaya yung mokong na yun? Kamusta na kaya siya? Hindi ko na siya nakita buong mag hapon ahh? Nakauwi na kaya siya? Hay nako naman. Nag aalala tuloy ako sa mokong na yun. Bwiset! Tsaka Miss ko na din siya ehh." Bulong ko.

Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko, NANG BIGLANG...

"BES!" sigaw ni Zoey sabay hawak sa balikat ko.
"AY BULATENG BUNTIS!"

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Kaloka! Aatakin ako sa puso sa sobrang gulat.

"Ay sorry bes nagulat ba kita?" Tanong ni Zoey.

Tinignan ko si Zoey na parang ewan. Nako! Kung pwede lang manakit ng tao siguro kanina ko pa nagawa. KALOKA!

"Ay hindi? Ini-expect nga kita eh. Syempre nagulat ako. Kaloka ka naman bes." sabi ko.
"Sorry naman bes. Nga pala, pauwi kana ba? Sabay na tayo?" sabi ni Zoey.
"Sige bes." Sagot ko.

Gabi na nang makarating kami sa subdivision namin. Habang naglalakad pauwi ng biglang umandar nanaman ang pagiging chismosa ng Zoey.

"Oy bes, mag kwento ka naman tungkol sa mga Prince Charming mo." sabi niya.
"Ha? Sinong naman tinutukoy mo?" sabi ko.
"Sino pa ba? Edi si Fafa Calyx at Fafa Kendrix bes. Ano ba? Wag ka nang mag maang maangan pa. Kaloka naman to."

Bigla akong natahimik at hindi naka sagot kay Zoey.

"Oh? Bakit natahimik ka ata?"
"Ehh kasi nahihirapan akong pumili sakanila ehh. Naguguluhan ako bes." sabi ko.
"Eh sino ba ang mas matimbang para sayo? Si Kendrix o si Calyx?"

Bigla akong napahinto sa pag lalakad at nap isip sa tanong ni Zoey.

"Gusto ko si Calyx pero mahal ko si Kendrix. Pareho naman sila matimbang para saakin ehh kaso ang hirap talaga pumili kasi pareho silang sweet at caring saakin. Hay bakit ba kasi kailangan kong mahirapan ng ganito? At bakit  ba kasi kailangan kong mamili? Sabi ng utak ko, piliin ko si Calyx pero sabi naman ng puso ko, piliin ko si Kendrix. Ang gulo bes! Paki explain nga please?" sabi ko sabay kamot sa ulo.

Tinignan akonsi Zoey na parang ewan tapos ngumiti ng sobrang lapad.

"Simple lang yung sagot diyan bes, MAGANDA KA KASI." sabi ni Zoey.
"Bes seryoso nga kasi ehh. Bakit ba kasi kailangan kong maguluhan ng ganito?" Seryosong tanong ko.
"Hindi ko rin alam ang sagot bes. Kasi ikaw at ikaw lang din ang mamakasagot ng mga tanong mo. Basta ang maipapayo ko lang sayo, piliin mo kung sino sa tingin mo yung kaya kang mahalin UNCONDITIONALLY. Dun ka sa taong kaya kang intindihin, suportahan at pasayahin anytime. Yung hindi ka sasaktan. Yung puro love lang ang ibibigay sayo. Ying taong kaya kang samahan forever. Sige ahh. Mauna na ako ahh. Gabing gabi na eh. Baka hinahanap na ako ni mama.

Nang maka alis na Zoey, naupo muna akonsa labas ng bahay namin at napa isip. Siguro tama si Zoey. Ako lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Dapat piliin ko kung sino ang taong kaya akong pasayahin. Hay bahala na nga.   Pumasok na ako at agad na umakyat sa kwarto ko. Agad akong nagpalit ng damit,  napatingin sa binta at sinilip kung nakauwi ng si Calyx. Nang bigla kong napansin na nakabukas ang ilaw  sa kabilang kwarto ng apartment ni Calyx sa harap ng bintana ko.

"Huh? May kasama na sa bahay si Calyx? Ano kaya siya? Babae o lalake? Nako! Kung babae yung kasama niya lagot siya saakin. Magkakaroon talaga ng world war 3 dito. Kaloka. Sana maging sensitive naman si Calyx na magseselos din naman ako kung babae ang kasama niya noh. Sana dumungaw yung tao dun para makita ko kung sino siya. Hay naku-curious tuloy ako. Ano ba yan." Bulong ko.

Hintay ko ng hinintay ang pagdungaw ng tao sa loob ng kwarto na yun pero hindi siya dumungaw. Maya maya pa, nang bigla may tumayo sa harap ng bintana para isara ang mga kurtina. JUICECOLORED! Biglang bumilis ang tibok ng puso ng dahil sa nakita ko.

"Teka? Tama ba ang nakikita ko? Si Kendrix ang nakatira sa kabilang bahay? Teka teka teka! Ano naman gagawin niya dito? Wag ka ngang assuming Athena. Ang yaman yaman ni Kendrix noh. Hinding hindi yun titira sa ganitong lugar noh. Nag iimagine nanaman ako ehh. Namimiss ko lang siguro siya kaya kung saan saan ko siya nakikita. Kakaloka! Makatulog na nga lang." bulong ko.

Pumunta na ako sa kama ko at nahiga nalang. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

KENDRIX'S POV

Nang makita ko ang kwarto na rerentahan ko, umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga gamit. Nang makarating na ako sa bahay, agad akong nag punta sa kwarto ko para mag impake ng mga damit. Nang biglang pumasok si Kaycee sa kwarto ko.

"Hey kuya! Wait? What are you doing? Bakit ka nag iimpake? Lalayas ka ba kuya?" Tanong ni Kaycee.
"I want a private life baby sis. Yung malayo kay dad." sabi ko.
"But kuya? Paano ako? Iiwan mo na ba ako?" sabi ni Zoey.
"No baby. Hindi kita iiwan. Yes, magkaiba na ang titirahan natin but still I'm your kuya. Tsaka wag kang mag alala baby sis kuya can manage his self okay? You can call me anytime, anywhere. Kuya is just one call away okay? And andyan naman si manang Sally to take care of you." sabi ko.
"Basta promise na hindi mo pababayaan ang sarili mo ah? If you need something tell me okay?"

Lumapit ako kay Kaycee at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Okay baby sis. Thank you so much. Im so lucky to have a sister like you." sabi ko.
"No kuya. I am so greatful to call you my kuya and my bestfriend. Mag iingat ka dun ahh? Im going to miss you kuya." Mangiyak ngiyak na sabi ni Kaycee.
"Oo naman baby sis. I promise na hindi ko papabayaan sarili ko. Basta promise me you'll do the same okay?" sabi ko.
"Okay kuya. I'll promise." sabi ni Zoey.
"Ohh sige na Kaycee, I have to go na. Its getting late na ehh. Baka maabutan pa ako ni dad dito." sabi ko.

Hindi na sumagot si Kaycee at niyakap niya nalang ako. Nang biglang tumulo ang luha ni Kaycee. Grabe hindi ko kaya na makita ang kapatid ko na umiiyak, parang dinudurog ng paulit ulit ang puso ko. Pero hindi niya dapat makita na malungkot ako, ayoko na malungkot din siya ng dahil saakin.

"Kuya will be fine Kaycee." Nakangiting sabi ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ni Kaycee at hinalikan siya sa noo. Hindi ko man kaya pero pinilit ko nalang na ngumiti para kay Kaycee. Hindi na ako sumagot at umalis nalang. Habang nag lalakad papunta sa bus stop ng hindi ko nalang namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Alam ko, matapang ako eh. Pero pag dating na kay Kaycee at Athena, ibang usapan na yun ehh. Hindi ko kayang makita sila na umiiyak at nalulungkot ehh. Mahal ko kasi sila ng sobra pa sa buhay ko.

Makalipas ang 30 minutes, nakarating na ako sa apartment. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Pero hindi pala ako marunong maglinis at mag ayos ng mga gamit. Kung saan saan ko nalang nilagay ang mga gamit ko. Hay bahala na nga. Naupo ako sa kama ko at tumingin tingin sa paligid. Kaya ko kaya to? Kaya ko ba mabuhay ng ganito? Yung malayo sa kinagisnan kong buhay. Bahala na. Habang naka upo ng bigla kong naalala si Athena.

"Nakauwi na kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko.

Tumayo ako sa harap ng binta ni Athena at naghintay sa pagdating niya pero lumipas na ang isang oras pero wala parin si Athena.

"Hay, nasaan na kaya siya? Nag aalala na ako ehh. Teka, matawagan nga." sabi ko.

Ida-dial ko na sana ying number ni Athena nang biglang tumawag si Kaycee sa messenger ko.

*FACE TIME CONVERSATION*

"Hello? Bakit napatawag ka baby sis?? May kailangan ka ba?" sabi ko.

["Wala naman kuya. I'll just miss you na ehhh."] sabi niya.

"But Kaycee, dalawang oras palang naman ako wala diyan ehh." sabi ko.

["Hindi kasi ako sanay na wala ka dito sa bahay. Kaya miss na kita."]

"Ako din naman eh, I miss you. Pero kung di ko to gagawin, pipilitin lang ako ni Dad na magpakasal sa anak ng business partner niya. Eh ayoko naman. Kaya we have to be strong baby sis. Okay?" sabi ko.

["Okay kuya."] sagot ni Kaycee.

"Anyway, nandiyan na ba si Dad?" Tanong ko.

["Wala pa kuya bakit?"] tanong ni Kaycee.

"Wala naman. Hm sige na matulog kana. Late na ohh." sabi ko.

["Okay kuya. Good night."]

Pinatay ko na ang tawag at pumunta muna sa banyo para mag linis ng katawan.

*AUTHOR'S NOTE: NANG PUMUNTA SI KENDRIX SA BANYO PARA MAGLINIS NG KATAWAN, NANG DUMATING NAMAN SI ATHENA SA BAHAY NILA.*

Makalipas ang 30 mimutes, natapos na akong maglinis ng katawan. Habang nag bibihis ako ng bigla kong naisip ulit si Athena.

"Nakauwi na kaya siya? Teka maitext nga." bulong ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para itext si Athena.

"Hi Athena, nakauwi kana ba?" Text ko. Pero...

*MESSAGE NOT SENT*

"WHAAAT? Bakit ngayon pa ako nawalan ng load. Wag ngayon please?" sabi ko.

Sinubukan ko ulit isend ang message pero hindi parin nag send. KAINIS! >__<

"FUCK!! Kung kailan pa kailangan tsaka naman naubusan ng load. Hay! Anong gagawin ko ngayon?" sabi ko.

Tumayo ako at sinilip sa bintana kung nakauwi na ba si Athena pero ng makatayo ako sa harap ng bintana ng makita si Athena na nakatayo din sa harap ng bintana. Kumaway ako pero bigla siyang nawala at isinara ang kurtina ng binta niya. Ano kaya nangyari don? Nagulat ko ba siya? Okay na yun atleast alam ko na ngayon na nakauwi na siya ng ligtas, masaya na ako. Since sabado naman na bukas at wala nang pasok, siguro pwede ko siyang alukin na gumala sa amusement park bukas na parang date na kaming dalawa lang. Hay excited na ako.

Maya maya pa, nakaramdam na ako ng antok at nahiga na ako.

"Sana makita ko siya sa panaginip ko at sana pumayag siya na gumala kami bukas. Hay! bahala na nga!" bulong ko.

Ipinikit ko na ang mata ko, hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
163K 2.6K 36
Hindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda...
182K 3.5K 84
[COMPLETED] 20 long years had passed, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tahimik at masayang buhay ni Leila ay nagimbal at nagulo. Nawala an...
5.8K 259 12
MISSION: Find Mr. Right (Completed)