Sab's Point of View
"Totoo naman di ba? Mahal mo rin naman ako 'di ba, Sab?"
Napalunok ako. Anong sasabihin ko? Pero sandali nga... mahal mo rin?! Rin?! As in rin?!
"He overheard us awhile ago," bulong sa akin ni Zoe. Kaya pala. Narinig niya. Nakakahiya!
Nagtaas ako ng kamay. "Ma'am?"
"Yes, Ms. Fortalejo?"
"C.R. lang po ako," paalam ko at tumakbo palabas ng room. Narinig ko pa ang tawag nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Narinig niya ako kanina. Alam niyang mahal ko siya. Nakakahiya.
Napahinto ako sa pagtakbo nang may humawak sa braso ko at hinarap ako sa kanya kung sino man sya.
"Ano – " Naputol ako sa sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko.
"Bakit ka ba tumakbo? Lagi ka na lang bang ganyan? Tatakbuhan ako? Idadahilan na magc-C.R. kahit hindi naman?!"
"A-ano... kasi – "
"Sab naman! Umayos ka naman, please." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Narinig ko kayo kanina ni Zoe. Hindi ko naman sinasadya... pero... totoo ba 'yung sinabi mo?"
"A-alin?" Ugh! Ang tanga lang. Bakit ko ba tinanong pa 'yun? Gumagawa ka lang ng kahihiyan, Sab.
"Na mahal mo ko."
Hindi, Sab. Hindi ka aamin. Deny. Deny.
"Ha? Sinabi ko ba 'yun? Parang hindi ko maalala?" Nakita kong nalungkot ang itsura nya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
"Hindi mo ako mahal?" Hindi ko siya sinagot. Kasi ano ang isasagot?!
Hanggang sa tumawa siya pero halatang pilit. "Asa pa nga naman ako 'di ba? You hate me. Paano nga namang mamahalin mo ako? Sorry kung nag-assume ako. Akala ko kasi parehas lang tayo ng nararamdaman. I guess I was wrong."
Napakagat na lang ako sa labi ko. Nakikita ko kasing mukhang nasasaktan siya.
"Ito na rin naman ako, aamin na ko. Mahal kita, Sab. Nakakatawa 'di ba? I fell in love with my enemy."
"Josh – "
"Sige, Sab. Okay lang naman. Gusto ko lang malaman mong mahal kita. Malaman mo lang ayos na ako. Hindi rin naman ako naghihintay ng kapalit. Hayaan mo lang akong mahalin ka ayos na." Pagkasabi niya nu'n ay nginitian niya ako. Ngiting may halong lungkot at tumalikod.
Hala. Anong gagawin ko?!
"Josh!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon. "Josh!"
Aba. Ayaw mo talaga, ha? Hinubad ko 'yung isang sapatos ko at binato sa kanya. Bull's eye. Sakto sa ulo.
Napahawak siya sa ulo niya at humarap sa akin. "Aray naman, Sab. Masakit na nga 'yung puso ko pati ba naman 'yung ulo ko sinaktan mo pa. Ganyan ka ba talaga kagalit sa akin?" reklamo niya habang lumalapit sa akin
"Do you really loathed me that much? Pakiramdam ko nagkabukol na ko. Alam mo kahit napakasadista mo ewan ko ba kung bakit mahal pa rin kita. Kahit na binato mo pa ako ng sapatos walang magbabago sa nararamdaman ko para sa 'yo. Kahit isang buong shoe shop pa ang ibato mo sa akin, hindi yan makakaapekto sa nararamdaman ko sa 'yo. Kasi nga – " Natahimik siya nang takpan ko 'yung bibig niya.
"Alam mo minsan hindi ko alam kung sino sa atin ang babae. Napakaingay mo. Napakadrama mo. Pwede bang magsalita?" Tumango naman siya. "Wala naman ako sinabing hindi totoo 'yung sinabi mo kanina. Todo emote ka pa d'yan. Ang arte arte mo pa. Mahal din naman kita."
Nanlaki ang mata niya at halos hindi na siya gumalaw. "T-totoo?"
Tumango ako. "Oo. Mahal din kaya kita."
Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi at tumingin sa akin ng nakalaloko. "Sabi na nga ba. May hidden desire ka sa akin," sabi niya pa habang nagbaba taas ng kilay.
"Ah, ganun? Hindi. Wala. Hindi na. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Wala lang 'yun. Hindi talaga 'yun totoo," sabi ko sa kanya at naglakad na palayo.
"Hoy, Sab!" tawag nya pero hindi ko sya pinansin.
"Sab!"
"Ano?!" sigaw ko rin sa kanya at humarap.
"Sapatos mo nakalimutan mo!" Ay, leche! Mainam talaga. Ang ganda na sana ng drama ko pero bakit ko naiwan ang sapatos ko?!
Nagmamadali akong lumapit sa kanya at hinila ang sapatos kong hawak niya. Tatalikod na sana ako nang hinila niya ang kamay ko at niyakap ako.
"Tampo ka na nu'n?" bulong niya sa akin. Pinalo ko naman sya sa likod. "Aray ha. Makapalo lang."
"Bitaw na. Tsansing," sabi ko sa kanya.
"Mamaya na. Ganito muna tayo." Tsk. Ayaw umayos ng bakulaw na 'to. Kinikilig na ako ha.
At dahil sa kinikilig na ako sa kanya ay niyakap ko na rin sya. Nang niyakap ko siya ay mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.
"Uy, totoo lahat ng sinabi ko. Walang halong biro 'yun."
"Oo na. Totoo na kung totoo."
"I love you, Halimaw." Natawa naman ako sa sinabi nya. Napakasweet talaga.
"I love you, too, Bakulaw."
Bumitaw na kami sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang balikat ko at tiningnan ako. "Nag-I love you too ka na. Tayo na ha." Natawa naman ako sa sinabi niya kaya napatango na lang ako. Wala ng ligaw ligaw. Magkakilala na rin naman kami. Alam ko na ang negative side niya. Kung tutuusin nga parang puro negative side niya ang alam ko kaya ano pa bang ikakagulat ko sa ugali niya ngayong kami na?
Hawak kamay kaming bumalik ng classroom. Pagpasok namin ay wala ng teacher. Nagpunta kami sa pwesto namin at pinalibutan na agad kami ng anim.
"Anong nangyari? Ayii. Kwento," tukso ni Zoe.
Tinaas ni Josh ang magkahawak naming kamay. "Kami na."
"Hoy, Sab. Ang bilis naman. Dapat nagpaligaw ka," sabi ni Ayu.
"Oo nga, Sab. Hindi mo ba alam na ang babaeng pinaghihirapan, hindi pinapakawalan. Narinig ko lang 'yan sa TV," sabi naman ni Zoe.
"Ay ganun ba dapat?" tanong ko sa kanila at humarap kay Josh. "Josh, break – "
"Magtigil ka, Sab. Wala ng bawian. Saka huwag kang mag-alala. Liligawan naman kita habang buhay kahit tayo na."
"Hoo," sigaw ng magagaling kong kaibigan.
Tumingin naman sa akin si Josh at ngumiti saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Hay. Who would have thought na 'yung kaaway ko pa pala ang magiging boyfriend ko?
***
Yannie's Point of View
"Yannie, samahan mo na kasi ako."
Tsk. Sasampalin ko na ang lalaking 'to. Kanina pa ako kinukulit.
"Yannie," kapit niya pa sa braso ko at kinukulit pa rin ako.
"Ang kulit mo naman, Xander. Sa canteen lang hindi ka pa makapunta mag-isa."
"Sige na. Samahan mo na ko."
"Nandyan naman sila Josh. Bakit di ka magpasama sa kanila?"
"Ayoko sa kanila."
"Choosy ka pa."
"Ikaw na lang kasi. Ikaw gusto ko kasama, e. Hindi naman sila. Please?" sabi pa nya habang nagpapuppy eyes.
Paano ba naman ako tatanggi kung ganyan siya? "Fine. You win," sabi ko at tumayo na.
Nauna akong maglakad pero nakahabol siya at umakbay sakin sakapinisil ang pisngi ko. "Sabi na hindi mo ako matitiis, e."
"Whatever." Natawa naman sya sa naging sagot ko.
Habang naglalakad kami sa may hallway ay nakaakbay pa rin siya sa akin. May mga babae rin na halata mong nagpapacute dito kay Xander. Babaero nga pala 'to dati. Nakalimutan ko na. Kaya maraming nagpapantasya.
May ibang babae pa ngang tumitili sa kanya at kung makatitig akala mo lulusawin 'tong si Xander. Kung hilahin ko kaya mga lalamunan nila at dukutin ko ang mga mata? Imbyerna.
Napapairap na lang ako sa mga bwisit na babaeng 'to.
"Mga pacute. Kainis," bulong ko sa sarili ko.
"Hmm? May sinasabi ka?"
"Wala. Guni guni mo lang 'yun."
Hinigpitan nya ang pagkakaakbay sakin at ginulo ang buhok ko. "Cute mo." Hindi ko na lang sya pinansin.
***
Dahil walang pasok ay niyaya ako ni Xander magpuntang mall. Wala naman akong ginagawa kaya sumama ako.
Nang magutom ay napagdesisyunan naming kumain sa isang fastfood. Habang nakapila at nagtuturo si Xander ng mga type niyang kainin, may babaeng grabe lang kung makatitig sa kanya.
Kapal ng mukha nito. Mukha namang coloring book ang mukha. Tsk.
"Anong orderin mo, Da?" tanong ko kay Xander. Medyo kumunot noo niya. "Ano na, Da?" Pagpaparinig ko sa babae.
Napangisi naman siya bigla at mas lumapit sa akin. "Hindi ko pa alam. Ma. Pero kung anong sa 'yo, ayun na lang din ang akin."
"Ay, taken na pala si pogi. Mukhang maagang natali," dinig kong sabi ng babaeng coloring book sa kasama niya.
Dumikit naman sa akin si Xander at bumulong, "Selosa ka talaga." Pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.
"We broke rule # 3, Ma," pagdidiin pa niya sa 'ma'.
Hindi na naman kami sumunod sa rule. Tsk. Malapit nang matapos ang fake relationship namin. Sa remaining days namin together, how many rules are we going to break again?